Share

CHAPTER 109

AKALA ni Rebecca ay sa eroplano lang sila babyahe ng malayo at matagal. Yun pala, may kalayuan rin ang resort na pupuntahan nila. Ang dami nang nagbago kaya hindi na siya talaga pamilyar sa lugar. May family driver naman sina Bryle kaya naman hindi na sila napagod sa pagmamaneho. Maggagabi na nga rin. Nasa van sila ngayon at kasya silang lahat. Maluwag pa nga. Si Alexis kasi ay nauna nang umuwi dahil bibisita pa raw ito sa chicks niya at baka magtampo. Kaya naman tatlo na lang sila sa van ngayon at bumabyahe papuntang resort na sinasabi ni Mrs. Brianna.

"Mom, malayo pa ba? Gabi na oh." Reklamo ni Bryle na halata naman na bagot na bagot na sa halos mag-iisang araw na byahe. Sumasakit na rin ang likod niya kakaupo.

""Don't worry, son. Malapit na rin naman tayo. Mga isang oras na lang na byahe."

"Tumango-tango na lang ang binata. "Alright, mom."

Maging si Baby Brixton ay pagod na rin. Gising pa naman ito dahil nilalaro niya ang toy robot niya. Buti na lang pinilit niyang dalhin ito.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status