Share

BANCEO 103

Pinilit ko ang sarili ko na ihakbang ang mga paa ko. Hindi pwedeng hindi. Nasa panganib ang anak ko.

Nang mabawi ko ang ulirat ko mula sa kaba, agad akong tumakbo sa likuran. Nasa loob na si tita, kaya possibleng dumaan sa likuran ang sino mang pumasok sa bahay.

Agad kong kinuha ang hedge shears na nasa garden ng bahay ni Zeym na siyang nadaanan ko. Wala akong madalang kahit na anong armas na panlaban kun’di ito lang.

Hindi ako gaya ni Zeym na magaling sa martial arts at pakikipaglaban. Pero kaya kong protektahan ang anak ko kung kinakailangan.

Kinakabahan ako habang tinatahak ang daanan sa likuran ng bahay.

At nakita ko ang anak ko na nagpupumiglas mula sa lalaking may hawak sa kaniya. Nakatakip ang kamay ng lalaking iyon sa bibig ng anak ko kaya hindi makasigaw si Kua.

Mas lalo akong nagulat na ang inabutan ko kanina ng isang libo ay ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Kung ganoon, siya si principal Ablante?

Ang demonyong nagtangka sa buhay ng anak ko?

“Tahimik!” Galit na sabi niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status