Share

Kabanata 125

Author: Inbluence
last update Last Updated: 2022-02-28 22:44:23

True enough, mabilis kaming nakauwi. Sinalubong kami ni Nanay sa terasa ng bahay. Humiwalay sa amin si Daimler nang dumaan kami sa highway. Aniya'y didiretso siya sa Lolo nila kung saan naroon si Madeley.

“Ayos lang ba kayo? Napanood namin sa tv ang nangyari kay Venus!”

“Naka-confine po siya ngayon. Nandoon na rin po si Tita Chime.”

Nagmano si Olive sa parents niya.

“Ikaw, Eulivine? Ayos ka lang?” usisa ni Tiya Marga sa kaniya.

“Ayos lang, 'ma. Walang nasaktan sa amin.”

Pumasok kami sa loob at naipon kami sa living room. Agad kong namataan si Kleen na buhat-buhat si Alias. Gising pa ang anak ko dahil hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi. At bago pa ako nakalapit sa kaniya ay naunahan na ako ni Russel.

“Papa!” he exclaimed.

Kinuha siya ni Russel mula kay Kleen. “How's our baby? We miss you.”

It was a tiring night. Napatambay ako sa living room dahil sa walang katapusang tanong nila. Ang mag-ama ko'y pinaakyat ko na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Beyond The Lines   Kabanata 126

    “Who is he, Russel?” ulit ko.Hindi siya sumagot bagkus ay tumayo mula sa kama. Kinuha niya sa akin ang cellphone. “Stay here. I'll talk to this bastard.”Kabado ko siyang sinundan ng tingin. Who the heck is that? Kung ganoon ay kilala siya ni Russel... Dapat ba akong mag-alala o hindi na? Sa tono ng pananalita niya'y mukha namang hindi siya takot sa lalaking iyon. Katunayan ay parang mas galit pa siya at kung pwede lamang niyang suntukin ngayon ay ginawa na niya. Nakatulog na lang ako sa paghihintay kay Russel. Sobrang tagal naman niyang kinausap iyon. Atat akong makibalita sa katauhan ng nabanggit niyang si Theo ngunit bigo ako. Kinabukasan ay naging maingay ulit sa bahay. Natigil nga lang ako sa pagbaba nang mamataan si Arcel sa living room. At hindi lang iyan, kasama niya si Ruan!Kaya naman pala hindi maipinta ang mukha ni Olive. Nahuli ko pa siyang tila patagong lumagpas sa living room. Arcel looked at me, sunod ay sa anak ko. Hindi

    Last Updated : 2022-02-28
  • Beyond The Lines   Kabanata 127

    Hindi rin nagtagal ay bumalik si Russel. Nauna nang magtanong si Nanay kung saan siya galing na siyang nakapagpatigil sa akin nang akmang ibubuka ko na ang bibig ko. “Sa bahay lang po.”“Kumusta pala ang parents mo, hijo? Baka dumalaw kami sa inyo kapag nagkaroon ng oras.” Bumaling si Nanay kay Tita Marga. “Hindi ba, Marga?” “Aba, oo naman. Bakit hindi? Gusto ko ring makilala nang personal ang pamilya nitong si Russel, lalo pa't magiging malapit na si Kleen kay Daimler Clausen. Nakakahiya naman kung hindi tayo magpapakita sa kanila,”ani Tiya Marga sabay hagikhik. Umangat ang sulok ng bibig ni Russel. He looked amused by the statement. “My mother will be glad if she'll about this.”I chuckled. “Siguradong magpapa-pool party na naman 'yon kapag bumisita kaming lahat.”Nagkatinginan kami ni Russel. I don't know why I suddenly recalled the last pool party that was held at their mansion. Hindi naman talaga siya nag-celebrate. Nakisama lang

