“Ito na ba ang aming si Tatiana?” giliw na giliw na tanong ni Senyora Belinda sa anak na si Brandt. Tulog pa si Trixxie at hindi pa naman umiiyak ang sanggol kaya hinayaan na lamang muna ang huli na magpahinga. “Ang ganda ng apo ko. Kamukhang-kamukha ng Mama niya.” Mapaklang napangiti si Brandt. Kahit kailan ay wala siyang kakayahan na magpaligaya ng babae. Pasalamat siya at dumating ang asawa para mapunan ang obligasyon niya sa ina na mabigyan ng apo. Gayunpaman ay masaya siya sa dalawang anghel na nagbibigay kaligayahan sa buhay nilang mag-ina. Kaya ipinangako niya sa sarili na mamahalin ang kanyang pamilya sa abot ng kanyang makakaya. Tila napansin ang sanggol sa atensyon na binibigay nito kaya pumalahaw ito ng iyak. Kaagad na nagising si Trixxie at pagmulat ay ang asawa ang nasa tabi. Napangiti si Trixxie bago minuwestra ang kamay sa crib ng umiiyak na anak. Nakaintindi na tumayo si Brandt at lumapit sa crib para kuni
Dalawang linggo ang matulin na lumipas at ang pangarap na engagement party ni Dianne ay naganap. Dumalo ang mga kamag-anak ng dalaga na pawang mga maimpluwensya sa lipunan at pagnenegosyo. Sa side ni Gavin ay tanging ang ama at mga kapatid ang dumalo. Wala naman sila gaanong kamag-anak dahil ulilang lubos ang ama at ang namayapang ina ay nasa Mindanao ang angkan. Simpleng engagement party lang sana ang gaganapin. Ngunit, nang nalaman ng ina ni Dianne na si Dina ang plano ng magkasintahan, hindi ito pumayag na isang simpleng okasyon lang. Anito ay dapat engrande ang engagement party ng nag-iisang anak. Tumutol man si Gavin ay sa huli pumayag na siya. Nang i-announce ng ama ni Dianne na si Roberto Gonzalez ang nakatakdang pagpapakasal ng dalawa ay napuno ng palakpakan ang venue. Ang mga katrabaho ni Gavin ay natuwa dahil sa wakas ay magpapakasal na ang isa sa pinaka masipag na Project Engineer nila.
Abala si Gavin sa presentation niya para sa isa sa pinakamalaking project na pamumunuan niya. Napahinto siya sa pagsasalita nang sumilip ang asawa na si Dianne. Bumuntonghininga siya at kinontrol ang ang sarili. Kasali sa meeting na iyon ang mga kamag-anak ng asawa kaya kailangan na maingat siya sa kanyang galaw. Mukhang hindi pa nga kuntento ang asawa niya sa paliwanag niya kaninang umaga at tinitiktikan pa siya nito. In-adjourn ng mga Tiyo nito ang meeting. Since Ninong nila sa kasal ang kliyente nila ay walang kaso diumano ayon dito. Naghain ng makakain ang secretary ni Gavin na si Lourdes. Hindi na siya nakisali sa usapan ng mga tiyuhin ni Dianne na sina Salvador at Alejandro. Nag-excuse siya sa mga ito at nagdahilan na gagamit ng banyo. Sinundan ni Dianne ang asawa sa opisina nito. Bilang isa sa mga Project Engineers ay may sariling opisina si Gavin at sekretarya. Hindi siya pinansin ni Gavin na siyang kinadismaya nito. “
Muli ay hinalikan ni Trixxie ang labi ng asawa. Hindi man kasing init ng pinagsaluhan nila noon ni Gavin at halatang walang karanasan ang asawa. Nang halos maubusan sila pareho ng hininga ay kapwa napangita sila. Tila may mahukang bumalot sa kanila at nagpatuloy na naghalikan at dinama ang katawan ng bawat isa. Tinulungan ni Trixxie ang asawa sa kung ano ang dapat gawin ngunit binawi ni Brandt ang kamay. Nagtataka at napatingin si Trixxie ang asawa. “No, mahal. Let's keep our relationship this platonic. Darating ang panahon na isasauli kita sa dapat na nagmamay-ari sa iyo,” wika ni Brandt. May kung anong bumikig sa kanyang lalamunan sa sinabi pero kailangang ihanda niya si Trixxie sa mga plano niya. Ayaw niyang maging selfish mas gugustuhin na lang niyang maging miserable kaysa magdusa si Trixxie sa piling nya. Nangingilid ang luha ni Trixxie sa sinabi ng asawa. Nandidiri ba si Brandt sa kanya? “Huwag naman ganito mahal! H
Sa secret library ni Brandt ay masusi niyang nilalatag ang isang info map na nakalagay sa isang libro at naka-duplicate iyon sa isang USB. Kasama niya ang anak na si Trevin. Lingid sa kaalaman ni Trixxie ay pasekretong sinasanay ni Brandt ang panganay na anak para maging handa sa hinaharap. Nang magpaalam sila na pupunta ng Italy ay hindi iyon para magbakasyon. Iyon ay para ipakilala ang bata bilang pinakabatang miyembro ng kanilang organization. Sa edad na sampu ay marunong na nag-decode ng mga sikretong mensahe si Trevin. Maning-mani para rito ang mag-hack ng isang computer system. Pati lengguwahe ay marami na itong alam. German, French, Italian, Russian, Mandarin, Korean to name a few. Ang pagiging homeschool ng bata ay isang scapegoat lang pero ang totoo ay nag-aaral ito ng iba’t-ibang lengguwahe. Ayaw sana ni Brandt na isali sa organisasyon ang anak pero naging makulit ito. Balewala ang pagtanggi niya dahil nauna
Nang gabing iyon ay masaganang hapunan ang pinagsaluhan ng mga Angeles. Ikinagalak ng mga anak ni Harvey at Erica ang pagdating ng mga pinsan na sina Trevin at Tatiana. “Kamukha mo talaga si Ate Natalie ko, well except maarte si Ate,” pansin ni Harrison kay Tatiana. Napangiti si Tatiana sa sinabi ng pinsan. Maging siya kasi ay natutuwa na kamukhang-kamukha niya ang pinsan. “Mamita oh! Gumana na naman ang pagiging pintasero ni Harrison!” asar na sumbong ni Natalie sa abuela. Tiningnan ni Senyora Anatalia ang apong si Harrison at naningkit ang mata nito. Napayuko ang bata at umusog papalapit sa Nanay nito. Walong bata lahat ang nasa hapag-kainan at nasa isang long table sila. Ang bunsong anak ni Erica ay nasa high chair at tahimik na kumakain. Natutuwa si Trixxie na kahit ginawan niya ng masama ang kapatid at hipag noon ay naging maayos ang pagsasama ng mga ito. Pero, nawindang siya sa dami ng anak nito
“Trevin!” Napasigaw si Trixxie sa pagsuntok ni Trevin sa ama. Nagulat si Gavin sa inasal ni Trevin. Kaagad niyang binitawan ang hawak na kamay ni Trixxie. Sa itsura ng anak ay nasasalamin ang hindi mapantayang poot. Ano ba ang mga pinagdaanan ng anak niya at ng ina nito na sukdulan ang galit nito sa kanya? Maging si Trixxie ay napatda sa ginawa ng anak. Hindi niya sukat akalain na tatawagin lamang ang ama nito sa apelyido na ayaw nitong gamitin. Makailang beses noong pinakiusapan ni Trixxie ang anak na pumayag na dalhin ang apelyido ng ama. Ngunit sa tuwina ay todo tangi ang anak at kung tatanungin niya ang dahilan ay wala itong sagot. Kita ni Trixxie na sapo pa rin ni Gavin ang panga dahil sa suntok ng anak. Pero, alam niyang mas nasasaktan ang puso nito sa trato ng anak sa kanya. “Anak, Papa mo pa rin siya huwag kang ganyan sa kanya!” malumanay na usal ni Trixxie sa anak. Niyakap niya nang tuluya
Nagpupuyos sa galit si Dianne sa narinig mula sa biyenan. Natatandaan niya noon nang sinabi ni Trixxie na nagtataksil ang nobyo. So, ang tinutukoy nito na babae ni Gavin ay siya mismo? Biglang naawa si Dianne sa sarili. Hindi na nga niya mabigyan ng anak ang asawa. Ngayon ay nakumpirma pa niya ang hinala noon na may ugnayan nga si Gavin at ang ina ng anak nito. Dalawang taon na lang at kwarenta anyos na siya. At ang lintek niyang gamot para anxiety ay hindi siya pwedeng pumalya. Dumagdag pa ang hirap siyang magbuntis dahil tatlong beses na siyang nakunan noong panahon na hindi pa niya nobyo si Gavin. Nangilid ang luha ni Dianne at hindi mapigilan na magalit kay Trixxie. Kung may plano ang asawa na hiwalayan siya ay mas malaki ang laban ni Trixxie. Dalawa ang anak ng mga ito samantalang siya ay hindi mabigyan kahit isa man lang si Gavin. Dumaosdos siya sa lupa at lumabo ang kanyang paningin dahil hilam na ng luha ang kanya