Nag-iiyak sya habang tinatahak nya ang daan papuntang Del Castillo Resorts alam nyang hindi sya dapat magtunggo roon matapos ang nangyari sa kanila ni Aiden kahapon, pero sa nais nyang kumalma at sa tabing dagat lang sya makakalma nais nyang masamyo ang malamig na hangin doon at marinig ang mga alon na nagmumula sa dagat.
Nang makarating sya doon kaagad nyang itinabi ang bike at bitbit ang sundae na binili umakyat sya sa pader at naupo doon. Humugot sya ng malalim na hininga at tinuloy ang pag-iyak. Hindi naman ito ang unang beses na tila nabastos sya pero ito ang unang beses na andoon si Aiden at ayaw nyang isipin pero tila syang ipinangtanggol ni Aiden. Pinangtanggol nga ba sya ni Aiden kay Jeff kanina? Hindi ba galit ito sa kanya at ang nangyari kanina patunay lang na hindi talaga maganda ang reputasyon ng pamilya nya sa bayan nila.
"Bakit ba lagi kang nandito?" Tinig na nagmula sa likuran nya. Napalingon sya at naki
Kinabukasan nagising sya sa mga sigawan mula sa labas ng silid nila. Mabilis syang tumayo at tumakbo palabas ng silid."Nay!" Tawag nya at mabilis na tumakbo sa labas ng pinto ng makita ang Nanay at mga kapatid na nakikipagtalo sa labas."Wala kayong karapatan paalisin kami rito! Kayo umalis!" Sigaw ng Ate Joan nya sabay bato pa ng lagayan ng basura."Ate, Nay anong pong nangyayari?" Tanong nya at nilapitan ang Nanay nya na nakaupo lang sa tabi habang sigaw ng sigaw ang Ate Joan nya at Ate Lanie."Ano po bang nangyayari?" Tanong nya ulit at ginala ang paligid, wala ang Kuya Erwin nya at ang Ate Grace nya."Umalis na kayo!" Sigaw ng Ate Lanie nya at pinagtulakan ang dalawang lalaki palabas ng gate."Pag kayo nadatnan pa ng amo namin mamaya lagot kayo!" Banta ng isa sa dalawang lalaki."Kayo na nga binal
Kanina pa sya paroo't parito, hindi sya mapakali alas siyete na ng gabi wala parin ang Ate Grace nya at nakakasigurado syang wala rin si Mr. Del Castillo sa bahay ng mga ito. Ano nalang mangyayari pag tinotoo ni Aiden ang banta nitong ito mismo ang magpapalayas sa kanila rito sa bahay. Ano nalang kung kaladkarin sya palabas ni Aiden? Anong mararamdaman nya pag nangyari yon? "Mella! Tumigil ka nga ng kalalakad dyan!" Sita ng Ate Joan nya. Sinabi nya ang pag babanta ni Aiden sa mga ito, ang mga nangyari sa tapat ng eskwelaan kung saan sinadya talaga syang hintayin ni Aiden sa labas para lang pagbantaan."Asaan na ba kasi si Ate Grace?" Tanong nya at sumilip sa relo sa dingding. Mag aalas syete kinse na."Gaga din kasi ang babaing yan eh kung bakit kasi sumama-sama tayo tuloy ang nahihirapan!" Maktol ng Ate Lanie nya na tulad nya hindi rin mapakali dahil marahil tulad nya natatakot din sa mga pwede
Present."Mella kumusta naman ang unang araw mo sa Del Castillo Resorts?" Tanong ni May ng makasabay ito sa School Cafeteria."Ok lang" tipid na sagot nya. Ayaw sabihin sa kaibigan na unang araw palang nya pinapalayas na sya ni Aiden. Inaasahan naman nyang mangyayari yon, pero hindi sa unang araw."So ano, nakita mo ba si Aiden Del Castillo roon?" Excited na tanong nito at siniko pa sya."Narinig ko bumalik na raw sya sa San Miguel, at ito na raw ang mag mamanage sa Resorts nila, alam mo bang si Aiden Del Castillo ang topic ng mga guest sa VincElla Hotel" paliwanag nito. Hindi sya sumagot. Tinuon ang pansin sa kinakain na pancit, pero di naman nya nalalasaan na dahil na kay Aiden ang isip nya. Matapos ang nangyaring insedente sa kanila ni Aiden kahapon, tila naulit ang mga nangyari limang taon na ang nakakalipas. Walang nagbago kay Aiden sa loob ng limang taon, mas lalo lang itong naging makisig at gumuwapo pa at pa
Aiden"Ma, I'm sorry, I can't make it, ang dami pang trabaho dito sa Resorts" sagot nya sa ina ng tawagan ito kinagabihan. Nakailang tawag na ito sa kanya sa cellphone nya at sa Secretary nya pero hindi na nakausap dahil sa dami ng inaasikasong mga papeles sa Resorts."Hijo, alam mo naman na schedule ng dinner ni Ivy ngayon sa bahay diba?" "Yes, Ma, but and dami kong paperworks na kailangan tapusin tonight""I'll set another dinner date when you are not busy Hijo, just call Ivy tonight and explain everything to her. Baka magtampo sa iyo yon" sagot ng Mama nya sa kabilang linya."Yes Ma, don't worry I'll call her tonight. Enjoy the dinner and goodnight Ma" paalam nya sa ina at inilapag sa ibabaw ng mesa ang cellphone. Hinagod nya ang batok na kanina pa sumasakit sa dami ng trabahong kailangan nyang gawin."I'm not supposed to be
Carmella"Sino yon Mella?" Nakangusong tanong ng Ate Lanie nya ng salubungin sya nito sa pinto. "Sinong naghatid sa iyo?" usisa nito habang nagkanda haba-haba ang leeg nito sa pagtanaw sa labas."Kaibigan lang" matamlay na sagot nya at nagtuloy na sa pagpasok sa loob."Wala ka namang kaibigan ah" nakasunod na sabi nito. Nagkibit balikat lang sya at naramdaman ang jacket na nakasabit sa mga balikat."Kanino jacket yan? Mukhang mahal ah" tanong nito at mabilis na hinila ang jacket sa balikat nya."Ang bango pa ah" habang inaamoy-amoy ang jacket."Mayaman ba yong naghatid sa iyo? Lalaki yon no? Ano jowa mo?" Sunod-sunod na usisa nito habang hawak hawak parin nito ang jacket ni Aiden at inaamoy-amoy."Akin na nga yan!" Inis na sabi nya sabay hila sa jacket at naglakad na paakyat sa taas. Pinagpasalamat nyang ang Ate Lanie nalang nya
AidenPagpasok sa opisina hinihagis nya ang susi sa kotse at pabagsak na umupo sa swivel chair at inikot yon paharap sa salamin na bintana, kung saan nakikita nya ang halos kabuuan ng Del Castillo Resorts.Pagbalik nya kagabi sa Resorts kaagad nyang hinanap ang lalaking nambatos kay Carmella at kaagad pinalabas ng Resorts nya, kasama ang mga kasamaan nito, ayaw nya ng gulo kaya binalik na lang nya ang bayad naman mga ito para hindi na humaba pa ang usapan, basta ang nais nya mawala oras mismo ang taong nambastos kay Carmella. Kung hindi lang malakas ang pagpipigil na ginawa nya baka nabugbog pa nya ang dayuhan pero ginawa nya lahat ang pagpipigil dahil ayaw nyang madala sa eskandalo ang Resorts. At gaya ng sinabi nya kay Carmella ayaw nyang madikit ang pangalan nito sa Resorts nya. Alam nyang gulo ang dala ni Carmella sa Resorts nya kaya una palang pinapaalis na nya ito, pero matigas ang ulo at nagpupumilit na tapusin ang
Carmella"Bakit ka nakasakay sa kotse ni Aiden?" Mataray na tanong ni Liza habang nasa isang kubo at gumagawa sya ng report para ipasa mamaya sa HR."Hindi ba sinabihan na kita na huwag mong akitin si Aiden, dahil akin si Aiden!" Taas boses na sabi nito. Inikot lang nya ang mata at tinuloy ang pagsusulat."Sumagot ka pang kinakausap kita!" Sigaw nito sabay tabig sa mga gamit nya sa mesa."Ano bang problema mo!" Inis na sigaw rin nya at tinulak ito."Haba! Matapang ka ah!" Sabay tulak din nito sa kanya."Huwag ka ngang nagtatapang-tapangan dyan eh lahi naman kayo ng kaladkarin! Kaya ka nga nandito para masilaw mo si Aiden. Mga tulad ni Aiden ang tipo nyong magkakapatid hindi ba? Mayaman para maut-utan, tulad ni Grace peneraan ang Papa ni Aiden!" Sigaw nito na nagpawala sa pagtitimpi nya at malakas na sinampal ito sa pisngi. Tumagilid ang ulo n
Aiden"Aiden! We need to talk!" Bungad ng Mama nya ng makapasok na sya ng bahay. Wala talaga syang balak umuwi ng bahay, nais nyang sa cottage magpalipas ng gabi dahil maraming trabaho at marami syang iniisip kasama na roon ang paghalik nya kay Carmella na buong araw na gumulo sa isip nya. Ewan nya kung bakit nya hinalikan si Carmella, kung dahil ba naaawa sya rito dahil nahihirapan na ito sa buhay, dahil nakita nya itong umiiyak at aaminin nyang tears make him weak, oh dahil baka naman nais talaga nyang mahalikan ang mga labi ni Carmella."Good evening Ma" bati nya sa Mama at humalik sa pisngi. Nakataas ang kilay nito at alam nya ang dahilan. Kung hindi lang sya nito pinilit na umuwi hindi talaga sya uuwi ng bahay. Mula ng bumalik sya ng San Miguel bihira syang umuwi sa bahay nila, madalas sa Resorts sya nag iistay o di naman kaya sa condo unit nya sa Tragora Condo ilang kilomentro lang ang layo mula sa Resorts.
"Wow" Anas nya ng makita kung gaano kaganda ang ayos ng Del Castillo Resorts para sa kasal nila ni Aiden. Ang mga kapatid ni Aiden ang nag-asikaso sa pag-aayos ng venue, at ang Mama naman ni Aiden ang nag-ayos para sa reception. At ang Papa naman ni Aiden ang nakiusap sa pari para sa kanila. At sila ni Aiden wala namang ibang ginawa kundi i advance ang honeymoon nila sa bahay ng mga Del Castillo."Nagustuhan mo ba Ate Mella?" tanong ng bunsong kapatid ni Aiden."Oo naman" naiiyak na sabi nya, dahil pakiramdam nya nasa cloudnine sya. Nakakaiyak dahil lahat ng pinapangarap nya ay nakuha na nya. Unang-una si Aiden ang asawa nya at ang magiging anak nila, bonus nalang sa kanya ang mga materyal na bagay at kung ano mang meron si Aiden."Mella, hija halika na mag bihis kana" tawag ni Mrs. Del Castillo sa kanya. Agad nyang pinahid ang mga luhang nais pumatak. At ngumiti sa Mama ni Aiden na magiliw na nakangiti sa kanya."Tara na ate Mella" magiliw na yaya
Pagdating nila sa silid ni Aiden, agad syang humanga sa laki at ganda ng silid nito, tila buong bahay nila ang lawak non. Isama pa na kumpleto sa kagamitan ang silid. Alam nyang may kaya talaga ang mga Del Castillo."Welcome to my room Carmella" turing nito at niyakap sya mula sa likod. Ngumiti sya at hinawakan ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Naramdaman nya ang init ng hininga nito sa batok. Nakaramdam syang ng kakaibang init. Aaminin nyang na miss nya si Aiden, dahil mula kaninang pagdating nila ng San Miguel ay hindi pa sila nito nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang."I love you Aiden" bulong nya, at umikot paharap sa asawa. Oo asawa na nya si Aiden mag-asawa na sila nito at muli silang ikakasal sa susunod na linggo, at magiging Aiden Del Castillo sya sa ikalawang pagkakataon."I love you more Carmella" he whispered and kissed her passionately, she respond seducing her husband. Of course dapat lang na may mangyari sa kanila ni Aiden sa l
"Huwag mo ba kaming intindihin Mella, masaya naman na kami" Sabi ng Nanay nya ng pasyalan ang mga ito. Kasama nya si Aiden na pumunta sa inuupahang bahay nila."Pero Nay, gusto ko po sanang andoon kayo sa kasal ko" pakiusap nya sa ina. Nasabi nya sa ina na ikakasal na sila ni Aiden. At tanggap na sya ng pamilya Del Castillo."Carmella, nakakahiya naman sa pamilya ni Aiden" bulong ng nanay nya at sinulyapan nito si Aiden, na tahimik na nakaupo sa tabi nya. Alam nyang nahihiya ang Nanay nya sa mga Del Castillo, dahil na rin sa pagiging kasangkapan ng Ate Grace nya sa naging relasyon ni Mr. Del Castillo kay Mrs. Alvarez."Nay, napag-usapan na po namin yan ni Aiden" sagot nya at sinulyapan si Aiden. Tumango ito at hinawakan sya sa kamay.Matapos nilang makausap ang mga magulang ni Aiden kanina, kaagad nya itong niyayang pumunta sa kanila para ibalita sa pamilya nya ang napakagandang balita."Sa totoo nyan Mella, aalis na kami ng mga kapatid mo di
Kinabukasan nagbalik sila ng San Miguel, haharapin na nila ang mga magulang ni Aiden pati na buong San Miguel."Are you ok?" tanong ni Aiden, habang nagmamaneho."Yeah" tipid na sagot nya, at ngumiti."Just relax Carmella" sabi nito, sabay hawak sa kamay nya."I love you, always remember that""I know, and I love you too Aiden" nakangiting sagot nya, at kahit papano nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman.Pagpasok sa loob ng bahay ng mga Del Castillo ay mahigpit ang hawak nya kay Aiden. Natatakot syang galit ng mga magulang ni Adien ang sasalubong sa kanila, lalo na ngayon kasal na si Aiden sa kanya. Siguradong alam na ng mga magulang ni Aiden ang kasal nila kaya sila pinabalik ng San Miguel. May tiwala sya kay Aiden at alam nyang hindi sya bibiguhin nito lalo na't magkakaanak na sila."Sina Papa't Mama?" tanong ni Aiden sa may edad na sumalubong sa kanila sa pinto."Nasa komedor na po Sir" sagot ng may edad na babae. Naglakad na
Kinabukasan nauna syang nagising kay Aiden. nakadapa ang hubad nitong katawan na tanging pang-ibaba lang ang natatakpan at masasabi nyang ang asawa nya ang may pinakamagandang katawan. Pinagmasdan nya ang mahimbing na natutulog na asawa na may gwapong mukha, dahan-dahan nyanh hinaplos ang mukha ng asawa na lalong nagkadagdag sa kgwapuhan at appeal nito ang magaspang na balbas na tumutubo, dati hindi sya na aatrak sa mga lalaking may balbas o bigote, pero nang dahil kay Aiden ay nagbago ang pananaw nya, kung sa bagay wala namang ibang lalaking pumukaw sa atensyon nya si Aiden lang. mula noon hanggang ngayon si Aiden lang ang lalake sa puso nya at asawa na nya ngayon ang lalaking dating pangarap lang nya."I love you Aiden" bulong nya sa asawa at maingat na hinalikan sa pisngi, ayaw muna nyang magising ito para naman makapag pahinga ang asawa alam nyang tulad nya pagod din si Aiden lalo na kagabi hindi na nya matandaan kung ilang beses ba syanh inangkin ng as
Sa malaking simbahan ng San Miguel sila nagtungo ni Aiden, buo na ang desisyon nilang magpakasal kahit tutol ang mga magulang ni Aiden, wala ng makakapaghiwalay sa kanila ni Aiden, mabubuo na ang pamilya nila."I can't believe na sa ganitong kasalan mo ko i-invite" biro ni Harvey ng makapasok na sila sa loob ng simbahan. Tinawagan ito ni Aiden at sinabing kailangan nito ang tulong kaya naman dali-dali itong nagpunta sa simbahan. Gabi na at sarado na ang simbahan pero ang mga pari ay tila mga Doctor yan gising yan para sa serbisyo. Marahil nagpapahinga na ang Pari kaya ginising muna ito, dahil medyo kanina pa sila naghihintay sa loob ng simbahan."Don't worry Harvey sa big wedding namin babawi kame" sagot ni Aiden at hinawakan sya sa kamay at ngumiti sa kanya, ngumiti sya kay Aiden alam nyang kayang ibigay ni Aiden ang bonggang kasal tulad ng mga kilalang kinasal sa simbahan ng San Miguel, pero hindi yon ang mahalaga sa kanya, ang mahalaga magkasama sila at masaya
"Nababaliw kana ba Aiden? Dinala mo pa talaga rito ang babaing yan!" Sigaw ni Mrs Del Castillo nang makarating na sila sa bahay ng mga ito. Nakaramdam sya ng takot ng marinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo at napaatras ng isang akbang, sinulyapan sya ni Aiden at pinisil ang kamay nyang mahigpit na hawak nito, tila nais nitong iparating na huwag syang matakot dahil andun ito at hindi sya pababayaan. "Ma, please Carmella is my girlfriend now""Girlfriend?! naiibang kana talaga Aiden! ano bang nakita mo sa babaing yan! isa yang Perez!" hiyaw ni Mrs. Del Castillo. At mula sa hagdan bumungad ang Papa ni Aiden at dalawang kapatid na babae ni Aiden, marahil narinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo. nakita nyang masamang tingin ang pinukol sa kanya ng Papa ni Aiden habang pababa ito ng mataas na hagdan. Ito ang unang beses na pagtungtong nya ng bahay ng mga Del Castillo at masasabi nyang mayroong marangyang buhay ang mga ito, kung sabagay nabibilang ang
Dumaan ang tila mahabang sandaling katahimikan sa kanila ni Aiden matapos nyang sabihin na buntis sya, tila hindi kaagad rumehistro sa isip ni Aiden ang sinabi nya. nanatili lang itong nakatitig sa kanya, pakiramdam tuloy nya tumigil ang ikot ng oras at halos pakiramdam nya sasabog na ang dibdib nya sa kaba. Sa kabang paano kunh hindi tanggapin ni Aiden ang anak nila? Paano kung sabihin ni Aiden na hindi pa ito handa? anong gagawin nya kung sakaling tanggihan ni Aiden ang anak nila."Carmella" simula nito na. nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig rito habang hinihintay ang sasabihin nito. namimigat na rin ang mga mata nya sa luhang nais ng pumatak kanina pa dahil sa pagsasawalang kibo ni Aiden."Oh god Carmella" anas nito at tumayo mula sa kinauupuan at laking gulat nya ng niyakap sya nito sa bewang at binuhat mula sa pakakaupo."Daddy na ko, Daddy na ko Carmella, magkaka baby na tayo, magiging isang buong pamilya na tayo" sabi nit
"Are you ok?" May pag-aalalang tanong sa kanya ni Aiden ng makarating na sila sa Del Castillo Resorts. Kanina pa kasi nakaparada ang kotse ni Aiden sa loob ng Resorts pero hindi pa nya makuhang kumilos pababa, tila sya natatakot parin."Carmella I'm here" Sabi nito at hinawakan sya sa kamay."Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo, kung ano man ang kinatatakot mo andito ako, hindi kita pababayaan" Napangiti sya sa sinabi ni Aiden. Alam naman nyang hindi sya pababayaan ni Aiden,hindi sila nito pababayaan sila ng magiging anak nila."Salamat" bulong nya at hinaplos ang gwapong mukha."Let's go para makapag pahinga ka na" tumango sya rito at binuksan ang passenger seat. Sabay na silang bumaba ng kotse ni Aiden. Malalim na ang gabi kaya halos wala ng tao sa labas ng Resorts, marahil nagpapahinga na. Linanghap nya ang simoy ng hangin, ramdam na nya na nasa San Miguel na sya."Na miss mo b