Jarvis' POV
"Ano'ng balita?" tanong ko kay Rain na nasa kabilang linya.
"Kumikilos na ang Red Phoenix Gang, Emp. At sa tingin ko mukhang hindi nagugustuhan ni Kier ang mga nangyayari. Napatunayan ko iyon na magkita kaming dalawa kanina. By the way, gusto ka niyang makausap."
Hindi ako umimik na marinig ko ang pangalan na dati kong kaibigan.
"Hello, Jarvis?"
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang aking sarili. "Ano ang kailangan niya?"
"Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang kailangan niya basta ang sinabi niya lang kapag ready kana kausapin siya ay magkita kayo sa dati niyong tagpuan."
Jarvis' POVNapatingin ako bigla kay Bella nang magsalita siya. Napansin ko rin na kanina pa seryoso ang kanyang mukha lalo na sa mga bagong dating. Mukhang kilala niya ang mga ito.Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako na nauna siyang sumugod sa kanila at kasabay noon ang pagsugod ng lahat sa kanya. Hindi ako makahuma na makita ko siya kung paano makipaglaban sa lahat. Isang minuto pa lang ang lumipas pero lima na ang kanyang napatumba gamit ang kanyang kamao lamang.Habang pinapanood ko siya isa lang ang tumatak sa isip ko na ang babae na nasa harap ko ay walang iba kundi si Black Butterfly, ang kinatatakutan na gangster sa Japan. Ganunpaman, hindi pa rin mawala ang pamilyar na damdamin ko... sa babaeng minahal ko...kay Bella Uy.Nagulat ako na bigla na lam
Jarvis' POV"Then kill me," walang gana kong sabi sa kanya.Tinignan ko siya ng diretso sa kanyang mga mata upang malaman niya na seryoso ako sa sinabi ko."Hindi ako sanay na makita kang ganyan," at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hindi ko akalain na makikita ko ang iyong kahinaan.""Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Collumn!" inis na wika ko.Ibinaba niya ang hawak na baril at napansin ko ang pagkaseryoso ng kanyang mukha. Naglakad siya patungo sa akin at tinapik ang aking balikat. "Okay lang iyan, Jarvis."Hindi ko maintindihan ang taong ito."Hindi ka
Tokyo, Japan (Cemetery)Jarvis' POV"Oh hindi kana nakapagsalita riyan?" pukaw sa akin ni Dmitri. "Nagulat ka ba kung bakit tayo nandito?"Hindi ako umimik sa tanong niya dahil iyon naman ang totoo."Alam ko na hindi ka pa ulit nakakapunta dito kaya bago natin simulan ang mission ko ay mas mabuting dalawin natinsiya. Matagal kana niyang hinihintay, Jarvis."Naikuyom ko ang aking kamao na marinig ko iyon sa kanya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Nandito kami ngayon kung nasaan nakalibing si Dash. Hindi ako kailanman dumalaw sa kanya dahil ang buo kong atensiyon ay sa paghahanap sa taong pumatay sa kanya. Gusto ko kapag dumalaw na ako sa kanya ay iyon ang araw nakamit na namin ang hustisya.
Jarvis' POVNang mag aya ako ng uwi ay hinatid ako ni Dimitri sa hotel na pag aari ng pamilya ko. Pagkatapos ay umalis siya at hindi ko na alam kung saan na siya nagpunta. Basta ang natatandaan ko ay may importante siyang aasikasuhin.Dahil wala akong magawa ay nagpasya akong lumabas at mag ikot sa Tokyo. Pumasok ako sa isang kilalang bar dahil gusto kong uminom para pakalmahin ang aking sarili."Good evening," nakangiting wika ng isang Japanese hostess.Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad daretso sa isang counter at umupo roon."One whisky, please..." order ko sa bartender.Ngumiti lang siya at mabilis na binigyan niya ako. Inisang lagok ko ito
PhilippinesBella's POV"Where are you going?"Nakangiting nilingon ko si Taki. "Sa RDU. Gusto kasi nila Princess na magkita kami ngayon. Alam mo na para maka bonding ko sila bago ako bumalik ng Japan," masayang saad ko."Mukhang hindi na talaga magbabago ang isip mo, Bella," mahinahong sabi niya.Napabuntong-hininga ako na marinig ko ang kanyang sinabi. "Hmmm... Alam mo kung bakit, Taki. Malungkot mang isipin ay hindi na talaga magbabago ang desisyon ko na umuwi ng Japan.""Dahil ba sa banta ni Selena kaya mo itong ginagawa?" seryosong tanong niya sa akin.Napahinto ako sa pagsusuklay
Jarvis' POVNanginginig ang aking kamay na marinig ko ang mga sinabi ni Ate Lara. Hindi ako makapaniwala... "Ate Lara─""Pakinggan mo muna ako, Jarvis," hirap na hirap na wika niya.Hindi ako umimik at pinakinggan ang sunod na sinabi niya."Nalaman ni Dash na si Selena ay isang miyembero ng Queens. Ang Queens ay isang organization sa underworld at pinamumunuan ng tatlong babae. Jarvis kung nakita mo ang larawan na binigay ni Ayame, sila ang tinutukoy ko.""Kung ganoon bakit mo sila kasama?" halos na pabulong na tanong ko sa kanya. "Huwag mong sabihin...""Oo. Tama ka, Jarvis na dati akong kasapi ng Queens pero
Red Dragon UniversityBella's POVIlang minuto ang lumipas ay nakita ko na si Reus na naglalakad patungo sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. Nakita ko na lang si Ellen sa likuran niya na nakayuko habang naglalakad. Sa napapansin ko ay hindi siya okay."Let's go, Bella," sabi ni Reus at daretsong pumasok sa loob ng kotse.Napakagat ako sa aking labi sa inis ay nagbingibingihan sa sinabi ni Reus. Tumakbo ako sa kinaroroonan ni Ellen. "Ellen," malumanay kong saad.Naiiyak na tumingin siya sa akin at dahil doon tila nawalan ako ng lakas ng loob para tanungin siya kung ano nangyari sa kanila ni Reus.
Heaven's BarBella’s POVHindi talaga ako makapaniwala na narito sila.Akala ko kasi ayaw na nila ako makita. Mukhang nahalata naman ni Princess ang pagkagulat ko kaya naman lumapit siya sa akin.Tumikhim muna siya at masayang hinarap ako. Pagkatapos ay ibinigay niya sa akin ang isang bouquet at bumulong. "Okay naman sa iyo na nandito sila 'di ba?""Oo naman," mabilis kong sabi. "The more the merrier,” nakangiting sabi ko."Good!" masayang wika ni Princess. "Huwag kang ma-tense, Bella. Relax lang. Nalaman kasi nila na farewell party mo ito kaya naman ay sumama sila sa amin ngayon," bulong niya sa akin at sabay halik sa pisngi."Maiwan na kita rito, Bella. Doon lang ako sa sulok," sabi naman sa akin ni Reus.Doon ko bigla naalala si Reus. Tinignan ko ang buong paligid at hindi ko maiwasang mapangiwi na makitang masama ang tingin nila Rain kay Reus. "Okay, Reus," tipid na sagot ko
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu