Share

KABANATA 6

Author: Jewiljen
last update Last Updated: 2022-10-20 19:09:22

Suot na niya uli ang isang maluwang na jacket at maong pants nang lumabas siya ng banyo. Nakita niyang nakaupo pa rin ang kapatid ni Red at may bitbit uli itong basong may lamang alak. May nakahanda na ring isang upuan sa harap nito. Bantulot na lumapit siya sa lalaki. Nananatiling nakayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito lalo't wala na itong takip sa mukha.

Hindi na niya hinintay na paupuin siya nito. Agad na umupo na siya sa upuang nasa harap ng lalaki at saka lang niya napansin na may hawak itong isang diyaryo. Nang ganap na siyang nakaupo ay saka ito nagsalita.

" Hiwalayan mo na ang kapatid ko, that's the first thing you should do. Second, you will still work for me but... may mababago sa usapan natin and of course, you'll get a higher pay," sinasabi nito iyon na para bang wala siyang choice.

Biglang naghimagsik ang loob niya. Inangat na rin niya ang tingin sa lalaki.

" Gagawin ko iyong unang sinabi mo pero hindi mo ako mapipilit sa ikalawang kondisyon mo," buo ang loob na sabi niya kahit hindi niya alam kung saan na naman siya maghahagilap ng ipambabayad sa treatment ng ina kung titigil na siya sa pagiging private dancer nito.

Ngumiti lang ito sa sagot niya na para bang sigurado itong hindi iyon mangyayari. Itinapon nito sa kandungan niya ang diyaryong hawak nito.

" Read that at saka ka magdesisyon," he said coldly saka uminom uli sa basong hawak nito.

Kinuha niya ang dIyaryo. Isa iyong diyaryo na nagpapahayag ng balita sa Olongapo. Napakunot-noo siya lalo't nakita niya sa front page ang mukha ng ina. Agad na binasa niya iyon. Bigla siyang kinabahan nang mabasang may warrant of arrest ang ina niya. Marami pala ang nakakita nang umalis sila ng Olongapo at duguan ang damit ng ina niya. Nalaman din niyang tuluyan palang naging bedridden ang amain dahil sa pagsaksak ng ina niya rito. Ang mga kaanak ng lalaki ang gumawa ng paraan para makasuhan ang ina nya.

Napalunok siya. Nakita niyang ngayong taon lang ang date sa diyaryo. 

" What's your decision again?" tanong uli ng kapatid ni Red nang makitang inalis na niya ang tingin sa diyaryo.

" B-bakit mo ito ginagawa sa akin? Gaya ng sabi ko, hihiwalayan ko na si Red. Titigil na rin ako sa pagtatrabaho sa iyo para tuluyan na akong mawala sa buhay ninyo," mahinang sabi niya na nakatitig lang sa diyaryong nasa kandungan niya.

" I was not the one who filed the case against your Mom. Ipinaalam ko lang sa iyo dahil anytime ay pwedeng damputin ang ina mo kapag may nakapagsumbong sa pulis. I will not be the one who will report to the police though. Instead, I'm going to offer you my help. What if kaya kong solusyunan iyan? Money can buy anything. Ako na ang bahalang makipag-negotiate sa pamilya ng biktima or I can use my connections para tuluyang maalis ang record ng ina mo," hindi nito inaalis ang tingin sa kanya.

Sinalubong na rin niya ang mga titig nito bago sumagot.

" A-anong madadagdag sa trabaho ko maliban sa pagsasayaw?" kahit may ideya na siya kung ano iyon ay nagtanong pa rin siya.

Inilagay nito ang basong hawak sa mesa sa tabi nito saka inilapit ang mukha sa kanya habang hinahawakan ang buhok niya.

" Your body will be mine. You will let me do anything with it. Don't worry, it will only be good for five months. After five months, you'll be free as a bird," parang bumubulong lang ito.

Damang-dama niya ang mainit na hininga nito sa mukha niya.

Five months? Saka niya naalala ang sinabi ni Red na uuwi na ng Pilipinas ang dati nitong fiancee after five months.

" B-bakit kailangan mong magbayad para m-makakuha ng babae? Sa tingin ko naman ay hindi ka mahihirapang maghanap ng papatol sa iyo," hindi niya mapigilang magtanong.

Ngumiti ito na parang naa-amuse sa sagot niya.

" Really? Why do you think na hindi ako mahihirapan?" hinawakan pa nito ang baba niya para tumingin siya uli sa mga mata nito.

Napalunok siya dahil para na naman siyang hinihigop ng magandang pares ng mata nito. Sa katunayan ay mas iba ang dating ng kagwapuhan ng lalaki kumpara kay Red.

" Papatulan mo ba ako kahit hindi kita bayaran?" naging seryoso ang mukha nito.

Pakiramdam niya uli na ang baba ng tingin nito sa kanya. Hindi niya naman ito masisisi dahil halos ibilad na niya ang kaluluwa niya rito kapalit ng pera.

Inalis niya ang kamay nito sa baba niya at yumuko uli.

" P-pag-iisipan ko ang offer mo," tanging sagot niya.

" Well, you better decide right away bago pa may makabasa ng balitang iyan at makapagsumbong tungkol sa ina mo. Mahihirapan na tayo niyan kung nasa kulungan na siya," paalala nito.

Lalo siyang kinabahan sa narinig. Tiningnan niya uli ang mukha ng ina sa diyaryo. Biglang tumulo ang mga luha niya at pumatak iyon sa diyaryong hawak. Hindi niya kayang isipin na nasa loob ng kulungan ang ina lalo pa't sa kalagayan nito ngayon.

" Crying won't help you at all. Besides, sa klase ng trabaho mo, dapat hindi na bago sa iyo ang pagbibigay ng katawan mo. By the way, to be safe also, magpapa-check up ka to make sure that you're clean. I hope hindi mo ikasama ng loob iyon," parang hindi rin naman ito sincere sa huling sinabi nito.

Mas lalo siyang nanliit sa sarili kahit alam naman niyang malinis siya dahil wala pang kahit sino'ng lalaki ang nakahawak man lang ng katawan niya kundi ito lang at kanina lang nangyari iyon.  Hindi na niya iyon sinabi pa rito dahil alam nyang hindi rin naman ito maniniwala.

" And one more thing, I hate questions. Ayoko ng tinatanong ako tungkol sa personal kong buhay. All you need to do is do your job. I will wait for your answer the next day. You don't have to come here tomorrow. Gusto kong pag-isipan mong mabuti," dagdag pa nito.

Tahimik na pinahid niya ang mga luha sa mga mata. Walang paalam na tumayo na ang kapatid ni Red.

" Naghihintay na sa baba ang taxi," sabi nito saka siya iniwan doon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ay naku Tama ako na kuya ni red Ang sinasayawan no
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 7

    Hindi niya alam kung paano makikipaghiwalay kay Red. Ayaw niyang masaktan ang lalaki pero kailangan niyang gawin kesa naman mawala ang respeto nito sa kanya kapag nalaman nito sa kapatid nito ang trabaho niya. Alam niyang sa hiwalayan din ang uwi no'n kapag nagkagano'n.Matagal na nakatitig lang siya sa phone. Nagulat pa siya nang biglang tumunog iyon. Si Red ang tumatawag." Hello, Red?" maagap na sagot niya." Sam, pwede ba tayong magkita ngayon?" seryoso ang boses nito at hindi siya sa sanay na gano'n ito kaseryoso.Lagi kasi itong masigla at masayahin kapag tumatawag sa kanya. Sinabi na kaya rito ng Kuya nito ang tungkol sa kanya? Kinakabahan man ay pumayag siyang makipagkita sa lalaki. Agad siyang naligo dahil susunduin siya nito pagkatapos ng isang oras.Dinala siya ni Red sa isang tahimik na lugar. Alas kwatro na no'n ng hapon at nasa isang park sila. Hindi sila lumabas ng kotse. Tahimik ito mula nang sunduin siya sa bahay nila.Bigla nitong hinawakan ang kamay niya nang bumali

