"Carmella Perez" tawag ng receptionist matapos nyang maibigay ang lahat ng requirements na hiningi ng mga ito para makapag simula na syang mag OJT. Tumayo sya at lumapit sa magandang babaing nakangiti sa kanya.
"Sabi sa HR pwede ka na daw mag umpisa ngayon kung gusto mo" nakangiting sabi ng babae.
"Talaga oh?" Tumango ang kaharap at sinabing pumunta sya sa opisina para ma ipaliwanag sa kanya ang mga gagawin at maipakilala din sa mga makakasama nya sa OJT.
Matamis ang ngiti nya sa mga labi habang naglalakad sa malawak na pasilyo. Maliban sa mga cottages may hotel din ang Del Castillo Resort pero hindi ito tulad ng VincElla Hotel, katamtaman lang ang laki nito at kung hindi sya nagkakamali tatlong palapag lang ang taas ng building.
Alam nyang binalaan na sya ng kapatid na huwag ng ituloy ang pag O-OJT nya rito dahil baka pagsimulan pa ng gulo, pero ewan nya kung bakit gustong-gusto nyang makapasok sa Del Castillo Resort kahit ramdam nya sa sarili ang takot at panganib dahil baka magkaroon ng pagkakataon na makasalubong nya si Aiden at makilala na sya nito.
Bata palang sya gusto na nya ang Del Castillo Resort madalas syang dumadaan noon sa Resort pero hindi makapasok dahil wala syang pambayad, nagagandahan sya sa malawak na karagatan na nasisilayan nya mula sa katamtamang taas ng bakod ng Resort, isama na bukod sa maganda ang lugar, tahimik at pakiramdam nya sa tuwing naririnig nya ang mga alon ay tila musika ang mga yon na nagpapagaan sa pakiramdam nya. Isama pa na nais nyang makapag trabaho sa Resort kaya nga HRM ang kursong kinuha nya, nais nyang malaman kung papano pinapatakbo ang ganoong negosyo, at kung paano ito napapalago. Yan lang ang mga dahilan nya noon, pero matapos ang nangyaring eskandalo sa pagitan ni Aiden at ng pamilya nya ay nadagdagan ang dahilan nya kung bakit nais nyang makapasok sa mundo ng mga Del Castillo. Nais nyang malaman ang buong katotohanan nais nyang malaman ang nagawa ng pamilya nya noon sa pamilya ng mga Del Castillo at kung bakit nagawa ni Aiden ang ginawa sa kanila noon. Isama pa na nais nyang hihingi ng kapatawaran ang kapatid sa pamilya ng mga Del Castillo.
"Carmella Perez right?" Tawag pansin ng isang babae na marahil ka edad nya.
"Oo ako nga"
"So sister mo si Lailanie Perez?" Tanong ng kaharap at hindi nakaligtas sa kanya ang pagtaas ng kilay nito at pasimpleng pagsuri nito sa kanya na tila may pang mamaliit.
"Oo" tipid na sagot nya.
"I see, well, dito din ako mag O-OJT and I guess ikaw ang makakasama ko the whole month" sabi nito na habang nakangisi. Hindi nya kilala ang babae, hindi sya sigurado kung sa SMU ito pumapasok dahil iilan lang ang kilala nya sa unibersidad. At sa nakikita nya sa babae sa uri ng tingin at pag ngisi nito sa kanya, isama pa ang pag banggit nito sa pangalan ng kapatid nya ay hindi nya nagustuhan.
"I see" tanging sagot nya at linagpasan lang ito. Ramdam nya ang matalim na mga mata nito sa likod nya.
Matapos silang ng orientation nila kaagad na silang nag si punta sa mga assign na pwesto nila at gaya ng sinabi ng babae kanina na napag alaman nyang si Liza eh mag partner nga sila at alam nyang kailangan nyang pakisamaan ito.
"Wow, ang ganda talaga rito" bulalas ni Liza ng makababa na sila, papunta sa mga cottage na kailangan nilang i check isa-isa at gawan ng mga reports.
"Carmella!" Tawag sa kanya ni Liza habang binibilisan nito ang paglalakad. Liningon nya lang ito at tumakbo naman ito palapit sa kanya.
