Sumakay si Lysander sa kotse, habang karga si Lizzy sa kanyang mga bisig. Napansin niyang hindi maganda ang kalagayan nito kaya agad siyang nagmamadaling tumungo sa ospital. Hindi bumaba ang mataas na lagnat ni Lizzy hanggang madaling araw. At nang sa wakas ay humupa ang lagnat at naging kalmado ang paghinga niya, saka lang nakahinga nang maluwag si Lysander.Naupo siya sa gilid ng kama at tahimik na pinagmamasdan si Lizzy. Hindi niya namalayan kung gaano na katagal siyang nakaupo roon hanggang sa bumukas ang mga mata ni Lizzy."Lysander?" Mahina at bahagyang paos ang boses ni Lizzy, may bakas ng pagkalito sa kanyang mga mata. "Nanaginip ba ako?"Bahagyang yumuko si Lysander at tinitigan siya. "Pinagtiyagaan kitang hanapin. Kung hindi ako dumating ngayong araw, alam mo ba kung ano ang pwedeng mangyari?"Napatigil si Lizzy at nag-isip habang tinititigan ang malamig na mukha ni Lysander. Dahil siguro sa kahinaan ng kanyang pakiramdam, hindi na niya napigilan ang sarili at hinawakan ang
Ang kabilang linya ay tila natawa sa galit, at biglang lumamig ang tono nito. "Oo, ang plano ko lang naman ay turuan ng leksyon si Lizzy. Pero ikaw ang nagsabi sa akin na ang ganitong klase ng babae ay magiging masunurin lang kung may hawak kang laban sa kanya. Ngayon na may nangyaring ganito, gusto mo lang linisin ang pangalan mo? Nangangarap ka!"Pagkasabi nito, binaba niya ang tawag nang mariin. Sa sobrang galit ni Celestina, muntik na niyang ihagis ang cellphone, pero natatakot siyang mapansin ng iba na may mali, kaya pinigilan niya ang sarili. Bigla siyang may naisip, kaya nawala ang galit sa kanyang mga mata at ngumiti ng malamig.Hindi niya alam na hindi pa nagtatagal mula nang siya'y umalis, lumabas na si Lizzy na may seryosong ekspresyon. Sinadya niyang sabihin ang mga malalabong pahayag na iyon kay Celestina.Kailan nga ba siya nagsimulang maghinala? Siguro noong paulit-ulit na nagpapakita si Celestina ng mabuting pakikitungo sa kanya. Bukod pa rito, noong araw na nagkaroon
Minaneho ni Roj ang isang simpleng sasakyan para sunduin si Lizzy. Sa sobrang atensyon niya sa daan, napakunot ang noo ni Lizzy, hanggang sa hindi na siya nakapagpigil at nagtanong. "Dahil ba umalis ako at muntik nang maaksidente, kaya sinisi ka ni Lysander?"Bahagyang kumibot ang mga labi ni Roj at agad na ipinaliwanag, "Hindi, hindi! Napakapasensyoso ni Mr. Sanchez sa mga tao niya, at hindi siya gumagawa ng mga bagay na nakakapagpababa ng moral ng iba."Tumango si Lizzy nang may pag-iisip. "Tama, naramdaman ko na rin iyon noon nang nagtatrabaho pa ako sa kanya. Dati akala ko speciall ako sa kanya, pero ngayon mukhang ganito talaga siya sa mga empleyado niya. Indeed, he is a good leader."Bahagyang umubo si Roj at sinabing, "Sa totoo lang, may mga oras na sobrang istrikto pa rin si Mr. Sanchez, pero special ka talaga sa kanya. Hindi siya ganyang ka-relax kapag nasa harap niya kami."Sa wakas, hindi na napigilan ni Lizzy ang sarili at bahagyang ngumiti, "Sinasabi mo ang lahat ng magag
"Ayaw kong pilitin kang sumagot, pero ang tanong na ito ay hindi lang para sa akin, kundi para rin kay Lysander. Kung ayaw mong sabihin sa akin, sigurado akong may lakas ka ng loob na sabihin sa kanya."Kinuha ni Lizzy ang kanyang cellphone at tinawagan si Roj. Lalong nag-panic si Mr. Madrigal, marahil dahil alam niyang maraming hirap ang naranasan niya sa kamay ni Roj.Sumabay naman si Roj sa drama ni Lizzy. Magalang itong ngumiti sa kanya at nagsalita, "Miss Lizzy, huwag kang mag-alala. Anuman ang gusto mong malaman, tutulungan kita. Kahit pa hindi ko magawa, sigurado akong may paraan si Mr. Sanchez."Dahil dito, lubos na natakot si Mr. Madrigal. Nagsimula itong maiyak, tumulo ang sipon, at wala nang natirang dignidad sa kanya. Wala na ang kanyang imahe bilang matagumpay na negosyante na mayabang pa noong gabing iyon."Sasabihin ko na! Sasabihin ko na ang lahat!" Pinilit niyang pakalmahin ang sarili at binaba ang boses. "Ang totoo, hindi tunay na Salas ang apelyido ng dalawang iyon.
“Huwag kang mag-alala.” Pagkatapos, nagpatugtog ulit si Lizzy ng isa pang recording. Mga pamilyar na boses, pamilyar na pagtatalo.Biglang namutla ang mukha ni Celestina. Sinubukan pa rin niyang magpakatatag, pero ang bahagyang panginginig ng kanyang mga kamay ay nagpapakita ng kanyang totoong nararamdaman.Nang makita ito, lalong luminaw ang ngiti sa mukha ni Lizzy, pero ang ngiti niya ay hindi umabot sa kanyang mga mata na nanatiling malamig.“Sa ganitong sitwasyon, mukhang hindi mo na kailangang magkunwaring pinsan, tama ba? Hindi lang ako naghanda nang maaga, nalaman ko rin ang lahat ng mga plano mo. Kung hindi, isipin mo, saan kaya napunta si Mr. Madrigal?”Nabigla ang mga mata ni Celestina, at unti-unting tumindi ang takot sa kanyang isipan. “Kinulong mo siya?”Hindi nakapagtataka na hindi niya makontak ang kahit sino nitong mga nakaraang araw. Akala niya noong una, hindi lang nagtagumpay ang plano kaya natakot si Mr. Madrigal at tumakas. Hindi niya inasahan na hindi lang nalaba
"No, no, no." Mabilis na umiling si Gavin at tumanggi, medyo aligaga ang tono niya. "Natural na parurusahan ko siya nang maayos, pero hindi ko pa masabi kung paano. Huwag kang mag-alala, I will give you an answer that you’ll like."Bahagyang ngumiti si Lizzy at sumagot, "Sige, aantayin ko iyan." Pagkasabi nito, tumalikod na siya para umalis.Habang naglalakad patungo sa pintuan, binagalan niya ang hakbang. Tama ang hinala niya—narinig niya ang mga kalabog mula sa loob.Si Celestina ay dinala kay Gavin. Wala siyang anumang sugat sa katawan, pero halatang pagod na pagod siya. Naglakad-lakad si Gavin sa loob ng silid, halatang pinipigilan ang galit.Pagkatapos ng ilang saglit, tumigil siya sa harap ni Celestina, itinaas ang kamay, at malakas na sinampal ang babae. "Tanga! Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung ano ang ibig sabihin ni Lizzy?"Ibinaling ni Celestina ang tingin sa sahig, pilit na itinatago ang emosyon sa kanyang mga mata. Ayaw niyang mabasa ni Gavin ang nararamdaman niya
Pagdating ng kotse sa Berun, biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Pagkababa ng dalawa, napansin ni Lizzy ang isang pigura sa malayo na nakatayo sa gitna ng ulan. Wala itong dalang payong, at ang payat nitong katawan ay tila nawawalan ng balanse sa ulan, parang anumang sandali’y babagsak ito.Sa mas maingat na pagtingin, nakilala niya si Clarisse. Halatang hinihintay nito si Lysander na bumalik.“Mukhang hinihintay ka niya. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal sa ulan.” Mabait na paalala ni Lizzy, Hindi man lang lumingon si Lysander kay Clarisse; sa halip, tumingin siya kay Lizzy. “Gusto mo bang puntahan ko siya?” tanong nito.Medyo nagtataka si Lizzy kung bakit siya nito tinatanong. Nag-isip siya sandali at sumagot nang maayos, “Hindi maganda ang kalusugan ni Miss Clarisse, baka magkasakit siya kung magtatagal pa siya sa ulan.”Tumango si Lysander. “Right.” Pagkatapos nito, mabilis na itong naglakad palapit kay Clarisse, tila nagmamadali pa.Pagkalapit ni Lysander, bigla
Bumuhos ang luha ni Lianna. "Ate, kung ayaw mo, ayaw mo, pero bakit mo pa ako kailangan pagsabihan ng ganoon?"Bahagyang umubo si Madel, pilit na pinigilan ang galit, at nagpahid ng pilit na ngiti sa kanyang mukha. "Sige na, Lizzy, buksan mo na lang ito para makita mo kung magugustuhan mo. Kung hindi mo magustuhan, huwag na nating pilitin."Nakatutok ang lahat ng mata kay Lizzy, na para bang kung hindi niya bubuksan ang kahon, siya na ang magiging masama. Walang nagawa si Lizzy kundi buksan ito sa harapan nila.Sa loob ng kahon ay isang kuwintas. Napakaganda nito, kumikinang at talagang kaaya-aya sa paningin. Ngunit kumunot ang noo ni Lizzy dahil parang pamilyar sa kanya ang kuwintas na iyon.Ngumiti si Madel nang kontento at agad na nilapitan si Lianna upang aliwin. "Tingnan mo, gusto rin naman ng kapatid mo ang regalong ito. Malapit kayong dalawa bilang magkapatid, paano niya matatanggihan ang regalo mo?"Tumawa si Lianna habang pinapahid ang kanyang mga luha, saka lumapit kay Lizzy
“Hindi ko maintindihan,” malamig na sagot ni Lizzy.Matalim ang tingin ni Jenna, ngunit nanatiling kalmado si Lizzy. Magara ang dekorasyon ng sala, at mayabang na nakaupo sa sofa ang mag-ina.Pero nasaan si Ericka?Malamang, nakagapos ito at umiiyak kung saan man.Matalas ang tingin ni Lizzy. "Ang isang tulad mo ay hindi karapat-dapat na tawaging ina ni Ericka, at ang lugar na ito ay hindi kailanman naging tahanan para sa kanya. Ginagamit mo lang siya para sa sarili mong kapakinabangan. Kailan ka ba nagpakita ng pagmamahal bilang isang ina?" Diretsahan ang kanyang mga salita, at agad na nagdilim ang mukha ni Jenna. "Kung tatanungin mo si Ericka kung gusto niya ito, hindi na ako magsasalita pa. Pero malinaw naman na hindi ka karapat-dapat sa respeto ng iba."Sa tabi ni Lizzy, matikas na nakatayo si Lysander.Galit man si Jenna, hindi siya naglakas-loob na saktan si Lizzy. Kahit ang tasa sa mesa, hindi man lang niya magawang itapon sa galit."Ganyan ba ang asal ng isang Del Fierro?" Mar
Hindi man lang pinansin ni Lizzy ang kaguluhan sa mga mata ni Laurence.Matapos ang trabaho, may isa pa siyang personal na bagay na kailangang ayusin. Paglabas niya ng venue, hawak niya ang kontrata habang natatanaw mula sa malayo ang isang Porsche na may makinis na disenyo."Natapos na!"Pagkaupo niya sa loob ng sasakyan, hindi na siya nakapaghintay na ibahagi ang kanyang excitement kay Lysander.Bihira siyang makitang ganito kasaya, kaya naman natuwa rin si Lysander para sa kanya. "Sa pagkakataong ito, nagawa mo ang lahat nang mag-isa. Lizzy, mas higit pa ito sa inaasahan ko."Narinig ito ni Lizzy at agad niyang itinaas ang kanyang baba. "Siyempre! Tingin mo ba kaninong asawa ako?"Pagkasabi niya nito, bigla siyang nahiya. Hindi pa siya nakakaiwas sa tingin ni Lysander nang bigla siyang hatakin nito palapit. "You’re the best, wife."Bihira siyang purihin ng isang lalaki. Naalala ni Lizzy ang napag-usapan nila dati ni Lysander tungkol sa paglipat ng tirahan. Halata sa mga mata nito a
Nakatayo si Lizzy sa stage, at ang bawat titig ng mga tao sa kanya ay parang matatalim na patalim na tumatarak sa kanyang puso.Samantala, si Liston ay patuloy na nagpapaliwanag."Nakita kong isinulat ni Lianna ang planong ito mismo—from the start until to the end. Pinanood ko siyang i-type ito sa keyboard. At ang planong inilabas mo? Hindi lang kahawig, kundi eksaktong kapareho. Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago dyan sa ugali mo?"Si Liston ay kapatid pa rin ni Lianna. At mula sa paningin ng ibang tao, siya ay nasa isang patas na posisyon.Ngunit si Lizzy ay nakaramdam ng panlalamig sa kanyang likuran."Hindi mo puwedeng sabihin ‘yan, kanina lang gusto ngang baguhin ni Laurence ang pagkakasunod-sunod ng presentasyon."Sa gitna ng lahat, si Iris lang ang tumayo para ipagtanggol siya."Sino ang makapagsasabi kung hindi nila ginamitan ng iligal na paraan para makuha ang trade secrets? At ngayon, sila pa ang nagmamalinis? Sa ugali nilang dalawa, hindi imposible na gawin nila ‘to.
Wala siyang duda na magagawa nila ito sa lounge ng pamilya Hilario.Sa ibaba, si Erick ay nasa stage na at nagsimula nang magbigay ng walang kwentang speech. Gamit ang mabigat at malabong pananalita, ipinakilala niya si Laurence."Gagawin ng tatay ko ang lahat para masuportahan ang paborito niyang anak," sinabi ni Iris nang may halatang panunuya habang nakatingin kay Erick. "Isang anak sa labas na pinapahalagahan niya dahil sa apelyido nito, at gusto pa niya akong gamitin bilang tuntungan para iangat siya."Nakatayo si Iris at Lizzy sa isang sulok. Sa ilalim ng ilaw at anino, kapansin-pansin ang kanilang presensya. Hindi itinago ni Iris ang kanyang matinding ekspresyon, habang si Lizzy naman ay ngumiti kay Erick."Hindi ba makatarungan? Hintayin mong patunayan natin ito sa pamamagitan ng ating aksyon."Hindi man sila magkasundo sa lahat ng bagay, ngunit dahil sa iisang kaaway, nagkapit-bisig sila upang makarating sa puntong ito. Walang puwedeng umurong.Bilang miyembro ng pangunahing
Noon, si Iris ay napakataas ng tingin sa sarili kapag kaharap si Lianna, pero ngayon, siya mismo ang nasusuklam sa ganitong ugali.Namumula ang mga mata ni Lianna habang mahina siyang tumingin kay Iris. "Ate, galit ka pa rin ba kay kuya? Nang umuwi siya, sinabi niya sa akin na wala siyang magawa noon dahil sa sitwasyon. Gusto rin niyang protektahan ang babaeng mahal niya, pero wala siyang kakayahan. Kaya ngayon, nagsanib-pwersa kami para itayo ang Jinken Inc.”Ang Jinke ay ang kumpanyang nirehistro nila.Paanong sa ganoong kaikling panahon ay napalago nila ito? Wala namang iba kundi isang hungkag na kumpanya. Ni hindi pa sila humahawak ng malalaking proyekto, pero naglakas-loob silang makipagtagisan sa Hilario.Talagang malalaki ang ambisyon ng dalawang ito.Lumayo si Iris kay Lianna, takot na madala sa kaawa-awang itsura nito at tuluyang masuka sa harapan niya.“Salamat, pero hindi ko na kailangan ng kahit ano mula sa inyo.” Malamig ang kanyang boses. “Hindi ko kayang tanggapin ang p
"Pinagsasabi mo dya? Magtrabaho ka na, maling desisyon na pinuntahan pa kita rito." Namula si Ericka habang marahang inirapan niya si Lizzy.Natawa si Lizzy, masyado niyang nahalata ang inasta ng kaibigan. "Gustong-gusto mo ba talaga siya?”Wala ng nagawa si Ericka kundi umamin kay Lizzy.Palabas lang ang pagiging masayahin ni Ericka sa mga pagtitipon, pero sa likod nito, napakainosente niya. Sa katunayan, ni minsan ay hindi pa siya humawak ng kamay ng isang lalaki.Malakas lang talaga ang bunganga niya pagdating sa mga usapang kalokohan.Si Lizzy, na alam ang pait ng pag-ibig, ay ayaw na ring mahulog si Ericka sa parehong sitwasyon."Hindi porke’t bata ka pa ay wala ka nang alam. Sa tingin ko, maaasahan naman si Officer Felix. Ngunit tandaan mo, bago mo hayaang mahulog ang loob mo, tanungin mo muna ang sarili mo. Huwag mong hayaang maging dahilan ng desisyon mo ang galit mo kay Jenna."Dahan-dahang lumambot ang ekspresyon ni Ericka. Sumandal siya sa leeg ni Lizzy habang nakatitig sa
Naroon si Madel, hindi makapaniwala sa kanyang nakita, habang pinunit ni Lizzy ang dokumento hanggang sa maluray, at ang mga piraso nito ay nagkalat sa hangin."Imposible! Ang mga bagay na akin, kahit itapon ko man o wasakin nang sarili kong kamay, hinding-hindi ko hahayaan si Lianna na makinabang mula sa akin!""Lizzy!"Inasahan na ni Madel ang ganitong reaksyon. Simula pagkabata, matigas na ang ulo ng anak niyang ito, at mula nang sumama kay Lysander, lalo lang siyang naging walang kinatatakutan.Kung may isang paraan para siya'y sumuko...Sa sumunod na sandali, dumagsa ang mga reporters. Sunod-sunod ang mga pagkurap ng flash ng mga camera, at agad na tinakpan ni Madel ang kanyang dibdib habang nagpanggap na nasasaktan."Lizzy, kailangan mo ba talaga akong galitin hanggang sa mamatay bago mo ako bigyang pansin? Napakawalang-puso mo! Hindi mo lang binabalewala ang pagmamahal ni Lianna para sa'yo, pero pati ako, paulit-ulit mong dinadala sa matinding hinanakit!"Alam ni Lizzy na walan
Nararamdaman ni Aurora ang galit, ngunit sa halip na sampalin si Lianna, mahigpit niyang kinurot ang malambot na laman sa pagitan ng hita nito."Janeeva, sinabi ko na sa’yo noon kung paano inagaw ni Madel ang ama mo mula sa akin, at itinulak sa isang madilim na sitwasyon. Dapat mo siyang kamuhian, at dapat mong ipakita na kinasusuklaman mo siya! Pero bakit parang mas mukhang anak ka pa niya?"Halos mabali ang leeg ni Lianna sa matinding pag-iling. Mula pagkabata, sanay na siya sa mga biglaang pagsabog ng galit ni Aurora. Alam niyang kapag tuluyan itong nagwala, siguradong masisira ang lahat ng pinaghirapan niyang itayo.Isa sa mga madalas sabihin ni Aurora: Kung wala na tayong matatakbuhan, mas mabuting magkasamang mamatay na lang tayo.Ngunit hindi iyon papayagan ni Lianna. Hindi maaaring mawala ang lahat ng pinaghirapan niya. Kaya dali-dali siyang sumagot habang umiiling."Nanay, ikaw lang ang kinikilala kong ina sa buhay ko. Ang ginagawa ko kay Madel ay isa lamang paraan para sa at
Narinig na naman ni Lizzy ang isang bagay na hindi na siya nagulat.Muli siyang tumanggi. Hindi niya kayang iwan si Ericka.Pero agad niyang napagtanto na masyado siyang nag-alala.Pagbalik niya sa maliit nilang apartment, bumalik na ito sa dati nitong mainit at masayang atmosphere, at may isa pang taong naroon sa hapag-kainan.Hindi marunong magluto si Ericka, kaya si Felix lang ang nandoon.Habang subo-subo ang pagkain, masiglang tinawag siya ni Ericka. "Lizzy, halika rito at tikman mo ang luto ni Officer Cabrera! Ang galing niya! Hindi lang siya magaling sa pakikipagtalo ng mga kriminal, marunong din siyang magluto..."Mukhang isang perpektong asawa.Habang walang patid sa pagkain, itinatago ni Ericka ang kanyang kilig.Napansin ni Lizzy kung paano halos itago ni Ericka ang namumula niyang mukha sa mangkok at agad niyang naintindihan."Mukhang masarap nga. Officer Cabrera, pasensya ka na kay Ericka, diretso siyang magsalita. Pero salamat sa pag-aasikaso mo sa kanya." Ngumiti siya n