“I am so mad.”
Kumunot ang noo ko. Nakita kong kay Enzo galing ang text na iyon.“Bakit hindi mo man lang sinabi na binu-bully ka sa office niyo?” text niya ulit.“Enzo, okay lang ako.”“Bakit wala man lang ginawa ang boyfriend mo?”“Hindi niya alam.”“Boyfriend mo siya pero wala siyang alam?”Napamasahe na lang ako sa sentido ko at hindi na nag-abala pang replyan siya. Hindi rin naman siya makikinig.“Nag-aalala lang ako sa'yo, Althea. Kaibigan mo pa rin ako. Kung kailangan mo ng tulong, andito pa rin ako.”***Kinagabihan, naghintay ako kay Samuel na makarating sa apartment ko.
Nakaupo ako sa sala nang pumasok siya.“I’m sorry,” agad na sabi ko at ipinalupot sa beywang niya ang mga kamay ko.“Shh. It’s okay,” bahagya siyang ngumiti. “Pero sa susunod gusto kong magsabi ka na. No more secrets,“Ano ‘to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!” mataas ang boses na tanong ni Lyka.“Hindi ko kontrolado ang isang ‘yan,” kalmadong sagot ni Samuel.“We have a deal!” sigaw muli ni Lyka.Deal? Anong deal?“Yes, and I obliged. Tulad ng gusto mo, ipinasok kita rito para hindi mo ipakalat ang tungkol sa relasyon namin ni Thea. How about you? Sumunod ka ba sa deal?”Kumunot ang noo ko sa mga sinabi ni Samuel. Nagkaroon na agad ako ng hinala kung ano iyon, at parang nanghina ako sa narinig.“Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang ikaw ang tao sa likod ng account na nagpakalat tungkol sa amin? She trusted you, pero sinayang mo lang ‘yon,” dagdag pa ni Samuel. Kalmado siya, pero nakakatakot ang paraan ng pagiging kalmado niya.Mas lalo akong nanghina sa narinig. Si Lyka ang may pakana sa likod ng account na ‘yon? at siya rin ang d
Isang linggo na ang lumipas. Akala ko kakayanin ko. Akala ko mas madali akong makaka-move on dahil sa sakit na ginawa ni Samuel sa puso ko. Pero mali ako. Kahit anong galit ko, mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko. Kaya sa buong linggo, wala akong ginawa kundi umiyak tuwing gabi at pigilan ang sarili kong kontakin si Samuel at magmakaawa na pag-usapan namin ‘to. Kasi hindi ako naniniwala na wala lang sa kanya lahat ng pinagsamahan namin.Sa buong linggo rin na ‘to, gabi-gabi kong inaaway ang sarili ko kung bakit ganito pa rin ‘yung nararamdaman ko. Kung bakit mas nananaig pa rin ang pagmamahal ko kahit na nasaktan niya ako. Ganito ba talaga katanga ang lahat ng nagmamahal? Kung oo, ayoko nang ganito.Isang linggo na ring walang paramdam si Samuel sa BMC, pati ang father niya ay wala rin kaya hindi pa namin napag-uusapan ang tungkol sa offer niya.Hindi rin ako sigurado kung tatanggapin ko ba ang offer ng father niya.“Career over love,” wika ko nang maalala ang paulit-ulit kong tinatak
“Good morning, Mr. Bennett,” bati ko rito pagkapasok ko sa boardroom.Patulog na sana ako kagabi nang tumawag siya sa akin tungkol sa offer niya at hindi na ako nagdalawang-isip, pumayag agad ako.“Good morning, Ms. Cruz. Have a seat,” malapad ang ngiti sa labi nito.Nasa loob din ng meeting room ang ibang board of directors, pati na rin sina Samuel at Madeline.Inayos ko ang sarili ko, hindi ako nagpaapekto sa presensiya nila dahil kagabi pa lang ay pinaulit-ulit ko sa sarili ko na wala na siyang puwang sa puso ko, kasi gano’n naman dapat. Hindi ko ipapakita sa kanya na patuloy pa rin akong nagdurugo sa ginawa niya. Sabi nga nila, fake it until you make it. Kaya lolokohin ko na rin ang sarili ko na naka-move on na ako hanggang sa mamalayan ko na lang na totoong naka-move on na nga ako.Tumango ako at bumati sa lahat.Pumunta ako sa harapan kung saan sinenyasan ako ni Mr. Bennett na lumapit.Nakita ko si Samuel na tumayo at pumunta sa harap katabi ko.“Ladies and gentlemen, I’d like t
Pumunta ako sa office ni Samuel para i-consult sa kanya ang mga planong naisip ko.Pagkapasok ko sa office niya, agad kong naamoy ang pamilyar na scent niya na nag-trigger ng napakaraming alaala sa utak ko.Huminga ako nang malalim at pinilit isawalang-bahala ang mga iyon at magpokus sa dahilan ng pagpunta ko rito. I need to be professional.“I suggest that we should implement both short-term crisis management and long-term restructuring sa BMC,” panimulang wika ko sa kanya.Nakikinig lang siya sa akin habang ini-scan ang draft na ipinasa ko.“I also did some brainstorming yesterday. I also reviewed some of the previous documents ng BMC. But I will still conduct an immediate Financial Assessment para malaman kung saan pa tayo pwedeng mag-reduce ng expenses without compromising the critical operations ng BMC, lalo na at alam natin na kinulang tayo sa tao dahil sa nangyaring downsizing,” dagdag ko na ikinatango niya.“I also checked the list of the company’s debts. Masyado nang marami a
Halos lahat ng nakakasalubong ko ay binabati na ako dahil alam na nila na ako ang bagong CFO. Pero panigurado na pinagchismisan pa rin nila ako. Pero bahala na sila. Magpopokus na lang ako sa trabaho kaysa pag-aksayahan sila ng oras.Naglakad ako papunta sa elevator kung saan medyo mahaba ang pila. Pumwesto ako sa dulo at naghintay. Hindi yata ako napansin ng mga nasa harap ko kaya tuloy ang usapan nila.“Kilala mo ba si Erik? ‘Yung isa sa mga guard dito na nagpapatrol kapag gabi,” tanong ng isang babae sa kasama niya.“Ah oo, bakit?”“Alam mo bang nagsabi siya sa akin na nakita niya si Miss Cruz at si Sir Ben na magkasama. Parang mga 10 pm na nga ata ‘yon.”Halata naman ang gulat at pagka-intriga sa mukha ng kasama niya. Kitang-kita ko iyon dahil bahagya na silang naka-side view sa akin kaya hindi ko rin alam kung bakit hindi pa nila ako napapansin. Kapag chismosa ka nga naman talaga.Mahinang napailing na lang ako habang nakatingin sa kanila.“Itatanong ko nga ulit sa kanya mamaya p
Pagkauwi ko sa apartment ko ay agad kong isinara ang pinto, at dali-dali akong nagpunta sa kwarto at umupo sa sahig, pasandal sa higaan. Doon ay napatakip ako ng bibig at inilabas ang lahat ng emosyon na pinigilan ko buong araw.Parang bata akong humahagulgol. Bumalik sa isipan ko ang mga nalaman ko kanina. Naghahabol na rin ako ng hininga dahil sa pag-iyak. Tapos na nga, ikakasal na nga sila at ang mas masaklap, may anak na sila. Para akong sinaksak ng isang libong beses, harap-harapan akong sinampal sa lahat ng kalokohan niya.Bakit pa ba ako nagmahal ng ganoong klaseng lalaki? Sinong matinong tao ang aabot sa puntong ganoong klase ng paghihiganti dahil lang sa isang pagkakamaling napagkamalan ko siyang nakabuntis sa pinsan ko? Ni hindi ko naman iyon sinadya.Napahawak ako sa dibdib, at ang tahimik kong pag-iyak ay muling napalitan ng hagulgol. Hinayaan ko na ang sarili ko, wala na akong pakialam kung may makarinig pa sa akin. Iiiyak ko ang lahat ng ito ngayon sa pag-asang bukas mab
Isang buwan na ulit ang lumipas.Nakaharap ako sa laptop ko at nakatingin sa financial data ng BMC na inireklamo ko kay Samuel noon. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kanya, at narito pa rin ang mga pangalan ng mga kumpanyang hindi ko alam kung saan nanggaling.Tumayo ako at pinuntahan siya sa opisina niya.Hindi na ako kumatok. Diretso akong pumasok at naabutan ko si Samuel na kakahalik lang sa tiyan ni Madeline. Nakaupo si Samuel sa office chair niya habang si Madeline naman ay nakatayo sa harap niya. Bahagya niya ring hinaplos ang tiyan nito, at nagpalitan sila ng isang matamis na ngiti. Napairap ako sa nakita ko, alangan namang magmukmok pa ako.Nakasuot ng black dress si Madeline at kitang-kita na ngayon ang unti-unting paglaki ng tiyan niya. Kung tama ang kalkulasyon ko, apat na buwan na siyang buntis.Tumikhim ako at nagsalita para makuha ang atensyon nila.“Excuse me,” sabay silang napalingon sa akin.Nawala ang ngiti sa labi ni Madeline, pero a
“Anong oras ka uuwi? Iniwan ko ‘yung dinner mo sa guard,” text ni Enzo na ikinangiti ko.Nakalipat na ako sa condominium na nabili ko, mabuti nga at sa napakamurang halaga ko nakuha iyon eh. Tinulungan ako ni Enzo maghanap, at nitong mga nagdaang araw ay hindi niya nakakalimutan na padalhan ako ng dinner dahil alam niya na minsan nakakaligtaan ko na kumain dahil sa pagiging busy, lalo na kapag overtime ako sa work at uuwing gabing-gabi na at pagod. Mabuti na lang din at magkaibigan pa rin kami ni Enzo sa kabila ng lahat mga nangyari sa amin.Tiningnan ko ang oras at nakita kong 4pm na.“Uuwi ako ng 5:30 pm. May work ka pa ba?”“Wala na. Sunduin kita. Coffee tayo,” reply niya.“Okay. See you!”***“Waiting for a taxi? Sabay ka na. Ihahatid na kita,” rinig kong wika ni Samuel sa gilid ko.Nasa labas kami ng BMC ngayon. Naghihintay ako kay Enzo. Medyo napaaga rin kasi ang pagbaba ko.“No thanks. Sa iba na ako nakatira,” narinig ko ang pagtawa niya kaya napatingin ako sa kanya, parang iba
Third Person POV“Daddy,” wika ng tatlong taong gulang na batang lalaki habang tumatakbo papalapit kay Samuel na kasalukuyang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa tahimik na dagat habang may hawak na isang piraso ng papel.Yumakap ang bata sa hita niya kaya napunta roon ang atensyon niya. Malapad siyang ngumiti rito at kinarga ito. Pinatakan niya ito ng magkakasunod na halik sa pisngi, dahilan para mahina itong mapatawa.“Tanner, go take a bath now,” wika ng mommy nito.Napasimangot ang bata.“But I want to play with daddy, mommy,” nagtatampong wika nito habang nakanguso.“Listen to your mommy, baby,” malambing na wika ni Samuel at mahinang pinisil ito sa pisngi.Napasimangot ang bata ngunit walang nagawa kundi sumunod na lamang.Kinuha ito ng yaya niya at dinala sa loob ng mansion.“You should let him stay a little, Madeline,” pabirong wika ni Samuel.“I wanted
“Anak, sumama ka na sa akin sa New Zealand,” nag-aalala ang tono na wika ni papa. Alam niya na rin kasi ang tungkol sa amin ni Samuel. “Magsimula tayo don ulit. Magsimula ka ron ulit,” dagdag niya. “P-pag-iisipan ko po.” ***Nakasandal ako sa sofa at nakatingala sa kisame. Ipinikit ko ang mga mata ko at isa-isang inalala ang lahat ng alaala na meron ako kasama si Samuel. Napangiti ako nang maalala ang katangahan ko noon, noong nagpadala ako sa emosyon ko at basta-basta siyang sinugod. Ang laki din pala ng pinagbago ko, hindi na ako iyong Althea na palaging napapahamak dahil sa mga desisyon kong hindi ko basta-basta pinag-iisipan. Napabuntong-hininga ako at naisip ang offer ni Dad. Pinakiramdaman ko ang puso ko—kung ano ang mas matimbang: ang manatili rito at umasa, o ayusin ang sarili ko sa New Zealand at tanggapin ang katotohanan. Napadilat ako nang makarinig ng doorbell. Napakunot ang noo ko at napatingin sa oras, nakita kong 10 PM na. Napatayo ako nang maisip na baka siya ang
