JENNIFER POV "Mam, hindi po pwede! Bilin ni Sir Elijah na dapat niyo daw po itong inumin ngayun!" bigkas ni Manang kaya naman wala na akong choice pa kundi ang damputin ang tableta kasama ng tubig! Pilit ang ngiti sa labi na tumitig ako sa kanya bago ako muling nagsalita! "Pwede mo na akong iwan, Manang! Iinumin ko na po ito!" palusot ko! Wala akong balak inumin ang tableta! Balak kong itapon sa basurahan pagkaalis niya! " Pasensya na po kayo Mam Jennifer! Utos po kasi ni Sir Elijah na kailangan niyo daw po itong inumin sa mismong harapan ko! Pasensya na po Mam, sumusunod lang po sa utos!" mahinang bigkas ni Manang! "Ha? Iinumin ko naman po eh!" giit ko "Inumin niyo po ngayun Mam! Pakiusap po!" seryosong sagot nito! Kahit na labag sa kalooban, wala na akong choice kundi ang isubo sa bibig ko ang tableta pagkatapos noon ininom ko ang isang baso ng tubig! Hindi ko pa nga mapigilan ang maluha pagkatapos kong gawin iyun! Shit lang talaga! Bakit ba napaka-segurista nila? Bakit
JENNIFER POV Ang dining area na tinutukoy ni Manang ay kasinglaki yata ng buong bahay namin sa probensya! Bumungad sa akin ang mahabang dining table na maraming mga pagkain na nakalapag. Sa harapan ng mga pagakin ay ang nakaupo na si Mr. Elijah at halata sa mukha ang pagkayamot! Nang mapansin niya ang pagdating ko mas lalong nagsalubong ang kilay niya! "Bakit ang tagal mo?" paasik na tanong niya sa akin! Hindi ko naman mapigilan ang mapangiwi! "Sorry!" mahinang bulong ko! Wala namang mangyayari kung makipagtalo pa ako sa kanya eh! Kakaiba pa naman ang takbo ng utak niya kaya naman simula ngayun kailangan kong magbait-baitan! Umaasa pa rin kasi talaga ako na makakatakas eh! Hangat walang pagwasak ng perlas na mangyayari, hindi ako susuko! "Sit down!" maawtoridad niyang bigkas! Mabilis naman akong ipinaghila ng upuan ni Manang sa mismong tagiliran ni Mr. Elijah at sininyasan na maupo kaya kaagad na din akong tumalima! Ang dami kasing pagkain sa mesa eh! Mukhang puro masasarap
JENNIFER POV Kanina pa ako pabaling-baling sa aking kinahihigan! Kumportable naman ako dito sa silid pero hindi talaga ako makatulog! Kanina pa ako hindi mapalagay na hindi ko mawari! Sa totoo lang, natatakot ako! Alas diyes na ng gabi at natatakot akong baka bigla na lang pumasok dito sa silid ko Mr. Valdez at umpisahan niya nang gawin ang project na dapat niyang gawin sa akin! Hindi pa ako ready noh! God...baka hindi ko kayanin! Kung hindi ako maaraing magkamali, mahigit six foot ang height at matikas ang pangangatawan niya at sure ako na daks talaga siya eh! Bago ako mabuntis, wawasakin niya muna ng perlas ko! Baka hindi lang isang beses kundi maraming beses pa! Hayssst, ito na nga ba ang sinasabi ko eh! May nagawa ba akong malaking kasalanan sa nakaraan kong buhay kaya nangyayari ito sa akin ngayun? Posible kayang makarma ako gayung wala naman sana akong naalalang pagkakamali sa buhay ko? Sa naisip kong iyun muli akong napaupo sa kama! Tulalang napatitig sa pintuan ng kw
JENNIFER MADLANG-AWA POV HINDI ko alam kung ilang oras na akong parang tanga na walang ibang ginawa kundi ang nakantunghay lang kay Elijah! Naririnig ko na ang mahina niyang paghilik pero hindi ko pa rin maiwasan na titigan siya! Kay sarap kasi sa mga mata ang shape ng kanyang mukha! Matangos ang ilong at may manipis at mamula-mulang labi! Feeling ko hindi siya naninigarilyo! Tsaka tingnan mo naman ang mukha, kahit na may balbas siya ang pogi niya pa rin! Basta, mahirap mag-explain pero overall ang gwapo niya talaga! Aminado akong ngayun ko lang na-appreciate ang looks niya! Hindi ko masyadong nakikita ang kapogian niya kapag nag-uusap kami dahil mas nangingibabaw ang takot at pagkailang ko sa kanya! Pero ngayung natutulog siya, nagmistula tuloy siyang anghel sa paningin ko! Ang bait ng mukha niya na para bang hindi siya gagawa ng masama! Parang gusto ko pa tuloy siyang makilala at alamin kung anong klaseng tao ba talaga si Mr. Elijah Valdez! Ramdam ko kanina sa boses niy
JENNIFER MADLANG-AWA POV "Palagi po bang dumadalaw si Madam...ibig kong sabihin si Mommy Miracle dito sa bahay Manang?" tanong ko kay Manang nang sa mismong harapan ko, ini-slice niya ang cake! Nilalagay niya na sa harapan ko ang isang platito kasama ng cappuccino na nirequest ko sa kanya kanina! "Paminsan-minsan lang po Mam! Kadalasan kasi, si Sir Elijah ang dumadalaw sa bahay niya! Minsan, doon din natutulog sa bahay nila si Sir Elijah lalo na at nag-iisa na lang ang Mommy niya sa buhay! Wala na din po kasi ang DAddy nila eh!" pagki-kwento ni Manang! Hindi ko naman maiwasan na magulat "Wala na din ang Daddy ni Elijah? Ibig niyo pong sabihin, patay na din ang Daddy niya?" seryosong tanong ko! Kaagad namang tumango si Manang! "Opo! Dalawang taon na pong patay ang Daddy ni Sir Elijah! Medyo may edad na din po kasi! Ang alam ko malaki ang agwat ng edad sa isa't-isa ang Mommy at Daddy ni Sir Elijah!" bigkas ni Manang! HIndi ko naman maiwasan na makaramdam ng awa kay Elijah! Kay
JENNIFER POV PAGKATAPOS kong kumain ng agahan, pinayagan na din ako sa wakas ni Manang SAlve na maglakad-lakad sa labas! Palagay ang kalooban ko dahil walang Elijah ang nasa paligid lang! Iyun nga lang, habang nag-iikot-ikot ako, doon ko lubusang narealized na malabo pa sa tinta ng pusit na makakatakas ako sa pamamahay na ito! Ang daming bantay eh! Hindi nga ako pwedeng lumapit sa may gate at kung balak ko namang umakyat ng bakod, malabong mangyari dahil sobrang taas niyun at napansin ko ding maraming cctv camera ang nagkalat sa buong paligid! Haysst, ano ba kasing klaseng bahay ito! Bakit ang higpit ng security? Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Maraming mga nakabantay sa mga ari-arian nila? Hindi lang din si Manang Salve at Manang Precy ang mga kasambahay kundi may iba pa! May hardenero din na nagmementain daw sa kagandahan ng garden! Daming pinapaswelduhan! Grabe! "Mam..Mam! Naku, nandito lang po pala kayo! Halika po! Dumating na po ang mga regalong padala ni Sir Elija
JENNIFER POV ''Hindi ako tatakas!" kaagad kong bigkas pero sa kaloob-looban ng puso ko, kapag mabigyan ng chance tatakas pa rin ako! Nagbabakasakali lang naman ako na baka mapaniwala ko siya ngayun eh! "Hindi ka tatakas? Sa palagay mo, maniniwala ako sa iyo? Get up! Samahan mo akong kumain ng dinner!" seryosong sagot niya sa akin at mabilis na naglakad palabas ng silid! Wala sa sariling mabilis akong bumaba ng kama! Gutom na din ako eh! Dahil sa maghapong abala kanina, huling kain ko kaninang lunch time pa! Mabilis akong pumasok ng banyo at nagmumugmog tapos nagsukalay lang ng buhok and presto ready na akong kumanin ng dinner kasama ang gwapo at nagsusungit na si Mr. Elijah Valdez! Pagdating ng dinning area, kapansin pansin ang maraming pagkain na nakahanda sa mesa! Bilib na talaga ako sa mayayaman! Akala mo palaging may handaan sa dami ng mga pagkain na nasa mesa eh! Paano kaya nila ito nauubos? Kaninang lunch time dami ding inihanda nilang pagkain sa akin! Feeling ko,
JENNIFER POV NAGING maayos naman ang mga sumunod na araw ng buhay ko sa bahay ni Mr. Elijah Valdez! Dahil din sa out of town na huling nabangit ni Elijah noong huli kaming nagkausap, mahigit isang linggo na din itong hindi umuuwi ng bahay at sa loob ng mahigit isang linggong iyun hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko! HInahanap-hanap ko kasi talaga ang presensya niya eh! Para bang bigla ko siyang na-miss at wala na akong ibang gusto ngayun kundi ang makita siya ulit! Ipokrita ako kung sabihin ko na hindi ako nag-eenjoy sa pag-stay sa bahay na ito! Pinagsisilbihan ako ng lahat at natutulog sa kumportable na kwarto! Twenty four seven ang aircon at masasarap na pagkain! In short, naranasan ko ang mamuhay na parang isang mayaman! Iyun nga lang, sa kabila ng karangyaan na nararanasan ko ngayun, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng lungkot! Para bang may hinahanap ang puso ko na hindi ko mawari! Namimiss ko siya! Na-mimiss ko ang sagutan naming dalawa ni Elijah! "Hayss
AMERY HEART POV PAGKATAPOS bayaran ni Elias ang bills namin sa restaurant, mabilis na din kaming umalis para puntahan sa NICU ang anak namin. Sakto lang naman ang dating namin sa NICU dahil oras na para padedehin si Baby. "Pwede ba akong manood habang pinapadede mo siya?" nakikiusap na wika ni Elias nang akmang papasok na ako sa loob. Natigilan naman ako. KUng totoosin, pwde naman talaga siya pumasok anytime na gustuhin niya sa loob ng NICU. Lalo na at isa siyang Doctor at pag-aari niya din ang hospital na ito. Sa loob ng NICU, walang ibang bata ang naririto. Solo ng anak namin ang buong unit. Sinadya ito ni Elias lalo na at wala siyang ibang hangad kundi ang ibigay ang pinaka the best para sa anak namin. "Pwede naman! Hindi kita pagbabawalan kung guso mong manood." balewala kong sagot. Iyun nga lang, pagpasok namin sa loob, parang gusto ko tuloy pagisisihan kung bakit ako pumayag. Magpapadede ako at nakakailang pala. Makikita niya kasi ang boobs ko eh. Kahit naman may a
AMERY HEART POV "ELIAS, Look! Tingnan mo ang ginawa ng babeng iyan sa akin!" parang nagsusumbong ang tono ng boses ni Rebecca na wika kay Elias.. Pulang-pula ang mukha nito habang may iilang butil ng luha ang tumutulo sa mga mata nito. Well, medyo mainit pa iyung Ramen at para siyang basang sisiw ngayun. Ang plakado niyang make -up ay unti-unti nang nahuhulas mula sa kanyang pisngi. Napansin ko din ang kaaagad na paglapit ng dalawang waitress at inabutan ito ng malinis na towel. Pamunas marahil sa basang basa nitong buhok. "You deserved it!" narinig kong baliwala namang sagot ni Elias dito. HIndi ko tuloy mapigilan ang mapatingin dito. Prente pa rin itong nakaupo na para bang wala siyang pakialam sa nangyari kay Rebecca. Actually, ang inaasahan ko kanina ay magagalit ito sa akin dahil sa ginawa ko sa babaeng binigyan niya ng singsing pero kabaliktaran naman ang ipinapakitang reaction ni Elias sa akin ngayun. Ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit na kauting pagkadismaya sa kay
AMERY HEART POV Mabilis lang naman ang serving ng mga pagkain. Ilang saglit lang, namalayan ko na lang ang sarili ko na nag eenjoy sa mga pagkaing nasa harapan namin. Ngayun ko lang din lubos na narealized na gutom na gutom pala ako. "Kung may mga gusto ka pang kainin don't hesitate to tell me at oorderin na kaagad natin." nakangiti niya pang wika. Mapansin niya marahil ang gana ko sa pagkain kaya ganoon. "Ayos na ito. Thank you. Hindi ko masyadong pinapansin ang mga ganitong restaurant before pero masarap pala. " bigkas ko din kaagad sa kanya. "Ahmmmm ganoon ba? Pwede tayong bumalik dito bukas kung gusto mo. Para ma try natin ang iba nilang menu. What do you think?" nakangiti niyang tanong. " I think masyado ka nang magastos." pabiro kong sagot at huli ko na narealized na hindi pala kami in good terms. Kaya lang nasabi ko na at hindi na pwedeng bawiin. "Ayos lang gumastos, Sweetheart basta ang importante mag enjoy ka." nakangiting sagot niya sa akin. Hindi ko naman mapigi
Amery Heart POV Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa dining area ng condo para kumain ng dinner nang mapansin ko ang biglang pagbabago ng hitsura ni Elias pagkatapos nitong kumagat sa niluto niyang sausage. Pigil ko naman ang sarili ko na matawa. Sa wakas natapos din siya sa pagluluto pero ang mga ligpitin sa kusina ay naghihintay. Wala akong balak na tulungan siyang magligpit. Kalat niya iyun kaya bahala siya. Nag effort naman kasi siyang magluto pero palpak talaga eh. Halata din naman na hindi siya marunong magluto dahil pang breakfast na pagkain itong nakahain sa harapan namin. Iyun nga lang sunog ang sausage at parang na murder ang sunny side up eggs niya. "Hindi mo ba gusto ang niluto ko? I mean...parang na overcooked ko yata itong sausage." nakangiti niyang wika at sabay lapag niya sa pingan ko ang sunny side up eggs. Kahit nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pambabaliwala sa akin nitong mga nakaraang linggo, no choice ako kunti ang tikman ang itlog na na
AMERY HEART POV Napapansin ko naman ang pagabago ni Elias nitong mga nakaraang araw. Halos hindi naman sya umaalis sa tabi ko na labis kong ipinagtataka. Palagi din siyang nakaalalay sa akin na akala mo isang butihing asawa. Pero siyempre, dahil medyo nakakadala na din naman ang mga nangyari, ayaw kong magpadala sa matatamis niyang mga salita. Ayaw ko munang maniwala sa kanya. Mahirap na...baka mamaya, mabait siya ngayun pero bukas, iba na naman ang gagawin niya. Ayaw ko nang umasa noh! Naging abala ang sumunod na oras namin nila Jeann at Charlotte. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakain ni Elias at kung bakit ang dami niya naman yatang mga pinamili. Halos wala na kaming mapaglagyan. Puno na ang cupboard pati na din ang refrigerator. Akala mo ang daming nakatira sa condo unit na ito gayung kami lang naman dalawa ang nandito. "Amery, bati na ba kayo ng pinsan ko? Tsaka dito na ba kayo titira sa condo? Bakit ang daming niyang pinamili?" narinig ko pa ngang tanong ng nagtataka
ELIAS POV Habang nasa biyahe ako, hindi ko mapigilan ang mapakunot noo nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali kong sinagot iyun nang mapansin ko na si Rebecca ang tumatawag. “Elias…honey, saan ka? Ano ba ang nangyayari sa iyo? Iniiwasan mo na ba ako?” malambing kaagad na wika nito mula sa kabilang linya. “Yes…totoo iyang sinasabi mo. Iniiwasan na kita!” seryosong sagot ko. Walang paligoy-ligoy dahil iyun naman talaga ang gusto kong gawin eh. Tatalikuran ko na ang mga bagay na nakasanayan ko nang gawin at magpo-focus na lang ako kay Amery pati na din sa anak namin. Ayaw ko na din kasing bigyan ng dahilan si Amery na magalit sa akin. Mahirap na. Kagaya ng sinabi ni Mommy kanina baka kasi bigla na lang akong layasan eh. “What? Are you kidding me? Hindi pwede! Hindi ako papayag!” seryosong sagot nito sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang kaagad na pagsalubong na kilay ko. “Anong hindi pwede? Wala namang tayo diba? Para namang hindi ka sanay sa klase ng relasyon
ELIAS POV DAHIL may nakakasama naman na si Amery dito sa condo unit, nagpasya na muna akong iwan na muna sila. Balak kong magpatulong kay Mommy na bumili ng mga pangangailangan namin sa condo unit. Wala kaming stocks ni Amery. Walang laman ang ref at dahil gusto kong magpakitang gilas, tinawagan ko si Mommy para samahan niya ako sa grocery. Hindi ko kasi alam kung ano ang mga biblihin eh. Mabuti itong si Mommy, sanay mag grocery dahil pagdating sa mga pagkain sa bahay lalo na noong maliliit pa kami ng kakambal kong si Elijah, hands-on siya sa pag-aasikaso sa amin. Of course bago ako umalis, nagpaalam muna ako kay Amery. Mukhang wala naman siyang pakialam at mabilis niya akong pinayagan. Ni hindi man siya nagtanong kung saan ako pupunta. "May gusto ka bang ipabili? Sabihin mo dahil mago-grocery ako. Bibili ako ng mga bagay na kakailanganin natin habang nandito tayo sa condo." nakangiti kong tanong sa kanya. Kusa ko nang sinabi sa kanya kung saan ako pupunta. Kaya lang deadma lang
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV MABUTI na lang talaga at napapayag ko si Amery na kumain and take note,lahat ng mga pagkain na nilalagay ko sa pingan niya ay kinakain niya din naman kaagad. Sana lang talaga makipagbati na siya sa akin dahil miss na miss ko na din naman ang dating siya. “Pagkatapos mong kumain, may gusto ka bang pupuntahan? Sabihin mo lang, at willing akong samahan ka.” Nakangiti kong wika sa kanya. Natigilan naman siya habang napatitig sa akin. “Wala! Hindi na kailangan. Kaya ko na ang sarili ko.” Malamig ang boses na sagot niya sa akin. Nagpapakita ito nang kawalang interes kaya hindi ko mapigilan ang mapabuntong hininga. Heto na naman siya. Confirm, mainit pa rin ang ulo niya sa akin. Ayaw niya pa ring makipagbati. Well, ano pa nga ba ang pwede kong gawin kundi ang intindihin siya. Ang pina-problema ko sa ngayun paano ko kaya masabi sa kanya na kailangan niyang magpatingin sa isang Psychologist. Para naman mabigyan ng intervention ang kung ano man ang gumugulo
ELIAS POV '"Ayan! Iyan tayo eh. kung hindi ka ba naman gumawa ng kalokohan, hindi mangyayari iyan!" sermon ng pinsan ko sa kabilang linya. "Ano bang pinagsasabi mo diyan? Matino akong partner ni Amery at mas magiging matino ako ngayun lalo na at may anak na kami." sagot ko din naman kaagad sa kanya. "Eh, kung matino kang lalaki dapat hindi ka na pumapatol sa ibang babae. Tsk, sa lahat ng mga playboy, ikaw na yata ang pinakamalala. Nasa tabi mo na nga si Amery, naghanap ka pa talaga ng iba. And worst, binigyan mo pa ng singsing!" walang pakundangan na wika ni Charlotte. Hindi ko naman maiwasan na magulat "Hey...saan mo nakuha ang ganiyang impormasyon? Ikaw ba ang nagpakalat ng tsismis na iyan kaya hangang ngaun galit sa akin si Amery?" seyosong tanong ko sa kanya. "Iyung tungkol kay Rebecca ako ang nagsabi noon kay Amery pero iyung tungkol sa singsing hindi ako. Galing kay Amery iyun. Siya ang may sabi." sagot din naman kaagad nito. "Umayos ka cous ha? Nararamdaman din nam