Noong unang panahon sa mundo na tinatawag na Outlandish, pinagbabawal na magmahalan ang magkakaibang-uri ng nilalang dahil sa isang sumpa.Ayon sa sumpa magbubunga ito ng kakaibang uri ng nilalang dahil sa pinaghalong dugo ng magkaibang nilalang. Maaari itong magdulot ng kaguluhan at pagkasira ng mundo.Sa paglipas ng panahon marami ang hindi sumunod sa nasabing batas at pinaglaban ang kanilang pagmamahalan.Katulad ng: Dragon na nagmahal ng isang wizard, werewolf na umibig sa isang bampira at hindi rin mawawala ang tao na nagmahal rin wizard o iba pang uri ng nilalang.Simula noon sunod-sunod na ang mga hindi sumunod sa nasabing batas.Nabuo ang Occult City kung saan naninirahan ng sama-sama ang mga katulad nila na itinuring makasalanan ng mga kauri nila.Dumating ang araw na isinilang ang isang bata na kakaibang dugo. Taglay nito ang dugo na kayang magbigay ng buhay na walang hanggang sa kung sino man ang makakainom nito, tinawag itong "Eternal blood" at ang batang nagtataglay nito
Maagang bumangon ang isang dalaga na nangangalang Zaira Athena Lundberg, Zai ang tawag ng iba sa kanya at Athena naman sa pamilya at bestfriend niya.Naligo siya at nagsuot nang maluwag na kulay assul na t'shirt at pantalon. Tinignan niya sa salamin ang kanyang sarili."Ay multo!" sambit niya.Nagulat siya nang makitang kulay itim ang mata at buhok niya kahit na kulay brown naman ito. Idagdag pa na walang emosyon ang nakita niya na para bang binibigay siya ng malamig na tingin. Kinilabutan siya bigla."Hala! Bakit iba ang itusura ko?" tanong niya sa kanyang sarili nang kumalma siya.Kinusot niya ang kanyang mata at sinampal ang sarili para masigurado kung nanaginip ba siya. Binalik niya ang tingin sa salamin at totoong mukha na nya ang nakita niya."Weird!" aniya habang pinagmamasdan ang sarili.Kinuha niya ang sumbrero saka lumabas ng kwarto para magsuot ng sapatos. Madalas ganun ang suot niya lalo na kung lalabas siya. Ayaw niya magsuot ng dress o short dahil gala siya at kung saan
"Okay, tapos na," nakangiting sabi n Lea."Ang ganda!" nakangiting sabi ni Zaira habang nakatingin sa salamin,Naging light ash blonde ang kulay ng buhok niya at katulad ng sinabi niya: nilagyan siya ng bangs at ginawang layer ang mahaba niyang buhok.Tinignan niya si Max; may kaparehas niya ito ng kulay ng buhok."Bagay ba?" tanong ni Max.Ningitian niya ito saka nagthumbs up."Parehas tayo ng kulay," masayang sabi ni Zaira."Ito na po bayad," sabi ni Max sabay abot ng P1000 kay Lea."Teka may sukli ka pa," sambit ni Lea nang biglang hilain palabas ni Max si Zaira."Sa inyo na po yan," tugon ni Max.Sumakay na sila ng bike at sa harap na ulit nakaupo si Zaira."Mall tayo?" tanong ni Max habang nagbibisikleta."Anong gagawin natin doon?" pabalik na tanong ni Zaira,"Ililibre mo ko, natalo ka sa basketball."Napasimangot si Zaira."Akala ko pa naman nakalimutan mo na yun." Ngumiti lang si Max bilang tugon."Uwi muna tayo. Kulang dala kong pera," sambit ni Zaira,"Sige, iwan ko na rin
Sabado, ito ang araw na pinakahihintay ni Zaira. Maaga siya gumising para paghandaan ang araw ng pagsasanay nila."Athena, tara na sa training room," sigaw ni Asher.Sumunod sa kanya si Zaira papuntang training room.Pagpasok nila sa training room, sinalubong sila ng lumilipad na dagger.Yumuko si Asher saka gumulong sa sahig at dahil hindi agad nakakilos si Zaira, tinisod niya ang paa nito para matumba at makaiwas sa dagger."Very good," nakangiting sabi ni Mr. Lundberg nang makita ang mabilis na kilos ni Asher."Papa naman! Balak mo po ba kami patayin?" reklamo ni Zaira habang tumatayo.Tumawa si Mr. Lundberg."Sinusubukan ko lang naman kung gaano kayo ka--" aniya habang lumalapit kay Zaira at akmang aa
"Nakaayos na ba ang lahat?" tanong Mr. Lundberg pagkatapos ilagay ang mga gamit nila sa sasakyan.Ngayon ang ang araw ng pamamasyal nilang magkakapamilya."Opo pa," tugon ni Liam."Sakay na kayo, aalis na tayo."Sumakay ang tatlong magkakapatid sa likod habang ang kanilang ina nasa tabi ni Mr. Lundberg.Bago magmaneho si Mr. Lundberg, binuksan niya ang radioBago magdrive si Papa binuksan niya yung radio para magpatugtog kaya habang nasa biyahe sila, sinabayan nila ito ng kantahan sa pangunguna ni Zaira na sunundan naman ng kanyang kapatid. Pati sila Mrs. Lundberg napakanta din dahil sa ingay nilang tatlo.Napuno ng kantahan at tawanan ang buong biyahe nila hanngang sa makarating sila mall.Pagkalasok nila nag-ikot mun sila at kumain bago mag-ice skating."Ang lamig!" sambit ni Zaira sabay yakap sa sarili."Malamang malamig dito," sabi ni Asher kaya sinuntok siya ni Zaira sa balikat.Alam niyang mag-uumpisa nanaman itong mang-asar kaya sinuntok na niya agad."Tumigil nga kayong dalawa
"Ang boring," bulong ni Zaira habang pagulong-gulong sa higaan.Lahat ginawa na niya para malibang sa bahay nila pero iba talaga kapag wala si Max. Wala rin siyang kaasaran dahil sinama ni Mr. Lundberg si Asher sa opisina niya."Ubos na pala stick-o ko," aniya nang makita niyang wala ng mga laman ang stock niyang stick-o sa kwarto, kukuha sana siya para kumain pero wala na siyang makitang may laman."Makabili na nga lang."Bumangon na siya at kumuha ng dress saka naligo. Nang makaayos na siya, kinuha niya ang wallet niya at lumabas. Tamad siya magbitbit kaya wallet lang ang dinala niya, pati cellphone niya iniwan."Ma, bibili lang po ako ng stick-o sa mall," paalam niya sabay halik dito."Sige, ingat ka.""Opo, bye ma."Lumabas na siya ng bahay saka sumakay ng taxi patungong mall."Salamat po manong, ito po bayad," aniya bago bumaba.Pumasok siya agad sa mall at habang naglalakad siya, nailang siya bigla dahil pinagtitinginan siya. Dumiretso siya agad sa supermarket para bumili ng sti
Maagang bumangon si Zaira dahil ngayon ang unang araw ng pasok nila sa Olympian University. At dahil isang linggo na ang nakalipas simula noong pinakiusapan siya magsuot ng dress, balik na ulit siya dati.Walang uniform sa kaniyang pinapasukan kaya nagsuot lamang siya ng jeans na black at tshirt na blue at sinamahan ng blue rubbershoes."Good morning," bati niya kila Mrs. Lundberg, siya na lang ang wala sa kainan dahil natagalan siya sa pagligo.Isa-isa niyang hinalikan ang kanyang magulang at ang dalawa niyang kuya na nag-uumpisa nang kumain."Good mornin anak. Kain ka na baka mahuli pa kayo," sabi ni Mrs. Lundberg.Umupo si Zaira sa tabi ng kanyang ina at dali-daling kumuha ng fried rice at hotdog."Unang araw niyo ng klase, wag pasaway ha?" sabi ng kanyang ina sa kanilang dalawa ni Asher."Si Athena lang naman po lang pasaway," tugon ni Asher."Hindi kaya! Ang bait-bait ko nga," sambit ni Zaira saka tinignan ng masama si Asher dahil inaasar nanaman siya nito."Mabait na pala ngayon