“Nagdagdag na naman si Mr. Lee ng abogado,” natatawang wika ni Enzo. “Hindi niya na kasi masuhulan ang mga judge na humahawak sa kaso niya.”“Kahit kunin niya pa lahat ng abogado sa mundo, hindi na mananalo ‘yan.”Kumalat na sa buong bansa ang tungkol sa malaking iskandalo na ‘to na kinakasangkutan ni Mr. Lee. Kaya marami nang mga whistleblower ang kusang lumabas at nagsabi ng mga nalalaman nila. Kaya dumami din ang mga ebidensya na hawak namin laban sa mga illegal na gawain niya. At makalipas ang ilang buwan, sa wakas ay malalaman na namin bukas ang magiging desisyon sa kaso ni Mr. Lee.“Matatapos na bukas ang mga kasamaan niya,” wika ko at napatingin na lang sa labas ng café kung nasaan kami.Humihina na ang koneksyon ni Mr. Lee, dahil na rin sa isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong tumutulong sa kanya noon.“Finally, bukas, pwede ko na makita ang anak ko,” excited na wika ni Tim.Masaya ako para sa kanya. Dalawang buwan na kasi ang nakalipas noong nakauwi si Madeline at ang anak
Althea’s POVLahat ng ginawa ko, ginawa ko ‘yon para sa’yo. Napilitan lang ako, Althea. Hindi ko naman talaga mahal si Madeline. Ginawa ko lang ‘yon para protektahan ka kay Mr. Lee kasi alam niyang ikaw ang sumira sa wedding engagement namin. At ‘yung kasal namin, hindi ‘yon totoo.”Kumirot ang puso ko sa sinabi niya, pero unti-unti rin naglaho iyon nang maalala ko ang mga kasinungalingang ginawa niya. Paano ako makakasiguro na nagbago na siya?Gusto kong maniwala sa kanya, pero may bahagi sa akin na ayaw ulit masaktan. Gusto kong umalis na lang at huwag siyang paniwalaan, pero alam kong matagal siyang hinanap ng puso ko. Saan ko ilulugar ‘tong nararamdaman ko? Okay na ko, hindi pa totally, pero kinakaya ko na… kaya… hindi ko naiintindihan bakit ko pa kailangan malaman ang totoo?Pero… katotohanan nga ba ang sinasabi niya?Lumapit sa akin si Enzo, hinawakan niya ako sa braso. Sumunod sa kanya si Tim na agad naman pumunta kay Samuel at kinuwelyuhan ito.“Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?”
Samuel’s POV“Ano ’to, Sir Ben? Bakit kasama ang pangalan ko sa mga matatanggal?!”“Hindi ko kontrolado ang isang ’yan,” kalmadong sagot ko.“Alam na ba ng girlfriend mo na sa tuwing nasa ibang lugar ka ay si Miss Madeline ang kasama mo? Pareho lang tayong may tinatago rito, Sir Ben, kaya huwag kang magmalinis,” nag-aapoy ang mata sa galit na wika ni Lyka.Marahas na binuksan ni Lyka ang pinto ng opisina ko at bumungad sa amin si Althea. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paniguradong narinig niya na lahat ng naging sagutan namin ng kaibigan niya.Humakbang ako para lapitan siya pero parang sinaksak ang puso ko nang makita siyang unti-unting humakbang palayo sa akin.Napakuyom ako ng kamao, gusto ko man siyang habulin pero hindi ko magawa. Nanaig sa akin ang konsensya na baka mas masaktan ko lang siya at paasahin, lalo na’t kinakailangan kong gumawa ng desisyon na para sa ikabubuti niya.I’m sorry, Althea, sana mapatawad mo pa ’ko.***Months passed, inako ko ang responsibili
Samuel’s POV“Is it possible for you to like me?” hindi ko alam kung bakit tinawanan niya lang ang tanong ko.But I’m serious, and I will prove it. ***“Noong nasa falls tayo, hindi ba may tinanong ka?” tanong niya, tumango ako, “bakit mo natanong ‘yon? Bakit gusto mong malaman kung possible na magustuhan kita?” tanong niya.“Kasi umaasa ako na hindi lang ako mag-isa ang makakaramdaman ng nararamdaman ko.”***“I asked you a question before we left your hometown, Althea.”Kinuha ko ang jewelry box na matagal ko nang gustong ibigay sa kanya.“If you already have an answer, wear this.”Hanggang sa isang araw, nakita ko na lang na suot niya ang bracelet na ibinigay ko.“Let’s build our own world, Althea,” pumatak ang mga luhang tanong ko. Ganito ba talaga kapag kaharap mo ‘yung taong mahal mo? Nagiging emosyonal ka na lang bigla habang sinasabi mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal at habang tinatanong mo siya kung handa ba siyang maging bahagi ng mundo mo.Kinuha ko mula sa bulsa ang
Samuel’s POV“Ito po yung report na pinapagawa niyo,” wika ni Althea at ibinigay ang project na pinapagawa ko sa kanya.Bakit ang aga naman nito magpasa?“Bakit nagmamadali ka? I told you, you have until next week,” kunot-noong tanong ko.Ayokong tanggapin iyon dahil ang project na iyon na lang ang nagiging excuse ko para makita siya. Kaya nga pina-extend ko pa hanggang next week.“Para iyong engagement niyo na lang po ang mapagtuunan ko ng pansin.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon.Mukhang gusto niya na rin akong iwasan kaya naman kinuha ko na iyon at walang salitang iniwan siya.***Malapit na ang araw ng proposal.Badtrip ako nitong mga nagdaang araw dahil palagi kong nakikita ‘yung kaibigan ni Althea na dikit nang dikit sa kanya. Nagseselos ba ako? Dumagdag din sa inis ko ang pag-iwas sa akin ni Althea. Hindi ako natutuwa dahil doon.Para matanggal ang inis, pumunta ako sa bar para mag-inom pero mukhang sumobra ata ang pag-inom ko dahil halos makatulog na ako rito sa bar.
Samuel’s POV“We would like to congratulate the soon-to-be Mr. & Mrs. Bennett.”Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid.Ang babaeng nasa harap ko ay may malapad na ngiti sa labi.“Samuel, I can’t wait for our wedding. I’m so excited!”“Yeah, me too,” walang ganang sagot ko. “Let’s eat.”Abala ang lahat sa pagkain.“Excuse me, give me more wine, please,” utos ko sa waiter na dumaan sa harap ko.“You’re drinking too much.”“It’s just wine, Madeline.”Ilang minuto ang lumipas bago bumalik ang waiter kaya medyo nawala ako sa mood dahil sa paghihintay. Kaya nang bumalik siya, wala na akong sinabing anuman at hinayaan na lang siyang magsalin sa baso ko.Pero napaangat ako ng tingin nang makita kong may tumayo sa tabi ng waiter. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Madeline kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Nakita ko ang babaeng nakatayo sa tabi ng waiter na halatang nagulat din sa babaeng nasa tabi niya.Masama ang tingin sa akin ng babaeng iyon. Kinuha niya ang wine glass mula sa waiter
Isang taon na ang lumipas simula nang umalis ako sa BMC. Kinabukasan noong araw na iyon, umalis din ako sa condo ko at hindi ako nagsabi sa mga kaibigan ko kung nasaan ako. At ang alam naman nila ate ay nasa BMC pa rin ako.Pinili ko munang lumayo mula sa mga kaibigan ko kasi gusto kong magmukmok. Gusto kong namnamin ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa totoong makalimutan ko na iyon.Andito ako ngayon sa bar, mag-isang umiinom. Pero kaunti na lang ang iniinom ko. Baka kasi mamaya, sa sobrang kakainom ko, mauna pa akong mawala kaysa sa maka-move on.“Tim?” takang tawag ko sa pigurang nakita ko sa isang lamesa.Anong ginagawa nito rito? Paano ito nakaabot dito?Halata ang pagkakaroon nito ng tama dahil halos natatapon na ang mga alak na sinasalin niya.Nilapitan ko ito at inagaw ang iniinom niya.“Tama na. Lasing ka na,” wika ko rito.Tingnan mo nga naman, dati siya ang pumipigil sa akin na uminom. Tapos ngayon, siya naman ang nasa ganitong sitwasyon.Tiningnan niya ako at pilit in