Share

Chapter 1

Author: Vixen
last update Last Updated: 2021-09-05 22:21:30

Present Time

"Lory let's go." Adeline said, habang hawak nito ang balikat niya. Walang emosyong Inilibot niya ang paningin at nakitang sila Gracelyn, Chloe at Lexie nalang ang kasama niya.

Habang kanya-kanya namang alis ang mga taong nakidalo sa libing ng daddy niya. Simula nong unang araw ng lamay at hanggang ngayon ay hindi pa siya naka-iyak. 

Tila ba ang mabigat na dala-dala sa dibdib ay hindi kayang pawiin ng luha niya. Wala siyang ibang maramdamdaman kundi ang kakaibang lungkot at sakit sa kaalamang wala na ang nag-iisang taong aagapay sakanya. 

"You left me too soon dad. You never even give me a chance to tell you my secret." She mentally said.

"Lory let's go, uulan na baka mabasa pa tayo at magkasakit ka pa." Rinig niyang sabi ulit ni Adeline sakanya. 

Hindi pa sana siya gagalaw ng lumapit sakanya ang tatlo at puno ng pagdadalamhati at pag-aalala ang mga mukha na nakatingin sakanya.

"Lory—"

"I know." Putol niya sa sasabihin ni Gracelyn bago binigyan ng huling tingin ang libingan ng daddy niya. 

She made a promise to herself na hahanapin niya ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng daddy niya. At pag nahanap niya ito, babalatan niya ito ng buhay hanggang sa magsisi itong isinilang pa ito sa mundong ibabaw.

She is hurting inside and anger is consuming her to the point that she was imagining the man who's behind her father's death being tortured by her own hands.

She firmly close her hand as she remembered what happened to her father. Tila ba ang nangyaring krimen ay kahapon lamang na naganap. At palit-ulit iyong pumapasok sa utak niya. 

"It's gonna be okay Lorraine, nandito lang kami." Malumanay na sabi ni Chloe sakanya. Na bahagyang nagpakalma sakanya bago binigyan ito ng kiming ngiti at malumanay na tiningnan ang mga kaibigan. 

She's thankful that her friends presence is in there to make her sane. Atleast even she is mourning for his father's death, nandoon ang mga ito na umaagapay sakanya. 

"Thank you." Aniya sa mga ito na gumanti naman nang bahagyang ngiti sakanya. She was really grateful to them na nandoon ang mga ito na handang damayan siya hindi lang sa gulo kundi pati sa panahon ng kahinaan niya.

And thinking the life without them made her weaker and seems so lost in this world. Kung wala ang mga ito ano nalang ang mangyayari sakanya.

Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip. Hindi man niya gawain ay nagpaagapay siya sa mga itong maglakad ng maramdaman sa balat ang patak ng ulan.

Walang imik ang mga kaibigan niya sa loob ng sasakyan, habang binabaybay ang daan papuntang mansiyon. 

The silent is giving her comfort, habang tinitignan ang bawat patak ng ulan na dumadaloy sa bintana ng sasakyan.

She was thinking a lot of things. Too many, that she felt so heavy inside. Ngayong wala na ang daddy niya, nalilito siya kong papano sisimulan ang buhay na hindi na niya ito kasama. 

Sa kaalamang 'yon ay napakuyom ang kamao niya ng unti-unting naramdaman sa dibdib ang labis na lungkot at pangungulila niya sa Ama.

She was left behind with wealthy. Yet it doesn't give her any comfort at all. Now that he's father is dead all his riches would be automatically transferred to her name. 

Dahil siya lang naman ang nag-iisang anak at pamilya ng daddy niya. 

Though lumaki siyang walang kinikilalang ina hindi naging dahilan yon para magdamdam siya sa Ama, hindi nito gustong e kwento ang mommy niya sakanya and she respect him for that. 

Hindi naman ito nagkulang sakanya lahat ng pagmamahal nito ay ibinuhos nito sakanya. Ito pa nga at lahat ng mga assets at pera nito ay sakanya lahat ipinangalan. Kahit pwede naman nitong ibigay lahat iyon sa charity na parati nitong ibinibiro sakanya. 

She was thankful, sa kaalamang kahit wala na nga ito ay siya parin ang inaalala nito sa huli. Napalingon naman siya ng maramdaman ang mainit na kamay na nakahawak sa palad niya. And found out it was Lexie.

She didn't say anything and just close her eyes. Napaidlip naman siya ng dahil don, at nang magising ay nasa sariling kwarto na siya. 

