Jarvis' POV
Long time ago, I met my life, my destiny... my one and only Bella.
"Ano ba magandang panoorin sa sine kapag magde-date kayo ng girlfriend niyo?" tanong ni Trace sa amin.
Lahat nang ginagawa namin ay napatigil sa biglang pagtatanong ni Trace. Ang ilan pa sa amin ay napanganga.
"Wow! Insan, ikaw ba 'yan?" sabay akbay ni Jace kay Trace.
"Bitiwan mo nga ako," seryosong saad niya.
"Ayaw ko nga! I will give you an advice. Ganito lang isipin mo insan, kapag manonood kayo ng sine ng girlfriend mo dapat ay horror movie."
"Horror movie?" kunot-noong tanong ni Trace.
"Yes. Dahil kapag natakot siya ay bigla ka niyang yayakapin o di kaya hawakan sa kamay. Oh ‘di ba? Naka-jackpot ka na agad."
"What? Are you kidding me, Jace?" inis na tumayo si Trace at iniwan kaming l
Ninoy Aquino International AirportJarvis’ POVMasaya si Ate Pam na malaman niya na babalik na ako ng Pilipinas. Humingi ako ng tawad sa problemang dala ko sa loob ng dalawang taon. Paglapag ng private plane namin ay mabilis ang bawat hakbang ko palabas. Nagtaka ako kung bakit maraming security guard ang naghihintay sa akin."What is happening?" tanong ko sa kanila."Sir maraming reporters ang naghihintay po sa labas. Kailangan namin masigurado ang kaligtasan niyo.""What?" gulat na tanong ko. Paano nila nalaman na parating ako?Pinalibutan ako ng mga security guard palabas ng airport at dahil wala akong choice ay tahimik akong sumunod sa kanila. Halos wala na akong makita dahil sa daming flash na sumalubong sa akin."Mr. Fortalejo, ano ang masasabi niyo na ikaw na ngayon ang may hawak na malaking
After One WeekJarvis’ POVNasa mansion ako ngayon para basahin ang mga reports mula sa company. Sa loob ng isang linggo ay inilibot ako ng corporate lawyer namin sa buong company na malapit ko nang pamahalaan. At isang linggo na rin akong hindi bumabalik sa cemetery. Dahil ang totoo ay wala pa rin akong lakas na loob para harapin si Bella. Isang katok ang narinig ko na nakapagpatigil sa mga iniisip ko."Come in.""K-Kuya Jarvis."Napangiti ako na makita ko si Princess na nasa bungad ng pinto at tila nagdadalawang isip kung papasok ba siya."Yes, Princess?""Kuya... Nasa baba sila Kuya Rain at gusto ka nilang makausap---""Sabihin mo busy ako," walang emosyon na sabi ko."Pero Kuya Jarvis---""Princess!"Pareho kaming
Jarvis' POV Napabuntong-hininga ako at nilapitan ko siya. "Princess," at niyakap ko siya. Dahil doon ay lalo siyang humagulgol. "Stop crying," sabay haplos ko sa kanyang likod. Hindi pa rin siya tumigil sa pag-iyak. "Alam mo ba na ito ang pangalawang beses na nakita kitang umiiyak. Ang unang beses ay noong naghiwalay kayo ni Jace," nakangiting kuwento ko sa kanya. Dahil doon ay napatigil siya sa pag-iyak at nagtataka na tumingin sa akin. "H-How?" Ngumiti ako sa kanya. "Nagulat ka ba?" tanong ko sa kanya. Lihim kasi ang kanilang relasyon noon pero hindi iyon matatago sa akin. Marahan siyang tumango na kinangiti ko. Pinahid ko ang kanyang mga luha habang nagkukuwento. "Kapatid kita at alam ko kung kailan ka nasasaktan. Hindi mo ba alam na muntik ko na mapatay ang g*gong iyon. Pasalamat siya dahil may natitira pa akong awa sa kanya. So please, stop crying, Princess. Ayaw kong nakikita na
Jessica's POVNapaaga ang uwi ko dahil may meeting ang mga teacher para sa nalalapit na graduation namin. Nagkakayayaan rin ang mga classmate ko na kumain sa labas dahil hindi na kami magkikita-kita ay sumama na lang din ako sa kanila.Ang restaurant na napili nila ay malapit lamang sa Red Dragon University, ang school kung saan nag-aaral ang brother ko. Tinawagan ko naman si Kuya Nathe kanina na sabay na kaming umuwi, kaya susunduin ko siya ngayon sa school niya.Kaya heto naglalakad ako patungo sa Red Dragon University habang nagbabasa ng libro.Mabuti na lang pwede akong pumasok sa school nila. Sa next na pasukan dito na ako
Jessica's POVHuminga ako nang malalim at tinahak ko ang daan papunta sa Business Building na kung saan ang classroom ni Princess. Nalaman ko sa registrar na business course ang kinukuha niya. Mabuti na lamang mabait ang nakausap kong staff at binigay niya sa akin ang info tungkol kay Princess Fortalejo.Room B101?Malapit na ako sa classroom ni Princess na may napansin akong lalaki na nakasandig sa dingding na may nakalambitin na babae sa kanya. Halos ipagduldulan ng babaeng iyon ang kanyang boobs sa katawan ng lalaki.Hindi na nahiya!Inalis ko ang tingi
Heaven's BarSelena's POVAlam ko na below the belt ang mga binitiwang salita ko kay Bella. Gusto kong magsisi pero kailangan ko ito panindigan para maprotektahan silang dalawa ni Jarvis. Kailangan ni Bella makabalik ng Japan para sa kaligtasan ni Jarvis.Two years ago, I turned out to be the villain. Hindi ko itatanggi na ginagawa ko ito dahil sa inggit at paghihiganti. Pero nagising ako sa katangahan ko na mawala ang lahat sa akin.Una, si Dash Lorenzo. Ang lalaking minahal ako. Pinaramdam niya na mahalaga ako sa buhay niya. Kahit pa magsinungaling ako ay hindi niya ako iiwan. Buhay man ang kapalit niyon.
Jarvis’ POVItinigil ko ang ang aking sasakyan sa tapat ng RDU. Matagal na akong hindi tumatapak dito at gusto ko maglibot kahit sa saglit lang, bago ako pumunta sa office para sa training ko at isang buwan na lang magpapasukan na. Gusto kong damhin ang lahat ng alaala na kasama ko si Bella.Una ko pinuntahan ang lugar kung saan kami unang nagkita. Naalala ko pa ang matapang na babae na kumalaban sa akin at ang titig na nakapagpainit ng ulo ko.Ang sunod ko naman pinuntahan ang classroom kung saan nagsimula ang declaration of war naming dalawa. Doon pa lang ay napahanga na ako sa kanya, katulad siya ng mga ate ko na hindi ko mapapasunod.
Jarvis’ POVPaghinto ng kotse ko sa tapat ng mansion namin, nakita ko na may BMW na nakaparada. Mukhang may bisita yata kami. Bumaba ako ng koste at mabilis na pumunta sa side para pagbuksan si Ate Pamela ng pinto. Humihikab na bumaba siya.Humarap siya sa akin. “I’m sorry,” wika niya.Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "No worries, Ate Pam."Alam ko naman na hindi iyon intensiyon ni Ate Pam na mabanggit niya ang pangalan ni Bella. Akalain nga naman na kapangalan niya pa ang babaeng mahal ko. Ngayon ko lang din nalaman na may pinsan ang kambal na Echizen.Be
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu