“Gusto mo ba akong samahang maghapunan?” Tinanong siya ni Jessica. Gusto niyang tanggihan ang alok dahil buong buhay niya ay kumakain lang siya ng mga pagkaing inihanda ng seven-star hotel chefs pero nakikita niya sa mukha niya na kapag kinain niya ang hapunang ito, dito matutukoy kung talagang napatawad na siya. Higit pa roon, isa rin siyang chef. Kahit na assistant chef lang siya, magaling pa rin siya. “Sige,” sagot niya. “Magaling,” sabi ni Jessica nang pumalakpak. “Itatabi ko lang to at magsisimula na tayong maghapunan,” tinuro niya ang mga bag sa lapag. “At saka pwede mo bang ipasa ang account number mo para mabayaran ko ang utang ko? Alam ko binigay mo ang card para sa mga kailangan sa bahay. Kinulang lang ako sa pera ngayon kaya ipapadala ko to sa'yo pagbalik ko sa trabaho,” tuloy-tuloy niyang sabi. “Tungkol sa trabaho mo, sa tingin ko dapat pa rin natin tong pag-usapan,” sabi ni Xavier at huminto sa pagsasalita. Kailangan pa ng impormasyon ni Jessica, pero inisi
Hindi gaanong marami ang hapunan nila ngunit nakakabusog ito, at ayaw man aminin ni Xavier gamit ng sarili niyang bibig, si Jessica ay isa palang napakahusay na cook.Bumabagay ang bawat putahe sa isa’t isa at sa sobrang sarap ng lasa ng mga ito ay muntik na niya siyang purihin ngunit hindi niya ito ugali.Nakakabingi ang katahimikan sa mesa. Dalawang beses sinubukan ni Jessica na makipag-usap kay Xavier ngunit pinatay niya ito gamit ng mga sagot niya kaya walang nagawa si Jessica kundi sumuko.“Salamat sa pagkain,” sabi ni Jessica habang pinupunasan ng napkin ang kanyang bibig.Hindi siya malakas kumain ngunit kumakain siya ng marami kung kailangan. Ang unang beses na kumain sila ng ganito ay habangbuhay na mananatili sa kanyang mga alaala dahil isa siyang sentimental na tao.“Salamat din,” sabi ni Xavier.Pinasalamatan siya ni Jessica hindi dahil sa siya ang responsable sa paghahanda ng pagkain kundi dahil sa pinaghirapan ni Xavier ang kinakain nila at kailangan niya siyang pas
Napangiti si Burke sa kanyang laptop na nasa mesa. Halos hatinggabi na pero maliwanag pa rin ang kanyang mga mata na parang tanghali pa lang. Ipinagmamalaki niya ang kanyang nagawa.Paano nagawang isipin ni Jessica na pwede niya siyang iwan at magpakasal sa iba? At nagpakasal pa talaga siya sa isang mayaman.Hindi rin mayaman si Burke ngunit mayroon siyang mga koneksyon mula sa kolehiyo sa mga taong mayroong marangyang buhay ngayon. Buti na lang para sa kanya, marami siyang kilalang mga reporter at manunulat ng blog na naghahanap ng magandang headline para sa kanilang page.Ang pagsusulat tungkol sa Delgado family ay magpaparami ng traffic sa kanilang page at magbibigay sa kanya ng exposure. Hindi niya kailangang gumawa ng masyadong maraming tawag bago kumalat ang headline na ang apo ni Delgado ay nagpakasal sa isang gold digger.Tuwang-tuwa si Burke sa kanyang sarili at nagmamalaki na para bang isang pabor sa para sa buong bayan ang ginawa niyang pagbubunyag sa kung sino ang asawa
Lumipat si Xavier sa may kwarto at nakita niya si Jessica na natutulog ng mahimbing. Kung alam lang niya kung ano ang sinasabi ng buong siyudad tungkol sa kanya ngayon.Gumulong siya sa higaan at kinuskos niya ang kanyang mga mata habang bumubulong.Naglinis ng kanyang sarili si Xavier at pagkatapos ay nagharang siya ng mga unan sa pagitan nila bago siya humiga sa kama. Nagpapaulit-ulit sa isipan niya ang mga headline at komento na nabasa niya.Ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang kanyang pamilya sa entertainment news. Hindi niya inasahan na ang kasal na kinaaayawan niya ang maglalagay sa pamilya niya sa spotlight sa maling paraan?Ang Delgado family ay mga business tycoon at ang paglitaw sa mga business news ay hindi malaking bagay. Specialty niya iyon. Namuhay siya ng tahimik at iyon ang naging dahilan upang iwasan siya ng mga blog at tabloid dahil nakakabagot siya kahit na mayaman at gwapo siya.Sapat na ang kagwapuhan niya ngunit nakakagabagot ang kwento ng kanyang buhay
Habang abala si Jessica na isipin ang tungkol sa katotohanan na masyadong kalmado si Xavier para sa isang tao na pinahahalagahan ang kanyang reputasyon, abala si Brian sa paghahanap sa mga blogger at mga tabloid writer.Siguradong maghaharap sila sa korte o magmumulta sila para sa paninirang ginawa nila. Malabong palampasin ng Delgado family ang ginawa nila.Dahil hindi gumagawa ng gulo si Xavier, walang may ideya kung ano ang gagawin ng pamilya niya. Ang mga blog na naglabas ng kwento ay mga maliliit na blog lamang na gustong madagdagan ang traffic sa kanilang page.“Anong ibig mong sabihin na magmumulta ako?” Sumigaw si Burke sa kanyang phone.Nakatanggap si Burke ng mga pagbabanta buong umaga. Siya ang nagpadala ng post kaya gusto nilang lahat na makabawi sa kanya.“Sasabihin ko sa mga pulis na ikaw ang nagpadala sa’kin ng blog post. May ebidensya ako.” Kalmadong sinabi ni Max.Magkasama silang pumapasok ni Burke sa paaralan noon at nag-aalinlangan siyang ilabas ang balita ngu
Bumuntong hininga si Brian sa inis. Buong umaga siyang nasa phone kausap ang mga abogado. Pagkatapos siyang tawagan ni Xavier sa hindi magandang oras na kinagalit ng inaantok niyang asawa, kailangan pa rin niyang umalis ng maaga upang masiguro na mabubura niya ang masamang balita tungkol sa boss niya at sa asawa nito sa internet.“Anong ang unang traceable source ng impormasyon na ‘to?" Sabi ni Brian, ibinato niya ang tanong sa grupo ng mga abogado at mga advertising agent.Binuo ang grupo para sa damage control ngunit dahil si Xavier ay isang dream entrepreneur at hindi gumagawa ng anumang drama, masasabing walang silbi ang grupo. Bahala na ang misteryosong asawa ni Xavier na gamitin ang grupo para sa kung ano ba talaga ang trabaho nila."Na-trace ito pabalik sa may-ari ng isang maliit na blog na nagngangalang Max,” sabi ng isa sa mga advertiser."Anong pwede nating gawin sa mga taong nagpakalat ng balita ng hindi inaalam ang katotohanan?” Tanong ni Brian.Malapit nang dumating a
Sa wakas ay tumayo na si Xavier mula sa kama noong pasado alas dose na ng tanghali. Magaan at mas maganda ang pakiramdam niya. Kung sabagay, gabing-gabi na noong nakatulog siya. Naglinis siya ng kanyang sarili at naghanda para sa trabaho.Bumaba siya ng hagdan at may narinig siyang ingay. Parang may kumakalampag sa mga kaldero sa kusina. Sumilip siya sa may pintuan ng kusina at nakita niya si Jessica na nagpapaikot-ikot sa kusina."Anong nangyayari dito?" Tanong ni Xavier nang makapasok siya sa kusina."Young master," ang mga kasambahay na nalilito sa bawat kilos ni Jessica ay yumuko upang batiin siya nang makita nila siya.Nakatuon ang atensyon ni Jessica sa kanyang ginagawa. Abala siya sa paghahagis at pagpihit ng kung ano sa kaldero sa gas cooker."Anong nangyayari?" tanong ulit ni Xavier. Sa pagkakataong ito ay mas malakas ang boses niya at ngayon ay nasa kusina na siya."Nagluluto ang young lady," sabi ng isa sa mga kasambahay."Bakit?" tanong ni Xavier.Isa ba itong sitwa
Hindi maintindihan ni Jessica kung bakit gustong lumabas ni Xavier sa ganitong sitwasyon. Ang tanging lohikal na bagay na gagawin niya ay ang magtago mula sa mga balita at press hanggang sa maging maayos ang lahat at ibang bagay na ang pinag-uusapan ng mga tao."Magbihis ka ng maganda," muling sabi ni Xavier."Hindi ko gustong pumunta kahit saan," sabi ni Jessica habang nakakrus ang kanyang mga braso."Hindi pwede. Tatayo ka ngayon at magsusuot ng magandang damit na kaiinggitan ng bawat babae sa lungsod at makikipagkita ka sa’kin dito at sabay tayong lalabas," sabi ni Xavier.Napakadominante ng boses niya. Nakatitig si Xavier sa kanya na binabalaan siya na hamunin siya at huwag sumunod sa kanya."Hindi ko gagawin ‘yan," sabi ni Jessica na tumayo at ibinaba ang kanyang paa.Sino siya sa akala niya? Sino siya sa tingin niya para utusan siya ng ganun? Akala ba niya susuko na lang siya at susunod sa kanya? Nababaliw na siguro siya."Oo, gagawin mo ‘yun," sabi ni Xavier na hinila ang