Anong magandang karma ang dapat maranasan ni Max guys?
Matapos maligo ni Khelowna, pinuntahan niya ang mga anak niya sa master's bedroom. Doon ulit matutulog ang tatlo katabi ni Max.Ayos lang naman sa kaniya, as long as makita niya ang mga bata."Matutulog na kayo?""Yes po mama!" Sagot ni Rome at tumayo para humaIik sa pisngi niya.Sumunod si Paris at Chicago. "Your mamita is here. Wanna see her?"Nanlaki ang mata ni Paris at Rome. "She's here mama? I wanna see her mama. I miss her so bad!" ParisNgumiti si Khelown at tumango."Isasama po ba natin si papa, mama?" tanong ni Rome. Lately, naaawa siya sa papa niya dahil palagi niyang nakikita si Max na malungkot."No. Tayo lang apat ang aalis.""Hindi na po ba tayo uuwi dito mama?" nag-alalang tanong ni Paris."Uuwi pa rin tayo dito anak. Mama is still looking for a house na malapit lang sa hospital kung saan ako nag wo-work.""So aalis pa rin tayo dito mama?"Hindi maka-oo si Khelowna dahil ngayon pa lang, kita na niya ang lungkot sa mata no'ng tatlo."Saka na natin ito pag-usapan. Sige n
Bandang alas singko ng hapon, nagluto si Max ng dinner. Gusto niyang surpresahin si Khelowna at mga anak niya.Iyon ang nabasa niya sa internet, be romantic at nabasa pa niyang matutuwa raw ang pares nila kapag nagluto ang asawa ng simple dinner para sa kanila. Kaya kahit na hindi siya marunong magluto, nagprepare pa rin siya ng dinner. Nasugat sugatan pa siya sa mga mantika na tumatalsik sa kaniya. Nakahanda na ang pagkain, ngunit wala pang Khelowna at mga bata ang dumating. Tinawagan niya si Johanson kung nasaan na sila."Sir, mamaya pa po ata uuwi sila ma'am. Nagdi-dinner pa po sila ngayon." Nadismaya si Max lalo't akala niya ay sila ang sabay na magdi-dinner ngayon. "Ganoon ba? It's alright. Are they safe?" "Yes po sir." Nang mamatay ang tawag, agad na sinabi ni Max sa mga katulong na lagyan ng takip ang mga pagkain dahil susunduin na muna niya ang pamilya niya. Nasa labas na si Max ng bahay ni Austin at hinihintay si Khelowna at mga anak niya. Matiyaga siyang naghihintay s
Nagising si Khelowna alas dos ng umaga dahil sa tawag ni Dra. Santos."Opo doc. Umuwi po agad si Austin." Sabi niya. Tinatanong kasi nito kung umuwi ba agad si Austin pagkahatid sa kaniya. "Pero kasi hija, wala pa siya sa bahay. Nag-aalala na ako lalo't hindi naman yun nagsisinungaling. Sabi niya kanina uuwi siya ng maaga."Lumabas si Khelowna sa kwarto niya habang katawagan pa rin si Dra. Santos."Po? Tinawagan niyo po ba?""Oo pero hindi ko siya macontact."Nagtataka si Khelowna kung bakit. Alam niyang hindi namamatayan ng phone si Austin. "Huwag po kayong mag-alala tita. Aalis po ako, susundan ko po siya. Pupuntahan ko ang mga posibleng pinuntahan niya.""Salamat Khe. Marami talagang salamat."Nagmamadaling pumasok si Khelowna sa kwarto niya para magbihis ng damit. Paglabas niya, naabutan niya si Max na kakalabas lang ng master's bedroom.."Saan ka pupunta?" mahinahong tanong nito."Pupuntahan ko si Austin. Tumawag ang mama niya na hindi pa siya umuuwi pagkahatid niya sa akin."Ma
LABIS ANG GULAT ni Max nang malaman niya na pumayag si Khelowna na maging isa sa doctor ni Mavi. Agad niyang pinuntahan si Johanson para itanong bakit tinawagan siya ng hospital director na gusto maging parte ni Khelowna sa grupo na gagamot kay Mavi.“What’s this?” kunot noong tanong niya kay Johanson. “Hindi ba ang sabi ko e pull out na siya?”Nagulat rin si Johanson sa nalaman niya. Bigla nalang kasi bumulaga ang balita na gusto magiging orthopedist ni Mavi si Khelowna.“I did sir at hindi ko alam bakit nakasama si Ms. Khe ngayon. I was told na inimbitahan nga nila si Ms. Khe na maging orthopedist ni Ms. Mavi, pero bago ko sabihing e pull out siya, sinabi na ni Ms. Khe sa kanila na hindi niya tatanggapin ang offer. She turned them down first.”Nanlaki ang mata ni Max. “So she knew?”“Yes sir.. I think alam niya na naghahanap kayo ng mga magagaling na doctor para kay Ms. Mavi.”“Shit! Bakit hindi mo pinaalam sa akin ito?”“I’m sorry sir. Kakatanggap ko lang rin kasi ng balita.”Biglan
Napatitig si Max sa mga anak niya na nasa harapan. Pagkatapos niyang yakapin si Khelowna kanina, agad itong umalis. Hindi na niya hinabol dahil inisip niya na baka kailangan ni Khe ng oras para makapagisip-isip.“You okay papa?” tanong ni Paris nang mapansin si Max na tulalang nakatingin sa kanila.Max smiled. “I’m okay.”“Nag-away po ba kayo ni mama?” si Rome naman ang nagtanong.“No. Hindi kami nag-away ng mama mo.”“Then why are you sad?” Chicago“May iniisip lang naman si papa.”“Or maybe you’re sad because mama said lilipat na kami ng house. Sad ka ba doon papa?”Hindi na nagulat si Max sa narinig mula sa anak dahil expected na niyang aalis talaga si Khe matapos nang nangyari sa kanila.Umiling si Max at ngumiti. “Wherever you go, sasama naman si papa.” Sabi niya.Ngumiti si Paris at tumingin sa mga kuya niya. “That’s great papa. Ayoko rin na hindi ka kasama.. Kahit sa maliit na house tayo magstay, sama ka papa ah?”Pinahiran ni Max ang baba ni Paris nang makita ang chocolate na d
Sabado, habang kumakain silang lahat ng breakfast, biglang napatayo si Khelowna nang mabasa ang text ng house and lot owner sa kaniya na may bumili na ng property nito.“What?” nabulalas niya sa harapan ng mga anak at ni Max. Si Max ay nagkukunwaring sa plato lang ang tingin at kumakain, habang kunwari nakikinig sa kwento ng mga anak niya.Tinawagan ni Khe si Mr. Cruz.“Mr. Cruz, what was that?” naririnig siya ni Max kahit lumayo siya ng konti.“I’m sorry doc. But may interesado kasing bumili ng lupa at bahay sa presyong doble na inoffer ko sayo. Sino ba naman ako para tumanggi doon?”“Pero ako po ang nauna,”“Oo nga pero hindi ka pa naman nakabayad at wala pa tayong kontratang pinirmahan.”Napasuklay si Khe sa buhok niya.“Sino bang buyer na bumili? Baka pwede pa pakiusapan.”“Si Ap O. Calypse. At nabayaran na po niya agad.”Kumunot ang noo ni Khe. “Sino? Si Ap? Sino siya?”“Pasensya na.. hindi ko maaaring sabihin sayo ang ibang detalye tungkol sa kaniya.”Pinatay na ni Mr. Cruz ang t
Nasa ibabaw ng operating room sina Khelowna kasama ng ibang doctors at nakatingin kay Mavi. Pinapanood nila ang doctor at ibang nurses na nag o-opera kay Mavi ngayon.Nag-uusap ang ibang mga kasamahan niyang mga doctor habang on going ang operation. If Mavi will wake up, maniniwala na talaga siya na matagal mamatay ang masamang damo.Alam niyang risky ang gagawin nilang operation ngayon. Pero kung pababayaan naman nila ang napansin nila sa katawan ng pasyente, baka e napaaga pa ang kamatayan nito.Pinag-aralan na nila ang gagawin lalo’t isang comatose patient ang o-operahan nila. Sinusugal nila ang buhay ng pasyente, alang sa utos ni Max.“This is an experiment. Hindi tayo sigurado kung magiging successful ito.” Mahinang sabi ng ibang nakikinuod sa operation.“Mabuhay o mamatay, wala namang problema ayon kay Mr. Linae,” ang sabi naman ng assistant ng hospital director.Hindi nagsalita si Khe. Pinanood lang niya ang operation. ‘Hindi nga nagkamali si Max sa pagkuha ng best doctor. He’s
“Khe, why did you do that?” tanong ni Thompson matapos malaman ang ginawa ng kapatid niya kay Max.“What? Bakit ka nagagalit kuya?”“Because I don’t understand why you did that. Hindi mo ba alam na may tama ng baril yung tao?”Kumunot ang noo ni Khe. “Huh?”“May tama siya ng baril Khe dahil niligtas niya si Austin.”“Anong sinasabi mong niligtas niya si Austin? Siya hindi ba ang isa sa mastermind dito? Gusto niyang operahan ko si Maveliene. Kaya gumawa sila ng plano ni Alora.”Kumunot ang noo ni Thompson. “Saan mo ba napulot ang ideya na pinagkakaisahan ka nila?”Tumalikod si Khe. Napahawak siya sa bewang niya, nagtataka bakit ganito ang reaction ng kapatid niya. “Sinabi ni Alora sa akin na magkasabwat sila ni Max dito para lokohin ako. Why are you defending him?”“Then niloloko ka lang ni Alora. Hindi ka niloloko ni Max. He helped you to rescue Austin dahil ayaw niyang makita kang umiiyak. I was there the whole time habang hinahanap nila si Austin. Kaya nga hindi ka na niya tinanong d
“Paris, ano bang gusto ng kuya Chicago mo?”“Si Rome? Anong mga hilig niya?”“Pwede ko ba mahingi number nila?“Paris, may girlfriend ba mga kuya mo?”Kanina pa naririnig yan ni Paris mula school hanggang sa makarating sila sa isang sitio na malapit lang sa skwelahan niya. Tutulong sila ng mga kaklase nila sa kanilang mga seniors sa pagbibigay assistance sa home for the aged.Active si Paris sa mga school organization kaya kung saan pwede siyang sumali, ay sumasali siya.Si Rome naman ay more into sports. Kaya popular si Rome sa skwelahan nila dahil maliban sa honor student, isa ring star player ng basketball team. Idagdag pa na gwapo ito.Si Chicago naman ay tahimik but into archery and more in board games. Ang mga kuya niya ay achievers and so is she.Kilala sila sa school nila bilang talented triplet.“Uy Paris, bakit hindi ka sumasagot?” tanong na naman ng mga kaklase niya sa kaniya.“It’s because hindi naman gwapo mga kuya ko para pagkakaabalahan niyo.”That’s a lie, Paris is so
-6 years after-“Kuya!! Hindi ako makakasabay sa pag-uwi sa inyo ngayon.” Ang sabi ni Paris kay Chicago na hinihintay siya sa labas ng room niya.“Why?” “Dahil may outreach program kami mamaya.”“Mama didn’t know about this. You didn’t tell her.” Kunot noong sabi ni Chicago.“I forgot to tell her. Can you tell her instead?”Tumingin si Paris sa loob ng room niya at yung mga girls ay nakatingin kay Chicago habang ang mga mata ay nagpupuso na.Alam niyang sikat ang mga kuya niya sa school nila pero minsan, sumasakit ang ulo niya at siya ang ginugulo ng mga kaklase niya.“Let’s go!” Napatalon naman si Paris sa gulat sa biglang pagsulpot ni Rome sa likuran niya.“KUYA!” Sigaw niya.“What?”“Tinakot mo ‘ko.”Natigilan si Rome at narealize ang ginawa niya.“Oh… I’m sorry. Pero ano pang ginagawa mo dito? Uuwi na tayo.”“Hindi ako uuwi kuya. May outreach pa kami. Mauna na kayo ni kuya Chicago.”Kumunot ang noo ni Rome at tumingin kay Chicago. “Hindi siya nagpaalam kay mama at papa, kuya.” Su
“Napaka old-fashion ni Dr. Smith.” Komento ni Maxine nang makita ang letter na pinadala ni Mina.Natawa si Khelowna. “Ngayon ko lang din natanto.”“Wala bang cellphone sa bahay niya? Pwede naman niyang e email.”“Huwag mo na yang problemahin ate. Pati ba naman yan iintindihin mo?” tanong ni Max habang karga pa rin si Sydney.“No but kahit sino mapapataas kilay sa letter na ito.”Napipilitang ngumiti si Khelowna. “At least alam natin na willing siya makipag-cooperate. We owe him this dahil kung tutuusin, kahit anong gawin ng kapatid niya, wala na dapat siya doon. Pero heto at inaassure niya tayo na hindi tayo dapat mabahala.”Natahimik si Maxine at naupo sa sofa nang marinig ang tungkol kay Mavi. “I still can’t believe she’s alive.” Sabi ni Maxine. “Mabuti na lang at nawala ang ala-ala niya. I want her to have her own life. Sana maging tulay ito para sa panibagong buhay niya.”“Antok ka na?” tanong ni Max kay Khelowna.Kahit na tapos na ang lahat, ayaw na niyang marinig si Mavi.Gabi na
-MAX AND KHELOWNA-Lilipat na sina Max at Khelowna ng bahay. Si Max ang may hawak kay Sydney habang si Khe ay kausap si Austin at Dra. Santos.Matapos ang ilang buwan na nakikitira sila kina Austin, ngayon na ang alis niya.Napag-alaman niya na ang bahay na inaayos pala ng kuya at ate Maxine niya ay bagong bahay pala na lilipatan nila ni Max.Excited siyang umalis, siguro kasi yung pangarap niya noon ay matutupad na ngayon.Yung magkasama sila ni Max sa iisang bahay kasama ng mga anak nila.“Doc, Austin, salamat talaga sa ginawa niyo sa akin. Tatanawin ko ng malaking utang na loob ang kabutihang ginawa niya sa akin pati sa mga anak ko.”Lumapit si Dra. Santos sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.“Heto ka na naman Khe. Wala nga sa amin yun ni Austin. Kapamilya ka na namin pati ng mga bata kaya wala kang utang na loob na babayaran.” Sabi ni Dra. Santos.“Ay hindi ma, papabayad ako.” Pagbibiro ni Austin sa tabi. “Tutal sabi niya may utang siya, papabayad ako.”“Name it at ilalagay ko ag
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviNagkalabuan na sila ni Max. Mula ng ikasal si Max kay Khelowna, palaging si Khelowna na ang inuuna ni Max.At naiinis siya. Naiinis siya na laging nasisingit si Khelowna sa simpleng usapan nila.Palaging ginigiit ni Max na galit siya kay Khelowna, na wala siyang pakialam dito, pero iba ang pinapakita niya sa kilos niya.At iyon ang hindi nagustuhan ni Mavi.One day, pumunta siya ng bahay ni Max dahil gusto niya itong surpresahin. Pero imbes na matuwa si Max, pinagalitan pa siya nito.“Bakit ka pa pumunta dito?” tanong ni Max sa kaniya sa mahinahon na boses.Hindi niya mabatid kung galit ba ito o hindi.“At bakit? Bawal? Lagi ko naman itong ginagawa noon ah?”“Oo pero iba na ngayon Mav. It’s not appropriate na gawin mo pa yan. Khelowna is living here. She’s my wife. At nakiusap na ako sayo, refrain yourself to come here.”Kumunot ang noo niya, tila hindi nagustuhan ang narinig. “Ilang ulit ko ng narinig mula sayo ang pangalan niya. Nagsasawa na ako
Maveliene POV-Bago macomatose si MaviMaganda, matalino at mabait. Iyon ang mailalarawan kay Maveliene. Mahal siya ng lahat, dahil sa katangian niya.Ngunit kahit nasa kaniya na ang lahat, mahina ang puso niya, sakitin pa siya. Masiyadong maraming problema ang katawan niya.Mabuti na lang, may Max siyang laging nandiyan para sa kaniya.“Mavi, tara na sa bahay. Nandoon ang kapatid ko.” Sabi ni Maxine na alam na may gusto si Mavi kay Max.“Sige..”Sweet girl, ika nga ng lahat. Kamahal mahal nga naman siya ng karamihan.At pakiramdam ni Mavi e siya ang gusto ng lahat.Lalo na’t napasakanya ang isang Max.They were childhood sweethearts. Halos hindi sila mapaghiwalay dalawa ni Max. Ganoon nila kagusto ang isa’t-isa.At suportado pa sila ng best friend niyang si Maxine.Not until may dinalang isang dalaga ang mama ni Max.Nakangiti si Mavi habang nakatingin kay Khelowna na malapit sa ina ni Max.Nagulat siya na magaan ang loob ng ina ni Max kay Khelowna pero sa kaniya ay hindi.Dahil kung
Hawak ni Maxine ang kamay ni Thompson habang naghihintay sila sa labas ng delivery room. Pareho silang kinakabahan at hinihintay ang balita.Matapos ang ilang minuto, lumabas si Max ngunit nakaalalay sa kaniya si Dra. Santos.“Max, kamusta?” tanong ni Maxine. “Ayos lang ba sila? May problema ba?” sunod sunod na tanong niya.Pero si Max, bigla nalang nagpasandal sa pader kaya nagmamadali si Thompson na saluhin siya.“Doc, anong nangyari?” tanong ni Maxine kay Dra. Santos dahil sa reaction ni Max. Tumawa si Dra. Santos. “Pagpahingahin niyo na lang muna si Max. Mukhang nabigla yata siya nang makita niya ang anak niya.”Tumingin si Maxine sa kapatid niya ulit at saka niya napansin na namumutla na pala ito.“Successful ang delivery. Healthy si baby at mommy.” Masayang sabi ni Dra. Santos.“Haaaay salamat!” Saad ni Maxine.Si Thompson naman ay niyakap na si Max lalo’t nawalan na ito ng malay bigla.“Pwede po ba naming makita ang baby doc?”“Mamaya hija.. Makikita niyo na mamaya ang baby. N
“Hi sa napakagandang mommy,” napatingin si Khelowna sa tumawag sa kaniya at nakita niya si Dra. Santos na siyang umaalalay sa kaniya ngayon.“Doc… sakit na.” Reklamo niya.Natawa si Dr. Santos habang may dalang pagkain ni Khe. “Nak, hindi pa siya lalabas. Kaya tiis tiis muna.” Nalukot ang mukha ni Khe dahil ramdam na niya talaga ang pananakit ng tiyan niya pero sabi nga ng doctor niya, malayo pa ang baby.Baka mamaya pang gabi or bukas pa siya manganganak.Lakad lakad lang muna siya kahit na hindi na niya masiyadong naihahakbang ang mga paa niya.“Doc, nasaan po si Austin?”“Hindi ko muna pinaduty at walang magbabantay sa mga anak mo. Nagleave muna siya.”Napangiwi si Khe. Para talagang si Austin ang asawa niya. Ngunit hindi naman siya nagri-reklamo. In fact, she’s happy and grateful.“By the way, pupunta dito si Thompson.” Sabi ni Dra. Santos at tinulungang makakain si Khelowna ng maayos.“Si kuya? Kasama ba niya si ate Maxine?”“Alam mo ng uuwi siya?”Tumango si Khe. “Nadulas si kuy
“Handa na ang tix mo.” Saad ni Maxine na ngayon ay nakatitig sa kapatid niya.“Thanks,” saad ni Max at busy sa pagliligpit ng chocolates at mga laruan sa bagahe.Kumunot ang noo ni Maxine. “What’s that?” tanong niya sa kapatid niya. “Para kang OFW ah, may balikbayan sa kapamilya.”“Ano naman ngayon? I’m an OFW dahil nasa LA ako.” Saad ni Max at inirapan pa ang kapatid.“Hah! Wala kang ginawa dito kun’di tumambay. Hindi ka naman nagta-trabaho.”“Can you just get out and stop disturbing me?”Iniripan ni Max ang kapatid at pinabayaan ito. But she’s happy na maayos na ang kalagayan ni Max. Hindi na ito gaya no’ng una na balisa.He’s fine now.Balita niya ay sumasakit na ang tiyan ni Khe kaya kailangan nilang umuwi ni Max ngayong araw. Ayaw ng kapatid niya na manganak ito na wala siya.Ang hinihintay lang talaga nila ay si Crane.Mabuti at dala na ni Crane ang balita na inaasam nila.Sadyang mabilis ang oras. Dahil matapos nilang magligpit ng bagahe nila, umalis na sila agad at bumalik ng P