    Last Updated : 2022-03-07
  • Beyond The Lines   Kabanata 128

    Bakas ang stress kay Nanay pag-uwi nila ni Tiya Marga. Galing na sila sa bahay bago nagtungo rito sa shop. Gusto ko sanang itanong kung anong kinahinatnan ng pagbisita nila kay Venus at kung nakausap ba nila si Tita Chime pero hindi ko iyon magagawa sa maraming tao. Abala kami ni Olive sa pag-aasikaso sa mga customer habang si Alias naman ay masayang kinakausap ng mga empleyado. Bawal ang bata rito lalo na't likas ang kalikutan ng anak ko pero dahil kay Ruan na nagpresintang magbantay sa kaniya, tiwala akong wala siyang naiistorbo rito.Oo, tama. Si Ruan ay himalang narito matapos idahilang kailangan ko ng magbabantay kay Alias. Umalis sina Russel at Arcel para sa patuloy na imbestigasyon.“Doon ka nga!” pang-ilang bulyaw na ito ni Olive sa kaniya. Itinataboy niya si Ruan sa tuwing napapalapit sa puwesto niya.“She's angry, Mama!” Alias showed his shocked face. Hindi naman mukhang takot kundi animo'y nagsusumbong na awatin ko si Olive.Ruan just s

    Last Updated : 2022-03-08
  • Beyond The Lines   Kabanata 129

    “Aalis ka ulit?” tanong ko kay Russel. Kababangon ko lang mula sa kama at naabutan ko siyang nagbibihis ng suit and tie. Napapasimangot akong yumakap mula sa kaniyang likuran. “I miss you. Hindi ka na nagtatagal dito sa bahay.”He stunned. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya na parang namomroblema. “I'm sorry. May meeting kami ni Lolo ngayon...”Marahan akong tumango. “I understand.” Nanatili akong nakayakap sa kaniya sa loob ng ilang minuto para damahin siya. These days ay talagang nagiging busy na siya. Maaga siyang umaalis at ginagabi rin ng uwi. Sa tuwing pinatutulog ko si Alias ay nadadamay ako kaya imbes na mahintay ko siya, nakakatulog ako nang maaga bago pa siya dumating. Sa umaga naman, halos hindi ko na rin siya naaabutan dahil matakaw akong matulog. Hindi rin naman niya ako ginigising dahil alam niyang naaalimpungatan ako sa madaling araw kapag nagliligalig ang anak namin. Ngayon ko lang siya naabutan at sa tingin ko'y may sapat pang

    Last Updated : 2022-03-09
  • Beyond The Lines   Kabanata 130

    Ilang minuto lamang matapos kong tawagan si Russel ay bumiyahe na kami papunta sa sinabing lugar ni Venus. Dahil hindi ako mapakali ay panay ang tanong ko sa kaniya kung ayos lang ba siya. Wala naman daw siyang sugat o ano, maliban sa sunog sa kaniyang pisngi na naging sanhi ng powder.“I'm sure some goons are looking for her at this moment,” si Russel na nagmamaneho. Naputol ang meeting nila ni Senior Clausen dahil sa biglang pagtawag ko. Agad naman siyang umuwi matapos kong ibalita sa kaniya ang nangyari kay Venus.I nodded. Sa tindi ng kaba ko'y tipid ako kung magsalita. “I... I don't think her mom can do that...” nag-aalangang sabi ko. Buhat nang tumawag si Venus ay hindi na ito nawala sa isip ko.I don't really think Tita Chime, her mother, can do that to her. Oo nga't strikta iyon pagdating sa kaniya at prangka palagi, hindi pa rin ako naniniwalang magagawa niyang saktan ang sariling anak. I have witnessed how she cared for Venus those times of her s

    Last Updated : 2022-03-10
  • Beyond The Lines   Kabanata 131

    Daimler is the most tensed among all of us. Hanggang sa makarating kami sa mansion ng Senior Clausen ay hindi siya natigil sa kakasalita. Venus is now unconscious.Naghihintay na pala sa loob ang private doctor ng Senior. Ngayon ay alam ko na kung bakit dito kami pinapunta ni Daimler.Dinala kaagad si Venus sa isang pribadong silid. Si Daimler lang ang pinasama sa loob ng medyo striktang doktora kaya naiwan kami sa malawak na bulwagan. Tinawagan ko si Nanay at nagpasya nang ipaalam sa kanila ang nangyari. Nireplyan ko na rin ang messages ni Olive. Inihabilin ko lang si Alias sa kanila dahil hindi ko alam kung anong oras kami makakauwi. I don't think I can leave Venus here. Bagama't may kutob akong walang kinalaman si Tita Chime dito ay nakiusap ako kay Daimler na 'wag muna siyang kokontakin. Malalim ang pinaghuhugutan ni Venus at ang pinanggagalingan niya. She won't act that scared if she didn't see her mother's face. Ang tanong, sigurado ba sya?Lumabas m

    Last Updated : 2022-03-11
  • Beyond The Lines   Kabanata 132

    “Hindi ko 'yan magagawa sa anak ko!” Malakas na lumapat ang mga palad ni Tita Chime sa mesa nang hampasin niya iyon. Ang mga kamay niya'y nanginginig dala ng galit at ang mga mata'y namumula dulot ng nagbabadyang luha.“This is why we're asking you, Madame,” mahinahong anas ni Arcel. Hawak niya ang puting papel kung saan niya isinusulat ang statements ni Tita Chime.Sa babasaging mesang nasa gitna ay doon naman nakapatong ang mga dokumentong dala nila, kasama ang mga larawang mula sa CCTV ng hospital, kuha mula sa iba't ibang parte. Kalmado siyang pumasok sa silid ni Venus at kalalabas lang ng nars sa mga sandaling iyon. Halos kalahating oras ang lumipas bago siya lumabas. Sa mga larawan ay kita ang pagtakbo niya na mukhang nagmamadaling umalis. “How dare you accuse me!” nanggagalaiting sigaw ni Tita Chime.Arcel frustratingly shut his eyes. He's been composing himself for hours now. Nasasayang ang oras dahil hindi nila makausap nang maayos ang i

    Last Updated : 2022-03-12
  • Beyond The Lines   Kabanata 133

    That night, someone emailed me. He wants to set a commission with me which I immediately replied to. Since any day will be fine with the client, ako na ang nag-ayos ng schedule. I'll be meeting him tomorrow in the morning before going back to Senior's house. And of course, kasama ko pa rin si Russel papunta roon. Heck, hindi ko yata kakayaning magtungo roon mag-isa sa sobrang sungit sa akin ng Senior. Baka nasa gate pa lang ako, bulyawan na ako no'n. “Who?” Russel asked after I told him about the email. Mula sa screen ng aking cellphone ay bumaling ako sa kanilang dalawa. Alias is sitting on his flat tummy while they're playing. Patawa-tawa ang anak ko sa mumunting galaw ng kaniyang ama. Russel would then act like he's trying to frighten Alias by playing dead. At ang aming anak, imbes na matakot ay natutuwa pa. Sapilitang bubuklatin ni Alias ang mga mata ni Russel sabay hahagalpak ng tawa. “A client,” I answered as I continued on my thing.Inilipat ko

    Last Updated : 2022-03-13

Latest chapter

  • Beyond The Lines   Wakas

    Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s

  • Beyond The Lines   Kabanata 270

    “Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng

  • Beyond The Lines   Kabanata 269

    “Puwede na raw akong umuwi.” Nakangisi sa akin si Venus at may pagmamalaking sinabi iyon. “I told you, I'm stronger than you thought. Masyado lang kayong nag-alala sa akin pero kaya ko naman. Kaya ko pang magsurvive ng isa pang linggo sa kamay ni Theo kung 'di niyo ako kinuha.”Awtomatiko akong napangiwi. “Sus! Hindi mo kasi nakita ang hitsura mo no'n! Mukha kang binugbog na puno ng saging!”“Really?”“Anong really? Alam kong alam mo 'yon! Hindi ka na nga halos makatayo tapos gusto mo pa ng extension!”“Kidding!” She exclaimed. “I'm just so happy that I'm all free now. Okay na ako, wala na akong nararamdamang kahit ano!” “Which is good, Venus. Ito yung pinakahihintay namin, yung gumaling ka.”I can see the changes in her. Hindi na gaanong halata ang mga pasa niya sa iba't ibang parte ng katawan, pagaling na ang mga ito. Naghilom na rin ang mga maliliit na hiwa, maging ang mga sugat sa mukha niya. She was kidnapped and battered. Wala siyang kalaban-laban. Ayokong ma-imagine kung paan

  • Beyond The Lines   Kabanata 268

    Ilang malalaking hakbang lang ay nahawakan ko na si Venus. She looked confused when in no time, I started untying her hands. Umamba pa syang magpupumiglas ngunit hindi siya makakilos. Kung nagkataong hindi siya nakatali, malamang ay nakatanggap na ako ng sipa. “What the fuck are you doing?” mariing tanong niya. “Get away from me! Don't touch me, you Theo's bitch!” Naiintindihan ko kung bakit ganito sya katalas manalita. Labis siyang nasaktan. She had enough pain.This is the end of her suffering and I'm willing to sacrifice my safety for her. In addition, ang alam niya'y ako si Hera. “H-huwag kang maingay. W-we don't have much time,” sa nanginginig na boses ay sinabi ko.Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako. “Alliyah?”I just nodded and signalled her to keep quiet. My tears started to fall because of too much happiness. Ngunit hindi lang kasiyahan ang nararamdaman ko. Ito ang kasiyahang may halong takot. Lumala ang panginginig ng mga kamay ko nang magsimula na akong kalasin

  • Beyond The Lines   Kabanata 267

    I fixed the black hat I'm wearing as we parked at the spacious parking lot in front of this grand hotel. Hindi mabilang ang mga sasakyang narito sa sobrang dami. Nagkatinginan kami ni Russel at ilang sandaling naghintay sa pagdating ng sasakyan ni Daimler hanggang sa ito'y pumarke sa tabi ng sasakyan ni Russel at sa kabila'y doon pumuwesto si Arcel.“Let me help you.” Russel insisted to remove my seat belt. Hindi kasi ako makagalaw nang maayos ngayon dahil sa mabigat na regalong nakapatong sa mga hita ko.After removing my seat belt, he cupped my chin and planted a short but deep kiss on my lips. Kita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata sa ilalim ng dim lights sa loob ng sasakyan nang siya'y kumalas. He then licked his lower lip that was slightly reddened because of my lipstick. May nagbabadyang ngiti sa kanyang labi. “I'm nervous.” As always. Mula nang umalis kami ng bahay ay hindi na ako mapalagay sa gagawin naming ito. I tried my best to calm myself while we're on our way to the

  • Beyond The Lines   Kabanata 266

    “Huwag kang malikot,” saway ko kay Russel. I'm cleaning his wounds. Hindi nakakatulong ang pagtingin niya kung saan-saan, nagugulo ang ginagawa ko. I'm not professional when it comes to this. Naipa-check up na nya ito sa hospital at kailangan ko nang palitan ngayon. It's 7 in the morning, katatapos lang naming mag-almusal. “Ang likot ni Usher. Baka may mga nagkalat pang bubog sa sahig,” aniya. I get it. We just finished cleaning the house. Tumambad sa amin ang mga basag na gamit kinaumagahan. Lahat ng salamin ay may sira na, wala silang pinalampas kahit isa. Tanging ang mga bintana lang sa ikalawang palapag ang nakaligtas sa mga bala. We already contacted Luke regarding sa pagpapaayos ng bahay. Magsasama siya ng ilang workers para mabilis itong matapos. Siguro nama'y dalawa hanggang tatlong araw lang ang kakailanganin kung tuloy-tuloy. “I wanna skate here, Papa!” Tuwang-tuwa na naman si Alias. Paano kasi, mas lumawak ang tanggapan ng aming bahay dahil nag-rearrange kami ng mga gami

  • Beyond The Lines   Kabanata 265

    “Nasaan na kayo, Arcel? Bakit hindi ko na makontak si Russel? What the fuck is happening?” Halos maibato ko ang flower vase sa gilid ko. Hindi ko mapigilan ang panginginig ng katawan ko, gusto ko nang magwala! “We can't also contact him.” Unlike mine, his voice is calm and controlled. Mahinang-mahina iyon, pabulong lang kung tutuusin. “Nandito na kami sa hideout. We need to be extra cautious. Huwag ka munang tumawag, please?” “Paano si Russel? What if he's lost right now?” “That won't happen. Trust him, Alliyah. Kailangan ko nang ibaba 'to. Please, don't do anything stupid. Huwag kang lalabas ng bahay kahit anong mangyari. Wait for our call.”Napasinghap ako nang putulin na niya ang linya. I kept staring at my phone, still not believing that this is happening. Napamura ako sa labis na pag-aalala. It's been two hours since Russel left at wala pa akong natatanggap na update mula sa kanya! He said he's going to update me but where is he now? I've been calling him but he missed all my

  • Beyond The Lines   Kabanata 264

    “Dahan-dahan, hija. Ako na ang magtitimpla, baka mapagod ka,” ani Ma'am Navi sa maaliwalas na tinig. Hindi na natanggal ang ngiti niya sa akin mula nang malamang buntis ako.I awkwardly smiled. “Hindi naman po ako mapapagod.” Nagtitimpla lang ako ng juice. Bukod dyan, tinulungan nya rin akong maghanda ng meryenda kahit hindi naman kailangan. Kayang-kaya ko naman ito. Sila nina Ate Ziri, panay ang sunod sa akin. I can't believe this.“Ay, naku! Kami na ang bahala riyan! Ang mabuti pa, magpahinga ka na lang.”Wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang garapon ng juice powder.“Ako na ang magdadala nito. Halika na, Ma'am. Sumama ka na sa akin,” paanyaya ni Manang Elsa matapos kunin ang dalawang tray ng sandwich.Seriously! Yes, I'm pregnant but it doesn't mean I can't move! Hindi ako makapaniwala. Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang sundan ko si Manang sa living room kung saan nakatipon ang lahat. Tapos naman na ang anunsyo pero nariyan pa rin sila. Akala ko'y uuwi rin sila agad

  • Beyond The Lines   Kabanata 263

    “Hello? Who's this?” Bagama't wala pa akong naririnig na sagot sa kabilang linya ay nanginginig na ang aking kamay. I swallowed. “Please, magsalita ka! Who are you?” Tumaas ang boses ko dahil sa inip. Bukod sa inip, nilulukob ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Nagbuntong-hininga ako't ibinalik sa lata ang hawak kong brush. Kasalukuyan akong nagpipinta rito sa balkonahe nang may tumawag. Hindi rehistrado ang numero kaya agad akong ginapangan ng takot. O baka naman napapraning lang ako dahil sa sitwasyon? Nangunot ang noo ko nang makarinig ng malalalim na paghinga. “Why don't you speak?” padabog kong tanong. The wind blew harshly. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang buhok kong nilipad ng hangin. I'm distracted. Maging ang maliit na latang muntik nang matumba ay hindi ko na pinansin. “Alliyah...”My eyes widened when I immediately recognized the voice. Napatayo ako sa gulat dahilan para masipa ko ang isang lata ng paint. Umagos ang laman nito sa sahig subalit hindi ko na iyon naasik

DMCA.com Protection Status