Good day po. Pasensya na po kung hindi ako makapag-daily update. At sa mga naghihintay, maraming salamat po.
MAGANDA ANG MOOD ni Khaira habang naghihiwa ng mga gulay. Tinulungan niya si Ate Nida para sa kanilang hapunan. She was craving for ginataang gulay with pritong galunggong. 'Sarap!' Biglang nag-init ang kanyang mukha nang maalala na naman ang nangyari sa kanila kagabi ng asawa. Kung hindi niya pa pinaalala rito ang kanilang baby ay mukhang walang balak si Peter na tigilan siya. Pakiramdam niya nga ay nakabaon pa rin hanggang ngayon ang Bazooka nito sa kanyang pagkababae. Bakit ba nagiging mahalay na siya? Ganito ba talaga kapag buntis?"Ay palakang buntis!" Tili niya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Narinig niya pa ang mahinang pagtawa nito na para bang tuwang-tuwa pa na ginulat siya. And she doesn't need to look to know who it is. Ang amoy pa lang nito ay kilalang-kilala na niya. "Did you already see a pregnant frog, hmmm?" malambing nitong tanong habang hinahalikan ang balikat niya na litaw na litaw sa suot niya na off shoulder na dress. At hindi niya alam kung bakit ti
INABALA Na lang ni Khaira ang sarili kaysa mag-ovethink. Walang maidudulot sa kanyang mabuti at sa baby niya ang mag-isip ng kung ano-ano. Napangiti siya nang tingnan ang pinasa na mga picture ng mama niya. Mga litrato ng bawat sulok ng kanilang resort. Unti-unti na nga muling bumabangon ang Dream Paradise. Ito ang dahilan kung bakit siya nauwi sa desisyon na ikasal kay Peter. They needed his name to get a lot of investors. 'Yun ang totoong dahilan kaya pumayag na rin siya. Nang una ang tanging gusto niya ay makakuha lamang ng mag-i-invest o makahiram ng pera pero nang kinausap siya ni Amah at sinabi na hindi sapat 'yun ay doon niya lang naintindihan. Malaking halaga ang kailangan upang makabawi sila. Kung hindi lang nagkasakit si Papa hindi naman sila mamomoblema sa pera. "Senyorita, kanina pa po tumutunog ang cellphone n'yo kaya hinatid ko na po sa inyo," napukaw siya sa sinabi ni Ate Nida na nasa kanyang harapan na at hawak ang cellphone niya na patuloy pa rin sa pagtunog. Kinuh
NAGTATAGIS ANG PANGA ni Peter habang nakatingin sa dalawang taong magkayakap. Talagang sa harap pa ng building kung nasaan ang condo niya. Gustong-gusto na niyang lusubin ang mga ito pero kinakalma niya ang sarili dahil mas makakaagaw pa sila ng eksena.Kanina nang makita niya ang video na sinend sa kanya ni Zena ay wala siyang inaksayang oras para puntahan ang asawa na kasalukuyang nakikipaglandian sa ex-boyfriend nito. Nang dumating siya doon ay tapos na kumain ang dalawa. Parang may hinihintay o gusto pa makasama ang isa't isa kaya naman tinawagan niya na ang asawa at kunwari ay may pinapahatid. Sumasakit ang mga mata niya makita na may kasamang ibang lalaki ang asawa.'Nagseselos ka kasi.' Singit ng isang bahagi ng isip niya."Hindi ako nagseselos! Ayoko lang masira ang pangalan ko!" Depensa niya.Napaayos siya ng tayo nang makitang naghiwalay na ang dalawa at sumakay na ng kotse ang lalaki. 'Nakakainis, kung makangiti parang nanalo sa lotto'Hindi niya akalain na darating siya
DAHAN-DAHAN iminulat ni Khaira ang kanyang mga mata. Puting kisame ang unang sumalubong sa kanya. Inaalala niya ang huling nangyari. At ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya saka inilibot ang tingin. She saw Amah sitting on the couch. She looks like not in herself. Dahil hindi man lang nito namalayan ang kanyang paggising. "A-amah," mahinang tawag niya rito dahil parang wala pa siyang sapat na lakas. Mukhang hindi narinig ni Amah ang pagtawag niya dahil hindi man lang ito tumingin sa gawi niya. Nanatili ang seryosong mukha nito na nakatingin lang ng diretso. "Amah!" Pinalakas niya ang boses sa abot ng kanyang makakaya. And that is when Amah faced her. Mabilis na tumayo si Amah at nilapitan siya. "How are you, iha?" masuyo nitong tanong sabay hawak sa kanyang kanang kamay. "Do you need anything?" tanong muli nito.Umiling siya saka dumako ang tingin sa kanyang tiyan kasabay rin nang paghawak ng kaliwa niyang kamay rito. "Ho-how is my baby?" Hinaplos-haplos pa niya ang tyan. S
IT'S BEEN FIVE years since Khaira left her hometown. And she couldn't believe that she was already home. Hindi niya napigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang paglapag ng eroplanong sinasakyan. Limang taon din ang itinagal nila sa Australia.Matapos mag-announce na pwede nang bumaba at marinig ang 'Welcome to the Philippines' ay mas naramdaman niya ang sarap sa pagbabalik sa lupang sinilangan. "Mommy." Napalingon si Khaira sa katabi nang magsalita ito. Nagising na rin pala ang anak. Yes, she is now a mother of a four years old boy. "How's your sleep, baby?" Malambing niyang tanong. Ayaw niyang makipagsabayan sa mga bumababa. Hindi naman din sila nagmamadali. Oo, excited siya pero makakababa rin naman sila. Kinusot-kusot pa ng anak ang mga mata nito habang humihikab pa. Halatang antok pa. Kapagkuwan ay napadako ang tingin nito sa may labas ng bintana. Kitang-kita niya ang pagtaas ng kilay ng anak. Napailing na lang siya. Apat na taon pa lang ito pero kung umasta parang matand
NAPATIGIL SI PETER NANG may humarang sa kanya na isang batang lalaki na sa tingin niya ay nasa apat o limang taon ang edad. Nakadipa ang mga kamay nito at seryoso ang mukha na nakatingin sa kanya. His eyebrows raised. What the heck is this kid doing? "Daddy, I finally found you," the little kid said when he stopped in front of him. But what makes him stunned is the words that came up from his little mouth. Did he call him dad? Mas lalong tumaas ang kilay niya. Is someone behind this? Kahit ilang babae pa ang ikinama niya ay sigurado siyang gumagamit siya ng proteksyon. Tanging nag-iisang babae lang ang hindi niya ginamitan. But, that's impossible. Limang taon nang wala siyang balita rito. Imbes na pansinin ay nilagpasan niya ang bata. Baka napagkamalan lang siya nito o naglalaro lang. Nasaan ba kasi ang mga magulang nito at hinahayaan na pakalat-kalat ang paslit. Tapos kapag nawala, iiyak-iyak. "Stop, daddy!" Sigaw nito.Huminto naman siya saka dahan-dahan na muling humarap sa bata.
HANGGANG SA MAKATULOG ang anak ay hindi pa rin mawala sa isip ni Khaira ang nangyari kanina sa airport. Coincidence lang ba talaga? Pero bakit naman ang aga? Hindi pa niya nasasabi sa anak ang totoo. Bigla siyang napalingon sa anak na mahimbing ng natutulog. Maging siya ay hindi makapaniwala na mayroon siyang isang Nyra Zhen sa buhay niya. …Nang makasakay sila sa kotse ay tinanong niya ang anak. "Who told you that he's your father?" "But he is," sagot ng anak. "I'm asking you, Nyra Zhen," pinatigas na niya ang boses para malaman ng anak na seryoso na siya. Yumuko ito. "I saw it on your laptop when I opened it. I don't know what it is but I saw his picture. And that moment I know he's my daddy," paliwanag ng anak. Habang si Khaira naman ay napakunot ang noo at inaalala ang sinabi ng anak. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya. Bakit ba kasi in-stalk niya pa ang lalaking 'yun? Naalala na niya ang araw na 'yun. Gusto lang naman niya malaman kung may pamilya na ba ito. O, kay
"DO YOU LIKE HERE?" nakangiting tanong ni Khaira sa anak. Nasa Dream Paradise sila at kasalukuyang inaabangan ang paglubog ng araw. "Yes, mommy! So relaxing." Natawa siya sa sinagot ng anak na itinaas pa ang mga kamay sa ere. Para kasing ang dami-dami na nitong problema at kailangan talaga magpahinga. Ginulo niya ang buhok nito. "Mommy, not my hair," nakangusong reklamo nito."And why?" kunwari ay curious niyang tanong."I'm a big boy—mommy! s-stop messing my hair, mommy. No, mom!" Ang bilis tumayo ng anak matapos niya muling guluhin ang buhok nito saka balak na kilitiin pero mabilis ngang tumakas. Malakas kasi ang kiliti nito sa tagiliran. "Come back here, Nyra. I want to tickle you," natatawa niyang tawag rito. Nakatayo ito hindi kalayuan sa harap niya. Inayos ng anak ang buhok saka namaywang na ikinataas niya ng kilay. "Mommy. I don't like it. I don't want to dance like a worm." Mas lalo siyang natawa sa sinagot ng anak. Dahan-dahan siyang tumayo at kitang-kita niya ang paglaki
"WHERE ARE WE GOING, DADDY?" tanong ni Khairynn Mien kay Peter. Kasalukuyan nitong sinusuklay ang buhok ng kanilang anak. "Daddy, I'm done!" sigaw naman ni Nherynn Pete na nasa bungad ng pinto ng banyo habang nakasuot ng roba at nakapulupot pa ang tuwalya sa buhok nito."Just wait, Nherynn. Let me finish your sister," tugon naman ni Peter habang mas binilisan ang pagsusuklay kay Khairynn."Ouch! Daddy, be careful naman po," maarteng d***g ni Khairynn."Don't move kasi para matapos tayo—""Daddy! I'm so cold na po." Mariing napapikit si Peter kaya naman nailing na lang si Khaira na kanina pa nakasandal sa may hamba ng pinto ng kwarto ng kambal. Yes, she gave birth to twins. Both girls. Not identical pero may pagkakahawig naman. "You wish for it, remember?" Pukaw niya sa asawa na mabilis siyang nilingon. "Thank God you are here." Mabilis siyang niyakap nito na para bang hulog siya ng langit. "Comb Khairynn hair and I will attend to another little brat there," pagkasabi niyon ay ibinig
"Qīzi!" "I'm here, Zhāngfū!" sigaw niya upang marinig siya ng asawa. Kasalukuyan siyang nasa may pool at binabantayan si Nyra. Narito sila ngayon sa mansion. Napagpasyahan niya na rito na tumira dahil nga nandito ang trabaho ng asawa. Humanap sila ng mapagkakatiwalaan para sa resort. Siya pa rin naman ang namamahala rito pero idinadaan niya lang sa online or kung talaga mahalaga ay madali lang naman ang magbiyahe. Habang ang mga magulang naman ay nakakapasyal din naman sa resort. Gusto niyang isama rito pero tumanggi ang mga ito. Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kanyang pisngi kaya nilingon niya ito dahilan para magtama ang kanilang mga labi. "Ang sarap," komento nito matapos maghiwalay ang kanilang mga labi."Iiihhhh. Daddy stop kissing Mommy," boses ni Nyra na nakatingin sa kanila. Natawa na lang siya sa nakasimangot nitong mukha. Ayaw na ayaw kasi nito na hinahalikan siya ni Peter. Baka raw kasi may germs ito at mapunta sa kapatid nito. She is now three months pregnant.
"SULIT NA SULIT, ah." Natawa si Peter sa sinabi ni Arsen. Matapos ang isang linggo pananatili sa isla ay napagdesisyunan na nilang umuwi. Ayaw niya pa sana pero nami-miss na raw ng asawa ang anak at maging siya rin naman. Tutal ay nagkaayos na sila kaya naman pumayag na rin siya na umuwi. "Siguro naman may magandang balita, sa ganda ng ngiti mo," patuloy nitong panunukso. Kakarating lang kasi nila at sinabi ng katulong na nasa resort daw ang mga ito. At nasalubong nga nila si Arsen."Mukhang pati rin naman ikaw, ah. Bakasyon mo?" Tinanggap niya ang man-hug nito. "Daddy! Mommy!" Malakas na sigaw ng anak ang nagpalingon sa kanya sa kinaroroonan nito. Nasa may dagat ito at ngayon ay nagmamadaling tumakbo palapit sa kanila. Tinapik niya ang braso ni Arsen. "Later, bro," paalam niya at sinundan na ang asawa na nauna nang naglakad sa kanya. Agad na yumakap si Nyra kay Khaira nang magtagpo ang dalawa. Sumilay tuloy ang ngiti sa kanyang mga labi. "Nyra!" tawag niya rito. Kumawala ito kay Kha
NAKANGITING pinagmamasdan ni Khaira ang natutulog na asawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na pareho sila ng nararamdaman nito. Mabuti na lang ay talaga pinush niya na mapaamin ang asawa. Kung sakali hindi naman ito umamin o talagang walang nararamdaman para sa kanya ay handa niyang tanggapin. Pero…tama ang hinala niya at narinig na mahal siya nito. Matapos ang mapusok nilang halikan mag-asawa ay ipinaliwanag ni Peter ang tunay na nangyari sa England. Kung paano nito nahuli si Zena sa mga kalokohan nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang heart attack ng daddy nito ay kasinungalingan din pala. Masyado nitong binilog ang isip ng asawa niya. Ang galing talaga nito magpanggap at nagawa pa pala nito na muntik pag-awayin sina Peter at Arsen. Mabuti na lang at sadyang matalino si Arsen o talagang plinano na nito ang bagay na 'yon. She was thankful to him for saving her husband from that bitch. Sorry for her words but she meant it. Masyado nang malaki ang atraso ni Zena sa kanila. At kung s
Seeing her crying made Peter's heart broke into pieces. Ito ang isang bagay na ayaw niyang makita. Ang masaktan ang babaeng pinakamamahal. Naging tanga siya at naging manhid. Pero natuto na siya at umaasa na hindi pa huli ang lahat para sa kanila. "Who is Zena to you, Peter?" muling tanong ni Khaira. He closed his eyes to stop his tears from falling. Kalalaki niyang tao pero heto siya at umiiyak. Pero wala siyang pakialam do'n ang mahalaga sa kanya ngayon ay magkaayos sila ng asawa. Magkalinawan. Muli niyang iminulat ang mga mata at diretsong tumingin sa asawa na nanatiling nakatayo sa harapan niya at basa ng luha ang mga mata nito. Nag-aalala siya dahil buntis ang asawa at ayaw niyang may mangyaring masama rito…pero alam niya na desidido na rin ang asawa na ayusin o alamin kung ano nga ba ang totoong lugar nito sa buhay niya. "Qīzi…tulad ng unang sinabi ko sa 'yo. Zena is just a childhood friend. Malapit na kaibigan, itinuturing kong nakababatang kapatid na babae. Tanging 'yon laman
UMAWANG ang bibig ni Khaira sa sinabi ng asawa. He can really remember her. Akala niya ay hindi na siya nito naaalala. Kung gano'n totoo ang narinig niya nang gabi na 'yon. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito. Hindi niya makaya ang ibinibigay nitong titig sa kanya. "Qīzi," tawag nito. "Akala ko hindi na kita ulit makikita. Pero nagkita tayo sa 26th birthday ko. Ang laki nang ipinagbago mo. You grew up into a fine lady. Pero hindi ako pwede magkamali na ikaw ang nakita ko." Kumunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "I want to talk to you but I heard you introducing Cyrius as your boyfriend…kaya nagdesisyon ako na huwag ka na lang lapitan. Saka hindi rin naman ako sigurado na ikaw nga si butterfly ko. But I did investigate you and I find out that it was really you. I'm happy but at the same time confused. Masaya ka na sa buhay mo at ayoko magulo ka. I let you be." "Then?" She asked unconsciously. Hindi niya alam ang bagay na 'yon. At kung nagkita man sila
MASAYANG KUMAKAIN SI Khaira sa may tent na ginawa ni Peter. Sinabi niya kasi rito na gusto niya sa may dalampasigan kainin ang mga pagkain na pinabili niya. At himala na wala siyang narinig na reklamo bagkus ay nakita niya nga ito na may ginagawang tent."Gusto mo?" tanong niya sa asawa na nakatingin sa kanya habang kinakain niya ang halo-halo na talaga namang sobrang sarap. Muli siyang sumandok sa kutsara at iniumang sa bibig ng asawa. "Tikman mo, super duper sarap." Pero nang akmang isusubo na ng asawa ay mabilis niyang sinubo kaya naman kitang-kita niya ang pag-isang linya ng mga kilay ng asawa na ikinakibit-balikat niya lang."Qizi, are you sure you can eat all of this? Baka sumakit ang tiyan mo dahil halo-halo na ang kinain mo," sabi ni Peter na mas problemado pa sa kanya kung paano niya uubusin ang mga pagkain."Halo-halo naman talaga ang kinakain ko," pamimilosopo niya pa rito saka kumuha naman ng isang turon at isinawsaw sa halo-halo na nilagyan niya ng ice cream. Napangiwi si
MATAPOS MALIGO ay hindi na naabutan ni Khaira si Peter sa may balcony at malinis na rin 'yon. Pinatuyo niya ang buhok habang nakaharap sa salamin. Tipid siyang napangiti nang makita ang itsura. She knows that she's still pretty. Dahil hindi naman niya pinababayaan ang sarili. Pero hindi niya maikakaila na may kulang…kulang ang ningning sa kanyang mga mata at alam niya kung bakit. Dumako ang tingin niya sa kanyang tiyan. May bagong anghel na darating at ayaw niya na lumabas ito na hindi pa sila nakakapag-usap ng asawa ng maayos. Alam niya ang ginagawa ng asawa pero hindi 'yon ang kailangan niya. She wanted to hear those words again that he said when they were in the hospital. Mahirap ba talagang sabihin 'yon? If he really loves her, what's taking him so long to tell her? Action speaks louder than words? Tsk! She needs words to justify the action. Ano ba naman ang ilang letra at kataga? Matapos siyang makapag-ayos ay nagpasya siyang lumabas ng silid. Gusto niya pumunta sa may dalampasi
DAHAN-DAHAN nagmulat ng mga mata si Khaira para lamang biglang mapabangon dahil hindi pamilyar ang kanyang kinamulatan na silid. Mabilis na lumibot ang kanyang mga mata habang ang kanyang dibdib ay nagsisimula nang kumabog nang mabilis. "Where am I?" tanong niya sa sarili na bakas ang pagkabahala sa maamo niyang mukha. Bago pa siya makabangon nang tuluyan ay ang pagbukas ng pinto. Agad dumako roon ang kanyang tingin. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang asawa."You are awake. Good morning, Qizi," nakangiting bati nito habang may hawak-hawak na tray. Nasundan niya ito ng tingin hanggang sa magtungo ito na sa tingin niya ay balcony ng silid. With a disbelief expression she left the bed…pero napatingin siya sa kanyang katawan nang makita na isang malaking t-shirt na ang suot niya. Naalala niya na hindi 'yon ang suot niya ng matulog siya. Kunot ang noo na sinundan niya ang asawa. Naabutan niya ito na bakas ang kasiyahan habang inaayos ang lamesa."Where are we?" Kunot ang noo ta