Share

Chapter 39

Author: Madam Ursula
last update Last Updated: 2024-05-20 19:26:48

Hindi nakakibo si Catherine sa normal na sitwasyun at sa malayang babae iyon naman talaga ang normal na ginagawa pero hindi para kay Catherine. Hindi na lamang ngbigay ng commento ang dalaga at tumango na lang.

"Gusto talaga ni Andrew na parang reyna ang asawa niya sa bahay yun kase ang pangarap niya sa nanay niya noon pa. Hindi kase naging maganda ang trato ng papa ni Andrew sa nanay nito kase may pagka babaero. Kaya binatilyo pa lang yan sabi niya palagi pag naka Girlfriend o asawa daw siya ay ituturing niyang reyna"

"Ang mabuti pa kainin mo itong dinala ko inakyat ko na kase hindi ka nagalmusal at nananghalian. Bukod sa masama ang magpalipas ng kain, kapag nalaman ni Andrew na hindi ka kumain at hindi ka namin pinilit kami ang malilintikan. Kaya sige na iha, kain na " pakiusap ng matanda.

Nakonsensya naman si Catherine na nadadamay ang mga ito kaya kahit mabigat ang ulo at masakit ang katawan ay pinilit ng dalaga ang bumangon at ipakita sa matanda na kumakain siya.

Lumaba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 40

    Sa kusina ay pinilit ni Catherine pasiglahin ang sarili at kalimutan ang nakita. Total isang buwan na lamang ay tapos na ang paghihirap niya. Binagalan ni Catherine ang pagkain ng cup noodle na paborito niya.Nerequest niya ito ng minsang mag grocery si nanay Mila at masaya siyang naalala pala ng matanda.Matapos maubos ang cupped noodles ay naisipan ni Catherine na gumawa ng ham with egg sandwich at para mas matagal ay ginawan niya lahat ng katulong.Nag enjoy si Catherine na panuorin na kumain si Betty na matakaw pala sa egg sandwich."Naku buti ka pa Senyorita Sofia mabait at down to Earth samantalang yung kasama ni Senyorito Andrew sa labas ay masungit na matapobre pa" Sabi ni Betty."Psst! Betty ang bibig mo.Baka marinig ka ni Andrew.Diba kakasermon lang sa atin" saway ni Nanay Mila."Iha, ang mabuti pa ay umakyat ka na ng silid nyo. Baka abutan ka ni Andrew dito pag uwi ni Senyorita Bernadette mapagalitan ka na naman. Ako ng magliligpit ng mga ginamit mo sige na"Taboy sa kanya

    Last Updated : 2024-05-21
  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 41

    "Babe, hindi naman ako nagagalit na ginagawa mo iyon sa akin personally. To be honest, stress ako sa proposal ni Bernadette kaya ng makita kitang nagsasampay at mukhang pagod inisip ko agad na baka inaalila ka nila. Pero siyempre pinagsisihan ko din ang sinabi ko" sabi ni Andrew while caressing her cheek."Manang has been my maid for years at alam kung hindi ka ituturing ng ganun. Stress lang talaga ako lately" Tumagilid si Catherine sa harap ng lamshade pero hindi pa rin sinusulyapan si Andrew."Sige lang magsinungaling ka lang ng magsinungaling.Titiisin ko lahat ito total malapit naman ng matapos pero hinding hindi mo na ako mabobobla pa Andrew. Dun ka humanap ng kaligayahan sa babae mo. Bakit mo ba kase pinauwii pa" inis na bulong ni Catherine. Kinakain na talaga siya ng selos at naging makasarili na. tumingin.at tumalikod sa nagpapaliwanag na si Andrew."May sinasabi ka ba Sofie?" tanong ni Andrew. Hindi pa rin kumikibo si Catherine. Sumumpong na ang sukdulan niya. Matapang naman

    Last Updated : 2024-05-22
  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 42

    Wala na naisuko na lahat ni Catherine pati ang kaluluwa. Sa ngayon ay sumasabay na lang siya sa agos ng pagnanasa at pagibig sa binata. Bahala na Bahala na" bulong ng dalaga kasabay ng nmahihinang daing at mahinang ungol.Nahihibang na si Catherine. Sa kanyang balintataw ay nanunbalik ang eksena ni Andrew at ng babae at nagkakaroon ng kakaibang pakiramdam si Catherine. Nagkakaroon ng pagnanasang maging kanya si Andrew. Nagkakaroon ng pagaasam na sana siya ang mahalin nito at pinaliligaya ni Andrew ng ganito. Sana siya ang nasa isip nito at sana siya ang nasa puso nito.Ilang sandali na lamang at matatapos na ang lahat. Nagkaroon ng paghahangad si Catherine na maipadama kahit minsan kay Andrew na minahal siya ni Sofia sa katauhan ni Catherine. At nais niyang kahit sa isang pagkakataon iparamdam niyang minahal niya ang lalaki bilang Catherine at hindi nagpapanggap bilang Sofia."Oh Babe.. you're driving me crazy alam mo ba yun? nakakagigil ka you have n idea how much I miss you" Sabi ni

    Last Updated : 2024-05-22
  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 43

    Nang gabing iyon kakaiba ang naging pagniniig nila. pakiramdam ni Catherine ay hindi na la,amng iyon Sex. Naging napakalambing at napakamaingat ni Andrew.Bawat halik nito ay sinusundan ng salitang i miss this, i miss this, Babe at kung ano ano pang malambing na sarili bawat hagod at pawat galaw ay tila may musikang kasama. lalo na ang sabihin nito ang salitang pinakahihintay ata ng kahit na sinong babae na marinig sa kanilang asawa. Bawat ungol at bawat daing nito ay tila kumikiliti sa kanyang tenga.Parang tooo parang lahat totoo."Iba ang Andrew ngayon. Ibang iba" bulong ni Catherine bago tuluyang natulog ang kanyang diwa.Napabalikwas si Catherine ng magising kinaumagahan. Nakita niyang alas siyete na ng umaga kaya agad siyang bumalikwas at nagtungo ng banyo. Matapos ayusin ang sarili ay patakbo siyang bumaba ng hagdan. Alas siete na at alas nueve ang pasok ni Andrew. Bakit ba kase nahuli siya ng gising. Nang maalala ang nangyari kagabi ay napangiti ang dalaga. Pero bigla ring napa

    Last Updated : 2024-05-23
  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 44

    "Senyorita ano pong sabi ng doktor?Ano daw po ang sakit ninyo?" usisa ni Betty ang kasama niyang katulong."Ah.. nalilipasan lang daw ako ng gutom. Paki bili mo muna ito bago tayo umuwi" Inabot niya ang pera kay Betty.Mabuti na lang at nakahingi siya ng pera kay Andrew, Nagkunwari siyang tinatamad mag withdraw. Tinuruan siya ng asawa na mag online shopping pero kinatwiran niya na ayaw niya ng hindi nakikita ang bibilhin. Mabuti na lang at pinaniwalaan siya nito kaya mula noon paminsan minsan ay binibigyan siya nito ng cash.Malaking halaga kung tutuuisin pero binabawasan lamang niya iyon ng kung ano ang kailangan niya. Ang iba ay iniiwan niya sa drawer sa side table. Doon nakalagay ang iniiwang pera ni Andrew.Ngayon na nagplano siya magpacheck up ay kumuha lamang siya ng konti. Nang makalayo na ang kasama ay saka pinakawalan ni Catherine ang luha."Ano ng gagawin ko ngayon?"Litong sabi ni Catherine. Isang linggo na lang at posibleng tumawag na si Sofia at paalisin na siya. Hanggang

    Last Updated : 2024-05-23
  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 45

    Dahil sa masamang pakiramdam ay hindi nagawang sumipot ni Catherine sa tagpuan nila ni Sofia plus hindi niya maalala kung saan ang lugar.Hindi rin siya makahanap ng tiyempo dahil hindi umalis si Andrew at binantayan lamang siya maghapon. Naghintay ng tawag si Catherine mula kay Sofia kinagabihan. Alam niyan tatawag ito dahil sa hindi niya pagsulpot.Pero walang tawag mula dito.Hindi naman kase niya maaaring tawagan ang kaibigan dahil Long distance iyon.Lunes ay uminom si Catherine ng gamot ng neresita plus iniwasan niyang maglinis ng cr kaya gumanda ang pakiramdam niya.Pakapananghali ay nagpaalam si Catherine na may bibilhin lamang na vitamins. Sinabi ni Manang Mila na si Betty na pero sinabi ni Catherine na siya na lamang dahil maghahanap siya ng bagong punla sa garden.Pero ang totoo ay follow up check up ni Catherine ngayon. At dahil lunes marami siyang naging kasabay kaya mahaba ang pila.Padilim na ng makauwi si Catherine. Sinalubong siya ng mga matang nagtatanong at nagtata

    Last Updated : 2024-05-24
  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 46

    "What's the truth now Sofia? What the hell is going on? What are you kneeling for" Sigaw ni Andrew."She is saying the truth, Andrew. I'm her bridesmaid and not your wife. It's a long story. I'm so Sorry" umiiyak na sabi ni Catherine.Seing her kneeling lalong humulagpos ang galit si Andrew. Tiningnan nito ang babaeng nagsasabing ito ang totoong Sofia. Tinitigan ito ni Andrew ng masama mula uo hanggang paa."I'm so sorry Andrew.... please" hindi natapos ni Catherine ang sasabihin ng makita niyang umamba ang kamay ni Andrew para sana sampalin siya. Natakot si Catherine sa biglang yumakap sa paanan ni Andrew pero hinawi siya ng binata kaya nasadsad siya sa i sang sulok.Nakaamba na sana ang kamay ni Andrew ulit para pagbuhatan ulit ng kamay si Catherine para sa panloloko nito sa kanya. But her sad eyes stop him. Andrew walks out of that room and never looks back."Andrew....Andrew please... Please let me explain... Please" Habol ni Catherine kay Andrew, papasok ito ng kotse pero hindi s

    Last Updated : 2024-05-26
  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 47

    "Ma'am Sofia pinabibigay po ng babaeng kapangalan nyo" sabi ni Betty na inilusot ang bag na maliit sa siwang ng gate at inaabot kay Catherine."Umalis na daw po kayo kundi tatawag siya ng pulis" sabi pa nito. Inabot ni Catherine ang bag at nakita niyang nasa likod nito si Nanay Mila."Pasensiya na kayo mahabang kuwento pero po masaya akong nakilala kayo""Magiingat ka Catherine. Alagaan mo ang sarili mo. Heto...... Address yan ng bahay ng anak ko. Puntahan mo. Tatawagan ko siya mamaya. Sige na umalis ka na mawawalan ka ng biyahe" lumuluhang sabi ng matandang napamahal na rin kay Catherine."Naglagay ako ng jacket sa bag na yan at malamig ang gabi. Magiingat ka anak. Magiingat ka Catherine" sabi ng matanda na tuluyan ng umiyak.Halos hindi mabasa ni Catherine ang nakasulat sa papel na inabot ni manang Mila. Hilam sa luha ang mga mata niya. nanginginig ang tuhod ng dalaga kaya halos hindi niya maihakbang ang mga paa. Nilingon ni Catherine ang bahay ni Andrew, ang bahay na naging kanlung

    Last Updated : 2024-05-27

Latest chapter

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 62

    💥Epilogue💥"Now that you're fine, and everything is back to normal babe, you have a lot of explaining to do with me now" Sabi ni Andrew."Hah, agad agad may kasalanan na naman ako?""Unang una, wag mong isiping galit ako I know why this happened. At habang buhay akong babawi pangako. Wag ka ring magagalit kung di ko muna sinabi kase nagpapagaling ka pa" Sabi ni Andrew.Medyo mali yung timing ng dumating ang report ng imbestigador na inupahan ko. You were battling death ng oras na yun time kaya hindi kita masesermunan."What pinaimbistegahan mo ako?""Diba nga I told you ipinahahanap kita for two years walang palya walang tigil babe. Sabi ko nga kahit maubos ang yaman ko mahanap ka lang. Kaso nauna kitang nakita bago ka nadiskobre ng inupahan ko.Diba panig pa rin sa akin ang may kapal."But after meeting him, lahat ng sermon ko para sayo bigla kung nalunok. My heart was so happy i i almost choke my breath. Babe, hindi ko maipaliwanag , wala akong ginawa kundi ang yakapin at halikan

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 61

    "Ah, sorry Andrew wala akong maisip na idadahilan nong mga panahon na hinahanap ka niya.Ang hirpa mamg alibi ng paiba iba masyado soyang bibo.Kaya nang atick ma lang ako sa iisang alibi tapos para hindi din siya mausisa eh pagsuweldo ko bumibili ako ng toys tapos kunwari padala mo" biglang lumungkot ang mukha ni Catherine."Oh Babe, Sorry talaga sa mga panahong yun at salamat, salamamt Babe ng sobra sa lahat ng paghihirap na sinolo mo ng magisa babawi ako pangako ko yan" sabi ni Andrew at niyakap ng mahigpit ang asawa naiyak na ng sandalign iyon. Alam naman ni Andrew na sa pagkatao ni Catherine ay gagawin iyon ng asawa. She the perfect ideal woman nan mutokan na niyang mawala sa buhay niya kaya mas hinigpitan pa ni Andrew ang yakap sa asawa "I'm sorry... I'm so sorry my wife. I love you and always love you. I never stop loving you not even for a second babe, Please forgive me, Stay with me please, and love me again. I need you, babe. I can't live without you" sunod sunod na sabi n

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 60

    "Pero Sir, bago ako bumalik ng Maynila noong isang linggo dumaan ako sa bahay na iyun ulit . Wala na doon si Maam Cath.Wala din yung ate niya.Tanging ang lola ng bata ang naroon. At alam mo ba sir? Ang suwerte nyo ni maam Cath.Bibo at malambing ang anak nyo""What? ulitin mo ang ang sinabi mo. Anak ko?Tama ba ang narinig ko?" malakas ang boses na sabi ni Andrew. "Opo sir, una kamukha mo nsg bsta kahit dalawang taon gulang pa lang.Kasong lago ng kilay mo sir eh.Wait sir Send ko picture sa messenger mo.Narecieve mo na sir..?Sir.. magpapaalam na ako sir nandito na kliyente ko" "Okay, thank you" tulalang sabi ni Andrew jabangvumuulit ulit sa tenga niya ang salitang "anak ko" Agad pinatay ni Andrew ang call botton at lumipat sa messenger. At ng ng makita ang larawan ng batang ipinadala ng kausap. Biglang napalabas ng kotse si Andrew at doon sumigaw ng sumigaw...."Aaaahhh.....Aaahh.......why..?why..?" sigaw ni Andrew sabay napaupo sa gilid ng kotse niya at doon na lang sa sumadal at n

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 59

    "Mahal na mahal kita Catherine.Your my one and only wife hindi yun mababago ninuman" Sabi ini Andrew saka nito hinalikan ang naturulog pang si Catherine sa noo nito at sa tungki ng ilong. "I miss you babe, i love you so much. Magpagaling ka na please"Umaasa si Andrew na hindi pa huli ang lahat para sa kanila ng asawaa. Marami ng mga araw ang lumipas.Hindi biro ang mahigit dalawang taon na naghirap ang mga kalooban nila. Pinaglaruan sila ng panahon at mga maling akala. Pinaglaruan sila ng mapagbirong tadhana."Magpagaling ka my wife, wag kang magalala ako ang bahala sa lahat mahal na mahal kita" Sabi ni Andrew saka hinalikan ulit ang noo ni Catherine. Lumabas na si Andrew para asikasuhun ang mga dapat asikasuhin.Samantlaa....Catherine heard everything, kahit groggy sa gamot ay malinaw niyang naririnig ang pagtatapat ni Andrew. Lahat ng hinanakit sa loob ng dalawang taon, lahat ng hirap ng katawan at kalooban sa loob ng mga panahong iyon ay tila bulang naglaho.His sincere word and

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 58

    He was so scared. Noon pa man si Catherine na ang tanging nakakapagdulot sa kanya ng mga ganitong pakiramdam mula sa pakiramdam na parang mamamatay hanggang sa pakiramdam na parang nalulunod.Whenever he though that he already lost her at paulit ulit na parang pinapatay si Andrew. Ang lahat ng poot at hinanakit niya noon kay Catherine ay panakitp butas lamang niya sa totoong nararamdan.Yun ang dahilan kaya kahit isang minuto hindi siya tumigil sa paghahanap dito.Kahit isang minuto hindi niya tinigilang mahalin ito and now he regreted all his stupid action just to hide his miserable life.Pinagsisishan ni Andrew na tiniis niya ang sariling damdamin at lumikha iyon ng mas malalim na sugat sa pinakamaahal and led her to put her life in danger now.Andrew went inside Catherine's room, slowly not to wake her up. Kailangan daw nito ng mahabang pahinga sabi ng doktor. Kailangan daw maiwasang ma stress ito o magalit to avoid further attack."Babe...Babe..." Pagbanggit pa lang ni Andrew ng e

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 57

    "Ngayon Andrew sabihin mo sa akin hindi pa ba ako bayad? sigaw ni Catherine habang bumubuhos ang luha. napuno ng ng galit at kawalan ng pagasa si Catherine."Ng gabing ipagtabuyan ako ni Sofia sa bahay mo ng gabing halos mamatay ako sa lamig sa labas sa kakahintay sayo umaasang kahit pangunawa meron ka para sa akin.Umaasang kahit papaano pwede mo akong matulungan kahit bilang tao na lamang pero wala ka.Ni hindi mo ako binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag" tumigil ang luha sa mata ni Catherine , napalitan ng galit."Dalawang taon akong nagpilit bumangon, dalawang taon akong nagtago dahil ang banta ni Sofia ay ipapaalam sa pamilya ko at sisirain ako. Dalawang taon akong namuhay magisa at namuhay sa kahihiyan at lahat ng iyon hindi pa sapat sayo Andrew? Napakalupit mo...napakalupit mo! " halos mamula sa galit si Catherine."Sa apat na buwan ba Andrew ni minsan ba hindi ako naging mabuting asawa sayo? Napakalupit mo?napakalupit nyo ni Sofia"... Hagulhol muli si Catherine.."Babe" Bu

  • Billionaire's Bridesmaid   Chaapter 56

    So loob ng isang simpleng silid ay agad hinubaran ni Andrew ng damit si Catherine, kailangan ng matuyo agad ang katawan nito. Giniginaw na din si Andrew pero mas mahalagang matulungan agad si Catherine.She's freezing for hours for God's sake. Pero nagpupumiglas at nagsisisigaw si Catherine habang hawak ang dibdib. Kanina pa niya kinilimkim ang hinanakit. Kanina pa niya gustong sumabog.Wala na itong pinipiling lugar. At heto kahit ang kaladkarin siya sa motel ay gagawin nito para lamang sa ano? Sa pride nito? sa ego nito?. Sobra na... Sobra na" sabi ni Catherine"Tama na Andrew, oo na pagbabayaran ko na ang kasalanan ko. Kahit ang totoo matagal ko ng pinagbabayaran iyon hanggang ngayon" sigaw ni Catherine sa kabila ng paghahabol ng hininga. Hinubad ni Catherine ng tuluyang ang damit, lahat hinubad niya. Lahat lahat. Halos mapunit na nga niya ang blouse niya dahil sa pagmamadali na may kasamang galit."Oh eto, gawin mo na ang gusto mo diba ito ang gusto mong parusa. Sige gawin mo! bawi

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 55

    Mabils ang takbo ng kotse at pakiramdam ni Catherine malayo na ang nararating nila malayo sa dapat na pupuntahan niya.This time hindi siya nakalagpas kundi hindi nakarating. Palakas ng palakas ang ulan kaya napilitan ang driver na mag menor. Hindi magawang sulyapan ni Catherine ang driver dahil sa nakikita niyang galit na mukha nitoNag zero visibility dahil sa biglang bugso ng malakas na ulan at makapal na ulap. Nagaalala siya dahil baha na ang kalsada pero mabilis amgpatakbo ang dating asawa.nangaalala si Cabntherine dahil baka mapahamak ito dahi lsa galit sa kanya.Madilim na madilm ang mukha ni Andrew.Marahil galit na galit talaga ito. Pero ang mukha ng driver mula kanina ay hindi nagbago. Madilim at galit pa rin ito. Pero lalong gumuguwao si Andrew kapag galit, kapag seryoso."Tumahimik ka Catherine. Anong kalandian yan? Balewala ba sayo ang galit niya? Hind ka ba natatakot sa kung anuman ang balak ni Andrew ha..!?" sita ng dalaga sa sarili."Bakit? May bago pa ba? Hindi pa ba sap

  • Billionaire's Bridesmaid   Chapter 54

    "Sorry Gentelmen i need to go. I need to talk to my wife excuse me" paalam ni Andrew sa mga bisita at sinabayan na ang mga ito palabas ng opisina. At pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng pabrika si Andrew para mahabol pa i Catherine. Imbis na magalit ay nasaktan siya sa nakita sa mga mata nito. Hindi kaya ni Andrew balewalain ang sakit na naidulot niya kay Catherine. Hind niya kayang makita itong luhaan. Hindi na niya kayang mawala ang babaeng bumaliw sa kanya sa loob ng dalawang taon at bumabaliw sa kanya ulit ngayon tuwing gabi. Kaya hindi nagdalawang isip si Andrew na sundan ang dalaga. Nang makita niyang tulala itong sumakay ng jeep agad sumakay si Andrew sa kanyang kotse at sinundan si Catherine. Hndi niya magawang umabante sa jeep at parahin ito kaya sinundan na lamang niya ang sinasakyan ng asawa para doon na lamang niya sa bababan nito kausapin. Nang makita ni Andrew na huminto ang Jeep at bumaba si Catherine, his heart beat fast. So fast... Pero ng makita niyang naglala

DMCA.com Protection Status