Jessica's POV
"Meeting adjourn," wika ko sa mga members ko.
Lahat sila ay lumabas ng student council room. Nanghihina akong umupo sa swivel chair ko. Nakakapagod ang trabaho ng Student Council President. Kailangan ko pang mag-isip kung anong gagawin ko para sa Foundation Day namin. Nagbigay kasi ang Head Mistress ng kautusan na pure charity ang mangyari sa Foundation Day.
Kailangang makaipon kami ng pondo na para sa charity nang hindi nanghihingi kundi pinaghihirapan. Nakakatuwang isipin na ang Head Mistress ng RDU ay may ganyang puso para sa kawanggawa, kahit ako ay sang ayon sa kautusan niya. Paano nga ba kami makakakolekta ng malaking halaga?
Biglang may kumatok sa pintuan.
"Come in," malakas na sigaw ko.
Pagkabukas ng pinto, nakita ko ang mga girlfriends na pumasok sa room at may dala silang pagkain.
"Alam namin na hindi ka pa kumakain kaya ito, dinalhan ka na namin ng lunch mo," nakangiting sabi ni Princess.
Foundation Day Jessica's POV Auction day na, nagulat ako dahil napuno ang convention hall ng school. Marami pang tao sa labas na gustong pumasok. Pagtingin ko sa orasan ay nakita kong alas-otso na ng gabi. Kailangan na namin itong simulan, kumpleto na ang mga participants. Pinalagyan na lang namin ng mga upuan at number ang mga bidder mula sa labas ng hall. Mayroong total na 1,048 bidders na nakaregister, nagpalagay na rin kami ng monitor sa labas ng hall at mga staff para ma-accomodate ang mga tao na naroroon. "Good evening, ladies and gentlemen," bati ko sa mga taong sumadya sa convention hall para sa aming date-for-a-cause. "Wooohh!" "The auc
Bella's POVKababalik lang namin ni Jarvis galing Isla Emperor. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta ang alam ko lang, nang makatanggap siya ng tawag ay agad na nag-iba ang direksyon na aming pupuntahan."Saan tayo pupunta?" takang tanong ko."Nag-aya sila Trace na magkarera," nae-excite na wika niya.Napangiti na lamang ako dahil kahit ako ay na-excite sa sinabi niya. Matagal-tagal na akong hindi nakakanood ng karera. Matapos ang mahabang madilim na kalsada ay natanaw ko na ang race field.Agad kaming bumaba at nakuha namin ang atensyon ng lahat. Napatingin ako sa paligid ko at aware ako sa matatalim na tinging ipinupukol sa akin ng mga babaeng nandito ngayon
Black and White AcademyBella's POV"Sh*t!" Hindi ko alam kung ilang beses ko nang namumura ang sarili ko. It's Sunday morning at nagulat ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Ms. Lara. Humihingi siya ng pabor, puwede raw bang ako ang maging coach sa volleyball at basketball ng mga high school students. Gusto ko sana siyang tanggihan dahil nga may date kami ni Freak.Matapos ang huling date namin ni Jarvis sa Isla Emperor ay hindi na naulit iyon dahil nga naging busy rin ako at ganoon din siya. Lagi silang may meeting sa headquarters ng Black Dragon Gang at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Mabuti na lang at tuwing lunch ay sabay kami ni Bf kumain.Ang ikinakainis ko ay hindi man lang ako b
The Next DayBella's POVAlas-kuwatro na ng hapon at nakapangalumbaba lamang ako. Kaninang ala-una pa dapat nagsimula ang klase ko pero wala pa ring dumarating ni isa sa mga estudyante ko. 'Di ko alam kung magiging effective ang way ko. Inaantok na ako sa kakahintay."Miss Bella..." Napaangat ako bigla ng tingin nang may tumawag sa akin."Yuri!" Napatayo ako nang makita ko siya.Ngumiti siya nang marahan. "Pasensya na po kung ngayon lang ako dumating, may inutos pa po kasi yung isang prof ko sa akin," nahihiyang sabi niya."It's okay," nakangiting saad ko.
Bella's POVThis is it. Tournament na! Pang umaga ang laro ng volleyball and as expected, nanalo ang mga estudyante ko. Ngayong hapon naman ay magsisimula na ang laban ng basketball. Hindi pa rin umuuwi sila Jarvis dahil manonood sila ng game.Katabi ko si Jarvis samantalang ang mga kaibigan naman niya ay nasa likuran namin. Ang mga Girlfriends naman ay nasa baba na masayang nagkukuwentuhan at ang kambal kong pinsan ay katabi ko. Lahat sila ay naka-cap at naka-sunglasses maliban na nga lang kay Jarvis dahil ayon sa kanila ay mahirap na raw na pagkaguluhan sila doon."Bf, thank you pala," nakangiting sabi ko.Tumingin siya sa akin at gumanti siya ng ngiti. "Kung para sa'yo, wala iyon."
SaturdayBella's POVIto ang araw na ini-invite ako ni Vix, huminto ang sinasakyan ko sa isang malaking mansiyon. Huminga muna ako nang malalim bago ako bumaba sa sasakyan. So, nandito ang huli kong pagsubok. Hinahanap ko ang door bell pero hindi ko ito makita. Saan nakalagay iyon?Napatalon ako sa gulat nang may magsalita. "Welcome."Biglang bumukas ang malaking gate na ikinagulat ko, paghakbang ko sa loob ay agad na may bumungad na shuriken. Pagtingin ko sa taas ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot na pang-ninja. Hindi pa ako nakakahakbang ay naramdaman kong may paparating sa akin. Napakaraming shuriken mula sa mga ninjang nakapalibot sa buong lugar. Hindi ko napansing marami pala sila, magaling silang magtago, hindi mo talaga aakalain na
Bella's POVNagulat ako nang bigyan ako ni Victoria ng red wine. Hindi ko alam kung para saan ito pero ang bottomline, tinanggap ko pa rin ito. Tiningnan niya ako nang diretso sa aking mga mata. "Do you trust me?"Nagulat ako sa tanong niya at hindi ako makasagot.Napangiti siya ng marahan. "What if 'yang ibinigay ko sa iyo ay may lason? Will you drink it?"Napatitig ako sa kanya nang matagal bago akong sumagot. "Of course, I trust you." Ininom ko ang wine at kitang-kita ko kung paano napalis ang ngiti sa kanyang labi. Maya-maya pa'y nakaramdam ako nang pagkahilo. Ganoon ba katapang ang wine na iyon?"I never thought you're so easy to fool," mapanganib niyang wika.
Leifr's POVMabilis ang mga hakbang ko palabas ng mansion ni Victoria, nagbingi-bingihan ako sa babala ni Loki."If you give up, the game is already over,"bulong ko sa hangin."Young Master?"Nilingon ko ang tumawag sa akin. "What?""May sinasabi po ba kayo?"Napailing na lang ako. Maya-maya'y nagulat na lamang kami nang bigla nagsulputan ang mga ninja sa harap namin."Hindi kayo makakalabas ng buhay dito, Master Leifr," sabi ng isang ninja. Siya siguro ang pinaka-leader nila.Inilabas ng mga tauhan ko ang mga baril nila. "Young Master, ano'ng
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu