NAISIPAN ng mag-asawa na magliwaliw muna sa Hong Kong bago bumalik sa Pilipinas. Agad na nagpaalam si Austin matapos ang kasal kahapon. Nakipag-usap ito nang masinsinan kay Devance at nagulat sila nang isinuhestiyon nito ang maagang resignation. Wala naman silang nagawa sa desisyon ni Austin kaya sinuportahan na lang nila ito. It must have been hard for him. Para na kasi nila itong kapamilya dahil sa nakalipas na mga buwan ay halos araw-araw silang magkakasama. Triana suggested dropping by at the Disneyland. Ilang beses na siyang nakapunta rito noong buhay pa ang daddy niya. Wala namang naging reklamo si Devance at sinamahan siya sa nasabing theme park. “I miss this place!” Pakiramdam ni Triana ay bumalik siya sa pagiging bata. Kumukutitap ang iba-ibang kulay ng mga ilaw sa paligid. It was a romantic night under the crescent moon in the sky. “Really? Let’s try the rides, then.” Nakangiting yakag ni Devance. Hinawakan nito ang kamay niya at magkahawak-kamay silang naglilibot. Devanc
LUMIPAD ang mag-asawa patungong Nepal dahil sa Nepali New Year. It was mid-April and the Chaudhary’s gathered in the house. Minsan pang nagulat si Triana nang makita roon si Dexa. Matagal kasi siyang walang balita rito mula nang insidenteng kinasangkutan niya kasama ang asawa nito. Devance reassured her everything was going to be fine. Lalo na at wala naman si Xavier doon. Matigas lang talaga ang panininindigan ni Dexa at ayaw nitong makipaghiwalay sa asawa kahit na pinipilit ng magulang. Triana tried to reach out to her sister-in-law, but it was useless. Hindi siya nito pinansin at halata namang galit pa rin sa kanya. Kaya nagdesisyon si Triana na siya na lang ang umiwas. Pasalamat na lang siya at hindi naman siya iniiwan ng asawa. Pero dahil nasa iisang bahay sila ni Dexa ay hindi maiiwasang magkita sila nang hindi sinasadya. Kasalukuyang nagpapahangin si Triana sa roof deck habang nakamasid sa Himalayas sa hindi kalayuan. At bumaba saglit si Devance dahil ipinatawag ito nang ama.
BIGLANG naging tahimik ang bahay matapos ang celebration ng Nepali New Year. Lumipad ang mga magulang ni Devance papuntang Indonesia para sa tatlong araw na business conference. Napansin ni Triana ang ilang pagbabago sa nararamdaman sa tuwing umaga. Parang hinahalukay ang kayang sikmura at naduduwal siya. Wala si Devance sa tabi niya nang mga oras na iyon dahil abala ito sa morning swimming routine nito. Pagbalik nito sa kanilang silid ay mainam na ang pakiramdam niya. Laging ganoon ang nangyayari sa nakalipas na ilang araw at wala namang napapansin si Devance sa kakaiba sa kanya dahil pilit niyang itinatago ang morning sickness. Triana had something on her mind. Pero ayaw muna niyang iisipin dahil baka nagkakamali lang siya. Saka na niya sasabihin kay Devance ang lahat kapag na-confirm na niya. Kinabahan siya sa magiging resulta. She could be pregnant. Although she missed her period this month, pero ayaw niyang maniwala muna dahil kahit noon pa ay irregular ang menstruation niya. “
HALOS hindi nakatulog si Triana buong gabi sa kakahintay sa asawa. She repeatedly contacted him. But every time she tried to call, he was out of reach. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya pero ayaw niyang tuluyan na magpatangay sa masasamang iniisip. Lahat ng bagay naman ay maaring idaan sa mabuting usapan kaya dapat nanatili siyang kalmado habang naghihintay na dumating si Devance. Pero si Dexa ang naabutan niya sa dining area na tila nag-aalis ng hangover dahil humihigop ito ng chicken soup. Akma sana niya itong tatalikuran nang bigla itong nagsalita. “Lack of sleep for waiting for your husband?” Dexa asked as she put down the spoon beside the bowl of soup. Hinarap niya ang hipag. May alam kaya ito kung bakit hindi umuwi si Devance? Ngayon lang kasi ito nangyari. He promised her to be back at sundown. At sa klase pa lang ng mga tingin ni Dexa ay parang may itinatago ito sa kanya. “Worry not, dear sister-in-law. He is just relaxing with the girl he truly loves.” She scoo
UMUWI sa bahay sa Naga si Triana at may pagtataka sa mukha ng kanyang pamilya nang makita siyang naroon. Lalo na at kapansin-pansin ang pamumugto ng kanyang mga mata. Hindi naman nag-usisa ang ina pero alam niya naghahanap lang ito ng tamang tiyempo. Habang nasa biyahe pauwi kanina ay pinag-isipan niyang mabuti ang mga gagawin. And it would require a lot of sacrifice on her part for the greater good. Ang tanging priority lang niya sa ngayon ay ang kaligtasan ng magiging mga anak niya. Hindi nakatiis si Lucia na kausapin si Triana nang nagising ito mula sa mahabang tulog mula nang dumating. Tiningnan ni Triana ang ina na iniluwa mula sa pintuan ng kanyang silid at may dala itong mainit na tea. “Thanks, Mom. But I would prefer milk from now on,” tinatamad na wika niya. “What happened, hija? Did you fight with your husband?” Inilapag ni Lucia ang tasa sa bedside table at naupo ito sa kanyang kama. Bumangon si Triana at isandal ang likod sa headboard ng higaan. Nabuga siya ng hang
BIGLANG lumundag ang puso ni Triana nang makita ang guwapong mukha ng asawa sa bahay pagdating ng gabi. Muntik na niyang makalimutan ang ginawa nito dahil bakas ang lungkot sa mga mata ni Devance. Pero pinigilan niya ang sarili. Inaasahan na niyang magpapakita ito sa kanya anumang oras. He must be really excited to discuss with her about the divorce. Biglang sumama ang kanyang timpla sa naisip. “Why did you leave Nepal without telling me? I was crazy looking for you,” seryosong wika ni Devance. Kasalukuyan silang nasa roof deck ng bahay. Naghihintay na ito sa kanya roon nang nang tawagin siya ni Travis kanina. Mabuti na lang at hindi ito nagpang-abot ni Caleb. “I don’t see the need to tell you,” sabi niya sa malamig na tono. Kailangan niyang magtimpi dahil baka pangunahan na naman siya ng emosyon. “I never knew you were this petty. You could’ve asked why I wasn’t able to go home. And I’m sorry for that.” She scoffed. “Petty? I’m not immature like you, Dev. Why do you think I went
HINDI inaasahan ni Triana na pupuntahan siya ni Akhil sa bahay nang sumunod na araw. Marahil ay nasabi na ni Devance ang tungkol sa usapan nilang paghihiwalay. Hindi siya makatingin nang deresto rito dahil sa mga naging desisyon niya. “D-Dad…I’m sorry,” nahihirapang sambit ni Triana. Kasalukuyan silang nasa loob ng mini library nag-uusap. Iniwan sila ng ina para magkaroon ng privacy matapos itong magdala ng tea sa kanilang bisita. “I flew immediately here from Jakarta when my son called me last night about your problem.” Huminga nang malalim si Akhil at waring pinag-aralan ang ekspresyon ng kanyang mukha. “What…did Dev tell you?” Lihim siyang napalunok. Malamang siya ang masama dahil hindi naman nito sasabihin na ang lalaki ang may kasalanan kung bakit siya biglang nagdesisyon na makipaghiwalay. “That you are getting a divorce. What happened, Kanchhi?” Lumalim ang gatla sa noo nito na hindi maitago ang matinding pag-aalala. Nag-ipon si Triana ng lakas ng loob. She decided to take
“ARE YOU serious, Triana?” Hindi maitago ni Lucia ang matinding pagkagulat nang sitahin nito ang anak tungkol sa naging pag-uusap nito at ni Akhil. Ilang minuto nang nakaalis ang lalaki. Hindi na ito nagpaunlak na kumain dahil tanging si Triana lang ang gusto nitong makita. Akhil was a very busy person and Lucia perfectly understood that. Umasa siyang maaayos ang problema ng mag-asawa dahil normal naman ang mag-away. Kahit naman sila ni Trevor ay hindi na mabilang ang kanilang hindi pagkakaunawaan noong nabubuhay pa ito. “What did you say to Akhil?” tanong pa niya sa anak. Samantalang seryoso si Triana na naghahanda na ng mga gamit na inilalagay sa malaking maleta na waring hindi nito narinig ang mga sinabi niya. Mugto ang mga mata ng anak at kasalukuyan silang nasa loob ng silid nito. “Stop ignoring me. This is a serious matter!” At saka lang ito sumagot. “You think this is a joke? Of course, I’m serious! We are talking about my future here. Paulit-ulit na lang tayo. Pinagbigyan n
TRIANA put on the Philippine flag at the summit of Mount Everest. Napakaraming makukulay na prayer flags sa tuktok niyon at itinusok niya ang maliit na bandilang dala niya sa makapal sa niyebe. Nilingon niya ang lalaking nakasunod sa kanya at itinusok din nito ang maliit na bandila ng Pilipinas at tatlong flaglets, dalawang kulay blue at isang pink—the man was Austin. The flaglets represented the triplets. Kaya nakigaya rin si Triana, isang kulay asul, rosas, at dalawang pula—each had a label of their children’s name. “I did it!” Triana muttered inside her oxygen mask. She spearheaded this expedition with Austin’s help. When Triana promised her husband to be his legs, she meant it. Kasama nila ang isang Nepali team na mga professional hikers at halos dalawang taon ang kanilang naging paghahanda para mapagtagumpayan ang kanilang layunin. The climb was highly technical that they even encountered a few frozen bodies on the trail. Pero buo ang isip ni Triana at wala sa bokabularyo niya
THE Chaudharys yet again gathered as they mourned Eashta’s passing. Sa dami ng mga rebelasyon ay nanatiling magkasama sina Devance at Triana. Hindi sila iniwan ng kanilang malalapit na kaibigan nang malaman ng mga ito ang kanilang pinagdadaanan. Lara and Austin had rescheduled their flight going back to London. Nagmadali ang mag-asawa na tinungo ang hospital na kinaroronan ni Eashta para damayan sila. Even the two could not believe what had happened. But they never blamed them and didn’t even utter a word to make them feel their negligence. Dahil kahit hindi sabihin nina Triana at Devance ay lihim nilang sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Caleb and Austin also postponed their honeymoon to be with them. Hindi naman hinihiling ni Triana na isakripisyo ang mahalagang milestone sa buhay ng dalawa para damayan sila, pero pinili ng mga itong manatili sa tabi nila hanggang sa maihatid na huling hantungan si Eashta. They were adamant that their honeymoon could wait. And Triana had appre
NANLAMBOT ang tuhod ni Triana sa narinig. Mabuti na lang at maagap ang kamay ni Devance at iginalaw nito ang wheelchair para masalo siya mula sa likuran. Mabilis na pumasok sa kuwarto si Eshvi at niyakap ang walang buhay na bata. “Eashta...” Eshvi began to wail. “I’m sorry for your loss. We did our best to revive her.” The doctor expressed their condolences. Magkakasabay itong lumabas sa silid para bigyan sila ng privacy. Triana came back to her senses. Nilapitan niya ang bata at pilit na hinihila ang siko ni Eshvi palayo. “Don’t touch her! You have no right!” Nanginginig ang mga kamay ni Triana sa sobrang galit. Pero tila walang naririnig si Eshvi. Kagaya niya, patuloy ito sa pagpalahaw ng iyak. “Eashta! Wake up baby, please...” ani Eshvi habang mahigpit na yakap ang bata. Samantalang si Devance hindi makuhang gumalaw dahil sa bigat ng mga pangyayari. Tulala lang siyang nakamasid sa walang nang buhay na anak. He lost his two precious children in a year! At mula noon hangga
THE beeping of the hospital apparatus surrounding Eashta was louder than usual in Eshvi’s ears. Bigla siyang nataranta nang magsulputan ang ilang doktor ng anak dahil sa biglang pagbabago ng kalagayan nito. “My daughter… what’s is happening?” Walang patid ang pagpatak ng kanyang luha. Kitang-kita niyang nire-revive na lang ang anak at kapag hindi ito nakayanan ng munting katawan nito ay baka malagutan ito ng hininga anumang sandali. “Please… no…” nauutal niyang sambit. Hindi siya naniniwala sa dasal pero nang mga oras na iyon ay wala siyang ibang makapitan. She prayed hard to whoever deity listening to her pleading. Hindi niya kakayanin na mawala sa kanya si Eashta. “Miss Javier, please calm down,” anang babaeng nurse na naroon sa tabi niya. They both stood in the receiving area of Eashta’s private room. Pero kitang-kita nila ang nangyayari sa silid ng anak dahil sa dingding na salamin. “Shut up!” singhal niya sa babae. Bigla tuloy itong napaatras dahil sa ginawa niya. Dumista
HINDI namalayan ni Triana na walang patid ang pagtulo ng kanyang luha habang nakikinig siya sa kuwento ng asawa. Could it be true? “I’m really sorry, Kanchhi. I doubted you. But you know, it was just an excuse to make you hate me. Because despite learning that Devna is not mine, I still love her and nothing will change that she is our daughter.” Ilang ulit na pumiyok ang boses ni Devance. “Oh, God! Eashta!” Biglang nanlambot ang mga tuhod ni Triana. Kung hindi lang siya nakahawak sa handle ng wheelchair ni Devance baka kanina pa siya bumagsak. “Please tell me you are joking, Dev. I never went to Doctor Alfonso’s office since I thought you were just making up that story to drive me away...” Nanginginig ang mga labi niya. Parang ayaw tanggapin ng kanyang utak ang mga impormasyong galing sa asawa. Had Devna been switched? That was impossible! Pero hindi niya puwedeng isawalang-bahala ang mga sinabi ni Devance. Since she and Eshvi gave birth on the same day in the same hospital. At k
BIGLANG lumundag ang puso ni Triana nang makita ang asawa. Akala niya talaga namamalikmata lang siya pero nang nilapitan ito ng kambal at maluha-luha itong yumakap sa mga anak saka niya napagtantong hindi siya dinadaya ng kanyang paningin. Especially that he saw Grady showed up from the dining room holding a cup of tea. “Dev!” Hindi napigilan ni Triana ang sarili at patakbong lumapit sa kinaroroonan nito. He was comfortably sitting in his wheelchair. Maaliwalas ang mukha nito kumpara nang huli silang magkita. He was clean shaven and wasn’t looking that much miserable compared when he was in his cabin. Pero nanatili ang kaseryosohan ng mukha nito pagdating sa kanya. “I miss you so much, Baba!” halos magkasabay na wika ng kambal na parang ayaw bumitaw mula sa pagkakayapos sa magkabilang braso ng ama. “I thought you broke your promise to come home with Nanay.” Nakangusong anas ni Rini. “But here you are now! Your wheelchair is cool!” inosenteng bulalas ni Ravi matapos ay pinagmasdan a
SAMANTALA abala naman sina Dexa at Liam sa isang kilalang mall sa Milan. They were merrily strolling around and oblivious to their surroundings. There were no prying eyes there despite them being famous. Wala rin silang kasamang bodyguards na nakabuntot. Although they were watching from afar. Para na rin sa kanilang seguridad. “God, I miss being with you like this.” Palalambing ni Dexa sa kasintahan. “I’d prefer an alone time, though. I can still see our bodyguards from my peripheral vision.” Natatawang saad ni Liam. “At least we could pretend we’re alone.” Ngumiti si Dexa. Pinilit niya na huwag masyadong isipin ang sari-saring problema na kinakaharap lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin na pagbabago sa lagay ng kanyang kapatid. Kahit anong sikap niyang i-distract ang sarili, she couldn’t help but worry about her brother’s failing marriage. Higit niyang inaalala ang mga pamangkin. Ilang buwan na rin na hindi nila nakikita ang ama. At wala rin siyang mukhang maihaharap kay Tria
NAGANAP ang kasal nina Caleb at Anya. It was held at their private resort in the province of Camarines Sur. Iyon din ang resort na minsang napuntahan nina Triana at doon nila unang nakilala si Anya. The couple chose this place since it was memorable for them. Doon daw kasi talaga nagsimula ang pag-iibigan nila. It was a sunrise beach wedding. Tila nakikisama ang panahon sa pag-iisang dibdib ng dalawa. Banayad ang paghampas ng alon sa dalampasigan habang hindi maulap ang kalangitan. Kagaya ng kasal ni Lara, the guests, were no more than thirty. Anya wore a simple white off-shoulder wedding dress. Para itong dyosa ng karagatan. Samantalang si Caleb naman ay nakasuot ng puting three-piece suit. Bakas ang matinding saya sa mukha ng dalawa habang naglalakad patungo sa altar. Napapalibutan ng mga sunflower ang venue at sea colors ang motif ng kasal. The sound of the violin reverberated along with the crashing of the waves when they started the wedding entourage. Bukod kay Triana, naroon d
TAHIMIK na nakamasid si Akhil sa bunsong anak habang kausap nito ang kanilang private doctor na si Dr. Adhikari. Nasa loob sila ng kanilang residence clinic. They were coordinating with the doctors in the Philippines looking out for Eashta. They had conducted the same test to check if Devance was a match and the result came out in two days. “You are not a match,” wika ng may katandaang doktor mababang tono. Marahang tumango si Devance. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Akhil ang pagtiim nito ng bagang. For Akhil, it was a good sign. It only meant he was bothered on what his illegitimate child was going through. Although he never liked that kid, but he also wanted to help. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para tikisin ang bata. Sa paglipas kasi ng mga araw ay unti-unti na niyang natatanggap na hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Kung si Triana nga ay tanggap ito. Panahon na rin siguro para kilalanin niya ang anak sa labas ni Devance. “Kanchha…” Nilapitan ni Akhil ang