Hindi magkandaugaga si Georgina habang bitbit ang malaking bayong at hawak-hawak ng isang kamay ang mahabang palda upang hindi siya madapa saka lalo pang binilisan ang paglalakad. Isang minuto na lang at male-late na siya sa appointment niyang inilaan sa kanya ng madrasta. Ano pa nga ba ang gagawin niya kundi ang makipag-date na naman sa mga lalaking hindi niya kilala na nireto nito. Mabuti sana kung kahit papaano ay disente namang tingnan ang nakakasalamuha niya pero hindi. Bukod sa matatanda na ay para pa ang mga itong nakalunok ng sangkaterbang beer sa laki ng tiyan. Katulad na lang ng ka-meet up niya ngayon na nakilala niya dahil sa deskripsyon na ipinadala sa kanya ng madrasta. Ang lalaking kaharap niya ay kasing-edad na ng kanyang ama at naninilaw ang ngipin na tila hindi nagto-toothbrush. Kahit sa harap ito ni Georgie, ang palayaw niya, nakaupo ay singhot na singhot niya ang masangsang nitong amoy na parang bulok na isda. Nasa isang kilalang restaurant sila sa Quezon City kaya
Ginawa ni Georgina ang lahat para makawala sa pagkakahawak ng lalaki pero malakas ito. Dahil sa matangkad ito at matipuno ang katawan ay parang langgam lamang siya kumpara sa isang elepante. Kahit nagsisisigaw siya upang kunin ang atensyon ng mga dumaraan ay walang pakialam sa kanya ang lalaki at pabagsak siya nitong ipinasok sa loob bago ito sumunod para masiguradong hindi siya makatakas. “Start the car.” Mawtoridad na utos nito sa driver na kaagad namang tumalima. Kahit hindi ito tumingin kay Georgina ay ramdam na ramdam ng dalaga kung gaano kalamig ang emosyon sa mga mata nito nang marinig ang matigas nitong boses.Nang umandar ang sasakyan ay sumunod ang mga tauhan ng lalaki. Ilang kotse rin ang nakasunod sa kanila kaya lalong nagduda si Georgina na miyembro ng isang mafia ang katabi niya. May alam siya sa self-defense, kaya niyang makipaglaban, pero matagal na niyang kinalimutan ang gawaing iyon dahil nagbibigay iyon nang masakit na alala sa kanya. “Saan mo ako dadalhin? Buksa
Lalong lumakas ang ugong sa buong paligid dahil sa sinabi ni Rhett. Ngunit wala siyang pakialam kung ano man ang hitsura ng babaeng nakuha niya. Ang mahalaga ay may maipakilala siya sa madla na babaeng papakasalan tulad ng hiling ng kanyang lolo. Kung hindi lang ito nagpumilit at kung hindi siya nag-aalala sa kalagayan nito ay suntok pa sa buwan na magpapakasal siya. Ibinalik niya sa emcee ang mikropono saka hinawakan ang babae sa braso na hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang pangalan saka ito inalalayan pababa ng stage. Nang makapunta sila sa mesa at makaupo ay pinaupo niya ito sa kanyang tabi at dumukwang upang bumulong sa tainga nito. “Tell me your name,” utos niya. Hindi siya umalis hangga’t hindi ito sumasagot pero ang nakaagaw sa pansin niya ay ang mabangong perfume na gamit nito. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang amoy dahil produkto niya iyon at alam niya kung magkano ang presyo ng perfume na gamit nito. It was worth thousands. Ang perfume na ito ay ang bagong collection
