THIRD PERSON POVBuong magdamag na umiyak si Lorelay at hindi lumabas sa kwarto niya. Hindi niya matanggap na pagkatapos nilang magtalik mag-asawa ay basta nalang siya in iwan nito sa sofa, na walang damit at parang isang lantang gulay.Para bang ang naging dating no'n sa kaniya ay para siyang isang parausahan lamang na pagkatapos makaraos ay basta nalang iniwan.Kumatok si Mr. Shein sa kwarto ni Lorelay. Mugto ang mata nitong bumangon at pinagbuksan ang asawa.Tumambad sa kaniya ang perang nakalahad sa harapan. Kumunot ang noo niya at napatitig sa perang hawak ni Mr. Shein na inaabot sa kaniya."Take this," kung kanina ay nainsulto na siya sa biglang pang-iwan nito sa kaniya, ngayon na inaabutan siya ng pera ng asawa ay mas lalo siyang nainsulto.'Para saan ito? Bayad sa pagpapagamit ko sa katawan ko?' tanong ni Lorelay habang walang buhay na nakatingin sa perang inaabot ng asawa niya sa kaniya."Aanhin ko iyan?" walang buhay na tanong niya kay Mr. Shein."Pamibili mo ng kailangan mo
Hindi ko alam kung hindi niya napapansin ang tensyon sa amin ni Mr. Shein or nagkukunwari lang siyang hindi niya alam. It's out of tune. The lyrics are not in place. Napatingin ako sa sasakyan niya, pabalik kay Richmoon at nakita kong tumango ito.Teka…..Tumulo ang luha ko ng parang may narealize ako sa sinabi ni Rico. My son is here. Lyrico is here and he saw everything. Nakita niya lahat ng nangyari sa amin ng papa niya. Lumingon ako sa sasakyan ni Richmoon, wala akong makita dahil tinted ito ngunit malakas ang pakiramdam ko na nakatingin sa akin ang anak ko. "Wipe your tears, to make it right." Pakantang sabi ni Richmoon at naunang pumasok sa bahay ni Mr. Shein.Pwersahan kong binawi ang kamay ko at pinahiran ang luha ko.Wipe your tears, to make it right. Huwag akong umiyak, para hindi iyon mag-aalala.---------------THIRD PERSON POV"Anong ginagawa niyo dito?" matigas na tanong ni Zee sa dalawang lalaking nasa labas ng bahay niya."We're here to visit my nephews." Si Richmoo
"Oh God! Ang cute ng mga bata!" Hindi pa rin makapaniwala si Richmoon na nakilala niya ang dalawang supling ni Lorelay at Mr. Shein."Kaya nga ganito ako maka react kay Lorelay. She needs the protection the most." Sabi ni Lee at napabuntong hininga sa isang tabi.Natahimik si Richmoon at nagtuloy-tuloy sa pagmamaneho papunta sa bahay ni Mr. Shein.Malayo-layo na sila ni Lee sa bahay ni Zee, nang biglang sabay silang napatalon sa gulat nang may biglang nagsalita sa likuran nila."Malapit na po ba tayo, uncle Rich?"Parang tinakasan ng dugo si Richmoon at Lee nang makita si Rico na nasa likuran at inosenteng nakangiti sa kanila."Putang- I mean, Holy mother!" Hindi makamurang ani ni Lee dahil hindi niya inaasahan ang presensya ni Rico sa likuran nila."Anong ginagawa mo dito? Kailan ka pa dito? Paano ka napunta dito?" sunod-sunod na tanong ni Richmoon sa bata.Umupo si Rico sa upuan at sumandal. "Kanina lang po. I heard uncle Lee na susunduin niyo si mama and I wanted to come so nandito
"What's wrong with you and Lee?" hindi na nakatiis, tinanong na ni Mr. Shein 'yong gumugulo sa isipan niya."Nothing,""That's bullshit. Anong meron at bakit kinampihan niyo siya?" napaigtad si Lorelay sa gulat nang pasigaw na tinanong iyon ng asawa niya."You better calm down, Ho. Pagselosan mo na ang lahat-""I'M NOT JEALOUS!" Galit na sigaw ni Mr. Shein kay Richmoon."Then you're not. Sabi mo e." Puno ng sarkasmo na ani ni Richmoon at nginisihan ito."As I was saying, sa iba mo ituon ang selos mo at huwag sa amin dahil wala kaming intention ni Lee na patusin ang asawa mo. We respected you dahil kapatid na ang turing namin sa 'yo and we respect Lorelay for she is your wife and she's a sister to us."Seryosong sinalubong ni Richmoon ang galit na titig ng kaibigan sa kaniya. Kumuyom ang kamao ni Mr. Shein bago tumayo."You better bring her here before 7 and that's final." Turan nito at pumasok sa kwarto niya.Nang maiwan ang dalawa sa sala, agad na tumayo si Lorelay at lumapit kay Ric
LORELAY POVHinintay ko pang matulog ang dalawang bata. Walang sinabi si Rico kay Sico at mabuti naman dahil mamo-mroblema na ako oras na malaman pa ng isang anak ko ang tungkol sa nakita ni Rico.Si Sico pa naman ang mahirap kontrolin. Kung anong gustong makuha, dapat ay makuha niya.Alas nuebe na. Kinakabahan na rin ako habang binabaybay namin ang daan pabalik sa bahay ni Mr. Shein.Kasama ko si Lee at Richmoon. Nang makarating kami sa loob, sa gate palang nakita ko na ang asawa ko, nakatayo at hiinihintay ako.Dali-dali akong lumabas pero bago pa man ako makatapak sa lupa, hinabilin ni Lee ang annulment.Tumango ako sa kaniya at nagpaalam. Nilabas lang ni Richmoon ang ulo niya para makita si Mr. Shein. "Inuwi na namin, Ho. Sensya, na traffic.""I went to her house but wala kayo doon. Saan kayo? At anong traffic?"Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. We live in the same town, hindi uso ang traffic sa bayan namin.At hindi rin malayo ang bahay niya sa amin. "Sorry, hindi ka na namin
Hindi ko alam kung ilang oras akong nagtagal sa banyo. Itinapis ko lang ang tuwalya at saka lumabas ng banyo.Napatalon ako sa gulat nang makita si Mr. Shein na nakaupo sa kama ko.Sinuyod niya ang kabuuan ko at saka nag-iwas nang tingin..Namumula kong hinigpitan ang paghawak sa tuwalya ko at hindi makatingin sa kaniya ng deritso.Bakit ba ako naiilang? Para namang hindi pa niya nakita ang lahat sa akin."A-Ano... Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na hindi makatingin ng deritso sa kaniya."A-Ano..." sumulyap siya sa akin at nag-iwas ulit nang tingin."I'll get your things. Anong susuotin mo?""Iyong nasa ibabaw ng table-" napatakip ako sa bibig ko. Teka! Bakit ko sinagot?Kinuha niya ang itim na mahabang damit at itim na panty.Nakita ko ang paglunok niya nang mapatitig sa panty ko.Nahihiya ako sa pinaggagawa niya.Humarap siya sa akin at napalunok ako ng wala sa oras nang makitang puro pagnanasa ang naroon sa mga mata niya."Bihisan k-kita,"Sandali akong napanganga. B-Bibihisan n
LORELAY POVKinabukasan, maaga akong nagising. Plano ko sanang magluto para makakain si Mr. Shein ng maaga ngunit nagulat ako nang makita na mas nauna siya sa 'kin magising.Busy na nga siya at kasalukuyang nagluluto sa kusina. May suot na apron sa ibaba at topless sa itaas. Napanganga ako sa gulat at agad na kinusot ng mata to check kung hindi ba ako namamalikmata lamang. Nang makabawi sa gulat ay lumapit ako sa kaniya.Sumulyap siya sa akin, "good morning." Simpleng pagbati niya.Ngumiti pa siya and it's the genuine one I've ever seen mula ng makabalik ako. I blink thrice dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya at nagluluto."Umupo ka na," aniya kaya napaupo rin ako."S-Sorry. Ikaw pa nagluto," mahinang sabi ko. Ngumiti lang siya sa 'kin at tumango. "It's fine," sagot niya.Maya-maya pa ay dumating si Vicente, dala ang envelope na agad niyang ibinigay kay Mr. Shein.Napatitig ako kay Vicente nang makita ang bagong ayos nito sa kaniyang katawan."Ang gwapo mo," mahinang sabi k
Pagkatapos naming kumain, dumiretso agad si Mr. Shein sa sala para daluhan si Vicente. May mahalaga yata silang pag-uusapan kaya naglinis nalang ako ng bahay.Naghatid rin ako ng makakain nila bandang alas dies dahil baka nagugutom na sila."Meryenda muna kayo," sabi ko pagkalapag ng juice at ginawa kong maruya. "Salamat, lady Lay." Ani ni Vicente. Nang tumingin ako kay Mr. Shein, naabutan ko siyang nakatitig sa akin ngunit agad ring nag-iwas nang tingin. Bandang alas onse, dumating si Richmoon. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ako sa labas. Agad siyang lumapit sa akin at sinuri ang buong katawan ko."Teka! Anong ginagawa mo?" nagtataka kong tanong."Hindi ka ba sinaktan ni Ho kahapon? May mga pasa ka ba? Ni rape ka ba? Itutuloy na ba ang annulment?"Bahagya kong naitulak si Richmoon at lumingon sa loob ng bahay."No. Hindi nangyari ang lahat ng iyon. Isa pa, naniniwala ka bang sasaktan niya ako o 'di kaya ay gagahasain?"Napatitig sa akin sandali si Richmoon at na