It was already 5:30 pm when she look at her alarm clock. Pero mukhang gabi na dahil sa makulimlim at malakas na ulan sa labas. 

"Thank God you're already awake." Agad namang na baling ang tingin niya sa may pinto ng bumukas iyon at bumungad sakanya ang nakangiting si Chloe. "let's go downstairs nandon sina Adeline sa baba nang gugulo sa kusina. Gusto mo bang sumali." Malokong sabi nito sakanya. 

Gulat man sa kaalamang nandoon parin ang mga ito ay tumayo na lamang siya at nagmamadaling nagbihis ng komportable ng makitang hindi pa siya nakapagbihis. 

Nang lumabas siya sa banyo ay nakita niyang nakaupo ito sa kama niya at naghihintay sakanya. Nang makitang ayos na siya ay sabay na silang bumaba at dumeretso sa kusina. 

Bahagyang napangiti siya na ng makitang may nakalagay na iba't ibang putahe ng ulam sa mesa na ang iba ay paborito pa niya. 

Kita niyang tulong-tulong ang mga kaibigan niya sa pag-ayos ng mesa. Na akala niya ay aabutan nga talagang magulo pero hindi naman pala. 

Napahinto ang mga ito sa ginagawa ng malakas na tumikhim si Chloe at hinila siya papaupo sa bakanteng upuan. 

"Naku senyorita Lory, kumain po kayo ng marami at ang mga kaibigan niyo po ang nagluto niyan." Sabi ni manang fe na may hawak na isang kaning pinggan at nakangiting inilagay iyon sa mesa.

Tumango na lamang siya sa mga ito. Masaya siyang malamang nanatili ang mga ito, at hindi talaga umuwi para lang samahan siya. "I'm really glad that you stay guys." Aniya sa isip na hindi na isinatinig. 

She is not really that showy pero alam nang mga ito kong okay lang siya, at masaya pag ngumingiti lamang siya ng bahagya. 

Other people easily judged her for being so stoic, na minsan ay nagiging dahilan pa nang gulo. But she didn't mind that, ganoon siyang lumaki at kung ayaw ng tao sakanya nang dahil doon so be it, hindi naman niya pinipilit. 

Isa pa her friends already know what kind of person she is. And they accepted it, of who she was and the kind of personality that she have. 

And she is very much thankful with that thought. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya sa mga ito, kundi Pamilya niya rin. Kaya hindi niya mapapayagang pati ang mga ito ay mawala sakanya. 

"Hindi na kami umalis, kita mo naman ang lakas ng ulan sa labas. Isa pa si manang Fe at si kuya Temyo lang kasama mo rito, maganda yong nandito kami para may kasama kang magaganda na matutulungan ka dito." Sabi ni Lexie na umupo narin na sinundan naman ng tatlo. 

"Tama, atsaka dito na muna kami mang gugulo sawa na kasi kami sa mga bahay namin." Gracelyn said. 

"Alam ba ito nila tita..?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga magulang ng mga ito. She was mentally thanking them now, dahil alam niyang gumagawa lang ang mga ito ng alibi para manatili sa mansiyon at samahan siya.

"Ahuh, so don't worry at kumain ka nalang." Sabi ni Adeline at nagsimulang lagyan ng pagkain ang plato niya. 

"Tomorrow would be our first day in VU. Malaking adjustment na naman to para satin, so sana naman maging maganda ang unang araw natin bukas." Gracelyn said. 

Naalala naman niya ang rason kung bakit sila lilipat ng skwelahan. Wala naman sakanya kong parati silang palipat-lipat ng school as long as kasama niya ang mga ito ay okay lang sakanya yon. 

But she promised that Vrooklyn would be the last school na malilipatan nila, dahil sa susunod na gipitin  na naman sila ay hindi na niya hahayaang wala silang gawin. 

She will make sure that those men will taste the dose of their own medicine this time.

"You sure na papasok ka bukas.?" Lexie asked her while putting some foods in her own plate. 

Napaangat naman siya ng tingin rito bago nagsalita. "Ofcourse papasok ako bukas, ayokong ma behind sa klase. Wala akong planong ma bored dito sa mansiyon bukas kong hindi ako papasok." Aniya at nagsimulang kumain. 

"Timing talaga na malapit na yong foundation day. Hindi man lang tayo pinag show off sa school natin, tapos mag ta transfer na naman tayo." Chloe said. 

"Okay lang yon, sa VU nalang tayo bumawi." Ang sabi naman ni Adeline. 

"Oo nga naman. Private school yon eh, so mas maganda ngang bumawi don, but syempre hindi naman yon ang dahilan at priority natin kaya tayo lilipat right.?" Gracelyn said. 

"Oo naman, hindi namin nakakalimutan no." Ani Lexie. 

"Sabi ni Dad, maganda daw doon kaya hindi tayo mahihirapang mag adjust, atsaka advance Lahat ng turo nila doon eh kaya oks na ako don. Basta magkasama tayo at gra-gradaute tayo ng sabay-sabay yon lang ang mahalaga." Ang sabi ni Adeline na bahagyang nagpatango sakanya. She didn't talk that much at tahimik lamang na nakikinig sa mga ito habang kumakain. 

The dinner went well. Nabusog naman siya, that was the first time na naging magana siyang kumain kasama ang mga kaibigan simula ng mabalitaan niya na wala na ang Daddy niya. 

It saddened her with that thought. But thanks to her friends before she dose to sleep. Narinig pa niyang nagsalita ang mga ito, giving her words of reassurance that no matter what happens nandito lang ang mga ito para sakanya. 

And somehow she felt good inside, that when she woke up. She's ready to face the world again. 

Related chapters

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 2.1

    Walang emosyong nakasandig si Lorraine sa motor niya, habang hinihintay ang mga kaibigan niyang dumating. Mabilis kasi ang pag papatakbo niya kaya nauna siyang dumating. Tinatanaw niya ang malaking gate ng VU. At walang paki-alam sa paligid, ni hindi niya pinapansin ang tinginan ng studyante, sa gawi niya habang naglalakad papasok ng gate. She's wearing a black sweater na pinarisan niya ng ripped jeans, at puting Fila na sapatos, na kusa niya lamang kinuha lahat sa walk in closet niya kanina. Ni hindi na nag-abalang tumingin sa salamin kong okay lang ba ang sout niya. Pati ang buhok niya na lagpas balikat ay hindi niya sinuklay, at pinabayaan lang na nakalugay. "Sino ba yan? Mukhang tomboy." "What is she doing there. May hinihintay ba yan."

    Last Updated : 2021-09-05
  • Break Her Stoic Heart    Chapter 2.2

    "Thank you for sharing your table with us." Aniya rito."No beggies. Isa pa masyado namang malaki ang table na ito para saming tatlo lang." Anito sakanya.Tumango na lamang siya dito bilang pasasalamat bago binalingan ang mga kaibigan niya."Ako na ang bibili ng snacks natin. Dito nalang kayo." sabi niya sa mga ito."Sure ka..? Ayaw mo bang samahan ka namin.?" Chloe asked her. Agad naman siyang umiling dito."No, hindi na." Aniya at agad na tumayo. Ganon rin naman si Shahanah."Samahan na kita." Alok nito sakanya, tumango naman siya bilang pag sang-ayon, sumunod naman siya rito ng mauna itong pumunta sa harapan.Nang nasa harap na sila ay agad silang pumili ng snacks at nagbayad sa counter.Hawak hawak ang malaking tray ay nakasunod lang sakanya si Shahanah ng tanggihan

    Last Updated : 2021-10-08
  • Break Her Stoic Heart    Chapter 3

    "You should've done that, Lory hindi mo alam kong anong ginawa mo." Shahanah said habang nakatingin sakanya na puno ng pag-aalala ang mukha.Habang magana lamang siyang kumakain ng spaghetti na bagong bili na niya.Hindi na kasi makakain yong pagkaing natapon, marami ng dumi kaya tinapon na lamang niya kahit nasasayangan siya. Sa huli bumili na lamang siya ng bago. Sila Adeline naman ay magana rin namang kumakain. Tinanong lang siya kanina kong anong ginawa niya at nagkaron siya ng ganoong eksenang.Nang sabihin niya ang nangyari ay tumango lang ang mga ito at kanya-kanya kuha na ng pagkain.Habang maang lamang silang tinignan nina Shahanah na tila na we-weirdohan sakanila. Hindi naman nila ito pinansin.Pero hindi ito maperme, at panay saway sakanya at sinasabing mali yong ginawa niya kanina, pero para sakanya ay tama naman.Iwan ba niya sa isang 'to at kahit hindi na kaharap ang mga lalaking yon

    Last Updated : 2021-10-10
  • Break Her Stoic Heart    Chapter 4

    Tinulungan niya itong tumayo at napakunot noo sa itsura nito. Mukhang nasa pitong taong gulang lamang ang bata.Madumi at medyo kupas at butas butas pa ang sout na damit nito. Pati ang sapatos na sout ay butas rin at nakaawang na ang apakan.Wala sa ayos ang buhok at marungis tingnan, na talaga namang kaawa-awang tingnan."Okay ka lang.." Tanong niya rito na hawak hawak ang balikat nito. Nanginginig ito at bakas sa mukha ang takot sakanya."A-ate pasensya na po." Nauutal na sabi nito."Anong nangyari d'yan.." Usisa ni Chloe at tinignan ang bata."Anje..!"Napatingin kami sa babaeng nag-aalala ang mukhang nakatingin sa bata.Akmang lalapit ito ng biglang hilahin ng kong sino ang buhok nito na talagang ikinatumba ng babae.Bigla yatang umakyat ang dugo niya

    Last Updated : 2021-10-11
  • Break Her Stoic Heart    Chapter 5.1

    Damon was sitting silently in the teacher's table while tracing every corner of his lips using his finger. A hobby he always do everytime he is confuse and angry.Salubong ang kilay niya sa hindi mapigil na inis. He was just looking straight and thinking what happened a while ago.Ni hindi na niya alintana ang lamig na nagmumula sa air-conditioned, ng classroom.Halos matuyo na ang basang damit niya sa lamig. Nanlalagkit narin siya na hindi na niya inalintana, ni hindi na siya nag-abalang magpalit ng damit at dumeretso na lamang doon.He was busy thinking about that girl, and why does he feel something stupid, when he saw her and most especially when he touched her.He can sense familiarity with that girl na hindi niya alam kong bakit nararamdaman niya yon dito.His sure na hindi niya kilala ang mukhang tomboy na yon. Though he a

    Last Updated : 2021-10-15
  • Break Her Stoic Heart    Chapter 5.2

    Saka lang siya umahon ng napagod na siya sa kakalangoy. Sout ang manipis na roba ay umupo siya sa gilid ng pool, at tahimik na ibinabad ang paa sa tubig."It's late what are you still doing here? Atsaka hindi ka pa ba giniginaw...?"Tanong na kong sino sakanya na hindi na niya inabalang lingunin.Ninanamnam lamang ang lamig ng tubig sa kanyang paa, at ang masarap na dulot ng inumin sakanya habang nasa ibang direksiyon ang kanyang tingin.Besides kahit hindi naman niya lingunin yon kilala niya parin kong sino ang nagmamay-ari ng boses na yon, it was Chloe."I'm good, I just wanted to stay longer." Mahinang sabi niya rito.Umupo naman ito sa tabi niya. At ibinabad rin ang paa sa tubig. Kita naman niyang nakapagbihis na ito at nagsout ng roba upang takpan ang manipis na sout nito.Sa apat niyang kaibigan i

    Last Updated : 2021-10-15
  • Break Her Stoic Heart    Chapter 6

    "Lory labas na tayo, nababagot na ako dito sa sobrang tahimik eh."Mahinang bulong sakanya ni Lexie na nagpaangat sakanya ng tingin.Lunch time nila, kaya naman imbes na kumain ay dumeretso siya sa library, hindi para mag-aral kundi umidlip.Hindi naman umaalis sa tabi niya ang mga kaibigan kaya, kahit na bo-bored na ang mga ito ay sinamahan parin siya.Pero hindi pa man umiinit ang pwet niya sa upuan. Ay inaaya na siyang lumabas ng mga ito."Kayo nalang dito na muna ako."Bulong niya rito pabalik. At humihikab na bumalik sa pagkakatalungko sa mesa. 3:30 am na kasi siyang nakatulog kakaisip sa daddy niya at sa pinag-usapan nila ni Chloe kagabi."Yan, hindi kasi natutulog ng maaga." Ang sabi sakanya ni Gracelyn sa mahinang boses. Hindi naman niya ito pinansin at nagkunwa

    Last Updated : 2021-10-15
  • Break Her Stoic Heart    Chapter 7

    Pero walang sabi na hinawakan nito ang pulsuhan niya at mahigpit na hinawakan iyon habang kinaladkad siya nito sa kong saan.Nasaktan siya sa klase ng pagkakahawak nito kaya naman pilit na nagpumiglas siya na hindi naman nagpatinag dito. Napadaing lang siya ng tumama ang likod niya sa matigas na bagay ng marahas na itulak siya papasok sa isang silid na walang katao-tao.Malakas nitong isinara ang pinto. Na halos nagpayanig sa tenga niya."Lory..!"Narinig niyang tawag ni Chloe sakanya sa labas."Umalis kayo sa harapan namin kong ayaw niyong gumawa kami ng eksena dito.!""Hoy lalaking abnoy ilabas mo kaibigan namin ngayon din!""Ano ba umalis nga kayo sabi!"Malakas na sigaw ng kaibigan niya sa labas na hindi niya alam kong sino ang kalaban.Wal

    Last Updated : 2021-10-15

Latest chapter

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 45

    Pabirong ngumisi siya kay Lexie na humingi pa ng isang high-five sakanya."Tara na!" malakas na sabi ni Lory na may kinuha pang kong ano sa bulsa ng lalaki na wala ng malay. Nang makita ang itim na card ay doo'n na lamang sila nagmamadaling kumilos.Nauna itong lumabas, medyo may kadiliman ang lugar na iyon at parang pang hotel ang pathway, nakita rin nila ang madaming maliliit na cctv sa bawat sulok.And when they heard a footsteps agad na lumiko si Lory at ginamit ang card na iyon sa ibang kwarto na siya namang bumukas.Agad na pumasok sila, medyo nagkabanggaan pa sila dahil sa labis na dilim. Wala silang makita, but they can hear the cheer and clapping of people na tila nagmumula sa itaas."Lory, I have a very bad feeling in this room." Rinig niyang sabi ni Lexie.

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 44

    DAMON'S POV Tahimik na nagmamasid ako sa mga grupong dumarating habang naka-upo sa motor na pagmamay-ari ng tomboy na iyon. Kanina ay umuwi siya para magbihis lamang at hindi na nag-abala pang magpaalam sa mommy niya. Dapat nga ay kotse ang dadalhin niya, pero may kong ano sakanya na mas gustong gamitin ang motor ng babae kaysa sa mga sasakyan niya. Heto nga at nasa malaking puno lamang niya inilagay at mahirap na baka magkaron ng aberya, mas mabuti na 'yong safe iyon. He smirk, bago tinignan ang cellphone niya. Nag text na siya sa mga kaibigan niya, nauna siya kaysa sa mga ito. Alam naman kasi niyang matataranta ang m

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 43

    "At anong tipo mo si Tanya? Psh, yeah right." sarkastikong sabi niya bago pinakain ang isang piraso ng rebisco dito. Na pinatungan niya ng maliit na cheese sa ibabaw.Nagulat ito pero hindi naman nagsalita. Nagtaka pa siya ng biglang mamula ang pisngi nito at ibaling ang tingin sa kalangitan.Hindi ito nagreklamo sa ginawa niya. Napakagat pa ito sa labi na ikinabilis na naman ng tibok ng puso niya."Bakit ba ang gwapo ng baklang ito? Psh, ka tangang babae naman ang nakuhang magtaksil sa gunggong na ito.""Masarap diba..?" tanong na lamang niya dito, hindi naman niya ini-expect na sasagot ito pero nakita niya ang bahagyang pagtango nito."Can I have some?" baling nito sakanya na ikinatawa niya.Mukha ba namang batang nanghihingi at nahihiyang aminin na masarap talaga ang kina

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 42

    GARRETH'S POV"Get you're ass out of here!" malakas na sigaw ko sa grupo nila Tope ng makatayo ang mga ito."H-Hindi pa tayo tapos! If you think na tatanggapin ko nalang ito basta-basta then think again, because you all know kong gaano ko kayo gustong pabagsakin. Tsk, see you all later fucktard!" nakuha pang sabi nito sakanila at paika-ikang inalalayan ng mga kasamahan nito.Inis namang napailing ako at binigyang tanaw ang bulto nila Chloe.Pinagtitinginan ang mga ito at harap-harapang pinagbubulongan pero tila wala itong mga paki-alam sa paligid, at tuloy lang ang mga ito sa paglalakad na animo walang nakita at narinig.Binawi ko naman ang tingin ko at napabaling kina Elle. Nakita ko pa ang pagkuyom ng kamao ni Tanya at ang paglambot ng itsura nito ng makita niya akong lumingon sakanya.Napatawa nalamang ako sa inasal nito. Hind

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 41

    Lahat ay nagulat at nagsinghapan. But no one tries to interfere, dahil narin sa galit na itsura ng mga ito.Agad namang tumayo ang ibang kasamahan nong Tope at sinugod ang apat na kalmado lamang na nakatayo.While they were just watching and observing their moves. Animo sila nanunuod ng sine at ayaw humiwalay ng tingin sa harapan.Medyo nakakairita nga lang ang mga sigawan at hiyaw ng mga babae."Did you really think that you have a match with us?" Khellan scoffed and coldly stare those guys na napatigil sa pagsugod dahil sa dilim ng mukha ng apat. "You are all nothing but a simple gangster na pakalat-kalat lang sa tabi." anito at mapang-asar na tinitigan ang mga kaharap."Ang yabang mo!" malakas na sabi ng kasamahan nong Tope bago galit na sinugod ng suntok ang lalaki.Pati ang mga kasama ng mga ito ay sumugod narin.Eight VS Four ang labanan, but mukha namang may ibubug

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 40

    VAUGHN'S POVI angrily put my phone back at my pocket when I cannot reached Damon.Kanina pa siya text ng text at tawag dito pero hindi man lang ito sumasagot.Inis na ginulo ko na lamang ang buhok ko ng makita ang tatlo kong kaibigan na panay pindot rin sa cellphone ng mga ito.Nasa may rooftop sila, doon agad sila pumuntang apat ng makita ang video na isinend sakanya ng hindi kilalang tao.He was beyond shock of what they've watch. Kulang ang salitang iyon para ilarawan kong gaano sila nagulat and at the same time ay nagalit.Kaya pala ganoon nalang ang tingin at ingay ng mga studyante doon, ng makita sila.Kasi may kataksilan na palang nangyayari sa paligid nila. Naiinis na napakamot siya sa ulo niya at sumandig sa may dingding."Did he answer?" kanyang naitanong na ikinahinto ng mga ito."Shit! Hindi nga eh, saan na kaya ang kumag na iyon?" Khellan said na bakas sa mukha ang

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 39

    Agad na napatayo siya at blanko ang tingin sa babaeng nakatayo sa may harapan niya. With hands on her chest and with a stoic expression he felt a little bit surprised by her presence. Nagulat pa siya ng mapabaling ito kay Tanya na ngayon ay nakayuko habang umiiyak. Walang pasabi na hinubad nito ang blazer na sout at itinakip ito sa h***d na katawan ni Tanya. Namamanghang napatingin siya dito. He doesn't believe she would do that. Gayong sa pagkakaalam niya ay ayaw nito kay Tanya, she could have mock her or take a video para lang ipahiya ang babae. But instead she did what's the right thing to do. "As much as I hate you for hurting my boyfriend, I just can't ignore you're helpless state right now." anito at bumaling sakanya, nahalinhinan naman ng pagkalito ang manghang naramdaman niya sa babae. "Boyfrie

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 38

    DAMON'S POVI slowly open my eyes and groan as I feel the pain in my forehead. Animo iyon tinamaan ng mabigat na bagay at ganon nalamang ang pananakit."How's you're feeling son?"Agad na napabaling siya sa bungad ng pintuan ng kwarto niya ng marinig ang ina niya. Nakita niya itong may hawak na food tray bago pumasok at inilagay ang dala sa bedside table niya.Napahawak siya sa sentido niya ng wala sa oras, at nakita niyang naka benda iyon.Napakunot noo siya bago ibinaling ang tingin sa ina niyang umupo sa tabi niya."By the way, ka-aalis lang ng kaibigan mo. I told her to stay at dito na muna magpahinga, but she insisted to go home at may pasok pa daw." anito na ikinalito niya."She..?" Mahinang naiusal niya."Yeah, si Lorraine, she told me her name last night at nag-aaral rin daw

  • Break Her Stoic Heart    Chapter 37

    Napakamot siya sa kilay niya ng makarinig ulit ng pagkabasag. Kuryosong inihakbang niya ang mga paa papunta sa kaliwa, may pasilyo kasi doon papunta sa kabila kong saan puro mga cremated na tao ang inilalagay.Besides doon rin naman nanggagaling ang tunog na naririnig niya. Kaya imbes na mag-isip siya ng kong ano mas mabuting puntahan na lamang niya.Kahit medyo may kadiliman ay isinawalang bahala niya. Hindi naman kasi siya matatakuting klase ng tao, kaya okay lang sakanya kahit madalim ang paligid.Saka na siguro siya matatakot pag naging zombie apocalypse na ang mga patay na nandoon.Napangisi naman siya sa isip na agad rin namang napalis ng maramdaman ang presensya ng kong sino sa may kaliwang bahagi ng hallway.Biglang nanayo ang balahibo niya na sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman niya. Naiinis na umiling siya at pi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status