“Madam, ang sabi ni Atty. Lorcan ay malakas ang laban natin sa korte kaya siguradong kahit anong galing at gwapo ni Atty. Isles ay tayo pa rin ang mananalo!” sabi ni Cameron.Bumuntonghininga ako. Nandito kami ngayon sa isang resort sa Batangas dahil may mga kinailangan kaming tapusing out of town works, at mayroon din akong photoshoot kung kaya’t sinamahan nila ako. They also insisted that I need a break from everything... “Tama si Cams, Nat. Just chill, okay? At magkaaway ba kayo ni Atty. Isles? Dahil laging ang sama ng tingin ninyo sa isa’t isa.” Ngumuso si Sittie habang nakahiga sa lounger at tanging bikini ang suot. “Ay, no, no, no ka riyan, Sittie ! Eh, kasi naman, itong si Madam Nathalia lang ang palaging masama ang tingin kay Attorney. Naku, nakita mo ba talaga kung paano siya tingnan ni Atty. Isles? May something talaga! Parang ang dreamy ng mga mata niya. Parang laman ng pantasya niya ang madam natin! Ganoon! Dahil nakikita ko palagi na nakatingin siya sa ‘yo! Lalo na ro
“Alright! That’s a wrap.”Nauna na akong magpaalam kina Sittie na magpapahinga na sa cabin. I’ve been tired the whole day since I couldn’t get enough sleep last night.“Magdi-dinner kami sa kabila, Nathalia. Hindi ka sasama?” tanong ni Sittie.“May pagkain naman dito, Sittie. Ayos na iyon. Masama rin talaga ang pakiramdam ko dahil kulang ako sa tulog,” paliwanag ko habang pinapatong ang isang malinis at tuyong tuwalya sa nilalamig kong katawan.Malakas ang hangin dito sa tabing dagat. Parang yelong dumidikit sa balat ko.“Wow, Madam, kulang ka na sa tulog sa lagay na iyan, ah, pero ang fresh fresh mo pa ring tingnan! Ano pa kaya ‘tong mukhang ‘to?” pabirong sabi ni Cameron sabay turo sa sarili.“Ikaw, Isles? Sasama ka?” pagtatanong ni Sittie na binalingan si Isles. Napatingin tuloy ako sa kanila ni Harris.Nagsalubong ang mga kilay ni Isles noong tiningnan ako, siguro dahil sa pagtanggi ko. Hindi ko naman siya magawang irapan.“No. I’ll take a rest...”Nag-make face na lang si Sittie
Sa kama ni Isles ako nahiga. Tahimik lamang ako habang nakatagilid at nakatabon ang kumot hanggang bewang ko. Kahit ipikit ko ang mga mata ko ay hindi ako makatulog.Matapos ang ilan pang sandali ay narinig ko ang pagsara ng pinto ng cabin ni Isles. He went out. Hindi na kami nakapag-usap pang muli dahil sinabi kong gusto ko nang magpahinga at hinayaan niya naman ako sa gusto kong mangyari kahit ramdam kong gustong-gusto niya ako kausapin. Hindi ko namalayan na pumatak ang luha sa mata ko. I wiped it and forced myself to sleep.Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Wala pa rin sina Sittie. The last text I received was from Harris, updating me na bagsak daw sina Sittie at Cameron sa kalasingan pati ang iba naming mga kasama sa dami ng kanilang nainom, kaya posibleng tanghaliin na sila sa pagbalik.Kung tutuusin ay pwede na akong mauna pero dahil ayaw kong iwan sina Sittie ay sinabi kong maghihintay ako hanggang hapon. Ang ibang staff ay mauuna na. Ang sabi ni Isles ay huwag ko nang i
After we had a lunch, sinama na ako ni Ezro pauwi sa Maynila. Wala akong nagawa. Besides, I also needed to go home. Kailangan ko na ring muling makausap si Atty. Lorcan.Text na lang ang nagawa ko para kina Sittie dahil kahit noong makabalik kami sa cabin ay wala pa rin sila. Si Ezro ay hindi pumayag na magtagal pa ako. He couldn’t even believe that Isles is here.Hindi ko na nga nakausap pa si Isles. Noong maihatid ako ni Ezro sa mismong penthouse ko ay ilang beses kong sinubukang magtipa ng message para kay Isles pero kada may nabubuo akong mensahe ay binubura ko lang din.Kinagat ko ang aking labi at pabalik-balik na naglakad. Should I text him? Call him? Ano namang sasabihin ko?Of course, Nathalia, you left without even a proper goodbye! That’s just so mean and, well, unprofessional!Hanggang sa na-lowbatt na lang ang phone ko ay hindi ko na nagawa pang magmensahe kay Isles.Mabilis na lumipas ang mga araw pagbalik namin ni Ezro sa Manila. Noong magyaya ng dinner sina Mommy kasam
Dumating ang araw ng engagement namin ni Ezro. Ni hindi ko ito namalayan. Wala rin naman akong nagawa para mapigilan ang tuloy na tuloy na engagement. Maging si Ezro ay wala na ring magawa lalo pa’t inunahan na kami ni Dad sa pag-aanunsyo.It was a grand party. With all elite guests like the usual. Nagkaroon pa iyon ng magarang invitation card. I don’t know exactly who prepared everything. Halos wala naman akong pakialam pero wala rin silang narinig na pagtutol sa ‘kin.Maybe, they’re right. Ako lang itong problema. At tama si Ezro, wala na talagang pag-asa sa amin ni Isles. Kung umaasa pa rin ako sa kaniya, baka nga... baka nga nahihibang na ako.I sighed heavily. Nagsisimula na ang party sa baba at handa na ang lahat. I’m just going to be formally introduced. Narito rin ang pamilya ni Ezro. Ang pinsang si Esekia ang nagsabing hindi makakarating dahil sa maselan nitong pagbubuntis.While my dad’s guests are almost complete. Binalitaan ako ni Cameron sa mga nangyayari sa baba. Nakikip
“Isles, ano ba! Drive f*cking slower!” sigaw ko at nagpapalipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa daan. Pakiramdam ko ay lumilipad na itong sportscar kung makapagmaneho siya!Ilang kotse rin ang nalagpasan namin. Mabilis akong mag-drive pero sa ginagawa niya, pakiramdam ko byahe papuntang langit ito! I’m gonna die because of this jerk.I looked at him, pero nakatuon lamang ang tingin niya sa daan, maneuvering the car in a faster speed. His cold eyes didn’t even give a damn.Pakiramdam ko ay natangay na ng hangin ang kaluluwa ko noong huminto ang sasakyan ni Isles sa tapat ng isang fountain pagtapos naming makapasok sa gate kung saan agad na may sumalubong sa amin.Napahawak ako sa aking dibdib, still trying to get my sanity back. Napasunod ang tingin ko kay Isles na agad na bumaba sa driver’s seat at umikot patungo sa kinaroroonan ko. He opened the door for me.Agad naman akong bumaba at masama pa rin ang tingin sa kaniya.“Gusto mo ba akong patayin?” inis kong tanong. I flinched when
“Good morning, Ma’am Nathalia. Ito na po ang almusal n’yo,” sabi ni Victoria habang dala-dala ang tray na naglalaman ng pagkain at nilapag iyon sa glass table.Nakasikat na ang araw nang magising ako at wala pa man ay bored na ako agad. Mabuti na lamang at dumating na sina Victoria.Habang dinadala nila ang umagahan ay hindi ko naman mapigilang sumilip sa labas na parang may hinahanap.“May gusto o kailangan pa po ba kayo, Ma’am?” tanong ni Victoria.“Si Isles...” napapalunok kong sabi. Napamaang ito at nagkatinginan sila ng kasamang tauhan. Pati tuloy ako ay natigilan. Tumikhim ako at mabilis iyong dinugtungan. “I mean, si Isles... nasaan siya?” tanong ko.“Ah! Hinahanap n’yo si Sir Isles!” natatawang bulalas ni Victoria. “Hindi pa po lumalabas, eh, binilin lang po itong pagkain n’yo. Bawal daw po kayong magpalipas ng umagahan.”Napabuntonghininga ako at mapait na lamang na tumango. “Salamat...”“Sige po, Ma’am. Tawagin n’yo lang po ako kung may kailangan kayo,” nakangiting sabi nito
When I walked away, I heard him call me. At bago pa ako tuluyang makaalis ay naabutan niya na ako. Nasa tabi na kami kung saan naaabot ng alon ang mga paa namin.Pinalis ko ang luha sa mga mata ko. Hinarap ko siyang muli.“Ayoko na, Isles. Please, ibalik mo na lang ako sa Manila,” umiiyak na sabi ko.Gumalaw ang kaniyang panga, nasasaktan akong tiningnan. “Don’t beg for me to bring you back to him, Nathalia... you’re f*cking killing me, baby.”Umiling ako. “Hindi mo naiintindihan, Isles. Hinding-hindi papayag si Dad kapag nalaman niya ito! Alam mo ang kaya niyang gawin sa ‘yo lalo na’t kahit papaano ay nagkamabutihan sila ni Senator Cardinal. You know he’ll never allow this! Magsasakitan lang tayo kung ipipilit natin ito!”Hindi makapaniwala niya akong tiningnan. His jaw clenched because of my words.“I don’t care, Nathalia. Leave that part to me. Just tell me you still love me, that you still want me back, at ako ang bahala sa lahat... don’t you trust me, hmm?” He reached for my hand
Tahimik si Isles nang makauwi kami. Kahit noong gabi na ay malalim pa rin ang kaniyang iniisip kahit na kinakausap niya naman si Thaddeus kanina.Pagtapos kong maihatid si Thad sa adjacent room ng kwarto naming mag-asawa ay naabutan ko si Isles na inaayos na ang higaan namin. Mukhang malalim talaga ang iniisip niya dahil halos hindi niya napansin ang pagpasok ko sa kwarto.Suot ang mahabang puting long sleeves ni Isles ay lumapit ako sa kaniya. I want to feel the comfort of his clothes tonight.Malalim akong napabuntonghininga. Niyakap ko siya mula sa likod at inikot ang aking mga braso sa kaniyang tiyan.I rested my head on his firm back as I hugged him tightly.I just want to hold him. Kapag ganitong malalim ang kaniyang iniisip. It’s something I learned from him. Dahil sa tuwing malalim din ang iniisip ko ay may personal na pinagdadaanan sa aking emosyon, niyayakap niya lang din ako. He doesn’t talk or scold me. Kinukulong niya lang ako sa mga bisig niya para iparamdam na nandito la
Sa sumunod na araw ay nagtungo kami sa mga mansyon ng Sandoval dahil gustong makita ni Mommy si Thaddeus. Nandoon din sina Kuya Cielo at Mauve at ang anak nilang si Celestine Iris, pinsan ni Thaddeus. They have a second baby, too.“Cillian Lorenzo,” Isles greeted my older half-brother.“Hey,” nakangising bati rin ni Kuya Cielo at nag-apir sila.“Mauve!” I called and hugged my friend. “Buti nakarating kayo?! I thought you were going to have a vacation in NY?”“Oo, Thalia. Pero sabi ko nga kay Cielo ay next week na lang para makapunta kami rito! Minsan lang kung magtagpo ang oras natin, eh,” sabi ni Mauve at niyakap ako nang mahigpit. “How’s Thaddeus?”“He’s doing great. Iyan at ang daming natutunan sa magaling niyang tatay,” sarkastikong sabi ko at tinawag si Thad na nakikipaglaro na sa Kuya Camren niya, ang ikalawang anak nina Mauve.“Baby, greet your Tita Mauvereen.”“Kamukhang-kamukha ng tatay niya, ah? Ikaw ba talaga nanay niyan?” natatawang tanong ni Mauve na binabati si Thad.Ngu
“Hubby, you’re driving!” paalala ko sa takot na mabunggo kami. Hindi siya nakinig. He lowered his lips on my neck. Kung paanong hindi pa rin gumegewang ang sasakyan ay hindi ko na alam!Napakagat ako sa aking labi. Pinaikot ko ang aking mga braso sa leeg niya at hinagis ang baril sa backseat.Tinted ang sportscar, so no one will mind us.“Remove my belt,” Isles whispered commandingly. I stared at him, hindi malaman kung susunod o ano. Sa huli ay kinagat ko na lamang ang aking labi at sinunod iyon.“Make sure we will not die in a car accident!” I said and kissed him, too. Binaba ko ang zipper ng kaniyang pantalon. Hawak niya ang bewang ko at tinulungan pa akong alisin ang underwear ko sa isang binti.I bit my lip when I stared at his hard on. And I was right, kanina pa iyon ganoon! Noong umupo lang ako sa kandungan niya!Tiningnan niya ako habang nakakulong pa rin ako sa mga braso niya at minamaneho niya ang sasakyan. “Isles! Are you serious?”“Don’t be too shocked. You were shoving yo
“Ready?”Tumango ako habang mahigpit na hawak ang rifle gun at nakasandal sa likod ng pinto. Nakaharap siya sa akin habang hawak ang door knob at nakikiramdam kami sa labas.“I’ll count to three,” Isles whispered. Ang sabi niya ay sigurado siya, nasa labas lamang ang mga tauhan ni Mr. Kitagawa at alam nilang nagtatago ako sa isa sa mga hotel rooms.“Go, hubby.”Kinagat ko nang bahagya ang aking labi, naghahanda na para sa anumang pag-atake sa oras na buksan niya na ang pinto. Tumango ako nang magtama ang paningin namin. Isles opened the door smoothly. Hindi siya nagkamali dahil hindi pa man kami tuluyang nakakalabas, nakita ko na ang mga nakaitim na kalalakihan, may kaniya-kaniyang armas at nagmamasid sa paligid.Lumingon ang isa ngunit bago niya pa maiangat ang baril ay naunahan ko na siya. Mabilis itong bumagsak sa sahig na ikinalingon ng iba pa.“She’s here!” anunsyo ng isa at inulan kami ng mga bala. I fired bullets at anyone who tried to shoot us.Masiyado silang marami. Years
“Isles, what the hell—”Naputol ang mga salita ko dahil sa halik. Umangat ang kamay niya sa dibdib ko at agad iyong sinakop ng mainit at malaking palad niya na ikinaawang ng mga labi ko.“Isles, s-sandali—” We’re in the middle of work!He didn’t listen and instead, he became more aggressive. Ramdam ko ang matinding galit niya dahil sa pagsuway ko. Tinulak niya ako padiin sa matibay na pinto gamit ang mararahas na halik habang pinaghihiwalay ang mga binti ko.Binuhat niya ako at sinandal. Sa rahas ng galaw ni Isles ay napadaing ako. He brought me at the table and put me on top of it. He quickly unbuckled his belt, bago inangat ang madilim na tingin habang nag-iigting ang panga sa matinding iritasyon na parang sasabog siya kapag hindi niya ako naparusahan.Sa sandaling natanggal ni Isles ang suot na sinturon ay hinila niya ang binti ko palapit hanggang sa halos nasa dulo na ako ng mesa. Pinarte niya ang mga hita ko hanggang magkasya ang malaking katawan niya sa pagitan ng mga ito.He gl
Lumikha ng matinis na tunog ang gulong ng sasakyan ko nang ihinto ko ito sa parking lot ng hotel. Mabilis ang pag-park ko at agad nang bumaba para makapasok sa loob ng building.Nakita ko ang mga nagtatakbuhang mga tao. Sunod-sunod na rin ang mga balang umuulan dahil may mga tauhan din kami rito. Siguradong hinahabol na sila ng security ng target namin.Dahil sa mga nangyayari ay halos hindi na mapigilan ng security ang kilos ng mga tao, giving me a chance to enter the hotel easily.Sunod-sunod ang mga alarm. Nararamdaman ko rin ang impact ng barilan at iilang mga bagay na sumasabog tuwing natatamaan ng bala.I ran to the opposite direction. Palabas ang mga tao sa hotel habang ako ay papasok. Agad kong inokupa ang elevator at pumindot sa palapag na sampu ang taas mula sa kinaroroonan ko.Nilabas ko sa dala kong bag ang rifle at nilagyan ng panibagong mga bala. Pagtapos ay sinukbit ko iyon nang maayos sa aking balikat.Tumunog ang elevator. Nag-angat ako ng tingin at agad na inangat an
“Miss Nathalia?”Nilingon ko ang tumawag. One of the girl agents smiled at me.“Tumatawag po ang asawa n’yo...” saad nito sabay angat sa telepono.Awtomatikong umikot ang aking mga mata. Binalik ko ang tingin sa scope ko habang nasa tuktok kami ng isa sa matataas na building sa buong lungsod, halos hindi pansinin ang kaniyang sinasabi dahil tutok sa pinagkakaabalahan.“Tell him I’m at the mall... kasama ko si Klara at nagsha-shopping,” saad ko habang ginagala ang aking scope para makita ang target namin na nasa isang hotel.Kung hindi ako titingin sa scope, sobrang layo nila sa amin. It’s impossible to see them in naked eye.“Mr. Privello, nasa mall po ang asawa ninyo. She’s with Miss Klara for their usual shopping routine,” masunuring sagot nito. Tinuon ko lamang ang atensyon sa target namin. I can’t lose sight of that businessman’s son.I bit my lip as I try to check the target’s surrounding. Nasa penthouse ito at kasalukuyang may kinakausap na isa pang lalaki habang may dinaraos na
“How’s Nathalia?” tanong ni Klara noong patakbong lumapit sa kinaroroonan ko.Nanatili akong tahimik. My mind is f*cking clouded while I’m sitting just outside the emergency room. Pinipigilan ko na lamang magsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kung sinumang sumubok na kumausap sa ‘kin.Lumapit si Klara at napasinghap nang makita ang nagdurugong balikat ko.“You’re wounded,” deklara niya at mabilis na tumawag ng nurse.I didn’t care about it. Ni hindi ko nga naramdaman na may dumaplis na bala sa balikat ko. My mind went blank and all I can see is my hands that were full of blood stains, Nathalia’s...Dumating ang nurse pero hindi pa rin ako nagsalita. Umangat lang ang tingin ko nang may humahangos na lumapit.“Nasaan si Nathalia?” tanong ni Ezro Quintin. My jaw moved and before I could even think, hawak na ng mga kamay ko ang kuwelyo niya.“Isles!&
“Raise your hands,” ang malamig na utos ko sa babaeng nakatalikod. And when she faced me, I wasn’t wrong.Nathalia Amaris.What the hell is she doing in an illegal gambling? Kailan pa siya natuto sa mga ganitong bagay?Alam kong wala akong karapatan pero nakaramdam ako ng galit.“Who brought you here?” matalim kong tanong.She looks lost just a while ago, pero nang magtama ang paningin naming dalawa ay walang kasinglamig ng mga mata niya.And she will always have this effect on me. Natitigilan ako kapag tinitingnan niya ako habang malamig o walang emosyon ang mga mata niya. Hindi ako sanay. She never fails to scare me with one cold look. Maybe it was my greatest fear...To know that she’s over me.Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung paano ko tatanggapin kapag nalaman kong hindi na ako. She shouldn’t be done with me.Because I’m not done with her yet. She can’t be... f*cking... over me.Kaya nang makita ko siyang kasama si Ezro at ang mag-asawang Sandoval sa isang family dinner