Naiintindihan niyo ba si Max? O galit kayo sa kaniya?
Pagpasok ni Max sa kwarto ng mga anak niya, agad siyang nagmadali maglakad papasok nang makita niya si Paris. Agad niya itong niyakap kasabay ng pagbaluktot ng mga tuhod niya.Nawalan ng lakas ang mga binti niya nang mayakap niya ang anak niya.Ang laki ng kaginhawaan sa kaniya nang makita niya ang anak niyang ligtas. “I’m sorry my love…” umiiyak na sabi niya. “I’m sorry, papa was not there to protect you. I’m really sorry. God! Please forgive me Paris. I’m sorry baby… I’m really sorry.”Humagolgol si Max at ang pag-iyak niya ay rinig na rinig sa buong bahay na kahit ang ibang mga katulong at mga body guards ay nagbaba ng tingin.Ramdam nila ang lungkot at takot ni Max. Ngayon nga rin nila ito narinig na umiyak ng ganoon kalakas.. Iyak na puno ng emotion.But what breaks Max’s heart even more ay ang paghawak ni Paris sa mukha niya. Kita niya ang mga luhang lumandas sa pisngi ni Paris at kita rin niya ang pagngiti nito. “Papa, it’s alright. She would hurt you if you rescue me. Gusto ka
"Huh?" parang nabingi si Max sa narinig niya. "Anong sabi mo?"Tumawa si Katherine. "Nagulat ka ba? Ganoon kita kamahal.""HAYOP KA! ANONG SABI MO? IPALIWANAG MO!"Naguguluhan na si Max. Nakita niya si Mavi at Khelowna sa bahay niya no'n. Si Khelowna ay umiiyak, si Mavi duguan at nakahandusay sa sahig. Ngunit kaya nacoma si Maveliene dahil maliban sa sugat na natamo niya sa katawan, nahulog rin ito sa pabilog na hadgan nila Max. Bumagsak siya mula second floor hanggang sa ground floor. Ang mga sugat na natamo ni Mavi ay aminado si Khelowna na siya ang may gawa, ngunit ang sugat na iyon, mga daplis lang.Pero siya ang pinaratangan ni Max, dahil ang conclusion ni Max sa krimen, nag-away ang dalawa at tinulak ni Khelowna si Mavi. Isa na sa patunay ay ang mga sugat ni Mavi sa katawan na si Khelowna ang may gawa."March 20, 2018. Tanda ko pa ang lahat. Si ate, lagi siyang pumupunta sa bahay niyo para makipagkita sa'yo." Umiiyak ngunit nakangiti ang labi ni Katherine habang inaalala ang mga
Nagising si Max at namalayan niya na nasa condo siya ni Maxine. Agad siyang bumangon."Malamig na ang ulo mo?" nag-angat siya nang tingin at nakita niya ang kapatid niya na nakatingin sa kaniya."Why did you stop me?""Kahit pa isa kang Linae, oras mapatay mo siya, kulungan pa rin ang bagsak mo. Baka nakakalimutan mo Max na hindi lang pamilya natin ang maimpluwensya dito. Marami tayong kalaban na naghahanap lang ng konting pagkakamali mo." "I don't care. I want her dead.." Naalala na naman niya... "I want her dead. She ruined me. She ruined my family." Tumingin si Max sa ate niya. "Alam kong may pagkakamali ako, hindi ako naging perpektong asawa, pero noon, handa na ako e. Handa na akong iwan si Mavi at piliin si Khe." Sabi niya habang lumuluha... (Flashback)Max POV"Son, I want you to marry her. She's kind and smart. Kung siya ang papakasalan mo, aalis akong masaya.""Ma, stop talking about that. Hindi ka pa mamamatay. Besides, may girlfriend ako ma."Ngumuso ang mama ni Max. "I
Lumapit si Maxine kay Max at niyakap niya ito. Hindi niya masisisi si Max kung nasisi niya si Khelowna. Nang dumating ang kapatid niya sa bahay, si Khelowna at Mavi lang ang naabutan niya. Kahit na sinabi ni Khelowna na hindi niya tinangkang patayin si Maveliene, ang hirap pa rin no'n paniwalaan pagkat sila lang dalawa ang naroon sa bahay no'ng araw na yun. Alam niyang kung hindi dahil sa namayapa nilang ina, hindi papakasalan ni Max si Khelowna. Alam niyang bukod tanging minahal ni Max si Mavi. Wala lang talaga siyang choice dahil malaki ang utang na loob ng mama nila kay Khelowna at sa lolo nito. Idagdag pa na boto ang mama nila kay Khe. Her brother feel suffocated nang ikasal siya sa babaeng hindi niya naman gusto. Pero nagbago na ang lahat... Sa nakikita niya, minahal naman ni Max si Khelowna. Sadyang napaglaruan lang sila ng kanilang tadhana. At ngayon na inamin na ni Katherine ang ginawa niya, saka pa sila nalinawan. Saka pa nila naunawaan na kaya sinasabi ni Khelowna noon
Pag-uwi ni Max, nakita niya si Khelowna na nakaupo sa sofa habang ang mga anak nila ay nasa tabi nito, at nakikinig sa kwento niya.Lumapit siya para haIikan sa ulo ang mga bata. Gusto niya sanang hagkan rin si Khe, pero napatigil siya dahil sa lamig ng mga tingin nito sa kaniya.Mga tingin na nagbibigay ng boundaries sa pagitan nila. "Papa, mama is reading us a story." Sabi ni Paris. "Tabi ka kay kuya, papa.""Paris, anak... Gusto niyo bang magswimming?" Khelowna "Mama-""Tara sa labas. Magswimming tayo kasi miss na ni mama mag-swimming na kasama kayo tatlo." Gusto niya lang talaga iwasan si Max. "Sige na nga po. Hehe. Tara po mama." Paris"I'll change my clothes mama," sabi ni Chicago. Si Rome naman ay tumingin sa papa niya.Ramdam niyang may mali sa mama at papa niya at hindi niya alam kung paano niya ipag-ayos ang dalawa.Umalis na ang mga bata. Agad na tumayo si Khelowna para sana sundan ang mga anak niya, pero hinawakan siya ni Max sa kamay.Agad na kinuha ni Khelowna ang kama
"Austin, hindi pwede..."Lumayo si Khelowna sa kaniya. "Hindi pwede ang sinasabi mo. Hindi kita kayang gamitin para makalimutan si Max. Hindi ko yan kayang gawin sa anak ng taong nagligtas sa amin ng mga anak ko. Ano na lang ang sasabihin ng mama mo oras na malaman niya ang ginawa ko sa'yo?"Si Dra. Santos--ina ni Austin ang nagpaanak kay Khelowna kaya malaki ang utang na loob ni Khelowna sa kaniya."Khe naman-""Salamat sa gusto mong mangyari Austin pero hindi ko matatanggap ang offer mo." Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya."Ligawan mo muna ako. Kung mahulog ako sa'yo, that's good. But kung hindi, then let's stay as friends. Hindi ba iyan ang sabi ko sayo?" Napabuntong hininga si Austin. Kahit anong pilit niya, wala talaga. Akala ni Khelowna ay magagalit si Austin sa kaniya kaya laking gulat niya nang hineadlock siya nito bigla. "Mas malaki pa sa 1M ang sinayang mo." Nagbibirong sabi niya.Kahit papaano napangiti si Khelowna sa sinabi ng kaibigan. Kakatapos lang niyang magdra
