Share

BODCT-1

Author: maikitamahome
last update Huling Na-update: 2022-06-13 14:59:40

BODCT-1

MARINEL

PABALING-BALING ako sa paghiga sa kama ko.

"Ah!" tili ko nang mapabangon ng wala sa oras.

Grabe! Daig ko pa ang nasa marathon dahil sa sobrang pawis sa aking buong katawan.

"Lintik na kuryente naman oh!" iritado kong sambit at napababa sa kama ko.

"Nel! Aba'y puputulan din kita ng tubig kapag hindi ka pa nakapagbayad!" sigaw ng bago kong Landlady sa inuupahan kong apartment sa Cubao, Quezon City.

Simula kasi nang mag-migrate si Nica sa States ay naiwan na akong mag-isa at kumuha na lamang ng maliit na apartment. Padabog kong binuksan ang pinto. Parang sasagala itong si Manang Pipay dahil sa suot niyang damit na floral.

"Ang bayad mo Marinel! Diyos ko naman bata ka! Tuwing due date na lang ako lagi stress sa 'yo!" lintanya nito. Napakamot ako sa batok ko.

"Saglit lang!" Kinuha ko ang pitaka ko at kumuha ng pera sabay abot kay Manang Pipay.

"Sobra ho 'yan. Ayos na po ba? Pakibalik na po ng kuryente ko," sabi ko pa rito.

Nangingislap naman ang mga mata nito habang binibilang ang ibinayad ko. Mahigit isang taon na rin akong naninirahan dito simula nang... Nang mamatay si Enzo.

"Oh siya!" anito at umalis na.

Isinirado ko rin naman agad ang pinto at napasandal dito. Napabuga ako ng hangin. Nagastos ko na naman ang pambayad ko sa review center. Pambihira! Kung bakit naman kasi palagi akong bagsak! Tumunog naman ang skype alert sa laptop ko. Regalo ito ni Andy sa akin noong birthday ko nitong nakaraang buwan, para raw makausap ko si Nica sa America. Nag-on cam kaagad ako at umupo sa harapan nito.

"Ano?" walang gana kong tanong kay Nica. Itinukod ko ang kaliwang siko ko sa mesa at napalumbaba.

"Girl! Kumusta ka na? Winter na here! Miss you na!" aniya.

"Masaya! Grabe!" pasarkasmo kong sagot. Pinaikot lang nito ang mga mata niya.

"Ano na naman ba ang problema?" tanong niya. Napatakip ako ng mukha at isinukbit ang buhok ko sa likod ng aking tainga.

"Forever baon na yata ako sa pagiging helper ni Doc. Suarez," sagot ko.

Nawawalan na talaga ako ng pag-asa na makapag-review para sa licensure exam. Palagi ko na lamang kasing nagagastos ang mga naiipon kong pera. Kung hindi sa renta sa bahay, sa tubig at kuryente naman ako nadadale. Napatungo ako. Maiiyak na talaga ako sa sobrang stressed.

"Hoy! Nel, 'wag na sad! Padadalhan kita ng pera," pukaw nito sa akin. Napaangat naman ako ng tingin sa kanya.

"Wow! Sana kunin ka na ni Lord," nakakaloko kong asar.

"Gaga! Nakaluwag-luwag din naman ako ngayong buwan kaya make sure na mag-i-enroll ka na," aniya.

"Ah! Thank you talaga bruha! Padala mo na bilis bago ko pa maisipang maibayad 'yan kay Manang Pipay," sabi ko pa.

Pinandilatan naman niya ako ng mga mata. Napairap ako. Bigla namang may dumaang adones sa likuran nito kaya halos ingudngod ko na ang mukha ko sa screen ng laptop, makita lang ang mukha ng lalaking kasama niya. Napamaywang ako.

"Hoy Nica! Sino 'yang adones na 'yan?" tanong ko.

"Ha? Ah-eh? Haha! Si..." Nagsalubong ang kilay ko.

"Sino sabi 'yan e!?" medyo iritado ko ng tanong sa kanya.

Naka-top less kasi ito habang panay ang paroon at parito sa likuran ni Nica. Napakamot naman siya sa batok niya.

"Boyfriend ko." Napanganga ako sa sagot niya.

"Iyang hilaw na 'yan! Baka one way trip na naman 'yan!" litanya ko.

Guwapo ang boyfriend ng gaga!

"Hindi ah! Limang buwan na kami nagsasama Nel. Natatakot akong ipakilala siya sa 'yo kasi magagalit ka." Napapangiwi pa ito. Napabuntong-hininga naman ako.

"Nica, mahal kita kaya tatanggipin ko. Basta ba masaya ka sa kanya." Teary eyed naman ito.

"So sweet Nel. Mahal na mahal kita at alam mo 'yan. Una na ako Nel ha. Bye!" Kasabay ng pamamaalam nito ay ang pag-off ng camera sa skype.

Napatungo akong muli sa mesa. Si Nica na ang may love life at ako na ang ampalaya. Naalala ko tuloy si Enzo. Itiniklop ko na ang laptop ko at tumayo na para mag-ayos ng sarili. Nakakalungkot mang isipin na mag-isa na naman akong namumuhay. Kinuha ko ang I.D ko matapos kong magbihis. Nagtatrabaho ako bilang secretary ni Doc. Suarez at isa siyang pediatrician. Mabuti na lang at tinanggap niya pa ako sa trabaho gayong hindi pa naman ako nakakapasa sa board exam. Kahit paano ay malaking tulong din sa akin iyon. Hindi man kalakihan ang suweldo ko pero nakakaraos din naman ako. Iyon nga lang ay hindi talaga maiiwasan ang magipit, lalo na at may pinag-iipunan ako.

Matapos kong ipusod ang buhok ko ay bahagya ko pang pinagmasdan ang ayos ko sa harap ng salamin. Napangiti ako at dinampot na ang mga gamit ko.

"Fighting Nel!" cheer ko pa sa sarili ko.

Ini-lock ko na ang bahay bago ako tuluyang sumakay ng taxi. Mahal man ang magiging pamasahe ko pero kaya pa rin naman, huwag lang mahuli sa trabaho.

"Manong sa– " Nalaglag ang panga ko nang lumingon ito sa akin.

Ang guwapo! Nakasuot pa ito ng sunglass at talagang angat na angat ang perpektong tangos ng ilong nito. Napalunok pa ako at napakapit sa upuan ko.

"Mali... Oo! Mali yata ang nasakyan ko!" nagkandautal ko pang sambit at natutop ang aking bibig.

Ngumiti naman ito ng malapad at mapipigtasan yata ako ng straps! Napatakip ako sa mukha ko at napapadyak. Nako naman Nel! Mumultuhin ka talaga ni Enzo niyan.

"Tama naman ang sinakyan mo and please don't call me like that. Hindi pa naman siguro ako ganoon katanda, 'di ba?" anito.

Napapailing at napapatango ako. Ewan! Ang guwapo niya talaga kasi, iyong tipong kanin na nga may kasama pang ulam. Para akong napahiya sa sinabi ko kanina.

"So, where are we?" anito ulit. Napalunok na naman ako.

"Sa... Ahurm..." May nabarang ipis! Pilyo pa itong ngumiti ulit.

"Fairview General Hospital," mabilis kong sagot at napayuko.

"Okay," tipid lamang na sagot nito at itinuon na ang atensyon sa pagmamaneho.

Napangiwi ako at nakahinga ng maluwag. Aatakihin yata ako sa puso nito.

ILANG oras ang lumipas pero hindi talaga ako mapalagay sa kinauupuan ko rito sa loob ng taxi. Kanina niya pa kasi ako sinusulyapan gamit ang passengers mirror. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa hot seat. Pero grabe lang! Ang guwapo niyang driver. Mukha siyang modelo at may katangkaran din ito base sa biyas ng kanyang mga braso.

"We're here," anito bigla.

"Ha? Ah oo! Magkano ba?" Nagkukumahog pa ako sa pagdukot ng pera sa bulsa ko.

"It's free. Go on," nakangiti pa nitong wika at nag-automatic na bumukas ang pinto.

"As in free?" gulat ko pang tanong. Napatango-tango naman ito at talagang 'di mapalis ang ngiti sa labi niya.

"Nako salamat," nahihiya ko pang sagot at tuluyan nang lumabas ng taxi. Sumirado ulit ang pinto at ngumiti lang ito ng kay tamis sa akin bago tuluyang umalis sa harapan ko.

"Hoy Nel! Tulala ka!"

"Ah! Ang guwapo niya!" tili ko pa habang sinasabunutan si Amelia.

"Aray ha! Makasabunot ka naman! Anong guwapo aber?" inis nitong ani habang sinasalag ang kamay ko.

"Iyong taxi driver na sinakyan ko! Amelia as in ang guwapo niya!" Para na akong baliw.

For the first time ay ngayon lang ako nakakita na may guwapong nilalang na nagmamaneho ng taxi. Bigla niya naman akong hinawakan sa magkabilang braso ko.

"Seryoso ka? As in! Oh my god! I think 'yan 'yong sinasabi ng isang pasyente ko," anito at bahagya pang napapaisip. Hinila ko siya papasok sa hospital.

"Anong pasyente?" tanong ko pa.

"Ah, 'yong pasyenteng dinala dito noong isang buwan. Hinahanap niya kasi 'yong taxi driver na nagdala sa kanya. Kawawa nga e." Napatango-tango lang ako. Ayaw kong magkumento dahil hindi ko naman alam ang buong istorya.

"Tara na nga," gayak ko.

Katrabaho ko si Amelia dito sa hospital. Ang pinagkaiba nga lang, certified registered nurse na siya at ako? Alalay lang ni Doc. Suarez.

"Oh, dito na ako ha? Gora na girl," anito at nagdamali nang umakyat sa ika-dalawang palapag.

Kumaway lang ako at dumiretso na sa elevator. Nasa ika-tatlong palapag pa kasi ang opisina ko. Huminto naman ang elevator sa ika-tatlong palapag kaya lumabas ako agad. Mabuti na lang at wala akong nakasabay kaya nakapag-ayos pa ako ng konti sa aking sarili.

"Nel! Why so late!? Kanina pa kita hinihintay!" salubong ni doktora sa akin.

Pinipigilan kong mapaikot ang mga mata ko. Kahit kailan talaga ang taray nito sa akin. Talagang dito pa kami nagkasulubong sa hallway.

"Opo ma'am!" sagot ko at sumunod sa kanyang office.

Lihim akong napaismid habang nakatalikod ito sa akin. Porke't hindi pa ako totally registered nurse ay inaapi-api niya lang ako ng ganito. Kapag ako nakapasa sa board exam, who you sa akin ang bruhildang 'to.

Nang makapasok kami sa opisina nito ay agad niyang itinambak sa lamesa ko ang mga documents ng mga pasyente na kailangang ayusin ang schedule.

"Prepare that! Aalis na muna ako. Call me if someone needs me," bilin nito at padabog pang isinirado ang pinto.

Napailing na lang ako at sinimulan nang ayusin ang mga dokumento. Paniguradong manlalalaki na naman 'yon. Tumunog naman bigla ang alarm tone ng aking cell phone. Pahapyaw ko itong sinulyapan at nangingilid pa ang mga luha ko habang napapatitig sa screen ng cell phone ko. Humugot ako ng malalim na hininga at bahagyang pinunasan ang konting luha ko sa mata.

September 21, 2014. Ang araw kung saan una kaming nagkakilala ni Enzo sa isa sa mga beach ng La Union.

September 21, 2015. Ang unang anniversary namin.

Hindi naging kami kaya walang monthsary na matatawag pero patuloy kong inaalala sa utak ko ang araw kung saan kami unang nagkita.

"Dadalaw ako sa 'yo sa linggo, Enzo. Pangako," sambit ko sa aking sarili.

Hindi mawawala rito sa puso ko ang malaking puwang na nakalaan para sa kanya ngunit kailangan ko nang isirado ito at buksan muli para sa iba, gaya ng gusto nitong mangyari para sa akin.

