AMERY HEART POV MABILIS na lumipas ang dalawang linggo. Kahit na nasasaktan sa bawat araw na nagdaan sa kakaisip na hindi naman talaga out of town ang dahilan kaya wala si Elias. Alam kong iyung babae na iyun ang kasama niya at masaya siya samantalang ako naman ay masyadong nasasaktan. Stress na stress ako at ang laki na din ang binagsak ng aking katawan. Mabuti nalang talaga at palagi akong dinadalaw ni Mommy MIracle kaya kahit papaano, nalilibang ako. Mukhang wala din siyang kamalay-malay sa kung ano ang ginagawa ng anak niya. Palagi niya pa rin kasing nababangit sa akin na pagkapanganak ko daw, dapat daw magpaksal na kami ni Elias. Ang dalawang linggo na pangako ni Elias na uuwi siya ay hindi naman nangyari. Kahit si Mommy Miracle ay tinatawagan niya din ito pero bihira lang daw niyang ma-contact. Kung hindi naka off ang cellphone, hindi din naman ito sumasagot sa tawag. Kasalukuyan kaming nasa garden ni Mommy Miracle nang bigla na lang dumating sila Charlotte at Jeann. I
AMERY HEART POV AKALA ko madali lang ang mag-handle ng ganitong problema pero mahirap pala. Now I know! Mas naiintindihan ko na si Kuya kung bakit halos mabaliw siya noong namatay si Ate Mia. Masakit pala talaga! Sobrang sakit ang harapin ang matinding kabiguan sa pag-ibig. Sa nakalipas na mga araw, feeling ko lalo akong nalulubog. Oo, tumatawag naman minsan si Elias sa akin para kumustahin ang kalagayan ko. Ang pinagbubuntis ko Nababaliw na nga din yata ako dahil feeling ko hindi naman talaga siya concern sa akin eh. Sa baby lang yata siya concern. Feeling ko nga may depression na ako eh. Para na akong mababaliw sa matinding pag-iisip. Ni ang pag-inom ng mga vitamins ay nakakaligtaan ko na nga din. "Kailan ka ba talaga uuwi?" hindi ko na mapigilan pang tanong sa kanya. Kagaya na lang ngayun kausap ko siya sa cellphone. Sa loob ng halos isang linggo na bigla na naman siyang hindi umuuwi ng bahay, pangalawang beses pa lang ngayun na tumawag siya sa akin. Alam ko din naman k
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay pero nang muli kong imulat ang aking mga mata nasa isang pribadong silid na ako. Nang kapain ko ang aking tiyan ay wala na ang umbok doon kaya biglang dagsa ang takot sa puso ko "Ang anak ko. Kumusta ang anak ko?" mahinang tanong ko. Naramdaman ko naman ang paghawak ng kung sino sa akin at nang ibaling ko ang aking tingin ang seryosong mukha ni Charlotte ang sumalubong sa akin. "Ipagpalagay mo ang kalooban mo, Amery. Napaanak ka ng wala sa oras pero nasa incubator si Baby. Although mino-monitor ng mga Doctor ang kalagaya niya pero siguro naman na magiging maayos siya." nakangiti niyang sagot sa akin. Hindi ko mapigilan ang maluha. Kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Ang akala ko talaga masama nang nangyari sa anak ko. "Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit pati ang anak ko ay nahihirapan ngayun." mahina kong sambit. "Amery, ano ba? Ano ba iyang pinagsasabi mo? Kahit kailan huwag
AMERY HEART POV "Hindi! May ginawa ka bang kasalanan para magalit ako sa iyo?" seryosong tanong ko sa kanya! Natigilan naman siya sabay iwas ng tingin sa akin. "Pakiayos na lang ng mga papeles. Gusto ko nang umuwi ng bahay." seryoso kong wika sa kanya! "Amery...hindi ka pa okay! Wala pang go signal mula sa Doctor mo na pwede ka nang lumabas ng hospital.'" seryoso nyang sagot sa akin "Doctor din ako at alam ko ang nararamdaman ko. Gusto ko nang makauwi dahil feeling ko magkakasakit lang ako lalo dito sa hospital." seryoso kong sagot sa kanya. "How about our baby? Kaya mo ba siyang iwan dito sa hospital? Ayaw mo bang hintayin siya ng ilang lingo para sabay na kayong umuwi ng bahay?" seryosong tanong niya. Hindi naman ako nakaimik "Balita ko, ni minsan hindi mo pa nasilip ang anak natin sa loob ng NICU. Kumain ka muna pagkatapos labas tayo. Puntahan natin siya. Silipin natin siya. Alam mo bang sobrang cute niya?" nakangiti niyang muling bigkas. Hindi naman ako nakaimik "An
AMERY HEART POV PINANINDIGAN ko talaga ang malamig na pakikitungo ko kay Elias sa nakalipas na mga araw. Alam kong nahahalata niya din iyun pero wala naman akong narinig na kahit na anong negative na salita mula sa kanya na mas lalo pang nagpadagdag sa kagustuhan ng puso ko na tuluyan na siyang talikuran Ngayung araw ang labas ko sa hospital na hindi ko man lang sinisilip ang anak ko sa NICU. Alam kong pati mga pinsan niya ay nahahalata na din ang pagbabago ng kilos ko sa tuwing dinadalaw nila ako dito sa hospital. Kapansin-pansin kasi talaga ang kawalan ko ng gana na makipag-usap kahit na sa kanila. Ewan ko ba! Biglang nagbago ang pananaw ko sa buhay. Bigla akong nawalan ng gana sa lahat Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Iniisip ko na lang na baka epekto lang ito ng panganganak ko kaya ganito. May mga oras na wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak nang umiyak. Baka nga may postpartum depression na ako eh. Hindi ko alam or baka naman ayaw ko lang aminin sa sarili
AMERY HEART POV PAGKATAPOS kong padedehin ang anak ko, muli na akong lumabas ng NICU. Naabutan ko dito sa labas si Elias na halatang hinihintay ang paglabas ko. May ngiti sa labi na kaagad niya akong sinalubong "Kumusta? Hindi ba't ang cute ng baby natin?" nakangiti niyang tanong sa akin. Ilang saglit ko din siyang tinitigan bago tumango "Oo..ang cute niya." mahinang sagot ko sa kanya. Pagkatapos noon, muli kong inihakbang ang aking paa pero muli ding napahinto at hinarap siya. "I changed my mind. Dito na lang muna ako sa hospital. Hiintayin ko na lang muna si Baby para sabay na kaming umuwi." seryosong wika ko sa kanya. Nakangiti naman siyang kaagad na tumango. "Alam kong umay na umay ka na sa atmosphera dito sa hospital. May condo ako malapit dito at pwede tayong mag stay doon. Anytime naman pwede tayong pumunta dito para dalawin si Baby." nakangiti niyang suhistiyon sa akin. Seryoso ko siyang tinitigan bago tumango. "Anywhere. Basta malapit kay Baby at mabilis siyang ma
ELIAS POV RAMDAM ko ang pagbabago ng pag-uugali ni Amery kaya naman balak kong kausapin mamaya ang Doctor niya. HIndi ko kasi talaga maiwasan na mag-aalala ng sobra sa kanya eh. HIndi naman ganito ang pakikitungo niya sa akin dati pero sa isang iglap, biglang nagbago ang pag-uugali niya Alam kong malaki ang tampo nito sa akin dahil ilang linggo din akong walang time sa kanya. Naging abala kasi ako sa hospital dagdagan pa ng kabi-kabilaang mga meetings at mga conference na dapat kong aattendan. Dumagdag pa ang problema ko kay Rebecca. Kung bakit naman kasi bigla na lang nagpakita sa akin. Nagulo tuloy ang sistema ko at muling bumalik sa isipan ko ang matatamis na nakaraaan na namagitan sa aming dalawa. Childhood Sweetheart ko si Rebecca. Siya ang first ko. First girlfriend at unang babae na naikama ko kaya talagang special siya sa akin. Siya din ang dahilan kaya naging playboy ako. Akala ko talaga puro saya na lang ang mararanasan ko sa relasyon namin dati pero nagkamali ako.
ELIAS POV "MOM, pwede bang tsaka na tayo mag-usap? Aasikasuhin ko lang si Amery." muli kong wika kay Mommy. Kaya nga pala ako nandito sa labas para bumili ng pagkain. Baka biglang mainip si Amery sa loob ng condo unit at umalis. Natatakot din naman ako sa sinabi ni Mommy na baka layasan ako ni Amery dahil sa mga kalokohan na ginawa ko. Ngayun pa lang, siguro kailangan ko nang magtino. Kailangan ko na talagang magpakatino. Para kay Amery at sa anak namin. Nakakabahala pa naman ang ipinapakitang malamig na pakikitungo ni Amery sa akin. Haysst, kung bakit naman kasi bigla na lang nagbalik si Rebecca. Dumirecho ako sa isang restaurant para bumili ng makakain para kay Amery. Pinili ko talaga ang mga paborito niya at baka sakaling bumlik sa dati ang mabait niyang mood at maging mabuti ulit ang pakikitungo sa akin. Pagkatapos maibigay ang orders ko, mabilis na din akong bumalik ng condo unit. Naabutan ko si Amery na nanonood ng telibisyon habang seryosong seryoso ang mukha. "Hey
AMERY HEART POV PAGKATAPOS bayaran ni Elias ang bills namin sa restaurant, mabilis na din kaming umalis para puntahan sa NICU ang anak namin. Sakto lang naman ang dating namin sa NICU dahil oras na para padedehin si Baby. "Pwede ba akong manood habang pinapadede mo siya?" nakikiusap na wika ni Elias nang akmang papasok na ako sa loob. Natigilan naman ako. KUng totoosin, pwde naman talaga siya pumasok anytime na gustuhin niya sa loob ng NICU. Lalo na at isa siyang Doctor at pag-aari niya din ang hospital na ito. Sa loob ng NICU, walang ibang bata ang naririto. Solo ng anak namin ang buong unit. Sinadya ito ni Elias lalo na at wala siyang ibang hangad kundi ang ibigay ang pinaka the best para sa anak namin. "Pwede naman! Hindi kita pagbabawalan kung guso mong manood." balewala kong sagot. Iyun nga lang, pagpasok namin sa loob, parang gusto ko tuloy pagisisihan kung bakit ako pumayag. Magpapadede ako at nakakailang pala. Makikita niya kasi ang boobs ko eh. Kahit naman may a
AMERY HEART POV "ELIAS, Look! Tingnan mo ang ginawa ng babeng iyan sa akin!" parang nagsusumbong ang tono ng boses ni Rebecca na wika kay Elias.. Pulang-pula ang mukha nito habang may iilang butil ng luha ang tumutulo sa mga mata nito. Well, medyo mainit pa iyung Ramen at para siyang basang sisiw ngayun. Ang plakado niyang make -up ay unti-unti nang nahuhulas mula sa kanyang pisngi. Napansin ko din ang kaaagad na paglapit ng dalawang waitress at inabutan ito ng malinis na towel. Pamunas marahil sa basang basa nitong buhok. "You deserved it!" narinig kong baliwala namang sagot ni Elias dito. HIndi ko tuloy mapigilan ang mapatingin dito. Prente pa rin itong nakaupo na para bang wala siyang pakialam sa nangyari kay Rebecca. Actually, ang inaasahan ko kanina ay magagalit ito sa akin dahil sa ginawa ko sa babaeng binigyan niya ng singsing pero kabaliktaran naman ang ipinapakitang reaction ni Elias sa akin ngayun. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit na kauting pagkadismaya sa kay
AMERY HEART POV Mabilis lang naman ang serving ng mga pagkain. Ilang saglit lang, namalayan ko na lang ang sarili ko na nag eenjoy sa mga pagkaing nasa harapan namin. Ngayun ko lang din lubos na narealized na gutom na gutom pala ako. "Kung may mga gusto ka pang kainin don't hesitate to tell me at oorderin na kaagad natin." nakangiti niya pang wika. Mapansin niya marahil ang gana ko sa pagkain kaya ganoon. "Ayos na ito. Thank you. Hindi ko masyadong pinapansin ang mga ganitong restaurant before pero masarap pala. " bigkas ko din kaagad sa kanya. "Ahmmmm ganoon ba? Pwede tayong bumalik dito bukas kung gusto mo. Para ma try natin ang iba nilang menu. What do you think?" nakangiti niyang tanong. " I think masyado ka nang magastos." pabiro kong sagot at huli ko na narealized na hindi pala kami in good terms. Kaya lang nasabi ko na at hindi na pwedeng bawiin. "Ayos lang gumastos, Sweetheart basta ang importante mag enjoy ka." nakangiting sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigi
Amery Heart POV Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa dining area ng condo para kumain ng dinner nang mapansin ko ang biglang pagbabago ng hitsura ni Elias pagkatapos nitong kumagat sa niluto niyang sausage. Pigil ko naman ang sarili ko na matawa. Sa wakas natapos din siya sa pagluluto pero ang mga ligpitin sa kusina ay naghihintay. Wala akong balak na tulungan siyang magligpit. Kalat niya iyun kaya bahala siya. Nag effort naman kasi siyang magluto pero palpak talaga eh. Halata din naman na hindi siya marunong magluto dahil pang breakfast na pagkain itong nakahain sa harapan namin. Iyun nga lang sunog ang sausage at parang na murder ang sunny side up eggs niya. "Hindi mo ba gusto ang niluto ko? I mean...parang na overcooked ko yata itong sausage." nakangiti niyang wika at sabay lapag niya sa pingan ko ang sunny side up eggs. Kahit nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pambabaliwala sa akin nitong mga nakaraang linggo, no choice ako kunti ang tikman ang itlog na na
AMERY HEART POV Napapansin ko naman ang pagabago ni Elias nitong mga nakaraang araw. Halos hindi naman sya umaalis sa tabi ko na labis kong ipinagtataka. Palagi din siyang nakaalalay sa akin na akala mo isang butihing asawa. Pero siyempre, dahil medyo nakakadala na din naman ang mga nangyari, ayaw kong magpadala sa matatamis niyang mga salita. Ayaw ko munang maniwala sa kanya. Mahirap na...baka mamaya, mabait siya ngayun pero bukas, iba na naman ang gagawin niya. Ayaw ko nang umasa noh! Naging abala ang sumunod na oras namin nila Jeann at Charlotte. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakain ni Elias at kung bakit ang dami niya naman yatang mga pinamili. Halos wala na kaming mapaglagyan. Puno na ang cupboard pati na din ang refrigerator. Akala mo ang daming nakatira sa condo unit na ito gayung kami lang naman dalawa ang nandito. "Amery, bati na ba kayo ng pinsan ko? Tsaka dito na ba kayo titira sa condo? Bakit ang daming niyang pinamili?" narinig ko pa ngang tanong ng nagtataka
ELIAS POV Habang nasa biyahe ako, hindi ko mapigilan ang mapakunot noo nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun nang mapansin ko na si Rebecca ang tumatawag. “Elias…honey, saan ka? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Iniiwasan mo na ba ako?” malambing kaagad na wika nito mula sa kabilang linya. “Yes…totoo iyang sinasabi mo. Iniiwasan na kita!” seryosong sagot ko. Walang paligoy-ligoy dahil iyun naman talaga ang gusto kong gawin eh. Tatalikuran ko na ang mga bagay na nakasanayan ko nang gawin at magpo-focus na lang ako kay Amery pati na din sa anak namin. Ayaw ko na din kasing bigyan ng dahilan si Amery na magalit sa akin. Mahirap na. Kagaya ng sinabi ni Mommy kanina baka kasi bigla na lang akong layasan eh. “What? Are you kidding me? Hindi pwede! Hindi ako papayag!” seryosong sagot nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang kaagad na pagsalubong na kilay ko. “Anong hindi pwede? Wala namang tayo diba? Para namang hindi ka sanay sa klase ng relasyon
ELIAS POV DAHIL may nakakasama naman na si Amery dito sa condo unit, nagpasya na muna akong iwan na muna sila. Balak kong magpatulong kay Mommy na bumili ng mga pangangailangan namin sa condo unit. Wala kaming stocks ni Amery. Walang laman ang ref at dahil gusto kong magpakitang gilas, tinawagan ko si Mommy para samahan niya ako sa grocery. Hindi ko kasi alam kung ano ang mga biblihin eh. Mabuti itong si Mommy, sanay mag grocery dahil pagdating sa mga pagkain sa bahay lalo na noong maliliit pa kami ng kakambal kong si Elijah, hands-on siya sa pag-aasikaso sa amin. Of course bago ako umalis, nagpaalam muna ako kay Amery. Mukhang wala naman siyang pakialam at mabilis niya akong pinayagan. Ni hindi man siya nagtanong kung saan ako pupunta. "May gusto ka bang ipabili? Sabihin mo dahil mago-grocery ako. Bibili ako ng mga bagay na kakailanganin natin habang nandito tayo sa condo." nakangiti kong tanong sa kanya. Kusa ko nang sinabi sa kanya kung saan ako pupunta. Kaya lang deadma lang
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV MABUTI na lang talaga at napapayag ko si Amery na kumain and take note,lahat ng mga pagkain na nilalagay ko sa pingan niya ay kinakain niya din naman kaagad. Sana lang talaga makipagbati na siya sa akin dahil miss na miss ko na din naman ang dating siya. “Pagkatapos mong kumain, may gusto ka bang pupuntahan? Sabihin mo lang, at willing akong samahan ka.” Nakangiti kong wika sa kanya. Natigilan naman siya habang napatitig sa akin. “Wala! Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko.” Malamig ang boses na sagot niya sa akin. Nagpapakita ito nang kawalang interes kaya hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga. Heto na naman siya. Confirm, mainit pa rin ang ulo niya sa akin. Ayaw niya pa ring makipagbati. Well, ano pa nga ba ang pwede kong gawin kundi ang intindihin siya. Ang pina-problema ko sa ngayun paano ko kaya masabi sa kanya na kailangan niyang magpatingin sa isang Psychologist. Para naman mabigyan ng intervention ang kung ano man ang gumugulo
ELIAS POV '"Ayan! Iyan tayo eh. kung hindi ka ba naman gumawa ng kalokohan, hindi mangyayari iyan!" sermon ng pinsan ko sa kabilang linya. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? Matino akong partner ni Amery at mas magiging matino ako ngayun lalo na at may anak na kami." sagot ko din naman kaagad sa kanya. "Eh, kung matino kang lalaki dapat hindi ka na pumapatol sa ibang babae. Tsk, sa lahat ng mga playboy, ikaw na yata ang pinakamalala. Nasa tabi mo na nga si Amery, naghanap ka pa talaga ng iba. And worst, binigyan mo pa ng singsing!" walang pakundangan na wika ni Charlotte. Hindi ko naman maiwasan na magulat "Hey...saan mo nakuha ang ganiyang impormasyon? Ikaw ba ang nagpakalat ng tsismis na iyan kaya hangang ngaun galit sa akin si Amery?" seyosong tanong ko sa kanya. "Iyung tungkol kay Rebecca ako ang nagsabi noon kay Amery pero iyung tungkol sa singsing hindi ako. Galing kay Amery iyun. Siya ang may sabi." sagot din naman kaagad nito. "Umayos ka cous ha? Nararamdaman din nam