Pag-ahon namin ay saka pa lang nagkaroon ng signal. Nang ilabas ko ang cellphone ko ay bumaha agad ng sunod-sunod na mensahe at pawang ang lahat ng iyon ay mula kay Russel. My heart raced instantly. We had so much fun that we didn't notice the time. Sa nakikita ko'y hapon na't malapit nang lumubog ang araw.
Habang naglalakad kami ay nakatutok ako sa aking cellphone. Russel has been looking for me. Hindi ko alam kung gaano ba sya kaabala roon pero pansin kong marami siyang oras kontakin ako. Hindi yata naglalakas-loob si Alodia na kulitin siya? Hmm.Nagtutunugan ang mga tuyong dahong naaapakan namin. Saglit akong napalingon sa barn house at mabilis na nanumbalik sa isip ko ang mga alaala ko roon. Nagyaya pa si Venus na pumasok pero 'di ako pumayag. Kaya naman hindi niya ako nilubayan sa katutukso.“If I know, d'yan naganap ang first sex niyo! Ikaw, ha!”“Damn it, Venusia!” hindi makapaniwalang bulalas ko. “How can you say that word as simple as that?” <Humigpit ang pagkakahawak ko sa manibela at halos mapasubsob ako rito sa bigla kong pagpreno. Para akong tinakasan ng lakas habang napapasinghap. Taranta akong bumaba mula sa aking sasakyan upang tingnan kung may nabangga ba ako. Abot-abot ang pagtahip ng dibdib ko at ang mga tuhod ko'y bahagyang nanginginig.Damn, I wasn't sure if I hit someone or something. I was busy looking at a certain man. Masyadong pamilyar sa akin ang mukhang iyon at upang mamukhaan ay hindi ko namalayang napatitig na ako sa kaniya. I didn't notice what's happening in my front. Ang alam ko lang, parang may biglang sumulpot sa harap dahilan para mapatigil ako.I gasped when I saw a girl lying on the pavement. Mabilis ko siyang dinaluhan.“Oh my God, I'm so sorry!” nahihintakutang bulalas ko. “Did I hit you? Let me bring you to the hospital!” Dahan-dahan siyang gumalaw mula sa pagkakasalampak sa semento. Inalalayan ko siyang tumayo. “Ayos lang po ako...” mahinang turan nito
“Why are you here?” untag ko kay Daimler.Saka ko lang napansin ang mga dala-dala nila nang magtungo ako sa kusina. Wala ni isang nagtanong sa akin kung gusto ko bang mag-celebrate. Sa nakikita kong dami ng mga nakapatong sa mahabang mesa'y parang malaking party ang mangyayari at wala na akong magagawa pa.But deep inside, I feel overwhelmed. Ni ang sarili kong kaarawan ay nakalimutan ko na. I wonder if who among them remembered it first. Malaki ang posibilidad na si Nanay ang nakaalala. And boom, kinuntyaba niya ang mga ito para isurpresa ako. Ngayon pa lang din ako makararanas ng ganito kalaking selebrasyon. Nararamdaman ko na ring mukhang marami na silang nasabihan tungkol dito. Ayos lang naman sa akin, walang problema.“Why not?” balik-tanong ni Daimler sa akin. He's cooly sitting on the couch while Alias is beside him. Nanonood sila ng cartoon movie sa laptop. Ang anak ko'y may kinakaing popcorn na nagmantsa na sa kaniyang puting damit.“Who
Nang gabi ring iyon kung kailan nagsidatingan sina Nanay ay nagkaroon pa ng paunang kasiyahan. Iyon ang unang beses na nakita kong uminom si Kleen. Kainuman niya si Daimler at ang amang si Tiyo Carlos.Kasalukuyan akong naghahalo ng sauce nang lumapit sa akin si Blythe, dala ang mangkok na kanina'y puno ng fruit cocktail at ngayon ay wala nang laman. Sa kabilang banda'y nag-iinuman din sina Nanay. At syempre, kainuman niya ang mag-inang Olive at Tiya Marga. Umiinom din si Venus pero halatang tipid tumagay. Nakatalikod sya sa gawi nina Daimler at wala siyang ibang ginawa kundi umiwas dito.“Kukuha raw po ulit ako, Ate,” magalang na paalam ni Blythe.“Sure. Kuha ka lang.” I smiled at her.Nang dumaan siya sa gilid ko'y nahuli ko ang pagsulyap ni Kleen sa gawing ito. Hindi sumakto kay Blythe ang tingin niya kaya't sigurado akong sinadya niya iyon. He's trying to steal some glance at her. Agad rin naman niyang ibinalik ang atensyon sa kainumang si Dai
Mas maaga akong gumising kinabukasan upang maghanda ng almusal. Si Alias naman ay gising na rin kaya't isasabay ko na ang pagpapakain sa kaniya.Tahimik ang buong kabahayan sa paglabas namin ng kwarto, hindi gaya kagabi na umaalingawngaw ang ingay nina Olive at Venus. Inasahan ko nang malalasing si Olive samantalang si Venus ay kaunti lang ang ininom. Pinanindigan talaga.Umuwi si Daimler kagabi at aniya'y kasama na niya si Madeley at ang parents niya pagbalik mamaya. Sina Nanay at Tiya Marga ay naglasing nang husto kaya naman mukhang tatanghaliin sila ng gising ngayon.“What do you wanna eat, son?”“I want bacon and hotdog!” magiliw na sagot niya.“Your Papa said that you should start eating vegetables, Usher.”“But Papa isn't here, Mama. He won't know,” he whispered on my ears. I just grinned that made him pout. “Are we going to make a secret from him?” Lumiko na ako sa kusina at pinaupo siya sa sink. Kapag
“Your girlfriend?” palihim na tanong kay Eiser. Nilapitan ko siya sa buffet table para lang itanong iyon.He quickly glanced at the girl I was talking about. “No. She's my friend.” Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagkuha ng pagkain. “Hmm. Bakit hindi mo isinama yung assistant mo? Hyacinth, right?”“She resigned.”“Why?” Upang 'di magmukhang ewan ay kumuha na rin ako ng plato at nilagyan iyon ng shanghai. Pangiti-ngiti sa akin ang mga katapat namin. The Clausens are here. I mean, the Clausen family I know: Sir Ridley, Ma'am Navillie, Madeley, and Daimler. May kasama silang ilang empleyado na ipinakilala rin sa akin. Si Russel lang yung wala rito, bagay na kanina ko pa ikinalulungkot. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kaniya. Hindi pa nasusundan ang pag-uusap namin kanina. I don't even know if he knows about my birthday. Nalulungkot ako pero ayaw ko namang banggitin sa kaniya. Ewan ko ba. May parte sa akin na
I can't really rely on my fantasies. May mga bagay na nananatili at mayroon ding araw-araw nagbabago. May mga planong magandang planuhin lang kaysa tuparin, depende sa tawag ng sitwasyon. May mga taong hindi mo inaasahang nariyan pala para sa 'yo sa kabila ng mga nangyari at mayroon ding tatalikuran ka kung kailan kailangang-kailangan mo sila.Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang nilalaro ang singsing sa aking daliri. Ang pagtangis kong bagama't tahimik ay mabigat... masakit... nakadudurog. Ni hindi ko alam kung paano haharap sa kanila. Nahihiya ako. Nagi-guilty ako kahit paulit-ulit na akong pinaalalahanan nina Nanay na wala akong kasalanan sa nangyari.It's been five days and I miss Usher so much. Sa bawat araw na lumipas, walang oras na hindi ko sinisi ang sarili ko. Nagulo ang selebrasyon ng kaarawan ko at ayos lang sa akin iyon. I didn't wish for a big party in the first place. Ang hindi lang ayos ay ang mabilis na pagkalat ng isyu. Sa dami ng mga bisit
Ilang araw nang pugto ang mga mata ko pero wala akong pakialam. I would cry my eyes out over and over again until I become sober. I glanced at the wall clock and it says it's 6am in the morning. From the large mirror I'm facing, I turned my back to the king size bed where I slept alone. Hindi umuwi si Russel at halos sa station na nina Arcel tumira sa sobrang tutok sa paghahanap sa aming anak. And now I'm here... helpless and weak. Wala akong maitulong. Wala akong ibang kayang gawin kundi umiyak.Nanakit ang mga mata ko nang muling mamasa ang mga ito. Masakit na hindi lang ang mga mata ko kundi pati na rin ang puso ko. Sobrang bigat.My knees trembled remembering my son's smile and laughter. Bawat minutong gising ako, naaalala ko ang lahat ng bagay tungkol sa kaniya. I miss his presence in each corner of this house. Nasanay akong gumising na katabi siya at ngayon ay wala... mag-isa ako.Napaluhod ako sa paanan ng kama at sumubsob doon. I cried so hard that
I am nervously tapping the wooden table while we're waiting for Theo to come. Beside me is Russel who's less worried than me. Iba na ang awra niya ngayon kaysa kahapon. The stress on his face is no longer evident as we had enough time to fix ourselves before facing this moment.And yes, we are waiting for Theo right now, the one who happened to get our son from the kidnapper. Ang mga detalye ay hindi ko pa alam. Hindi pa ako nagtatanong dahil ang gusto ko sa ngayon ay makita ang aking anak. Pinaghihirapan ko ang pagkokontrol ng emosyon sa bawat segundong dumaraan. Nadaragdagan ang inip sa bawat paglakad ng mga kamay ng orasan.I sighed as I rested my back against the swivel chair. Nilingon ako ni Russel na kanina pa ako pinakakalma. He can sense how nervous I am. Inabot niya ang kamay kong nasa mesa at inilapag iyon sa hita niya. He slightly caressed it, just like what he used to do whenever I'm obviously not fine.Sa biluhabang mesa'y kasama naming naghihintay