After Ma'am Navi shared her words to me, I suddenly feel unfair to my own mother. I heavily breathed as the sudden guilt attacked me. Naroon siya sa probinsiya, tumutulong kina Tiya Marga sa paghahanda ng lilipatan namin samantalang ako, heto at si Russel ang pinoproblema. I feel so bad that thinking I'm betraying her by not telling my problems makes me cry even harder. Biglang nanabik ako sa magiging opinyon at payo niya, iniisip kung pareho ang sasabihin nila ni Ma'am Navi. And speaking of Ma'am Navi, I'm hurt and motivated at the same time. Sa lahat ng taong kakausap sa akin nang ganoon, siya pa talaga. It's a relief that she understands me and even advises me to fix myself for her son, too, but the idea of leaving Russel instantly wrecks my heart.
After all those moments we have shared, I don't think I can afford to lose him now. Lalo pa ngayon na mas iniipit na siya ng Lolo niya magmula nang malaman ang ugnayan namin.
Hindi ko alam kung nabalitaan ba ni Russel ang
It's exhausting to the point that I wasn't able to change my clothes. Humiga lang ako sa kama at tumunganga sa cellphone. I was positive to finally read his replies but I only hoped for nothing. Wala na nga rito si Nanay, wala pa si Russel. Ang masaklap pa, wala na akong trabaho. Ang gusto ko lang naman sana, makaipon ng pera subalit sama ng loob ang naipon ko. Ridiculous.Kaysa magmukmok, inilaan ko ang buong araw sa pagguhit. Daimler and Madeley will be the lasts. I will serve this as remembrance for them. Bago man lang ako umalis, may maiwan ako sa kanila. Natapos ko iyon nang ilang araw.“Wow! I love it!” Madeley exclaimed.Kasalukuyan siyang inaayusan ng dalawang makeup artist. Ayon sa narinig ko, may photo shoot siya ngayon para sa mini gowns sa malapit na venue.“Yaya mo?” tanong ng hairstylist. Ako ang tinutukoy.I awkwardly smiled and focused on Madeley's comments about the portrait. Heto na naman tayo.Kita
“She will get furious.”Halos laruin ko na lang ang pagkain sa plato ko. Lumilipad ang isip ko sa ginawa ni Russel. Kinabukasan din, agad nakarating kay Daimler ang nangyari dahil pati siya ay hindi tinantanan ng Lolo nila. Ito namang si Russel, parang walang balak bumalik doon. Recalling what Ma'am Navi said, ano ngayon ang pinagkaiba ng anak niya sa asawa niya? Pareho lang may ipinaglalaban. I can't imagine her disappointed at me. Kinausap niya ako para payuhan pero sa nangyayari ngayon, nagiging pasaway ang anak niya dahil sa akin. Hell, I don't really want to create war between Russel and Senior Clausen. Oo, mahal ko siya pero hindi ako ganoon ka-inconsiderate.“I know,” Russel trailed off.I'm currently having my breakfast here when they joined me. Mas nauna akong gumising kay Russel dahil plano kong maglinis ng bahay ngayong araw. Binilang ko ang tinagal ng pagtunganga ko rito at napagtantong nakakahiya iyon. Hindi ako bisita!
Russel politely shook his head. Saglit pang nagpumilit si Nanay pero sa huli, nahimasmasan na rin at nauna nang pumasok sa bahay. I'm still standing beside him. Nagpapanic ang kalooban ko sa kung anong dapat sabihin. “Alis na ako,” basag niya sa katahimikan. My chest ached. I suddenly want to go back. Dala ng emosyon, napahawak ako sa braso niya. Aalis na siya. I hate hearing it from him. Bigla kong napagtanto na mapapalayo na ako sa kaniya at hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita. For a moment, I feel like a child in the verge of crying. He looked at me with assurance but with warning, too. “Don't... cry. Baka paunlakan ko ang imbitasyon ng Nanay mo at dito na ako magpalipas ng gabi.” Sana nga ganoon na lang. But then, mas lalo akong mahihirapang magpaalam sa kaniya kung makakasama ko pa siya nang isang gabi. Nangilid pa rin ang luha ko. He immediately pulled me for a hug. “You're such a cry baby.” He chuckle
“At anong ginagawa mo rito?” may bahid ng pagtataka at pang-iintrigang tanong ko. Nagmadali na rin akong makapasok at baka may makakita pa sa akin na kakilala ni Nanay. Kaya nga lang, mukhang huli na dahil paglingon ko sa entrance, nakatingin sa gawi namin sina Hans at Precy! Tumabi sa akin si Russel. Mabuti na lang at vintage ang sasakyan niya. “You looks scared.” Russel is now watching me. Naroon pa rin ang dalawa at sa hitsura nila, parang pilit nilang inaaninag ang loob nitong sasakyan. “Alis na tayo dali!” With furrowed brows, Russel manoeuvred his car. “So bakit ka nga nandito?” usisa ko kay Russel nang makabalik na ako sa wisyo. “Pinuntahan kita sa inyo at ang Nanay mo ang nagsabi sa akin kung nasaan ka.” “What!” Marahas niya akong nilingon sa paraang hindi na natutuwa. “You're overreacting. Ayaw mo ba akong makita? You shouldn't have said you're gonna miss me if you actually won't.”
“Why not? He's complimenting me, at least, and I appreciate that. Or are you saying that I'm not pretty? Probably not your type?” I grinned. “Kasi ang type mo, iyong mga kauri mo? Like Denise? Alodia?”“He's always like that. Complimenting girls is natural for him. That's his nature.”“And I'm happy I'm on his list!” I clapped, grinning.“And I said I don't like Denise and Alodia.”“And I'm not pretty? Buti pa si Ruan, nagagandahan sa akin.”“Ikaw lang nag-iisip niyan,” walang ganang sabi niya pero halatang yamot na.“Really? I'm not convinced,” I said, mocking his line.He sighed. He seemed troubled by my rants at halata ngang hindi na natutuwa. Ha! Ano ka ngayon, Clausen?Tinotoo nga niyang pupunta kami sa condo niya. Pinagtinginan pa kami sa lobby. The way they greet him made me realize that he's well-known here. Bagama't mabilis
Naging normal naman ang buhay ko sa ilalim ng scholarship program. Nga lang, nang magtagal, humigpit na ang schedule ko. May mga araw na hindi kaagad ako nakakauwi dahil may kailangan pa akong gawin sa library. May mga araw ding maaga ang dismissal pero may group project naman. Gaya ngayon, nagkumpulan kami sa field. Nalilibang ako sa ganda ng lugar. It's an open place kung saan malayang naglalayag ang sariwang hangin. Dito raw ginaganap ang outdoor activities gaya ng volleyball. Naatasan kaming gumawa ng video presentation sa tamang pagkuha ng larawan. Dahil malapit ang puso ko sa Sining at Literatura, nag-enjoy din ako sa subjects namin, lalo na rito sa photography. I didn't have enough time to meet and greet with my classmates. Kung sino ang makausap, iyon lang. Karamihan pa sa mga kaklase ko ay geeks at introverts, gaya ng tipikal na artist. Mag-isa lang din akong kumakain tuwing lunch o gumagawa ng assignment sa library. Walang kaso sa akin kung may kaibigan ako o
I woke up earlier than usual para makapagpaalam kay Nanay tungkol sa pupuntahan namin ni Russel para sa project ko. Time consuming din kasi ang pagdayo sa farm kaya't mas maiging maabutan ko siya rito.“Ang aga mo, ah?” pansin niya.“Excuse po ako ngayon. May project kasi akong gagawin, 'nay. Live painting kaya isang araw ang ibinigay.”“Naku, saan ba iyon? Kung malayo, baka magkulang ang pamasahe mo.”Huminga ako nang malalim. “Kasama ko po si Russel. Siya lang kasi yung mahihiraman ko ng camera.”I'm a bit nervous. Sa halos araw-araw na makita niyang ihatid ako ni Russel pauwi, imposibleng wala pa siyang napapansin.“Close na close na rin kayo ni Russel, ano? Naalala ko tuloy si Ruan. Kumusta na kaya ang batang iyon,” madamdaming sambit ni Nanay.Napakamot ako at nag-isip ng sa
I'm nervous the whole time of presentation. Sa harap ng klase, ipinakita ko sa kanila ang painting ko habang nagpe-play ang time-lapse video sa monitor. Isa-isa kong ipinaliwanag kung paano ako nagpinta: mula sa simula hanggang sa matapos. My classmates are cheering on me. Ang pinakamahalaga sa lahat, ang mismong guro namin sa painting ang siyang mas maraming puri sa akin. “Ang galing mo, Alliyah! Since one day, alam ko nang ikaw ang pinakamagaling dito!” malaki ang ngiti sa akin ng seat mate ko. “Salamat. Lahat naman tayo magagaling! May kaniya-kaniya lang tayong style!” balik puri ko sa kaniya. “Pero iba ka pa rin! Pustahan, ikaw yung mamamayagpag in the near futurel! 'Di ba, guys?” tawag niya sa mga kaklase naming nakapalibot sa painting ko. They all agreed and cheered for me again. Hindi na mapawi-pawi ang ngiti ko dahil sa galak. On the spot din napili ang top 3 at kasali ako roon. Napuno ng palakpakan ang silid matapos ianunsiyo ang resu
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
“Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan
Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin
I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the
“Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami
“Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my
“Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad
“Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik