Jarvis’ POVIsang nakakabinging katahimikan ang maririnig sa buong paligid. Walang sino man ang nagkalabas loob na mangialam sa amin ngayon. Tinuon ko ang aking sarili kay Kier.“Bakit hindi ka makasagot?” tanong ko sa kay Kier.Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya. “Iyon lang ang paraan, Jarvis,” mahinahong wika niya.Nais ko matawa sa sinabi niya. “Iyon lang nga ba talaga? O dahil wala kang tiwala sa akin? Kasi ngayon ko lang na realize na ang liit liit pala nang tingin mo sa akin. Hindi mo ako pinagkatiwalaan at pinangunahan mo ako magdesisyon.”“Dahil kilala kita, Jarvis. Alam ko na uunahin mo iyong galit kaysa timbangin ang lahat—““Pero kahit na!” hindi ko siya pinatapos at galit na tumingin sa kanya. “Kier! I hope you let me decide no matter how painful the truth is. Sana kahit iyon lang ang binigay mo sa akin…&
Bella’s POVDahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Jarvis na puno ng lungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nagulat ako na makita na may pasa siya sa kanyang mukha. Doon ko narealize na ang kalaban ni Taki kanina ay si Jarvis pala.“Pwede mo bang ipaliwanag sa akin ang nangyayari ngayon, Taki?” mahinang bulong ko sa kanya.Gusto ko kasi maintindihan kung bakit nag away ang dalawang ito.Pero mahabang katahimikan ang lumipas pero wala akong sagot na nakuha mula kay Taki. Nilingon ko siya pero umiwas lamang siya ng tingin.Sa inaasal niya ay mukhang hindi siya mag sasalita kahit anong pilit ko.Huminga ako nang malalim at humarap kay Kuya Rei. “Kuya Rei?”Tinititigan niya lang ako at napailing. “Baby B, mas mabuting umuwi na tayo para makapagpahinga kana.”Iniba niya ang usapan. Doon ako naging aware na ayaw nilang pag usapan ito. Palipat lipat
Bella’s POV “Sila pa rin?” sersoyong tanong niya sa akin. Marahil tinatanong niya sa akin kung parehong grupo ang nakalaban namin noon. Marahas akong napabuntong hininga. “Yes.” Nakita kong napahigpit ang hawak ni Jarvis sa manibela. Ramdam ko ang kanyang galit ngayon. Ipinokus ko na lamang ang aking mga mata sa daan at nagsalita. “Kapag naligaw na natin sila ay pwede kanang bumaba.” “Sa palagay mo hahayaan kitang harapin ito mag isa?” wika niya na nakapagpabilis ng tibok ng puso ko. “Jarvis—“ “Freak,” sabi niya. “Huh?” naguguluhang saad ko. “Iyon ang madalas na itawag mo sa akin ‘di ba?” sabi niya at sumulyap pa siya sa akin. Tila may bumura sa aking lalamunan na magtama ang aming mga mata. Umiwas ako ng tingin. “Bella?” “Uhmm…” sabi ko habang nakapokus ang mga mata ko sa daan. “Bella, I’m sorry,” garalgal na wika niya na kinalingon ko. Isang
Taki's POVShit! Hindi maganda ang kutob ko na mag usap kami ni Bella."Nasaan daw si Bella?" tanong sa akin ni Rei."Hindi ko alam," saad ko habang nakafocus ako sa aking cellphone. Pagkatapos ko magsend ng message ay agad na tinawagan ko si Natsume.Tatlong ring ang aking narinig bago sagutin ito ni Natsume."Natsume!""What?""I need you to locate that number, ASAP!""Sure. Hold on."Ilang minuto ang lumipas ay nari
Jarvis' POV Kinakabahan ako ngayon dahil ito ang araw na pinakakahintay ko─ namin. Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong hininga. "Bakit ang tagal niya?" kinakabahan na tanong ko sa aking sarili na may biglang tumapik sa akin. Nilingon ko iyon. Isang lalaki na naka itim na tuxedo na nakangiti na walang iba kundi si Kier. "Nervous?" mapanudyong tanong niya sa akin. "Of course, lalo akong kinakabahan da
Lara Melissa’s POVPumikit ako para kalmahin ang aking sarili. Hindi ko kakayanin kung pati si Jarvis ang mawawala sa amin. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Sa kabilang banda naman, hindi ko pa rin matanggap ang pagkamatay ni Bella. Hindi ko alam kung saan ba ako nagkamali at nagkulang? Dahil sa huli ay hindi ko pa rin siya naprotektahan.“Beauty, nandito na tayo,” sabi niya. Nandito kami ngayon sa cemetery upang saksihan ang libing ni Bella.Hindi ko siya pinansin at pilit kinakalma ang sarili.“Are you okay?” marahan na tanong niya sa akin. Sa kanyang tono ay maririnig ang kanyang pag aalala. Nagmulat ako at tipid na ngumiti. "I'm okay." "Are you sure?" paninigurado niya sa akin. "Gusto mo bang magpahinga muna?" "Okay lang ako. Huwag kang mag alala," paninigurado ko sa kanya. "Mas makakabuti siguro kung dito kana lang sa loob ng kotse at magpahinga, Lara," seryosong wika niya. "Alam ko na so
Jarvis' POVMasakit ang buong katawan ko. Nanghihina na tinignan ko sila pero wala sa kanila isa man ang gustong sumagot sa aking tanong. Hindi ko mawari pero bigla ako kinabahan dahil sa pinapakita nila."Inuulit ko. Nasaan si Bella?" nanghihina na tanong ko sa kanila."Jarvis--""She's dead." Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Taki na nasa bungad ng pinto na tila kanina pa nakikinig sa amin. Puno ng kaseryosohan ang mababasa mo sa kanyang mukha."Ano'ng sabi mo?" tanong ko sa kanya."Wala na si Bella. Iniwan na niya tayo at kasalanan mo iyon," pigil sa galit na sambit niya."Kier!" galit na suway ni Ate Pam sa kanya. "Will you stop it?!""What? Totoo naman ang sinabi ko na siya ang dahilan kaya namatay si Bella!!!" malakas na sigaw niya."Get out!" nagtitimping saad ni Pamela sa kanya. "Ah... nakalimutan ko pala na ang kapatid mo la
Jarvis' POVLong time ago, I met my life, my destiny... my one and only Bella."Ano ba magandang panoorin sa sine kapag magde-date kayo ng girlfriend niyo?" tanong ni Trace sa amin.Lahat nang ginagawa namin ay napatigil sa biglang pagtatanong ni Trace. Ang ilan pa sa amin ay napanganga."Wow! Insan, ikaw ba 'yan?" sabay akbay ni Jace kay Trace."Bitiwan mo nga ako," seryosong saad niya."Ayaw ko nga! I will give you an advice. Ganito lang isipin mo insan, kapag manonood kayo ng sine ng girlfriend mo dapat ay horror movie.""Horror movie?" kunot-noong tanong ni Trace."Yes. Dahil kapag natakot siya ay bigla ka niyang yayakapin o di kaya hawakan sa kamay. Oh ‘di ba? Naka-jackpot ka na agad.""What? Are you kidding me, Jace?" inis na tumayo si Trace at iniwan kaming l
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu