JENNIFER POV ''JEN, ano ang ginagawa mo dito?" dahil sa matinding pagkagulat, hindi kaagad ako nakapagsalita! Pakiramdam ko biglang may kung anong matalim ng bagay ang biglang sumundot sa puso ko! Hindi ko kasi talaga ito inaasahan kaya naman tulala akong nagpapalipat-lipat ang tingin kina Elijah at Ethel. '"Hindi ba't ako ang dapat magtanong? Ano ang ginagawa ni Ethel dito sa opisina mo?" nagtataka kong tanong. Napatitig na din sa akin si Ethel habang may pilit na ngiting nakaguhit sa labi. "Ohhh, sorry Mam Jen! Nag-aaplay ako ng work. Narinig ko kasi na nangangailangan sila ng office staff at sakto naman na kailangan ko ng trabaho!" si Ethel na ang sumagot! Talagang tinawag niya pa akong Mam gayung alam ko naman sa sarili ko na napipilitan lang sya! Iba ang sinasabi ng bibig niya na nakikita ko sa mga mata niya "Okay Ethel, hintayin mo na lang ang tawag ng HR. You can go now!" narinig ko pang sambit ni Elijah bago ito tumayo at naglakad palapit sa akin! Hindi naman ako
JENNIFER POV GINAWA ko na ngang routine ang paghahatid ng pagkain tuwing lunch kay Elijah at napapansin ko na masaya naman siya sa ginagawa kong iyun! Lalo tuloy akong nagkaroon ng kumpyansa sa sarili ko na siguro nga mahal niya na din ako kaya naman tuluyan na ding nahulog ang loob ko sa kanya! Mas lalo ko na din siyang minahal dahil nakatatak na sa isipan ko na kami talaga ang para sa isat isa at kami lang ang magsasama habang buhay. Naging maayos naman ang pagbubuntis ko at excited na kaming dalawa na malaman ang gender ng bata. Sinigurado din ni Doc na healthy ang baby na nasa sinapupunan ko na lalong nagbigay sa akin ng peace of mind. "Hmmm, Jen may lunch meeting ako mamaya kay Mr. Sey, baka hindi mo ako maabutan sa opisina kaya huwag ka na munang pumunta doon ha?" kasalukuyang kumakain kami ng breakfast ni Elijah nang sabihin niya sa akin iyun. Well, hindi na ako nagulat pa. Sa loob ng isang buwan na paghahatid ko sa kanya ng lunch nangyayari talaga ito kaya naman nai
JENNIFER POV May matamis na ngiti na nakaguhit sa labi ko nang dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng opisina ni Elijah. Gustong gusto ko siyang i-surpresa sa presensya ko. Iyun nga lang nang tuluyan ko nang nabuksan ang pintuan ng opisina mukhang ako yata ang nasorpresa. Oo, nakaupo si Elijah sa kanyang swivel chair samantalng nasa likuran nito ang babaeng hindi ko inaasahan na kasama niya dito sa loob ng kanyang opisina. Nakapulupot ang dalawang braso nito sa leeg ni Elijah habang nakadukwang ito at magkalapat ang labi nilang dalwa. Kaagad nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko ito inaasahan kaya tulala akong nakatitig lang sa kanilang dalawa. Napansin yata n Elijah na may taong nanonood sa kanila kaya naman napatitig ito sa gawi ko at nang makita niya ako, mabilis siyang napatayo na siyang dahilan kaya naghiwalay ang labi nilang dalawa ni Ethel. "A-ano ang ibig sabihin nito?" mahinang tanong ko kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. "Je-Jen...a-
JENNIFER POV Pagkalabas ko ng elevator, imbes na sa kotse ako dumirecho, naglakad ako palabas ng building. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako patutungo. HIndi ko alam kung saan ako pupunta pero isa lang naman ang gusto kong mangyari sa ngayun. Wala akong planong umuwi ng bahay dahil ayaw ko munang makita si Elijah. Masakit kasi talaga! Feeling ko nakaukit na sa isipan ko ang mga nakita ko kanina at sa pagkakataon na ito, hindi ko alam kung saan ako patutungo. Akala ko talaga puro saya na lang ang mararamdaman ko sa piling niya pero mukhang nagkakamali ako. Darating at darating pala talaga ang problema sa buhay at hindi ko talaga alam kung paano harapin iyun. Sa kakalakad ko, hindi ko na napansin pa nakarating na pala ako sa may kalsada. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako patutungo pero nang may humintong taxi sa harapan ko, tahimik akong sumakay at nang tanungin ni Manong driver kung saan ako pupunta, sinabi ko na lang na dalhin niya ako sa pinakamalapit na
JENNIFER POV '"ANO ang kailangan mo?" naiinis kong tanong sa kanya! Salubong ang kilay at matalim ang mga matang nakatitig sa kanya. Kaagad na din naman siyang naupo sa harapan ko habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin! Kitang kita din sa mukha niya ang pagod at kung ano ang kasuotan niya noong nasa opsina niya ganoon pa rin hangang ngayun. Ibig lang sabihin nito, hindi pa din siguro siya nakakauwi ng bahay. Haysst, baka naman inihatid niya pa ang kerida niyang si Ethel sa kung saan? Or baka naman umiskor pa? Sa isiping iyun hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng sama ng loob. Nag-uumpisa na namang magbadya ang luha mula sa aking mga mata kaya naman mabilis akong uminom ng tubig. Tumitig sa labas ng restaurant kasabay ng pagpakawala ng malalim na buntong hininga Matapang ako at ayaw kong umiyak sa harapan niya. Sanay na akong masaktan kaya sisiw na lang sa akin ang ganitong bagay. "Jen...please! Alam kong galit ka sa nangyari pero sana huwag ka namang
JENNIFER POV "Kung ayaw mo nang kumain, sa bahay na tayong mag-usap! Oras na ng tulog mo at baka mapaano kayo ng baby natin." mahinahon niyang sagot sabay inilabas niya ang kanyang wallet. Nagpatong siya ng ilang lilibuhin sa ibabaw ng table at sinenyasan ang waiter na kanina pa patingin-tingin sa amin bago siya tumayo at inalalayan akong tumayo na din. Hindi na ako nagmatigas lalo na nang mapansin ko na sa amin na nakatingin ang ilan sa mga costumers na kumakain dito. Ayaw ko namang gumawa ng eksena at makita nila ang pagtatalo naming dalawa ni Elijah. Isa pa, pagod na din kaya ako. Galing ako sa pagsa-shopping at gusto kong mahiga na muna sa malambot na kama. Medyo mabigat na din kasi itong tiyan ko eh. Bilin pa naman ni Dok na iwasan ko daw ang ma-stress dahil makakasama iyun sa kalusugan ko at ni baby kaya naman ng akayin ako ni Elijah palabas ng restaurant wala na akong choice kundi ang magpatianod na lang. Direcho kami sa kanyang kotse! INalalayan niya akong makapasok sa
JENNIFER POV Direcho kami ng dining area. Pina-upo niya lang ako at siya na daw ang bahalang maghanap ng makakain namin sa ref. Tahimik na ang buong paligid at nang mapasulyap ako sa relo ng dining area, hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang mapansin ko na halos alas onse na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko at kung hindi pa siguro ako nakaramdam ng gutom baka hangang ngayun mahimbing pa akong natutulog. Ininit lang naman ni Elijah ang mga lutong pagkain na nasa loob ng ref. Mukhang hindi naman ito mga left over dahil may sealed pa ang iba at mukhang galing sa restaurant. "Bakit dalawang pinggan? Kakain ka din?" hindi ko maiwasang maisatinig nang mapansin ko ang dalawang pingan na inilagay niya dito sa ibabaw ng dining table. Napansin ko ang paguhit ng ngiti sa labi niya bago siya sumagot. "Kagaya mo, gutom din ako. HIndi pa ako kumakain ng dinner." sagot niya. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Talaga lang ha? Hindi pa siya kumain ng dinner pero nagawa niyang pasuk
JENNIFER POV "Jen, alam kong galit ka pa rin sa akin dahil sa nangyari kanina pero pwede bang huminahon ka muna? Hindi pwedeng diyan ka sa ibaba matulog! Hindi ako papayag!'" seryosong sagot niya sa akin! "Huwag ka ngang makialam! Naiinis na ako kaya huwag mo nang dagdagan ang inis ko Elijah ah?" bigkas ko at kaagad ko siyang pinaningkitan ng aking mga mata! Wala lang! Gusto ko lang naman sana siyang sindakin kaya lang hindi yata effective! Nagulat na lang ako nang walang sabi-sabing bigla niya na lang akong lapitan at matiim na tinitigan sa aking mga mata. "Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Hindi pwedeng ganito tayo! Hindi ako sanay na galit ka sa akin." bigkas niya! Inirapan ko lang siya at parang napapaso na biglang lumayo sa kanya. "Ewan! Basta, galit ako at wala kang pwedeng gawin para mawala ang galit ko sa iyo!" sagot ko at mabilis nang naglakad patungo sa banyo! "Sagit lang! Ayan ka na naman eh! Nag-uusap pa tayo tapos tatalikuran mo na
AMERY HEART POV GAMIT ang sarili kong sasakyan, tahimik kong sinundan si Elias. Sa Valdez Medical Center kami nakarating. Kung ganoon, nandito si Rebecca. Siya ang dahilan kaya nagmamadali kanina si Elias na umalis na bahay. Tahimik lang akong nakasunod kay Elias hangang sa pumasok siya sa isang pribadong kwarto. Alam ko na...gets ko na, si Rebecca ang nasa loob noon Sa nagmamdaling kilos ni Elias, alam kong concern siya sa babaeng iyun. Alam kong nag-aalala din siya sa kalagayan nito "Pagkadating ko sa pintuan ng nasabing kwarto, sumilip ako gamit ang maliit na salamin ng pintuan. Parang may libo-libong karayom ang biglang tumusok sa puso ko nang sumalubong sa paningin ko na nakayakap na si Rebecca kay Elias. "Amery, tanga ka ba? Alam mo naman na masyado nang masakit pero bakit kailangan mo pa siyang sundan?" mahina kong bulong sa sarili ko. Pagkatapos noon, napaatras pa ako ng makailang ulit bago ako tuluyang naglakad paalis. HIndi ko pala kaya! Mas masakit pala kung h
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay ni Elias pero pagpasok ko pa lang ng gate, kaagad na siyang sumalubong sa akin. Kung hindi lang ako nahihiya kina Jennifer at Charlotte ayaw ko pa sanang umuwi eh. Ayaw ko pa sanang bumalik sa bahay na ito. Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina, hindi maipaliwanag na sakit ng kalooban ang nararamdaman ng puso ko. Nakakabaliw ang sobrang sakit. Hindi ko na naman alam kung paano mag-umpisa ulit. "Amery, God! Mabuti naman at umuwi ka na! Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sa iyo?" narinig kong sambit ni Elias. Napatigil naman ako sa paghakbang at seryosong napatitig sa kanya. "Nag-alala? Talaga bang nag-aalala ka sa akin? Talaga bang naisip mo kung ano ang mararamdaman ko kapag malaman ko ang tungkol sa pagdadalang tao ni Rebecca?" seryosong tanong ko. "I love you! Mahal na mahal kita kaya mas pinili ko na lang na ilihim na muna sa iyo ang lahat-lahat. Alam ko din kasi na masasaktan ka eh. I am sorry, A
AMERY HEART POV "I am sorry, wala akong balak na guluhin ang kasal niyong ito." umiiyak na muling sambit ni Rebecca. Pigil ko ang sarili ko. Wala daw siyang balak na guluhin ang kasal namin? Pero ano itong ginawa niya? Ang daming mga araw na pwede siyang lumutang pero bakit ngayun pa? Bakit? Kung hindi lang siya buntis baka kanina ko pa siya tiniris. Kung hindi lang siya buntis baka kanina ko pa siya sinugod. Lahat ng galak sa puso ko na naramdaman kani-kanina lang ay biglang naglaho. Hindi maipaliwanag na pighati ang kaagad na pumalit habang dahan-dahan akong napaatras. Wala na dapat pang pag-usapan. Niluko na naman ako ni Elias. Nabuntis niya si Rebecca at hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang patawarin "Elias, ano ito? Ano ang ibig sabhin nito?" narinig kong sambit ni Mommy MIracle. Ramdam ko sa boses niya ang matinding pagkasimaya kaya naman hindi ko na napigilan pa ang muling mapahagulhol ng iyak Dahan-dahan akong umatras palayo kay Elias. Hindi ko alam kung ano an
AMERY HEART POV THIS IS IT! Ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Elias! Ang araw ng aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko. Feeling ko din, ako na yata ang pinagka-maswerteng babae sa balat ng lupa. Feelig ko, nakalutang ako sa alapaap Sa wakas, ibinigay din ng Diyos ang matagal ko nang inaasam. May mga pagsubok kaming pinagdaanan at laking pasalamat ko dahil nalagpasan namin iyun. HIndi din talaga ako nagsisisi na binigyan ko siya ng second chance. Aware ako na walang perpektong relasyon pero pipilitin kong maging perpektong maybahay ni Elias. Mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya at handa akong alagaan siya habambuhay. Nag-umpisa ng umalingangaw sa buong simbahan ang kantang napili naming kantahin ng singer na na hire namin habang naglalakad ako sa gitna ng aisle. Kumpleto ang Villarama Clan. May mga bisita din na dumating na hindi ko kilala. Ang alam ko ay mga business partners. Mga Ninong at Ninang na mula sa mataas na lipunan. Hab
AMERY HEART POV NAGING mapusok ang halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Elias. Ramdam ko sa kanyang kilos ang matinding pananabik. Nag-uumpisa na ding maglumikot ang kanyang palad sa buo kong katawan."Ahhh, Elias." mahinang anas ko. Nagdedeliryo na kaagad ang pakikramdam ko. Sobrang init ng nararamdaman ko umpisa pa lang. Biglang dagsa ng matinding pagnanasa sa buo kong katawan. Lalo na nang makarating ang kanyang palad sa aking dibdib Para akong nawala sa hwesyo sa kakaibang sensasyong aking nararamdaman. Mas lalong naging mainit ang halik na pinagsaluhan naming dalawa."Sure ka na ba dito, Sweetheart?" mahinang bulong sa akin ni Elias nang pakawalan niya ang labi ko.. Nakangiti akong tumango"Yes...sure na sure na ako. I-advance na natin ang honeymoon natin." nakangiti kong sambit. Matiim niya akong tinitigan sa mga mata bago niya ulit inangkin ang labi koMuli naming pinagsaluhan ang mainit na halikan. Pareho kaming sabik sa isat isa kaya ilang saglit lang naramdaman ko na la
AMERY HEART POV "Elias, may problema ba?" nagtatakang tanong ko kay Elias habang magkaharap kami dito sa dining area. Kitang kita ko kasi sa mukha niya na para bang may malaki siyang problema. Nag-uusap kami tapos bigla na lang siyang napatulala. Hinintay ko siya kanina sa mall pero hindi siya nakarating. May biglaan daw kasi siyang meeting at naiiintindihan ko naman iyun. Alam ko din namang busy siya eh at hangat maari ayaw kong makaapekto pagdating sa trabaho niya dahil alam ko namang hindi birong responsibilidad ang nakaatang sa balikat niya. "Ayos lang ako, Sweetheart! Masyado lang talaga akong napagod kanina sa trabaho. Pasensya ka na kung hindi na ako nakarating kanina sa mall ah? Bawi na lang ako next time." may pilit na ngiti sa labi na bigkas niya. "Ayos lang iyun. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa bagay na iyun. Marami pa namang next time eh." seryosong sagot ko sa kanya. Pagkatapos noon, kusa ko nang nilagyan ng pagkain ang pingan niya. "Kain ka na para makap
AMERY HEART POV "I am so happy for you, Amery. Imagine, ilang araw na lang at ikakasal na kayong dalawa ng pinsan naming si Elias. Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahon noh!" nakangiting wika ni Charlotte sa akin. Kasama sila Jennifer, Jeann at Rebecca nandito kami sa isang coffee shop at masayang nag-uusap. Balak naming magshopping kaya lang, nauwi ang lahat sa pag-upo dito sa loob ng coffee shop habang hindi matapos-tapos ang pag-chika. Ngayun ko lang din lubos na na-feel na kay sarap palang maging fiancee at future wife ni Elias. Imagine, lahat ng mga pinsan niya kasundo ko. Tapos hindi din nagkakalayo ang edad namin kaya naman nagkaroon ako ng hindi lang mga kaibigan kundi best friends na din. "Masayang masaya din ako lalo na at hindi ko akalain na may chance pa palang magbago ang isang babaero na si Elias." nakangiting sagot ko naman sa kanila. "Well, halos lahat ng mga lalaki, babaero. Naku, mas worst pa ang pinagdaanan ko sa pinagdaanan mo bago naging maayos ang pa
ELIAS POV 'HINDI KITA PIPILITIN na panagautan ako pero sana kilalanin mo ang anak natin. Huwag ka naman sanang maging unfair sa kanya, Elias. Sana mahalin mo din siya kagaya ng pagmamahal mo sa anak niyong dalawa ni Amery." seryosong wika ni Rebecca. Hindi ako nakaimik. Kung anak ko nga ang nasa sinapupunan niya, gaano ba ako kawalang kwentang ama para itakwil siya. "After kong manganak, balak kong tuluyang ipaubaya sa iyo ang kustudiya ng bata. Alam ko kasing mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan. Alam kong mas mapabuti siya sa iyo kumpara sa akin. I am sorry Elias! Patawarin mo ako kung bakit ngayun ko lang ito sinabi sa iyo. Patawarin mo ako sa panibagong problema na hatid ko sa iyo." muli niyang bikgas "It's okay, Rebecca. Nandiyan na iyan at kung talagang anak ko iyan, ibibigay ko ang nararapat para sa kanya!" seryosong sagot ko. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi ni Rebecca nang sabihin ko iyun. "Thank you! Thank you Elias! Don't worry, last na it
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "Elias, dumaan lang pala ako para magpaalam sa iyo. Magkikita kami nila Jeann at Charlotte kasama na din si Vernonica sa Mall." nakangiting wika niya pagkatapos kong pakawalan ang labi niya. Mula sa pagkakaupo mula sa swivel chair mabilis siyang tumayo at dinampot ang paper bag na dala nya. "Dinalhan na din kita ng food para sa lunch mo.Ako ang nagluto niyan. Hope you like it! Gustuhin ko mang mag stay hangang lunch kaya lang nandoon na daw si Jeann eh." muli niyang sambit. "Okay lang. Enjoy your pasyal, Sweetheart. Kapag matapos ako ng mas maaga, susundan di naman kita kaagad. Mag-enjoy ka lang.." nakangiti kong sagot. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi niya bago siya naglakad patungo sa pintuan ng aking opisina "Okay, see you later, Elias. Tatawagan kita kapag nasa mall na ako." nakangiti niyang sambit bago niya ako tuluyang iniwan dito sa ospisina. Pagkaalis ni Amery, punong puno ang puso ko ng tuwa at muli kong itinoon ang buo ko