THIRD PERSON POV KANINA pa nagkukutkot ang kalooban ni Ethel habang patingin-tingin kina Jennifer at Elijah! Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng inggit nang mapansin niya kung paano alagaan ni Elijah si Jennifer. Kung hindi sana sa katangahan niya noon, siya sana ng babaeng katabi ngayun ni Elijah. Siya sana ang babaeng pinagsisilbihan nito at ipinapakilalang asawa sa lahat. Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng matinding sama ng loob. Habang tumatagal, lalong nagiging pursigido ang puso at isipan niya na paghiwalayin si Jennifer at Elijah para balikan na siya nito. Hindi siya makakapayag na hindi niya ulit maangkin si Elijah. Gagawin niya ang lahat para bumalik ulit ito sa kanyang piling. Siya ang first love ni Elijah at alam niyang lalambot din ang puso nito sa kanya sa pagdating ng mga araw. Galit lang ito sa kanya dahil sa nangyari kay si Ezekiel at pasasaan ba at mapapatawad din siya nito. "Ate, dito ka na muna ha? Enjoy the party! May aasikasuhin lang ako." nakan
ELIJAH VILLARAMA VALDEZ POV "Sweetie, gusto mo bang mahiga na muna? I mean, pahinga ka muna..may mga guest room sa loob ng mansion at pwede natin okupahin ang isa sa mga iyun." hindi ko mapigilang wika kay Jennifer nang mapansin ko na pipikit-pikit na ang mga mata nito na para bang inaantok. SAbagay, sa kalagayan nito ngayun kailangan talaga sa kanya ang tamang pamamahinga. Sobrang laki na ng tiyan niya at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tinangihan ko ang pagyayaya ng mga pinsan ko na mag-inuman. Ayaw kong ihiwalay sa paningin ko si Jennifer hangat maari. Ayaw ko nang maulit pa ang mga nangyari noon kaya kapag nasa ganito kaming pagtitipon at may iba kaming kasamang mga tao, ayaw kong iwalay siya sa paningin ko. "Ayos lang ako dito Elijah! No worries. Kaya ko pa naman eh!'" Hindi ko tuloy mapigilan ang hawakan ito sa kamay. Kahit na kay laki na ng tiyan nitong asawa ko, hindi talaga ako magsasawa na titigan ang maganda nitong mukha. Lalong lumutang ang angkin nitong g
JENNIFER POV DAHIL sobrang tumatak talaga sa isipan ko ang pagbangit ni Elijah tungkol kay Ethel, nang magpaalam ito sa akin para mabanyo wala sa sariling napatingin ako sa kinaroroonan ni Ethel kung saan napansin ko ang pag-alis din nito sa kanyang pwesto. Hindi ko mapigilan ang mapakunot noo nang mapansin ko na naglakad din ito papasok ng mansion. Kaagad akong sinalakay ng matinding pagdududa at kahit na hirap, mabilis akong tumayo para sundan ito. Sinasabi ko naman kasi eh! Huwag na huwag silang gumawa ng mga bagay-bagay na hindi ko magugustuhan kung hindi maghahalo talaga ang balat sa tinalupan. Huwag na huwag akong subukan ng Ethel na ito dahil kahit na kaibigan siya ni Veronica, hindi talaga ako mangingimi na iskandaluhin siya once na makita ko na may gagawin siyang hindi kanais-nais sa mga mata ko! Habang sinusundan ko si Ethel, hindi ko talaga inaalis ang tingin ko dito. Mahirap na at baka makawala paningin ko at magising na lang ako na baka naakit niya na ang asawa ko
JENNIFER POV "Ate, ano ba kasi ang ginagawa mo dito sa loob ng bahay?" narinig ko namang tanong ni Veronica kay Ethel. "Balak ko sanang gumamit ng banyo at nagkataon na si Elijah pala ang nasa loob! Pasensya ka na Veronica, pero kilala mo naman ako diba? Hindi ako mahilig sa gulo at nagkataon lang talaga ang paghaharap namin ni Elijah dahil----" "Huwag ka ngang sinungaling kang babae ka! Pati ba naman kay Veronica magsisinungaling ka eh nilapitan mo nga ako kanina at binantaan na sisisrain mo ang buhay namin mag-asawa para lang bumalik siya sa iyo!" galit kong sabat. Bahala na kung magmukha man akong bastos pero hindi ko kayang marinig ang kasinungaling nitong si Ethel. Oo, kaibigan siya ni Veronica at wish ko lang na maging fair naman sana si Veronica sa amin. Sa laban na ito ako ang dehado dahil ako itong gustong agawan ng asawa ng isang babaeng makati pa sa higad! Pamilya ko ang nakasalalay dito at hindi ako papayag na may manggugulo sa pamilya namin lalo na at umpisa pal
JENNIFER POV '"SORRY sa nangyari kanina. Hindi ko kasi napigilan ang bugso ng damdamin kaya nasampal ko siya." hinging paumanhin ko kay Veronica gayun na din sa asawa nitong si Rafael nang tuluyan nang nakaalis si Ethel. Inutusan pa nila ang driver na ihatid ito sa may labasan para sure na aalis na ang babaeng iyun. Hindi na siya welcome sa birthday party ni Veronica dahil sa nangyari! Sa huli, ako pa rin ang kinampihan ni Veronica at masaya ako doon "Don't mention it, Jen! Ginawa mo lang kung ano ang tama at kahit na hindi ka na magkweto, hindi ako ganoon ka-tanga para hindi ko malaman kung ano nag mga pinanggagawa ni Ate Ethel at nababasa kung ano ang tumatakbo sa isipan niya." nakangiti nitong sagot nito sa akin na labis kong ikinagulat "Sa nasabi ko na kanina, we are family na at wala kaming ibang hangad kundi ang maging masaya ang pagsasama niyong dalawa ni Elijah lalo na at may mga anak na din kayo!" nakangiti nitong bigkas. "Veronica, thank you! Hindi ko na din alam k
JENNIFER MADLANG AWA VALDEZ POV SIMULA noong pinaalis na ni Veronica si Ethel sa birthday party, mas naging masaya ang atmosphera sa mga mata ko ang buong paligid. Nagawa ko na ding makihalubilo sa iba pang mga kamag-anak at iba pang miyembro ng Villarama Clan. HInaayan ko na din si Elijah na makipag-inuman na muna sa mga pinsan niya. Minsan lang naman itong mangyari at gusto kong i-enjoy niya din! "Jen, nagyaya na si Elias na aalis na kami! Mauna na kami sa inyo!" nakangiting paalam ni Ate Amery sa akin! Sa buong oras ng party, halos ayaw na nitong humiwalay sa akin. Napag-alaman ko na pinalayas daw siya ng Kuya Luis niya dahil nagalit daw ito dahil hinayaan daw akong makabalik sa tunay kong pamilya. Gusto pala talaga ni Luis na angkinin at papaniwalain akong siya ang asawa ko habang buhay! Mabuti na lang talaga at may isang Amery na maawain at tinulungan akong makabalik kay Elijah. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at mabuti na lang talaga at to the rescue si Elias. Tin
JENNIFER POV HINDI ko akalain na mag-eenjoy ako sa pakikipag-usap kina Ella, Charlotte, Jeann at hindi nagtagal, sumali na din sa amin si Veronica. Habang palalim nang palalim ang gabi, lalo namang nagkatuwaan ang mga asa-asawa namin sa inuman kaya naman kaagad na ipinahanda ni Veronica ang mga guest room para doon nalang kami magpalipas ng gabi. Nagsipag-uwian na kasi lahat ng mga bisita at kami na lang ang natira. Kahit nga ang mga kapatid ni Rafael ay maaga nang nagsipag-alisan. "Ayos ka na ba dito Jen? Kung nagugutom ka, huwag kang mahiyang magsabi kina Manang ha? Dumaan din ako sa pagbubuntis ng kambal at palagi akong gutom nong time na iyun. Kahit na hating gabi, naghahanap ng pagkain ang tiyan ko." nakangiting wika ni Veronica bago niya ako iwan dito sa kwarto kung saan silid daw ito ni Mommy Miracle noong dalaga pa. Imbes na sa guest room, dito ako dinala ni Veronica para mas maging kumportable daw ako. Mas malaki kasi ang kama at kasama ko din dito sa silid si Baby Ale
ETHEL POV Kanina pa ako hindi mapakali. Kanina pa nagpupuyos ang kalooban ko! WALANG pagsidlan ang galit na nararamdaman sa puso ko nang bigla na lang akong paalisin ni Veroinca sa birthday party nito Imagine, mas kinakampihan niya pa ang Jennifer na iyun kumpara sa akin na kaibigan niya? Mula bata pa si Veronica magkakilala at magkaibigan na kami. Ako din ang tagapag-tangol nito noong mga panahon na binu-bully pa ito ng mga kasing edad nito dahil mas mahirap pa ito sa daga noong hindi pa nito naging asawa si Rafael Villarama. Kung hindi din dahil sa akin, hindi ito nakarating ng Manila at nakilala si Rafael pagkatapos ngayun, basta niya na lang akong tatalikuran at mas kinampihan niya pa ang Jennifer na iyun? Hinding hindi ako papayag na mangyari iyun! Pagkatapos ng lahat-lahat ng kabutihan na ipinakita ko sa kanya noon, tatalikuran niya lang ako na para bang isang basahan dahil katwiran nito, kabahagi na ng pamilya nila si Jennifer? Heck no! Hindi ko ito mapapayagan. Hind
AMERY HEART POV GAMIT ang sarili kong sasakyan, tahimik kong sinundan si Elias. Sa Valdez Medical Center kami nakarating. Kung ganoon, nandito si Rebecca. Siya ang dahilan kaya nagmamadali kanina si Elias na umalis na bahay. Tahimik lang akong nakasunod kay Elias hangang sa pumasok siya sa isang pribadong kwarto. Alam ko na...gets ko na, si Rebecca ang nasa loob noon Sa nagmamdaling kilos ni Elias, alam kong concern siya sa babaeng iyun. Alam kong nag-aalala din siya sa kalagayan nito "Pagkadating ko sa pintuan ng nasabing kwarto, sumilip ako gamit ang maliit na salamin ng pintuan. Parang may libo-libong karayom ang biglang tumusok sa puso ko nang sumalubong sa paningin ko na nakayakap na si Rebecca kay Elias. "Amery, tanga ka ba? Alam mo naman na masyado nang masakit pero bakit kailangan mo pa siyang sundan?" mahina kong bulong sa sarili ko. Pagkatapos noon, napaatras pa ako ng makailang ulit bago ako tuluyang naglakad paalis. HIndi ko pala kaya! Mas masakit pala kung h
AMERY HEART POV HINDI ko alam kung paano ako nakauwi ng bahay ni Elias pero pagpasok ko pa lang ng gate, kaagad na siyang sumalubong sa akin. Kung hindi lang ako nahihiya kina Jennifer at Charlotte ayaw ko pa sanang umuwi eh. Ayaw ko pa sanang bumalik sa bahay na ito. Sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina, hindi maipaliwanag na sakit ng kalooban ang nararamdaman ng puso ko. Nakakabaliw ang sobrang sakit. Hindi ko na naman alam kung paano mag-umpisa ulit. "Amery, God! Mabuti naman at umuwi ka na! Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sa iyo?" narinig kong sambit ni Elias. Napatigil naman ako sa paghakbang at seryosong napatitig sa kanya. "Nag-alala? Talaga bang nag-aalala ka sa akin? Talaga bang naisip mo kung ano ang mararamdaman ko kapag malaman ko ang tungkol sa pagdadalang tao ni Rebecca?" seryosong tanong ko. "I love you! Mahal na mahal kita kaya mas pinili ko na lang na ilihim na muna sa iyo ang lahat-lahat. Alam ko din kasi na masasaktan ka eh. I am sorry, A
AMERY HEART POV "I am sorry, wala akong balak na guluhin ang kasal niyong ito." umiiyak na muling sambit ni Rebecca. Pigil ko ang sarili ko. Wala daw siyang balak na guluhin ang kasal namin? Pero ano itong ginawa niya? Ang daming mga araw na pwede siyang lumutang pero bakit ngayun pa? Bakit? Kung hindi lang siya buntis baka kanina ko pa siya tiniris. Kung hindi lang siya buntis baka kanina ko pa siya sinugod. Lahat ng galak sa puso ko na naramdaman kani-kanina lang ay biglang naglaho. Hindi maipaliwanag na pighati ang kaagad na pumalit habang dahan-dahan akong napaatras. Wala na dapat pang pag-usapan. Niluko na naman ako ni Elias. Nabuntis niya si Rebecca at hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang patawarin "Elias, ano ito? Ano ang ibig sabhin nito?" narinig kong sambit ni Mommy MIracle. Ramdam ko sa boses niya ang matinding pagkasimaya kaya naman hindi ko na napigilan pa ang muling mapahagulhol ng iyak Dahan-dahan akong umatras palayo kay Elias. Hindi ko alam kung ano an
AMERY HEART POV THIS IS IT! Ang araw na pinakahihintay naming dalawa ni Elias! Ang araw ng aming kasal. Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman ng puso ko. Feeling ko din, ako na yata ang pinagka-maswerteng babae sa balat ng lupa. Feelig ko, nakalutang ako sa alapaap Sa wakas, ibinigay din ng Diyos ang matagal ko nang inaasam. May mga pagsubok kaming pinagdaanan at laking pasalamat ko dahil nalagpasan namin iyun. HIndi din talaga ako nagsisisi na binigyan ko siya ng second chance. Aware ako na walang perpektong relasyon pero pipilitin kong maging perpektong maybahay ni Elias. Mahal ko siya! Mahal na mahal ko siya at handa akong alagaan siya habambuhay. Nag-umpisa ng umalingangaw sa buong simbahan ang kantang napili naming kantahin ng singer na na hire namin habang naglalakad ako sa gitna ng aisle. Kumpleto ang Villarama Clan. May mga bisita din na dumating na hindi ko kilala. Ang alam ko ay mga business partners. Mga Ninong at Ninang na mula sa mataas na lipunan. Hab
AMERY HEART POV NAGING mapusok ang halik na pinagsaluhan naming dalawa ni Elias. Ramdam ko sa kanyang kilos ang matinding pananabik. Nag-uumpisa na ding maglumikot ang kanyang palad sa buo kong katawan."Ahhh, Elias." mahinang anas ko. Nagdedeliryo na kaagad ang pakikramdam ko. Sobrang init ng nararamdaman ko umpisa pa lang. Biglang dagsa ng matinding pagnanasa sa buo kong katawan. Lalo na nang makarating ang kanyang palad sa aking dibdib Para akong nawala sa hwesyo sa kakaibang sensasyong aking nararamdaman. Mas lalong naging mainit ang halik na pinagsaluhan naming dalawa."Sure ka na ba dito, Sweetheart?" mahinang bulong sa akin ni Elias nang pakawalan niya ang labi ko.. Nakangiti akong tumango"Yes...sure na sure na ako. I-advance na natin ang honeymoon natin." nakangiti kong sambit. Matiim niya akong tinitigan sa mga mata bago niya ulit inangkin ang labi koMuli naming pinagsaluhan ang mainit na halikan. Pareho kaming sabik sa isat isa kaya ilang saglit lang naramdaman ko na la
AMERY HEART POV "Elias, may problema ba?" nagtatakang tanong ko kay Elias habang magkaharap kami dito sa dining area. Kitang kita ko kasi sa mukha niya na para bang may malaki siyang problema. Nag-uusap kami tapos bigla na lang siyang napatulala. Hinintay ko siya kanina sa mall pero hindi siya nakarating. May biglaan daw kasi siyang meeting at naiiintindihan ko naman iyun. Alam ko din namang busy siya eh at hangat maari ayaw kong makaapekto pagdating sa trabaho niya dahil alam ko namang hindi birong responsibilidad ang nakaatang sa balikat niya. "Ayos lang ako, Sweetheart! Masyado lang talaga akong napagod kanina sa trabaho. Pasensya ka na kung hindi na ako nakarating kanina sa mall ah? Bawi na lang ako next time." may pilit na ngiti sa labi na bigkas niya. "Ayos lang iyun. Huwag mo nang isipin ang tungkol sa bagay na iyun. Marami pa namang next time eh." seryosong sagot ko sa kanya. Pagkatapos noon, kusa ko nang nilagyan ng pagkain ang pingan niya. "Kain ka na para makap
