Muli ay tiningnan ni Thalia si Asher, bakas pa rin sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon. Hindi siya basta magpapadala sa matatamis na salita. Kung papayag man sila, kailangang sigurado siyang protektado ang lahat."Hindi sapat ang mga pangako lang. Gusto naming makita ang kasulatan. Kailangan namin ng transparency, pati na rin ng pansamantalang matutuluyan para sa lahat habang wala kaming pinagkakakitaan," diretsong sabi ni Thalia.Nagkatinginan ang mga tao sa paligid. Alam nilang may punto siya. Hindi sila pwedeng umasa sa salitang walang kasiguraduhan.Tumingin si Asher kay Thalia, tila nag-aalangan bago tumango. "Kung iyan ang gusto ninyo, walang problema. Hangga't sang-ayon ang lahat, gagawin natin ito. Bababa kami bukas dala ang kontrata. Doon ninyo makikita ang lahat ng detalye, at saka kayo magdesisyon kung tatanggapin ninyo ang kasunduan o hindi."Muling nagbulungan ang mga tao. May ilan pa ring hindi tiwala, ngunit marami ang natuwa sa determinasyon ni Thalia. Hindi niya lang
Sa opisina ni Asher, matindi ang tensyon. Nakaupo siya sa harap ng mahabang mesa, habang ang mga investors niya ay abala sa pagsasalita, halatang hindi sang-ayon sa kanyang desisyon."Sir Asher, hindi ito ang napag-usapan natin!" sigaw ng isang matandang lalaki, si Mr. Henders, isa sa pinakamalaki niyang investor. "Ang ibibigay mong kompensasyon sa kanila at ang mababang renta ay magpapababa sa kita natin! Hindi ito makatarungan sa amin na naglagay ng malaking puhunan!""Tama si Henders!" dagdag ni Mr. Cole, isa pang investor na halatang hindi masaya. "Hindi ba dapat mas pinaprioritize natin ang kikitain ng kumpanya? Ano ang silbi ng negosyo kung ibibigay mo lang ng libre ang mga ari-arian?"Napangisi si Asher. Tahimik niyang hinayaan silang maglabas ng sama ng loob bago siya sumandal sa kanyang upuan. Nang makitang tahimik na ang lahat, mahinahon siyang nagsalita."Alam ko kung ano ang iniisip niyo," aniya, diretso ang tingin sa kanila. "Pero hindi ko babaguhin ang plano. Ang mga tao
Ang ingay sa loob ng meeting hall ay unti-unting lumakas habang nagkakagulo ang mga negosyante sa lugar. Mahigit kalahati sa kanila ang mariing tumututol sa plano ng redevelopment, at hindi nila hinayaang makapagsalita si Asher o ang kanyang team."Hindi namin hahayaan na basta niyo na lang baguhin ang lahat!" sigaw ng isang may-ari ng karinderya. "Kami ang mawawalan dito!""Oo nga! Hindi kami papayag!" dagdag ng isa pang negosyante. "May karapatan kaming tumanggi!""Huwag tayong magpadalos-dalos! Hindi natin alam kung ano ang hatid ng proyektong ito para sa atin," kontra naman ng isang mas batang negosyante na mukhang bukas sa pagbabago. "Pakinggan muna natin sila bago tayo humusga."Ngunit mas marami ang hindi pa rin kumbinsido. "Paano kung mawalan kami ng kabuhayan? Wala tayong kasiguraduhan!" sigaw ng isa pang may-ari ng maliit na tindahan."Hindi ba pwedeng magkaroon ng alternatibong plano na hindi naman tayo pinapaalis agad?" suhestiyon ng isa. "Baka pwedeng baguhin ang redevelo
Matapos pumirma ni Thalia, isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa silid. Isa-isa, ang natitirang mga negosyante ay lumapit na rin upang ilagay ang kanilang pirma. Sa huli, halos lahat ay pumayag sa redevelopment project, maliban sa ilang matitigas ang ulo na nanatiling tumututol."Para sa lahat ng hindi pumirma," malamig na anunsyo ni Asher, "hindi kayo makakatanggap ng anumang benepisyo mula sa proyekto. Sa oras ng demolisyon, mawawalan kayo ng puwesto, at wala kaming obligasyong bigyan kayo ng bagong lugar para sa inyong negosyo."Nagkatinginan ang iilan, napagtatanto ang bigat ng sinabi ni Asher. Isa-isa, ang ilan sa kanila na hindi pa pumipirma ay sumunod na lang dahil para rin naman sa business rin nila. Sa huli, halos wala nang natira sa panig ng tumututol.Matapos ang opisyal na pagpirma ng kasunduan, isa-isa nang nagsilisan ang mga negosyante. Ang ilan ay mukhang kuntento sa kanilang desisyon, habang ang iba ay may halong pangamba sa kanilang mukha.Sa gitna ng lahat ng i
Habang nasa loob ng sasakyan, tahimik na minaneho ni Nathan si Thalia palabas ng gusali. Ilang minuto silang walang imik, hanggang sa siya na ang bumasag ng katahimikan."Alam kong nag-aalinlangan ka sa akin," mahinahong sabi ni Nathan, panandaliang lumingon kay Thalia bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Pero gusto ko lang linawin, wala akong masamang balak sa'yo."Hindi agad sumagot si Thalia. Hinayaan niyang dumaan ang ilang segundo bago siya tumugon. "Hindi ko naman iniisip na may masama kang balak, Nathan. Medyo nainis lang ako na itong demolisyon kasi biglaan, parang pinalala pa ni Asher dahil sa ‘yo. At pati na rin sa amin."Bahagyang natawa si Nathan. "Alam mo, parang ang sungit mo yata ngayon. Para kang si Madam Principal noong elementary pa ako."Napangiwi si Thalia sa biro nito pero hindi niya napigilang mapangiti. "Ikaw lang talaga ang may ganang magbiro sa ganitong sitwasyon.""Syempre naman! Wala tayong magagawa kung hindi pagtawanan na lang ang ilang bagay, ‘di
Pagdating nila sa isang maliit ngunit maaliwalas na restawran, agad silang tinanggap ng staff at inihatid sa isang mesa sa tabi ng bintana. Mula rito, tanaw ang kumikinang na ilaw ng siyudad sa di-kalayuan. Habang hinihintay ang kanilang order, patuloy ang palitan ng biruan nina Nathan at Thalia."Sige, Nathan, patunayan mong sulit ‘tong dinner na ‘to. Anong joke mo ngayon?" may hamong sabi ni Thalia habang nakasandal sa upuan, sinasabayan ng pag-irap na kunwari’y inis pero hindi maitago ang aliw sa mukha niya.Ngumiti si Nathan, tila ba may naisip nang bagong biro. "Okay, okay, ito na. Ano ang sinabi ng bato sa tubig?"Napaisip si Thalia. "Hmm... ano?""Wag mo akong basain, hindi pa ako handa!’" sabay tawa ni Nathan sa sarili niyang joke.Napailing si Thalia, pero hindi niya napigilang matawa rin. "Ano ba ‘yan, Nathan! Ang babaw talaga ng jokes mo.""Hoy, bawal manghusga! Pang-matalino ‘yung joke ko, hindi mo lang na-appreciate agad," sagot ni Nathan na kunwari’y nagtatampo."Kung pa
Habang naglalakad sina Nathan at Thalia pabalik sa kanilang sasakyan, hindi pa rin napuputol ang sunod-sunod na jokes ni Nathan. Kahit na malamig ang simoy ng hangin, tila ito napapalitan ng init ng kanilang tawa."Alam mo ba kung anong sinabi ng upuan sa mesa?" tanong ni Nathan, may pilyong ngiti sa labi.Napangiwi si Thalia. "Ano na naman?""Hindi ako tatayo para sa'yo!"Napapailing si Thalia habang pilit na pinipigilan ang tawa. "Nathan, bakit ang babaw ng jokes mo tapos minsan hindi naman nakakatawa, pero natatawa na lang ako kasi kung paano mo ideliver sa akin?""Uy, hindi mababaw ‘yun! Alam mo, minsan, ang buhay parang upuan at mesa. Kailangan mo lang umupo at magpahinga kahit saglit." depensa ni Nathan habang tinapik ang sarili sa dibdib na kunwari'y may lalim ang sinabi niya."Hay naku, ang corny mo talaga," natatawang sagot ni Thalia.Habang patuloy silang naglalakad, saglit na natahimik si Thalia. Nasa isipan niya ang hindi niya matanong kanina sa restawran. Sa kabila ng mga
Tahimik na tumango si Thalia habang inaalala ang sinabi ni Nathan. Alam niyang seryoso ito. Hindi lang ito basta pangarap—ito ang direksyong gusto nitong tahakin sa buhay."Alam mo, Nathan," mahina niyang sabi, nakatingin sa labas ng bintana. "Makakamit mo ‘yan balang araw. At sana, makasama mo ang tamang tao—‘yung pareho mong gusto ang pangarap mo."Saglit na hindi sumagot si Nathan, pero nang lumingon si Thalia sa kanya, nakita niya ang isang kakaibang ngiti sa mukha nito. Isang tingin na parang may gustong iparating, pero hindi niya masabi kung ano."Salamat, Thalia," sagot nito, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Sana nga, no?"Napatigil siya, pero bago pa siya makasagot, narating na nila ang harap ng bahay niya. Binitawan ni Nathan ang manibela at humarap sa kanya. "Sigurado ka bang okay ka na dito mag-isa?"Napangiti si Thalia, pilit na nagpapakita ng pagiging matatag. "Oo naman. Ako pa? Malakas ako! Kahit pa hindi nag-work ang plano ng kapatid ko noong isang araw, hindi ibig s
Habang nasa biyahe sina Thalia at Nathan papunta sa kabilang siyudad, tahimik lang si Thalia, nakatingin sa labas ng bintana. Kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isip ang nangyari kanina sa opisina—lalo na ang presensya ni Asher.Nang makita niya itong personal na iniabot ang tseke, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Walang kahit isang salita ang lumabas sa bibig nila. Alam niyang wala na siyang karapatang umasa, pero bakit ganoon kasakit?Napansin ni Nathan ang pananahimik ni Thalia kaya nagdesisyon siyang magpatawa. "Uy, Thalia, mukha kang nawalan ng dalawang milyon ah. Sabagay, literal naman talaga!" sabay tawa niya.Napangiti si Thalia nang bahagya pero hindi ito tumagal. "Hindi ko inasahan na siya mismo ang mag-aabot ng tseke," mahina niyang sabi."Kaya nga nagulat din ako," sagot ni Nathan. "Pero at least, tapos na ‘yan. Nakuha mo na ‘yung dapat sa’yo. Iwanan mo na sa nakaraan."Tumango lang si Thalia pero hindi siya sigurado kung kaya niyang gawin iyon. Mas lal
Kakatapos lang ng call at biglang kumatok si Nathan sa pintuan ni Thalia. Malakas ang pagkatok niya, na para bang nagmamadali o may mahalagang sasabihin."Thalia, bumangon ka na! Kailangan natin umalis ngayon din," sigaw niya mula sa labas.Medyo groggy pang binuksan ni Thalia ang pinto, suot ang simpleng oversized na t-shirt at pajama. "Ano bang problema? Para namang may nangyayaring masama," reklamo niya habang hinihikab.Napakamot sa batok si Nathan at diretsong sinabi, "Ngayon na pala ibibigay ang compensation mula sa kontrata. Kailangan nating pumunta agad."Nanlaki ang mata ni Thalia at biglang napawi ang antok niya. "Ha? Akala ko ba sa susunod na linggo pa ‘yon?""Hindi na raw. Pinapapunta na tayo ngayon sa opisina para kunin."Napakurap si Thalia at unti-unting napuno ng kaba ang dibdib niya. "Nandun ba si Asher?"Saglit na tumigil si Nathan bago umiling. "Wala raw," sagot niya, pero may kung anong hindi siya sigurado sa sinabi niya.Napabuntong-hininga si Thalia at tumango. "
Tahimik na pumasok si Nathan sa kusina at kumuha ng baso ng tubig. Saglit siyang tumigil, tila nag-iisip kung paano magsisimula."Alam mo, Thalia, hindi ko madalas ikwento 'to sa iba," panimula niya habang iniikot ang tubig sa baso. "Pero since ikaw naman ang nagbukas ng puso mo sa'kin, siguro panahon na para ibahagi ko rin ‘yung sa akin."Napatingin si Thalia sa kanya, nag-aabang."Lumaki akong hindi talaga marangya ang buhay. Sa totoo lang, mahirap lang kami noon," pag-amin ni Nathan. "Tatlo kaming magkakapatid, at ako ang panganay. Hindi madali ang buhay dahil simula pagkabata, kinailangan kong tumulong sa mga magulang ko. Madalas, ako ang tagabantay ng mga kapatid ko habang si Mama at Papa nagtatrabaho."Tahimik na nakikinig si Thalia, nakatuon ang pansin sa kanya."Madalas akong mabugbog noon," patuloy ni Nathan, bahagyang napangiti na tila sinusubukang gawing magaan ang usapan. "Alam mo na, lumaki ako sa isang lugar na hindi ka dapat nagpapakita ng kahinaan. Konting mali, suntok
Habang nakaupo sa sofa at naghahati ng fried chicken, sinimulan nilang panoorin ang pelikulang pinili ni Nathan. Isa itong action-comedy film na puno ng eksena ng habulan, suntukan, at mga eksaheradong reaksyon ng mga tauhan.Nagsimula nang lumubog si Thalia sa kwento, pero hindi niya mapigilan ang sarili na maalala ang mga nangyari sa kanya at kay Asher.Sa eksena kung saan nagkaroon ng matinding dramang pagtatapat ang dalawang bida, biglang sumingit sa isip ni Thalia ang mga huling sandali nila ni Asher—ang mga yakap nito, ang pag-aalaga, at ang sakit ng pagkakatuklas niya sa lihim nitong tinatago.Napalunok siya at hindi mapakali. Pakiramdam niya ay naiinitan siya kahit hindi naman ganoon kainit sa loob ng bahay."Mainit," mahina niyang sabi sabay tayo. Kinuha niya ang unan sa gilid at niyakap iyon, saka lumipat ng upuan sa malapit sa bentilador.Hindi ito pinansin ni Nathan noong una, pero nang mapansing medyo tahimik si Thalia, iniligay nito ang plato at tinapik ang braso niya. "
Pagkatapos ng tawag, nanatiling nakaupo si Thalia sa gilid ng kama. Nakapikit siya, pilit na pinapakalma ang kanyang sarili mula sa biglaang rebelasyon. Gusto niyang isipin na baka isang panibagong problema na naman ito, pero sa ngayon... hindi pa niya kayang harapin ang katotohanan.Huminga siya nang malalim at pumikit. "Kalma lang, Thalia," bulong niya sa sarili. "Pwede namang hindi mo muna isipin ‘yon, ‘di ba? Kahit ngayon lang… kahit sandali lang, magpahinga ka muna."Naramdaman niya ang bigat sa kanyang dibdib, pero naalala rin niya ang ekspresyon ni Nathan kanina—ang lungkot sa mata nito nang makitang labis siyang nasasaktan. Kahit papaano, may isang taong handang samahan siya ngayon.Dahil doon, pinilit niyang itulak ang mga alalahanin sa likod ng kanyang isipan. Gusto niya munang bigyan ng pansin ang kasalukuyan at hindi ang mga bagay na maaaring masaktan siya ulit.Tumayo siya at lumabas ng kwarto.Pagdating niya sa kusina, naamoy agad niya ang pamilyar na amoy ng nilulutong
Sa bigat ng kanyang damdamin, hindi namalayan ni Thalia na nakatulog siya. Isang oras ang lumipas, at nagising siya sa mahinang katok sa kanyang pinto. Mabilis niyang pinahid ang mga natuyong luha sa pisngi at pilit na inayos ang sarili.Hindi niya alam kung sino ang nasa labas, pero wala siyang lakas para makipag-usap pa. Nang muling kumatok, napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang binuksan ang pinto."Nathan?" gulat niyang bulong nang makita kung sino ang nasa labas.Nakahawak si Nathan sa isang paper bag ng pagkain, may bahagyang pag-aalala sa kanyang mukha. "Thalia, kumain ka na ba?" tanong nito, dahan-dahang inaabot ang dala niya.Napakagat-labi si Thalia at umiwas ng tingin. Alam niyang hindi siya makakapagsinungaling kay Nathan. "Hindi pa," mahina niyang sagot."Alam ko namang hindi," mahinang sagot ni Nathan habang pumapasok sa loob nang walang pag-aalinlangan. "Pinuntahan kita kasi alam kong hindi mo kayang mag-isa sa ganitong sitwasyon."Pinanood lang ni Thalia ang paggal
Sa mahigpit na yakap ni Asher, unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ni Thalia. Ramdam niya ang init ng katawan nito na tila isang proteksyong hindi niya akalaing muling mararamdaman.Sa tahimik na sandali, ang kanyang mga daliri ay gumuhit ng maliliit na bilog sa kanyang braso, isang kilos na hindi niya napansin ngunit para kay Asher ay isang bagay na gusto niyang tandaan."Mahalaga ka sa akin," mahina ngunit buong tapat na bulong ni Asher sa kanya.Hindi sumagot si Thalia. Hinayaan niyang lumubog sa kanya ang mga salitang iyon, ngunit sa likod ng kanyang isip, may munting takot na namumuo. Ngunit sa ngayon, gusto lang niyang namnamin ang yakap nito.Matapos ang ilang minutong katahimikan, unti-unting kumilos si Asher. "Saglit lang, pupunta lang ako sa banyo, okay?"Tumango si Thalia, bahagyang umayos ng upo habang pinapanood itong lumayo. Nang marinig niya ang pagsara ng pinto, bumuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. Gusto niyang isipin na tama ang ginagawa nila, na tot
Hindi na nila inisip kung ano ang tama o mali sa sandaling iyon. Sa pagitan ng malalalim na paghinga, dahan-dahan nilang binura ang distansya sa pagitan nila. Naramdaman ni Thalia ang mainit na kamay ni Asher sa kanyang likod, bahagyang humihigpit ang hawak—hindi nagmamadali ngunit puno ng pagpipigil, tila sinusubukang alalahanin kung hanggang saan siya maaaring lumapit."Thalia..." bulong ni Asher, hinahaplos ang kanyang pisngi na may halong pag-aalinlangan at pananabik. Parang may gustong sabihin ngunit hindi sigurado kung dapat bang ipaalam ito.Ngumiti si Thalia, ramdam ang kilig na bumabalot sa kanya, ngunit kasabay nito ay may kaba rin siyang pilit itinatago. "Hmm?"Bahagyang tumigil si Asher, tinitigan ang kanyang mga mata na parang nagbabasa ng pahintulot. Ang titig nito ay puno ng emosyon—pagmamahal, pagnanasa, at isang di-maipaliwanag na pangungulila na tila matagal nang itinago.Sa halip na sumagot, siya mismo ang humila sa binata, muling inilapat ang kanyang labi sa kanya.
Matapos ang ilang tagay ng alak, naramdaman na nilang pareho ang init sa kanilang katawan. Hindi naman sila lasing, pero sapat na ang nainom nila para maging mas kampante ang pakiramdam nila sa isa’t isa. Nakasandal si Thalia sa sofa habang si Asher naman ay nakaupo sa tabi niya, hawak ang remote control."Manonood tayo ng pelikula?" tanong ni Thalia, pinaglalaruan ang baso niya.Tumango si Asher. "Para malibang tayo. Horror o romance?""Horror muna. Para may dahilan akong dumikit sa’yo ‘pag natakot ako," biro ni Thalia.Napangiti si Asher at umiling bago pinindot ang play button. "Sige. Pero ‘wag kang sisigaw sa tenga ko, ah."Habang tumatakbo ang pelikula, nagsimula silang maghagikgikan."Ano ‘to? Ang pangit ng CGI ng multo! Para lang itong pinatong sa screen," puna ni Thalia habang kinakain ang popcorn."Ang arte pa ng biktima. Sinugod ang dilim tapos sumisigaw siya ng ‘Who’s there?’ Eh kung ako ‘yun, takbo agad!" dagdag ni Asher, sabay tawa.Natatawa silang dalawa habang tinutulig