"I can't let her do that." Mahinang sabi ni Max. "I did a lot of horrible things to her. Kahit nga ang tignan niya sa mata ay hindi na niya magawa. Kung hilingin ko pang operahan niya si Mavi ay baka hanggang sa mamatay ako, hindi niya ako matignan.""Kung gaanon sir, anong gagawin?""Humanap ng ibang orthopedic surgeon. Kahit sino, pwede na, kahit na hindi kasinggaling ni Khelowna.""Masusunod po sir."Umalis si Johanson at agad na pinaalam sa hospital director kung nasaan si Mavi naka confine na e pull out si Khelowna sa mga experts na titingin kay Maveliene.Before accident, Maveliene is a sick child. Kaya mabait si Max sa kaniya, dahil sakitin ito at mahina. She had leukemia. Kakagaling lang niya sa bone marrow transplant bago siya maaksidente. And it's a miracle na umabot siya ng ilang taon kahit na comatose. But as time passes on, may nakikita silang komplikasyon sa katawan ni Mavi kaya kumuha ulit si Max ng mga magagaling na eksperto para matiyagan ang kalagayan ni Mavi.Her co
Matapos maligo ni Khelowna, pinuntahan niya ang mga anak niya sa master's bedroom. Doon ulit matutulog ang tatlo katabi ni Max.Ayos lang naman sa kaniya, as long as makita niya ang mga bata."Matutulog na kayo?""Yes po mama!" Sagot ni Rome at tumayo para humaIik sa pisngi niya.Sumunod si Paris at Chicago. "Your mamita is here. Wanna see her?"Nanlaki ang mata ni Paris at Rome. "She's here mama? I wanna see her mama. I miss her so bad!" ParisNgumiti si Khelown at tumango."Isasama po ba natin si papa, mama?" tanong ni Rome. Lately, naaawa siya sa papa niya dahil palagi niyang nakikita si Max na malungkot."No. Tayo lang apat ang aalis.""Hindi na po ba tayo uuwi dito mama?" nag-alalang tanong ni Paris."Uuwi pa rin tayo dito anak. Mama is still looking for a house na malapit lang sa hospital kung saan ako nag wo-work.""So aalis pa rin tayo dito mama?"Hindi maka-oo si Khelowna dahil ngayon pa lang, kita na niya ang lungkot sa mata no'ng tatlo."Saka na natin ito pag-usapan. Sige n
Hello everyone, salamat po sa pagbabasa ng story ni Max. You can read my other stories too if you like. Completed na po sila lahat. List of my stories.-The Lust Love-His Personal Affair -Love In Mistake -Ang Makasalanang Asawa-Shade Of Lust[-Shein Family-] -Binili Ako ng CEO (Book1)- Mr. Shein and Lorelay -Pag-aari Ako ng CEO (Book2) -Asawa Ako ng CEO - (Second Gen: Rico Shein) -Binihag Ako ng CEO - (Second Gen: Sico Shein) {-Connected Stories-} -Hiding The CEO's Quintuplets (Rod and March, Clarissa and Clark) -I Put A Leash On My Boss - He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny-Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back-Never Tame A Beast
Years of being married with Max wasn’t easy for Khelowna. Siya ay isang doctor, isang ina, kaibigan at asawa. Kahit na may mga pagkakataon na nag-aaway sila, they always find ways to fix their misunderstanding.Hindi na sila umaabot sa puntong magaya sa iba na nauuwi sa hiwalayan. And Max made sure that Khe won’t get tired of him so day by day, mas lalo niyang minamahal at pinapahalagahan ang asawa niya. And with that, nagiging magandang ihemplo sila ng kanilang mga anak.First year college na ang triplets, si Rome ay kumuha ng kursong business ad, si Chicago naman ay gaya ng sa mama niya. Gusto niya maging isang magaling na surgeon. Si Paris naman ay hindi muna nag-enrol.She couldn’t figure out what profession she wanted to pursue. Kaya hanggang hindi pa siya nag-aaral, nasa bahay muna siya at siya ang nag-aalalaga kay Sydney na ngayon high school na.Nasa sofa siya, nakaupo at nag-s-scrol sa kaniyang social media account, pero tapos na siya sa kaniyang duty as ate. May pagkain ng na
“Hindi pa ba kayo tapos diyan sa ginagawa niyo?” taas kilay na tanong ni Khe matapos niyang makita ang dalawa na busy pa rin sa kanilang ginagawa.Napatigil si Max sa kaniyang pagpapausok at napatingin sa asawa niya. “W-Wife!” Gulat na bulalas niya.“Ginawa mong bubuyog si Dr. Smith. Tama na yang kalokohan mo Max.” Kunwari seryosong sabi ni Khelowna kahit na sa kaloob-looban niya ay natatawa na siya.Ngumuso si Max at agad na binitawan ang layang dahon ng niyog at umakbay kay Khe. “I looked pitiful, wife. Kiss me please…” Paglalambing niya.Napakurap kurap si Dr. Smith. “Pitiful my ass. Hindi ba ginawa mo ‘kong steam meat ngayon lang? Sinong mas kawawa sa atin dito?”Itinaas lang ni Max ang kaniyang middle finger at humaIik sa pisngi ni Khe. “Don’t listen to him, wife. Let’s go.” Ang sabi pa ni Max.Napahagikgik nalang si Khelowna sa tabi. “Dr. Smith, maligo ka na dahil kakain na. At ikaw Max, maghugas ka muna ng kamay para makakain tayo.”Ngumisi si Dr. Smith kay Max na siya namang ba
“Papa, come on!” Sabi ni Sydney habang hila hila ang kamay ni Max papasok sa bahay ni Dr. Smith.Ang triplets naman ay nakasunod sa dalawa habang nakatingin sa mga cellphone nila. Kapwa ito mga busy at walang pakialam sa nangyayari sa paligid, basta nakasunod lang sila kay Sydney at sa papa nila.“Baka madapa kayo!” Ang sabi ni Khelowna na nasa pinakalikuran at sinasabihan ang mga bodyguards na dahan-dahan lang sa pagdala ng mga pagkain na dinala nila ni Max.Napailing si Khe at mahinang natawa sa mga anak niya. 'How come hindi sila nadadapa kahit hindi sila nakatingin sa nilalakaran nila?' she wondered. Pagkapasok nila sa loob, nakita nila si Mina at Dr. Smith na nakatayo sa sala. Dala ni Dr. Smith si baby Melon.“Tito, can I take a look?” sabi ni Sydney na halos magningning ang mata nang makita si baby Melon na dala-dala ng kaniyang daddy.Kanina pa siya excited. “Sure baby,” tuwang tuwa na sabi ni Dr. Smith. Umupo siya sa sofa at agad na ibinaba si baby Melon para makita ni Sydney
Pagkalabas ni Max mula ng elevator, agad niyang nakita si Dr. Smith na pinagkakaguluhan ng mga doctor.Agad niya itong pinuntahan. Nang makalapit siya, narinig niyang pinapayuhan siya ng mga kapwa niya doctor na siya ay isang magiting na doctor at hindi siya kinakabahan.“Tama. Haha… Hindi dapat tayo kakabahan pagka’t nakasalalay sa atin ang buhay ng pasyente.”‘Hindi pa ba siya tapos diyan?’ tanong ni Max sa sarili niya.Natawa naman ang ibang nurses at lihim nilang kinukunan ng litrato si Dr. Smith pagka’t suntok sa buwan nilang masaksihan ang ganitong eksena.“Dr. Smith, ayos lang kayo?” tanong ng isang doctor pagkaraan ng ilang minuto.“Ako? Haha. Ayos lang ako. I am perfectly fine.” Sabi niya.“Pero namumutla ka po.”Mahinang natawa si Max. Kinuha niya ang kamay ni Dr. Smith at nilagay sa balikat niya para kaniyang maalalayan lalo’t pansin niyang medyo gumegeywang ito.“Matulog ka muna matayog at magiting na doctor.” Bulong ni Max at agad na binatukan si Dr. Smith kaya ito’y nakat
-Few months later-Nakatingin si Max kay Dr. Smith na nasa labas ng delivery room. Kasalukuyan siyang ngumunguya ng dried mango at nakaupo habang hinihintay ang balitan tungkol kay Mina.“Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka pumasok?” aniya. Kanina pa kasi niya ito napapansin na balisa kahit na ayaw nitong sabihin.“Ayaw ni Mina.” Sabi ni Dr. Smith na mukhang kalmado kahit na nanginginig ang kamay. Kita rin ni Max ang ilang butil ng pawis na dumaosdos mula sa noo nito.“Bakit ayaw niya? You’re her fiancé at isa pa, doctor ka kaya allowed kang pumasok sa loob.”“Nahihiya siya.”Mahinang natawa si Max.“Magaling naman na OB ang inassign mo di ba?”“Yeah.”“Baka kaya nahihiya si Mina kasi alam niyang mahihimatay ka lang doon sa loob.”Sinamaan ng tingin ni Dr. Smith si Max na ngayon ay natatawa lang.Inubos ni Max ang dried mango at tumayo saka tumabi kay Dr. Smith. Huminga siya ng malalim at inakbayan ito. “No’ng ako kay Khe, nong pinapanganak niya si Sydney, nahimatay rin ako kaya naiinti
Pagdating nila ng bahay, naroon na si Max at Khelowna naghihintay. Kasama rin nila si Sydney na agad na tumakbo palapit sa mga kapatid.“Ate, mama cooked our favorite food!” Tuwang tuwa na sabi ni Sydney kay Paris.“Really? Ate is excited then." Sabi ni Paris sabay haIik sa pisngi ni Sydney. “Yes ate!!” Tumingin siya sa dalawang kuya niya. “How about you kuya Chichi and kuya Rome? Are you two excited?”Kinuha ni Chicago si Sydney at binuhat. “Yeah. We’re excited too.”Pumalakpak si Sydney. She cannot wait to dive in the table.Tumikhim naman si Max. Kaya si Rome at Chicago ay agad na dinala si Sydney sa loob ng bahay, iniwan ang mga magulang nila kasama ni Paris sa labas.Alam nilang may sasabihin ang papa nila kay Shon. Nang sila nalang ang nasa labas, agad tumingin si Paris kay Shon at tumabi siya dito.“Ma, Pa, kaibigan ko po. Si Shon.”Ngumiti si Khe, pero si Max ay nakasimangot. Kinabahan naman si Shon pero pinilit niya ang sarili niya na harapin ang dalawa.“M-Magandang araw po
ISANG KATOK ang pumukaw sa attention ni Paris. Nakadapa siya sa kama, nagbabasa ng libro at nang marinig na may tao sa labas ng kwarto niya, agad siyang tumayo at nagpunta doon.Nang buksan niya ang pinto, ang mama niya ang nakita niya.“Pwede bang pumasok?” nakangiting tanong ni Khe.Tumango siya at hinayaan si Khe na makapasok. “Anong nangyari? Bakit parang nagbibingihan kayo ng mga kapatid mo?”Nakagat ni Paris ang labi niya, iniisip kung sasabihin ba niya sa mama niya ang lahat. Nagdadalawang isip siya at baka ay iba ang isipin ng mama niya tungkol kay Shon.“Paris, anak, pwede mong sabihin kay mama ang lahat. I am your mother kaya iintindihin kita at uunawain ang anumang sasabihin mo.” Ani ni Khe nang makita na nagdadalawang isip si Paris.Napabuntong hininga si Paris at tumango.Umupo sila ng kama at agad na sinimulan ni Paris ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ng mga kapatid niya.“Shon is a good guy mama. He’s lonely but he’s really a good guy. Hindi siya nagsisimula ng away
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabila