Share

40.4: Luck and Karma

CHAPTER 40.4

Luck and Karma

MATAPOS NG MGA kabalahubasang lumabas mula sa bibig ng Grand Magus, ang mga pagbabanta nitong kailanma'y hindi na nila ulit makikita si Prinsipe Lucas sapagkat nasa kalagitnaan ng kawalan ang kaluluwa nito't tanging pisikal na katawan na lamang nito ang mababawi nila, tuluyang nawalan ng kontrol sa sarili si Haring Alexander.

Mabilis pa sa ala singko nitong binitawan si Morfran Demelza at dali-dali itong sumugod sa Grand Magus. His speed was something not even a word of mouth can compete against. At sa isang kisapmata lamang ay nasa sahig na ang Grand Magus at hawak na ni Haring Alexander ang ulo nito.

"Alexander!" tawag ni Merlin sa kaibigan at dali-dali itong nilapitan para sana pigilan pero bago pa man niya iyon magawa ay nagbabanta ang mga tinging itinapon sa kanya ng Hari.

'Hawakan mo ako o mayroong hindi magandang mangyayari.' Ito ang mga salitang parang pilit sinasabi sa kanya ni Haring Alexander kaya natigilan din si Merlin mula sa paglapit dito at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status