Umaga na nang makauwi si Georgina dahil tumuloy siya sa kalapit na hotel upang iwasan ang mga taong humahabol sa kanya. Ang buong akala niya ay payapa na siya pag-uwi pero hindi pala dahil ang kanyang madrasta ang sumalubong sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa gate ng mansyon nila. “Napaka-ingrata! Pinahiya mo na naman ako sa kaibigan ko at hindi ka nakipag-date sa kanya?” Malakas na sampal ang kasunod niyon na nagpabiling sa mukha ni Georgina.“Ingrata? Date? Bakit kaya hindi ikaw ang makipag-date sa matandang ulupong na ‘yon?” Nakaangat ang isang kilay na sagot niya. Mapang-asar ang tono ng boses niya pero ang mata niya ay matalim na nakatingin dito. Hinaplos niya ang pisngi na nasampal nito upang tanggalin ang sakit habang pinipigilan ang sarili na huwag itong patulan. Baka hindi niya mapigilan at mabugbog niya ito nang husto na matagal na niyang gustong gawin. “Pasalamat ka at may lalaki pang gustong makipagkita sa ‘yo. Ano pa bang gusto mo at lahat na lang ng n
Limang araw ang matuling lumipas at dumating na nga ang araw na ‘magpapakasal’ kuno si Pia. Habang abala sa paghahanda ang mga tao sa mansyon, si Georgina naman ay nakahilata pa rin sa kama habang naglalaro sa kanyang cellphone. Pero hindi nakatiis ay lumabas siya ng kuwarto at tumambay sa veranda. Mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga tao na abala sa pabalik-balik habang may ginagawang kung ano-ano. Nang tumingin siya sa labas ng gate ay nakita niyang muli ang ilang sasakyang nakahilira na tila ba inihatid ang presidente ng Pilipinas. Hindi nagkaroon ng kaunting interes si Georgina kaya napagpasyahan niyang bumalik sa loob. Akmang tatalikod siya at papasok nang mahagip ng kanyang mata ang ikalawang kotse na nakaparada sa labas ng gate na unti-unting bumaba ang bintana at lumitaw ang guwapong mukha ni Rhett. Nakasuot ito nang salamin kaya hindi niya alam kung sa kanya nakatingin pero nakita niya kung paano tumaas ang sulok ng labi nito. Kaagad na nagbago ang ekspre
Gustong katusan ni Georgina ang sarili dahil hindi na naman siya nakahuma habang akay-akay ni Rhett. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin at wala ring silbi ang kakulitan niya sa pagtatanong dahil buong biyahe ay tahimik ang lalaki at hindi pinansin ang pagmamaldita niya. Tatlumpong minuto ang nakalipas bago tuluyang huminto ang sasakyan sa harap ng isang magarang mansyon na may limang palapag. Sa sobrang lawak niyon ay hindi alam ni Georgina kung mansyon o palasyo ang nasa harapan niya. Bumaba siya ng kotse pagkahinto niyon at namamanghang pinagmasdan ang malapalasyong mansyon. “Dito ka nakatira?” nanlalaki pa rin ang matang tanong niya kay Rhett. Alam niyang mayaman ang lalaki pero hindi niya akalain na ganito kayaman. Kung tama nga ang hinala niya ay hindi lang perfume ang negosyo ng lalaki. Tinapunan siya nang hindi makapaniwalang tingin ni Rhett. “Kung hindi dito, saan?” nakahalukipkip na tanong nito habang nakataas ang isang kilay.Inirolyo ni Georgina ang mata. “Na
Nang marinig ni Georgina ang sinabi ng ‘asawa’ ay kaagad na naningkit ang kanyang mata. Inilagay niya ang magkabilang braso sa harap ng dibdib upang harangin ang papalapit na katawan nito. “Wala sa usapan natin ‘to,” matigas na anas ni Georgina habang patuloy sa pagharang ang dalawang braso sa dibdib upang hindi makalapit ang mukha ng lalaki. Malakas ito pero kaya niya itong labanan. Hindi man siya aktibo ngayon sa dating trabaho ay hindi naman niya hinahayaan na basta na lang mawawala ang natutunan.“Wala akong sinabing hindi puwede. Mag-asawa tayo at katungkulan mo ang pagbigyan ang pangangailangan ko,” Rhett teases. May nakakalokong ngiti sa mata nito habang ang mukha ay pilit na ibinaba sa kanya nang paunti-unti. Georgina was not scared. Nilabanan niya nang mas nakakalokong ngisi si Rhett saka iniyakap ang dalawang paa sa baywang ng lalaki, at mahigpit na niyakap ang braso sa leeg nito saka mabilis na inikot ang katawan nilang dalawa. Ngayon ay nakapaibabaw na siya rito. “Saa
Chapter:Mapaklang napangiti si Georgina. Ito ang iniiwasan niya sa lahat, ang magkaroon ng kaaway sa bahay ng ibang tao pero tila hindi siya gustong patahimikin at bigyan ng kapayapaan dahil unang araw pa lang ay may gusto na agad sumubok ng kanyang pasensya. Matapos ang hagikhik na narinig ni Georgina ay sinundan iyon ng nang-uuyam na boses mula sa kanyang likuran. “Sa tingin mo may karapatan kang tumira sa pamamahay namin? Eh, ano ngayon kung ikaw ang asawa ng kapatid ko? Hindi ka pa rin nararapat dahil isa ka lang basura na pinulot ng kapatid ko sa isang tabi. Ni hindi ko nga kilala kung saang pamilya ka nanggaling. Hindi ako makapaghintay na pulutin ka sa kangkungan kapag pinalayas ka rito.”Kinalma ni Georgina ang sarili. Nakahanda na sana siya na patulan ito, pero nang marinig na binanggit nito ang salitang kuya ay binura niya ang ideyang patulan ito. Kalmado ang mukha at nakahanda ang pekeng ngiti niya nang humarap siya rito. Basang-basa ang buo niyang katawan at dahil bukas
Nang pinatay ni Georgina ang tawag ay lumamig ang mata niya at mapait na napangiti. Bagama’t alam niyang nagsinungaling sa kanya si Rhett, at niloloko siya nito ay hindi siya umiyak. Kalamado ang maganda niyang mukha bagama’t sa loob-loob niya ay kinakain na siya ng galit. Ang buong akala niya ay nagsisinungaling lang sa kanya si Celeste tungkol sa anak nito at ni Rhett pero hindi pala. Totoong may anak ang mga ito at hindi lang iyon. Malaki na ang bata. Kung ganoon, bakit hindi na lang ito ang pinakasalan ni Rhett kung may anak na rin naman sila? Bakit idinamay pa ang tahimik na mundo niya? Paano na ngayong magkakaanak na rin sila?Buo ang paniniwala niya na mabait at hindi manloloko si Rhett pero lahat ng akto nito ay purong kasinungalingan? Totoo rin kaya ang sinabi nitong gusto siya nito a kasinungalingan lamang para mapatagal ang pakikisama niya rito bilang asawa at mapaniwala ang lolo’t lola nito?“Georgina, let’s go.”Ang malamig at puno ng galit na boses ni Tony ang pumukaw s
Namalayan na lang ni Georgina ang sarili na buhat-buhat ni Tony at isinakay siya sa kotse. Kahit nahihilo pa nang kaunti ay hindi pa rin niya nakalimutang pagsabihan ang dalawa na ayos lang siya dahil pinipilit ng mga ito na dalhin siya sa ospital. “No! Sa ayaw at sa gusto mo ay dadalhin ka namin sa pinakamalapit na klinika para matingnan ang kalagayan mo? Paano pala kung buntis ka?” Nagkasalubong ang kilay ni Georgina sa sinabi ni Vaia pero hindi siya sumagot dahil nakaramdam siya ng pangangalam ng sikmura. Nagugutom siya dahil ang spaghetti na in-order niya kanina ay halos hindi naman niya nagalaw. “Tama siya, G.,” sabad ni Tony at nilingon siya sa likuran bago ibinalik ang tingin sa kalsada. “Sheesh. I’m not pregnant. Low blood lang ako dahil ilang araw akong puyat sa paggawa ng desinyo ng Rhett na ‘yon. Isa pa, kanina pang umaga ako walang kain at gutom na gutom na ako.”Ngunit kahit ano’ng paliwanag ang ginawa ni Georgina ay hindi siya pinakinggan ng dalawa. Nagpumilit pa rin