Kaugnay na kabanata

  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-2

    BODCT-2CALDWILL ENZONEW YORK…I WAS sitting on my swivel chair while listening to my secretary. She was discussing about the house I bought in the Philippines a few months ago. "Where is it located again?" I asked as I played the pencil in my hand. "Located at South Forbes in Laguna, sir. The theme was a Bali Mansion sir and it's really fits on your taste," she answered and look down again to her memo pad. I swirled the pencil on my table. "Do I have a meeting today?" I asked again. "Yes but..." I raised my brows as I frowned. I hated to hear hanging speeches with a big hesitation that I can saw on her face. I rolled my eyes. She's starting to get pale."What!?" I irritably asked."Sorry for making you pissed sir but the immigration send a message to you." I frown again."And what it says?" She swallowed hard and she look shocked with a little dismayed all over in her face. "Sir, they just wanted to clarify about your status. They're asking and confused why you are not still p

    Huling Na-update : 2022-06-13
  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-3

    BODCT-3MARINELNang umabot ako ay natigilan ako sa nakita ko. May lalaking nakatayo sa puntod ni Enzo at nakapamaywang pa ito. Naglakad pa ako ng mas malapitan. Natigilan na naman ako. Kasing tangkad ito ni Enzo, pati na ang hubog ng katawan at kakisigan nito. Iyon nga lang at medyo maangas ang dating ng pananamit nito kahit nakatalikod pa ito sa akin. Nakasuot ito ng leather jacket at fitted na pants na bumagay naman sa suot niyang black leather shoes. Napakunot ako ng aking noo. Sino naman kaya ang lalaking ito? Humarap naman ito sa akin nang biglaan at laking gulat ko kung sino ang nasa harapan ko mismo. Nabitiwan ko pa ang mga dala ko dahil sa tindi ng gulat at takot. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nagsalubong naman ang mga kilay nito at tinanggal pa ng tuluyan ang suot niyang Rayban shade. Nanlaki ang mga mata ko. "Enzo!" sambit ko pa habang napapakurap nang ilang beses. "Ahh!" tili ko at kumaripas na nang takbo. "Hey you!" tawag pa nito sa akin at hinabo

    Huling Na-update : 2022-06-13
  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-4

    BODCT-4MARINELLAGLAG ang panga ko sa narinig ko mula kay Enzo. May kakambal si Enzo? Pero wala namang nababanggit si Enzo sa akin na may kakambal siya noong nabubuhay pa ito. Kahit si Andy ay wala ring naibabanggit sa akin."Kambal talaga kayo? As in hindi ka multo?" pangungulit ko pa. Gusto ko lang naman kasing makasiguro kung totoo mang kakambal siya ni Enzo. Sobrang tuwa ko kanina nang makita ko siyang buhay na buhay, at the same time ay puno rin ng takot. Halo-halo ang naramdaman ko kanina nang makita ko siya kaya nahimatay na lamang ako nang biglaan. Kanina nang makita ko siya, bumalik sa akin ang lahat ng mga alaala naming dalawa ni Enzo. Iyong mga masasayang araw naming dalawa, pati na iyong sakit nang pagkawala niya ay bumalik rin sa 'kin lahat. Nangingilid ang mga luha ko habang pinagmamasdan ko siya. Magkasalubong man ang mga kilay nito ay hindi ko talaga maitatangging magkamukha talaga sila. Pati na ang tindig nito, may kahabaan man ang buhok niya pero hindi ito naging k

    Huling Na-update : 2022-06-13
  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-5

