SOPHIA’S POV. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa kakarating ako sa table namin ni Kate, may kausap itong lalaki and I think it’s Liam. Nang maramdaman nila ang presensya ko ay tumahimik sila. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa upuan. “I’ll take you home” rinig kong saad ni Liam.“Ayoko, kaya kong umuwi mag-isa atsaka kasama ko naman ang kaibigan ko kaya, nope” Kate declined his offer. Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Liam, mukhang gusto talaga nitong ihatid ang kaibigan ko pero ayaw naman ni Kate.Tumikhim ako “Kate, okay lang. Kaya ko namang umuwi mag-isa”Binaling ni Kate ang tingin sa’kin “Alam ko naman Sophie pero matagal na tayong hindi nagkita kaya sabay tayong uuwi”Mukhang may nangyari sakanila ni Liam, sa tingin ko ay umiiwas ito sa binata at mukhang sinusuyo naman sya ni Liam pero ang kaibigan ko ay nagmamatigas pa. Ilang sandali lang ay dumating na si Luke, nakangisi pa itong lumapit sa kaibigan nyang si Liam. Inirapan ko sya nang magtama ang tin
SOPHIA'S POV. “Yesterday, you asked about the parts of the violin, right?” tanong ko sa mga estudyante ko. Sinagot ko kahapon ang mga tanong nila tungkol sa parte ng violin pero mas maiintindihan nila kung ipapaliwanag ko pa ito isa-isa.“Yes, teacher Sophia” sagot ng mga bata.I placed my chair in front of them, sapat lang para makita nila ang parte ng violin na ituturo ko. Kumuha ako ng isang violin na maayos na nakalagay sa gilid.“This is the Body of the violin” I point to the main hallow part of the violin.Tahimik lang ang mga bata habang nakatingin sa violin na hawak ko. Interisadong-interisado talaga sila.“And this is the Top or the Soundboard” I point the front surface of the body.Inilapag ko sa hita ko ang hawak kong violin at tinuon ang tingin sakanila. “Sino ang makakapagturo sa akin kung saan ang body ng violin?” tanong ko.May limang nagtaas ng kamay, tinawag ko si Isabella na nasa likod. Maingat syang naglakad palapit sa pwesto ko.Tinaas ko ang violin “Point me the
“Teacher Sophia!! Someone gave me this flower!!” sigaw ni Ilaria, tumatakbo pa sya patungo sa amin.Magsasalita na sana ito nang makita nya kung sino ang nasa tabi ko. “Kuya!! Why are you here? And why are you sitting beside teacher Sophia?” she curiously asked.Napatigil ako sa narinig ko mula kay Ilaria, para akong nabato sa kina-uupuan ko. Agad na pumasok ang napakaraming katanungan sa isip ko. Huh? Totoo ba ‘yong narinig kong tawag ni Ilaria kay Luke? Kuya dawHindi naman siguro ako pinaglalaruan ng pandinig ko no?Wala sa sarili akong napatingin kay Ilaria na ngayon ay masamang nakatingin kay Luke o sabihin nating Kuya Luke.“Ahm…Ilaria..” tawag ko sakanya kaya napatingin ito sa sakin nang may kunot sa noo “Anong tinawag mo sa…kan..ya..?” dahan-dahan kong tanong. Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko, hindi pa sya pina-process ng utak ko.“Kuya po, Kuya Luke. Bakit po?” sya naman itong nagtanong ngayon sa akin. Kahit si Luke ay nakatuon na rin ang tingin sa akin. Kita ko
Nang ma-i-park ni Luke ang sasakyan nya ay lumabas sya atsaka binuksan ang pinto sa side ko. Dahan-dahan akong lumabas para hindi magising si Ilaria na mahimbing na natutulog sa aking bisig. Kinuha naman ni Luke ng bag ng kanyang kapatid sa likod.Naglakad na kaming dalawa patungo sa mansyon nila, si Luke naman ay nasa gilid ko, inaalalayan ako. “Anong oras na?” tanong ko kay Luke.He looked at his wrist watch “It’s already seven thirty-two. Bakit? Late ka na ba sa pupuntahan mo?”Umiling ako “Hindi pa naman, hindi pa naman tumatawag si Kate kaya baka wala pa sa meeting place namin ‘yong client ko” paliwanag ko.Nangangamba pa ako kanina na baka nandoon na ‘yong client ko pero naalala ko na tatawagan pala ako ni Kate kapag nandoon na sila Tita Margaret at ‘yong kaibigan nya. “Ay, Ser, nandyan na pala kayo” ani ng isang katulong nang mapansin nya kaming pumasok sa living room ng mansyon “Kanina pa po kasi naghihintay si Ma’am Patricia sainyo, nag-aalala sya dahil ang tagal nyo daw ma
“What’s happening here?”Agad kaming napatingin ni Theo sa may hagdan nang may narinig kaming nagsalita. Makikita mo na may edad na sya pero maganda pa rin atsaka kamukha nga 'yong babae sa picture. Tumayo si Theo at naglakad patungo sa kanyang ina “Ma, girlfriend sya ni Kuya Luke” turo nito sa akin.Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Itong batang ‘to! Sinabi ko na nga na hindi ako girlfriend ng Kuya Luke nya. Hindi ata nakakaintindi itong batang ito.“H-hindi po Ma’am! Hindi po ako girlfriend ni Luke” tanggi ko kaagad.“Sophia? Hija! Ikaw nga”Agad akong napatingin sa likod ng Mama ni Luke nang may nagbanggit ng pangalan ko. Agad na nanlaki ang mata ko nang makilala ko kung sino iyon!“Tita Margaret!” gulat kong saad. Naglakad ako palapit kay Tita Margaret at niyakap sya, I can’t believe she’s here!Humiwalay ako sa yakap ni Tita Margaret “Ano pong ginagawa nyo dito, Tita?” tanong ko.Matamis akong nginitian ni Tita Margaret “Well…Patricia here is my bestfriend and….” igin
SOPHIA'S POV."Maraming salamat sa paghatid sa sakin" ani ko kay Luke.Pagkatapos naming kumain ay nag pahatid na ako sa kanya dito sa condo. Kailangan kong matulog ng maaga. Ipinilit nya pa na doon na lang daw ako matulog sa guest room ng mansyon nila pero umayaw agad ako.Napasinghap ako nang hawakan nya ang bewang ko at hinila palapit sa kanya, as in sobrang lapit talaga. Uminit agad ang pisngi ko nang inilapit ni Luke ang mukha nya sa mukha ko. Inilibot nya ang tingin na mukha ko hanggang sa tumigil iyon sa labi ko. Marahas akong napalunok nang makita ko kung paano dumilim ang tingin nya habang nakatitig sa labi ko.Napapikit ako nang inilapat nito ang labi sa aking noo. Hindi iyon ang inaasahan ko pero lihim akong napangiti dahil sa ginawa nya. That's so sweet of him."Anything for you, Sophia" he whispered in my ear then hug me.Niyakap ko sya pabalik, nagdadalawang isip ka ako kanina kung yayakapin ko sya pabalik pero naalala kong wala palang asawa si Luke, hindi sya nakatali
The meeting was just all about the upcoming performance of the students for the upcoming anniversary of the school. Expected ko na na ito ang pagmi-meeting-an namin. Pagkatapos nang meeting ay umalis na ako. Nang malapit na ako sa gate ay napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang pamilyar na sasakyan ni Luke. Kumunot agad ang noo ko.Bakit sya nandito? Nasundo naman na si Ilaria kanina ah.Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakita kong bumaba si Luke sa sasakyan at ang mata ay diretsong nakatingin lang sa akin. Ang mga guro na kasabay kong lumabas ay agad na nabaling ang tingin sa kakalabas lang na si Luke, may mga napapatigil pa sa paglalakad para lang makita si Luke, meron ding lumalapit pero hindi sila pinansin ni Luke.Well, hindi ko sila masisisi kung ganyan ang reaksyon nila, ikaw ba naman ang makakita sa mukha ni Luke! Talagang mapapatigil ka.“Uuwi ka na ba?” he asked gently.A puzzled expression crossed my face, “What are you doing here? Kanina pa nakauwi si Ilaria.”He walke
Papasok palang ang sasakyan sa gate ng mansyon nila Luke ay nakikita ko na si Ilaria na naghihintay sa amin sa may pinto ng mansyon, kasama nya ang isang kasambahay nila.Nang makita na papasok na kami ay nagsimula na syang tumalon sa saya at kinakaway pa ang mga kamay. Tatakbo na sana ito pero pinigilan sya ng bantay nya kaya naghintay na lang ito doon.Bumaba si Luke at binuksan ang pinto sa side ko."Thank you, gentleman" nakangiti kong saad sa kanya."For my baby.." asar nya.Agad na nag-init ang mukha ko sa sinabi nya. Lagi nalang akong binibigla ng lalaking 'to.Hinampas ko kaagad sya sa braso pero sapat lang para hindi sya masaktan. Sa ginawa ko ay napangisi si Luke."Hindi ka pa rin sanay?" tanong nya kahit na obvious naman. Sinamaan ko kaagad sya nang tingin pero tumawa lang sya! Naiinis ako! Nang-aasar na naman sya! He probably knows that I'm still not used to him calling me that."Don't worry, sasanayin ko ang baby ko"Huminto na ako sa paglalakad at tinignan sya ng masama
"Sa dami ng tao sa supermarket sila Ilaria at Theo pa talaga ang nakausap ni Kairus?!" Sumandal ako sa upuan habang tinitignan si Kairus na gumagawa ng sandcastle sa tabi ng dagat kasama ang ibang bata. Nasa Boracay kami ngayon, tapos na kasi si Kate sa trabaho niya noong nakaraang araw. "Iyan din ang nasa isip ko noong araw na iyon, Kate" Kinuha ni Kate ang baso sa maliit na mesa, "Ang liit talaga ng mundo, Sophia" Tumahimik ako. Ang liit nga ng mundong ginagalawan namin. Mabuti nalang at hindi na sila nagtanong ng kung ano-ano. Umuwi agad kami pagkatapos naming mamili. "May sinabi o tinanong ba sila?" Tinignan ko si Kate na nakatingin sa akin, "Tinanong nila kung si Luke ba ang ama ni Kairus" Napangiwi ako nang maibuga ni Kate ang iniinom niyang juice. "What?!" sigaw niya pa. Nagkibit balikat nalang ako. Inilibot ko ang tingin ko Isla pero natigil iyon nang may nakita akong bata na napaupo sa buhangin dahil itinulak siya nung isang bata. Tumayo pa iyong bata at pilit na i
Sa isang linggo naming pagbabakasyon dito sa Pilipinas ay naging maganda naman ang resulta. Masayang-masaya si Kairus dahil kahit saan siya dinadala o pinapasyal ni Kate. Ako naman ay nakasuporta lang sa anak ko kung saan siya masaya. Ngayong araw ay wala kaming pupuntahan dahil nagpapahinga kami dahil sa susunod na araw ay may pupuntahan nanaman kami. "Mommy, is Tita Kate coming today?" tanong ni Kairus habang kinukulayan ang bawat pahina ng coloring book na binili namin kahapon. Saglit akong tumigil sa pagse-selpon, "No, baby. May kailangang gawin si Tita Kate ngayon" "What is it, Mommy?" tuluyan na siyang lumapit sa akin dito sa sofa. Nasa carpet kasi siya kanina. "Its about their business, baby" tugon ko. "But we're still going to swim right?" Ibinaba ko na ang cellphone ko at tuluyang itinuon ang pansin sa aking anak. Binuhat ko siya at pina-upo sa aking kandungan. "Yes, baby.." pinisil ko ang pisngi nito, "... now, who wants to go the supermarket with me?" galak
