Sinong nakakilala kay apocalypse I mean Ap O. Calypse dito?
Nasa ibabaw ng operating room sina Khelowna kasama ng ibang doctors at nakatingin kay Mavi. Pinapanood nila ang doctor at ibang nurses na nag o-opera kay Mavi ngayon.Nag-uusap ang ibang mga kasamahan niyang mga doctor habang on going ang operation. If Mavi will wake up, maniniwala na talaga siya na matagal mamatay ang masamang damo.Alam niyang risky ang gagawin nilang operation ngayon. Pero kung pababayaan naman nila ang napansin nila sa katawan ng pasyente, baka e napaaga pa ang kamatayan nito.Pinag-aralan na nila ang gagawin lalo’t isang comatose patient ang o-operahan nila. Sinusugal nila ang buhay ng pasyente, alang sa utos ni Max.“This is an experiment. Hindi tayo sigurado kung magiging successful ito.” Mahinang sabi ng ibang nakikinuod sa operation.“Mabuhay o mamatay, wala namang problema ayon kay Mr. Linae,” ang sabi naman ng assistant ng hospital director.Hindi nagsalita si Khe. Pinanood lang niya ang operation. ‘Hindi nga nagkamali si Max sa pagkuha ng best doctor. He’s
“Khe, why did you do that?” tanong ni Thompson matapos malaman ang ginawa ng kapatid niya kay Max.“What? Bakit ka nagagalit kuya?”“Because I don’t understand why you did that. Hindi mo ba alam na may tama ng baril yung tao?”Kumunot ang noo ni Khe. “Huh?”“May tama siya ng baril Khe dahil niligtas niya si Austin.”“Anong sinasabi mong niligtas niya si Austin? Siya hindi ba ang isa sa mastermind dito? Gusto niyang operahan ko si Maveliene. Kaya gumawa sila ng plano ni Alora.”Kumunot ang noo ni Thompson. “Saan mo ba napulot ang ideya na pinagkakaisahan ka nila?”Tumalikod si Khe. Napahawak siya sa bewang niya, nagtataka bakit ganito ang reaction ng kapatid niya. “Sinabi ni Alora sa akin na magkasabwat sila ni Max dito para lokohin ako. Why are you defending him?”“Then niloloko ka lang ni Alora. Hindi ka niloloko ni Max. He helped you to rescue Austin dahil ayaw niyang makita kang umiiyak. I was there the whole time habang hinahanap nila si Austin. Kaya nga hindi ka na niya tinanong d
“Sorry,” sabi ni Max.“Bakit ka nagso-sorry?”“You’re crying”“Yeah but hindi mo naman kasalanan. In fact ako ang may ginawang mali sayo. T-Thank you for saving Austin.”“Hindi mo na dapat pinagpasalamat pa yun. I don’t want to see you cry. I did that for myself too.”Napatigil si Khelowna sa ginagawa niya nang marinig niya yun galing kay Max. Nang mag-angat siya dito ng tingin, naabutan niya ito na nakatingin sa gilid nila.Pinagpatuloy nalang niya ang ginagawa nila at nang matapos ay saka siya tumayo. “It’s done. Matutulog na ako.”“G-Goodnight, Khe.”Napatigil muli si Khelowna at tumango. “Sige.. Goodnight,” pagkasabi niya non, nagmamadali siyang umakyat sa kwarto.Si Max naman ay napangiti kahit na naroon pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Napahawak siya sa may sugat niya. “Hindi na rin pala masama na sinalo ko ang bala na para sana sa lalaking yun. At least she treated me.”Sa simpleng bagay na yun, halos nagbunyi na ang kalooban niya.“Sir,” nagpakita si Johanson. “Nakahanda na
Pag-uwi ni Max sa bahay nila, hindi siya agad nagpunta ng guest room. Doon siya pumunta sa couch at humilata siya doon.Ang iniisip niya ay kung paano niya maprotektahan ang pamilya niya mula ngayon. “Sir, may kailangan pa po kayo?”“Wala na. Sige na, magpahinga ka na.” Ang sabi niya kay Johanson. Magalang na tumango si Johanson sa kaniya at umalis.Pagkawala ng assistant niya, saka pa tumayo si Max para kumuha ng beer sa fridge. Napatingin siya sa orasan at nakita niyang mag-uumaga na.Inubos lang niya ang beer at balak na sana niyang matulog nang lumabas si Alexa mula sa quarters room. Nagulat si Alexa nang makita niya si Max sa couch.“M-Magandang umaga po sir,” ang sabi niya at bahagya pang nag-bow dito.Tumango si Max. Wala siyang sinabi nong una.“Ano po—sa kusina lang po ako,” kabadong sabi ni Alexa at tumalikod para sana umalis nang nagsalita si Max.“Ilang taon ka ng naninilbihan dito?”“M-Matagal na po. M-Mahigit walong taon na rin po.”Tumango si Max. “Kung ganoon, nandito k
Inis na itinapon ni Alora ang huling luxury bag na hawak niya. Lahat ng meron siya, kahit gamit ni Katherine e ibinenta niya para may pangbayad pa siya sa hospital bills ni Maveliene.Lahat ng mga nalamas nila noon kay Max ay ngayon, binenta na niya para sa anak niya. Kahit iyong mga nabili niyang lupa ay wala na. Ubos na ubos na talaga siya.“Magbabayad silang lahat sa ginawa nila sa amin ng mga anak ko!” Galit na sabi niya.Nang maibenta niya lahat ng natitirang meron sila, 3.1M lang ang nakuha niya lahat. Kukulangin pa yun para sa isang buwan na pananatili ni Mavi sa hospital.Hindi niya pwedeng sukuan ang anak niya dahil ito ang magbabalik yaman sa kaniya kay Max. Si Mavi ang huling baraha niya para maging kapamilya si Max Linae.Napatingin siya sa bahay niya at naisip niyang ibenta rin yun pero paano siya ngayon uuwi? Wala na silang matutulugan kung ultimo bahay ay mawala na.“Kukulangin pa rin itong perang nakuha ko.” Uminom siya ng alak at itinapon ang baso sa sahig. Wala na rin
“Bakit ba ang sungit mo?” tanong ni Thompson sa kapatid niya. Kanina pa si Khelowna sa bahay niya at kanina pa ito nagsusungit.“Sino ba namang hindi magsusungit kuya kung halos lahat ng bahay na bibilhin ko ay binili ni Mr. Calypse. Sino ba kasi yang tao na yan at hindi nauubusan ng pera?” sabi ni Khe at kanina pa nagscroll sa internet kakahanap kung sino si Ap O. Calypse.Umalis siya para maghanap ng bahay at gaya no’ng una, binibili ni Ap O. Calypse ang mga bahay na natitipuhan niya.Tumingin naman sa gilid si Thompson. Guilty siya lalo’t kilala niya si Calypse.“Bakit ba kasi gusto mo ng umalis sa bahay ni Max?”“Bakit kuya? Ayaw mo na ba akong umalis doon?” pinagkunutan niya ng noo ang kapatid.“Wala naman akong sinasabi.”Ibinaba ni Khe ang phone niya at tumingin sa bahay nila ni Thompson. “Balik nalang kaya kami dito kuya. Ipa renovate ko nalang kaya ito?”Nanlaki ang mata ni Thompson. Alangan naman na hihindi siya e bahay rin ni Khelowna ang bahay niya. Pero paano niya sasabihi
Pagkaalis ni Khelowna sa bahay ng kuya niya, nagpunta siya sa hospital para bisitahin si Thompson. Nakita niya si Dra. Santos na inalalayan si Austin sa pagkain.“Good morning,” pagbati niya.Napatigil si Austin at napatingin sa kaniya. “Hey…”Lumapit siya sa dalawa at humaIik una sa pisngi ni Dra. Santos. “Hi po tita…” Saka siya humaIik sa pisngi ni Austin. “Kamusta na ang kalagayan mo?”“Magaling na ang sugat ko,” sabi ni Austin sa kaniya.“Pagalitan mo nga itong si Austin hija.. Tinatanong ko siya kung may kaaway ba siya para malaman namin agad ang puno’t dulo bakit siya nakidnap. Pero ayaw niya magsalita.”Nagkatinginan si Austin at Khelowna sa isa’t-isa.“Ma, wala nga yun.. Di ba sabi for ransom lang?”“Kung ransom pala edi sana no’ng unang araw nakidnap ka, tinawagan na nila ako para humingi ng pera.”“Ma, I’m really fine.. Huwag ka ng mag-alala. Huwag mo ng isipin pa ang mga bagay na yun.”“Hindi mo naman pwedeng ialis sa akin ito anak dahil mama mo ako. Kaya natural lang na ma
ISANG NAKAKAGIMBAL na balita para sa kanila ang nangyari kay Mavi. Lahat ay nagulat kahit na sina Khelowna lalo’t akala nila ay successful ang operation.Nasa bahay siya ngayon, kasama ang mga anak niya. Hindi siya makaalis dahil sa pagkamatay ni Mavi ay gumawa ng scandal si Alora.“Namatay ang anak ko dahil sa kapabayaan ng asawa niyang si Maximillian Linae! Namatay siyang niloloko ni Max sa dati nitong asawa niya na si Khelowna Goles!” Nagtatangis na sabi ni Alora sa media. Live siya ngayon at pinapanood ng maraming tao.“Hindi ba matagal ng namatay ang asawa niya?” ang tanong ng reporter.“Pineke niya ang kamatayan niya. Nagbalik siya ngayon, bilang si Khelowna Abe-Abe, isang doctor sa CL Hospital para paghigantihan ang anak ko! Nawalan ng asawa ang anak ko dahil sa kaniya. Ngayon, pati buhay ng anak ko ay wala na.”“Ayon sa nakalap naming balita, isa siya sa doctor ng anak mo. Sa tingin mo ba may ginawang anumalya si Ms. Khelowna sa anak mo bilang paghihiganti niya?”Tumingin si Al
Pagdating nila ng bahay, naroon na si Max at Khelowna naghihintay. Kasama rin nila si Sydney na agad na tumakbo palapit sa mga kapatid.“Ate, mama cooked our favorite food!” Tuwang tuwa na sabi ni Sydney kay Paris.“Really? Ate is excited then." Sabi ni Paris sabay haIik sa pisngi ni Sydney. “Yes ate!!” Tumingin siya sa dalawang kuya niya. “How about you kuya Chichi and kuya Rome? Are you two excited?”Kinuha ni Chicago si Sydney at binuhat. “Yeah. We’re excited too.”Pumalakpak si Sydney. She cannot wait to dive in the table.Tumikhim naman si Max. Kaya si Rome at Chicago ay agad na dinala si Sydney sa loob ng bahay, iniwan ang mga magulang nila kasama ni Paris sa labas.Alam nilang may sasabihin ang papa nila kay Shon. Nang sila nalang ang nasa labas, agad tumingin si Paris kay Shon at tumabi siya dito.“Ma, Pa, kaibigan ko po. Si Shon.”Ngumiti si Khe, pero si Max ay nakasimangot. Kinabahan naman si Shon pero pinilit niya ang sarili niya na harapin ang dalawa.“M-Magandang araw p
ISANG KATOK ang pumukaw sa attention ni Paris. Nakadapa siya sa kama, nagbabasa ng libro at nang marinig na may tao sa labas ng kwarto niya, agad siyang tumayo at nagpunta doon.Nang buksan niya ang pinto, ang mama niya ang nakita niya.“Pwede bang pumasok?” nakangiting tanong ni Khe.Tumango siya at hinayaan si Khe na makapasok. “Anong nangyari? Bakit parang nagbibingihan kayo ng mga kapatid mo?”Nakagat ni Paris ang labi niya, iniisip kung sasabihin ba niya sa mama niya ang lahat. Nagdadalawang isip siya at baka ay iba ang isipin ng mama niya tungkol kay Shon.“Paris, anak, pwede mong sabihin kay mama ang lahat. I am your mother kaya iintindihin kita at uunawain ang anumang sasabihin mo.” Ani ni Khe nang makita na nagdadalawang isip si Paris.Napabuntong hininga si Paris at tumango.Umupo sila ng kama at agad na sinimulan ni Paris ang dahilan kung bakit sila nag-aaway ng mga kapatid niya.“Shon is a good guy mama. He’s lonely but he’s really a good guy. Hindi siya nagsisimula ng awa
Nakapameywang si Rome habang nasa harapan ni Paris. "Ikaw lang yung nakita kong nagkasakit na nga pero masaya pa rin." Sabi niya habang nakakunot ang noo."Ayos lang kuya. Masaya na ako kasi okay na kami ni papa." Sabi ni Paris na nahawaan ni Max."If papa knew this, alam kong uuwi yun dito.""Kaya nga huwag niyo na sabihin kay mama at papa." Sabi niya at pumikit.First time niyang magkasakit na masaya siya. Hindi talaga siya lumayo sa papa niya kahit pa ilang ulit nitong ipaalala sa kaniya na baka mahawa siya.Hindi siya nagsabi na may lagnat siya dahil ayaw niya mag-alala ang mama at papa niya kaya heto at mga kapatid niya ang nag-aalaga sa kaniya. Naging mabuti naman ang kalagayan ni Paris bago naglunes kaya nakapasok pa rin siya sa school. Pagdating ni Paris sa skwelahan, nakita niya si Shon. Nakasuot ito ng uniform ngayon at maayos ang itsura, malayo sa pormahan nitong mukhang hindi skwelahan ang pupuntahan.Kagabi, hindi naman siya sasama dito kung hindi niya narinig ang kabila
"Maligo ka na ng sa ganoon ay makapagpalit ka ng damit." Sabi ni Khelowna kay Max at hinawakan ang kamay nito.Bumaling siya kay Paris. "Pumasok ka sa kwarto mo at magpalit ng damit ng sa ganoon ay makakain ka.""Mama sorry," umiiyak na sabi nito.Hindi nagpakita ng kahit anong emotion si Khelowna. Alam niyang nasa edad na ang mga anak niya para suwayin sila ni Max at kailangan niyang disiplinahin si Paris ng tama.Kaya hindi niya muna ito pinatawad. Umalis siya kasama ni Max at naiwan si Paris na umiiyak habang nakatingin ang mga kuya niya sa kaniya."Don't do this again Paris." Sabi ni Rome. "Kaya kita binabantayan dahil ayoko sa lalaking yun. I saw him smoking. He even bully the other kids that's why I am doing this to you even if you find me annoying."Hindi na binuka ni Paris ang bibig niya. Umiiyak lang siya habang sinasabi yun ni Rome. She knew too well kung anong klase ng tao ang manliligaw niya. "You made papa like that. I want you to feel the burden of what you did. Dahil sa
Matapos ang birthday party ni Max, balik na ulit sa dati ang buhay nilang lahat. Naging kaibigan na rin ni Khe ang mga asawa ng mga kaibigan ni Max.Habang busy siya sa office ni Dr. Smith, dumating naman ang sister in law niya na si Maxine kasama ng kuya niya."Kamusta Doc?" natatawang tanong ni Maxine sa kaniya lalo na nang makita ang dalawang baso ng kape sa harapan."Pagod na pagod na ako ate. Gusto ko ng umuwi."Lumapit ang kuya niya sa kaniya at hinaIikan ang ulo niya. "Hindi ka na sana pumasok pa dahil kakatapos lang party ni Max saka maraming bisita ang inasikaso mo kaya tiyak na pagod na pagod ka pa." "Kaya nga." Sang-ayon ni Maxine."Hindi pwede kasi hindi pa nakakabalik si Dr. Smith sa trabaho niya kaya kailangan ako dito.""Mas pagod ka yata dito sa office kesa direktang humarap sa mga pasyente mo.""Kaya nga e. Teka, napadalaw kayo? Montly check up niyo ba ngayon?""Oo kaya naisipan namin ni Thompson na dalawin ka muna sandali dito sa office mo. Kumain ka na muna nitong p
-Max's birthday party-Maraming tao sa bahay ni Max, kaya marami ring mga guards. Maraming tao dahil malaki ang number of friends na meron si Max. Invited rin ang ibang mga kaibigan ni Khe gaya ni Mina at Dr. Smith maliban kay Austin na nasa California ngayon kasama ng mama niya."Maraming bata," natutuwang sabi ni Mina habang nakatingin sa mga anak ng kaibigan ni Max.May kaedaran ng triplets, may mga maliliit pa, may matanda ng konti, at may mga babies rin."Marami pa lang kaibigan si Max?" nagtatakang tanong ni Mina kay Dr. Smith."Yes. And I know that all of his friends are rich. May mga may-ari ng real estate, malls, hotels, restaurants and other businesses ang mga kaibigan niya.""Have you meet them all?" tanong ni Mina."Yung iba lang sa kanila.""Kung ganoon, kaya pala maraming securities sa labas ng bahay ni Max dahil hindi pala basta-basta ang mga guests niya." Bulong ni Mina. "Let's greet that guy." Bulong ni Dr. Smith kay Mina. "Sino?" "That guy." Turo nito sa isang lal
"Kamusta ang mga bata?" tanong ni Max. Magkatawagan sila ngayon ni Khelowna dahil nasa galaan pa siya."They are fine. Natutulog na sa room nila ang triplets at katabi ko naman ngayon si Sydney."Ngumiti si Max, ang mga mata ay mapupungay tanda na lasing ito. "Marami ba ang ininom mo?" tanong ni Khelowna sa kaniya. Nag-alala siya lalo't wala siya sa tabi nito para alagaan ito kung sakali mang lasing na ito. "Hindi. Konti lang." Sabi ni Max kahit ang totoo e lasing na siya. Kanina pa kasi siya pinapasahan ni Fero ng beer. Tapos siya naman itong tanggap lang nang tanggap. Fero is one of his friends. Malaki silang grupo ng magkakaibigan kaya kapag nagtitipon silang lahat, sobrang ingay nila. Nakita ni Khelowna na may tumabi kay Max sa lounge na inuupuan nito."Hello Mrs. Linae. Do you still remember me?"Ngumiti si Khelowna at tumango. "Yeah. Ikaw si Cly, hindi ba?" tanda pa niya si Cly at Jed, ito lang kasi yung mga kaibigan na hinarap ni Max sa kaniya no'ng kasal nila.Mahinang nataw
"Bakit si Mavi lang ang hinahanap mo at hindi si Katherine? She's your daughter too. Patay na si Mavi kaya kahit anong hanap mo sa kaniya, hindi mo na siya makikita." Sabi ni Khelowna na hindi kumakurap. "Paano siya magiging patay?" tanong ni Alora. "Hindi ko nakita ang katawan niya. Itinago siya sa akin si Dr. Smith. I'm sure of it.""Kung buhay pa siya, sana pinuntahan ka na niya. Sana hinanap ka na niya. Pero hindi di ba? Kasi patay na siya." / 'Pinatay na namin siya.' Khelowna said back in her mind. Tumulo ang luha sa mata ni Alora. She refused to accept na patay na si Mavi. Pero natamaan siya sa sinabi ni Khe. Na kung buhay pa ito, sana ay hinanap man lang siya nito. "I'm just here to say that to you. Patay na si Mavi pero si Katherine ay buhay pa. So stop looking for Maveliene, and start attending your other daughter. Katherine needs you too." "Why are you certain na patay na si Mavi? Nakita ba ng dalawang mata mo ang bangkay niya?" "Yes." Walang kurap na sagot ni Khe. Napa
Nakangiti si Khelowna habang binabasa niya ang mensahe galing kay Mina.From Mina: Doc, plano ko sanang paabutin siya ng isang buwan pero pagbigay pa lang niya ng flowers, sabi ko sinasagot ko na siya. Engaged na po kami dahil nagpropose na rin siya agad. Humalakhak si Khelowna. "Ang bilis!" Natatawang sabi niya. “Why are you smiling?” tanong ni Max na nakahiga na ngayon sa kama at nakatingin kay Khe.“Natatawa lang ako kay Mina at Dr. Smith. Para silang teenager dalawa. Tapos sabi ni Mina, engaged na daw sila”“Really? Ang bilis." Sabi ni Max. "By the way, he called me earlier, nagpapatulong kung paano daw manligaw. Akala ko e manliligaw lang, magpo-propose na pala." “Tinulungan mo ba siya?”“Tinawanan ko muna bago ko binigyan ng advice.”Humalakhak si Khe at itinapon niya agad ang sarili niya sa kama. “Bakit mo naman tinatawanan?” natatawang tanong niya.“Wala lang.” Ibinuka ni Max ang kamay niya at agad na humiga si Khe sa braso niya.“Papaalam sana ako. Payag ka ba if I spend my