AMERY HEART POV "I am so happy for you, Amery. Imagine, ilang araw na lang at ikakasal na kayong dalawa ng pinsan naming si Elias. Tingnan mo nga naman, ang bilis ng panahon noh!" nakangiting wika ni Charlotte sa akin. Kasama sila Jennifer, Jeann at Rebecca nandito kami sa isang coffee shop at masayang nag-uusap. Balak naming magshopping kaya lang, nauwi ang lahat sa pag-upo dito sa loob ng coffee shop habang hindi matapos-tapos ang pag-chika. Ngayun ko lang din lubos na na-feel na kay sarap palang maging fiancee at future wife ni Elias. Imagine, lahat ng mga pinsan niya kasundo ko. Tapos hindi din nagkakalayo ang edad namin kaya naman nagkaroon ako ng hindi lang mga kaibigan kundi best friends na din. "Masayang masaya din ako lalo na at hindi ko akalain na may chance pa palang magbago ang isang babaero na si Elias." nakangiting sagot ko naman sa kanila. "Well, halos lahat ng mga lalaki, babaero. Naku, mas worst pa ang pinagdaanan ko sa pinagdaanan mo bago naging maayos ang pa
ELIAS POV 'HINDI KITA PIPILITIN na panagautan ako pero sana kilalanin mo ang anak natin. Huwag ka naman sanang maging unfair sa kanya, Elias. Sana mahalin mo din siya kagaya ng pagmamahal mo sa anak niyong dalawa ni Amery." seryosong wika ni Rebecca. Hindi ako nakaimik. Kung anak ko nga ang nasa sinapupunan niya, gaano ba ako kawalang kwentang ama para itakwil siya. "After kong manganak, balak kong tuluyang ipaubaya sa iyo ang kustudiya ng bata. Alam ko kasing mabibigyan mo siya ng magandang kinabukasan. Alam kong mas mapabuti siya sa iyo kumpara sa akin. I am sorry Elias! Patawarin mo ako kung bakit ngayun ko lang ito sinabi sa iyo. Patawarin mo ako sa panibagong problema na hatid ko sa iyo." muli niyang bikgas "It's okay, Rebecca. Nandiyan na iyan at kung talagang anak ko iyan, ibibigay ko ang nararapat para sa kanya!" seryosong sagot ko. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi ni Rebecca nang sabihin ko iyun. "Thank you! Thank you Elias! Don't worry, last na it
ELIAS VILLARAMA VALDEZ POV "Elias, dumaan lang pala ako para magpaalam sa iyo. Magkikita kami nila Jeann at Charlotte kasama na din si Vernonica sa Mall." nakangiting wika niya pagkatapos kong pakawalan ang labi niya. Mula sa pagkakaupo mula sa swivel chair mabilis siyang tumayo at dinampot ang paper bag na dala nya. "Dinalhan na din kita ng food para sa lunch mo.Ako ang nagluto niyan. Hope you like it! Gustuhin ko mang mag stay hangang lunch kaya lang nandoon na daw si Jeann eh." muli niyang sambit. "Okay lang. Enjoy your pasyal, Sweetheart. Kapag matapos ako ng mas maaga, susundan di naman kita kaagad. Mag-enjoy ka lang.." nakangiti kong sagot. Isang masayang ngiti ang kaagad na gumuhit sa labi niya bago siya naglakad patungo sa pintuan ng aking opisina "Okay, see you later, Elias. Tatawagan kita kapag nasa mall na ako." nakangiti niyang sambit bago niya ako tuluyang iniwan dito sa ospisina. Pagkaalis ni Amery, punong puno ang puso ko ng tuwa at muli kong itinoon ang buo ko