AMERY HEART POV MAAGA talaga akong gumising kanina para magluto ng breakfast. Pagkatapos kong magluto, kumain akong mag-isa dahil mukhang tulog pa yata si Elias. Sabagay, naabutan ko pala siya kaninang madaling araw sa salas na mukhang bangag. Halatang walang tulog at hindi ko alam kung bakit Iniisip ko na lang na baka galing siya ng labas at kakarating lang. Baka nakipagkita kay Rebecca at kakauwi niya lang noong time na iyun. Kung ano man ang reason niya kung ano ang ginagawa niya sa sala ng oras na iyun, bahala na siya. Masyado nang masakit sa ulo kung iisiipin ko pa iyun. Nagpasya na rin akong pumunta dito sa hospital nang mag-isa lang. Nilakad ko na lang tutal malapit lang naman. Exercise na din para sa akin iyun lalo na at nitong mga nakaraang araw, wala na akong ibang ginawa kundi ang maupo at ma-stress sa mga bagay -bagay na nangyari sa buhay ko. Kailangan ko din bigyang ng time ang sarili ko simula ngayung araw. Ibalik ang dating ako at walang ibang isiipin kundi
AMERY HEART POV "KANINA pa kita hinahanap. Sinundan kita sa hospital, pero wala ka na. Tinatawagan kita sa iyung phone pero hindi ka sumasagot. " ramdam ko ang galit sa boses ni Elias habang sinasabi ang katagang iyun. Hindi naman ako nakaimik. Inilabas ko ang aking cellphone mula sa aking bag para i-kumpirma ang sinabi nya at nang makita ko nga ang napakaraming misscalls mula sa kanya, hindi ko mapigilan ang mapangiwi. "Sorry, naka-silent mode ang phone ko kaya hindi ko narinig ang tawag mo." sagot ko naman kaagad sa kanya. Narinig ko pa nga ang marahas na pagbuntong hininga niya bago siya tumigim kay Anthony. "Hindi mo narinig ang tawag ko dahil may date kang ibang lalaki?" serysong bigkas niya. Wala sa sariing napatitig tuloy ako kay Anthony na noon ay wala pa yatang balak na umalis sa harapan namin. "Hindi ako nakikipag-date! Nagkataon na lang na nagkita kami ni Anthony dito sa coffee shop." sagot ko din naman kaagad. Hindi naman talaga eh kaya huwag niya akong kwestiy
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV ANG unfair ni Amery. Kung saan-saan ako nakarating kanina para hanapin siya tapos malalaman ko na nandito lang pala siya sa mall habang may kausap na isang lalaki? Ni hindi niya man lang sinagot ang makailang beses kong pagtawag gamit ang phone. Pagkadating ko ng hospital kanina, dumirecho ako ng NICU para lang madismaya noong nalaman ko na na wala na siya. Na nakaalis na siya bago pa ako dumating. Siyempre, hinanap ko siya sa paligid. Halos halughugin ko ang buong paligid pero bigo ako. Wala siya at mukhang tuluyan na siyang nakaalis ng hospital. Nagpasya akong bumalik ng condo unit sa pag-aakalang baka nakauwi na siya. Pero kagaya sa hospital, wala din siya. Naghintay pa nga ako ng ilang minuto at baka parating na din siya pero walang nangyari. Walang Amery na dumating ng condo kaya kaagad akong nakaramdam ng pagpapanic. Saan kaya siya nagpunta? Makailang ulit ko ding siyang sinubukan na tawagan pero hindi niya ako sinasagot. No choice ako kundi
ELIAS VIILLARAMA VALDEZ POV KAHIT na todo tanggi si Amery na samahan siya sa isang shop para bumili ng mga damit na kakailanganin niya, wala pa rin naman siyang nagawa. Talagang sasamahan ko sya sa ayaw at gusto niya dahil hindi ko na hahayaan pa na muli siyang malapitan ng mistisong bangus na kausap niya kanina. Mahirap na! Hindi ako papayag na may ibang lalaki na aali-aligid sa kanya. Akin lang siya. Kahit na may kasalanan akong nagawa sa kanya, dapat sa akin lang ang bagsak niya. Hindi sya pwedeng tumingin at magkagusto sa ibang lalaki. Pagdating ng shop, hinayaan ko si Amery na mag fit ng mga damit na gusto niya. May nag-aassist naman sa kanya na dalawang staff kaya naman nagpasya akong naupo sa waiting area. Kinuntsaba ko na din ang mga staff na nag-aasssit kay Amery na lahat ng kasya na mga damit dito ay bibilihin ko. Naging smooth naman ang sumunod na sandali. Babae pa rin si Amery at kahit na ayaw niiyang aminin alam kong nag-eenjoy siya sa pagsa-shopping niya habang
AMERY HEART POV Ano kaya ang nakain ni Elias at may pagbula-bulaklak pa siyang nalalaman? Pero in fairness ha? Kinilig ako ng very light sa pabulaklak niyang ito. Hindi ko inaasahan. Kagaya ng naging plano namin, umuwi na nga kami ng condo. Siya na din ang nagbitbit ng mga pinamili niya para sa akin pagkagaling sa parking. Bahala siya, ginusto niya iyan kaya panindigan niya. Samantalang ako naman, tanging bouquet lang ang hawak ko. Hindi ko na pinakawalan dahil nagugustuhan ko din naman ang mga bulaklak. Plano kong ilagay sa flower vase mamaya at gawin diplay sa salas ng condo " Ilagay mo na lang iyan diyan. Ako na ang bahalang magpasok mamaya sa kwarto ko." utos ko pa nga sa kanya pagkapasok namin dito as loob ng condo. May mga babalikan pa siya sa kotse na mga pinamili niya. Wala talaga kasi akong balak na tulungan siya. "May restaurant sa ibaba. Nagugutom na ako. Kain na muna tayo." seryoso niyang bigkas. Wala sa sariling napatingin ako sa orasan at hindi ko mapigilan
AMERY HEART POV MATIWASAY naman kaming nakakain ng lunch ni Elias. Wala nang babaeng lumapit sa kanya kaya naging palagay na din ang loob ko. Ewan ko ba. Siguro, matindi na din ang insecurities sa katawan ko. Makailang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi na ako papatol sa kanya at wala na din akong pakialam pa kung mambabae man siya. Pero hindi ko din naman maitatanggi sa sarili ko na nasasaktan ako kapag may nakikita akong babaeng aali-aligid sa kanya. Ang gulo ko diba? Sobrang gulo ko. Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa wakas, dumating na din ang pinakahihintay namin. Iyun ay ang maiuwi na si baby ng bahay. Nagpasya na din kaming dalawa ni Elias na umuwi na sa bahay niya. Mas magiging kumportable kasi kami ni BAby doon kumpara dito sa condo niya. Lalo na at kailangan ko din talagang paarawan si Baby sa araw-araw. Mas nakikita ko ang pagiging maalaga ni Elias. Hindi din pumapaltos ang mga araw na hindi niya ako nabibigyan ng mga bulaklak. Palaging white bouquet ng
AMERY HEART POV PAGKATAPOS naming magpaaraw ni Baby Elizabeth, ang kanyang tagapag-alaga na ang bahala sa kanya. May Yaya ang anak namin ni Elias na magbabantay bente kwatro oras. Gusto ko lang talaga na every morning ako ang magpapaaraw sa kanya. Bonding na din naming mag ina iyun habang baby pa siya. Acually, kaya ko naman sanang alagaan si BAby na ako lang. Kaya lang hindi maaari. Naiipit kasi ako sa sitwasyon ng pagiging Ina ko at pagiging Doctor ko. Next month, nakatakda akong bumalik sa pangagagamot. Yes, wala akong planong tuluyang talikuran ang profession na ilang taon ko ding pinaghirapan. Pangarap kong maging Doctor simula noong bata pa ako kaya naman hindi ko basta-basta matatalikuran ang propesyon kong ito porket kaya naman ibigay ni Elias ang lahat sa amin ng anak ko. Pagkatapos kong ipagkatiwala ang anak ko sa yaya on duty nito, mabilis na din akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Pagkapasok ko pa lang, umagaw na sa paningin ko ang mga bulaklak na galing kay El