"Well, hindi naman ako andito para sa OJT talaga, actually nagpa assign lang ako dito para makita si Aiden, you know him right? Narinig ko kase na bumalik na daw ito sa San Miguel, and I want to meet him" Paliwanag nito, nagkibat balikat sya dahil ewan nya kung bakit nito kailangan sabihin sa kanya ang hidden agenda nito.
"Kaya ikaw nalang ang mag check ng mga cottages and then i share mo nalang ako sa mga reports na gagawin mo, ok?" Patuloy nito at mabilis na tumalikod at iniwan sya.
"Bahala ka sa buhay! Hindi ako magpapakahirap para sa iyo!" Inis na sagot nya at mabilis na lumakad na papunta sa mga cottage na kailangan nyang gawan ng report.
Inisa-isa nya ang mga ito at masasabi nya, ginastusan talaga ang bawat silid dahil lahat magaganda, kaya naman kahit weekdays eh may mga umuupa sa mga cottage. Masarap naman kasing magrelax sa tabi ng dagat lalo na kung gusto mo lang mag isip muna at iwan ang ingay sa labas.
Nasa huling cottage na sya ng mapansin tanghali na pala at hindi pa sya kumakain. Pero minabuti na muna nyang tapusin ang unang assignment bago kumain. Kumatok sya sa cottage pero walang sumasagot piniit din nya ang pinto hindi yon naka lock, marahil hindi pa ito okopado kaya naman minabuti na nyang pumasok sa loob para masilip at ma check ang mga kailangan.
Ginala nya ang paningin medyo kakaiba ito sa mga una nya napasukan, masyadong madilim ang loob na tila ba kahit umaga na sa labas eh gabi parin sa loob ng cottage.
"Who are you?" Tinig na nagpapitlag sa kanya, muntik pa syang mapatalon sa gulat ng marinig ang boses mula sa likuran nya mabilis syang humarap at kahit sa may kadiliman nakilala nya kaagad ang lalake si Aiden.
"Hindi mo ba alam na off limits ito?" Tanong nito at pinindot ang switch ng ilaw kumalat ang liwanag sa buong cottage.
"So...sorry.. po.." tarantang sagot nya. At sinubukang umiwas lumakad sya sa palapit sa may pinto pero hinarangan sya nito kaya naman bumunggo sya sa basang shirt nito.
"Ouch" mahinang tili nya at nag angat ng mukha nagtama ang kanilang mga mata, napansin nyang kumunot ang noo nito habang pinaglalandas ang mga mata sa mukha nya, kaya naman nag-iwas sya ng tingin rito.
"Who are you?" Tanong nito.
"Estudyante po ako andito lang po ako dahil sa OJT" sagot nya na hindi man tumitingin rito.
"Your name?"
"Carmella, Carmella Perez"
"Carmella? What a sweet name" bulong nito at humakbang sa loob ng cottage. Bumuntong hininga sya at pasimpleng napahawak sa dibdib na tila drum ng tambol ang tunog.
"Hindi ka ba nasabihan Carmella na off limits ang cottage na ito?" Tanong nito at sa pangalawang pagkakataon binanggit nito ang pangalan nya na ewan nya kung bakit naghatid ng kilabot sa buong katawan nya.
"Nakalimutan ko lang siguro" tanging sagot nya at humarap rito, nakita nyang kumukuha ito ng maiinom sa ref. At nakaroon sya ng laya na mapagmasdan ito, limang taon man ang lumipas hindi parin nagbago ang itchura nito, gwapo parin ito o tamang sabihin na mas gwapo na ito ngayon dahil mas lumaki ang katawan nito at lumakas ang dating. Humugot sya ng malalim na paghinga matapos nya itong mapag masdan.
"Kilala mo ba kung sino ako Carmella?" Tanong nito at binaggit nanaman nito ang pangalan nya.
"O.. opo... Kayo po ang anak ng may-ari ng Del Castillo Resort" sagot nya. Ngumisi ito at humakbang sa kinatatayuan nya, wala sa loob na napa atras sya at nagpatuloy ito sa paglapit at pag atras naman ang sa kanya hanggang sa madikit sya sa kahoy na dingding.
"Kilala mo ko alam ko" sabi nito at hiniharang ang dalawang kamay nito sa tabi ng mga balikat nya, tila sya nasukol nito habang nakatingin sa mga mata nya.
"Bakit oh?" Tanong nya at sinulyapan ang mga nakaharang nitong kamay sa kanya at lumapit pa ito ng isang hakbang at nasasamyo nya ang mainit na hininga nito na tila humahaplos sa mukha nya. Napalunok sya ng ilang beses dahil kahibla lang ang layo ng mga labi nito sa mga labi nya.
"Anong ginagawa ng isang Carmella Perez sa loob ng solar ko? Alam mo ba ang pinasok mo? Teretoryo ng kaaway" sabi nito na nagpagulat sa kanya at nanlalaking mga mata napatitig sya rito, kitang-kita nya ang pagbalasik ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya, nakikita nya ang galit at pagkasuklam na nakita nya noon rito limang taon na ang nakakalipas.
Nanatili syang walang kibo at nakatingin lang sa mga mata ni Aiden na puno ng galit. Paanong nangyari ganoon kadali syang nakilala ni Aiden,limang taon na ang lumipas at napaka bata pa nya ng mangyari yon, ngayon sa pagkikita nila kaagad sya nitong nakilala kung paano nya ito kaagad nakilala ganoon din ba ito sa kanya, ibig bang sabihin ganoon ito kagalit sa buong pamilya nya at hindi nito nakalimutan ang itchura nila sa paglipas ng mga taon."Ano bang ibig mong sabihin?" Nakuha nyang itanong sa kabila ng kaba at takot."You know exactly, Carmella don't fool me! Mariing sagot nito at pinaglandas nito ang mga mata sa mukha nya, pababa sa leeg at sa puting t-shirt na suot nya at sya mismo kitang-kita nya ang pag taas baba ng mga dibdib sa kabang nararamdaman nya at tila humahaplos ang mga yon sa basang t-shirt ni Aiden."Andito ako para.. para sa pag-aaral ko at-""Bakit sa Del Castillo? Anong binabalak mo? Inakala mo
Flashback"Nay hanggang kailan po nila tayo patitirain rito ng libre?" Tanong nya sa Nanay nya habang nag-aayos ng mga pinamili sa palengke, sinama sya ng Nanay nya mamalengke kanina, at halos madaanan nilang mag-ina nagbubulungan at alam nyang naririnig ng Nanay nya ang mga binubulong ng mga ito, tungkol sa Ate Grace nya at kay Mr. Gabrielle Del Castillo ang nagmamay-ari ng malaking resort sa bayan nila ang Del Castillo Resort.Si Mr. Del Castillo ang may-ari ng bahay na tinitirhan nilang mag-anak ngayon, lumang bahay ito ng mga Del Castillo at wala ng tumitira dahil sa malapit sa Resort na nakatira ang pamilya ni Mr. Del Castillo. At pinatitira sila nito dahil tila may interes ito sa Ate Grace nya, at hindi nya ikinatutuwa yon. Alam nyang marami ng kinasama ang kapatid na di pamilya, na syang tila kinabubuhay nilang mag-anak, wala naman syang magawa kahit tutol sya, ano ba naman ang magagawa ng isang kinse anyos na da
"Bakit ka umakyat dyan?" Tanong mula sa may likuran nya. Mabilis syang napalingon at nakita si Aiden na kunot noong nakatingin sa kinatatayuan nya. "Bumaba ka dyan, baka mahulog ka" sabi nito, pero wala syang nahimigang pag-aalala sa tono."Ah... eh... pasensya na po" paumanhin nya at mabilis na tumalon sa bakod nakita pa nyang nagulat si Aiden sa ginawa nya."Sorry po" paumanhin nya ulit at napatingin sa binatang nakatayo sa harapan nya. Matangkad ito, may pagka moreno, ang buhok nito medyo makapal tinatangay ng hangin pero bagay naman rito, may magagandang mata at makakapal na kilay, matangos ang ilong at manipis na labi na bumagay naman dito. Napakasimple lang ng suot nito, puting t-shirt at itim na pantalon pero may kakaiba ng dating sa kanya."Ano bang tinigtignan mo dyan?" Tanong nito na nagpahinto sa kanya sa palihim na pagsuri rito."
"Papasok na po ako" paalam nya kinabukasan."Ingat ka Mella dahan-dahan ka ah sa pag ba bike ah, huwag kang nagmamadali" bilin ng Nanay nya."Opo Nay" sagot nya at inilabas na ang bike sa gate."Mella! Mella!" Tawag ng Ate Grace nya at tumatakbong lumabas ng gate. Bagong gising palang ito at nakapantulog pa."Idagdag mo to sa baon mo" sabi nito at iniabot ang limang daan."Huwag na ate may binigay na si Nanay sa akin""Ano ka ba, idagdag mo, kumain ka sa Ice cream house" pamimilit nito kaya naman kinuha na nya para maitabi nalang."Anong nangyari sa bike mo?" Biglang tanong ng Ate nya ng makita ang basag na salamin nito sa gilid ng manibela.Hindi nya sinabi kanino man na nakita nya si Aiden Del Castillo, hindi nya sinabi na halos durugin na sya nito sa mga kamay nito dahil sa pagkasukla nit
Nag-iiyak sya habang tinatahak nya ang daan papuntang Del Castillo Resorts alam nyang hindi sya dapat magtunggo roon matapos ang nangyari sa kanila ni Aiden kahapon, pero sa nais nyang kumalma at sa tabing dagat lang sya makakalma nais nyang masamyo ang malamig na hangin doon at marinig ang mga alon na nagmumula sa dagat.Nang makarating sya doon kaagad nyang itinabi ang bike at bitbit ang sundae na binili umakyat sya sa pader at naupo doon. Humugot sya ng malalim na hininga at tinuloy ang pag-iyak. Hindi naman ito ang unang beses na tila nabastos sya pero ito ang unang beses na andoon si Aiden at ayaw nyang isipin pero tila syang ipinangtanggol ni Aiden. Pinangtanggol nga ba sya ni Aiden kay Jeff kanina? Hindi ba galit ito sa kanya at ang nangyari kanina patunay lang na hindi talaga maganda ang reputasyon ng pamilya nya sa bayan nila."Bakit ba lagi kang nandito?" Tinig na nagmula sa likuran nya. Napalingon sya at naki
Kinabukasan nagising sya sa mga sigawan mula sa labas ng silid nila. Mabilis syang tumayo at tumakbo palabas ng silid."Nay!" Tawag nya at mabilis na tumakbo sa labas ng pinto ng makita ang Nanay at mga kapatid na nakikipagtalo sa labas."Wala kayong karapatan paalisin kami rito! Kayo umalis!" Sigaw ng Ate Joan nya sabay bato pa ng lagayan ng basura."Ate, Nay anong pong nangyayari?" Tanong nya at nilapitan ang Nanay nya na nakaupo lang sa tabi habang sigaw ng sigaw ang Ate Joan nya at Ate Lanie."Ano po bang nangyayari?" Tanong nya ulit at ginala ang paligid, wala ang Kuya Erwin nya at ang Ate Grace nya."Umalis na kayo!" Sigaw ng Ate Lanie nya at pinagtulakan ang dalawang lalaki palabas ng gate."Pag kayo nadatnan pa ng amo namin mamaya lagot kayo!" Banta ng isa sa dalawang lalaki."Kayo na nga binal
Kanina pa sya paroo't parito, hindi sya mapakali alas siyete na ng gabi wala parin ang Ate Grace nya at nakakasigurado syang wala rin si Mr. Del Castillo sa bahay ng mga ito. Ano nalang mangyayari pag tinotoo ni Aiden ang banta nitong ito mismo ang magpapalayas sa kanila rito sa bahay. Ano nalang kung kaladkarin sya palabas ni Aiden? Anong mararamdaman nya pag nangyari yon? "Mella! Tumigil ka nga ng kalalakad dyan!" Sita ng Ate Joan nya. Sinabi nya ang pag babanta ni Aiden sa mga ito, ang mga nangyari sa tapat ng eskwelaan kung saan sinadya talaga syang hintayin ni Aiden sa labas para lang pagbantaan."Asaan na ba kasi si Ate Grace?" Tanong nya at sumilip sa relo sa dingding. Mag aalas syete kinse na."Gaga din kasi ang babaing yan eh kung bakit kasi sumama-sama tayo tuloy ang nahihirapan!" Maktol ng Ate Lanie nya na tulad nya hindi rin mapakali dahil marahil tulad nya natatakot din sa mga pwede
Present."Mella kumusta naman ang unang araw mo sa Del Castillo Resorts?" Tanong ni May ng makasabay ito sa School Cafeteria."Ok lang" tipid na sagot nya. Ayaw sabihin sa kaibigan na unang araw palang nya pinapalayas na sya ni Aiden. Inaasahan naman nyang mangyayari yon, pero hindi sa unang araw."So ano, nakita mo ba si Aiden Del Castillo roon?" Excited na tanong nito at siniko pa sya."Narinig ko bumalik na raw sya sa San Miguel, at ito na raw ang mag mamanage sa Resorts nila, alam mo bang si Aiden Del Castillo ang topic ng mga guest sa VincElla Hotel" paliwanag nito. Hindi sya sumagot. Tinuon ang pansin sa kinakain na pancit, pero di naman nya nalalasaan na dahil na kay Aiden ang isip nya. Matapos ang nangyaring insedente sa kanila ni Aiden kahapon, tila naulit ang mga nangyari limang taon na ang nakakalipas. Walang nagbago kay Aiden sa loob ng limang taon, mas lalo lang itong naging makisig at gumuwapo pa at pa
"Wow" Anas nya ng makita kung gaano kaganda ang ayos ng Del Castillo Resorts para sa kasal nila ni Aiden. Ang mga kapatid ni Aiden ang nag-asikaso sa pag-aayos ng venue, at ang Mama naman ni Aiden ang nag-ayos para sa reception. At ang Papa naman ni Aiden ang nakiusap sa pari para sa kanila. At sila ni Aiden wala namang ibang ginawa kundi i advance ang honeymoon nila sa bahay ng mga Del Castillo."Nagustuhan mo ba Ate Mella?" tanong ng bunsong kapatid ni Aiden."Oo naman" naiiyak na sabi nya, dahil pakiramdam nya nasa cloudnine sya. Nakakaiyak dahil lahat ng pinapangarap nya ay nakuha na nya. Unang-una si Aiden ang asawa nya at ang magiging anak nila, bonus nalang sa kanya ang mga materyal na bagay at kung ano mang meron si Aiden."Mella, hija halika na mag bihis kana" tawag ni Mrs. Del Castillo sa kanya. Agad nyang pinahid ang mga luhang nais pumatak. At ngumiti sa Mama ni Aiden na magiliw na nakangiti sa kanya."Tara na ate Mella" magiliw na yaya
Pagdating nila sa silid ni Aiden, agad syang humanga sa laki at ganda ng silid nito, tila buong bahay nila ang lawak non. Isama pa na kumpleto sa kagamitan ang silid. Alam nyang may kaya talaga ang mga Del Castillo."Welcome to my room Carmella" turing nito at niyakap sya mula sa likod. Ngumiti sya at hinawakan ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya. Naramdaman nya ang init ng hininga nito sa batok. Nakaramdam syang ng kakaibang init. Aaminin nyang na miss nya si Aiden, dahil mula kaninang pagdating nila ng San Miguel ay hindi pa sila nito nagkaroon ng pagkakataon na silang dalawa lang."I love you Aiden" bulong nya, at umikot paharap sa asawa. Oo asawa na nya si Aiden mag-asawa na sila nito at muli silang ikakasal sa susunod na linggo, at magiging Aiden Del Castillo sya sa ikalawang pagkakataon."I love you more Carmella" he whispered and kissed her passionately, she respond seducing her husband. Of course dapat lang na may mangyari sa kanila ni Aiden sa l
"Huwag mo ba kaming intindihin Mella, masaya naman na kami" Sabi ng Nanay nya ng pasyalan ang mga ito. Kasama nya si Aiden na pumunta sa inuupahang bahay nila."Pero Nay, gusto ko po sanang andoon kayo sa kasal ko" pakiusap nya sa ina. Nasabi nya sa ina na ikakasal na sila ni Aiden. At tanggap na sya ng pamilya Del Castillo."Carmella, nakakahiya naman sa pamilya ni Aiden" bulong ng nanay nya at sinulyapan nito si Aiden, na tahimik na nakaupo sa tabi nya. Alam nyang nahihiya ang Nanay nya sa mga Del Castillo, dahil na rin sa pagiging kasangkapan ng Ate Grace nya sa naging relasyon ni Mr. Del Castillo kay Mrs. Alvarez."Nay, napag-usapan na po namin yan ni Aiden" sagot nya at sinulyapan si Aiden. Tumango ito at hinawakan sya sa kamay.Matapos nilang makausap ang mga magulang ni Aiden kanina, kaagad nya itong niyayang pumunta sa kanila para ibalita sa pamilya nya ang napakagandang balita."Sa totoo nyan Mella, aalis na kami ng mga kapatid mo di
Kinabukasan nagbalik sila ng San Miguel, haharapin na nila ang mga magulang ni Aiden pati na buong San Miguel."Are you ok?" tanong ni Aiden, habang nagmamaneho."Yeah" tipid na sagot nya, at ngumiti."Just relax Carmella" sabi nito, sabay hawak sa kamay nya."I love you, always remember that""I know, and I love you too Aiden" nakangiting sagot nya, at kahit papano nabawasan ang kaba at takot na nararamdaman.Pagpasok sa loob ng bahay ng mga Del Castillo ay mahigpit ang hawak nya kay Aiden. Natatakot syang galit ng mga magulang ni Adien ang sasalubong sa kanila, lalo na ngayon kasal na si Aiden sa kanya. Siguradong alam na ng mga magulang ni Aiden ang kasal nila kaya sila pinabalik ng San Miguel. May tiwala sya kay Aiden at alam nyang hindi sya bibiguhin nito lalo na't magkakaanak na sila."Sina Papa't Mama?" tanong ni Aiden sa may edad na sumalubong sa kanila sa pinto."Nasa komedor na po Sir" sagot ng may edad na babae. Naglakad na
Kinabukasan nauna syang nagising kay Aiden. nakadapa ang hubad nitong katawan na tanging pang-ibaba lang ang natatakpan at masasabi nyang ang asawa nya ang may pinakamagandang katawan. Pinagmasdan nya ang mahimbing na natutulog na asawa na may gwapong mukha, dahan-dahan nyanh hinaplos ang mukha ng asawa na lalong nagkadagdag sa kgwapuhan at appeal nito ang magaspang na balbas na tumutubo, dati hindi sya na aatrak sa mga lalaking may balbas o bigote, pero nang dahil kay Aiden ay nagbago ang pananaw nya, kung sa bagay wala namang ibang lalaking pumukaw sa atensyon nya si Aiden lang. mula noon hanggang ngayon si Aiden lang ang lalake sa puso nya at asawa na nya ngayon ang lalaking dating pangarap lang nya."I love you Aiden" bulong nya sa asawa at maingat na hinalikan sa pisngi, ayaw muna nyang magising ito para naman makapag pahinga ang asawa alam nyang tulad nya pagod din si Aiden lalo na kagabi hindi na nya matandaan kung ilang beses ba syanh inangkin ng as
Sa malaking simbahan ng San Miguel sila nagtungo ni Aiden, buo na ang desisyon nilang magpakasal kahit tutol ang mga magulang ni Aiden, wala ng makakapaghiwalay sa kanila ni Aiden, mabubuo na ang pamilya nila."I can't believe na sa ganitong kasalan mo ko i-invite" biro ni Harvey ng makapasok na sila sa loob ng simbahan. Tinawagan ito ni Aiden at sinabing kailangan nito ang tulong kaya naman dali-dali itong nagpunta sa simbahan. Gabi na at sarado na ang simbahan pero ang mga pari ay tila mga Doctor yan gising yan para sa serbisyo. Marahil nagpapahinga na ang Pari kaya ginising muna ito, dahil medyo kanina pa sila naghihintay sa loob ng simbahan."Don't worry Harvey sa big wedding namin babawi kame" sagot ni Aiden at hinawakan sya sa kamay at ngumiti sa kanya, ngumiti sya kay Aiden alam nyang kayang ibigay ni Aiden ang bonggang kasal tulad ng mga kilalang kinasal sa simbahan ng San Miguel, pero hindi yon ang mahalaga sa kanya, ang mahalaga magkasama sila at masaya
"Nababaliw kana ba Aiden? Dinala mo pa talaga rito ang babaing yan!" Sigaw ni Mrs Del Castillo nang makarating na sila sa bahay ng mga ito. Nakaramdam sya ng takot ng marinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo at napaatras ng isang akbang, sinulyapan sya ni Aiden at pinisil ang kamay nyang mahigpit na hawak nito, tila nais nitong iparating na huwag syang matakot dahil andun ito at hindi sya pababayaan. "Ma, please Carmella is my girlfriend now""Girlfriend?! naiibang kana talaga Aiden! ano bang nakita mo sa babaing yan! isa yang Perez!" hiyaw ni Mrs. Del Castillo. At mula sa hagdan bumungad ang Papa ni Aiden at dalawang kapatid na babae ni Aiden, marahil narinig ang mga sigaw ni Mrs. Del Castillo. nakita nyang masamang tingin ang pinukol sa kanya ng Papa ni Aiden habang pababa ito ng mataas na hagdan. Ito ang unang beses na pagtungtong nya ng bahay ng mga Del Castillo at masasabi nyang mayroong marangyang buhay ang mga ito, kung sabagay nabibilang ang
Dumaan ang tila mahabang sandaling katahimikan sa kanila ni Aiden matapos nyang sabihin na buntis sya, tila hindi kaagad rumehistro sa isip ni Aiden ang sinabi nya. nanatili lang itong nakatitig sa kanya, pakiramdam tuloy nya tumigil ang ikot ng oras at halos pakiramdam nya sasabog na ang dibdib nya sa kaba. Sa kabang paano kunh hindi tanggapin ni Aiden ang anak nila? Paano kung sabihin ni Aiden na hindi pa ito handa? anong gagawin nya kung sakaling tanggihan ni Aiden ang anak nila."Carmella" simula nito na. nanlalaki ang mga mata nyang nakatitig rito habang hinihintay ang sasabihin nito. namimigat na rin ang mga mata nya sa luhang nais ng pumatak kanina pa dahil sa pagsasawalang kibo ni Aiden."Oh god Carmella" anas nito at tumayo mula sa kinauupuan at laking gulat nya ng niyakap sya nito sa bewang at binuhat mula sa pakakaupo."Daddy na ko, Daddy na ko Carmella, magkaka baby na tayo, magiging isang buong pamilya na tayo" sabi nit
"Are you ok?" May pag-aalalang tanong sa kanya ni Aiden ng makarating na sila sa Del Castillo Resorts. Kanina pa kasi nakaparada ang kotse ni Aiden sa loob ng Resorts pero hindi pa nya makuhang kumilos pababa, tila sya natatakot parin."Carmella I'm here" Sabi nito at hinawakan sya sa kamay."Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo, kung ano man ang kinatatakot mo andito ako, hindi kita pababayaan" Napangiti sya sa sinabi ni Aiden. Alam naman nyang hindi sya pababayaan ni Aiden,hindi sila nito pababayaan sila ng magiging anak nila."Salamat" bulong nya at hinaplos ang gwapong mukha."Let's go para makapag pahinga ka na" tumango sya rito at binuksan ang passenger seat. Sabay na silang bumaba ng kotse ni Aiden. Malalim na ang gabi kaya halos wala ng tao sa labas ng Resorts, marahil nagpapahinga na. Linanghap nya ang simoy ng hangin, ramdam na nya na nasa San Miguel na sya."Na miss mo b