Kinabukasan,"Late na kayo. Tapos na yung announcement, ito pinabibigay ni Sir Liam. Tapos tawagan mo daw siya pagkakuha mo niyan," sabi ni Gin kila Zaira saka inabot ang isang papel."Tinanghali ako ng gising. Salamat," tugon ni Zaira sabay basa sa binigay nito.SURVIVAL GAMEAll students from third level are going to have a Survival Game on Monday at Terrain.Note: You are all going to this place with only the things that we will provide.What kind of Survival Game it is?You need to survive at Terrain for 5 days and at the same time you need to find those 10 items that will be presented to you before we start the game. Those 10 items has 9 replicas so be careful. The authentic items are equivalent to 25 points, while its replica has 0 equivalent points. Aside from the 10 item there are 5 rare objects that you will encounter inside the forest, if you are able to get at least 1 of the said item we will give you an instant 50 points. (Clue: That object is very special, You don't need
"Punta na ako sa bus namin," paalam ni Asher saka sumakay sa bus ng nga 2nd year."Good morning Athena," bati ni Tyler."Good morning." "Zai, tabi tayo sa bus ha?" sambit ni Kim."Hoy mangkukulam, ako kaya katabi ni Zai," sabi ni Alyza at nag-umpisa nanaman silang magtalo.Tahimik na pinanood ni Zaira dalawa nang hilain ni Blaize saka dumiretso sa loob ng bus. Pagpasok nila sumalubong ang mga mata ng babae na masamang tingin kay Zaira at bulungan."Bakit sila magkasama?" "Sila na ba?" "Waaahh! Nakakaingit siya." Napakunot ang noo ni Zaira nang marinig din siya na malandi siya at nakikipagkaibigan lang siya kila Alyza para mapalapit kay Blaize."Upo," sabi ni Blaize at dahil sa gulat ni Zaira sa biglaang pagsalita nito, napaupo na lang siya sa upuang tinuro nito.Tumabi sa kanya si Blaize saka nagsuot ng earphone at sumandal sa upuan saka pumikit.Tahimik nang nakaupo sila Zaira habang sila Kim tuloy pa rin sa pagtatalo."Sa akin siya tatabi," sabi ni Kim."Akin." Nagkatinginan an
"Ma!" sabay na sabi nila Gin sabay takbo sa kanilang ina para yakapin ito."Namiss ko kayong dalawa," tugon nito habang yakap ang dalawa."Namiss din po namin kayo. Si papa po nasaan?" tanong ni Gin."Nakikipag-usap pa siya kila President Black."Tumango sila Gin."Nasaan na sila Thea?" tanong ng kanilang inaNagkatinginan ang dalawa nang mapagtanto nilang nakalimutan nila ang mga kasama nila dahil sa kakamadali."Naiwan po sa labas, papasok na po siguro sila,," tugon ni Hazel."Nandyan na ang papa niyo."Napatingin sila sa tinitignan nito at nakita nila ang kanilang ama kasama ang hari ng Terrain na si King Jacob, sila President Black at iba pang pinuno ng Terrain.Nagbow sila para magbigay galang kay Haring Jacob. Ngumiti ito saka tumango bago nagpaalam."Mauna na ako sa inyo. Baka hinihintay na ako ni Eliza," aniya saka umalis."Tara sa Conference room. Gin, papuntahin mo yung iba doon, may orientation kayo," sabi ni Headmaster Black."Yes headmaster."Napahinto sa paglalakad sila
