Share

CHAPTER 4

Author: Seilenophiles
last update Last Updated: 2021-09-30 10:02:15

EIZZRIE

Dumiretso na agad ako sa sala at naabutan ko silang nakaupo sa mahabang sofa habang hinihimas ni Aling Perla yung ulo ng babae. Naririnig ko bang tinatanong niya ito kung nahihilo ba siya o hindi.

Lumapit ako sa kanila at saka umupo sa single sofa chair. Tinignan ko ang gawi nila at nakita kong nakatingin na rin sila sa akin.

"May gusto ka bang iutos, hija?" malumanay na tanong ni Aling Perla sa akin. 

"Wala po, Aling Perla..." pagpuputol ko, naiilang.

"Sorry, hindi ko talaga sinasadyang matamaan ka ng bola, sorry ulit." nakayuko at mabilisan kong sabi. Tumayo ako at mabilisang naglakad patungo sa hagdan. Hindi ko matiis ang pagkailang kaya kahit nakakabastos ay dali-dali akong umalis.

Pero bago ko pa man marating ang hagdan ay nakasalubong ko yung manyakis. May dala-dala siyang cold compress at saka bimpo. Para siguro sa babae iyon. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano ang ginagawa mo sa bahay na ito?" angil ko sa kaniya.

"Taking care of things that you should be doing. Hindi ka man lang maging sincere sa paghingi mo ng tawad, tinalikuran mo pa." ngisi niyang tugon. Muling nagsalubong ang kilay ko.

"Coming from you? Ikaw nga hindi man lang nagsorry sa ginawa mo." sarkastiko kong tugon, nameke pa ako ng tawa.

"You don't even listen to what I'm explaining, so why bother to apologize, besides as if you'll forgive me." ayon lamang ang sinabi niya at nilagpasan niya ako. Hindi niya ako tinitignan sa buong pag-uusap namin, akala mo kung sino.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit doon sa babae, nakita ko pang inilagay niya ang cold compress sa bunbunan ng babae.

Padabog akong umakyat sa kwarto at saka isinara ang pinto. Umupo ako sa kama at pinagkrus ang mga braso at inis na kinausap ang sarili.

'Sino ba yong lalaking iyon?!' inis kong sabi sa isip.

Kung hindi ako nagkakamali, yung babaeng iyon ay ang anak ni Aling Perla, pamilyar ang mukha niya dahil nakita ko na siya noon. Bigla tuloy akong na-guilty dahil sa inasal kanina. Kahit naiilang ay hindi ko dapat ginawa iyon.

Bumuntong hininga ako at humiga. Maaga pa pero sira na agad ang araw ko, nakakadismaya. I need to cheer myself up kaya napagdesisyunan kong ngayon ako magsisimulang kumuha ng swimming lesson, para kahit papaano ay matuloy ang mga plano ko sa pagbabakasyon ko rito.

I checked my phone and it was already 6:50 am. Nagsimula na akong maghanda dahil panigurado ay bukas na ang mga attractions at administration desks dito para makakuha ako ng swimming lessons.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimulang maghubad ng kasuotan. I hopped on the shower room and let the water explore my body. Nagpump ako ng shampoo at nagsimulang ikuskos ito sa aking buhok. Makapal ang buhok ko at mahaba kaya kailangan talagang lagyan ng maraming shampoo.

Matapos iyon ay nagbanlaw, sinunod ko ang conditioner. I massaged my hair and after a minute, I rinsed it. Tumingin ako sa salamin at tinignan ang buhok ko. Abot na siya balakang ko. Sobra kong inaalagaan ang buhok ko dahil sa volume nito. Siguro nga ay dito na napupunta ang nutrisyon mula sa mga kinakain ko. Inabot ako ng ilang minuto sa pagmamassage ng buhok at saka ito binanlawan.

Nagsabon naman ako, kinuskos ko ang buong katawan gamit ang loofah na nakasabit mula sa gilid. Bawat sulok ng katawan ko ay kinuskos ko ng mabuti. Gumamit din ako ng feminine wash para sa maselan parte ng katawan ko.

Nang masiyahan ay nagbanlaw ako at nagpunas gamit ang tuwalya. Itinapis ko ito at dumiretso sa sink. Nag-apply ako ng cream at moisturizer sa mukha. Kinuha ko na rin ang sipilyo at nagsimulang mag-toothbrush. Matapos ay nagmumog at lumabas na ng banyo.

Pero nagulantang ako ng bumungad sa akin yung manyakis pagkalingon ko sa pinto. Nakita ko rin na nagulat siya pero agad niya iyong binawi at nag-iwas ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito?! Napakamanyak mo talaga!" sigaw ko, umaapaw na ang inis ko sa isang ito.

Dahil doon ay agad niyang sinara ang pinto sa likuran niya at lumapit sa akin para takpan ang bibig ko. Ang lapit ng mukha niya mula sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Pilit kong tinanggal ang kamay niya mula sa bunganga ko pero masyado itong matigas kaya kahit maiangat ay hindi ko magawa.

"Huwag ka ngang maingay! Baka isipin nila kung ano ang ginagawa ko sayo!" inis niyang bulong kahit malakas naman.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinanggal niya ang kamay niya. Nilayo na rin niya ang mukha sa akin. Ngayon ko lamang nakita ang salubong niyang kilay dahil sa inis. Lagi kasi siyang seryoso.

"At bakit?! Minamanyak mo naman talaga ako ha?!" angil ko sa kaniya.

Nakakamangha kung paanong mabilis na bumalik ang inis niyang mukha sa seryoso. Isinuksok niya na rin ang dalawang kamay sa bulsa ng beach shorts nya.

"Really? Stop with your self-entitlement delusions. I have no interest in you nor your body. I'm here to get the pain killer meds that Aling Perla asked me to get here, not to deal with you and your imaginations, miss." dire-diretso niyang tinugon, nakatingin lang sa mukha ko.

Mas lalo ko lamang siyang sinamaan ng tingin. Napahiya ako doon. Tinarayan ko siya at tinalikuran. Lumapit ako sa may drawer at kinuha yung gamot. Binato ko iyon sa kaniya dahil ayoko siyang dikitan.

"Now, leave!" asik ko. Tumalikod naman siya ng walang sinasabi at lumapit sa pinto para buksan iyon. Lumabas siya at bago isara ang pintuan ay nagsalita ito.

"Get dressed, and please if someone entered your room without you knowing and you're appearance is like... that, hide yourself instead of yelling." sabi niya, hindi man lang ako nilingon at isinara ang pintuan.

'What?! Siya pa talaga ang may gana magsabi ng ganon, eh siya nga yung pumapasok ng kusa!'

Padabog kong isinara ang kurtina sa transparent door sa terrace. Hinubad ko ang nakatapis na tuwalya sa aking katawan at nagsuot ng underwear pati bra. 

'That guy is really hitting my nerves, how dare him?' sabi ko sa isipan habang nagpapatuyo ng buhok gamit ang blower. Nakaupo ako sa kama.

Para na akong tanga dahil tinatarayan ko ang salamin sa harapan ko. Hindi talaga mawala sa isip ko kung paano ako insultuhin ng lalaking iyon. Bakla ba yon?

Nang matapos sa pagpapatuyo ay saka naman ako nagbihis ng off-shoulder white dress. Nagsuot rin ako ng brown boho strapped sandals na bumagay sa suot kong damit. Para makumpleto ang outfit ay dinala ko na rin ang beach hat ko at sunglasses.

Tinignan ko ang kabuuan kong repleksyon sa salamin at nasiyahan sa itsura. I applied sunblock and light make-up in my face.

Lumabas na ako ng kuwarto at pumanhik pababa.  Laking pasasalamat ko dahil wala na sila doon kaya nagpatuloy na ako para lumabas.

'I don't want to see his face. That guy is literally ruining my vacation here.' sabi ko sa sarili at umiling-iling. Kailangan ko i-enjoy ang araw na ito, ayokong masira dahil lamang sa isang lalaking manyak.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa mini hand bag na dala-dala ko at tinignan ang oras. Its 7:34 in the morning. Matapos yon ay ibinalik ko sa bag at diretsong tumingin sa malawak na asul na dagat. I smiled as the fresh wind blew my hair. 

Before heading to the administration office, tumakbo muna ako patungo sa pampang. Tinignan ko muli ang kabuuan ng dagat at nginitian ito.

'I'll overcome you sooner, mag-aaral akong lumangoy.' sa isip-isip ko.

I went straight to the office after that, halos sampung minutong lakaran lang naman papunta doon, besides sa seashore ako naglakad para hindi mainip sa paglalakad.

Nang makarating sa isang cabin-like house ay pumasok ako dito. Pinaupo ako ng crew sa isang wooden chair sa tapat ng isang wooden table. Sa harapan ko ay isang babaeng mahaba ang buhok, nakasuot ng yellow polo shirt at nakasalamin pa. 

I looked at the nameplate sa harapan ko. Siya yung manager sa resort na ito. 

"Good morning ma'am, what can we do for you?" malugod niyang pagbati.

"Uhm, I just want to ask if you have swimming lessons here in the Coast." nakangiti kong tugon.

"Unfortunately ma'am, we don't have that kind of service here in the Coast..." nadidismaya niyang tugon na nagpadismaya rin sa akin. Tumango-tango ako kahit dismayado.

"But we can suggest you to inquire for surfing lessons, our surfers here are also swimmers, maybe we can manage to settle the discussion about your swimming lesson." dugtong niya. Napaisip naman ako. 

"But I think, that'll will cost additional fees since kailangan pa namin kausapin ang isa sa mga surfers namin kung papayag sila." dagdag pa niya.

Great! If I'll take up surfing lessons and pumayag yung surfer sa swimming lessons, it'll be 2 in 1. I'll learn to swim and right after, surfing!

"Sounds great!" masaya kong tugon.

"What gender do you prefer ma'am for your surfing instructor?" tanong nito, may hawak-hawak na siyang ballpen at handa na magsulat.

"Babae sana." sagot ko. Mas magiging kumportable kasi ako kapag babae ang magtuturo sa akin.

"Okay ma'am, I'll look into it and please wait here for a while." tugon niya, nginitian ko na lamang siya at pumirmi sa kinauupuan. Tumayo siya at pumunta sa likuran ko, may kinuha siya isang notebook mula doon at bumalik.

"Sad to say po, but we only have one available surfing instructor, and lalaki po siya ma'am." may bahid ng pagkadismaya.

Tumango-tango ako at nag-isip. Mababait naman siguro ang mga tao rito maliban doon sa manyakis. Wala naman siguro mangyayari sa akin at mawawala sa akin kung lalaki ang kukunin kong instructor. Besides, I don't have a choice, I want to enjoy my time here so I need to learn how to swim.

"Sige po, okay lang." tugon ko at saka ngumiti. 

Tumango siya sa akin at gumanti ng ngiti. "When do you plan to start your lessons ma'am?" dagdag na tanong niya.

"Today, please." sabi ko.

"Okay ma'am, please choose your time schedule. Every hour is worth five hundred pesos, hindi pa po kasama ang desired top-up ng instructor." paliwanag niya.

Tumango ako at tinignan ang ipinakita niyang papel. Nakita ko ang nakalagay na pangalan sa itaas. Dyrus Quent Mercado, surfer instructor/tour guide. Namili ako ng time and day schedule ko at sinulat doon.

Pinili ko ang 8 am to 10 am, every Monday, Wednesday, Friday and Sunday. Sinulat ko rin ang contact number ko at pangalan dahil nakalagay doon. Ibinigay ko ito muli sa babae at tinabi niya ito.

"Thank you, ma'am. You'll meet your instructor later at 8 am. Pumunta na lamang po kayo mamaya sa surfing stations and you may start your lessons. Sa kaniya na lang din po kayo magbabayad mamaya para mapag-usapan niyo ang additional fees." sabi niya.

Tumango naman ako at ngumit. Nagpasalamat na rin ako at saka lumabas. Hindi na rin naman magtatagal ay mag-8 na kaya tumambay na lamang muna ako sa beach lounge chair para hintayin lumipas ang oras.

Humiga ako at nilapag ang hat, shades at bag sa tabing mesa. Hindi rin gaano kainit dahil may payong na nakatirik sa bawat lounge chair.

Nagrelax lamang ako dito at dinama ang masarap na simoy ng hangin. Pero gaya nga nang sinabi ko, hindi rin nagtagal ay lumipas ang oras. Naghanda na ako para pumunta sa surfing station.

Pero naisipan kong bumalik na lamang muna sa bahay dahil malapit lang naman iyon doon. Magpapalit lamang muna ako ng pang-swimming. 

Nagpalit ako ng one-piece black swimsuit and beach slippers. Muli akong nag-apply ng sunblock at tumungo na sa surfing station.

Nang makarating ako doon ay inaasahan kong nandoon na ang instructor dahil walong minuto na akong huli, pero wala akong nakita bukod sa mga surfboards. Umupo na lamang muna ako sa bench at naghintay.

'Ang tagal naman niya! Baka taasan niya pa ang top-up niya ha, kurakot!'

"Ma'am Eizzrie, pasensya na ho at nahuli ako." rinig kong tinig ng isang pamilyar na boses sa likod ko. 

Nilingon ko siya at halos mapatalon ako sa gulat kung sino iyon. Nakasuot siya ng yellow na polo shirt tulad ng manager kanina at hapit na hapit ito sa kaniya kaya nalalantad ang malalaki niyang mga muscles at blue floral beach shorts.

"Ikaw?!" gulat kong tanong, halos matalsikan ko na siya ng laway dahil sa laki ng pagkaawang ng bibig ko.

Related chapters

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 5

    EIZZRIE Sa gulat ko ay napatayo na rin ako. Nakatingin lang ako sa kaniya, ang mukha niya ay biglang pumait at bumalik sa pagkaseryoso. Hindi rin siya sumagot, sa halip inip niya akong binawian ng tingin. "Out of all people, why you?"inis kong tanong sa kaniya. Hindi ako kumportable kung siya ang magtuturo sa akin.

    Last Updated : 2021-09-30
  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 6

    Long Chapter Ahead! EIZZRIE I woke up at exactly 11 in the morning. Its almost lunch so I decided to get up and get dressed from a pajama. Kakain muna ako at saka hahanapin si Dyq o kaya naman ay dumiretso na lamang sa office para doon mag-approach.

    Last Updated : 2021-09-30
  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 7

    EIZZRIE "Grabe ang ganda nga dito! Ang presko ng hangin at ang pino ng buhangin!"masigla kong papuri sa isla. 4 pm na at medyo nalibot ko na ang isla kahit papaano. "Sinabi mo pa. Para sa akin, itong isla na ito ang pinakagusto ko sa lahat. Hindi lang dagat ang ipinagmamalaki rito, kundi pati na yung Firefly forest na sinasabi ni Ma'am Rea."

    Last Updated : 2021-09-30
  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 8

    EIZZRIE "Let's go and find somewhere safe."lumapit siya sa akin at muli akong binuhat. "Kaya ko nang maglakad, napahinga ko na rin naman siya kahit papaano. Salamat na lang."nahihiya kong tugon. "Don't be ridiculous and stubborn, baka lumala pa yan."kontra naman niya. Hindi ko na siya sinagot dahil hindi naman nagpapatalo ang isang ito. Hinayaan ko na lang siyang buhatin ako. Nakatingin lang ako sa daraanan namin para hindi ko makita ang mukha niya. Tumungo kami at pumasok sa loob ng gubat. Naglakad siya, kabisado niya siguro ang buong gubat base sa mga lakad at pagliko niya. "We're safe here and it's also relaxing here."sabi nito. Isa itong patag na lupa na nababalutan ng mabababang mga damo. Inilapag niya ako sa damuhan, mabuti na lamang ay hindi ito basa. Ang parte ng gubat na ito ay nakapabilog na napapalibutan ng mga puno samantala

    Last Updated : 2021-09-30
  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 9

    EIZZ Nagising ako nang maramdaman ang malamig na sahig sa likuran ko. Agad akong nagmulat ng mata at nakita ang malagong dahon ng puno sa ibabaw ko kaya kinapa ko ang paligid at naramdaman ang damo at malalaking ugat sa paligid ko. Naramdaman ko rin ang nakataas kong paa sa isang matigas at malapad na ugat, samantalang ang ulo ko ay nakapatong sa travel bag ni Dyq. Marahan kong ginalaw ang kanang paa ko kung saan ako nagkaroon ng sprain. Maayos-ayos n

    Last Updated : 2021-09-30
  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 10

    EIZZRIEMabilis lumipas ang mga araw, ngayon ay magdadalawang linggo na ako sa Coast.Gaya ng hinabilin ni Joem ay nagpahinga ako hanggang sa gumaling ng tuluyan ang paa ko. Madalas niya akong dalawin, gabi man o umaga, paminsan ay tanghali at hapon kapag hindi puno ang schedule niya sa trabaho. Minsan siya ang nagpapalit ng benda o kaya naman ang nag-aapply ng cold compress sa paa ko.

    Last Updated : 2021-09-30
  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 11

    EIZZRIE"This is the statue of Sarah Forteza, she's the one who established and took care of the coast back then. Actually, ang kuwento sa akin ni Papa ay hindi pa naman daw ito talaga coast dati, open ito for the public, but since many news came out that people especially in cities or sa mga syudad like Pasig, polluted their rivers, so nabahala si Sarah Forteza doon kaya she decided to own the land and mark it as a private land..."mahabang kuwento ni Joem habang nasa tapat kami ng isang tansong estatwa.It is located in the middle of the whole coast. Sa mismong git

    Last Updated : 2021-09-30
  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 12

    EIZZRIEThis place is huge. Sabi ni Joem, The Coast Plaza raw ang tawag sa lugar na ito. Halata naman iyon sa ayos ng lugar, pero hindi ko inaasahan na ganito kalaki ito. May malaking court sa gitna, may bubong ito na mataas. Mayroon din mga bangketa na makikita sa paligid, souvenir shops at syempre food stalls.Marami rin akong nakikitang mga banderitas na kahugis ng iba't ibang seafoods kaya nasisiguro kong para ito sa fiestang gaganapin. Mabuhangin pa rin ang lugar, maliban na lang siyempre sa court. Marami rin mga puno, halaman at poste ang nakatayo. Napansin ko rin sa likod ng court ay may quadrangle at pl

    Last Updated : 2021-09-30

Latest chapter

  • Blue Sea of Hearts   EPILOGUE

    DYQ This is it. This is finally it. I'm finally marrying the girl I always dreamt of. The girl I have always desired years ago. I had been through so much, pero kahit sa ano man iyon, kahit kailan ay hindi ko naisipan magsisi, lalo na nang dumating ang araw na ito. I'm currently standing at a brown gazebo where the officiant is also standing, waiting for the bride. The ceremony is about to start and I am with my father who is my best man. Nilibot ko ang paningin ko, everything is perfect. From the Renaissance-themed tables that has candles on top, the gold silk cloth covering and the chairs, the red roses on the renaissance-themed vases. The gazebo is also looking a lot like a Renaissance era chapel, with paintings on the roof and ceiling.

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 45

    EIZZRIE "I'm so happy for you,"Shy said in an emotional tone as she wipe her tears that's begging to fall. "Gaga, ang drama mo. I'm not dying and I'm not leaving too,"I said and chuckled as I hug my friend. Mas emosyonal pa sa akin ang gaga, hindi naman siya ang ikakasal. "Bakit ka ba nangingialam? Gusto ko umiyak,"ang babae talagang ito, kahit nagluluha na hindi mawawala ang pagtataray sa katawan. Taglay na talaga ata ito ng pagkatao niya. Tinawanan naman namin siya ni Shei."I'm also proud of you, Eizz! You've come a really really long way to finally get what you deserve,"shei said, pero ang kaibahan nila ni Shy, m

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 44

    EIZZRIE "Really?!"nagulat at pasigaw kong tanong kay Dyq. "Yeah, it was actually a surprised but I'm afraid it might hurt the baby,"Dyq said in a serious tone yet makikita mo sa kaniyang mukha ang pagbibiro. Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa mga kalokohan niya na naman. "I'm not pregnant!"angil ko sa kaniya dahil ilang beses ko nang sinasabi sa kaniya ito. It's been a week since that happened, and hindi pa masasabi kung buntis na ang isang tao sa ganitong time frame pero sigurado naman akong hindi ako buntis. "How'd you know?

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 43

    WARNING: EROTIC SCENE AHEAD.EIZZRIEWe arrived at a two-story, peach and white house with a balcony in front with some chairs and tables on it. Maganda ang bahay. Hindi siya ganoon kagarabo tulad ng bahay ni Dyq, napakasimple nito pero kahit ganoon ay maganda pa rin sa mata.Bumaba si Dyq sa sasakyan pero sinenyasan niya ako na huwag muna akong bumaba. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong binuksan niya ang katamtaman tangkad na gate. Pagkatapos nito ay nakita kong isa-isa nang nagsilabasan ang mga tao mula sa bahay.Apat sila, nakatayo at nakaabang sa patio ng kanilang bahay. Nakangiti pa nga ito sa amin. Nakita ko naman na kumaway si Dyq sa mga ito at saka siya bumalik sa sasakyan. Minaniubra niya it

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 42

    EIZZRIE I woke up with the sudden cold I felt on my feet. Nawala pala ang comforter na nakabalot dito kaya ganoon. Bahagya akong uminat kahit nakapikit pa rin. Pagkatapos ay saka ako dumilat at saka napangiti. I didn't woke up in my room, instead I woke up in Dyq's room. Mas napangiti ako nang maalala ang nangyari kagabi. I'm feeling well today. I'm feeling contented, happy, overwhelmed, and jolly. Nilingon ko ang katabi, pero agad nagulat nang makitang wala si Dyq dito. Agad akong umupo para hanapin siya sa paligid pero wala akong nakita. Akma na akong tatayo, biglang bumukas ang pinto. Iniluwa nito si Dyq na nakangiti habang bitbit ang wooden tray sa dalawa niyang kamay. Nakalagay dito ang mangkok at tasa na umuusok.

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 41

    EIZZRIE The airplane landed at exactly 2:50 pm. Agad akong nagdepart ng eroplano at dumiretso sa exit ng airport. Agad ko rin tinawagan si Mang Pedro sa biglaan kong pagdating. Bakas sa tono ng boses niya sa kabilang linya ang gulat at galak ng pagtawag ko. Narinig ko na rin si Aling Perla na ngayon ay nagpapanic na sa ihahandang pagkain at ang paglilinis ng Villa para sa pagdating ko kaya natawa naman ako. Hindi rin nagtagal at binaba ko na ang linya at naghintay na lamang kay Mang Pedro sa labas ng airport. The last time I went here alone was five Kahit sila Shy at Shei ay hindi alam dahil sigurado akong pipigilan lang nila ako.years ago kaya naninibago ako. Wala akong kadaldalan, wala akong makausap. Biglaan ito, na ang tanging nakakaalam lang ay si Mom and Dad.

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 40

    EIZZRIE "Good morning, Alexa. Get me some iced coffee please, thank you,"I told my assistant as soon as I enter my office. I sat down on my swivel chair and turned on my computer to start working. I started with a stretching before focusing on work. Hindi rin nagtagal, dumating na ang iced coffee ko at inilagay ito ni Alexa sa ibabaw ng coaster sa table ko. I thanked her and she head out. Ako naman ay ininom ito at saka nagpatuloy sa pagtatrabaho. But when I was trying to focus hard on work, I can't remove the thought of Dyq. Yung mga sinabi niya, sobra itong tumatak sa isipan ko kaya kahit lumipas na ang tatlong araw ay binabagabag pa rin ako nito.

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 39

    EIZZRIE "Oh my God!"I screamed at the top of my lungs after I woke up feeling the hangover from last night. Napahawak ako sa ulo ko gamit ang dalawang kamay. I gently massage my temple, wishing it would ease the pain, but it didn't which made me scream more. "I'll never drink again,"I frustratedly said as I slap my forehead. I tried sitting down, but I can't. The throbbing pain in my head really hinders me to move. Sinubukan kong tanggalin ang comforter na nakapaibabaw sa akin para kahit papaano ay mapreskuhan ang katawan, ngunit nang pagkatanggal ko nito, nakapa ko ang katawan ko na walang suot na pang-itaas bukod sa bra. My eyes widened and suddenly, para b

  • Blue Sea of Hearts   CHAPTER 38

    LONG CHAPTER AHEAD! EIZZRIE I woke up early to prepare for Dad's birthday party. I invited my friends as per usual but sinabihan ko sila pumunta ng mas maaga para matulungan ako. It's Sunday so walang pasok si Shei ngayon. While waiting for them, naghilamos na muna ako ng mukha, at nag-ayos ng suot, buhok at nagligpit ng kakaunting kalat sa kwarto ko. After ay saka ako bumaba sa kusina para mag-almusal muna habang nagdedeclutter ng mga gagamitin pang decorations sa birthday party mamayang gabi. Sa backyard, malapit sa pool gaganapin ang event. Sabi ni Daddy ay hindi naman daw gaano karami ang pupunta kaya napagdesisyunan na lang namin na magluto at hindi na magpacatering. Nilabas ko

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status