Home / Romance / CARMELLA / Chapter 7

Share

Chapter 7

Author: MrsDarcy
last update Last Updated: 2020-11-06 13:53:09

Flashback

"Nay hanggang kailan po nila tayo patitirain rito ng libre?" Tanong nya sa Nanay nya habang nag-aayos ng mga pinamili sa palengke, sinama sya ng Nanay nya mamalengke kanina, at halos madaanan nilang mag-ina nagbubulungan at alam nyang naririnig ng Nanay nya ang mga binubulong ng mga ito, tungkol sa Ate Grace nya at kay Mr. Gabrielle Del Castillo ang nagmamay-ari ng malaking resort sa bayan nila ang Del Castillo Resort.

Si Mr. Del Castillo ang may-ari ng bahay na tinitirhan nilang mag-anak ngayon, lumang bahay ito ng mga Del Castillo at wala ng tumitira dahil sa malapit sa Resort na nakatira ang pamilya ni Mr. Del Castillo. At pinatitira sila nito dahil tila may interes ito sa Ate Grace nya, at hindi nya ikinatutuwa yon. Alam nyang marami ng kinasama ang kapatid na di pamilya, na syang tila kinabubuhay nilang mag-anak, wala naman syang magawa kahit tutol sya, ano ba naman ang magagawa ng isang kinse anyos na dalagita tikom lang ng bibig ang kaya nyang gawin sa bawat nakikita nyang hindi magandang gawain ng mga kapatid na babae. Kahit naman ang Nanay nila walang magawa dahil nakikinabang din ito sa kung anong makukuha ng mga ito sa ginagawa. Tulad ngayon libre ang tinitirhan nila, isama pa na tila inaabutan ng monthly allowance ni Mr. Castillo ang ate nya na syang ibinibigay nito sa Nanay nila na sya naman ginagamit nila sa pang araw-araw.

"Hangga't gusto natin" sagot ng Nanay nya at nagsimula nang i ayos ang iluluto ngayong tanghalian. Linggo ngayon kaya wala syang pasok, pero sya lang at ang Nanay nya ang nasa bahay, ang Ate Grace nya hindi nya alam kung nasaan oh baka kasama ni Mr. Del Castillo ito, ang Ate Joan nya alam nyang nasa kabilang bayan dahil daw sa trabaho, alam naman nya kung ano ang ginagawa ng kapatid doon di ilang beses na nyang narinig sa mga ka eskwela na nakikita nilang pumapasok ang kapatid nya sa isang computer shop kung saan daw nagkakaroon ng konting palabas mula roon, alam naman nya kung ano ang klase ng trabaho nito. Maganda din naman ang Ate Joan nya pero mas maganda at kaakit-akit ang inosenteng mukha ng Ate Grace nya kaya naman sa tuwing may nagkakagusto ritong mayaman na di pamilya eh sunod ang layaw nito pati sila na aambunan, samantalang ang Ate Joan naman nya halos walang nagtatagal na lalake rito hindi nya alam kung bakit, kaya sa kung anu-anong raket nalang ang ginagawa nito gamit ang ganda. Sa kanilang lahat ang Ate Joan nya ang hindi naka tungtong ng highschool. Ang Ate Lanie naman nya kaka graduate lang ng highschool at nakapag enroll sa isang vocational school dahil na rin sa pera at tulong ni Mr. Del Castillo ay madalas din nyang marinig ang pangalan nito dahil pa iba-iba din ito ng sinasamahan sa mura nitong edad. Ewan nya kung bakit ganoon ang mga ginagawa ng mga kapatid, marahil dahil ba sa kahirapan? Dahil ba minsan naranasan na nilang magutom? Dahil ba nakaranas na sila ng hirap sobra-sobrang hirap sa buhay na ni maisubo ay wala sila? Tanong nya sa sarili. At tuwing naiisip nya ang nangyayari sa mga kapatid ay hindi nya maiwasan na mapaisip kung darating din ba ang panahon na magiging tulad sya ng mga ito? Sa edad nyang kinse wala pa ni isa syang naging nobyo, may mga nanligaw pero hindi nya binigyan ng pag-asa dahil aaminin nya sa sarili na nais nyang maging iba sa mga kapatid na babae, nais nyang ibang landas ang tahakin nya, nais nyang huwag marinig sa mga bibig ng mga tsismosa sa bayan nila ang pangalan nya, nais nyang makuha ang mga pangarap na hindi ginagamit ang ganda at katawan kundi ang talino.

"Anak sabihan mo nga ang Ate Grace mo na bumili na ng softdrinks at nakalimutan kung bumili" utos ng Nanay nya habang habala na ito sa pagluluto.

"Dito po ba kakain si Ate?"

"Oo at kasama nya si Mr. Del Castillo, kaya maglinis kana muna ng sala anak baka sabihin eh pinapabayaan nating itong bahay nya" utos ng Nanay nya. Tumango nalang sya at tumayo mula sa sofa at sinimulan na nyang maglinis.

Kilala sa bayan nila ang mga Del Castillo dahil nabibilang ang mga ito sa mga mayayaman sa bayan nila. Kaya lalong nagiging maingay ang pangalan ng Ate Grace nya dahil walang hindi nakakakilala kay Mr. Del Castillo na syang sinasamahan ng kapatid ngayon.

"Mella! Halika dali!" Tawag mula sa labas ng bahay. Nagtatakbo sya palabas at nakita ang Atw Grace nya sa tapat ng kulay pulang mamahaling sasakyan sa tapat ng gate.

"Ate bakit?"

"Halika dali!" Masiglang tawag nito sa kanya at lumapit sya, nakita nya si Mr. Del Castillo na kabababa lang sasakyan.

"Tignan mo ano meron sa likod" utos ng Ate nya at tinulak sya papunta sa likod ng pick up. Nakita nya ang bike na kulay pink sa likod. Napanganga sya at sinulyapan ang kapatid na nasa tabi na si Mr. Del Castillo nakangiti din ito sa kanya.

"Para sa iyo yan Mella" sabi ni Mr. Del Castillo.

"Talaga oh?" Masiglang sabi nya at mabilis na ibinaba ang bike sa sasakyan.

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo yan eh" sabi ng Ate nya at lumapit sa kanya.

"Salamat ate" masiglang sabi nya.

"Grace! Pumasok na kayo sa loob kakain na" tawag ng Nanay nya nakadungaw sa pinto.

"Nay! Tignan nyo may bike na ko, di na ko maglalakad ng malayo pag papasok sa eskwela" masiglang sabi nya at mabilis na sinakyan ang bagong-bangong bisikleta.

"Maingat ka ah dahan-dahan ka" bilin ng Nanay nya.

"Thank you po Mr. Del Castillo" pasalamat nya rito at mabilis na pinaandar ang bike. Alam nyang pera ni Mr. Del Castillo ang pinambili ng Ate Grace nya sa bike. Wala naman syang magagawa kundi tanggapin nalang kesa sa mag inarte pa sya malinaw naman sa sikat ng araw kung ano ang relasyon ng Ate nya kay Mr. Del Castillo.

Malayo-layo na rin ang nararating nya sa pag ba-bike at natutuwa sya dahil ihip ng hangin ang dumadampi sa mukha nya at gusto nya ang napakagaan na pakiramdam. Huminto say sa tapat ng gate ng Del Castillo Resort. Nakaramdam sya ng guilt habang nakatingin sa malawak na gate ng Resort ng sunud-sunod na busina ang narinig nya mula sa likod. Mabilis nyang itinabi ang bisikleta sa gilid para mabigyan ng daan ang magarang sasakyan.

Nakita nyang sakay ng gray na kotse si Aiden Gabrielle Del Castillo. Panganay na anak ni Mr. Del Castillo. Bukas ang bintana ng driver seat kaya nakita nya ito, nagkatinginan sila at hindi nakaligtas sa kanya ang masamang tingin nito, nagulat sya nang una pero naisip nyang nasa bahay nila si Mr. Del Castillo ngayon at kasama ang Ate nya imbes na kasama nito ang pamilya. Napalunok sya at mabilis na hinila ang bike at sinakyan yon pinaandar hanggang sa may gilid ng mababang bakod ng Resort. Bumuntong hininga sya at liningon ang pinanggalingan, wala na roon ang kotse. Bumaba sya sa bike at isinandal ang bike sa pader at umakyat sya doon.

Mulas sa pader nasisilip nya ang malawak na Resort mga kubo, cottages, mga turistang ini-enjoy ang malalakas na hampas ng alon. Natutuwa syang pagmasdan ang payapang lugar ng Resort. Naupo sya ninamnam ang malamig na simoy ng hangin at pinakinggan pagaspas ng tubig.

"What are you doing here?!"


Related chapters

  • CARMELLA   Chapter 8

    "Bakit ka umakyat dyan?" Tanong mula sa may likuran nya. Mabilis syang napalingon at nakita si Aiden na kunot noong nakatingin sa kinatatayuan nya. "Bumaba ka dyan, baka mahulog ka" sabi nito, pero wala syang nahimigang pag-aalala sa tono."Ah... eh... pasensya na po" paumanhin nya at mabilis na tumalon sa bakod nakita pa nyang nagulat si Aiden sa ginawa nya."Sorry po" paumanhin nya ulit at napatingin sa binatang nakatayo sa harapan nya. Matangkad ito, may pagka moreno, ang buhok nito medyo makapal tinatangay ng hangin pero bagay naman rito, may magagandang mata at makakapal na kilay, matangos ang ilong at manipis na labi na bumagay naman dito. Napakasimple lang ng suot nito, puting t-shirt at itim na pantalon pero may kakaiba ng dating sa kanya."Ano bang tinigtignan mo dyan?" Tanong nito na nagpahinto sa kanya sa palihim na pagsuri rito."

    Last Updated : 2020-11-06
  • CARMELLA   Chapter 9

    "Papasok na po ako" paalam nya kinabukasan."Ingat ka Mella dahan-dahan ka ah sa pag ba bike ah, huwag kang nagmamadali" bilin ng Nanay nya."Opo Nay" sagot nya at inilabas na ang bike sa gate."Mella! Mella!" Tawag ng Ate Grace nya at tumatakbong lumabas ng gate. Bagong gising palang ito at nakapantulog pa."Idagdag mo to sa baon mo" sabi nito at iniabot ang limang daan."Huwag na ate may binigay na si Nanay sa akin""Ano ka ba, idagdag mo, kumain ka sa Ice cream house" pamimilit nito kaya naman kinuha na nya para maitabi nalang."Anong nangyari sa bike mo?" Biglang tanong ng Ate nya ng makita ang basag na salamin nito sa gilid ng manibela.Hindi nya sinabi kanino man na nakita nya si Aiden Del Castillo, hindi nya sinabi na halos durugin na sya nito sa mga kamay nito dahil sa pagkasukla nit

    Last Updated : 2020-11-06
  • CARMELLA   Chapter 10

    Nag-iiyak sya habang tinatahak nya ang daan papuntang Del Castillo Resorts alam nyang hindi sya dapat magtunggo roon matapos ang nangyari sa kanila ni Aiden kahapon, pero sa nais nyang kumalma at sa tabing dagat lang sya makakalma nais nyang masamyo ang malamig na hangin doon at marinig ang mga alon na nagmumula sa dagat.Nang makarating sya doon kaagad nyang itinabi ang bike at bitbit ang sundae na binili umakyat sya sa pader at naupo doon. Humugot sya ng malalim na hininga at tinuloy ang pag-iyak. Hindi naman ito ang unang beses na tila nabastos sya pero ito ang unang beses na andoon si Aiden at ayaw nyang isipin pero tila syang ipinangtanggol ni Aiden. Pinangtanggol nga ba sya ni Aiden kay Jeff kanina? Hindi ba galit ito sa kanya at ang nangyari kanina patunay lang na hindi talaga maganda ang reputasyon ng pamilya nya sa bayan nila."Bakit ba lagi kang nandito?" Tinig na nagmula sa likuran nya. Napalingon sya at naki

    Last Updated : 2020-11-06
  • CARMELLA   Chapter 11

    Kinabukasan nagising sya sa mga sigawan mula sa labas ng silid nila. Mabilis syang tumayo at tumakbo palabas ng silid."Nay!" Tawag nya at mabilis na tumakbo sa labas ng pinto ng makita ang Nanay at mga kapatid na nakikipagtalo sa labas."Wala kayong karapatan paalisin kami rito! Kayo umalis!" Sigaw ng Ate Joan nya sabay bato pa ng lagayan ng basura."Ate, Nay anong pong nangyayari?" Tanong nya at nilapitan ang Nanay nya na nakaupo lang sa tabi habang sigaw ng sigaw ang Ate Joan nya at Ate Lanie."Ano po bang nangyayari?" Tanong nya ulit at ginala ang paligid, wala ang Kuya Erwin nya at ang Ate Grace nya."Umalis na kayo!" Sigaw ng Ate Lanie nya at pinagtulakan ang dalawang lalaki palabas ng gate."Pag kayo nadatnan pa ng amo namin mamaya lagot kayo!" Banta ng isa sa dalawang lalaki."Kayo na nga binal

    Last Updated : 2020-11-06
  • CARMELLA   Chapter 12

    Kanina pa sya paroo't parito, hindi sya mapakali alas siyete na ng gabi wala parin ang Ate Grace nya at nakakasigurado syang wala rin si Mr. Del Castillo sa bahay ng mga ito. Ano nalang mangyayari pag tinotoo ni Aiden ang banta nitong ito mismo ang magpapalayas sa kanila rito sa bahay. Ano nalang kung kaladkarin sya palabas ni Aiden? Anong mararamdaman nya pag nangyari yon? "Mella! Tumigil ka nga ng kalalakad dyan!" Sita ng Ate Joan nya. Sinabi nya ang pag babanta ni Aiden sa mga ito, ang mga nangyari sa tapat ng eskwelaan kung saan sinadya talaga syang hintayin ni Aiden sa labas para lang pagbantaan."Asaan na ba kasi si Ate Grace?" Tanong nya at sumilip sa relo sa dingding. Mag aalas syete kinse na."Gaga din kasi ang babaing yan eh kung bakit kasi sumama-sama tayo tuloy ang nahihirapan!" Maktol ng Ate Lanie nya na tulad nya hindi rin mapakali dahil marahil tulad nya natatakot din sa mga pwede

    Last Updated : 2020-11-06
  • CARMELLA   Chapter 13

    Present."Mella kumusta naman ang unang araw mo sa Del Castillo Resorts?" Tanong ni May ng makasabay ito sa School Cafeteria."Ok lang" tipid na sagot nya. Ayaw sabihin sa kaibigan na unang araw palang nya pinapalayas na sya ni Aiden. Inaasahan naman nyang mangyayari yon, pero hindi sa unang araw."So ano, nakita mo ba si Aiden Del Castillo roon?" Excited na tanong nito at siniko pa sya."Narinig ko bumalik na raw sya sa San Miguel, at ito na raw ang mag mamanage sa Resorts nila, alam mo bang si Aiden Del Castillo ang topic ng mga guest sa VincElla Hotel" paliwanag nito. Hindi sya sumagot. Tinuon ang pansin sa kinakain na pancit, pero di naman nya nalalasaan na dahil na kay Aiden ang isip nya. Matapos ang nangyaring insedente sa kanila ni Aiden kahapon, tila naulit ang mga nangyari limang taon na ang nakakalipas. Walang nagbago kay Aiden sa loob ng limang taon, mas lalo lang itong naging makisig at gumuwapo pa at pa

    Last Updated : 2020-11-06
  • CARMELLA   Chapter 14

    Aiden"Ma, I'm sorry, I can't make it, ang dami pang trabaho dito sa Resorts" sagot nya sa ina ng tawagan ito kinagabihan. Nakailang tawag na ito sa kanya sa cellphone nya at sa Secretary nya pero hindi na nakausap dahil sa dami ng inaasikasong mga papeles sa Resorts."Hijo, alam mo naman na schedule ng dinner ni Ivy ngayon sa bahay diba?" "Yes, Ma, but and dami kong paperworks na kailangan tapusin tonight""I'll set another dinner date when you are not busy Hijo, just call Ivy tonight and explain everything to her. Baka magtampo sa iyo yon" sagot ng Mama nya sa kabilang linya."Yes Ma, don't worry I'll call her tonight. Enjoy the dinner and goodnight Ma" paalam nya sa ina at inilapag sa ibabaw ng mesa ang cellphone. Hinagod nya ang batok na kanina pa sumasakit sa dami ng trabahong kailangan nyang gawin."I'm not supposed to be

    Last Updated : 2020-11-11
  • CARMELLA   Chapter 15

    Carmella"Sino yon Mella?" Nakangusong tanong ng Ate Lanie nya ng salubungin sya nito sa pinto. "Sinong naghatid sa iyo?" usisa nito habang nagkanda haba-haba ang leeg nito sa pagtanaw sa labas."Kaibigan lang" matamlay na sagot nya at nagtuloy na sa pagpasok sa loob."Wala ka namang kaibigan ah" nakasunod na sabi nito. Nagkibit balikat lang sya at naramdaman ang jacket na nakasabit sa mga balikat."Kanino jacket yan? Mukhang mahal ah" tanong nito at mabilis na hinila ang jacket sa balikat nya."Ang bango pa ah" habang inaamoy-amoy ang jacket."Mayaman ba yong naghatid sa iyo? Lalaki yon no? Ano jowa mo?" Sunod-sunod na usisa nito habang hawak hawak parin nito ang jacket ni Aiden at inaamoy-amoy."Akin na nga yan!" Inis na sabi nya sabay hila sa jacket at naglakad na paakyat sa taas. Pinagpasalamat nyang ang Ate Lanie nalang nya

    Last Updated : 2020-11-11

Latest chapter

  • CARMELLA   The End

    "Wow" Anas nya ng makita kung gaano kaganda ang ayos ng Del Castillo Resorts para sa kasal nila ni Aiden. Ang mga kapatid ni Aiden ang nag-asikaso sa pag-aayos ng venue, at ang Mama naman ni Aiden ang nag-ayos para sa reception. At ang Papa naman ni Aiden ang nakiusap sa pari para sa kanila. At sila ni Aiden wala namang ibang ginawa kundi i advance ang honeymoon nila sa bahay ng mga Del Castillo."Nagustuhan mo ba Ate Mella?" tanong ng bunsong kapatid ni Aiden."Oo naman" naiiyak na sabi nya, dahil pakiramdam nya nasa cloudnine sya. Nakakaiyak dahil lahat ng pinapangarap nya ay nakuha na nya. Unang-una si Aiden ang asawa nya at ang magiging anak nila, bonus nalang sa kanya ang mga materyal na bagay at kung ano mang meron si Aiden."Mella, hija halika na mag bihis kana" tawag ni Mrs. Del Castillo sa kanya. Agad nyang pinahid ang mga luhang nais pumatak. At ngumiti sa Mama ni Aiden na magiliw na nakangiti sa kanya."Tara na ate Mella" magiliw na yaya

  • CARMELLA   Chapter 61

    Pagdating nila sa silid ni Aiden, agad syang humanga sa laki at ganda ng silid nito, tila buong bahay nila ang lawak non. Isama pa na kumpleto sa kagamitan ang silid. Alam nyang may kaya talaga ang mga Del Castillo."Welcome to my room Carmella" turing nito at niyakap sya mula sa likod. Ngumiti sya at hinawakan ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Naramdaman nya ang init ng hininga nito sa batok. Nakaramdam syang ng kakaibang init. Aaminin nyang na miss nya si Aiden, dahil mula kaninang pagdating nila ng San Miguel ay hindi pa sila nito nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang."I love you Aiden" bulong nya, at umikot paharap sa asawa. Oo asawa na nya si Aiden mag-asawa na sila nito at muli silang ikakasal sa susunod na linggo, at magiging Aiden Del Castillo sya sa ikalawang pagkakataon."I love you more Carmella" he whispered and kissed her passionately, she respond seducing her husband. Of course dapat lang na may mangyari sa kanila ni Aiden sa l

  • CARMELLA   Chapter 50

    "Huwag mo ba kaming intindihin Mella, masaya naman na kami" Sabi ng Nanay nya ng pasyalan ang mga ito. Kasama nya si Aiden na pumunta sa inuupahang bahay nila."Pero Nay, gusto ko po sanang andoon kayo sa kasal ko" pakiusap nya sa ina. Nasabi nya sa ina na ikakasal na sila ni Aiden. At tanggap na sya ng pamilya Del Castillo."Carmella, nakakahiya naman sa pamilya ni Aiden" bulong ng nanay nya at sinulyapan nito si Aiden, na tahimik na nakaupo sa tabi nya. Alam nyang nahihiya ang Nanay nya sa mga Del Castillo, dahil na rin sa pagiging kasangkapan ng Ate Grace nya sa naging relasyon ni Mr. Del Castillo kay Mrs. Alvarez."Nay, napag-usapan na po namin yan ni Aiden" sagot nya at sinulyapan si Aiden. Tumango ito at hinawakan sya sa kamay.Matapos nilang makausap ang mga magulang ni Aiden kanina, kaagad nya itong niyayang pumunta sa kanila para ibalita sa pamilya nya ang napakagandang balita."Sa totoo nyan Mella, aalis na kami ng mga kapatid mo di

  • CARMELLA   Chapter 59

    Kinabukasan nagbalik sila ng San Miguel, haharapin na nila ang mga magulang ni Aiden pati na buong San Miguel."Are you ok?" tanong ni Aiden, habang nagmamaneho."Yeah" tipid na sagot nya, at ngumiti."Just relax Carmella" sabi nito, sabay hawak sa kamay nya."I love you, always remember that""I know, and I love you too Aiden" nakangiting sagot nya, at kahit papano nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman.Pagpasok sa loob ng bahay ng mga Del Castillo ay mahigpit ang hawak nya kay Aiden. Natatakot syang galit ng mga magulang ni Adien ang sasalubong sa kanila, lalo na ngayon kasal na si Aiden sa kanya. Siguradong alam na ng mga magulang ni Aiden ang kasal nila kaya sila pinabalik ng San Miguel. May tiwala sya kay Aiden at alam nyang hindi sya bibiguhin nito lalo na't magkakaanak na sila."Sina Papa't Mama?" tanong ni Aiden sa may edad na sumalubong sa kanila sa pinto."Nasa komedor na po Sir" sagot ng may edad na babae. Naglakad na

  • CARMELLA   Chapter 58

    Kinabukasan nauna syang nagising kay Aiden. nakadapa ang hubad nitong katawan na tanging pang-ibaba lang ang natatakpan at masasabi nyang ang asawa nya ang may pinakamagandang katawan. Pinagmasdan nya ang mahimbing na natutulog na asawa na may gwapong mukha, dahan-dahan nyanh hinaplos ang mukha ng asawa na lalong nagkadagdag sa kgwapuhan at appeal nito ang magaspang na balbas na tumutubo, dati hindi sya na aatrak sa mga lalaking may balbas o bigote, pero nang dahil kay Aiden ay nagbago ang pananaw nya, kung sa bagay wala namang ibang lalaking pumukaw sa atensyon nya si Aiden lang. mula noon hanggang ngayon si Aiden lang ang lalake sa puso nya at asawa na nya ngayon ang lalaking dating pangarap lang nya."I love you Aiden" bulong nya sa asawa at maingat na hinalikan sa pisngi, ayaw muna nyang magising ito para naman makapag pahinga ang asawa alam nyang tulad nya pagod din si Aiden lalo na kagabi hindi na nya matandaan kung ilang beses ba syanh inangkin ng as

  • CARMELLA   Chapter 57

    Sa malaking simbahan ng San Miguel sila nagtungo ni Aiden, buo na ang desisyon nilang magpakasal kahit tutol ang mga magulang ni Aiden, wala ng makakapaghiwalay sa kanila ni Aiden, mabubuo na ang pamilya nila."I can't believe na sa ganitong kasalan mo ko i-invite" biro ni Harvey ng makapasok na sila sa loob ng simbahan. Tinawagan ito ni Aiden at sinabing kailangan nito ang tulong kaya naman dali-dali itong nagpunta sa simbahan. Gabi na at sarado na ang simbahan pero ang mga pari ay tila mga Doctor yan gising yan para sa serbisyo. Marahil nagpapahinga na ang Pari kaya ginising muna ito, dahil medyo kanina pa sila naghihintay sa loob ng simbahan."Don't worry Harvey sa big wedding namin babawi kame" sagot ni Aiden at hinawakan sya sa kamay at ngumiti sa kanya, ngumiti sya kay Aiden alam nyang kayang ibigay ni Aiden ang bonggang kasal tulad ng mga kilalang kinasal sa simbahan ng San Miguel, pero hindi yon ang mahalaga sa kanya, ang mahalaga magkasama sila at masaya

  • CARMELLA   Chapter 56

    "Nababaliw kana ba Aiden? Dinala mo pa talaga rito ang babaing yan!" Sigaw ni Mrs Del Castillo nang makarating na sila sa bahay ng mga ito. Nakaramdam sya ng takot ng marinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo at napaatras ng isang akbang, sinulyapan sya ni Aiden at pinisil ang kamay nyang mahigpit na hawak nito, tila nais nitong iparating na huwag syang matakot dahil andun ito at hindi sya pababayaan. "Ma, please Carmella is my girlfriend now""Girlfriend?! naiibang kana talaga Aiden! ano bang nakita mo sa babaing yan! isa yang Perez!" hiyaw ni Mrs. Del Castillo. At mula sa hagdan bumungad ang Papa ni Aiden at dalawang kapatid na babae ni Aiden, marahil narinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo. nakita nyang masamang tingin ang pinukol sa kanya ng Papa ni Aiden habang pababa ito ng mataas na hagdan. Ito ang unang beses na pagtungtong nya ng bahay ng mga Del Castillo at masasabi nyang mayroong marangyang buhay ang mga ito, kung sabagay nabibilang ang

  • CARMELLA   Chapter 55

    Dumaan ang tila mahabang sandaling katahimikan sa kanila ni Aiden matapos nyang sabihin na buntis sya, tila hindi kaagad rumehistro sa isip ni Aiden ang sinabi nya. nanatili lang itong nakatitig sa kanya, pakiramdam tuloy nya tumigil ang ikot ng oras at halos pakiramdam nya sasabog na ang dibdib nya sa kaba. Sa kabang paano kunh hindi tanggapin ni Aiden ang anak nila? Paano kung sabihin ni Aiden na hindi pa ito handa? anong gagawin nya kung sakaling tanggihan ni Aiden ang anak nila."Carmella" simula nito na. nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig rito habang hinihintay ang sasabihin nito. namimigat na rin ang mga mata nya sa luhang nais ng pumatak kanina pa dahil sa pagsasawalang kibo ni Aiden."Oh god Carmella" anas nito at tumayo mula sa kinauupuan at laking gulat nya ng niyakap sya nito sa bewang at binuhat mula sa pakakaupo."Daddy na ko, Daddy na ko Carmella, magkaka baby na tayo, magiging isang buong pamilya na tayo" sabi nit

  • CARMELLA   Chapter 54

    "Are you ok?" May pag-aalalang tanong sa kanya ni Aiden ng makarating na sila sa Del Castillo Resorts. Kanina pa kasi nakaparada ang kotse ni Aiden sa loob ng Resorts pero hindi pa nya makuhang kumilos pababa, tila sya natatakot parin."Carmella I'm here" Sabi nito at hinawakan sya sa kamay."Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo, kung ano man ang kinatatakot mo andito ako, hindi kita pababayaan" Napangiti sya sa sinabi ni Aiden. Alam naman nyang hindi sya pababayaan ni Aiden,hindi sila nito pababayaan sila ng magiging anak nila."Salamat" bulong nya at hinaplos ang gwapong mukha."Let's go para makapag pahinga ka na" tumango sya rito at binuksan ang passenger seat. Sabay na silang bumaba ng kotse ni Aiden. Malalim na ang gabi kaya halos wala ng tao sa labas ng Resorts, marahil nagpapahinga na. Linanghap nya ang simoy ng hangin, ramdam na nya na nasa San Miguel na sya."Na miss mo b

DMCA.com Protection Status