"Kainis! Bakit ganito suot natin?" inis na sabi ni Alyza. Nakablack na pant kami na tinernuhan ng white shirt at black jacket."Ang cool nga eh," nakangiting sabi ni Zaira kaya tinigna siya ng masama ni Alyza."Sa mga may dalang weapon lalong-lalo na sa mga Vampire, wizard at werewolf. Pwede niyong gamitin yan sa survival game. Mga human at witch lang ang pahihiramin namin ng weapons. May mga lalapit sa inyo, para ibigay yung mga gamit na dadalhin niyo. Para sa mga witch at human pumili lang kayo dito ng isang weapon na gagamitin niyo," sabi ni Ms. Naomi."Tara Zai, pili na tayo ng weapon," sabi ni Kim sabay hawak kay Zaira.Lumapit sila sa isang lamesa kung saan may mga napatong na weapon. Pinili ni Kim ang bow and arrow habang si Zaira nakatingin lang."Zai, bakit hindi ka pa pumipili?" tanong ni Kim.Hindi sumagot si Zaira at napalunok lang. Inakbayan siya ni Liam nang makita niya itong nagdadalawang-isip kung hahawakan ba ang weapon."Anong weapon dadalhin mo?" tanong niya."Yung
"Kapag sinusuwerte nga naman, ikaw pa ang makikita ko," sabi ni Kaycie.Tumigil si Zarah saka ngumisi kay Kaycie."Kapag sinuswerte nga naman, ikaw pa nasalubong ko," sambit ni Zarah.Tinaasan siya ng isang kilay ni Kaycie."Ginagaya mo ba ako?" tanong ni Kaycie."Ikaw? Gagayahin ko? Asa! Tanga ka ba? Magkaiba ang nasalubong sa makikita.""Ako tanga?" "Ay hindi! Paulit-ulit tayo? Sino ba kausap ko?"Biglang nagpalabas ng hangin si Kaycie at mabilis na umikot patungong puno si Zarah para magtago."Magtatago ka lang ba diyan? Nasaan na ang tapang mo?" sigaw ni Kaycie."Snow! Dito ka muna ha? May lalabanan lang ako."Snow ang tinawag ni Zarah sa puting lion dahil kasing puti nito ang snow.Binaba ni Zarah ang bag niya at sa tabi nito nilagay niya si Snow"Bantayan mo bag ko," sabi niya kay Snow.Tumango si Snow na para nang naiintindihan siya nito. Ngumiti si Zarah saka lumabas sa tinataguang puno."Ako magtatago? Oh come on," tugon ni Zarah saka kinuha ang dagger niya.Tumakbo si Zarah
Hindi inalis ni Zarah ang tingin sa orc habang hawak ang isang kulay silver na baril na may dilaw na gemstones.Nang tinuloy nito ang pag-atake kay Crystal ay agad ito binaril ni Zarah. Nilingon pa siya nito bago natumba kaya nagawa itong ngisian ni Zarah.Napunta sa kanya ang atensyon ng iba kaya siya ang sinugod ng mga orc."Makulit kayo ah," sabi ni Zarah sabay putok ng baril.Binaril ni Zarah ang lahat ng sumusugod sa kanya habang iniiwasan niya ang mga atake nito sa pamamagitan ng pagtakbo at pagtago sa puno.Bang! Bang! Bang!Unti unti silang nagsitumbahan ang mga orc hanggang sa iilan na lang ang natira. Halatang natakot na ang iba dahil sa pagbagsak ng mga kasamahan nila at wala silang ideya kung buhay ba ito o hindi."Zarah, sa likod mo," sigaw ni Gin.Pagtingin ni Zarah sa likod niya, nakita niya ang Ogre na hahampasin siya ng malaking kamay. Tumalon si Zarah para iwasan ito saka binaril ang noo nito.Natumba ito sa mga orc na nasa likod niya kaya nadaganan ang mga hindi nak
"Zai dapa!" sigaw ni Crystal.Pagkadapa ni Zaira, tinira ni Crystal ang mga sumugod na goblin sa sa kanila."Thanks," pagpapasalamat ni Zaira.Nagsitakbuhan ang mga goblin bitbit ang mga kasamahan nila na tinamaan ni Crystal.Tinuloy na nila ang paghahanap ng sampung bagay na pinapahanap sa kanila."Akin ito! Ako unang nakakita," sabi ni Kim."Anong ikaw? Ako unang nakakita nito," tugon ni Adrian habang hinihila kay Kim ang kwintas na may kulay pulang gemstone."Ako kaya!""Hindi!""Magbato-bato pik na lang kayo para walang away," sambit ni Gin para tumigil na ang dalawa sa pag-aagawan."Okay. Game! Sino manalo sa kanya itong kwintas," sabi ni Kim saka hinanda ang kamay.Pinahawak muna niya kay Thea ang kwintas."Sige ba."Pagsang-ayon ni Adrian."Bato bato pik!" sabay na sabi nila."Panalo ako! Gunting ako, papel ka," masayang sabi ni Kim.Kinuha niya ang kwintas at nilagay sa bag niya."Yah! Lagot ka sa akin!" sigaw ng isang babae.Hinila ni Blaize si Zaira papuntang puno upang m
