Home / All / Bubbly / Chapter 2

Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2021-07-12 11:07:44
 

 

NAKAHILATA siya sa sofa nang hapong iyon at walang ganang lumabas. Kahit maghilamos man lang ay ayaw pa niyang gawin. Sanay siyang ganito dati lalo na kung day off niya.

"Hindi ganyan ang tamang pag-upo, Gieselle," puna ng kanyang lola.

"Tinatamad ako, 'La. Hayaan niyo na po at ngayon lang naman’ to," nakanguso niyang saad habang pagltuloy lang sa pagkalikot sa cellphone.

"Maligo ka na't magbihis dahil aalis tayo ngayon. Mamayang ala-sais ng gabi magsisimula na ang novena para sa kapistahan ni Sto. Domingo at sasabat tayo."

Napabalikwas siya dahil sa narinig.

"Seriously, 'La? Novena na naman? Kayo na lang kasi ni Ate Toyang ang pumunta at ako ang magluluto ng hapunan natin." Kondisyon niya na sana naman ay payagan ng matanda.

"Hindi. Sasama ka sa akin sa kapilya at maiiwan si Toyang dito," pinal na sabi ng kausap.

Sobrang nakatatamad ang ganitong buhay. Nakalimutan na niya ang lasa ng alak, amoy ng sigarilyo at maging ang hitsura ng bar. Kapag ganitong araw ay madalas silang nagba-bar hopping kasama ang mga katrabaho at umuuwi kapag papasikat na ang araw. Pero ngayon, novena, rosaryo at kapilya na ang buhay niya.

Sleeveless blouse at tattered na maong na pantalon sana ang susuotin niya ngunit nang makita ito ng kanyang Lola Carmen ay pinagpalit siya ng damit. Ito pa ang naghalungkat sa kanyang aparador para maghanap ng 'desenteng' damit na nababagay sa loob ng kapilya.

Bestidang puti na lampas siko ang manggas at hanggang sa ibaba ng tuhod ang haba. Para siyang batang binihisan ng abuela at pina-ikot pa pagkatapos ibutones ang suot.

"Bagay na bagay sa'yo, apo. Naku napakagandang bata mo talaga," puri nito sa kanya at napapalakpak pa.

"Bagay? Nagmukha nga akong manang sa suot ko," komento niya habang sinisipat ang sarili sa harap ng malaking salamin. Pero hindi naman niya masasabing pangit ang kanyang suot, sadyang hindi lang siya sanay na ganito ang bihis na parang ang bait niyang tingnan.

"Sana nandoon si Martin para magkakilala na kayo." Nagniningning ang mata nito na tila nangangarap.

Inikutan niya ito ng mata at wala ng sinabi. Kung makikilala niya ang pangit na Martin na 'yon, siguradong tatakbuhan niya ito.

Lahat ng mga kasama niya sa pagno-novena ay mga matatandang puro puti na ang buhok. Wala man lang kasing-edad o mas bata pa sa kanya para may makausap man lang.

"Wala ngayon si Pressy dahil sinumpong ng rayuma. Wala rin ang apo niyang si Martin dahil may lakad at mamayang madaling-araw pa ang balik dito sa baryo," sabi ng isang kumare ng kanyang lola.

"Ganoon ba? Sayang naman at hindi pa sila magkakakilala nitong apo ko." Panghihinayang naman ni Lola Carmen pero para sa kanya'y swerte siya ngayon.

"Tiyak, magugustuhan ito ni Martin. Kay gandang bata naman kasi nitong si Gieselle kaya hindi imposibleng maraming lilingon at mabibighani sa kanya," sabi ng matandang babae na may hawak na tungkod.

Siya maganda, ano naman kaya ang hitsura ng Martin na 'yon? Hindi pa nga niya nakikita'y parang nandidiri na siya. Masamang maging mapanghusga pero sa pagkakataong ito'y hindi niya lang maiwasan.

Alas-otso pa lang ay tapos na ang araw nila sa probinsiya. Ang dalawang kasama niya sa bahay ay nagsipasuk na sa kani-kanilang mga kwarto upang magpahinga samantalang siya'y dilat na dilat pa ang mata. Parang hinahanap niya ang night life na ilang linggo pa lang niyang hindi nararanasan.

Hinanap niya sa contacts ang numero ng kanyang pinsan at laking tuwa nang mikatang naka-save pa ito. Tinawagan niya ito at umaasang sana'y hindi pa nagpalit ng number at nakahinga siya ng maluwang nang mag-ring ito.

"Hello?" sagot ng nasa kabilang linya.

"Thanks God at na-contact pa kita, Katarina," sabi niya kaagad sa pinsan. Hindi kalayuan ang bahay nito mula kay Lola Carmen.

"Gieselle? Ikaw ba 'to? Kumusta? Nandito ka ba ngayon sa probinsiya?" masayang bati nito sa kanya. Kababata niya si Kat pero nang namalagi na siya sa siyudad at nag-focus sa career ay naging madalang na ang kanyang pag-uwi kaya matagal na rin niyang hindi ito nakita o nakakausap.

"Oo at malapit na akong maging mongha kaya parang awa mo na, Katarina, gumala naman tayo." Hinaluan niya ito ng kadramahan para mas epektibo.

"Same old Gieselle ang hilig mo pa ring tumakas at gumala."

Ilang pakiusap at pangungulit pa ang kailangan niyang gawin bago ito pumayag. Kahit magkasing-edad sila pero hanggang ngayon ay duwag pa rin ito.

"Kapag nahuli tayo ni Lola Carmen ikaw talaga ang ididiin ko. Sinasaulo ko na ang paliwanag at rason kung sakaling magkabistuhan mamaya, bukas o sa susunod na araw," sabi nito sa may kalakasang boses dahil hindi sila magkarinigan sa loob ng bar.

"Diin me all you want. Saka wala namang namatay dahil pinagalitan no. Kahit mag-rant pa si Lola wala na siyang magagawa kasi tapos na, nangyari na," kibit-balikat niyang tugon bago tinungga ang bote ng beer.

Napangiwi naman ang kanyang kasama nang ibaba niya ang hawak na bote. Siya ang uminom pero tila si Katarina ang nalasing. Maarteng kinuha nito ang basong may lamang juice bago sumipsip sa straw. Gusto niyang pagtawanan ang pinsan dahil kahit ngayon na nasa hustong gulang na ay hindi pa rin ito umiinom ng alak.

"Maiihi ka lang niyan, Kat, pero hindi malalasing. Ang weak mo, my dear cousin," pang-iinis niya pero hindi naman tumalab.

"Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ng mga estudyante ko kung makikita akong umiinom? Kaya hanggang juice lang ako, Gie, dahil mahal ko ang trabaho ko." Tukoy nito sa pagiging isang preschool teacher.

Wala pang exciting na nangyayari kahit pa mag aalas-onse na ng gabi. Muntik na niyang makalimutan na wala pala siya sa malaking siyudad kung hindi nasa probinsiya.

Aayain na sana niya si Katarinang umuwi pero nagbago ang kanyang isip nang mamataan ang isang grupo ng mga lalaking kapapasok pa lang sa bar. Mga gwapong lalaki. Sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok kahit pa nabitin sa ere ang bote ng alak na hawak.

Umayos siya ng upo at pinasadahan ng tingin ang mga lalaking dumaan sa harapan nila. Nahuli ang isang kasama nila na busy sa pagkalikot ng cellphone. Matikas ang tindig nito kaya naman nililingon ng maraming babae. May matipunong katawan na tila nagmumura ang muscles sa braso.

Natatamaan ng laser lights mula sa dance floor ang mukha nito at na-hook siya kaagad kahit wala pa itong ginagawa.

Nagkasalubong ang kanilang titig at pumungay kaagad ang kanyang mata pero iniwas lang nito ang tingin at dumiretso sa mesa ng mga kaibigan.

What the? Snob ang beauty niya at parang ayaw niyang tanggapin iyon.

"Sino sila Kat?"

"Mga guro sa state university ng probinsiya natin." At kumaway pa ito sa isa sa mga lalaking nandoon sa grupo. Gumanti naman ang kinawayan nito na may malaking ngiti sa labi samantalang ang kursonada niya'y seryoso pa ring kinakalikot ang cellphone at walang planong tumingin sa kanila.

Napalingon sila sa dance floor nang marinig ang masayang hiyawan doon.

"Diyos ko, hayan na naman ang pa-contest nila ng pole dancing," usal ni Kat at napa-sign of the cross pa.

Pasimple niyang sinulyapan ang lalaki sa kabilang mesa at nag-angat na ito ng tingin na deritso sa dance floor. At may naisip siyang magandang plano.

"Pole dancing?" ulit niyang sambit.

"Don't tell me. . .Gieselle, huwag na huwag mong gagawin ang iniisip-" Hindi na niya narinig pa ang ilang sinabi nito dahil tumayo na siya't naglakad papunta sa gitna ng dance floor.

Lumalandi nga siya kahit walang dahilan, ngayon pang may crush siyang ini-snob ang beauty niya. Hindi iyon matanggap ng kanyang pride kaya gagawin niya ang lahat para magkandarapa ito sa kanya kahit ngayong gabi lang.

"Gieselle, nakakahiya!" Kasabay ng paghila ni Kat sa kanyang braso.

"This is fun," sagot niya sa problemadong pinsan.

Tinaasan niya ng kilay ang babaeng kasalukuyang nasa bakal na tubo sa gitna ng maraming tao at malanding sumasayaw. Halatang nakainom ito kaya makapal na ang mukha.

"Wow! Ang init!" sigaw ng DJ sa stage na sinundan naman ng palakpakan at hiyawan.

Ang ingay ng paligid at malanding tugtog na pini-play ng DJ ay nagsindi ng landi sa babae kaya mas ginalingan pa nito ang paggiling.

Lame. Iyon ang masasabi niya sa ginagawa nito. Walang pagdadalawang-isip niyang nilapitan ang babae at itinulak palayo sa pole.

"May humahamon!!" mas masayang sigaw ng DJ at sinundan ng nakakabasag-taingang ingay ng mga tao.

Iginiling niya ang katawan habang nakakapit sa pole sa saliw ng tugtog na Body Shot.

She's grinding like there's no tomorrow. Hindi pa nakontento't kahit naka-rubber shoes ay nagawa pa niyang akyatin ang pole ng halos dalawang dipa mula sa sahig at parang sing-gaan ng papel ang kanyang katawan na nasa itaas. Ipinulupot niya ang binti at dahan-dahang ibinaba ang katawan ng patiwarik na walang kahirap-hirap.

Pagkababa ay umikot siya sa pole at itinuloy ang paggiling na tila inaakit ang lahat ng naroon. Gusto niyang ipakita sa lalaking nang-snob sa kanya na ganito ang kaya niyang gawin sa mga nakakalandian. Ang kanyang malulusog na dibdib ay sumasabay sa bawat galaw at halos lumuwa na sa spaghetti strap na may malalim na neckline na kanyang pang-itaas. Mabuti na lang at strecheble ang itim na rugged pants na suot niya kaya hindi mahirap sa kanyang gumalaw ng pagkalandi-landi.

Kasabay ng paghinto ng tugtog ay ang kanyang paghingal at pagtigil ng sayaw. Umani naman siya ng masigabong palakpakan lalo na sa mga lalaki. May iilan na malagkit ang tingin na gusto na siyang kuyugin o siguro'y hinuhubaran na siya sa kanilang isip. Pero wala siyang pakialam. Kahit pa ganoon ang isipin sa kanya, nagsusumigaw ang katotohanang hindi naman mapapasa-kanila ang katawan niya.

Pinagbutohan pa sa pamamagitan ng palakpak kung sino ang nanalo sa kanilang dalawa ng kanyang nakalaban at siyempre hindi siya ang umuwing talunan.

"See? Nanalo ako, ikaw kasi wala kang tiwala sa 'kin," sabi niya kaagad kay Kat nang makabalik na sa kanilang mesa.

"Ang landi mo kanina, girl," nahihindik na wika ni Kat.

"Well, kaunting practice pa doon sa babaeng nakalaban ko. Kulang pa siya sa kape."

Naiiling na lang ang pinsan na wala ng sinabi pa at tila sumusuko na sa kanilang usapan.

"Gie, mag aala-una na ng madaling araw, hindi pa ba tayo uuwi?" apuradong tanong ni Kat.

"Mamaya na kasi ang nilalandi ko'y dini-deadma pa ako," simpleng wika niya sa aligagang kasama.

"Ha? Wala na talaga tayong masasakyan ngayon. Baka maglalakad tayo nito," himutok nito na naka-nguso.

"Eh 'di mamayang umaga na tayo umuwi para siguradong may masasakyan."

"Diyos ko, Gieselle, bakit nga ba ako nagpa-uto sa'yo?"

Nagdagdag pa siya ng inumin bago nakita ang nasa kabilang mesa na papalabas na ng bar. Dali-dali niyang hinila si Kat para sundan ang mga ito.Nagmamadali naman ang huli sa paghablot ng kanilang bag bago nagpatangay sa labas.

"Sige, pare, labas na lang tayo sa susunod. Iyong mas may mahabang oras para sa kwentuhan," sabi ng isang lalaki bago ito lumapit sa pulang kotse na naka-park sa dulo.

"Ingat sa pag-uwi," sagot naman ng lalaking natitipuhan niya.

Nanatili ito sa tabi ng kanyang asul na Raptor nang umalis na ang mga kasama at nagtipa pa sa kanyang cellphone.

Hinila siya ni Kat nang papalapit na sila rito.

"What are you doing?" bulong nito sa kanya.

"Hitch. Wala na tayong masasakyan 'di ba?"

"Baliw ka ba? Really? Kay Martin Villafuerte ka talaga manghi-hitch?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya.

"Bakit? Kanino pa ba tayo pwedeng magpahatid ng ganitong oras?" Pinagkrus niya ang dalawang braso sa dibdib.

"Kilala kita, Gie. Kanina ka pa nagnanasa kay Martin. Lalandi ka lang eh," akusa nito sa kanya na may bahid naman ng katotohanan.

Tumikhim muna siya para kunin ang atensiyon nito.

"Ah, excuse me?" Pagpapa-cute niya.

Lumingon ang lalaki sa kanya at pagkatapos kay Kat.

"Katarina, hindi ko inaasahang makikita kita rito," bati nito sa kanyang pinsan. Hilaw namang kumaway si Kat at bumalik na naman sa cellphone ang mata nito. Naiinis na siya dahil masyado itong pakipot gayung ang mga lalaking nakakasalamuha niya'y nag-aagawan ng kanyang atensiyon.

"I'm Gieselle, pinsan ni Katarina. Gusto lang sana naming makiusap kung pwede bang makisabay o magpahatid sa'yo?"

"Paano kayo nakapunta rito gayong wala naman pala kayong masasakyan pauwi?" supladong tanong nito at hindi man lang nag-abalang magpakilala sa kanya.

'Ano ka ngayon Gieselle?' kantiyaw ng sariling isip niya. Akala niya'y madadali ito kaagad ng kanyang ganda pero hindi pala.

"Martin, pasensiya na sa istorbo. Medyo nagkatuwaan lang kasi kami nitong si Gieselle kaya hindi namin namalayan ang oras. Lumalalim na pala ang gabi at wala ng masasakyang jeep o traysikel pauwi. Pero kung out of the way mo naman ang bahay namin, maghahanap na lang kami ng ibang tao na maghahatid sa 'min," sumabat na sa kanilang usapan si Kat.

Hindi kumibo si Martin, sa halip ay sinipat nito si Gieselle mula ulo hanggang paa saka iniwas ang tingin na tila nag-iisip.

"Okay lang, Kat. Uuwi rin ako ngayon sa baryo natin kaya sumabay na kayo."

Tila naalis ang mabigat na nakadagan sa dibdib ni Gieselle at gusto niyang pasalamatan si Katarina sa pagsasalba sa kanya sa pagkakasupalpal at kahihiyang aabutin sana kay Martin.

Pero bukas ay babatuhin na naman niya ang pinsan ng maraming tanong kung bakit magkakilala sila ng crush niya at kung malapit ba ito sa lalaki.

Akmang sasakay na sana siya sa passenger sit nang buksan ni Martin ang pintuan pero nagsalita ito.

"Dito ka na, Kat. Ang pinsan mo na lang sa backseat." Hindi man lang nag-abalang buksan ang pintuan para sa kanya. Nagpakawala ng malutong na mura ang isip niya at tahimik na sumakay sa likod.

Pati ang pagda-drive nito'y ang lakas ng appeal. Simpleng galaw lang ni Martin pero humahanga na siya. Baliw na nga siguro siya, epekto ng boring na buhay ng kanyang Lola Carmen.

"Salamat Martin," magalang na sabi ni Katarina nang makababa na mula sa sasakyan.

"Your welcome, Kat," sagot naman ng lalaki na may munting ngiti sa mukha.

'Pesting ngiti 'yan!' hiyaw ng isip ni Gieselle.

Wala na itong sinabi at pinaharurot na ang sasakyan palayo. Saka pa lang niya naalalang sa bahay nina Kat pala sila huminto at kailangan pa niyang maglakad ng isang kanto papunta sa bahay ni Lola Carmen.

"Naku, Gieselle, umayos ka. Pihikan sa mga babae si Martin at minsan lang nagkanobya 'yan. Kaya kung kursunada mo siya kailangan mong baguhin ang nakasanayan mo," babala ni Kat sa kanya at dahan-dahang binuksan ang gate nila.

"Bukas na tayo mag-kwentuhan ulit, my dear cousin dahil maglalakad pa ako pauwi. Hindi kasi door to door delivery ang knight in shining raptor ko." Bago tuluyang iniwan ang pinsan nang makapasok na sa gate.

"Ingat ka. Maraming aso riyan," alaska pa sa kanya ng pinsan.

Akala niya'y nagtagumpay na siya sa gala ngayong gabi pero akala lang pala niya ang lahat. Pagpasok niya sa sala ay biglang bumukas ang ilaw at tumambad si Lola Carmen na may hawak na walis-tambo.

"Hi po, Lo-la." May hilaw na ngiti sa kanyang mukha.

Kahit natatakot siyang lumapit dito pero kailangang magmamano siya.

Iniabot naman nito ang kamay pero ang kasunod ang pagpalo sa kanyang puwit.

Kahit walis-tambo iyon pero may kaunting sakit pa rin siyang naramdaman.

"Tataas ang presyon ko sa'yo, Gieselle!" naiinis na saad ng matanda sa apo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

  • Bubbly   Chapter 3

    "GIESELLE, bumangon ka riyan," pukaw ni Lola Carmen sa matigas na boses. Umungol lamang ang dalaga at hindi man lang nag-abalang magdilat ng mata. Lumapit ang matanda sa bintana at binuksan ito. Hinawi ang kurtina at tuluyang pumasok ang sinag ng araw mula sa labas. "Gieselle, bumangon ka na. Alam kong naririnig mo ako pero tinatamad ka lang. Bumangon ka na at maligo dahil magsisimba tayo ngayon. Alas nuwebe magsisimula ang second mass kaya maghanda ka na para hindi tayo mahuli," patuloy ng kanyang lola. Nagtalukbong siya ng kumot pero hinila ito ni Lola Carmen. Nanunuot ang lamig sa kanyang balat kaya pagod siyang bumangon at umupo sa kama. Sabog ang kanyang buhok at mababakas pa ang lipstick na hindi natanggal mula sa paggala kagabi."Tingnan mo nga ang hitsura mo. Mahabaging langit, patinuin niyo na po ang aking apo." Napatingala pa ang matanda dahil sa hinihiling nito. "Lola, naman eh," daing niya sa nakapikit na mata, "huwag niyo na lang kasi akong isama.

    Last Updated : 2021-07-12
  • Bubbly   Chapter 4

    "HI, Gie, napatawag ka?" masayang bati sa kanya ng kaibigang si Paloma na nasa kabilang linya. Naisip niya ang malaking ngiti nito."Wala, nangangamusta lang," kibit-balikat niyang sagot kahit pa hindi naman ito nakikita ng kausap."Kumusta ang nirireto ng lola mo? Nagkaharap na ba kayo?"Saglit siyang nag-isip kung sasabihin ba ang mga nangyari nitong nagdaang araw. Baka naman ay tuksuhin pa siya nito.Sasagot na sana siya sa tanong nang may biglang pumasok na tawag mula sa unregistered number. Akala niya'y missed call lang pero hindi pala. Na-curious tuloy siya kung sino ito."Pam, saglit lang. may tumatawag kasi kaya sasagutin ko muna," paalam niya sa kausap. Nagpaalam kaagad ang kaibigan at ito na ang kusang nagbaba ng linya."Hello?" pilit niyang inipit ang boses para cute pakinggan. "Mabuti naman at naisipan mong sagutin ang tawag ko," saad ng baritong boses na nasa kabilang linya.Hindi siya makapaniwalang si Martin ang may-ari ng baritonong boses na tum

    Last Updated : 2021-07-12
  • Bubbly   Chapter 5

    "KULANG sa tubig," mga katagang namutawi sa bibig ni Martin. Nakaramdam siya ng hiya, kasabay ng pag-iinit ng mukha."Kulang sa tubig para maging lugaw." Kahit seryoso ito'y nakikita niya pa rin sa mata nitong hinahamak siya.Halos hindi siya makagalaw kanina dahil sa nakitang hitsura ng kanin nang buksan ang takip ng kaldero. Kung bakit kasi'y sobrang kuripot ng kanyang lola at hindi man lang naisipang bumili ng rice cooker. Naging lugaw tuloy ang kanin na niluto niya.Mas pinili niyang manahimik dahil ayaw mag-isip ng kanyang utak ng isasagot sa kaharap. Itinabi na niya ang kanin na nasa plato at binusog ang sarili sa ulam na dala ni Martin.Pero naubos ng lalaki ang kanin na nasa plato nito kahit pa nagmistula itong lugaw."Konting practice pa sa pagsasaing dahil kapag nagkataon, kawawa ang magiging asawa mo. Araw-araw kakain ng lugaw," tinutukso pa rin siya."Kaya hindi ako mag-aasawa," taas-kilay niyang saad."So anong gagawin mo kung ganoon?" walang-kurap m

    Last Updated : 2021-07-12
  • Bubbly   Chapter 6

    "KAYA payo ko sa'yo dapat mag-aral ka ng magluto," pahabol na saad ni Katarina.Natanong niya ang sarili kung bakit ang hirap i-pleased ng Martin na 'yon. Pwede namang magkagusto na lang ito sa kanya at magkaroon na sila kaagad ng relasyon para kung magsawa man ay madali na lang ding maghiwalay.Pero sinupalpal siya ng sariling utak dahil ang nagsusumigaw na katotohanan ay seryosong relasyon ang gusto ni Martin.Pinukaw sila ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto kaya binuksan ni Kat ang pintuan."Ate, pa-tulong," naiiyak na saad ng isang dalagitang babae nang makapasok."Katherine? Naaalala mo pa ba siya?" sa halip ay sagot ni Kat dito sabay turo kay Gieselle."Yes, of course," anas iyon na namutawi sa bibig ni Katherine pero narinig pa rin ni Gieselle."Hi, Katherine, ang laki-laki mo na. Last time I saw you nasa elementary ka pa eh," bati niya rito. Naalala niya noong high school pa lamang sila ni Kat at ito nama'y nasa elementary, siguro'y nasa ika-a

    Last Updated : 2021-07-12
  • Bubbly   Chapter 7

    "HINDI ko nagustuhan ang suot mo kagabi, Gieselle. Mabuti na lang at nandiyan si Martin."Iyon ang isinalubong ni Lola Carmen pagkagising niya. Hindi siya sigurado kung anong oras na dahil abala na ang matanda sa pagbuburda. Mataas na ang sikat ng araw sa labas at ramdam na niya ang init nito sa loob ng bahay."Cosplay naman kasi ang pinuntahan ko, Lola, hindi kapilya," pamimilosopo niya at dumiretso na sa kusina."Kung hindi lang si Martin ang naghatid sa'yo kagabi, papagalitan talaga kita. Paano na lang kung mabastos ka kapag ibang lalaki ang kasama?" pangaral pa nito at sinundan siya sa kusina. Nagsalin ito ng salabat sa tasa at umupo sa kanyang tapat.Hindi na siya sumagot dahil puno ang bibig at ngumunguya ng toasted bread."Kumain ka ng kanin at gulay, Gieselle. Kaya ka patpatin dahil puro ka tinapay sa umaga," puna na naman ng matanda."Sexy ang tawag dito, 'La. Saka babawi naman ako mamayang tanghalian at ang budget ko ay tatlong plato.""At hindi ka rin

    Last Updated : 2021-07-12
  • Bubbly   Chapter 8

    "GIESELLE, may bisita ka." Halatang hindi maganda ang timpla ni Lola Carmen. Hindi rin niya alam kung bakit. Mag-aalas dose na ng tanghali at kinatok siya nito sa kwarto. Katatapos lamang niyang maligo at nakabalot pa ng tuwalya ang kanyang basang buhok nang pumasok ito. "Sino po 'La?" Umasa siyang sana si Martin ito at yayain na naman siyang pumunta sa isa sa mga kaibigan nito. "Hindi ko kilala. Lalaki." At iniwan na siya nito sa kwarto. Kumunot ang kanyang noo at nag-isip kung sinong lalaki ang pwedeng bumisita sa kanya? "Magandang tanghali, Gie," bati sa kanya ni Mico nang madatnan niya sa sala. Nasa silyang malapit sa bintana si Lola Carmen at abala sa pagbuburda pero alam niyang ang tainga nito ay nakikinig sa kanila. "Ikaw pala. Paano mo nalaman ang bahay namin?" tanong niya sa dismayadong boses. "Nagtanong ako kay Martin." Napakamot ito sa batok. "Nag-text ako sa'yo pero 'di ka naman nag-reply. Tinawagan kita na pupunta ako rito pero 'di ka naman suma

    Last Updated : 2021-07-12
  • Bubbly   Chapter 9

    "Hoy!" Sabay pitik ni Katarina ng kanyang daliri sa harapan ni Gieselle.Alas-kuwatro na ng hapon pero mainit pa rin kaya pumunta muna silang dalawa sa parke malapit sa simbahan.Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho si Katarina kaya sinamahan siya nito. Dalawang araw na siyang natutulala simula nang nakausap niya ang mommy ni Martin.Pumangalumbaba siya at nakatanaw sa kawalan na tila walang narinig mula kay sa katabi."Ano ba kasing pinagda-drama mo riyan? Share mo nga sa 'kin." Sumubo ito ng cotton candy."Kasi ang mommy ni Martin may pa-warning na. Malabo namang manligaw sa 'kin ang anak niya," naka-nguso niyang saad."Baka naman kasi may balak. Hindi naman mababanggit 'yon ng mommy niya kung wala.""Pa-virgin din 'tong si Martin eh. Sobrang pakipot. Jowang-jowa na ako sa kanya siya naman 'tong panay ang pahabol." Lumamon na rin siya ng cotton candy."Speaking of Martin," bulong ni Katarina sabay kuha ng cellphone sa sling bag nito, "ito tingnan mo.""So

    Last Updated : 2021-07-12
  • Bubbly   Chapter 10

    "GANOON BA?" mahinang usal ni Gieselle nang marinig ang dahilan kung bakit hindi makapupunta si Mico sa kaarawan ng isang kaibigan nila."That's why your coming with me," hindi iyon anyaya, utos iyon na hindi pwedeng baliin."Pag-iisipan ko pa." Sinadya niyang tingalain ang mukha ni Martin upang malaman kung ano ang magiging reaksiyon nito."What? Bakit mo naman pag-iisipan? You're safe kapag ako ang kasama mo."Iyon nga ang inaalala niya. Masyado itong maginoo na halos hindi na marunong lumandi."Saan ba gaganapin ang birthday celebaration ni Adrian?""Sa isang inland resort. Kaya nga sumama ka na para hindi ka na magtanong."Ito pa ang nag-aya pero ito pa ang nayayamot. Nagkibit-balikat siya bilang tugon sa lalaki."Is it a yes then?" paninigurado nito.Tumaas ang kanyang dalawang kilay. Kung kailan umiiwas na siya sa lalaki ay saka naman ito lumalapit. Ayaw niyang mag-assume dahil baka nga-nga naman pala siya sa bandang huli. Pero pangako niya sa sarili'y hu

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • Bubbly   About the Author

    About the Author Blu Berry loves the beach, the sunrise and the sunset and the sound of the waves crushing on the shore. She was born and bred in the province and that’s why most of the settings in her novels are located at similar places. Except for writing, she also loves reading, watching movies, documentaries or reality shows and simply listening to music.