Sa isang paaralan sa Outlandish, may dalawang lalaki at isang babae ang nag-uusap."Handa na ba kayo?" tanong ng isang lalaking may kulay itim na buhok at may kulay abo na mata.Ang pangalan niya ay Dwayne Tyler Scovoille, 17 years old at isang werewolf."Handang-handa na," sagot ng babae na may kulay dilaw na mata at itim na wavy na buhok; ang pangalan niya ay Adeline Kim Norwich, 17 years old, ang nag-iisang witch sa magkakaibigan.Tinignan ng isang lalaking may brown na buhok at asul na mata ang kanyang hawak na pintura."Gin, nandyan na siya yung pintura," sabi ni Tyler sa kanya.Siya naman si Gin Apollo Bosworth, 16 years old, katulad ni Tyler isa rin itong werewolf.Sumilip siya sa bintana sa isang room sa 2nd floor kung nasaan sila nagtatago, nakita niya ang unang target nila. Tinaas niya ang dala niyang pintura."Kim," aniya sabay lingon kay Kim na naghihintay sa iuutos niya.Tumango ito at itinutok ang hawak na stick saka nagsabi ng spell para mapalutang ang pintura. Kinontro
Kasalukuyan pababa sa hagdan si Zaira. Kakagising lang niya at gutom na gutom na siya."Bakit wala gumising sa akin para mag-aral sa library?" tanong niya sa sarili dahil palaging may gumigising sa kanya. Kahit si Shiro wala sa tabi niya."Baka dahil pinagod ako ni gramps sa pagsasanay kahapon?" bulong niya pa.Binuksan niya ang pinto sa dining room."Happy Birthday Athena!"Natigilan si Zaira sa sobrang gulat. Tinignan niya ang mga kasama niya sa palasyo, lahat sila nakangiting nakatingin sa kanya.Nag-umpisa silang kumanta ng happy birthday song na ikinangiti ni Zaira saka tuluyang pumasok"Dito ka umupo," sabi ni Liam sabay hila ng upuan.Sa tapat ng upuan niya nakapatong ang cake. Panisin niya na karamihan sa handa ay mga paborito niyang pagkain."Happy birthday anak! Hipan mo na yung kandila," sabi ng kanyang ina.Pumikit si Zaira saka humiling bago hinipan ang 17 na pirasong kandila. Nagsipalakpakan sila habang sunod-sunod siyang binati."Anak, para sayo," sabi ng kanyang ina sa
"Pa, wag mong sabihin sa gubat nakatira sila lola?" tanong ni Zaira habang iniisip kung ang lola ba niya ang dahilan kung bakit sa gitna ng gubat ang bahay nila sa Outlandish."Hindi anak, maglalakad pa tayo ng kaunti bago makarating doon," tugon nito habang nakangiti.Nag-umpisa na silang maglalakad at habang tumatagal napapansin ni Zaira na parang pamilyar sa kanya ang lugar.Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa may natanaw silang isang malaking gate kung saan may dalawang lalaking nakatayo.Nang makalapit na kami ay biglang nagbow ung dalawang bantay; nakasuot ito ng armor at may hawak na spear."Maligayang pagbalik mahal na prinsepe.""Nandyan ba sila mama?" tanong ni Mr. Lundberg."Opo, nasa loob po ang mahal na reyna at hari."Bumukas ang gate at pinapasok sila."Magbigay galang kayo kay Prinsepe Geo," sigaw ng isang matandang lalaki nang nakapasok sila.Luminya nang sunod-sunod ang mga guard sa loob at sabay-sabay na nagbow.Naguguluhan man sa nangyayari, nanatiling tahi
"Ma," sambit ni Zaira nang makita niya ang kanyang ina sa gilid niya.Napatayo ito bigla saka siya hinawakan."Kamusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba anak? Gusto mo ipagluto kita? " sunod-sunod na tanong nito.Napangiti si Zaira saka tumango. Ngayon sigurado siya sa nakikita niya at hindi siya nanaginip."Ipaghahanda kita ng makakain, sigurado gutom ka na," aniya saka lumabas.Nilibot ni Zaira ng tingin ang kwarto niya na walang pinagbago kahit na matagal na siyang wala sa mortal world. Tumayo siya at tinignan ang mga naiwan niyang gamit doon. Binuksan niya ang drawer ng study table niya."Nandito pa pala ito," aniya nang makita ang keychain na hello kitty at doreomon na binili niya noon sa mall.Bumukas bigla ang pinto."Athena anak," sambit ng kanyang ama."Papa," masayang sabi ni Zaira saka ito niyakap.Sobrang namiss niya ito."Bakit bumangon ka na? Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong nito."Ayos na po ako.""Sigurado ka anak? Wala bang masakit sayo?"Nag-aalala siyang tin
Nag-umpisang makaramdam ng kakaiba si Zaira. Nag-iinit ang katawan niya kasabay ng paninikip ng dibdib at panunuyo ng lalamunan na para bang gusto niyang uminom ng malamig na tubig."Ken, hindi ako makahinga..." sabi niya sabay kapit sa binata.Napabitaw sa pagkakayakap si Max.'Ganito din ba ang nararamdaman nila bago sila mamatay?' sa isip ni Zaira habang nakatingin sa mga kasama niya na sunod-sunod na namamatay."Ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Max sabay hawak sa kamay ni Zaira."Mainit, nauuhaw ako," sambit ni Zaira subalit may kakaibang napansin si Max."Mainit? Pero ang lamig ng kamay mo," aniya sabay hawak sa leeg ni Zaira at noo."Ang lamig ng mukha at leeg mo. Sigurado ka bang naiinitan ka?" tanong ni Max.Tumango si Zaira sabay takip ng bibig at umubo. Pagtingin nila sa kamay niya may dugo na ito at nang iangat ni Zaira ang ulo niya, nakita ni Max na dumudugo na rin ang ilong nito."Tita, si Athena," sigaw ni Max.Napatingin sa kanila si Mrs
"Handa na kayo?" tanong ni Greg kila Max habang nakatayo sila malapit sa House of Correction.Nakasuot sila ng damit na katulad sa mga tagabantay sa House of Correction. Merin din silang gamit na pekeng nameplate at badge. Para makapasok sila sa loob kinailangan nilang magpanggap na nagtatrabaho sila sa loob."Kanina pa," sagot ni Ivan."Papasok na tayo," sabi ni Greg sabay ayos ng necktie.Nag-umpisa na silang maglakad at kasalukuyang naglilibot ang mga bantay sa labas."Sino yan?" tanong ng isa sa kanila.Tutukan na sana sila ng flashlight pero mabilis na kumilos si Ivan para patulugin ito."Ano gagawin natin diyan?" tanong Max."Hindi naman niya tayo nakita kaya hayaan na lang natin siya diyan," sagot ni Greg.Naglakad na sila papasok ng House of Correction. At dahil sa suot nila hindi sila pinagdududahan ng mga ito.Tahimik ang buong lugar dahil hating gabi pa lang."Vinz," panggigising ni Greg kay Vinz na natutulog sa bulsa niya."Nandito na ba tayo?" tanong nito habang kinukusot
"Ano kaya pa?" tanong ni Liam kay Asher."Ako pa kuya, wala lang sa akin ito," sagot nito kahit masakit ang katawan niya.Nakaluhod silang dalawa habang nakadena ang kamay nila; nakaitaas ito na hugis V. Puno ng sugat ang katawan nila dahil sa pinakakagawa sa kanila.Binuhusan sila ng malamimg na tubig at pinaghahampas, pinagpapalo, pinagsusuntok, at pinagsisipa. Nagkasira-sira ang pangitaas nila dahil sa matutulis na pinanghahampas sa kanila. Kung normal na tao lang sila baka patay na sila."Ikaw kuya? Kaya mo pa ba?" tanong ni Asher."Oo naman, malakas yata ito," tugon niya."Master, ano ginawa nila sa inyo?" naawang tanong ni Vinz.Ngayon lamang siya nakasunod dahil sa dami ng bantay sa black chamber."Vinz, nandito ka pa pala? Pwede mo ba hanapin kung saan nila dinala si Athena? Gusto ko malaman kung ayos lang ba siya," utos ni Liam kay Vinz."Masusunod master. Babalikan ko kayo agad."Lumipad palabas ng kulungang kinalalagyan nila si Vinz."Kapag alam na natin kung nasaan si A
Masayang bumalik si Vinz sa Black Academy para sabihin kay Liam ang magandang balita mula sa kanyang magulang.Subalit nagtaka siya nang hindi niya ito makita kahit nilibot na niya ang paaralan."Nasaan si master?" tanong niya sarili habang lumilipad.Sunod niya pinuntahan ang classroom ni Zaira para tanungin ito subalit hindi niya rin ito nakita."Crystal," aniya sabay lapit sa dalaga."Vinz, ano ginawa mo dito?" tanong ni Crystal."Hinahanap ko sila, Zaira. Alam mo ba kung nasaan sila?"Hindi mo ba alam?""Alam ang alin?"Nagtatakang tinignan ni Vinz si Crystal. Wala siyang ideya sa kung ano ba nangyari habang wala siya."Hinuli sila at dinala sa House of Correction. Pinagbibintangan kasi sila na kasabwat ng kalaban sa pagsugod dito," paliwanag ni Crystal.Nanlaki ang mata ni Vinz."Ano?! Kailan sila hinuli?" tanong nito."Kahapon lang.""Bakit? Wala naman sila ginagawang masama ah.""Alam ko. Pero ayun ang utos ng president.""Kailangan ito malaman nila Jake," sambit ni Vinz saka
Habang naglalakad sina Zaira at Crystal papasok, kapansin-pansin ang mga masasamang tingin ng mga nadadaanan nila.Nakatingin sila kay Zaira na para bang isa siyang criminal na may masamang nagawa sa kanila."Wag mo silang pansinin," sabi ni Crystal.Napabuntong hininga si Zaira. Alam naman niya kung bakit ganun ang tingin nila sa kanya. Kalat na sa school nila ang mga sinabi ni Kaycie. Marahil ay iniisip nilang traydor siya sa paaralan at lahat ng sinabi ni Kaycie ay totoo."Athena."Huminto sila Zaira sa paglalakad at nilingon si Liam nang tawagin nito si Zaira. Kasama niya si Asher at parehong seryoso ang mukha nila."Bakit kuya?" tanong ni Zaira."Pinapatawag tayo ni headmaster," tugon ni Liam."Bakit daw?" kinakabahang tanong ni Zaira."Hindi ko rin alam.""Crystal, mauna ka na sa klase," sabi ni Zaira sa kaibigan."Sige, sunod ka agad," tugon ni Crystal habang nag-aalalang nakatingin sa kanila.Katulad ni Zaira nababahala rin siya sa dahilan ng pagpapatawag sa kanila.Tinanguan
Pagkatapos ng pagsugod ng kalaban unti-unting bumalik sa normal ang lahat."May traitor daw na nakapasok sa Black Academy kaya madaling nakapasok ang kalaban.""Sino naman kaya yun? Sana mahuli na siya.""Oo nga eh! Kaya siguro nalaman ng kalaban na walang tao sa black academy dahil may nagbigay ng impormasyon sa kanila."Habang naglalakad si Zaira sari-saring usapan ang naririnig niya tungkol sa kahapon. Usap-usapan ngayon na may traitor sa black academy."Good morning Athena," nakangiting sabi ni Tyler."Good morning, tugon ni Zaira sabay upo sa tabi ni Blaize.Napatingin si Zaira sa tabi ni Rhys nang mapansin niyang may babaeng nakaupo."Hi," nakangiting sabi nito."Sargent? Kaklase ka na namin ngayon?" tanong ni Zaira."Yup, tumaas rank ko from middle to higher," tugon niya.Dumating na si Ms. Naomi at nag-umpisa na siyang magturo. Tahimik lang si Zaira habang nakinig dito dahil interesado siya sa history ng Outlandish, idagdag pa na tungkol sa Bizarre at wizards ang pinag-aaralan