AMERY HEART POV "Hahaha! Bakit ganiyan ka kung makasagot? Feeling ko napipilitan ka lang eh." natatawang reklamo ni Elias sa akin habang nakayakap pa rin siya sa akin. Hindi ko na din mapigilan pa ang matawa at kaagad na napakalas mula sa pagkakayakap niya. Pagkatapos noon masuyo ko siyang tinitigan sa kanyang mukha. Oo, galit ako sa kanya dahil babaero siya pero sa akin naman siya palaging umuuwi eh. Sa akin lang din naman yata siya nagproposed ng kasal. May anak na din naman kami kaya hindi din talaga pwede na basta ko na lang siyang pakawalan. Wala naman sigurong masama kung muli akong sumugal diba? Wala naman sigurong masama kung ibibigay ko sa kanya ang second chance na hinihilng niya. "Amery, gusto ko nang maayos na sagot mula sa iyo...please!" muli siyang bigkas. Nagkunwari akong napasimangot. Ano ba ang inaasahan niyang maging sagot ko? Eh, itong proposal niya din kakaiba eh. Idinaan niya sa pa note niya sa bulaklak samantalang ang kadalasang proposal na nalalaman k
AMERY HEART POV GAMIT ang sarili kong sasakyan, tahimik kong sinundan si Elias. Sa Valdez Medical Center kami nakarating. Kung ganoon, nandito si Rebecca. Siya ang dahilan kaya nagmamadali kanina si Elias na umalis na bahay. Tahimik lang akong nakasunod kay Elias hangang sa pumasok siya sa isang pribadong kwarto. Alam ko na...gets ko na, si Rebecca ang nasa loob noon Sa nagmamdaling kilos ni Elias, alam kong concern siya sa babaeng iyun. Alam kong nag-aalala din siya sa kalagayan nito "Pagkadating ko sa pintuan ng nasabing kwarto, sumilip ako gamit ang maliit na salamin ng pintuan. Parang may libo-libong karayom ang biglang tumusok sa puso ko nang sumalubong sa paningin ko na nakayakap na si Rebecca kay Elias. "Amery, tanga ka ba? Alam mo naman na masyado nang masakit pero bakit kailangan mo pa siyang sundan?" mahina kong bulong sa sarili ko. Pagkatapos noon, napaatras pa ako ng makailang ulit bago ako tuluyang naglakad paalis. HIndi ko pala kaya! Mas masakit pala kung h
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay ni Elias pero pagpasok ko pa lang ng gate, kaagad na siyang sumalubong sa akin. Kung hindi lang ako nahihiya kina Jennifer at Charlotte ayaw ko pa sanang umuwi eh. Ayaw ko pa sanang bumalik sa bahay na ito. Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina, hindi maipaliwanag na sakit ng kalooban ang nararamdaman ng puso ko. Nakakabaliw ang sobrang sakit. Hindi ko na naman alam kung paano mag-umpisa ulit. "Amery, God! Mabuti naman at umuwi ka na! Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sa iyo?" narinig kong sambit ni Elias. Napatigil naman ako sa paghakbang at seryosong napatitig sa kanya. "Nag-alala? Talaga bang nag-aalala ka sa akin? Talaga bang naisip mo kung ano ang mararamdaman ko kapag malaman ko ang tungkol sa pagdadalang tao ni Rebecca?" seryosong tanong ko. "I love you! Mahal na mahal kita kaya mas pinili ko na lang na ilihim na muna sa iyo ang lahat-lahat. Alam ko din kasi na masasaktan ka eh. I am sorry, A
AMERY HEART POV "I am sorry, wala akong balak na guluhin ang kasal niyong ito." umiiyak na muling sambit ni Rebecca. Pigil ko ang sarili ko. Wala daw siyang balak na guluhin ang kasal namin? Pero ano itong ginawa niya? Ang daming mga araw na pwede siyang lumutang pero bakit ngayun pa? Bakit? Kung hindi lang siya buntis baka kanina ko pa siya tiniris. Kung hindi lang siya buntis baka kanina ko pa siya sinugod. Lahat ng galak sa puso ko na naramdaman kani-kanina lang ay biglang naglaho. Hindi maipaliwanag na pighati ang kaagad na pumalit habang dahan-dahan akong napaatras. Wala na dapat pang pag-usapan. Niluko na naman ako ni Elias. Nabuntis niya si Rebecca at hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang patawarin "Elias, ano ito? Ano ang ibig sabhin nito?" narinig kong sambit ni Mommy MIracle. Ramdam ko sa boses niya ang matinding pagkasimaya kaya naman hindi ko na napigilan pa ang muling mapahagulhol ng iyak Dahan-dahan akong umatras palayo kay Elias. Hindi ko alam kung ano an
AMERY HEART POV THIS IS IT! Ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Elias! Ang araw ng aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko. Feeling ko din, ako na yata ang pinagka-maswerteng babae sa balat ng lupa. Feelig ko, nakalutang ako sa alapaap Sa wakas, ibinigay din ng Diyos ang matagal ko nang inaasam. May mga pagsubok kaming pinagdaanan at laking pasalamat ko dahil nalagpasan namin iyun. HIndi din talaga ako nagsisisi na binigyan ko siya ng second chance. Aware ako na walang perpektong relasyon pero pipilitin kong maging perpektong maybahay ni Elias. Mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya at handa akong alagaan siya habambuhay. Nag-umpisa ng umalingangaw sa buong simbahan ang kantang napili naming kantahin ng singer na na hire namin habang naglalakad ako sa gitna ng aisle. Kumpleto ang Villarama Clan. May mga bisita din na dumating na hindi ko kilala. Ang alam ko ay mga business partners. Mga Ninong at Ninang na mula sa mataas na lipunan. Hab
AMERY HEART POV NAGING mapusok ang halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Elias. Ramdam ko sa kanyang kilos ang matinding pananabik. Nag-uumpisa na ding maglumikot ang kanyang palad sa buo kong katawan."Ahhh, Elias." mahinang anas ko. Nagdedeliryo na kaagad ang pakikramdam ko. Sobrang init ng nararamdaman ko umpisa pa lang. Biglang dagsa ng matinding pagnanasa sa buo kong katawan. Lalo na nang makarating ang kanyang palad sa aking dibdib Para akong nawala sa hwesyo sa kakaibang sensasyong aking nararamdaman. Mas lalong naging mainit ang halik na pinagsaluhan naming dalawa."Sure ka na ba dito, Sweetheart?" mahinang bulong sa akin ni Elias nang pakawalan niya ang labi ko.. Nakangiti akong tumango"Yes...sure na sure na ako. I-advance na natin ang honeymoon natin." nakangiti kong sambit. Matiim niya akong tinitigan sa mga mata bago niya ulit inangkin ang labi koMuli naming pinagsaluhan ang mainit na halikan. Pareho kaming sabik sa isat isa kaya ilang saglit lang naramdaman ko na la
AMERY HEART POV "Elias, may problema ba?" nagtatakang tanong ko kay Elias habang magkaharap kami dito sa dining area. Kitang kita ko kasi sa mukha niya na para bang may malaki siyang problema. Nag-uusap kami tapos bigla na lang siyang napatulala. Hinintay ko siya kanina sa mall pero hindi siya nakarating. May biglaan daw kasi siyang meeting at naiiintindihan ko naman iyun. Alam ko din namang busy siya eh at hangat maari ayaw kong makaapekto pagdating sa trabaho niya dahil alam ko namang hindi birong responsibilidad ang nakaatang sa balikat niya. "Ayos lang ako, Sweetheart! Masyado lang talaga akong napagod kanina sa trabaho. Pasensya ka na kung hindi na ako nakarating kanina sa mall ah? Bawi na lang ako next time." may pilit na ngiti sa labi na bigkas niya. "Ayos lang iyun. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa bagay na iyun. Marami pa namang next time eh." seryosong sagot ko sa kanya. Pagkatapos noon, kusa ko nang nilagyan ng pagkain ang pingan niya. "Kain ka na para makap
AMERY HEART POV "I am so happy for you, Amery. Imagine, ilang araw na lang at ikakasal na kayong dalawa ng pinsan naming si Elias. Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahon noh!" nakangiting wika ni Charlotte sa akin. Kasama sila Jennifer, Jeann at Rebecca nandito kami sa isang coffee shop at masayang nag-uusap. Balak naming magshopping kaya lang, nauwi ang lahat sa pag-upo dito sa loob ng coffee shop habang hindi matapos-tapos ang pag-chika. Ngayun ko lang din lubos na na-feel na kay sarap palang maging fiancee at future wife ni Elias. Imagine, lahat ng mga pinsan niya kasundo ko. Tapos hindi din nagkakalayo ang edad namin kaya naman nagkaroon ako ng hindi lang mga kaibigan kundi best friends na din. "Masayang masaya din ako lalo na at hindi ko akalain na may chance pa palang magbago ang isang babaero na si Elias." nakangiting sagot ko naman sa kanila. "Well, halos lahat ng mga lalaki, babaero. Naku, mas worst pa ang pinagdaanan ko sa pinagdaanan mo bago naging maayos ang pa
ELIAS POV 'HINDI KITA PIPILITIN na panagautan ako pero sana kilalanin mo ang anak natin. Huwag ka naman sanang maging unfair sa kanya, Elias. Sana mahalin mo din siya kagaya ng pagmamahal mo sa anak niyong dalawa ni Amery." seryosong wika ni Rebecca. Hindi ako nakaimik. Kung anak ko nga ang nasa sinapupunan niya, gaano ba ako kawalang kwentang ama para itakwil siya. "After kong manganak, balak kong tuluyang ipaubaya sa iyo ang kustudiya ng bata. Alam ko kasing mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan. Alam kong mas mapabuti siya sa iyo kumpara sa akin. I am sorry Elias! Patawarin mo ako kung bakit ngayun ko lang ito sinabi sa iyo. Patawarin mo ako sa panibagong problema na hatid ko sa iyo." muli niyang bikgas "It's okay, Rebecca. Nandiyan na iyan at kung talagang anak ko iyan, ibibigay ko ang nararapat para sa kanya!" seryosong sagot ko. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi ni Rebecca nang sabihin ko iyun. "Thank you! Thank you Elias! Don't worry, last na it
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "Elias, dumaan lang pala ako para magpaalam sa iyo. Magkikita kami nila Jeann at Charlotte kasama na din si Vernonica sa Mall." nakangiting wika niya pagkatapos kong pakawalan ang labi niya. Mula sa pagkakaupo mula sa swivel chair mabilis siyang tumayo at dinampot ang paper bag na dala nya. "Dinalhan na din kita ng food para sa lunch mo.Ako ang nagluto niyan. Hope you like it! Gustuhin ko mang mag stay hangang lunch kaya lang nandoon na daw si Jeann eh." muli niyang sambit. "Okay lang. Enjoy your pasyal, Sweetheart. Kapag matapos ako ng mas maaga, susundan di naman kita kaagad. Mag-enjoy ka lang.." nakangiti kong sagot. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi niya bago siya naglakad patungo sa pintuan ng aking opisina "Okay, see you later, Elias. Tatawagan kita kapag nasa mall na ako." nakangiti niyang sambit bago niya ako tuluyang iniwan dito sa ospisina. Pagkaalis ni Amery, punong puno ang puso ko ng tuwa at muli kong itinoon ang buo ko