Ilang segundo na nanatiling tahimik si Kenneth na tila nag-aapuhap ng sasabihin pero matiyagang naghintay si Georgina. Hindi siya mang-iistorbo hangga’t hindi ito nagsasalita pero limitado ang pasensya niya. Kapag patatagalin nito ang pananahimik ay makakatikim ito sa kanya.Georgina may act soft and weak in front of Rhett, but to other people, she shows no mercy. Isang minuto ang lumipas na hindi pa rin nagsasalita si Kenneth at nanatili lang itong nakayuko sa upuan nito sa likod ng mesa. Nagsimulang magbilang sa isip si Georgina. Tatlong segundo ang lumipas at saka nito binasag ang katahimikan at namumutla ang mukha nang magsalita. “Ano ang nalalaman mo?” may nginig sa boses nito dahil sa takot na nabisto na niya ang tinatago nitong sekreto. Nagkibit ng balikat si Georgina at walang emosyon ang mukha, na tila ba hindi interesado sa sinasabi, nang magsalita. “Alam kong hindi ikaw ang aking tunay na ama. So, ‘wag na natin itong patagalin pa, Mr. Lucindo. Bakit hindi mo simulang mags
Sa loob ng dalawang linggo na wala si Rhett ay inabala ni Georgina ang sarili sa paggawa ng disenyo para sa building na pinapagawa nito. Dahil sa hindi nito nagustuhan ang una niyang ginawa at ang feedback sa kanya ay wala raw passion o awra, ngayong inspired si Georgina ay nakagawa siya ng disenyo na maaring magustuhan ni Rhett. Ang disenyong ginawa niya ay medyo kahawig ng letrang G and R na magkatabi at may covered glass bridge na nagkokonekta sa dalawa. Ang sabi ni Rhett ay commercial residence ang ipapagawa nito at kailangan modern style kaya naman kinalikot na niya ang utak niya para makagawa ng unique na konsepto na pasado sa standard na hinahanap ni Rhett. Matapos ma-finalized ang disenyo ay saka niya iyon ipinasa sa email ni Rhett. Sa wakas ay makapagpahinga na rin ang isip niya mula sa ilang araw na pag-iisip ng disenyo na naayon sa panlasa ni Rhett. Nang tingnan niya ang oras sa cellphone ay napansin niya na ang date ngayon ay ang huling araw sa tatlong buwang kontrata ni
“Ano’ng nangyayari rito?”Ang malamig at seryosong boses ni Rhett ang biglang pumutol sa matalim na titigan nina Georgina at Celeste na sabay na lumingon sa bagong dating. “Ahh! Rhetty!” malambing na sigaw ni Celeste sa kay Rhett. Dahil mas malapit ito sa kinaroroonan ng lalaki ay mabilis nitong sinalubong ang papalapit na lalaki. Kumekembot pa ang beywang nito habang naglalakad na tila ba nagpapa-impress sa asawa ni Georgina.Habang si Georgina naman ay tahimik lang na pinagmasdan kung ano ang magiging reaksyon nito. Bago pa nga makalapit si celeste kay Rhett ay iniwasan na ito ng kanyang asawa at dumiretso ng lakad palapit sa kanya at tumayo sa kanyang tabi. “Why did you come out? Ang sabi ko ay pumirme ka sa loob at dadalhan kita ng pagkain!” Pinagalitan siya nito. Pero hindi nakatingin si Georgina sa asawa kundi kay Celeste na umasim ang mukha nang marinig ang sinabi ni Rhett.”Ahh! Pasensya na, Rhettyy. Kami ang dahilan kung bakit nasa labas si Georgie. Gusto ko lang sanang h
“Okay, stop!” natatawang pakiusap ni Georgina kay Rhett dahil hindi pa rin ito tumigil sa pagpupog ng halik sa kanya lalo na sa leeg niya na nilagyan nito ng love marks. Ang parusa na sinasabi nito ay ibibigay daw nito sa susunod na araw at hindi alam ni Georgina kung saan na naman siya dadalhin ng asawa.Ayaw siya nitong palabasin sa guest room at dahil sa suot niyang damit. Ang hiniram kasi niyang damit kay Duncan ay isang sexy tube black dress na hapit sa katawan kaya naman kitang-kita ang kurba ng katawan niya. Hanggang hita ang haba niyon at lantad ang makinis at mappuputi niyang hita. Namumula na ang mukha ni Georgina dahil sa tawa pero hindi pa rin tumigil si Rhett. Kung hindi pa tumunog ang sikmura niya ay hindi pa ito titigil. “I’m hungry, Rhett.”Isang mabilis na halik sa labi ang sagot ni Rhett saka bumaba sa kama. “Little wife, kung ayaw mong makita ng iba ang kalagayan mo ngayon, stay inside. Ako na ang bahalang kumuha ng pagkain.” Georgina. “...”Umikot ang mata ni Ge
Hindi pa nakalabas ng banyo si Georgina nang makapasok si Rhett kaya hinintay niya ito at patamad na umupo sa kama. Nang makalabas ang asawa ay ganoon na lang ang gulat na bumadha sa mukha nito pagkakita sa kanya. Mukhang ibang tao ang inaasahan nitong makita na ikinadilim ng mukha niya. “Georgina.” Nang makita na nakatapis lang ito ng tuwalya ay lalong hindi maipinta ang mukha niya. Ibig sabihin kung hindi siya ang nandito at ang Duncan na iyon ay sigurado siyang makikita niyon ang katawan ng asawa na siyang ayaw niyang mangyari at baka masuntok niya ito. Pero hindi maitatanggi na nabuhay ang pagnanasa sa katawan niya nang makita ang ayos nito. He wants to lick those glossy and fair skin and claim his ownership. “Rhett?” nasa mukha pa rin nito ang pagtatakda habang nakatayo sa labas ng pinto ng banyo. “Disappointed? Bakit, may iba kang inaasahan?” malamig ang boses na tanong niya. Matiim niyang tinitigan ang asawa na sinalubong naman nito ng kalmadong tingin. Wala na ang surpre
Nagmamartsa sa inis na iniwanan ni Georgina ang tatlo at dumiretso sa loob ng Villa. Hindi niya kayang makipagtalo nang matagal sa mga 'yon dahil talagang giniginaw na siya. Ang gusto lang niya ngayon ay maligo sa maligamgam na shower. ‘Hmp! Kung ayaw mong maniwala sa akin, sige magtulungan kayo ng babae mong ubod ng sinungaling!’Nang makapasok si Georgina sa loob ay kaagad siyang pinagtitinginan ng mga taong naroon. Dahil sa estado ng buhay ni Archer, lahat ng bisita na inimbitahan nito ay mayayaman. Magkahalong pagtatakda at pandidiri ang makikita sa mata ng mga ito nang makita ang hitsura niya lalo na ang basa niyang damit na parang basang sisiw. The floor where she stood pooled with pond water and the fishy smell wafted around the living room, making people snicker in disgust. “Sino ka at bakit ka pumasok dito nang ganyan ang hitsura?” “Ang baho! Sino ang babaeng ‘yan?” “Sino ang nagpapasok sa babaeng ‘yan!?”Hindi pinansin ni Georgina ang nang-uusisang tanong ng mga naroon
“Ano’ng sinabi mo?” kahit nabigla sa sinabi ni Celeste ay hindi ipinakita ni Georgina ang pagkagulat sa mukha. Nanatili siyang kalmado kahit pa ang totoo ay napuno ng kuryusidad ang puso niya kung totoo nga ang sinasabi ng kaharap. Mahinang napatawa si Celeste saka naglakad at tumayo sa tabi niya. Nasa labas na sila ng kubo at sa maliit na daanan sa gitna ng fishpond pabalik sa villa.“Hindi ko alam na hindi pala sinabi ni Rhett sa ‘yo. Ngayong narinig mo ang sinabi ko, maniniwala ka na ba na hindi totoong tapat sa ‘yo si Rhett?” Ramdam na ramdam ni Georgina ang pang-uuyam sa boses ni Celeste pero kahit ano’ng gawin ng babae ay hindi nito kayang sirain ang kalmado niyang mukha. Georgina was trained on how to hide her emotions. At ang isang pipitsuging katulad ni Celeste ay isa lang langaw laban sa kanya na isang elepante. “Kung ganoon ay nasaan ang anak niyo?” kaswal na tanong niya. Mabagal siyang naglakad dahil ayaw niyang tumabi rito at baka makaisip na naman ito ng kung ano’ng d