PAGKALABAS ng doctor na tumingin kay Rebecca ay agad na napatayo si Grayson para kumustahin ang lagay nito. Nakasunod lang sa likoran niya ang mga kaibigan niya na halata naman na nag-aalala rin para sa dalaga. Nakay Felix nga ang doctor at siya itong humehele sa sanggol at talaga namang sinasayaw-sayaw niya pa. Natatakot kasi si Grayson na humawak niyon dahil baka raw mabali niya. "D-Doc! How is she? Ayos lang ba siya? A-Ano hong lagay niya?" Napangiti ang doctor sa sunod-sunod nitong tanong na kulang na lang ay umiyak na ito at maglupasay na parang bata. Seriously, Grayson? "Kalma lang ho, Sir. Wala naman hong problema sa misis niyo. Ang kaso, hindi pa fully nakaka-recover ang katawan niya sa panganganak. Kapapanganak lang pala nito. Her body may still suffer from stress mula sa panganganak saka postpartum na rin. Kung ako ho sa inyo, alalayan niyo ho muna siya. She needs rest. Hindi pwedeng naiiwan siya mag-isa sa bahay." Napalunok ng laway niya si Grayson. Mukhang na-guilty siy
KITANG-KITA sa mukha ni Rebecca ang pagkasurpresa. Hindi naman kasi ganoon ka-light ang ambiance ng apartment nung unang dating niya rito. But now she felt so light pagpasok niya pa lang doon. There are flowers. Fleshly picked pa ang mga ito. Napakagagandang mga boquet ng bulaklak saka tulips. May mga bago ring curtains sa bintana nila na bagay na bagay sa buong bahay. Tila gumaan tuloy agad ang pakiramdam niya. Alam at kilala niya naman kung sino ang possibleng may pakulo nito. Wala namang iba kundi itong asungot niyang kasama na nagpapakitang gilas matapos siyang itapon ng halos siyam na buwan. Pagpasok sa loob ay agad na inalalayan ni Grayson si Rebecca na maupo sa sofa. "Here, take a sit. Ikukuha lang kita ng maiinom," wika pa nito sa maginoong boses. Hindi sanay si Rebecca na ganito ito kabait. Hindi sanay si Rebecca na mahinahon itong magsalita that as if he cherishes her the most. Nakakapanibago pero sana nga ay huwag siyang madala agad sa karupukan niya. Kialangan niya mun
MAAGANG nagising si Rebecca dahil sa pag-iyak ni Baby Brixton. Sobrang lakas kasi nitong umiyak kaya tila nagsisilbi rin itong alarm clock ni Rebecca. She checked the time and it is already 5:00 in the morning. Napahikab siya saka siya bumangon para sana magtimpla ng gatas but to her surprise ay may nakahanda na agad na gatas sa bottle ni baby. Nakapatong ito sa bed side table niya. She started to wonder. Wala namang ibang gagawa non kundi si Grayson. Since when did he know how to make milk? Aba, mukhang nagpapakitang gilas na nga talaga ang loko. Matapos niyang padede-in ang anak niya at hinele ay nakatulog na naman ito ulit. Mabuti pa talaga ang mga baby dede at tulog lang ang trabaho. Minsan gusto na lang niyang maging sanggol. She tied her hair up with a clam saka siya lumabas. Medyo messy pa nga ang look niya pero hindi na niya iyon inisip pa. Ganon siguro talaga kapag nanay ka na. Wala ka na halos pakialam sa itsura mo. Although there are some mommies out there who loves to do
KINAUMAGAHAN. . .Hanggang ngayon ay tila lumulutang pa rin sa hangin si Rebecca. Tulala pa nga siya habang nagpapadede ng baby niya. Nakahiga na sila ngayon sa kama habang si Grayson ay nagpalaam na aalis saglit. Naninibago si Rebecca sa lahat nang ikinikilos nito. Ibang iba sa Grayson na nakilala niya noon. Pero kung sa bagay, things are now different than before. May anak na sila ngayon at ito na ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin. Napatigil lang si Rebecca sa pagkakatulala niya nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. kasunod non ay kumulog rin ng pagkalakas lakas na tila ramdam ng buong bahay. Umiyak muli ang patulog na sanang si Baby Brixton kaya naman hinele nanaman siya ni Rebecca. Bigla siyang nag-alala sa binata. Kung saan man ito nagpunta ay hindi niya alam kung may dala rin ba itong payong? Paano kapag maabutan ito ng ulan sa gitna ng lakad niya? Umiling-iling siya. Hindi. Hindi niya dapat iniisip si Grayson ngayon. Matanda na ito. Alam na naman nito ang gagawin niya
KINAGABIHAN ay nagsiuwian na sina Bryle at Alexis dahil babalik pa ang mga ito ng city. Pero si Grayson, nagpaiwan pa. He promised the two na hindi siya titira sa isang bahay kasama ni Rebecca but he will be there everyday to check on them. Parang ayaw pa nga sanang bumalik ni Bryle dahil ayaw niya sanang iwan si Rebecca kay Grayson pero wala naman siyang choice. Kung pwede lang siyang umuwi lagi sa probinsiya nang mabisita niya rin araw-araw si Rebecca ay ginawa na niya, pero masyado iyong nakakapagod. Bago pa nga ito umalis ay nagbilin pa kay Baby Brixton kahit na alam naman nito na hindi pa naman siya naiintindihan ng baby. Si Grasyon na lang ngayon ang kasama ni Rebecca at katatapos lang nilang kumain ng dinner. As usual ay sagot iyon ni Grayson. "Magliligpit lang muna ako ng pinagkainan. Tingnan mo muna si Baby Brixton. Baka kasi umiyak." Bilin naman niya habang pinagpapatong ang mga plato at kubyertos. Dahan-dahan naman niya itong dinala sa sink pero nang hahawakan na sana ni
NANG tumila na ang ulan ay nabuhayan ng loob si Grayson. Nagpadala muna siya ng mga damit kina Stephen at Felix dito sa apartment. Um-oo naman ang mga ito and while waiting for them ay pinatutulog niya muna si Baby Brixton while Rebecca's cooking something.Hindi siya masaya sa araw na 'to. He has a lot of plans for today pero dahil sa punyemas na ulan na ito ay hindi tuloy natuloy ang plano niya. Hanggang ngayon ay suot niya pa rin ang shirt ni Rebecca na kahit over sized na iyon ay tila cropped top pa rin sa kanya. As if he has another choice right? He enjoys carrying his son habang hinehele pa ito ng mahina. Hindi niya lang pinaparinig kay Rebecca dahil baka pagtawanan na naman siya nito. Nasa sala siya habang nasa kusina si Rebecca.Naaamoy na nga niya ang mabangong niluluto nito na tila sumasama sa hangin. Pero tila may masamang amoy ang sumunod rito? He gulped at kinutuban siya ng masama. Hindi kaya, nag-poop si Baby Brixton? Aniya sa isipan. May hint na siya pero pinipilit niya
HINDI magkandaugaga si Mrs. Henessy sa kakahanap kay Grayson matapos nitong umalis. Pabalik balik siya ng lakad sa kanyang opisina habang hawak ang isang glass ng wine sa kanan niyang kamay. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya nahahanap si Grayson. Sumasakit na nga rin ang ulo ni Stacy sa pagpapabalik-balik nito ng lakad. Napahilot ang dalaga sa kanyang sentido saka iritadong napatayo. "Tita, I told you, let's not waste our time doing this and just drinking wine. Kailangang tayo na ang kumilos. Paano kung nakipagbalikan na iyon kay Rebecca? What do you think will happen to the clan? Goodness gracious! It will be a very big disgrace to your name!" Stacy histerically said habang todo bigay pa ang kumpas ng kanyang mga kamay. Mrs. Henessy took another sip of her wine. "Naisip ko na rin 'yan, darling. Saka pwede ba? If you are cramming, how much more ako? Iniwan niya ang resort to you and to the staff! Ano sa tingin mo ang gagawin ko? Tutunganga at hintayin siya kung kailan niya gu
NAHALATA ni Rebecca ang pagkabalisa ni Grayson sa kanyang upuan nang bumalik ito sa loob. She pat his shoulders. "You can go if you need to." She told her Napatingala si Grayson sa kanya. "You where? W-What are you talking about." Pagmamaang-maangan pa nitong sagot. "Pwede ka namang umalis. Don't act as if I don't know anything. You are a Lincoln, at nakaakibat na sa pangalan mo ang responsibilidad mo bilang anak ng mga Lincoln na magpatakbo ng mga negosyo ninyo katuwang ng Daddy mo. Your Dad also called me. Kung seryoso ka nga talaga sa gusto mong pagkuha ng loob ko at ng anak ko, I am sure you will come back." Buong kumpyansa nitong sinabi. Napatayo si Grayson para yakapin si Rebecca ng sobrang higpit. Ngayon lang sila ulit nagkita kaya ayaw niya sanang umalis muna pero kailangan. Kailangan din siya sa city. Ramdam na ramdam ni Rebecca ang init ng yakap na 'yon. Ang haplos ng balat ni Grayson ay pawang nakakapaso pero masarap sa pakiramdam. Sa sandaling oras na nagkasama sila,