    BODCT-5CALDWILL ENZOWHEN I'm finnished changing my outfit. I immediately grab my keys and went to my garage. Sumakay ako agad sa kotse ko at nag-drive papunta sa address ng apartment ng asawa ko raw. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko na may asawa na nga talaga ako. Like what the hell! Nahilot ko na lamang ang sintido ko at isanaksak sa tainga ko ang aking airphones. Binuksan ko ang bintana ng aking kotse at itinanday doon ang aking kaliwang siko habang napapa-head bang ng konti dahil sa pinariringgan kong musika sa phone ko. So boring! Life is unfair too!NANG makarating ako ng Cubao ay napakunot ako ng aking noo. Nakatira siya sa iskinita and as usual pinagtitinginan ako ng mga tao. Nilapitan ko iyong isang bata na naglalaro malapit sa kalsada. Medyo madungis ito at punit ang damit. Nakakapanlumo ang ganito. I realized na masuwerte ako at lumaki akong marangya ang pamumuhay. I leaned down para magpantay kami. "Bata, may kakilala ka bang Marinel Magtalas dito?" panimula ko. Nil

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-6

    BODCT-6CALDWILL ENZOWALA kaming kibuan hanggang sa makauwi kami sa mansion ko. Atat na atat na rin akong panoorin ang laman nitong tape! Diretso ako agad sa loob ng kuwarto ko pagkapasok ko sa mansion. Kinuha ko agad ang laptop at isinaksak ang tape rito. I badly need to see what's inside of this. Ilang saglit pa at nag-play na ito. I frowned when I saw Calvin's bedroom. I know, kuwarto niya ito sa condo niya. How can I forget my own bedroom design for him. "This is nonsense!" I retorted. I was about to remove the disk when someone spoke. He was sitting on the edge and he looks so sick. I froze and then afterwards I let it play. "Hi Kuya! Brother? Whatever! You just like me to call you, Kuya. Yeah! Halata na ba sa itsura ko na malapit na ang dead end ko? I know you do. You're the best doctor that I ever had." He paused. My heart melts. Bahagya pa akong napaayos sa pag-upo at halos idikit ko na ang mukha ko sa screen. His jokes made me smiled bitterly. Nagsimula na siyang maiyak

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-7

    BODCT-7MARINEL"Hey, my universe..." Napahikbi ako at mas lalo ko pang nilakasan ang volume ng laptop para marinig ko ang boses niya. Nang sa ganoon ay parang kasama ko lang siya, iyong parang kaharap ko lang siya. "Miss me? I know you do..." Patuloy lang ako sa pagpunas ng aking mga luha, maging siya ay umiiyak na rin. "Nel..." Napahagulhol ako lalo. Na-miss ko ang pagtawag niya sa akin ng pangalan ko, lahat-lahat. "Sorry if I drag you to this situation. I..." Bahagya pa siyang napatigil at nagpunas ng luha. Napatawa pa ito ng konti at labis ko iyong ikinahikbi ng husto. Pakiramdam ko'y ano mang oras ay mapuputulan na ako ng hininga dahil sa sikip ng dibdib ko. "You know how much I love you Nel and I know Caldwill will took cared of you... Sa oras na mawala ako." Napatungo na ako sa mesa at halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa bibig niya. "Nel... Please understand me. I know, pinangunahan kita..." His voice started to broke. Muli akong nag-angat ng aking ulo a

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-8

    BODCT-8CALDWILL ENZOAGAD kong ipinasok ang kotse sa garahe nang makauwi kami ng mansion ko. Umuna akong bumaba and didn't even bother to open the door for her. Nah! Just a waste of time to treat her like a princess. "Aray!" Narinig kong daing niya.Bahagya ko siyang sinulyapan. Nauntog lang naman siya sa flower pot na nakasabit sa ceiling. "So clumsy!" iritado kong bulong at tuluyang pumasok na sa loob ng bahay ko. "Ivan!" tawag ko agad nang hindi ko ito makita. "Sir," he answered. Pumaling ako sa aking likuran. "Saan ka ba galing!?" iritado kong tanong. I am not really at my mood right now. "Sorry sir, I am just checking the maids if they already prepared the guest room for your wife," maiksing paliwanag niya lang. I just half smirked and walk upstairs. Ngunit nahinto ako at bumalik tanaw sa ibaba ng hagdan. Napakunot ako ng aking noo. She's talking to Ivan."Marinel!" tawag ko. She look at me at agad din namang sumunod sa akin. "Will you please quit moving like a turtle,"

    Huling Na-update : 2022-07-29
  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-9

    BODCT-9MARINEL"Coffee?" walang ekspresyon pa niyang alok sa akin. Napasandal ako at napaekis ng mga braso. "Black coffee," tipid na sagot ko lang din naman. Itinabi niya ang dyaryong hawak at muling humigop ng kape."Ivan, give her milk," baling niya sa mayordomo niya o butler. What so ever! Agad itong tumalima at tinungo ang kusina. Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata dahil atat na atat na talaga akong malaman kung ano ang pag-uusapan namin ngayon. Muli itong humigop ng kape at biglang napatitig sa akin. Sa lagkit nang titig niya, kulang na lang ay maging bato ako. "Bukas darating ang Mama ko," aniya sabay lapag ng kape sa maliit na mesang nakalagay sa gitna namin. Hindi ako umimik sa sinabi niya dahil alam ko, paniguradong mababara na naman ako. "Aaminin natin sa kanya ang totoo, whether she don't believe it or not," tuloy niya at maluwag akong nakahinga. Gusto kong lumundag sa sobrang tuwa pero nagpipigil ako. Bigla naman siyang napangiti. God! You sent an evil with a

    Huling Na-update : 2022-07-29

Pinakabagong kabanata

  • But Only Destiny Can Tell   Epilogue

    EpilogueMarinelNAPAUNAT ako ng aking mga braso. Kanina pa tapos ang exam ko at hinihintay ko na lamang ang result. Pinasadya talaga ni Caldwill na agaran kong makuha ang resulta ng exam ko. Kanina ko pa rin tinitingnan ang aking cell phone. Wala man lang akong natanggap na text mula kay Caldwill. Si Veronica at Andy lang ang tumadtad sa message box ko. Parang nagpaparinigan ang dalawa, puro kasi hugot. Napatayo ako nang lumabas si Professor Escanda mula sa kanyang opisina. "Congratulation Mrs. Villaraza. Finally you passed the exam," masayang balita nito sa akin at ipinakita sa akin ang result. Sa sobrang tuwa ko'y niyakap ko ito. At last! "Can I have this? Please?" pakiusap ko. "Sure," anito. "Thank you! Alis na po ako," paalam ko. Hindi ko na ito hinintay na sagutin pa ako dahil talagang napatakbo na ako palabas ng university. Pumara ako agad ng taxi at nagpahatid sa bahay. "Manong, pakibilisan po," sabi ko pa. Masaya ako na kinakabahan at hindi ko maintindihan kung bakit. "

  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-28

    BODCT-28MARINEL"Damn!" mura nito dahilan para mapabaling ako sa kanya. "May problema ba?" taka kong tanong. "Don't mind me Marinel. Matitiis ko," aniya. Napalunok naman ako sa sinabi niya. Pero ewan ko ba, parang gusto ko rin ang naiisip niya. "Caldwill, make my nervous gone please?" sumamo ko. Ang landi ko lang pero may nabasa akong article from Pennsylvania University. I know chocolates can make you feel good and relax but sex is better than chocolates. It will help keeping your immune system works. "What?" kunot-noo nitong tanong sa akin. Hindi ako sumagot at pinagapang ang kaliwang kamay ko sa tiyan nito. "Shit!" mura niya ulit.Nang marating namin ang parking lot ng university ay agad niyang pinahinto ang kotse. Laking pasasalamat ko at tinted ang salamin ng kotse niya. He suddenly held me closer to him and savage my lips. "Climb on me sunshine," anas niya.Sinunod ko ang utos niya at kumandong sa kanya paharap. He bend the driver's seat so that he can move easily. He hel

  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-27

    BODCT-27MarinelNAPASINGHAP ako nang maramdaman ko ang mga kamay ni Caldwill habang tinatanggal ang lace ng suot kong panty."Caldwill," anas ko. Tuluyan na nitong natanggal ang suot ko, kasunod nito ay ang bra ko. Kinarga naman niya ako paharap at 'di ko na namalayang nakapasok na pala ito sa akin. Napaurong ako ng konti dahil hindi pa ako masiyadong hiyang sa laki niya. Pero maingat naman niya akong iginiya at pinasandal sa malaking bato habang patuloy itong bumabayo sa akin ng marahan. He's really huge at parang punit na punit ang gitna ko dahil sa laki niya. Mahigpit akong napakapit sa batok niya. "Damn," mura pa ni Caldwill. Napaungol akong muli at napaliyad. "Caldwill!" sambit ko nang umabot ako sa sukdulan. He thrust impatiently and even if it hurts me I still managed to control my muscle down there. "Ugh!" ungol niya nang marating din nito ang rurok. "Ah..." panimula ko. "Why?" humahangos niya pang tanong sa akin. "'Di ba, pababa ang falls na ito?" "So?" Napalabi ako.

  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-26

    BODCT-26MARINELHINDI pa man ako nakatatapos sa isang topic ay dumating na si Caldwill. May dala itong basket at mantle, pati na dalawang tuwalya. "Saan ka pupunta?" taka kong tanong nang mailapag ko sa mesa ang librong hawak ko. "Sa Panas, wanna join me? Baka kasi anytime ay tumawag ang opisina para sa board exam schedule mo. We cannot go there anymore kapag nagkaganoon," aniya. Agad akong napangiti at napatakbo sa kanya. "Game!" sabi ko pa. Matamis na ngiti rin naman ang itinugon niya sa akin at sabay na kaming pumanaog sa hagdan. Pagkalabas namin ng bahay ay isang itim na motorbike agad ang sumalubong sa amin."Diyan tayo sasakay?" tanong ko pa."Yes!" sagot nito at umangkas na sa motor. Hindi rin naman ako nagmabagal pa dahil agad din naman akong umangkas sa likuran nito at yumakap sa kanyang baywang. "Hold tight," utos nito, na sinunod ko rin naman. Tuluyan na nitong pinatakbo ang motorbike."Ano ba ang Panas?" takang tanong ko. Hindi kasi ito pamilyar sa akin. "It's a mini

  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-25

    BODCT-25MARINELNAGISING ako dahil sa biglaang pagkalam ng aking sikmura. Nakalimutan ko pa lang maghapunan. Nang bumangon ako'y wala na si Caldwill sa tabi ko. Napatingin ako sa wall clock at pasado alas tres pa pala ng madaling araw. Napangiti ako at napahimas sa batok ko. I am now a woman. Pakiramdam ko'y sobrang buong-buo ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang gaan ng pakiramdam ko. He's good in bed. At ganito pala ang pakiramdam kapag ang minamahal mo ang kasama mo sa kama. Hinila ko ang kumot upang takpan ang hubad kong katawan. Bumukas naman bigla ang pinto. Narinig ko pang may inilapag ito sa mesa at hindi ko makuhang humarap sa kanya. Nahihiya ako. Ramdam ko namang sumampa siya sa kama at bigla akong niyakap mula sa likod. Nanigas ang buo kong katawan nang lumapat sa balikat ko ang mga labi niya. Gumapang ito hanggang umabot sa punong-tainga ko. "Good morning," bulong niya. "Morning," tugon ko. Hinigpitan naman niya ang pagkakayakap sa baywang ko. "May masakit

  • But Only Destiny Can Tell   BOCDT-24

    BODCT-24MarinelNAGULAT ako sa biglaang pagtaas ng boses ni Caldwill. "Andy, help doctor Ynes to prepare the operating room," utos niya. Tumalima naman si Andy at napatakbo palabas ng kuwarto. Lahat kami nag-panic maliban kay Caldwill. Maging ako ay nangangatal na ang mga kamay sa paghawak sa kumot na nakatakip sa bibig ni Candice. Hindi ko mapigilang maluha sa tindi ng awa ko sa bata. "Focus Marinel! Replace the dextrose and give me her vital signs!" Awtomatiko akong napabitiw kay Candice at nanginginig na ginawa ang utos nito. Kinagat ko ang aking labi upang 'di kabahan lalo. Abala naman si Caldwill sa pagbibihis kay Candice. "Move faster Marinel!" Nagulat ako sa sigaw ulit ni Caldwill sa akin."Ako na Nel," ani Andy sa aking likuran. Napaatras ako at hinayaan si Andy na ayusin 'yong dextrose. Parang namamanhid ang mga tuhod ko at sumisikip ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. "Damn!" mura pa ni Caldwill at kinarga si Candice. Kinuha naman ni Andy 'yong dextrose para 'di ito ma

  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-23

    BODCT-23MARINELNANG magising ako'y nasa isang magandang kuwarto na ako. Agad akong napabangon at napababa ng kama. Inikot ko pa ang paningin ko at nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang mga gamit namin ni Caldwill. Hinubad ko ang jacket ko at lumabas ng kuwarto. "Magandang tanghali po ma'am," bati sa akin ng katulong. "Si Andy po? At si–" "Ay ang asawa niyo po ba? Kausap po si Doktora Ynes," aniya. Napatango ako. Kahit pala rito ay asawa ang pakilala niya sa akin. Akala ko itatanggi na naman niya ako. "Iyong bata, nasaan siya?" tanong ko. "Nasa private room po ma'am, bakit po?" "Gusto ko sana siyang makita," sagot ko. "Pero bawal po," aniya. "Let her, please," ani Andy sa likuran ko."Thank you," baling ko kay Andy at tinapik ang balikat nito. Iginiya naman na ako ng katulong sa ika-dalawang palapag ng bahay at lumakad sa hallway, sa pinakadulo ng palapag. "Ma'am, mag-sanitize ka po muna," anito. Tumango lang ako at sinunod ito. Kinuha ko ang hospital dress, mask, hai

  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-22

    BODCT-22MarinelSINUBUKAN ko nang ilakad ang mga paa ko at kumapit sa sofa. Napasama nga yata talaga ang injury ko. Pumasok naman si Caldwill at mataman niya lang akong tinitigan bago ako tuluyang nilagpasan. Mariin kong nakagat ang aking labi at 'di ko maiwasang masaktan. Nanlulumo akong umupo pabalik sa sofa. Kagabi pa ako hindi makatulog ng maayos. Panay ang pag-iisip ko kung bakit pabago-bago ang pagtrato nito sa akin. Para siyang nagpipigil at pakiramdam ko'y parang pinaglalaruan niya lamang ako. Hindi ko siya maintindihan at mas lalong 'di ko na rin maintindihan itong nararamdaman ko. "Ma'am, tulungan ko na raw po kayong mag-impake sabi ni sir," ani manang Ester sa aking likuran. Napatayo ako at napatango lang sa kanya. Inalalayan naman ako ni manang Ester na umakyat sa hagdan. Nang makapasok kami sa loob ng kuwarto ko ay agad akong sumampa sa kama at napatihaya. Sumasakit ang ulo ko sa nararamdaman ko."Ma'am, hindi naman po sa nanghihimasok po ako sa inyo ni sir Caldwill pe

  • But Only Destiny Can Tell   BODCT-21

    BODCT-21Caldwill EnzoTHAT'S fucking insane, disgusted, horrible and fucking ridiculous! Why the hell I did that!? Kanina ko pa iniuuntog ang ulo sa manibela ng kotse ko. "Damn!" inis kong sambit. "Sir, baka gusto niyo magbasag ng bote?" wika pa ni Ivan. Hindi ko man lang ito namalayan. "Shut up," sagot ko na lamang at lumabas sa kotse ko. Kinuha ko ang Shakey's pizza sa kabilang upuan at ibinigay ito sa kanya. After that scene ay agad kasi akong umalis at nagliwaliw muna sa daan. "Sir, hindi pa lumalabas si ma'am Marinel sa silid ninyo simula pa kanina," imporma pa nito sa akin. Tumango lang ako at pumasok na sa loob ng bahay. Diretso ako agad sa silid ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago kumatok. Why I am knocking? This is my room e? Pinihit ko ang doorknob at itinulak ang pinto. I saw Marinel, still asleep. Dahan-dahan akong lumapit sa may paanan niya para i-check ang mga paa nito. Thank god! Hindi na ito namamaga at okay na siya. Lumipat ako sa kaliwang gilid niya at

DMCA.com Protection Status