"Oh? Bakit ang laki ng eyebag mo? Natulog ka ba?" tanong ni Kim kay Zaira.Humikab si Zaira dahil inaantok pa ito. Hindi siya nakatulog dahil sa kakaisip ko sa nangyari kahapon. Hindi mawala sa isip niya ang pagsigaw ni Blaize habang galit na nakatingin sa kanya at hanggang hindi siya nito pinapansin.Sa hindi malamang dahilan, nalulungkot si Zaira dahil doon."Ayos ka lang ba Zai?" tanong ni Tyler habang sinasabayan siya maglakad.Tumango si Zaira bilang tugon."Tyler, bilisan niyo," sigaw ni Gin."Tara na."Hinawakan siya ni Tyler sa may bandang pulso niya saka binilisan ang lakad. Walang imik na sinabayan siya ni Zaira."Jin!" sigaw ni Sargent sabay takbo sa isang lalaki na na kausap na babae."Nakita din kita," nakangiting sabi ni Sargent.Napatingin siya sa babaeng kasama ni Jin."Grabe! Nawala lang ako sa tabi mo, nambabae ka na," pabirong sabi niya."Sira.! Anong nambabae? Mabait ako uy!" sagot ni Jin."Stephanie? Ikaw ba yan?" tanong ni Zaira sabay lapit sa babae."Ikaw nga!
Kasalukuyan pababa sa hagdan si Zaira. Kakagising lang niya at gutom na gutom na siya."Bakit wala gumising sa akin para mag-aral sa library?" tanong niya sa sarili dahil palaging may gumigising sa kanya. Kahit si Shiro wala sa tabi niya."Baka dahil pinagod ako ni gramps sa pagsasanay kahapon?" bulong niya pa.Binuksan niya ang pinto sa dining room."Happy Birthday Athena!"Natigilan si Zaira sa sobrang gulat. Tinignan niya ang mga kasama niya sa palasyo, lahat sila nakangiting nakatingin sa kanya.Nag-umpisa silang kumanta ng happy birthday song na ikinangiti ni Zaira saka tuluyang pumasok"Dito ka umupo," sabi ni Liam sabay hila ng upuan.Sa tapat ng upuan niya nakapatong ang cake. Panisin niya na karamihan sa handa ay mga paborito niyang pagkain."Happy birthday anak! Hipan mo na yung kandila," sabi ng kanyang ina.Pumikit si Zaira saka humiling bago hinipan ang 17 na pirasong kandila. Nagsipalakpakan sila habang sunod-sunod siyang binati."Anak, para sayo," sabi ng kanyang ina sa
"Pa, wag mong sabihin sa gubat nakatira sila lola?" tanong ni Zaira habang iniisip kung ang lola ba niya ang dahilan kung bakit sa gitna ng gubat ang bahay nila sa Outlandish."Hindi anak, maglalakad pa tayo ng kaunti bago makarating doon," tugon nito habang nakangiti.Nag-umpisa na silang maglalakad at habang tumatagal napapansin ni Zaira na parang pamilyar sa kanya ang lugar.Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa may natanaw silang isang malaking gate kung saan may dalawang lalaking nakatayo.Nang makalapit na kami ay biglang nagbow ung dalawang bantay; nakasuot ito ng armor at may hawak na spear."Maligayang pagbalik mahal na prinsepe.""Nandyan ba sila mama?" tanong ni Mr. Lundberg."Opo, nasa loob po ang mahal na reyna at hari."Bumukas ang gate at pinapasok sila."Magbigay galang kayo kay Prinsepe Geo," sigaw ng isang matandang lalaki nang nakapasok sila.Luminya nang sunod-sunod ang mga guard sa loob at sabay-sabay na nagbow.Naguguluhan man sa nangyayari, nanatiling tahi
"Ma," sambit ni Zaira nang makita niya ang kanyang ina sa gilid niya.Napatayo ito bigla saka siya hinawakan."Kamusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba anak? Gusto mo ipagluto kita? " sunod-sunod na tanong nito.Napangiti si Zaira saka tumango. Ngayon sigurado siya sa nakikita niya at hindi siya nanaginip."Ipaghahanda kita ng makakain, sigurado gutom ka na," aniya saka lumabas.Nilibot ni Zaira ng tingin ang kwarto niya na walang pinagbago kahit na matagal na siyang wala sa mortal world. Tumayo siya at tinignan ang mga naiwan niyang gamit doon. Binuksan niya ang drawer ng study table niya."Nandito pa pala ito," aniya nang makita ang keychain na hello kitty at doreomon na binili niya noon sa mall.Bumukas bigla ang pinto."Athena anak," sambit ng kanyang ama."Papa," masayang sabi ni Zaira saka ito niyakap.Sobrang namiss niya ito."Bakit bumangon ka na? Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong nito."Ayos na po ako.""Sigurado ka anak? Wala bang masakit sayo?"Nag-aalala siyang tin
Nag-umpisang makaramdam ng kakaiba si Zaira. Nag-iinit ang katawan niya kasabay ng paninikip ng dibdib at panunuyo ng lalamunan na para bang gusto niyang uminom ng malamig na tubig."Ken, hindi ako makahinga..." sabi niya sabay kapit sa binata.Napabitaw sa pagkakayakap si Max.'Ganito din ba ang nararamdaman nila bago sila mamatay?' sa isip ni Zaira habang nakatingin sa mga kasama niya na sunod-sunod na namamatay."Ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Max sabay hawak sa kamay ni Zaira."Mainit, nauuhaw ako," sambit ni Zaira subalit may kakaibang napansin si Max."Mainit? Pero ang lamig ng kamay mo," aniya sabay hawak sa leeg ni Zaira at noo."Ang lamig ng mukha at leeg mo. Sigurado ka bang naiinitan ka?" tanong ni Max.Tumango si Zaira sabay takip ng bibig at umubo. Pagtingin nila sa kamay niya may dugo na ito at nang iangat ni Zaira ang ulo niya, nakita ni Max na dumudugo na rin ang ilong nito."Tita, si Athena," sigaw ni Max.Napatingin sa kanila si Mrs
"Handa na kayo?" tanong ni Greg kila Max habang nakatayo sila malapit sa House of Correction.Nakasuot sila ng damit na katulad sa mga tagabantay sa House of Correction. Merin din silang gamit na pekeng nameplate at badge. Para makapasok sila sa loob kinailangan nilang magpanggap na nagtatrabaho sila sa loob."Kanina pa," sagot ni Ivan."Papasok na tayo," sabi ni Greg sabay ayos ng necktie.Nag-umpisa na silang maglakad at kasalukuyang naglilibot ang mga bantay sa labas."Sino yan?" tanong ng isa sa kanila.Tutukan na sana sila ng flashlight pero mabilis na kumilos si Ivan para patulugin ito."Ano gagawin natin diyan?" tanong Max."Hindi naman niya tayo nakita kaya hayaan na lang natin siya diyan," sagot ni Greg.Naglakad na sila papasok ng House of Correction. At dahil sa suot nila hindi sila pinagdududahan ng mga ito.Tahimik ang buong lugar dahil hating gabi pa lang."Vinz," panggigising ni Greg kay Vinz na natutulog sa bulsa niya."Nandito na ba tayo?" tanong nito habang kinukusot
"Ano kaya pa?" tanong ni Liam kay Asher."Ako pa kuya, wala lang sa akin ito," sagot nito kahit masakit ang katawan niya.Nakaluhod silang dalawa habang nakadena ang kamay nila; nakaitaas ito na hugis V. Puno ng sugat ang katawan nila dahil sa pinakakagawa sa kanila.Binuhusan sila ng malamimg na tubig at pinaghahampas, pinagpapalo, pinagsusuntok, at pinagsisipa. Nagkasira-sira ang pangitaas nila dahil sa matutulis na pinanghahampas sa kanila. Kung normal na tao lang sila baka patay na sila."Ikaw kuya? Kaya mo pa ba?" tanong ni Asher."Oo naman, malakas yata ito," tugon niya."Master, ano ginawa nila sa inyo?" naawang tanong ni Vinz.Ngayon lamang siya nakasunod dahil sa dami ng bantay sa black chamber."Vinz, nandito ka pa pala? Pwede mo ba hanapin kung saan nila dinala si Athena? Gusto ko malaman kung ayos lang ba siya," utos ni Liam kay Vinz."Masusunod master. Babalikan ko kayo agad."Lumipad palabas ng kulungang kinalalagyan nila si Vinz."Kapag alam na natin kung nasaan si A
Masayang bumalik si Vinz sa Black Academy para sabihin kay Liam ang magandang balita mula sa kanyang magulang.Subalit nagtaka siya nang hindi niya ito makita kahit nilibot na niya ang paaralan."Nasaan si master?" tanong niya sarili habang lumilipad.Sunod niya pinuntahan ang classroom ni Zaira para tanungin ito subalit hindi niya rin ito nakita."Crystal," aniya sabay lapit sa dalaga."Vinz, ano ginawa mo dito?" tanong ni Crystal."Hinahanap ko sila, Zaira. Alam mo ba kung nasaan sila?"Hindi mo ba alam?""Alam ang alin?"Nagtatakang tinignan ni Vinz si Crystal. Wala siyang ideya sa kung ano ba nangyari habang wala siya."Hinuli sila at dinala sa House of Correction. Pinagbibintangan kasi sila na kasabwat ng kalaban sa pagsugod dito," paliwanag ni Crystal.Nanlaki ang mata ni Vinz."Ano?! Kailan sila hinuli?" tanong nito."Kahapon lang.""Bakit? Wala naman sila ginagawang masama ah.""Alam ko. Pero ayun ang utos ng president.""Kailangan ito malaman nila Jake," sambit ni Vinz saka
Habang naglalakad sina Zaira at Crystal papasok, kapansin-pansin ang mga masasamang tingin ng mga nadadaanan nila.Nakatingin sila kay Zaira na para bang isa siyang criminal na may masamang nagawa sa kanila."Wag mo silang pansinin," sabi ni Crystal.Napabuntong hininga si Zaira. Alam naman niya kung bakit ganun ang tingin nila sa kanya. Kalat na sa school nila ang mga sinabi ni Kaycie. Marahil ay iniisip nilang traydor siya sa paaralan at lahat ng sinabi ni Kaycie ay totoo."Athena."Huminto sila Zaira sa paglalakad at nilingon si Liam nang tawagin nito si Zaira. Kasama niya si Asher at parehong seryoso ang mukha nila."Bakit kuya?" tanong ni Zaira."Pinapatawag tayo ni headmaster," tugon ni Liam."Bakit daw?" kinakabahang tanong ni Zaira."Hindi ko rin alam.""Crystal, mauna ka na sa klase," sabi ni Zaira sa kaibigan."Sige, sunod ka agad," tugon ni Crystal habang nag-aalalang nakatingin sa kanila.Katulad ni Zaira nababahala rin siya sa dahilan ng pagpapatawag sa kanila.Tinanguan
Pagkatapos ng pagsugod ng kalaban unti-unting bumalik sa normal ang lahat."May traitor daw na nakapasok sa Black Academy kaya madaling nakapasok ang kalaban.""Sino naman kaya yun? Sana mahuli na siya.""Oo nga eh! Kaya siguro nalaman ng kalaban na walang tao sa black academy dahil may nagbigay ng impormasyon sa kanila."Habang naglalakad si Zaira sari-saring usapan ang naririnig niya tungkol sa kahapon. Usap-usapan ngayon na may traitor sa black academy."Good morning Athena," nakangiting sabi ni Tyler."Good morning, tugon ni Zaira sabay upo sa tabi ni Blaize.Napatingin si Zaira sa tabi ni Rhys nang mapansin niyang may babaeng nakaupo."Hi," nakangiting sabi nito."Sargent? Kaklase ka na namin ngayon?" tanong ni Zaira."Yup, tumaas rank ko from middle to higher," tugon niya.Dumating na si Ms. Naomi at nag-umpisa na siyang magturo. Tahimik lang si Zaira habang nakinig dito dahil interesado siya sa history ng Outlandish, idagdag pa na tungkol sa Bizarre at wizards ang pinag-aaralan