    Last Updated : 2022-10-20
  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 8

    Nakatanggap siya ng tawag kay Mr. MC or mas kilala na niya ngayon bilang si Clayton na kuya ni Red. Kaya pala MC dahil ang buong pangalan nito ay Markus Clayton. Sinabi na niya ang desisyon niya rito. Parang inaasahan na nito ang magiging sagot niya sa offer nito dahil kinumpirma rin nitong nakausap na nito ang pamilya ng amain niya. Pinapirma ng lalaki ang mga ito na hindi na maghahabol at iyon ang ipinakita nito sa kakilala nito na siyang nagbura ng records ng ina niya. Hindi na sinabi ng lalaki kung magkano ang ibinayad nito sa biktima.Kinakabahan siya habang lulan ng taxi. Kahit kabado ay hindi nakaligtas sa obserbasyon niya na hindi papunta ng condo ang tinatahak ng taxi kundi papunta iyon sa bahay nina Red!Tinanong niya ang driver pero iyon daw ang instruction ni Clayton. Pagkababa ay agad na may nagbukas ng gate para sa kanya. Sinamahan siya nito papasok. Dinala siya ng isa sa mga katiwala ng bahay sa isang kwarto. Pinapasok siya roon at isinara na nito ang pinto ng kwarto pa

    Last Updated : 2022-10-20
  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 9

    Kinausap muna siya ni Clayton nang magkita sila uli. Nahihirapan pa rin siyang tingnan ito sa mga mata pagkatapos ng nangyari sa kanila. Nasa loob sila ng library nito sa bahay." Nalaman ko na may sakit pala ang ina mo. If gusto mo siyang gumaling agad, I can pay for her treatment. Pwede ko siyang ipasok sa isang private nursing care and she needs to stay there for a month or two. May mag-aalaga sa kanya 24/7. She will also have her own PT there and you don't have to worry about the expenses," para itong nakikipag-usap lang sa empleyado nito.Empleyado naman talaga siya nito, di ba? Bayaran siya ng lalaki, pang-uuyam ng utak niya." A-ano po ba ang kapalit?" tanong niya.Siyempre may kapalit iyon kasi wala namang free sa panahon ngayon lalo't alam niyang malaking gastusin iyon.Matagal na tumitig ito sa kanya. Kahit naiilang pa siya lalo ay hindi rin niya inaalis ang tingin sa lalaki." Actually, I'm the one paying you back," seryoso pa rin ang boses nito nang sabihin iyon.Nagtataka

    Last Updated : 2022-10-20
  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 10

    Pumayag siya sa alok ni Clayton na ipasok ang ina sa isang private nursing home para mas maalagaang mabuti. Ipinaliwanag niya iyon sa ina at pumayag naman ito. Bibisitahin niya lang ito araw-araw.Tumatawag pa rin si Red sa kanya mula nang umalis ito ng bansa. Base sa mga kwento nito ay masayang-masaya ito lalo't malaya itong maipakita ang totoong katauhan nito kasama si Mike. Masaya rin siya para sa lalaki. Nagkwento rin ito tungkol sa kuya nito. Hindi niya pa rin naiintindihan kung bakit lagi na ay sumisikdo ang dibdib niya kapag binubuksan nito ang topic tungkol sa kapatid nito. Hindi na raw ito masyadong nag-aalala sa kuya nito dahil sa tuwing tumatawag daw ang kapatid ay parang masaya daw ang boses nito. Sabi pa ni Red dahil siguro sa nalalapit na pagbabalik ni Faith.Ewan niya kung bakit parang may kumirot sa puso niya nang banggitin nito ang dating fiancee ni Clayton. Hindi niya na lang iyon pinansin pa.Pumupunta pa rin siya gabi-gabi sa bahay ng lalaki. Mas madalas na hindi

    Last Updated : 2022-10-20
  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 11

    Isinama siya ni Clayton isang araw para bumili sila ng pwede niyang maisuot sa office. Ito ang talagang namimili ng mga iyon. Binabalik nito ang mga damit na binibigay ng sales lady kapag above the knee ang mga iyon. Kulang na lang ay puro slacks na pambabae ang bibilhin nito sa kanya.Pinag-shopping siya nito ng mga damit, sapatos at pati underwear. Hindi niya ito nakitaan ng pagod habang nagsusukat siya ng mga damit. Hindi sila halos magkandaugaga sa mga pinamili nito sa kanya.Nang sumunod na linggo ay dinala siya nito sa opisina. Pinakilala siya nito sa secretary nito na si Mrs. Dominguez, kasing-edad yata ito ng inay niya. Mabait ang babae sa kanya kaya't medyo napapalagay ang loob niya. Marami pala itong empleyado do'n. Halos hindi naman siya tinatantanan ng mga kumikilatis na tingin ng mga babaeng empleyado sa kompanya ng lalaki. Nagtataka marahil ang mga ito nang kasama niyang dumating si Clayton. Ang mesa ni Mrs. Dominguez ay nasa loob mismo ng opisina ni Clayton. Malaki ang

    Last Updated : 2022-10-20
  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 12

    Napag-alaman niyang lagi palang hindi naglalagi sa office si Clayton dahil kabi-kabila ang meeting nito with the clients. Minsan pa ay pumupunta rin ito sa iba pa nitong office. Ni hindi na nga siya nito nakakausap kapag nasa office ang lalaki.Ang ikinagalak lang ng puso niya ay kahit gaano ito ka-busy at kapagod ay lagi itong bumabalik ng office para maIhatid siya sa kanila pauwi. Sa umaga naman ay lagi siya nitong dinadaanan sa bahay para sabay silang pumunta ng opisina. Alam niyang lagi siyang laman ng usapan ng iba pang mga empleyado roon dahil lagi siyang nakikitang kasabay ng boss nila. Hindi na lang niya iyon pinapansin. Hindi rin siya masyadong nakikipag-usap sa ibang mga katrabaho dahil alam niyang mangangalap lang ito ng impormasyon tungkol sa kanya.Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng building at hinihintay si Clayton. Tumawag ito kanina na pabalik na ito ng office kaya't pinapahintay siya nito sa labas. Hindi niya napansin ang isang babae na lumapit sa kanya." Hi! D

    Last Updated : 2022-10-20
  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 13

    Seryoso siya sa ginagawa niyang reports nang bigla siyang kausapin ni Mrs. Dominguez. Wala na naman kasi si Clayton sa office." Alam mo ba'ng kinausap ni Clayton ang lahat ng tauhan sa labas?" panimula nito.Clayton lang ang tawag nito sa lalaki kapag walang ibang nakakarinig sa kagustuhan na rin ni Clayton.Napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa matanda." May bago pa bang rules sa company?" nagtatakang tanong niya." Ay naku, meron!" parang kinikiliting sabi nito.Tuluyan na siyang humarap dito." Ang sabi ni Clayton, kung sinumang maririnig niyang nakikipagtsismisan tungkol sa iyo ay diretsong matatanggal sa kompanya. Kaya pala natanggal iyong si Catherine, noh? Source iyon ng tsismis dito, eh," parang tuwang-tuwang pagbabalita nito sa kanya.Kaya pala laging umiiwas ng tingin ang mga empleyado roon kapag nasasalubong siya. Hindi siya makapaniwala sa narinig." Umamin ka nga, nililigawan ka ba ng boss natin?" nanunuksong tanong nito.Pareho pa silang napatingin sa may pi

    Last Updated : 2022-10-20
  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 14

    Pangatlong beses na siyang sinamahan ni Clayton sa pagbisita sa inay niya. Sinasamahan siya nito kapag Linggo dahil walang trabaho. Pinakilala niya ito bilang boss niya sa ina. Masayang-masaya ang inay niya nang malamang sa opisina na siya nagtatrabaho. Panay ang pasasalamat nito sa lalaki. Ang laki na ng improvement sa pananalita at pagkilos ng ina. Parang bumalik na ito sa normal at ang tanging indikasyon na lang na na-stroke ito minsan ay ang konti pang ngiwi sa mga labi nito.Pagkatapos nilang bisitahin ang ina ay pinapasyal siya ni Clayton kahit saan. Sweet at thoughtful ito sa kanya kaya't hindi niya masisisi ang sarili kung may umusbong na konting pag-asa man lang sa puso niya.Kasalukuyan silang nakaupo no'n sa isang bench sa park nang tumunog ang phone niya. Nakita niyang kumunot agad ang noo ni Clayton habang nakatingin sa kanya. Nakita niyang si Red ang tumatawag. Nakangiting sinagot niya iyon." Red! Mabuti at napatawag ka. Kumusta ka na diyan?" masayang bungad niya sa taw

    Last Updated : 2022-10-20

Latest chapter

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   END OF SPECIAL CHAPTER : CLAYTON'S POV

    Alas sais na ng gabi pero nasa loob pa rin siya ng opisina at subsob sa trabaho. Araw-araw na niya iyong ginagawa. Wala rin naman siyang uuwian sa bahay kaya't minabuti niyang ibuhos ang mas maraming oras sa trabaho. Nakatulong naman iyon nang malaki sa negosyo nila dahil mas dumarami ang kliyente nila.Iniangat niya ang ulo saka minamasahe ang leeg habang nakapikit. Biglang may mahihinang katok siyang narinig sa pinto. Napakunot-noo siya dahil akala niya ay siya na lang ang naiwan sa opisina."Come in!"Agad na bumukas iyon at dumungaw ang nakangiting mukha ni Dwayne, ang kaibigan niyang kasosyo rin sa negosyong iyon."I knew it! Nandito pa rin ang dakila kong partner. Wala ka bang planong umuwi? Dito ka na lang kaya tumira." Napapalatak na sabi nito na tuluyang pumasok na sa loob.Natawa siya sa narinig."Spill it out. What do you need, bro?" Alam niyang may hihingin na naman ito na pabor kapag gano'n ang bungad nito."Whoa! It's not me who needs something from you. It's you who need

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   SPECIAL CHAPTER 4: CLAYTON'S POV

    Nanatiling nakahiga siya habang nakadagan sa kanya ang isang babae. Hubo't hubad na siya pati ang babaeng nasa ibabaw niya. Panay ang ungol nito habang pinaliguan siya nito ng halik.Nasa loob sila ng condo na binili niya. Doon niya pinapunta ang babaeng kinontrata niya sa manager nito. Isang starlet ang babae pero open sa mga indecent proposals gaya nito. Tatlong buwan mula nang maganap ang aksidente. Ngayon lang niya sinubukan talaga uli ang bagay na iyon. Madilim ang kwarto nang pumasok ang babae. Ayaw niyang makita nito ang mukha niya. Kahit ang manager nito ay hindi siya kilala. Naramdaman niyang hinawakan na nito ang pagkalalaki niya. Hinahalikan at isinubo nito iyon. Maya-maya ay tumigil ito."B-bakit..." Parang nagtatakang tanong nito.Gusto niyang paalisin na lang agad ang babae dahil kahit kanina pa siya nito pinag-iinit ay talagang walang reaksiyon ang alaga niya. Naramdaman niya uli ang pakiramdam no'ng unang beses na kinumpirma ng doktor na impotent na siya. Kahit alam

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   SPECIAL CHAPTER 3: CLAYTON'S POV

    "W-what?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa doktor.Ayaw paniwalaan ng sarili niya ang narinig pero alam niyang totoo iyan. Kumunsolta uli siya rito nang mapansing wala siyang nararamdamang kahit ano sa pagitan ng mga hita ilang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng ospital."I'm sorry to tell you that. Naipit kasi ang parteng iyan nang maaksidente ka. I'm going to prescribe some medicine and let's observe. Hindi ko rin masasabi agad kung temporary lang iyan o magiging permanent na," malungkot na sabi ng doktor.Impotent na siya! Gusto niyang magwala. Hindi na niya napansin ang pag-alis ng doktor sa kwarto niya. Ito kasi ang bumibisita sa bahay nila kapag schedule na ng check-up niya. Naka-wheelchair pa rin kasi siya dahil hindi pa rin siya makatayo.Ang sinisiguro naman nito sa kanya ay makakatayo pa rin naman siya once gumaling na nang tuluyan ang pamamaga ng mga paa niya.Nang mawala na ang doktor sa paningin ay itinapon niya ang lahat ng nasa mesa sa harap. "Arghhh!"

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   SPECIAL CHAPTER 2: CLAYTON'S POV

    Hindi niya magawang kontakin muli si Faith nang ilang araw. Galit siya at hindi niya alam kung kanino niya ibubunton ang galit niyang iyon. Hindi niya naman masabi sa kapatid niyang si Red ang pinag-awayan nila ni Faith. Ayaw niyang isali pa ito sa problema niya lalo't nag-aaral pa ang kapatid niya.Hindi na rin naman tumawag or nag-text man lang si Faith sa kanya. Bigla ay tumayo siya sa kalagitnaan ng pagpipirma ng mga dokumento sa opisina. Nagulat pa nga si Mrs. Dominiguez sa ingay na nilika ng biglaang pagtayo niyang iyon."Please cancel all my appointments today, Mrs. Dominguez." Iyon lang ang sinabi niya sa may edad na ring sekretarya saka kinuha ang coat niya at isinuot.Wala nang ibang salita pa na lumabas siya ng opisina. Pupuntahan niya si Faith sa condo nito. Hindi na siya mapakali kaya't kailangang ayusin na nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Kung ang paraan lang para maayos nila ang relasyon nila ay ipagpaliban muna ang kasal ay papayag na siya. Ayaw niyang mawala ang

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   SPECIAL CHAPTER 1: CLAYTON'S POV

    Hindi siya makapaniwala sa narinig. Parang walang ano man ang ekspresyon sa mukha ni Faith nang sabihin nitong i-postpone muna ang kasal nila ng isang taon gayong handa na ang lahat. Mananatili raw muna kasi ito sa London ng isang taon dahil sa malaking opportunity na magkaroon ng sarili nitong brand ng cosmetics.Kailangan daw muna nitong aralin ang pasikot-sikot sa business na iyon kaya't sa London muna ito maglalagi dahil ando'n ang magiging business partner ng fiancee."You can do those things, Faith, kahit kasal na tayo. Why do we have to wait for another year?" Pinipigilan niya lang ang sarili na mainis.Ilang beses na niyang pinagbigyan ang nobya dahil nga suportado niya ang babae sa kahit ano mang bagay na makakapagpasaya rito. Hindi naman siya makakapayag na basta na lang uli magbabago ang isip nito kung kailan naipadala na nila ang invitation cards sa lahat.Isang malaking kasalan kasi ang magaganap dahil alam niyang gustong-gusto ni Faith ang gan'on. Kung siya lang ang masu

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   FINALE CHAPTER

    Naglalakad siya sa palengke habang kumakain ng manggang hilaw. Malaking-malaki na ang tiyan niya dahil kabuwanan na niya. Nagiging routine na niyang maglakad-lakad sa palengke tuwing hapon kapag hindi na mainit ang sikat ng araw.Natutuwa siyang tumingin-tingin sa paligid at sa mga busy na bumibili do'n pati na sa mga tindera't tindero. Mayroong pwesto silang mag-ina sa palengke. Katulong ng ina ang Tita niya sa pagtitinda ng gulay at karne do'n. Pumupunta naman siya kapag nababagot na sa bahay. Wala kasi siyang kasama lagi dahil ang nag-iisang anak ng Tita niya na nasa College na ay laging busy sa school.Pinapapak niya ang isang hilaw na mangga. Mahilig pa rin siya do'n kahit tapos na ang paglilihi period niya. Natigilan siya sa paglalakad. Nakatayo kasi sa di kalayuan sa kanya si Clayton. Hindi ito kumikilos sa gitna habang nakatingin sa kanya.Iniiwas niya ang mga mata. Hindi na bago sa kanya na laging nakikita kung saan-saan si Clayton. Alam niyang pinaglalaruan na naman siya ng i

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 19

    Buo na ng desisyon niya. Hindi siya magpapakasal kay Clayton at alam niyang hindi papayag ang lalaki. May kontak pa ang ina niya sa kapatid nitong nasa Tagum City sa Davao del Norte. Imbes na sa Olongapo sila uuwi ay nagbago ang isip niya. Mabilis silang matutunton ng lalaki kung sa Olongapo sila babalik dahil iyon ang alam nitong plano nila dati.Nagpa-book na siya ng ticket nilang mag-ina. Ibinenta niya sa katabing bahay ang iba nilang mga gamit kahit sa mababang presyo para wala na silang maraming dadalhin pag-alis.Kinausap na rin niya si Red nang puntahan siya nito sa bahay nila. Halos hindi ito makatingin sa kanya nang magkaharap sila." I know kahit ilang beses akong humingi ng tawad ay hindi gano'n kadaling tanggapin iyon. Ngayon lang ako nagpakita dahil nahihiya pa akong humarap sa iyo," nahihiyang sabi nito sa kanya.Nasa loob sila ng bahay at nakaupo nang magkaharap habang ang ina niya ay hinayaan muna silang mag-usap kaya't pumasok ng kwarto." I also confronted Kuya about

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 18

    Kita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Clayton habang nagmamaneho ito. Nakayuko lang siya at panay ang pahid sa mga luha niya. Hindi niya alam kung saan sila huminto pero madilim sa parteng iyon at walang mga tao." Now talk. Paano kitang nabuntis?" galit ang boses nito na nakatutok lang ang tingin sa manibela." H-hininto ko na ang pag-inom ng pills two months ago," hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa ng sagot." So, ginusto mo ang nangyari?" saka lang ito tumingin sa kanya.Hindi siya umimik bilang pag-amin na rin." Bakit? Alam mo ang kasunduan natin. Sinadya mo ba ito para mapanagutan kita? Nakikita mo ba kami ni Red bilang solusyon sa sitwasyon ninyong mag-ina? Sinabi ko naman sa iyo, di ba? I'm willing to help you but not like this."Ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay tila insulto at pananakit para sa kanya. Tinigilan na niya ang pag-iyak at pinunasan ang mukha." Walang nagsasabing gusto kong panagutan mo ang anak ko. Ginusto ko itong mag-isa at wala akong planong m

  • Between Lust and Love (Tagalog/Erotic)   KABANATA 17

    Alam niyang suntok sa buwan ang tahimik na pag-aasam niya na tatawagan pa rin siya ni Clayton o kaya naman ay pupuntahan sa bahay nila at sasabihing hindi nito kayang mawala siya sa buhay nito. Nangangarap siya na sasabihin nitong minahal na pala siya nito at siya ang pakakasalan at hindi si Faith. Siya na siguro ang magiging pinakamasayang babae sa mundo kung magkagano'n. Pero kahit titigan pa niya ang phone niya buong araw at gabi ay walang paramdam si Clayton.Tahimik na umiiyak siya kada gabi mula nang tumigil siya sa pagtatrabaho sa kompanya nito. Tumitigil lang siya kapag naaalala niyang may anak na siyang dapat isipin. Napapakalma niya ang sarili kapag hinahawakan niya ang sinapupunan niya.Birthday ni Red. Ang sabi nito ay hindi naman ito magpapa-party. Magkakaroon lang daw sila ng munting salo-salo sa bahay at ang tanging bisita ay siya at si Faith. Gusto niya sanang umatras pero alam niyang sasama ang loob ni Red kung magbabago ang isip niya.Hindi niya alam kung paano niya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status