  • Bubbly   Epilogue

    MASIGABONG palakpakan ang sumalubong sa kanila paglabas ng simbahan. Pagakatapos ng limang buwan na preperasyon ay ikinasal na rin sila ni Martin. Sinalubong siya ni Paloma ng halik sa magkabilang pisngi. Namamasa ang mata nito sa luha. Kinamayan naman ni Arken si Martin at nag-usap ng palihim at sabay na natawa.Nakiyakap na rin si Mother Chelsea sa kanila."Congratulations, my dear friend. Finally, nakapag-settle down ka na rin." "Ganito pala ang feeling ng ma-inlove," masayang turan niya at naiiyak na rin."Dalawang magagaling kong model nag-settle down na. Ang ganda lang ng mga alaga ko." Sumisinghot pa ang bakla.Nag-agawan ang mga single ladies sa kanyang bouquet nang ihagis niya pero kusa itong dumapo sa kamay ni Katarina. "Who's the lucky guy, Kat?!" biro niya sa natigilang pinsan. Isa ito sa kanyang mga bride's maid. Inirapan siya nito kaya mas lalo pa siyang natawa. Balita niya'y ang kakanta sa kanilang wedding reception ay ang sikat na bokalista ng is

  • Bubbly   Chapter 36

    "MARTIN, I'm sorry. Hindi ko sinasadya." Iyon ang katagang sinabi ni Mari sa kanya, isang buwan bago ang kanilang engagement. "What? Sorry para saan?" Napahigpit ang kapit siya sa gilid ng mesa kung saan sila nagkita't nag-usap.Itinulak ng kamay nito ang isang pregnancy test kit at may dalawang pulang guhit doon. Paano nangyari 'yon gayung todo ang pagpipigil nilang dalawa na walang mangyari sa kanila hangga't hindi pa ikinakasal. "Bullshit!" Malakas niyang pinadapo ang kamao sa mesa. Tumunog ang mga kubyertos at napalingon ang mga tao sa kanila. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ng nobya. Iwan kung nobya pa bang matatawag si Mari gayung niloko siya nito. "Martin! Open the door! Kahapon ka pa hindi kumakain at panay ang inom mo riyan sa loob ng kwarto mo! Please, don't do this. Hindi dahil niloko ka ni Mari ay katapusan na rin ng mundo!” Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang kinakatok ng kanyang mommy at dinadalhan ng pagkain. Simula nan

  • Bubbly   Chapter 35

    SINUGOD kaagad siya ng nag-aalab na halik ni Martin nang makapasok sila sa bahay nito.Isinarado nito ang pintuan gamit ang paa dahil abala na ang kamay nito sa paghubad ng kanyang damit.Napadaing siya nang hawakan nito ang basang pagkababae."Baby, your so wet," saad nito habang ikinikiskis ang isang daliri sa kanyang kaselanan. Napaliyad siya ng ipasok nito sa kanyang butas ang daliring iyon."Stop teasing me," reklamo niya sa malanding boses. Itinulak niya ang lalaki at napaupo ito sa sofa. Kumandong siya paharap dito at siya na ang kusang sumiil ng halik nito.Hinawakan naman ni Martin ang kanyang balakang at iginiya siya sa galaw na gusto ng lalaki. Kahit may mga saplot pa sila pero hindi niya maiwasang mag-apoy ang katawan.Hinaklit nito ang kanyang blouse at tumilapon ang mga butones. Inalis ang brassiere at pinagpiyestahan ang malusog niyang dibdib. Sinipsip nito ang munting korona na parang bata na uhaw na uhaw.Patuloy lang niyang ikinikiskis ang pagka

  • Bubbly   Chapter 34

    NAGPATULOY ang halikan nina Martin at Geiselle. Parang kaytagal nilang nawalay at ngayon pa lang natagpuan ang isa't isa. Tumikhim ang mommy nito upang kunin ang kanilang atensiyon. Hindi na nila namalayan ang pagpasok nito. Nagmamadali siyang tumayo mula sa pagkakadapa sa lalaki at inayos ang nagusot na blouse. Iniwas niya ang mata sa ale pero bumangon si Martin at hinila pa siya palapit sa katawan nito. Gusto niyang lumayo pero nanatili ang braso nitong nakapulot sa kanyang baywang. "I'm sorry kung naistorbo ko kayo," nakangiting saad ng ginang. "Pa-pasensiya na po," hinging paumanhin ni Gieselle dala ng matinding kahihiyan. Kung bubuweltahan siya ngayon ng nanay nito'y hindi siya makakasagot. Masyado siyang nag-alala kay Martin at nang malaman niyang ayos lang ito'y nasabik naman siya at nakalimutan kung nasaan sila dahil sa halik nito. Aminin man niya o hindi, pilit man niyang itanggi at itago pero hindi niya maluluko ang sariling puso, mahal niya ito sa k

  • Bubbly   Chapter 33

    PAGKATAPOS ng pag-uusap nila ni Mari ay hindi siya nagtangkang umalis ng bahay ulit. Natatakot siya dahil baka kung sino na naman ang lumapit sa kanya at magsabi ng kung ano-ano. Niyaya siya ulit ng mag-asawang Paul at Joy na lumabas pero umayaw siya. Ayaw niyang makita si Martin ulit dahil masasaktan lang siya. Kung malalasing siya ulit baka may mangyari na naman. Mabuti na lang at pinaniwalaan siya ng mag-asawa sa inimbentong dahilan. Mahimbing na sana ang tulog niya pero nagising dahil sa kapitbahay nilang nagwawala. Ito ang unang beses na may nag-eskandalo sa kanilang tapat.Kalaunan ang sigaw nito'y nagiging pamilyar na sa kanya. Tila boses ni Martin. Sisilip na sana siya sa bintana pero sunod-sunod ang katok ni Ate Toyang. Nagmamadali siyang pinagbuksan ito ng pintuan. "Ate, bakit? Sino ba 'yang nagwawala diyan sa labas?" Pati siya ay natataranta rin. "Si Martin. Gusto ka niyang kausapin!" Nagmamadali silang lumabas at kusang huminto sa paghakbang

  • Bubbly   Chapter 32

    NAPAGPASYAHAN ni Gieselle na lumabas ng bahay kaysa patuloy na magmukmok at umiyak. "Hindi ka pa nag-aalmusal, aalis ka na?" tanong sa kanya ni Ate Toyang. "Wala akong gana, Ate. Maghahanap lang ako ng maiinom sa labas, alam niyo na hang over." Inayos niya ang suot na aviator. Dalawa ang dahilan kung bakit nagsuot siya ng ganito. Para sa mainit na panahon at para itago ang namumugtong mata. Nagpunta siya sa isang milk tea shop at nag-order. Umupo sa pinakadulong mesa sa may sulok upang ilayo ang sarili sa iilang tao na nasa loob. Gusto niya ng kapayapaan. Lately, ang dami niyang iniisip at gulong-gulo ang utak. Dumagdag pa ang nangyari kagabi sa kanila ni Martin. Nangalumbaba siya't nakatutok lang ang mata sa labas. Kitang-kita niya ang mga sasakyan sa kalsada lalo't salamin ang dingding ng shop. Hindi na niya inalis ang aviator upang malayang magliwaliw ang mata. Naagaw ang kanyang atensiyon dahil may naglapag ng milk tea sa kanyang harapan. Kanina pa siya

  • Bubbly   Chapter 31

    DAHAN-DAHANG iminulat ni Gieselle ang mata. Alam niyang totoong nangyari iyon kagabi. Ang pagsuko niya kay Martin. Gusto man niyang kutusan at pagalitan ang sarili’y huli na. Panandalian siyang naligaw sa kanyang layunin, ang huwag nang mapalapit kay Martin. Kailangang ayusin niya ang sarili ngayon dahil sa pagkakamaling nagawa niya. Maingat ang kanyang mga kilos na bumaba mula sa kama. Nagtungo sa banyo upang linisin ang sarili. Pero kahit na anong sabon at kuskos ang kanyang gawin ay hindi na niya maaalis ang bakas ni Martin kagabi. Nagsuot siya ng pulang roba at bumaba sa sala. Hinagilap ang hinubad na mga damit kagabi at umakyat ulit sa itaas upang magbihis. Kailangan pa niyang tingnan ang closet nito upang maghanap ng panloob lalo't pinunit ni Martin ang suot niya kagabi. Nagpulbo at naglagay ng liptint upang hindi magmukhang zombie kapag lalabas na ng bahay. Nadatnan niya si Martin na naka-upo na sa kama. Kumot ang tanging takip nito sa hubad na katawan. K

  • Bubbly   Chapter 30

    Nakaharap na siya sa lalaki at nararamdaman niya ang pagkabuhay ng alaga nito na nasa gitna ng hita. Ibinaba naman ni Martin ang zipper sa likod ng damit niya suot at hindi naman niya pinigilan. Ikinulong niya ang mukha ng lalaki sa kanyang dalawang palad at mas nilaliman ang halik. Hindi na galit ang nararamdaman niya kung hindi pagkasabik.Kusa niyang ikiniskis ang kanyang perlas sa umbok nito at ito naman ang napadaing. Nagmamadaling ibinaba nito ang kanyang damit at lumantad ang malusog niyang dibdib na ikinukubli ng strapless na bra. Walang kahirap-hirap nitong ibinaba ang itim na brassiere at sinalo ng dalawang palad ang dalawang dibdib niya.Napasinghap siya nang isubo nito ang isang korona at nilalaro ng daliri ang kabila. Tila sasabog na siya dahil sa init ng sariling katawan at init ng bibig ni Martin.Mas lalo pa siyang hinila ni Martin palapit at nagpalipat-lipat sa kanyang dalawang dibdib. Napasabunot siya sa buhok nito nang sipsipin ang kanyang utong.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status