"Let me take off your jacket, Kairus" saad ko habang nasa loob na kami ng sasakyan ni Liam at si Kate naman ay nasa passenger seat. Tinanggal ko na ang jacket niya dahil mainit na ngayon dito sa Pilipinas at nagsisimula na rin siyang pagpawisan. "Mommy, I want to drink milk po" hingi niya nang matapos kong tanggalin ang jacket niya. "Wait, baby" Tinupi ko ang jacket ni Kairus at inilagay iyon sa loob ng bag ko. Binuksan ko naman ang maliit na bag ni Kairus at kinuha ang milk bottle niya tsaka nilagyan iyon ng gatas at tubig. Nang maihalo ko na iyon ay ibinigay ko na iyon sa aking anak. "Sophie, doon muna kayo ni ba ay Kairus sa condo ko" saad ni Kate. Napatingin ako sa harapan, "Huh? e, saan ka titira niyan?" "Doon muna ako sa bahay para wala na kayong pro-problemahin ni Kairus" "Sigurado ka d'yan, a?" paninigurado ko Nakita ko ang pagtango ni Kate, "Oo, gusto rin kasi nila Mama na doon muna ako sa bahay. Nami-miss daw kasi nila ako" "Okay, thank you" I already exp
"Kahit bakasyon lang, Sophie" pamimilit sa akin ni Kate habang kausap ko s'ya sa video call. Kanina n'ya pa ako pilipilit na umuwi sa Pilipinas pero wala naman na akong babalikan doon atsaka maayos na ang buhay namin dito sa Amerika. Bumuntong hininga ako, "Sige na nga. Tignan ko muna kung anong araw ako available" Umirap si Kate, "Hindi ba't may dalawang linggo ka pang natitira bago bumalik sa trabaho? Ngayon pa lang bumili ka na ng ticket". Natigilan ako doon sa sinabi niya. Oo nga no? Bakit hindi ko naisip 'yon kanina? Napatawa ako, "Oo nga pala" Pagkatapos ng kwentuhan namin ay nagpaalam na ako at kaagad na tinawagan ang secretary ko para bilhan kami ng ticket ni Kairus papuntang Pilipinas. "Ma'am Sophia, mamayang six ng gabi po 'yong flight n'yo" saad sa akin ng aking sekretarya. Tumango ako habang kumukuha ako ng damit sa cabinet, "Sige, salamat Tin" Pagkatapos at pinatay ko na ang tawag at ipinatong ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table. Inilatag ko nama
"Kairus! Baby, don't go there" sigaw ko nang makita kong naglalakad papalayo ang aking anak.Tumigil ito sa paglakad at ngumuso. Tumingin sya sa kung saan bago ibinalik ang tingin sa akin, mukhang pinag-iisipan kung susundin ba ako o tutuloy sa paglalakad.Lumapit ako sa kanya at binuhat sya, "Where are you going, hmm?""Fwowers, Mommy" itinuro nito ang malaking kumpol ng bulaklak na kulay violet. Napangiti ako. Kaya naman pala siya naglakad palayo sa akin dahil nakita niya ang paborito niyang kulay. Nang mag nine months na siya ay doon ko napansin ang pagkagusto niya sa kulay violet. "You want that?" I asked even it's obvious. Sunod-sunod ang tango na ginawa ni Kairus at nagsimulang lumikot sa braso ko. Hinawakan ko siyang mabuti at naglakad palapit sa puwesto kung saan ang bulaklak. Nagsimula agad syang kumuha ng kulay violet na bulaklak nang ibaba ko sya sa lupa. Pinagmasdan ko lang sya, natawa ako nang mapansing nakanguso siya habang namimitas ng bulaklak. Maraming nangyari s
I WAS PULLED out of my reverie when Mr. Sanford called me. Ibinalik ko ang tingin ko sa mag-asawa. Naka-upo na sila at ang mga tingin nila ay nasa’kin. May pagtataka sa kanilang mukha kung bakit hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ako.Pinilit kong ngumiti para ipakita na walang problema pero meron. Umupo na ako at kinuha ang menu na nasa ibabaw ng mesa. Habang nakatingin ako doon ay sinusulyapan ko si Luke. Ngayon pa lang ay marami nang katanungan ang nabubuo sa aking isipan at gusto ko ay masagot agad niya ito.Bakit may kasama siyang buntis na babae? At bakit ngiting-ngiti siya habang kausap ang babae? Gusto kong isipin na kamag-anak lang niya ang babae pero sa nakikita ko ngayon ay mukhang hindi. Nasagot na nang mga kilos nila ang mga katanungan sa isip ko.Gusto kong puntahan si Luke para ipaliwanag niya sa akin ang mga nangyayari pero ayokong maging bastos. Ayokong gumawa ng gulo dito sa loob ng restaurant. Ayokong ipahiya ang mga kasama ko ngayon kaya kahit sumasabog na ako sa
"YOU MEAN TO say, he's lying!?"Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang ay hindi ko din alam. Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko sa kanilang dalawa ni Tita Patricia."Hindi ko alam, Kate.... hindi ko alam" tanging sagot ko.Luke told na me na may important meeting siya pero nang bumisita ako kila Tita Patricia, ang sabi niya ay nasa ibang bansa daw 'yong ka meeting ni Luke, nagpapahinga.Bakit naman siya magsisinungaling tungkol doon?"I'm telling you, Sophia. May tinatago 'yang si Luke" Kate said.Sa sinabi pa lang ni Tita Patricia kahapon sa akin ay nagsisimula na akong magduda kung may tinatago sa akin si Luke. "Kailan daw siya babalik?" tanong pa ni Kate."Hindi ko alam, wala siyang sinabi sa akin" I answered before taking a sip of lemon juice.Wala akong ideya kung saan siya ngayon. Ang sinabi niya lang ay may importanteng meeting siya."Bakit hindi mo tawagan?" suhestiyon ni Kate.Ginawa ko na iyan kahapon pagka-uwi ko pero wala akong natanggap na sagot mula kay Luke. I
THIS DAY, here am I, staring at my rooms ceiling. Minsan ay ginagawa ko ito pagkagising ko ng umaga. I like staring at the ceiling for a long time. Habang tinititigan ko ang ceiling ay naalala ko ang nangyari kahapon. Our date is cancelled. Nagtatampo ako kaunti pero trabaho iyon at lagi naman kaming magkasama kaya okay lang. Tutal hindi naman natuloy ang date naming ay napagdesisyonan kong magpinta. Marami akong naiisip na ipinta nitong mga nakaraang araw at ngayon ay gagawin ko na.I blinked and look at the bedside table beside me when my phone suddenly rang. Inalis ko ang kumot sa katawan ko at inabot ang cellphone ko. It's Luke's Mom, Tita Patricia. "Good Morning, Tita Patricia" "Sorry sa biglaang pagtawag ko, hija. Naistorbo ko ba ang tulog mo?"Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko atsaka umiling."Hindi naman po, Tita. Kanina pa po ako gising at nagmumuni-muni na lang po ako"Mukhang nakahinga ng maluwag si Tita Patricia sa narinig niya."Oh! Akala k
"SINO 'YONG kausap mo kanina?"Nabaling ang tingin ko sa harapan ko nang may nagsalita. Si Kate.Hindi ko namalayan na dumating na pala siya. Nasa babaeng buntis kasi ang atensyon ko kaya hindi ko siya napansin."Ah..." tinignan ko ulit 'yong buntis na babae na papalayo na sa pwesto ko, ".... hindi ko kilala. Basta na lang lumapit sa akin tapos kinausap ako" saad ko atsaka binalik ang tingin kay Kate.Kumunot ang noo ni Kate atsaka hinila ang upuan, "Basta ka na lang kinausap?" takang tanong nito at umupo sa upuan.Tumango ako, "Oo, nagulat pa nga ako kanina eh"Hindi ko naman kilala pero bigla na lang lumapit at kinausap ako. She's kinda weird. Tinignan ko ulit 'yong pwesto nang babaeng buntis. Papasok na ito sa loob ng kotseng kulay itim. Siguro ay ang asawa niya. "By the way..." Tumingin ako kay Kate. "Nag-order ka na ba?" Umiling ako, "Hindi pa" Ngumuso ito atsaka itinaas ang kaliwang kamay para umorder. Nilapitan kaagad kami ng isang waiter at inilista sa maliit na papel an