Nasa likod lang ako ni Diego, nag-aantay sa kanya. Pagkarating namin dito kanina sa isang malaking hall, hindi na ako nakapagsalita kahit tanungin niya ako. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pagkatapos niyang sabihin sa akin na guso niya ako. Pinakilala niya lang ako kanina sa kaibigan niya na may ari nitong venue, ito raw ang gagamitin namin para sa reception place after our wedding. Ang laki nga nito, halatang marami siyang bisita.Tatawagan ko na lang ang mga kakilala ko sa club na pumunta sila sa kasal ko. Ayaw kong makita si Felicia at lalo na si Miss Pim. Hindi ko pa kayang pakisamahan ulit ang dati kong manager."Hi, you must be Diego's soon to be wife?" Bumaling ako sa babaeng tumabi sa akin. Nakasuot ito ng simpleng T-shirt, fitted pants and sandal. Kulay itim ang buhok at sobrang shiny
“Bakit tayo nandito?” tanong ko nang huminto siya sa kanto sa amin. “Ahh, ihahatid mo na nga pala ako. Sige, salamat—” Bababa na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko para pigilan. “Ano?” I asked.“Sasama ako, kukunin na natin ang pamilya mo at sa atin na sila titira.” seryosong sabi niya. Pinigilan ko ang sarili ko at tiningnan siya na may ngiti sa labi ko. Kakalmahan ko lang naman na makipag-usap sa kanya. “Huwag mo nang tangkain na humindi, Janella. Let’s go.”Pumikit ako nang mariin nang una siyang bumaba. Hindi ko na talaga siya kayang pakisamahan minsan, paiba-iba siya sa lahat ng sinasabi niya. Hindi ko naman sinabi na kunin na namin ang pamilya ko at ngayon siya pa rin ang nagdedesisyon.Bumaba
Natapos kaming mag-dramahan ni Nanay kaya lumabas na kami sa kusina at nagtungo sa living room. Nadatnan namin na nakipaglaro si Diego sa mga kapatid ko sa mga cell phone nila. Inilapag namin ni Nanay ang meryenda sa lamesa kaya huminto sila sa ginagawa nila. Tumingin sa akin si Diego. I smiled at him shyly. "Kumain ka muna," sabi ko sa kanya. Umupo naman si nanay sa tabi ni tatay. "Kailan ang exact date ng kasal ninyo ni Janella?" tanong niya. "The wedding will be on May 7," he answered. Umupo muna ako sa tabi niya at pinagsalin siya ng juice. "Thank you." He smiled at me nang kunin niya sa kamay ko. May 7 na pala kami ikakasal. Sigurado na ba talaga ako? "That's good. Is it okay to invite our relatives and some friends?" "Mom—" "Yes, you can invite as many as you want." Bumaling ako kay Diego nang sabihin niya iyon. Malawak namang ngumiti si Nanay dahil nasunod na naman ang gusto niya. Nakakahiya kung maraming pupunta sa side namin lalo na kung mga relatives namin. Hindi laha
Kinabukasan, nagising ako nang hindi alam kung ano ang susuotin kahit na mamayang gabi pa naman ang date namin ni Diego. Banggitin ko pa lang ang salitang date, napapangiwi na ako. Ito ang unang beses na may nag–aya sa akin mag-date at si Diego pa. Nakakahiya na pumayag ako pero mas nakakahiya kung tumanggi rin ako, mas pinili kong pumayag at dahil nagustohan ko rin naman ito. Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko sina Nanay na masayang nakikipag-usap sa mga helpers. Napangiti ako dahil hindi ganito kasaya si Nanay sa tuwing kausap ang mga kaibigan niya sa amin dahil hinuhusgahan siya ng mga ito. Lumapit ako sa kanila. "Magandang araw, Ma'am.” Ngumiti sa akin ang isang helper na bumati sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at bumati. "Ma'am, may kailangan ka ba sa akin ngayon?" Bumaling ako kay Mina nang tumabi siya sa akin at tumabi. Napakunot naman ang noo ko sa biglaang tanong niya. Lumapit siya sa akin at may ibinulong. "Narinig ko si Sir Diego, inya ka mag-date mamaya. Mukhang kaila
Nagtataka ang lahat ng empleyado kay Diego dahil pagpasok pa lang nito sa building ay nakangiti na at binabati ang kahit na sino. Bihira lang niya itong ginagawa, ang ngumiti sa harap ng maraming tao at kinakausap nang masaya. Maraming nagtatanong kung ano ang dahilan kung bakit good mood si Diego. Takot ang karamihan sa kanya dahil ang ugali niya sa company ay ibang-iba sa harap ng mga kaibigan niya, lalo na kay Janella. Hindi ito makausap kahit simpleng bagay lang, kahit din na lalapit ang mga tao sa kanya ay nagdadalawang isip pa ang mga ito dahil sa mukha pa lang ni Diego na laging nakasimangot sa harap nila at kahit malayo pa sa kanila, alam na nilang nakakatakot ang aura nito. Gwapo nga siya pero para itong binalutan ng sama ng loob.“Good morning…huwag mo akong orderan ng pagkain mamaya.” Nagulat ang kanyang secretary na pumunta ito sa kanya at sinabi iyon haba
Hindi makasagot si Diego sa sinabi ni Andrei. Maybe he’s right, hindi naman malalaman ng kahit sino kung sino ang boss ng mafia orgnaization kung walang nakalabas mula sa team nila. Diego is a secret mafia boss of Dark Bloods. Matagal na nilang tinago ang organization na ito sa lahat ng mga tao, kahit sa mga asawa ng mga kasali sa Dark Bloods ay hindi nila pinaalam para sa kaligtasan ng kanilang pamilya. The father of Diego is the original founder of the Dark Bloods since Diego is the eldest, dito niya pinamana at hindi iyon alam ng pamilya ni Diego, tanging siya lang ang nakakaalam na siya ang pinamanahan ng kanyang ama.“We will investigate everyone in our team,” Diego said. Tumango si Andrei at sabay na silang umalis ng kumpanya.Si Andrei ang nagmamaneho, nasa co-pilot naman si Diego at ang Tatlo na
“What the fuck? Bakit naman ako ang pinaghinalaan mo? Nababaliw ka na ba kaya sa akin ka na naman nakatingin.” Lumakad si Andrei papunta sa living room, sinundan nila ito.“Sandali nga Diego, ano bang nangyayari?” tanong ni Fred na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on sa natuklasan.Bumaling sa kanya si Diego pero inbis na sagutin niya si Fred tinanong niya ito. “Anong oras na?” Napakunot ang noo nilang nakatingin kay Diego, iniisip na nga nilang nababaliw na si Diego.“It’s already twelve—”“Damn it!”Nagulat sila nang biglang umalis si Diego at iniwan s
Tumingin muna si Janella kina Mina bago sumunod kay Diego na papunta sa kwarto. Kinakabahan si Janella dahil nakita niya ang hitsura ni Diego na seryoso na para bang may nagawang mali si Janella.‘Did I do something wrong?’ Kianakabahang tanong niya sa sarili.Pumasok na si Diego sa kwarto at bago pabuksan ni Janella ang pintuan, huminga siya nang malalim at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Nakita niya ang likod ni Diego na nakatayo sa harap ng binata niya. Bago pa siya magsalita tiningnan niya muna ang buong nasa loob ni Diego, unang beses niyang pumasok sa kwarto ni Diego kaya mas lalo siyang napahanga dahil malaki ito, kulay light blu ang king size bed and higit sa lahat, kasing laki ito ng living room. Tumingin pa siya sa gilid at nakita niyang may malaking television na may malaking couch din. Nais niya pa sanang t