Share

CHAPTER SIX

SOPHIA’S POV.

Musical Syllables

Sulat ko sa whiteboard, ngayong umaga ay ituturo ko sakanila ang mga musical syllables bago ituro ang mga parte ng violin. Tinakpan ko ang black marker at humarap sa klase. Nakatingin silang lahat sa nakasulat sa board.

Marahil ay binabasa nila ito sakanilang isip.

“Okay class, today we are going to discuss the music notes” pagkuha ko sa atensyon nila.

“Do you know any musical syllables?” I asked them softly.

They all raised their hands. Nag-unahan pa sila, ito ng gusto ko sakanila kasi attentive sila.

“Ma’am alam ko po”

“Me, Ma’am”

Nagsalita na silang lahat kaya umingay ang klase. Hindi ko na alam ang iba pa nilang sinasabi.

Lumapit ako sa kanila.

“Para makapag-recite kayong lahat, pupunta ako sa upuan nyo and then sabihin nyo ang musical syllables na alam nyo. Okay?”

Tumango silang lahat at binaba ang mga kamay nilang nakataas.

Pumunta ako sa upuan ni Emily “What musical syllables do you know Emily?”

Tumayo si Emily “One of the musical syllables that I know is RE, Ma’am”

I smiled at her “That’s correct”

Lumapit ako kay Ethan “How about you Ethan?”

He smiled cheekily “MI, Ma’am”

I act shocked “That’s also correct!” I heard him laughing after that.

Pumunta ako sa likod “How about you—“

Naputol ang sasabihin ko nang may nagsalita sa labas ng classroom.

“Sorry to interrupt you, Ma’am Sophia” it’s Ma’am Ella.

Naglakad ako palapit sakanya “Okay lang Ma’am” nakita ang isang batang babae sa likod nya.

Ipinaharap nya ang ito, pagkakita ko sa mukha nya ay alam ko na agad kung sino ito.

“Ilaria..”

Her eyes widened “Miss Vanilla Cake!” she exclaimed.

Napatawa ako sa ipinangalan nya sakin. Hindi ko na naipakilala ang pangalan ko kahapon kaya Vanilla Cake siguro ang ipinangalan nya sa’kin.

“Mukhang magkakilala na kayo” saad ni Ma’am Ella kaya napabaling ako sakanya.

“Ah opo Ma’am, nakilala ko po sya sa Golden Crust Bakery kahapon” nakangiti kong saad.

“Kung ganoon ay ikaw na ang bahala sakanya ha?”

Tumango ako “Yes, Ma’am”

Nagpaalam ito at naglakad na paalis dahil may gagawin pa daw ito. Tumingin ako kay Ilaria. Sya pala ang sinasabi ni Teacher Ana na bagong estudyante ko.

Medyo nagulat pa ako kanina dahil nandito sya.

“Pasok ka Ilaria, ipapakilala kita sa mga classmates mo”

“Okay po”

Pumasok sya sa classroom at iginala ang tingin sa loob. Nakatingin naman sakanya ang mga bata, ang iba pa ay kumakaway, lalo na ang mga batang babae. Ang mga lalaki naman ay nakatingin lang o di kaya ay nakadukduk sa ibabaw ng mesa nila.

“May I have your attention please..”

Umayos naman nang upo ang mga bata, kita mo ang saya sa mukha nila dahil siguro may bago silang kaklase.

Marahan kong hinawakan ang balikat ni Ilaria “This is Ilaria and she will be your new classmate starting today” nakangiti kong saad.

Tumili sila at masayang binati si Ilaria. Nagbaba ako ng tingin nang naramdaman kong tumingin si Ilaria saakin.

“Hello” nahihiya nyang bati sa mga kaklase nya.

“Doon ka umupo sa tabi ng batang may star na hairclip sa buhok” malambing kong saad sakanya.

Inalis nya ang tingin sakin at iginala ang tingin sa mga kaklase, hinahanap ang babaeng tinutukoy ko. Tumakbo sya papunta sa direksyon kung saan nakaupo ang babaeng sinabi ko.

“Mia, simula ngayon si Ilaria na ang makakatabi mo ah”

Masaya syang tumango at tinulungan nya pa si Ilaria na ibaba ang bag sa upuan nito. Nang makitang maayos na sila ay lumapit ako sa may whiteboard at itinuloy ang klase.

Itinuro ko sakanila ang mga music syllables at isinulat narin nila ito sa kanilang kwaderno. Tahimik lamang sila habang nagsusulat at nakikinig saakin, hindi naman ako nahirapan sakanila.

Nasundan naman nila kaagad ang mga tinuro ko. Sunod kong itinuro sakanila ang elements of musical notation. Panibagong susulatin nanaman iyon.

Nang matapos akong magsulat ay dumiretso sa aking lamesa, hinila ko ang upuan at umupo. Binuksan ko ang laptop at isinulat ko ang pangalan ni Ilaria sa listahan ng pangalan ng mga bata.

“Teacher Sophia, I’m done na po”

Nagtaas ako ng tingin nang marinig ko ang boses ng isa sa mga estudyante ko, si Noah.

Kinuha ko ang notebook niya at chineck ito. Unti-unti nang nagpa-check ang mga bata nang sila ay matapos. Nilagyan ko ng star ang braso nila.

Nang matapos ay kinuha ko ang mga violin nila at nilagyan iyon ng pangalan. Nag-umpukan naman sila nang ginawa ko iyon. They start asking me the parts of the violin and I answered them. Bukas ko pa ituturo ‘yon pero wala namang masama kung magtatanong sila.

Nang umabot ang oras ng alas tres ay unti-unti nang nagsidatingan ang mga sundo at magulang ng mga bata hanggang sa dalawa nalang kami ni Ilaria ang naiwan.

Inaayos ko ang mga vioilin nila sa may gilid ng lumapit ito saakin.

“Teacher Sophia..”

Tumingin ako sakanya “Yes, Ilaria?”

“May boyfriend kana po ba?”

Napatawa ako sa tanong nya ,inayos ko muna ang huling violin at hinarap si Ilaria. Umupo ako sa upuang malapit saakin. Umupo naman sya sa gilid ko.

“Wala pang boyfriend si Teacher Sophia, Ilaria”

She smiled “Really?”

Tahimik akong tumango. May kakaiba sa ngiti nya, hindi ko lang alam kung ano ‘yon. Ano naman kaya ang tumatakbo sa isip ng batang ito at tinanong nya saakin ‘yon.

“Why do you asked?”

Nagbaba ito nang tingin at sinimulang laruin ang mga daliri. I pursed my lips, she’s so cute! Mukhang may gusto itong sabihin pero hindi nya masabi-sabi.

Umayos ako ng upo at hinarap sya “Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin sa’kin Ilaria” udyok ko.

Tumigil ito sa paglalaro ng kanyang mga daliri at tumingin sa’kin.

“I want to introduce you to my brother, Teacher Sophia” diretso nyang saad.

Napatigil ako. Huh?

Kumunot agad ang noo ko nang marinig ko ang sinabi nya. Gusto nya akong ipakilala sa kuya nya? Bata pa ang tatay at nanay nya, imposibleng may nakakatandang kapatid si Ilaria na ka-age ko lang. Ewan ko, nagsisimula na akong maguluhan sa sinabi nya.

“Sino ba ang Kuya mo Ilaria?” tanong ko nalang.

“Si Kuya Luk—“ naputol ang sinabi nya nang may nagsalita.

“Miss Ilaria?” saad ng estrangherong lalaki.

Napatingin kaming dalawa ni Ilaria sa may pinto nang may tumawag sakanya and there I saw a man wearing a formal attire and he looks like he’s in mid fifties.

Tumingin ako kay Ilaria “Do you know him?”

Ilaria looked at me “Yes po, Teacher. He’s our family driver”

Family driver pala nila ang dumating at susunduin na si Ilaria. Tumayo ako at ganoon din si Ilaria. Kinuha ko ang bag nya at inihatid si Ilaria sa labas.

Kinuha nito ang bag ni Ilaria.

Tumabi si Ilaria sa driver nila at tumingala saakin “Uuwi na po ako Teacher, bye po” paalam niya.

Nginitian ako ng driver at nagpaalam na. Kumaway ako nang kumaway saakin si Ilaria. Tinignan nya lang silang naglalakad papalayo, nakita nya pang tumigil sila sa paglalakad at mukhang nagpapabuhat si Ilaria sa driver nila na agad namang ginawa ng driver.

“Nasa bahay po ba si Kuya?” rinig nyang tanong ni Ilaria.

Umiling ang lalaki “Wala po Miss Ilaria”

“Pupunta ako kay Kuya, sasabihin ko kay Mommy”

Rinig nyang saad ng dalawa pero hindi na nya narinig ang sinabi ni Manong Driver dahil nasa malayo na sila. Nang makasakay na ito sa sasakyan ay pumasok na ako sa classroom at inayos ang mga gamit ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status