"Zeque, nasaan ka na?" sigaw ni Zaira.Kakatapos lang niyang kumain at ngayon handa na siya kausapin ito subalit nawala ito bigla. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta."Sabi ko sa kanya wag siyang aalis," bulong niya habang nakasimangot.Lumabas na muna siya upang maglakad-lakad. Mas gusto niya makita ang labas kaysa magkulong sa loob.Sa Black Academy,"That's all for today, you may go now, " sambit ni Liam sa mga istudyante niya.Kinuha na niya ang gamit niya saka umalis."Sir Liam, gising na po ba si Zai?" tanong ni Crystal nang makalabas ito."Hindi pa siya nagigising nung umalis kami." "Pwede po ba namin siya dalawin bukas?"Napayuko si Crystal dahil nahihiya ito. Napangiti si Liam at hinawakan siya sa balikat kaya napaangat ito ng ulo."Hindi ko naman kayo pinagbabawalan na dumalaw sa kapatid ko. Pwede kayong pumunta sa bahay namin basta mag-iingat lang kayo, baka maligaw kayo habang papunta. Alam niyo ba kung saan bahay namin?" "Opo, nasabi na po sa amin ni Tyler na malapi
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Asher kay Liam."Mamaya ka na magtanong, kailangan natin magamot si Athena." Hiniga niya ito sa sofa."Athena, gising ka pa ba?" tanong ni Liam sabay tapik sa mukha nito.Dumilat si Zaira at halos maiyak na ito."K-kuya ang sakit," aniya sabay sulyap sa paa niya na namamaga."Saan mo ba nakuha yan?" tanong ni Asher."Kagat ng ahas," tugon ni Zaira at muling nanginig ito nang maalala ang nangyari."Wag ka na magsalita," sabi ni Liam habang nililinis ang sugat nito.Tinignan niya si Asher."Paris, sisipin mo yung dugo niya sa paa para matanggal ang lason," aniya."Bakit ako?" tanong ni Asher.Ayaw niya na sipsipin ito dahil baka malasahan niya ang dugo nito at hanap-hanapin niya."Sino ba bampira sa atin dalawa?""Ako, pero kuya baka hindi ko mapigi--" "May tiwala ako sayo, alam kong hindi mo magagawa yun kay Athena. Konsensya mo na lang yun kung magpapadala ka sa tukso." Napasimangot si Asher sa sinabi nito, napatingin siya kay Zaira nang humawak
"Ahas? Sir Liam, pumunta ba siya sa lugar na yun?" tanong ni Tyler."Kuya na lang, wala naman tayo sa academy. Pumunta nga siya doon habang wala pa kami.""Anong klaseng ahas kumagat sa kanya?" "Hindi ko alam basta nakagat daw siya ng ahas."Nagdilim ang mukha ni Liam nang maalala niya ang taong ahas."Igagawa ko muna kayo ng maiinom," sabi ni Liam saka lumabas."Ayos lang ba siya?" tanong ni Alyza kay Levi."Ku...ya..." sambit ni Zai habang natutulog.Kumapit ito sa kumot saka ito niyakap ang sarili habang nanginig."Hindi maganda ang lagay niya, kumakalat na ang lason sa katawan niya. Kung kahapon pa siya nakagat yang nakikita niyo ngayon, sintomas yan na may lason sa katawan niya. Delikado ang lagay niya, kailangan kong malaman kung anong ahas ang kumagat sa kanya," tugon ni Levi."Paano yun? Hindi alam ni Sir Liam kung anong ahas ang kumagat sa kanya?" tanong ni Gin."Tyler, ano anong ahas ba ang meron sa gubat na ito?" tanong ni Levi."Lahat ng klase meron dito. Doon sa bandang
"Unti-unti na siyang pinapatay ng lason sa katawan niya," sambit ni Levi.Halos gumuho ang mundo ni Asher nang marinig niya ito."Hindi siya pwede mamatay. Wala bang ibang paraan para magamot siya?" tanong niya."Meron, may potion na ginagawa pangkontra sa lason. Pero mahirap makahanap ng sangkap para doon."Humigpit ang pagkakahawak ni Athena, may gusto siyang sabihin ngunit wala na siya lakas para magsalita.Nang makita ni Asher ang mukha niya na hirap na hirap, hindi na niya nakayanang tignan ito. Inalis niya ang kamay ni Athena saka lumabas."Saan ka pupunta?" tanong ni Tyler ngunit hindi ito pinansin ni Asher.Napatingin si Asher sa direksyon papunta kila Liam. Napansin niyang mas madilim ang pangit doon kumpara sa kinatatayuan niya. Nakita niya rin si Kura habang lumilipad ito sa langit.Nagtungo siya doon."Kuya!" sigaw niya."Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Liam."Si Athena..." Nang marinig ni Liam ang pangalan ni Zaira, nagdilim lalo ang aura niya. Namatay ang apoy sa pal
"Athena," tawag ni Liam sa kapatid nang mapansin niyang hindi ito mapakali habang kumakain.Susubo si Zaira tapos titingin sa kung saan tapos susubo ulit kaya lahat silang nasa kasama niyang kumakain napapatingin sa kanya."Kanina ka pa hindi mapakali, may problema ba?" tanong ni Liam.Binababa ni Zaira ang kutsara at tinidor niya sabay sulyap sa bintana bago magsalita."Kuya, ano kasi..." Nakamot sa ulo si Zaira dahil hindi niya alam kung paano niya ba ipapaliwanag ang nararamdaman niya."...paki--" "Master!" sigaw ni Vinz.Lumipad siya papunta kay Liam habang si Zaira naman natulala sa fairy na bigla na lang sumulpot sa harapan nila.Napansi ni Vinz ang titig niya kaya nilingon niya si Zaira."Kuya, fairy ba yang maliit na nasa harapan mo o tutubi?" tanong ni Zaira.Tumawa ng walang tunog si Asher habang ngumiti naman si Liam."Hindi ako tutubi," inis na sabi ni Vinz sabay lapit kay Zaira."Fairy ako! Fairy! Saka hindi ako maliit, malaki ka lang," aniya habang nakatingin ng masama
"Pinapatawag tayo ni headmaster," sabi ni Levi pagkatapos basahin ang natanggap na mensahe sa kanyang ama."Paano si Zaira?" tanong ni Rhys sabay tingin kay Zaira."Okay lang ako. Pupunta na lang muna ako sa library," sambit ni Zaira dahil ayaw niyang maabala pa sila."Sigurado ka?"Tumango si Zaira saka ngumiti bilang tugon kay Rhys."Pahiram ng phone mo," sabi ni Levi kay Zaira.Kinuha ni Zaira ang cellphone niya sa bulsa saka ito binuksan bago binigay kay Levi.Nilagay ni Levi ang numero niya sa contact saka binigay kay Alyza ang cellphone."Lagay niyo number niyo," aniya kaya pinagpasapasahan nila ang cellphone ni Zaira bago ito maibalik sa kanya."Tawagan mo kami kung may problema o kailangan mo ng tulong," sabi ni Levi."Salamat," tugon ni Zaira.Naghiwalay na sila ng direksyon. Pagkadating ni Zaira sa library naghanap agad siya ng librong babasahin."Gusto mo ikuwento ko na lang yan sayo?" sabi ni Zeque sabay sulpot sa harapan ni Zaira.Nakaupo ito sa bakanteng upuan sa harap n
"Zai!" sigaw ni Kim.Kinawayan niya si Zaira nang lingunin siya nito. Ngumiti naman ito bilang tugon saka tinignan si Blaize na nasa tabi niya."Blai--Nasaan yun?" aniya nang mawala si Blaize sa tabi niya.Kasabay niya lang ito maglakad bago siya tawagin ni Kim."Si Blaize ba hinahanap mo? Umalis na siya nung lumingon ka kay Kim," sabi ni Gin nang mapansin niyang may hinahanap si Zaira."Ah! Ganun ba? Akala ko nilamon na siya ng lupa, hindi man lang kasi nagsabi na aalis," inis na sabi ni Zaira."Hayaan mo na yun. Ganyun lang talaga yun. Saan ba kayo galing?" tanong ni Kim."Sa dark forest.""Dark forest!" sigaw nila.Napatakip sa tenga si Zaira dahil sa lakas ng sigaw nila habang gulat na nakatingin sa kanila."Bakit kayo pumunta doon? Alam mo bang delikado sa lugar na yun?" tanong ni Tyler."Hindi ko alam na delikado saka basta na lang ako dinala ni Blaize doon. Bakit? Ano bang meron doon?" "May nakatira na mabangis na oso doon." "Oso? Talaga? Gusto ko yun makita," masayang sabi n
"Kain ka muna, mamaya na tayo mag-usap," sabi ni Liam kay Zaira sabay abot ng stick-o nito.Hindi na nagsalita si Zaira at kinuha na lang ang stick-o niya saka kumain."Headmaster, pwede po ba kayo makausap ngayon?" tanong ni Liam sabay tingin kila Crystal. Tumango ito bilang tugon saka tinignan sila Crystal."Crystal, magbihis ka na muna. Kim, samahan niyo siya," aniya.Sinamahan nina Thea at Kim si Crystal sa dorm nito habang naiwan naman sila Tyler."Okay lang ba kung nandito sila?" tanong ni Headmaster Black kay Liam."Okay lang po. Tatanungin ko lang po kung pwede sila Athena sa dorm ko?" tanong ni Liam."Kahit magkapatid kayo hindi kayo pwede magsama dahil nasa rules na hiwalay ang dorm ng mga teacher sa mga student," tugon ni Headmaster Black."Saang room po sila pwede? May bakante pa po ba?" "Magdodorm na din sila?" "Yes headmaster. Nasira kasi bahay namin kanina.""Si Zaira, pwede siya sa room ni Crystal, wala pa naman siya kasama doon. Si Asher naman doon sa room ni Piers
Kasalukuyan pababa sa hagdan si Zaira. Kakagising lang niya at gutom na gutom na siya."Bakit wala gumising sa akin para mag-aral sa library?" tanong niya sa sarili dahil palaging may gumigising sa kanya. Kahit si Shiro wala sa tabi niya."Baka dahil pinagod ako ni gramps sa pagsasanay kahapon?" bulong niya pa.Binuksan niya ang pinto sa dining room."Happy Birthday Athena!"Natigilan si Zaira sa sobrang gulat. Tinignan niya ang mga kasama niya sa palasyo, lahat sila nakangiting nakatingin sa kanya.Nag-umpisa silang kumanta ng happy birthday song na ikinangiti ni Zaira saka tuluyang pumasok"Dito ka umupo," sabi ni Liam sabay hila ng upuan.Sa tapat ng upuan niya nakapatong ang cake. Panisin niya na karamihan sa handa ay mga paborito niyang pagkain."Happy birthday anak! Hipan mo na yung kandila," sabi ng kanyang ina.Pumikit si Zaira saka humiling bago hinipan ang 17 na pirasong kandila. Nagsipalakpakan sila habang sunod-sunod siyang binati."Anak, para sayo," sabi ng kanyang ina sa
"Pa, wag mong sabihin sa gubat nakatira sila lola?" tanong ni Zaira habang iniisip kung ang lola ba niya ang dahilan kung bakit sa gitna ng gubat ang bahay nila sa Outlandish."Hindi anak, maglalakad pa tayo ng kaunti bago makarating doon," tugon nito habang nakangiti.Nag-umpisa na silang maglalakad at habang tumatagal napapansin ni Zaira na parang pamilyar sa kanya ang lugar.Patuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa may natanaw silang isang malaking gate kung saan may dalawang lalaking nakatayo.Nang makalapit na kami ay biglang nagbow ung dalawang bantay; nakasuot ito ng armor at may hawak na spear."Maligayang pagbalik mahal na prinsepe.""Nandyan ba sila mama?" tanong ni Mr. Lundberg."Opo, nasa loob po ang mahal na reyna at hari."Bumukas ang gate at pinapasok sila."Magbigay galang kayo kay Prinsepe Geo," sigaw ng isang matandang lalaki nang nakapasok sila.Luminya nang sunod-sunod ang mga guard sa loob at sabay-sabay na nagbow.Naguguluhan man sa nangyayari, nanatiling tahi
"Ma," sambit ni Zaira nang makita niya ang kanyang ina sa gilid niya.Napatayo ito bigla saka siya hinawakan."Kamusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka na ba anak? Gusto mo ipagluto kita? " sunod-sunod na tanong nito.Napangiti si Zaira saka tumango. Ngayon sigurado siya sa nakikita niya at hindi siya nanaginip."Ipaghahanda kita ng makakain, sigurado gutom ka na," aniya saka lumabas.Nilibot ni Zaira ng tingin ang kwarto niya na walang pinagbago kahit na matagal na siyang wala sa mortal world. Tumayo siya at tinignan ang mga naiwan niyang gamit doon. Binuksan niya ang drawer ng study table niya."Nandito pa pala ito," aniya nang makita ang keychain na hello kitty at doreomon na binili niya noon sa mall.Bumukas bigla ang pinto."Athena anak," sambit ng kanyang ama."Papa," masayang sabi ni Zaira saka ito niyakap.Sobrang namiss niya ito."Bakit bumangon ka na? Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong nito."Ayos na po ako.""Sigurado ka anak? Wala bang masakit sayo?"Nag-aalala siyang tin
Nag-umpisang makaramdam ng kakaiba si Zaira. Nag-iinit ang katawan niya kasabay ng paninikip ng dibdib at panunuyo ng lalamunan na para bang gusto niyang uminom ng malamig na tubig."Ken, hindi ako makahinga..." sabi niya sabay kapit sa binata.Napabitaw sa pagkakayakap si Max.'Ganito din ba ang nararamdaman nila bago sila mamatay?' sa isip ni Zaira habang nakatingin sa mga kasama niya na sunod-sunod na namamatay."Ano nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Max sabay hawak sa kamay ni Zaira."Mainit, nauuhaw ako," sambit ni Zaira subalit may kakaibang napansin si Max."Mainit? Pero ang lamig ng kamay mo," aniya sabay hawak sa leeg ni Zaira at noo."Ang lamig ng mukha at leeg mo. Sigurado ka bang naiinitan ka?" tanong ni Max.Tumango si Zaira sabay takip ng bibig at umubo. Pagtingin nila sa kamay niya may dugo na ito at nang iangat ni Zaira ang ulo niya, nakita ni Max na dumudugo na rin ang ilong nito."Tita, si Athena," sigaw ni Max.Napatingin sa kanila si Mrs
"Handa na kayo?" tanong ni Greg kila Max habang nakatayo sila malapit sa House of Correction.Nakasuot sila ng damit na katulad sa mga tagabantay sa House of Correction. Merin din silang gamit na pekeng nameplate at badge. Para makapasok sila sa loob kinailangan nilang magpanggap na nagtatrabaho sila sa loob."Kanina pa," sagot ni Ivan."Papasok na tayo," sabi ni Greg sabay ayos ng necktie.Nag-umpisa na silang maglakad at kasalukuyang naglilibot ang mga bantay sa labas."Sino yan?" tanong ng isa sa kanila.Tutukan na sana sila ng flashlight pero mabilis na kumilos si Ivan para patulugin ito."Ano gagawin natin diyan?" tanong Max."Hindi naman niya tayo nakita kaya hayaan na lang natin siya diyan," sagot ni Greg.Naglakad na sila papasok ng House of Correction. At dahil sa suot nila hindi sila pinagdududahan ng mga ito.Tahimik ang buong lugar dahil hating gabi pa lang."Vinz," panggigising ni Greg kay Vinz na natutulog sa bulsa niya."Nandito na ba tayo?" tanong nito habang kinukusot
"Ano kaya pa?" tanong ni Liam kay Asher."Ako pa kuya, wala lang sa akin ito," sagot nito kahit masakit ang katawan niya.Nakaluhod silang dalawa habang nakadena ang kamay nila; nakaitaas ito na hugis V. Puno ng sugat ang katawan nila dahil sa pinakakagawa sa kanila.Binuhusan sila ng malamimg na tubig at pinaghahampas, pinagpapalo, pinagsusuntok, at pinagsisipa. Nagkasira-sira ang pangitaas nila dahil sa matutulis na pinanghahampas sa kanila. Kung normal na tao lang sila baka patay na sila."Ikaw kuya? Kaya mo pa ba?" tanong ni Asher."Oo naman, malakas yata ito," tugon niya."Master, ano ginawa nila sa inyo?" naawang tanong ni Vinz.Ngayon lamang siya nakasunod dahil sa dami ng bantay sa black chamber."Vinz, nandito ka pa pala? Pwede mo ba hanapin kung saan nila dinala si Athena? Gusto ko malaman kung ayos lang ba siya," utos ni Liam kay Vinz."Masusunod master. Babalikan ko kayo agad."Lumipad palabas ng kulungang kinalalagyan nila si Vinz."Kapag alam na natin kung nasaan si A
Masayang bumalik si Vinz sa Black Academy para sabihin kay Liam ang magandang balita mula sa kanyang magulang.Subalit nagtaka siya nang hindi niya ito makita kahit nilibot na niya ang paaralan."Nasaan si master?" tanong niya sarili habang lumilipad.Sunod niya pinuntahan ang classroom ni Zaira para tanungin ito subalit hindi niya rin ito nakita."Crystal," aniya sabay lapit sa dalaga."Vinz, ano ginawa mo dito?" tanong ni Crystal."Hinahanap ko sila, Zaira. Alam mo ba kung nasaan sila?"Hindi mo ba alam?""Alam ang alin?"Nagtatakang tinignan ni Vinz si Crystal. Wala siyang ideya sa kung ano ba nangyari habang wala siya."Hinuli sila at dinala sa House of Correction. Pinagbibintangan kasi sila na kasabwat ng kalaban sa pagsugod dito," paliwanag ni Crystal.Nanlaki ang mata ni Vinz."Ano?! Kailan sila hinuli?" tanong nito."Kahapon lang.""Bakit? Wala naman sila ginagawang masama ah.""Alam ko. Pero ayun ang utos ng president.""Kailangan ito malaman nila Jake," sambit ni Vinz saka
Habang naglalakad sina Zaira at Crystal papasok, kapansin-pansin ang mga masasamang tingin ng mga nadadaanan nila.Nakatingin sila kay Zaira na para bang isa siyang criminal na may masamang nagawa sa kanila."Wag mo silang pansinin," sabi ni Crystal.Napabuntong hininga si Zaira. Alam naman niya kung bakit ganun ang tingin nila sa kanya. Kalat na sa school nila ang mga sinabi ni Kaycie. Marahil ay iniisip nilang traydor siya sa paaralan at lahat ng sinabi ni Kaycie ay totoo."Athena."Huminto sila Zaira sa paglalakad at nilingon si Liam nang tawagin nito si Zaira. Kasama niya si Asher at parehong seryoso ang mukha nila."Bakit kuya?" tanong ni Zaira."Pinapatawag tayo ni headmaster," tugon ni Liam."Bakit daw?" kinakabahang tanong ni Zaira."Hindi ko rin alam.""Crystal, mauna ka na sa klase," sabi ni Zaira sa kaibigan."Sige, sunod ka agad," tugon ni Crystal habang nag-aalalang nakatingin sa kanila.Katulad ni Zaira nababahala rin siya sa dahilan ng pagpapatawag sa kanila.Tinanguan
Pagkatapos ng pagsugod ng kalaban unti-unting bumalik sa normal ang lahat."May traitor daw na nakapasok sa Black Academy kaya madaling nakapasok ang kalaban.""Sino naman kaya yun? Sana mahuli na siya.""Oo nga eh! Kaya siguro nalaman ng kalaban na walang tao sa black academy dahil may nagbigay ng impormasyon sa kanila."Habang naglalakad si Zaira sari-saring usapan ang naririnig niya tungkol sa kahapon. Usap-usapan ngayon na may traitor sa black academy."Good morning Athena," nakangiting sabi ni Tyler."Good morning, tugon ni Zaira sabay upo sa tabi ni Blaize.Napatingin si Zaira sa tabi ni Rhys nang mapansin niyang may babaeng nakaupo."Hi," nakangiting sabi nito."Sargent? Kaklase ka na namin ngayon?" tanong ni Zaira."Yup, tumaas rank ko from middle to higher," tugon niya.Dumating na si Ms. Naomi at nag-umpisa na siyang magturo. Tahimik lang si Zaira habang nakinig dito dahil interesado siya sa history ng Outlandish, idagdag pa na tungkol sa Bizarre at wizards ang pinag-aaralan