“Good morning, senyorito!” masayang bati ni Yaya Nancy kay Nicholas.
“Morning, Ya!” ganting bati niya rito habang hinihila ang upuan at mabilis na umupo.
Dali-dali naman nitong ipinagsalin siya ng orange juice sa baso. Umangat ang mukha niya at tumingin dito.
“Gusto ko ng coffee with creamer yaya,” maikling tugon niya at naglagay na ng pagkain sa plato.
“Aba, himala at humingi ka ng kape ngayong umaga,” tugon nito habang mabilis na ginawan siya ng kape.
Sumusubo na siya ng pagkain bago sumagot dito, “Kailangan ko ng pampagising. Mahaba ang meeting namin ngayong umaga.”
Ibinaba ni Yaya Nancy ang tasa na naglalaman ng umuusok na kape, “Eh, bakit, hindi ka ba nakatulog kagabi?”
Sunud-sunod na tango ang ginawa niya, “Napanaginipan ko na naman po ang nangyari sa amin ni Mommy noon.”
Nabigla ito sa sinabi niya at lumungkot ang anyo nito, “Matagal na iyon. Wala na ang Mommy mo. Dapat siguro kalimutan mo na para naman matahimik na sa kabilang buhay ang Mommy mo.”
“I don’t know, Yaya, when can I forget that tragic incident. It’s hard to let it go.” He vaguely uttered these words.
It’s been twenty-two years since it happened; however, the memories came back over and over again like they just happened yesterday.
Labindalawang taon lamang siya ng maganap ng trahedyang sinapit nilang mag-ina at naganap iyon na wala ang daddy niya sa tahanan nila dahil ayon dito may business trip ito sa London.
Sinisisi niya at kinamumuhian ang sariling ama dahil simula ng pumalit ito bilang CEO ng kompanyang tinayo ng lolo niya bigla na lamang itong nagbago. Nawalan ito ng panahon sa kanilang mag-ina at madalang na rin itong umuwi sa bahay nila.
Kalaunan, madalas na niyang naririnig na nag-aaway ang magulang tuwing umuuwi ang ama niya sa pamamahay nila. Dinig na dinig niya ngunit hindi naman siya pwedeng makialam dahil minsanan na siyang pinagbuhatan ng kamay ng daddy niya nang tinangka niyang awatin ang mga ito sa pagtatalo.
Dinamdam niya ng husto ang ginawa nito hanggang sa tuluyan na siyang nagtanim ng galit rito. Ang Mommy niya ay nahulog na rin sa matinding depresyon makalipas ang ilang taon lalo na ng madiskubre nitong ang mismong sekretarya ng ama niya ang kalaguyo nito.
Iniwan sila nito ng tuluyan nang tumuntong siya ng labindalawang taon. Hindi kinaya ng Mommy niya ang matinding depresyon kaya’t nang araw mismo na nangyari ang aksidenteng pagkasunog ng kwarto nilang mag-ina ay kagagawan mismo ng Mommy niya. Nawala ito sa sariling katinuan at gusto na lamang wakasan ang paghihirap nilang dalawa.
Maswerte na lamang siya’t nagawa pa niyang tumakas ng araw na iyon, ngunit sa kasamaang palad ang kawawang ina niya ay kasamang natupok sa ikalawang palapag ng bahay nila.
Dumalo lamang ang daddy niya sa mismong araw na ng libing nito at tanging karamay lamang niya sa pagdadalamhati ay ang nag-iisa niyang lolo Samuel. Ang ama ng daddy niya at founder ng Freed Group of companies.
Sa mismong puntod ng Mommy niya, ipinangako niya rito na pababagsakin niya ang sariling ama upang ipaghiganti niya ang sinapit nito. Kitang-kita pa niya ng araw na iyon ang proud na anyo ng mistress nito na naroon lamang sa loob ng nakabukas na sasakyan ng daddy niya.
Hindi man nagsasalita ang lolo niya, dama niya ang galit nito sa sariling anak na pilit nitong sinisikil.
Inuwi siya ng lolo niya sa lumang mansyon at hinubog siya nito ng husto na maging matalino at matapang. Madalas nitong sinasabi sa kanya na huwag niyang tularan ang ginawa nitong pagwasak sa sariling pamilya balang araw.
Pamilya? Bagay na matagal na niyang binura sa bokabularyo niya. Para sa kanya, lahat ng babae ay pareho lamang ng kulay. Gold-digger at homewrecker.
Lumipas ang ilang taon at nagtapos siya ng Master of Business Administration sa Harvard. Bumalik siya ng Montreal City ng matiyak na niyang may sapat na siyang kakayahan na kalabanin ang sariling ama.
He laid a big trapped against his father, aiming to bring him down. Wala pang dalawang taon napatalsik ito sa mismong kompanya nila at siya na ang pumalit dito. Tandang-tanda pa niya kung paano ito nagwala nang i-anunsyo ng kanyang grandfather ang pagtanggal rito sa mismong araw ng anibersaryo ng kompanya nila.
Katakot-takot na galit at mura ang lumabas mula sa bibig nito laban sa kanilang maglolo ngunit mapang-uyam na ngiti lamang ang isinagot niya rito. Agad itong pinag-usapan sa buong mundo at lumikha ito ng malaking ingay sa business circle na humilang bigla sa presyo ng stocks nila sa merkado ngunit mabilis ding nakabawi ang kompanya dahil pinaghandaan na niya ang magiging resulta ng kanyang mga plano.
Kalkulado niya ang lahat at suportado siya ng kanyang lolo.
“Magpahinga kana lang kaya kung mabigat ang gising mo. Tutal naman naroon si Mark, ang assistant mo, na pwedeng sumalo sa trabahong iyon,” anang malumanay na boses ng Yaya niya na humila sa kanya pabalik sa kasalukuyan.
Itinuloy niya ang pagsubo at umiling, “Hindi pwede Ya, malaking investment ang inilagay ko rito. Kailangan kong maisara ang deal na ito para makapag-extend ng operation sa mga bansang sakop sa South-East Asia ang kompanya namin.”
“Naku, ikaw namang bata ka, aanhin mo ang sobrang yaman, ni hindi ka pa nga nag-asawa. Aba’y treinta-y-dos kana ngayong taon.”
Nag-angat siya ng mukha at lumabi dito, “Bakit pagod na po ba kayong mag-alaga sa akin?”
“Ay hindi naman ah. Ikaw talaga kung anu-ano nalang ang pinagsasabi mo. Ang sa amin lang dapat lumagay kana sa tahimik para naman madagdagan tayo rito sa bahay. Mas masarap sa pakiramdam kung may batang mag-iingay sa araw-araw sa loob ng malaking villa na ito.”
Tumayo na siya mula sa dining chair matapos inumin ang huling laman ng tasa niya. “Pampalipas oras lang ang babae yaya. Kaya hindi dapat seryosohin.”
“Aba, sinong ponzio pilato ang nagsabi niyan sasampigahin ko,” sumunod ito sa kanya hanggang sa living room.
“Wala po, ako lang. Pwede akong magdala ng iba’t ibang babae rito sa bahay araw-araw para samahan tayo kung gusto ninyo,” pabirong tugon niya at dinampot na ang kanyang gamit.
“Ay lintik iyan. Huwag nalang. Kung pampalipas oras mo lang naman. Gusto ko iyong magiging Mrs. Freed na at mananatili rito sa bahay.”
Pagdating niya sa pintuan nilingon ito at kinindatan, “Katulad lang ng damit bihisan ang mga babae, walang bago!”
Sinundan pa niya ito ng malutong na tawa sabay bira ng alis. Narinig pa niyang malakas na tinawag ni Yaya Nancy ang pangalan niya ngunit hindi na niya ito pinansin.
Mabilis siyang sumampa sa kulay puting Bugatti Veyron Mansory Vivere at parang kidlat na tumakbo ito sa kahabaan ng highway patungong kompanya nila.
Ilang taon na ring nanilbihan sa kanila si Yaya Nancy. Simula ng isilang siya ito na ang katulong ng Mommy niya na mag-alaga sa kanya. Ito na rin ang tumayong ina niya ng mamatay ang Mommy niya kaya’t malaki ang respeto at pagmamahal niya rito.
**
Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nasa loob na siya ng CEO’s office. Kakarating lamang niya ng sumunod agad sa kanya si Natasha- ang kanyang sekretarya.
Hapit sa sexy nitong katawan ang suot nitong plunging neckline na casual wear. Lalo itong tumangkad tingnan dahil sa suot nitong five inches high heels.
Sumasabay ang balakang nito sa bawat indayog nang hakbang nito na kung titingnan ng sinuman ay sinasadya talaga nito.
Anak ito ng isa sa mga members of the board ng kompanya. Lantaran nitong ipinapakita ang malaking pagkakagusto sa kanya. Ilang beses na rin niya itong nakasama sa kama sa tuwing kailangan niya ng kaulayaw.
“Good morning, handsome!”maarteng bati nito sa kanya.
He raised his face, grinning, “Good morning, little secretary!” His deep and sensual voice aroused her desire.
Mabilis itong lumapit sa kanya at agad na kumandong sa hita niya. Bumaba ang mukha nito at kinuyumos ng halik ang labi niya.
Lumalim ang halikan nilang dalawa at kapwa sila humihingal ng maghiwalay ang labi nila. Casual kiss lamang ito para kay Nicholas at wala silang commitment sa isa’t-isa. Pumayag ito sa kondisyon niyang ito simula ng naging sekretarya niya ito tatlong taon na ang nakalipas.
“That was so fast, leaving me more desperate,” She gently bit his earlobe.
Pagak na tumawa si Nicholas, at mariing pinisil ang dibdib nito, “Huwag kang lumampas sa linya. Masyado pang maaga para busugin ko ang pangangailangang pisikal mo. May meeting ako, diba?”
Suminangot itong bigla, bahagyang inilayo ang sarili mula sa kanya. Napansin niyang nagkalat na ang lipstick nito sa labi. Mabilis niyang hinagip ang issue paper na nasa ibabaw ng lamesa niya. Humugot siya ng ilang piraso at binigyan ito.
“Thanks!” anito at pinunasan ang sariling labi.
Siya naman ay kusang na ring pinunasan ang bibig dahil tiyak niyang dumikit sa labi niya ang lipstick nito.
“Ilang beses kong sinabi sa’yo na huwag kang gumamit ng sobrang makapal at pulang lipstick,” mariing kastigo niya rito ng makita niya kung gaano kadami ang lipstick na dumikit sa tissue paper na pinampunas niya.
Natasha snorted, “This is my passion, and I love wearing thick and red lipstick.”
He glared at her and quickly pushed her away from his body. Ikinagulat naman nito ang ginawa niya at muntik pa itong mawalan ng panimbang at kung hindi lamang mabilis ang kamay nito na kumapit sa gilid ng lamesa ay baka bumagsak pa ito sa sahig.
“I’m sorry if I made you upset!” She meekly composed herself quickly.
“Get out!” He growled.
“Look, I will try to change this the next day if you really want,”
“Don’t make me repeat myself. I said, get out!” His face turned red while pointing to his door.
Bumuntong huminga naman si Natasha, “Okay, fine! I will be out, but I want to pay you later. How about I come to your home tonight?”
He was totally enraged. He picked his pen holder and threw it near her face. It hit on the door and shattered into pieces. Natasha was shocked, unable to say any words.
Salubong ang kilay na tiningnan lamang siya ni Nicholas at tila may pakpak ang sariling mga paa niya at kumaripas na siya ng takbo palabas ng opisina nito.
Sumandig sa upuan si Nicholas at napa halakhak ng tuluyan nang maalala ang takot na anyo ni Natasha. Para sa kanya isa lamang ito sa mga laruan niya na anumang sandali ay pwede niyang pagsawaan at idespatsa. Alam niyang mataas ang pinag-aralan nito at nagtapos ito sa London ng Business Administration din ngunit mas pinili nitong ipagsiksikan ang sarili na maging sekretarya lamang niya sa halip na tumulong ito sa textile company na pag-aari ng magulang nito.
Naputol ang munting kaligayahan niya ng biglang may kumatok sa pinto at kusa rin itong bumukas. Pumasok si Mark at napahinto ang balak sana nitong paghakbang patungo sa kanya ng makitang nagkalat ang basag niyang pen holder sa sahig.
“Mukhang maaga ang init ng ulo mo boss?” alanganing ngiti ang ibinigay nito sa kanya nang mag-angat ito ng mukha at tumingin sa kanya.
“May nambwisit sa akin ng maaga. Pakitawagan muna ang utility staff at ipalinis mo iyan,” kalmadong tugon niya rito habang ang mga mata ay nakatuon sa sarili niyang cellphone.
He was hovering on his social media account news feed, checking the business column. Ugali na niyang magbasa ng news na may kaugnayan sa stocks and business.
Mabilis namang umalis si Mark at nang bumalik ito may kasama na itong isang utility staff at nilinis ang kalat sa sahig. Nang matapos na ito umalis rin kaagad. Lumapit naman si Mark sa kanya.
“Tumawag po ang papa ninyo kaninang umaga sa akin. Kailan mo raw ibibigay ang allowance nila,” walang gatol na tugon ni Mark.
Napaangat siya ng mukha, dumilim bigla ang anyo niya, “Wala pang sampung araw mula ng makuha niya ang monthly allowance niyang $10,000 para sa buwan na ito. Hihingi na naman siya ulit?”
“Aba’y, ewan ko. Galit na galit eh. At sinabi ko nalang na babanggitin ko sa inyo ang bilin niya.”
“Diba pinili niyang huwag ng magtrabaho? At pinirmahan niya ang legal na dokumentong nagsasaad na tatanggapin niya ang monthly allowance na ina-allot ng kompanya sa kanya. Kung sana’y tinanggap niyang magtrabaho ulit bilang manager sa isa sa mga hotel chain na nasa ilalim ng kompanya, baka sakaling magbago ang isip ko at dadagdagan ko ng another $10,000 ang perang ibinibigay ko,” sarkastikong tugon niya.
“Eh, alam mo naman po ayaw niya. Ako ang inaaway eh,” napakamot bigla sa ulo niya si Mark.
“Pabayaan mo siya. Hindi mo na kasalanan iyan. Kapag tumawag ulit at pinagalitan ka sabihin mong sa akin siya pumunta at kami ang mag-uusap,” may diing tugon niya ulit.
“Naku, manggugulo na naman po ulit iyon dito kapag pumunta siya,” nag-aalalang tugon ni Mark.
“Kapag ginawa niya iyon baka makalimutan kong tatay ko pala siya at ipapakaladkad ko siya sa mga gwardiya palabas ng building na ito.
Parang nauubusan ng lakas si Mark ng marinig ang pagmamatigas ng boss niya. Siya ang naiipit sa tuwing nag-aaway ang dalawa dahil sa kanya lamang pwedeng tumawag si Presley Freed.
Matagal na rin nitong binatikos ang matandang Freed kaya’t hindi ito bumabalik sa tahanan ng ama nito.
“Sige po sabihan ko nalang siya kapag tumawag ulit. Ito po pala ang presentation para mamayang meeting natin. Nagprint na ako ng ilang copy para sa mga investors natin at sa inyo mismo. Handa na rin po ang conference room. Sabi no'ng assistant ng dalawang investors bago mag 10:30 ng umaga narito na sila.”
Pinasadahan niya ng tingin ang printed copies ng presentation na ibinigay nito. Natuwa naman siya nang nakitang maayos lahat ng report at data na kailangan nilang i-present mamaya.
“Okay, thank you for this one. You may leave now!”
Tumango lamang si Mark at tumalikod na. Inilapag naman niya ang folder na hawak. Pasado alas-nuwebe pa lang ng umaga, may natitirang oras pa siya bago ang meeting.
Muli niyang dinampot ang cellphone at binasa ang business news.
Pumukaw sa atensyon niya ang malinaw at malaking caption ng isang article.
It said; THE HEIRESS OF FALLEN EMPIRE, Asis LTD MADE ANOTHER SCANDAL.
Napaarko ang kilay niya dahil sa mga larawang nakabalandra bago ang mahabang write-ups tungkol sa nasabing balita. Isang wild and sexy woman na nakuhanan ng iba’t-ibang anggulo nang pagsasayaw sa mahabang pole sa gitna ng maraming tao. Binanggit pa ang pangalan nito- Jasmin Vee Asis- a ramp model and heiress.
Napasipol siyang bigla nang makitang lumuwa na ang dibdib nito sa hapit nitong kasuotan base sa makukulay na larawan.
“Wild kitten, huh? A desperate woman of today’s young generation,” he whispered as he ran his fingers onto those stolen photos.
Mabilis niyang hinanap ang video nito sa YT at nakita naman niya kaagad. Mas malinaw ang bawat indayog ng katawan nito sa malinaw na videong naka-upload online. He couldn’t stop watching her. She possessed the most beautiful face of the woman he was ever seen. Her thin lips, ebony skin and tiny waist make his groin bulged suddenly.
“Shit!” napamura siyang bigla at tila napapasong ibinaba ang sariling cellphone sa ibabaw ng table niya. Nanuyo ang lalamunan niya habang naririnig pa rin niya ang matinis nitong boses na tila tuwang-tuwa sa ginagawa nitong pole dancing.
Malakas din ang hiyaw ng mga kalalakihan na nasa baba ng stage kung saan ito nagsasayaw. At base sa itsura nito, lasing ito ng mga sandaling iyon. Muli niyang dinampot ang cellphone at tiningnan kung kailan ito naganap. Malinaw na wala pang bente-kwatro oras mula ng kumalat ang video nito.
He dug more about this woman, which normally he didn’t do in the past. The woman had several scandals posted in the past few years however it seemed she doesn’t care about it. Naputol lamang ang ginagawa niyang paghahalungkat sa internet ng muling bumalik si Mark at sinabi nitong naroon na sa conference room ang hinihintay nila.
Umahon na siya sa upuan at hinagip ang blazer na isinabit niya kanina.
“Let’s go!”
Tahimik namang binaybay nilang dalawa ni Mark ang hallway patungo sa conference room.
“Sir, may dala po silang interpreter dahil hindi gaanong magaling sa English ang dalawang investors.”
“It’s okay, no problem. I can understand their language since I can fluently speak and communicate with seven languages.”
Hindi na kumibo si Mark at tahimik na itong sumunod sa kanya. Habang nasa hallway sila muli na namang bumalik sa utak niya ang imahe ng babaeng iyon. Ang bawat indayog ng balakang nito at ang nakakaakit nitong tawa. Ang maganda nitong mukha na parang inukit ng magaling na pintor. Napansin ni Mark na parang wala siya sa sarili habang naglalakad.
Tumikhim si Mark at tinapik siya sa braso. “Sir, okay lang po kayo? Iniisip niyo pa rin po ba ang papa ninyo?” tanong nito sa pag-aakalang naapektuhan siya sa kinuwento nito kanina na pagtawag ng ama niya. He continued his pace, “Yeah, of course, I’m fine!” Tumahimik na rin si Mark at hindi na ito nag-usisa pa hanggang sa makapasok sila sa loob ng conference room. “Gentlemen, this is our CEO, Mr. Nicholas Freed.” Mark took the initiative to introduce his boss to their possible partner. “Hi! Mr. Nayuma and Mr. Cheng, nice to meet you, gentlemen!” Nicholas politely bowed to them. “Nice to meet you too, Mr. Freed,” the two gentlemen greeted him together. “Shall we start!?” Nicholas motioned his hand, inviting them to sit. “Sure!”Mabilis namang ibinigay ni Natasha ang printed copies sa mga bisita nila. Si Mark naman agad na nagtungo sa harapan. Siya ang presenter ngayong araw. Tahimik naman umupo si Nicholas sa upuang nasa gitna mismo ng lamesa. Alanganing umupo sa kaliwang baha
NABABANAAG ang labis na galit sa mga mata ni Jasmin ng mga sandaling ito habang nakatingin sa bawat kilos ni Nicholas. Kalmado lamang ang taksil niyang asawa habang nagsasalin ng wine sa dalawang baso. Sumabog siya sa galit ng malamang kasama nito sa business trip ang malandi nitong sekretarya at ng kinompronta niya ito at hiniling dito na mag-divorce na silang dalawa, bahagya lamang itong natawa sa sinabi niya. Subalit, determinado siyang wakasan ang walong buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa. Ang akala niya nagbago na ito at tumino ngunit mali pala siya. Sinubukan niyang sumunod sa anumang hiling nito dahil malaki ang ininvest nitong pera sa bumagsak nilang kompanya. Naputol ang paglalakbay ng diwa niya ng muli itong humarap at naglakad patungo sa kanya tangan ang dalawang wine glass na may lamang wine. “Here, have a sip!” Nicholas handed her the wine glass, yet his eyes were full of mystery. She looked at him angrily, grabbing the wine glass, “ I said, I-WANT- A- DIVORCE!”
Tumikhim si Mark at tinapik siya sa braso. “Sir, okay lang po kayo? Iniisip niyo pa rin po ba ang papa ninyo?” tanong nito sa pag-aakalang naapektuhan siya sa kinuwento nito kanina na pagtawag ng ama niya. He continued his pace, “Yeah, of course, I’m fine!” Tumahimik na rin si Mark at hindi na ito nag-usisa pa hanggang sa makapasok sila sa loob ng conference room. “Gentlemen, this is our CEO, Mr. Nicholas Freed.” Mark took the initiative to introduce his boss to their possible partner. “Hi! Mr. Nayuma and Mr. Cheng, nice to meet you, gentlemen!” Nicholas politely bowed to them. “Nice to meet you too, Mr. Freed,” the two gentlemen greeted him together. “Shall we start!?” Nicholas motioned his hand, inviting them to sit. “Sure!”Mabilis namang ibinigay ni Natasha ang printed copies sa mga bisita nila. Si Mark naman agad na nagtungo sa harapan. Siya ang presenter ngayong araw. Tahimik naman umupo si Nicholas sa upuang nasa gitna mismo ng lamesa. Alanganing umupo sa kaliwang baha
“Good morning, senyorito!” masayang bati ni Yaya Nancy kay Nicholas. “Morning, Ya!” ganting bati niya rito habang hinihila ang upuan at mabilis na umupo. Dali-dali naman nitong ipinagsalin siya ng orange juice sa baso. Umangat ang mukha niya at tumingin dito. “Gusto ko ng coffee with creamer yaya,” maikling tugon niya at naglagay na ng pagkain sa plato. “Aba, himala at humingi ka ng kape ngayong umaga,” tugon nito habang mabilis na ginawan siya ng kape. Sumusubo na siya ng pagkain bago sumagot dito, “Kailangan ko ng pampagising. Mahaba ang meeting namin ngayong umaga.” Ibinaba ni Yaya Nancy ang tasa na naglalaman ng umuusok na kape, “Eh, bakit, hindi ka ba nakatulog kagabi?” Sunud-sunod na tango ang ginawa niya, “Napanaginipan ko na naman po ang nangyari sa amin ni Mommy noon.” Nabigla ito sa sinabi niya at lumungkot ang anyo nito, “Matagal na iyon. Wala na ang Mommy mo. Dapat siguro kalimutan mo na para naman matahimik na sa kabilang buhay ang Mommy mo.” “I don’t kno
NABABANAAG ang labis na galit sa mga mata ni Jasmin ng mga sandaling ito habang nakatingin sa bawat kilos ni Nicholas. Kalmado lamang ang taksil niyang asawa habang nagsasalin ng wine sa dalawang baso. Sumabog siya sa galit ng malamang kasama nito sa business trip ang malandi nitong sekretarya at ng kinompronta niya ito at hiniling dito na mag-divorce na silang dalawa, bahagya lamang itong natawa sa sinabi niya. Subalit, determinado siyang wakasan ang walong buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa. Ang akala niya nagbago na ito at tumino ngunit mali pala siya. Sinubukan niyang sumunod sa anumang hiling nito dahil malaki ang ininvest nitong pera sa bumagsak nilang kompanya. Naputol ang paglalakbay ng diwa niya ng muli itong humarap at naglakad patungo sa kanya tangan ang dalawang wine glass na may lamang wine. “Here, have a sip!” Nicholas handed her the wine glass, yet his eyes were full of mystery. She looked at him angrily, grabbing the wine glass, “ I said, I-WANT- A- DIVORCE!”