Share

BANCEO 102

Napasama namin si Kua na bumaba sa sala at kumain na rin siya. Kumpara kanina ay hindi na siya nanginginig sa takot ngayon.

Kausap niya ngayon ang lola niya. Marami akong nalaman tungkol sa kaibigan niyang si Hanny. At napagtanto ko rin na ninong ng bata ang principal.

Kung tama ang hinala ko, saka lang lumaki ang issue na ito nang makita ni Kua ang lahat. Mukhang sa kwento niya ay matagal ng biktima itong kaibigan niyang si Hannyke.

“Ah, tita, pwede po bang maiwan ko sandali sa inyo si Kua?”

“Saan ka pupunta?”

“May importante lang po akong pupuntahan,” ang sabi ko.

Kita sa mukha niya na nag-alala siya, si Kua naman ay parang ayaw akong payagang umalis. Nilapitan ko siya at ginulo ang buhok niya.

“Mabilis lang si mama,” sabi ko.

Nang makaalis ako sa bahay, agad akong pumara ng taxi at nagpahatid papunta ng skwelahan. Hindi rin ako mapakali na nasa bahay ako at walang ginagawa.

Panatag naman na ang loob ko na maayos na si Kua at naroon pa si tita.

Pagdating ko sa skwelahan, expected ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status