Bella’s POVMarahan akong ngumiti at tumingin sa mga mata ni Jarvis. “I always love you, Freak.”Tinititigan niya ako tila kinakabisado ang aking mukha. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagbabalat ng apple kaya lang nagulat ako sa ginawa niya.Naramdaman ko na lamang na yumuko siya sa akin at sabay hinawakan ang aking batok. Napasinghap ako na maramdaman ko ang kuryente na dumaloy sa buo kong katawan ko. “J-Jar—“Napatigil ako sa aking pagsasalita na naramdaman ko ang labi niya sa aking labi. Dahil doon ay nabitawan ko ang hawak kong apple at kutsilyo dahil nilagay ko ang dalawa kong kamay sa batok niya.Naramdaman ko ang pagngiti niya sa pagitan ng aming halikan.Jarvis kissed me passionately. Tinugon ko ang bawat na matamis niyang halik at buong puso na nagpaubaya sa kanya.Sobrang namiss ko siya.Bumalik sa aking isipan ang lahat ng alaala kung paano ako mahalin at alagaan ni Jarvis.Sa mahabang panahon na lumipas ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya.Naramdaman ko na humiwal
Bella’s POV“Ikaw, Bella? Ano ang gusto mo?” tanong naman sa akin ni Princess.“Ah? Iced americano na rin,” nakangiting turan ko.Tumango siya at iniwan na niya kaming dalawa ni Lara.“How’s everything, Bella?” tanong ni Lara sa akin.Sinulyapan ko siya at ngumiti. “I’m good, Lara.”“Kailan ka pa nakakaalala?” tanong niya sa akin.Sumeryoso ako na marinig ko iyon. “Matagal na. Siguro noong huling gabi namin ni Jarvis sa Isla Emperor,” malumanay kong saad.Tumango siya. “Matagal mo na palang inilihim ang totoong kalagayan mo. Ano ang nakapagpabago ng desisyon mo? Bakit sinabi mo na ang totoo nagayon?”Huminga ako nang malalim at napatingin kay Jarvis na seryoso pa ring nakikipag usap kay Collumn. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at tinignan si Lara na naghihintay sa aking sagot. “Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Jarvis ay natakot ako. Natakot ako anumang oras ay mawala siya sa akin. Hindi ko na kinaya at pinuntahan ko siya rito. Nag usap kami at nagkaintindihan.”Napalabi ako bago mu
Bella’s POV“Hindi ko gusto ang tanong mo sa akin, Selena,” prangkang sabi ko sa kanya.Napailing naman siya. “Wala akong masamang ibig sabihin doon, Bella. Ang akin lang ay sigurado kana ba na makipag relasyon kay Jarvis ulit?” mahinahon na tanong wika niya. “Oo,” mabilis na sagot ko.“Sigurado kana ba?” tanong niya sa akin ulit.Medyo napataas na ang aking kilay sa tanong niya ulit. “Get straight to the point, Selena,” naiinis kong saad.“Ang gusto ko lang naman iklaro ay hindi kaya mapahamak sila. Isipin mo, kapag nalaman ni Tres na may relasyon na ulit kayo ni Jarvis. Gagawa na naman siya ng kabaliwan at idadamay ang lahat ng mahal sa buhay ni Jarvis. Hindi ka niya/kayo patatahimikin. Sigurado ako. Hindi mo naman siguro nakakalimutan kung anong klaseng pagkatao ang meron siya,” mahabang wika niya na dahilan na mapaisip ako sa sinabi niya.Bigla nawala ang inis ko sa kanya at napalitan iyon ng kasiyahan. Dahil naririnig ko sa boses niya ang pag aalala sa aming dalawa ni Jarvis.“I
Bella's POV "Selena!" at dinaluhan ko siya agad. Namumutla siya at pinagwawasin ng labis. Ano ang nangyayari sa kanya? Nilingon ko si Hana na namumutla na rin at sobrang nag aalala para kay Selena. "Hana!” malakas na tawag ko na nagpagising sa kanya.Natatakot na tinignan niya ako. “B-Bella,” “Huwag kang matakot. Tumawag ka ng—“Hindi ko natapos ang aking sasabihin na biglang may nagbuhat kay Selena. Pagtingin ko ay walang iba kundi si Ash lang naman. "S-Sino ka?" nanlalaking mga mata tanong ni Hana. Pinigilan ko si Hana at hinarap si Ash. "Salamat." "Kilala mo siya, Bella?" naguguluhang tanong ni Hana sa akin. Tumango ako sa kanya. Naglakad si Ash patungo sa aking sasakyan. Hindi na ako magtataka kung bakit alam niya. Panigurado ako na hindi pa rin siya tumitigil na magbantay sa akin. Binuksan ko ang pinto ng back seat ng aking sasakyan. Dahan-dahan nilapag ni Ash si Selena roon. Samantalang si Hana ay pumasok sa kabila para alalayan si Selena. Pagsara ni Ash ng pi
Bella's POV"Dash? Dash Lorenzo?" kunot-noong tanong ni Taki sa kanya.Matalim ang mga matang tumingin si Selena kay Taki. "Oo! Madalas na magpakita sa akin si Dash. Nagmamasid lang siya sa malayo."Napakagat ako sa aking labi. Dahil alam ko na posibleng nagsasabi si Selena ng totoo.Hindi umimik si Taki at tahimik na nagkakalikot ng Ipad na hawak niya. "Okay. Thank you, Ms. Brown."Akmang kakausapin ako ni Taki ay biglang nagsalita si Selena ulit."Hindi ka naniniwala sa akin, 'di ba? Iniisip mo na baliw na ako?" tulalang wika niya.Hindi umimik si Taki at hinarap ako. "Maaari ba kitang makausap, Bella," anang ni Taki. Naririnig ko ang kaseryosohan sa kanyang boses.Tahimik na tumango ako.Nauna na siyang naglakad palabas. "Saisuke!" malakas na sigaw ni Selena. "Hindi pa ako nababaliw!""Huminahon ka, Selena," pag aalo ni Hana. Kitang-kita ko ang paghihirap ni Selena at ramdam ko ang labis na kalungkutan ni Hana. Tumingin sa akin si Hana at tila nagmamakaawa siya sa akin. Pikit ma
Bella's POV"What do you mean?" kinakabahan na tanong ko."Dumalaw ka sa kanya noong isang araw," kaswal na sabi niya."Tama ka," mahinang usal ko. "Kumusta kayong dalawa?" pag uulit niya sa akin."Sa tingin ko ay okay naman kaming dalawa, Taki," sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.Hindi ko alam kung gaano na kami katagal na nagkakatitigan. Basta ang alam ko lang ay seryoso siya sa kanyang tanong. Alam ko na gusto niya malaman ang estado ng aming relasyon ni Jarvis. Nakagat ko ang ibabang labi ko na makita kong may dumaan na kalungkutan sa kanyang mga mata. Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan.Tumayo ako upang magpaalam na sa kanya. "Ano-- Mauna na ako, Taki," sabi ko sa kanya.Nakatitig pa rin siya sa akin at hindi ko na mabasa ang kanyang emosyon. "Kailangan ko nang bumalik at samahan si Hana. Alam mo naman siguro ang babaeng iyon," natatawang wika ko.Pero wala akong sagot na nakuha mula kay Taki. Nakatitig pa rin siya sa akin na tila pinag aaralan niya ako."T-Ta
Bella's POV Araw ng linggo ngayon at nakatanggap ako ng tawag mula kay Attira na mamayang gabi gaganapin ang meeting ng Queens. Ang location ay malapit sa airport. Isa itong resort & casino na kilala sa area na iyon. Hindi ko lang inaasahan na pag aari ito ng Queens. Napapahanga na lamang ako. Sa kabilang banda naman ay hindi ako mapalagay. Ano kaya nangyayari sa akin? Sa inis ko ay napabangon ako sa aking kama. Bakit ang boring ng araw na ito? Nawala ang aking iniisip na makita kong tumatawag si Jarvis. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Kalalabas lang ni Jarvis sa hospital at nagpapahinga sa bahay nila. Ang sabi ng doctor ay maari na rin siyang kumilos na normal basta raw huwag lang abusuhin at alalay sa katawan niya. Malaki ang pasasalamat ko na lubusan na siyang magaling. Masaya kong sinagot ang tawag niya. "Hello?" bungad ko sa kanya. "Bella," ani ni Jarvis tila bagong gising siya. "Kagigising mo lang?" marahan na tanong ko sa kanya. "Hindi naman," aniya. "Bakit ka napatawa
Bella’s POVNandito na ako sa tapat ng bahay nila Jarvis. Napangiti ako na maalala ang sinabi niya. “Kita kits na lang tayo, Bella!”Hindi bagay sa kanya magsalita nang ganun. Nakakapanibago at sobrang weird!Napailing na lamang ako sa akin naiisip.Akmang magdodoor bell ako ay bigla bumukas ang gate nila Jarvis na kinagulat ko. Tumabi ako na makita ko papalabas ang isang dilaw na porsche. Huminto ito sa tapat ko at nang ibaba ang salamin ng kotse ay nakita ko si Princess.“Hi, Bella!” masayang bati niya“Hello, Princess…” bati ko naman. Bigla ko naisip ang mga sinabi ni Jarvis sa akin kanina. Ang natatandaan ko na sinabi niya ay kasama niya si Princess sa bahay. Pero bakit paalis na siya ngayon?“Naku, Bella… I really want to chat with you. Nakalimutan ko pala na may date pala kami ni boyfie ko ngayon. Pasensiya na talaga,” nakangiting sabi niya.Pilit na ngumiti ako sa kanya. Itinago ko ang kaba na aking nararamdaman. “It's fine. No worries. Mag iingat ka,” sabay kaway ko sa kany
Bella's POVTulad nang sinabi ni Taki sa akin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Nabalitaan ko na lamang kay Hana na totoo ang gustong gawin ni Taki na magpapakalayo-layo. Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon magsisimula. Sobrang lungkot nga ni Hana na malaman niya iyon.Sumapit ang araw ng linggo. Ito ang araw na gaganapin ang second match namin ni Tres. Maraming tao ang naririto. Noong nakaraang match ay leaders at queens lang ang naroon. Ngayon ay kasama na ang mga members ng Queens.Sobrang daming tao ang gustong manood sa laban na ito. Nasa isang arena kami. May napansin ako sa gitna ng arena na may dalawang upuan at isang mesa ang naroroon. Napapalibutan pa ito ng mga salamin. In short, para siyang malaking cube.Doon yata kami pupuwesto ni Tres mamaya.Nakita ko na lamang na paparating sila Uno. Naupo sa ibabang bahagi ng arena. Tumayo ako para puntahan sila sumunod naman sa akin si Selena at Snow."Hello," bati ko sa queens.Ngumiti si Lara, si Quatro ay tumango naman, si
Rose University Bella's POV Kalalabas ko lamang ng building namin na matanaw ko ang mga girlfriends na naghihintay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti. Noong isang araw kasi nagchat sa akin si Princess at niyaya niya ako na magdate kami kasama ang iba pang girlfriends. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumayag ako. Agad ko rin ininform si Jarvis tungkol dito at pumayag din naman siya. Naalala ko pa nga ang sinabi niya na magiging masaya siya na makasama at makausap ko sila Princess. Hindi kasi namin nagawa iyon nung pinakilala niya ako bilang girlfriend niya dahil umuwi rin kami agad niyon. "Hello!" malakas na sabi ko na kinalingon nilang lahat. "Bella!" sabay takbo nila sa aking at nag group hug kami. Natatawang niyakap ko sila. "Kumusta kayo?" "Namiss ka namin!" masayang saad ni Grace. Tulad ng dati ay wala pa rin si Grace pinagbago, masayahing tao pa rin. "Mabuti naman na pumayag kayong dito na lang magkita-kita sa university ko," sabi ko sa kanila. "Wala nama
Bella's POVBumuntong hininga ako na maalala ang nangyari kagabi. Kitang-kita ko ang pagdurusa ni Taki at kung paano i-comfort ni Hana si Taki.Gusto ko sila lapitan pero alam ko na hindi ako makakatulong baka nga lumala pa lalo. Mapait akong napangiti. "Bella..." tawag sa akin ni Jarvis.Nag angat ako nang tingin upang tignan ko siya pero nagulat ako na may iced americano ang nasa harapan ng mukha ko."Salamat," tipid kong ngiti.Umupo si Jarvis sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa bahay nila, to be more specific ay nasa room kami kung saan pwede kaming mag training at hinihintay ang pagdating nina Rei at Taki. Ngayon kasi ang unang araw ng training ko sa kanilang apat tatlo."Iniisip mo pa rin ba si Kier?" tanong niya sa akin.Huminto ako sa pag inom ko ng iced americano at napatingin sa kanya. Malungkot akong ngumiti at naramdaman ko na lamang ang pag akbay niya sa akin. Banayad na hinimas niya ang aking braso para i-comfort niya ako. "Huwag kang mag alala, Bella. Sigurado ako na m
Hana's POV Nang talikuran kami ni Taki ay mabilis na hinabol ko siya. "Taki!" malakas kong sigaw. Pero hindi niya ako pinakinggan at patuloy pa rin siyang naglalakad. "Taki! Sandali!" at nadapa ako. Hay... Ang saya nito. Napangiwi ako na maramdaman ang sakit. "Ouch..." naiirita kong sabi. Pagtingin ko sa harapan ay hindi ko na makita si Taki. Kailangan kong habulin si Taki baka kung ano ang gawin niya. Dali-dali akong tumayo pero napaupo ulit na maramdaman ko ang sakit sa aking tuhod nang tignan ko iyon ay doon ko napansin na nagasgasan ito. Hindi ko napigilan na mapaiyak. Ang sakit naman kasi! Nagulat na lamang ako na bigla akong umangat sa ere at nang tignan ko ang gumawa niyon ay walang iba kundi si Taki. "Taki..." sabay tulo ng aking luha. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatitig ako sa gwapo niyang mukha na walang emosyon na mababakasan doon. Para siyang naging manhid. Hindi ako ngulit pa dahil alam ko na ang gusto ni Taki ngayon ay katahimika
Bella's POV Masasabi ko na naging successful ang family dinner namin na kasama si Jarvis. Pagkatapos kasi ng dinner namin ay niyaya ni Dad si Jarvis na mag usap sa kanyang office. Hindi ko na alam kung ano ang pinag usapan nila pero sa tingin ko ay naging okay naman ang relasyon nila nang lumabas sila mula sa office ni Dad. "Kumusta ang pag uusap niyo ni Dad?" tanong ko kay Jarvis. "Hmmm... Masaya," tipid niyang sabi. Napakamot ako sa aking mukha. Ang tipid na sagot niya. "Ano ang pinag usapan niyo?' curious kong tanong. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap niya ako. Nagtatakang tinignan ko siya. "Ikaw," sabi niya. "Ako?" sabay turo ko sa aking sarili. "Oo," saby gulo niya sa buhok ko na kinainis ko. "Freak!" nakabusangot na saad ko. "Ang masasabi ko lang ay mahal na mahal ka ng daddy mo," nakangiting wika niya. "Alam ko," sabi ko sa kanya. "Napaisip nga ako, Bella," sabi niya pa. "Huh? Ano ang naisipan mo?" tanong ko sa kanya. "Kapag nagkaroon tayo ng anak, pwede b
Bella's POV "Nagseselos ka ba kay Taki?" marahan na tanong ko. "Ako? Oo naman," mabilis na sagot niya. "Normal lang naman siguro iyon, Bella." "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Bella... Kalahati ng buhay mo ay kasama mo na si Taki. At masasabi ko na kilalang kilala niyo na ang bawat isa," mahinahong wika niya. "Hmmm.. Totoo ang sinabi mo at hindi ko iyon itatanggi," napapatangong sabi ko. "Pero ang pagmamahal na meron ako kay Taki ay pagmamahal bilang kaibigan lamang." Napatitig sa akin si Jarvis. "Kahit ba minsan ay hindi ka na in love sa kanya?" "Iyong totoo?" sabi ko. "Hindi. Sa iyo ko lang iyon naramdaman, Bf." Naramdaman ko na hinawakan ni Jarvis ang aking mga kamay at marahan na hinalikan iyon. Mahinang napasinghap ako na maramdaman ko ang labi niya sa ibabaw ng kamay ko. "Alam mo bang sobrang sobra ang pasasalamat ko sa Itaas na ibinalik ka Niya sa akin," mahina niyang wika. "Ako rin. Nagpapasalamat ako ng binigyan pa tayo ng second chance," nakangiting wik
Bella’s POV “Ano’ng ginagawa mo rito?!” mariin kong saad sa kanya. Mabilis na tinago ko ang aking butterfly knife. Hindi siya umimik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin. “Umalis kana bago ka pa nila makilala,” sabi ko. “Bella!” tawag sa akin ni Jarvis. Nilingon ko si Jarvis na nagtataka kung bakit hindi pa ako sumusunod sa kanila. “Yumuko ka, Bella,” madiin na wika niya na lalo kong kinaguluhan. Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkairita dahil sa hindi ko siya sinunod. Nagulat na lamang ako na bigla niya akong hinila at niyakap nang mahigpit. Nanlaki ang aking mga mata na makita ko na may baril na siyang hawak at itinutok iyon sa direksiyon nila Jarvis. Nilingon ko sila Jarvis na mabilis na nagtago sa gilid ng mga kotse. Ilang putok pa ang pinakawalan ni Ash, pagkatapos ay hinawakan niya ang aking kamay at tumakbo sa gilid ng mga kotse. Shit! “Ano’ng nangyayari, Ash?” galit na tanong ko sa kanya. “Mga tao ni Tres na nag aabang sa iyo para patayin ka,” kaswal niyang w
Bella's POV "Pinag uusapan natin dito ay ang pagpalit ng isang Queen. Alalahanin mo kung anong responsibilidad ng isang Queen sa atin. Do you think Black Butterfly can handle our organization?" seryosong wika ni Quatro. "Hindi ko ikakaila kung gaano kahusay at kagaling siya. Nasaksihan ko iyon lahat. Pero para sa akin, hindi siya karapat dapat na maging isang Queen. Not now, Uno." Napabuntong hininga si Uno at tumingin kay Tres. "What is your opinion, Tres?" Sinulyapan ni Tres si Uno at nagkatitigan ang dalawa. "Hindi magbabago ang aking desisyon, Uno. I will not accept her," sabay tingin niya sa akin. "Hindi siya karapat dapat na pumalit sa iyo. Hinding-hindi ako papayag!" Lihim ako napangiti na makita kung gaano siya kagalit sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko kung paano siya kabahan. Napatingin sa akin si Snow. Nagkibit balikat lang ako na dahilan na mapailing si Snow sa akin. Mahabang katahimikan ang namayani, walang sino man ang gusto magsalita at hinihintay ang susuno
Bella’s POV “Ano sa palagay mo?” walang gana na balik na tanong ko sa kanya. “Sa palagay ko?” at natawa siya. Tawang nakakainis sa aking pandinig. Nang tumigil siya sa pagtawa ay tinignan niya ako ng diretso sa aking mga mata. “Where is your respect, Black Butterfly?” seryosong sabi niya. Napaunat ako sa aking kinauupuan at medyo lumapit sa kanya. “Black Butterfly is dead,” mahina kong sabi. Pagkatapos ay inilayo ko ang aking sarili sa kanya at seryosong tinignan ko siya. “Kaya mas mabuting huwag na nating pag usapan iyon.” Ngumiti siya. Ngiting hindi maipaliwanag. “Nakalimutan ko na matagal na palang patay si Black Butterfly.” Matapos niyang sabihin iyon ay may hinagis siyang maliit na shuriken sa aking direksiyon. Dahil sa bilis ng shuriken ay hindi ko ito naiwasan agad. Naramdaman ko ng kaonting sakit na nadaplisan ako nito. Tinignan ko ang natamaan na braso ko. Napunit ang mangas ko at nalantad ang aking tattoo. Hindi ko gusto ang ginawa niyang kapahangasan sa akin. Sinu