Kinakabahan siya nang sunduin siya ni Red sa bahay nila nang gabing iyon. Ipapakilala siya ng nobyo sa kapatid nito. Kanina pa siya nakatayo sa harap ng salamin.
" Ang gand-da n-man ng a-anak ko," sabi ng inay niya kahit hindi pa rin diretso ang pagsasalita nito.
Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan na hindi mapakaling nakatitig sa sarili. Nilingon niya ang ina nang nakangiti.
" Salamat, Nay. Mana lang ako sa inyo," nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi.
Kita rin niya ang kasiyahan sa mukha ng ina. Kanina pa niya ito pinakain ng hapunan. Naigagalaw na nito nang dahan-dahan ang isa pa nitong kamay kaya't hindi na siya gaano'ng nag-aalala kapag naiiwan itong mag-isa. Lagi niyang iniiwan ang isang phone para matawagan siya agad kapag may emergency lalo na't nasa trabaho siya.
Pumasok muna si Red sa loob ng bahay nila para ipagpaalam siyang muli sa ina. Alas-syete na iyon ng gabi. Nagpaluto raw ito sa bahay at alam na ng kuya nito na dadalhin nito ang girlfriend sa bahay para ipakilala. Isang puting blouse at skirt na pink na lampas tuhod ang suot niya. Nilagyan pa niya ng pin ang buhok sa gilid ng tenga. Bago siya isinakay ni Red sa kotse nito ay nasisiyahang pinagmamasdan pa nito ang mukha niya.
" Relax. I'm sure my Kuya will like you, okay?" hinawakan pa nito ang pisngi niya nang sabihin iyon.
Huminga muna siya nang malalim at ngumiti rito.
Hindi naman gaano'ng malayo ang bahay ng boyfriend. Nang makapasok na sila sa malaking gate ay manghang-mangha siya sa laki ng bahay. Alam niyang mayaman ang nobyo niya pero hindi niya akalain na ganito kayaman ang lalaki. Hinawakan siya nito agad sa kamay para pumasok ng bahay.
Tatlong lingo na silang may relasyon pero hanggang hawak kamay pa lang ang ginawa nito sa kanya. Mas lalo siyang humanga sa lalaki dahil hindi ito kailanman naging mapangahas sa kanya. Huminga uli siya nang malalim nang makapasok na nang bahay ng mga ito. Hindi niya uli mapigilang ilibot ang paningin sa loob. Kitang-kita ang karangyaang tinatamasa ng lalaki at ng kapatid nito.
" Ang kuya?" tanong ni Red sa nakasalubong na katulong.
" Good evening po, Sir, Ma'am. Nasa dining room na po si Sir Clayton at hinihintay kayo," magalang na sabi ng may katandaan ng katulong.
" Salamat, Nana Mildred," nakangiting sagot ng lalaki rito.
Nakangiting tumango na rin siya sa matanda. Siya na ang kusang humawak sa braso ng boyfriend lalo na nang papalapit na sila sa dining room. Nilingon siya nito at hinawakan ang kamay niyang nasa braso nito.
" Chill," marahang tumawa pa ito nang sabihin iyon.
Nakita niyang nakahanda na ang maraming pagkain sa mesa. May lalaking nakatayo na nakatalikod. Nakasuot ito ng black coat at black slacks. Likod pa lang nito ay nakaka-intimidate na.
" Kuya," tawag ni Red dito.
Dahan-dahan ang ginawang pagharap ng lalaki. Nagtama ang mga mata nila.
Bakit biglang tumahip ang dibdib niya?
Matagal na napatitig din ang kapatid ni Red sa kanya. Maya-maya ay biglang kumunot ang noo nito na parang galit. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paghagod nito ng tingin sa kabuuan niya at habang ginagawa nito iyon ay mas lalong lumalalim ang pagkakakunot ng noo nito.
Napasinghap siya. Mukhang hindi yata siya gusto ng kapatid ni Red. Nasabi na rin kasi ng boyfriend niya na nakatatlong girlfriends na ito. Lahat ng mga iyon ay hindi nagustuhan ng kapatid nito. Kesyo masyado raw liberated o kaya naman ay social climber at ang panghuli pa nga ay inakit daw ang kuya nito.
Hindi yata napansin ni Red ang disgusto sa mukha ng kapatid nito dahil hindi naaalis ang ngiti sa mukha ng boyfriend niya.
" Meet Samantha, Kuya. She's my girlfriend. Sam, si Kuya Clayton," pagpapakilala nito sa kanila.
Hindi umaalis sa kinatatayuan nito ang lalaki at nananatiling nakatingin lang sa kanya nang wala pa ring ngiti sa mga labi.
Bumitiw siya sa pagkakahawak sa braso ni Red at alanganing lumapit sa kapatid nito para makipagkamay.
" M-magandang gabi po. Ikinagagalak ko pong makilala kayo sa wakas," magalang na sabi niya at inabot pa ang kamay dito.
Hindi nito inabot ang kamay at umalis lang ito sa harap niya.
" You may sit down now so we can eat," pati boses nito ay intimidating.
Napapahiyang ibinaba niya ang kamay at pasimpeng hinawakan ang paldang suot. Nakangiting lumapit si Red sa tabi niya at hinawakan siya sa braso para paupuin. Magkatabi sila ng upuan ni Red habang ang kapatid nito ay nakaupo sa dulo ng mesa.
Iniiwas niya ang mga mata sa lalaki dahil hindi siya tinatantanan ng tingin nito. Todo asikaso ni Red sa kanya at ito pa ang naglalagay ng pagkain sa plato niya.
" Ako na," nahihiyang pigil niya sa boyfriend.
" Oh, let me. Masaya akong pagsilbihan ka, Nap," nanunudyo uli ang mga mata ni Red sa kanya.
" So, how did your love story begin?"
Natigilan siya sa pagsubo at napatingin kay Red na parang kinakabahan. Nakakatakot kasi ang boses ng lalaki. Actually, maganda ang boses nito na buong-buo kaso parang kahit sino'ng makakarinig no'n ay matatakot.
Nginitian siya ni Red at hinawakan ang kamay niya na nasa mesa.
" Sa Mall, Kuya. She just caught my attention right away," hind inaalis ni Red ang tingin sa kanya.
Ngumiti rin siya sa lalaki pero agad ding napalis iyon nang masalubong ang tingin ng kapatid ng nobyo. Umiinom ito ng tubig habang nakatingin sa kanya. Wala sa loob na binawi niya ang kamay na hawak ni Red.
" So, are you still a student, Sam? If you're working already then what's your work?" parang isa itong interviewer sa isang taong nag-aapply ng trabaho.
" A-ahm, I'm working na. I-I'm working online," parang manginginig pa yata ang boses niya.
" What kind of online work?" agad na sinundan nito iyon ng tanong.
Napalunok siya. Hindi siya makaisip nang maayos.
" Well?" hinihintay nito ang sagot niya.
" I believe she's doing online works for a client like a virtual assistant. Right, Nap?" si Red na ang sumagot para sa kanya.
Napatango na lang siya kahit hindi niya alam kung ano'ng klaseng trabaho ang sinabi nito.
" Nap, don't be nervous, okay? Gusto ka lang makilala ni Kuya," bulong ni Red sa kanya.
Ngumiti lang siya nang tipid dito.
" Online works for a client, huh? Interesting. I believe you are just waiting for your client's demands and you'll just do it with no second thoughts, right?" parang may gustong ipahiwatig sa kanya ang sinabi nito.
" R-right," kahit parang naguguluhan ay sumang-ayon na lang din siya.
Itinuloy na niya ang pagsubo kahit parang biglang nawala ang kanyang panlasa. Hindi na rin umimik pa ang kapatid ni Red na ipinagpasalamat niya. Maya-maya ay pinunasan nito ang bibig gamit ang table napkin.
" Please excuse me and just enjoy your meal. I have a scheduled call tonight. Nice meeting you, Samantha. Red, we'll talk later," tumayo na ito habang sinasabi iyon at tiningnan lang siya saglit bago umalis ng dining room.
Saka lang siya parang nakahinga nang maluwag nang nakaalis na ang lalaki.
" Kuya can really make anyone feel uncomfortable when he wants to," nakatawang sabi ni Red nang wala na ang kapatid nito.
Hindi siya umimik.
" Are you okay?" parang worried na tanong ni Red.
" Y-yah," maikling sagot niya at uminom na ng tubig.
Hindi rin naman siya nakakain nang maayos kaya't itinigil na rin niya ang pagkain. Pagkatapos nila ay inilibot siya ni Red sa malaking bahay ng mga ito. Pumunta rin sila sa likod kung saan naroon ang napakalaking swimming pool.
Sa totoo lang ay gustung-gusto na niyang magpahatid pauwi sa nobyo. Nanatili muna sila sa bahay nito. Nakaupo sila sa upuan sa gilid ng swimming pool nang tumunog ang phone nito.
" Mike!" masayang sagot ni Red sa tumatawag dito.
Sumenyas muna ito sa kanya na sasagutin muna ang tawag. Tumango siya rito at saka ito umalis sa harap niya. Pinagmamasdan niya ang malinaw na tubig sa pool nang magulat dahil may biglang nagsalita sa likuran.
" How long have you known my brother?"
Ando'n na naman ang pagririgodon ng puso niya kapag naririnig ang boses ng lalaki. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa takot. Dahan-dahan siyang lumingon. Nakita niya ang kapatid ni Red na nakapamulsa ang mga kamay sa slacks na suot nito.
" A-almost two months," parang ayaw pang lumabas ng boses niya.
" Two months? Wow! How many days did he court you? Or was there any courtship at all?" parang sarcastic ang tono ng lalaki.
Hindi siya tumayo sa kinauupuan kaya't umupo siya nang maayos para tuluyang mapaharap dito.
" Hindi ko po alam kung bakit galit na galit kayo sa akin," hindi na niya napigilan ang saloobin dito dahil parang nakakainsulto na ito.
" Really? Playing innocent, huh? Well, I can't blame my brother," tiningnan pa uli nito ang kabuuan niya.
" You look so... innocent. You can deceive even the devil himself," he suddenly smirked pagkasabi no'n.
Bubuka na sana uli ang bibig niya para tanungin kung ano ang ibig nitong sabihin pero inunahan siya ng lalaki.
" I don't like you for my brother. I hope I made myself clear. My brother is my only family. I will never let anyone hurt him or fool him. You're way too good in hiding your true identity. Break up with him or you will regret it," nagbabanta ang boses nito kahit kalmado naman ang mukha nito.
Gusto niyang maiyak sa narinig. Hindi niya alam kung bakit parang suklam na suklam ito sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama rito. At ano ang sinasabi nitong hiding her true identity?
Tumayo siya at konti na lang ay tutulo na ang mga luha sa mga mata niya.
" Nandito ka lang pala, Kuya. Pumunta ako sa loob ng library kasi akala ko, eh, nando'n ka. Magpapaalam lang sana ako na ihahatid ko na si Sam sa kanila."
Mabilis na pinahid niya ang gilid ng mga mata niya dahil sa nangingilid niyang mga luha. Isang beses pa siyang tiningnan ng kapatid ni Red bago lumingon sa papalapit na boyfriend niya.
" Okay. I'll go upstairs now," sagot nito.
Iniwan na silang dalawa na hindi na muling tumingin sa kanya.
Wala siyang imik hanggang sa maihatid siya ni Red sa bahay nila. Pinipigilan lang kasi niyang maiyak. Lalabas na sana siya ng kotse paghinto nito sa harap ng bahay nila nang pigilan siya ni Red. Hinawakan nito ang kamay niya." May problem ba?" tanong nito na pilit hinuhuli ang mga mata niya.Malungkot na tumingin siya sa nobyo." I don't think na gusto ako ng kuya mo," hindi niya masabi rito ang sinabi ng kapatid nito sa kanya.Ginagap nito ng dalawang kamay ang palad niya." Kuya will eventually like you. Kailangan lang niyang makita na isa kang espesyal na babae. Huwag ka nang malungkot, please," hinawakan nito ang baba niya at nginitian siya.Ngumiti na rin siya rito. Matagal na niyang hinihintay na halikan siya ng lalaki. Kahit kailan kasi ay hindi pa niya naranasan iyon kahit sa klase ng trabaho niya. Ipinikit niya ang mga mata para hindi na ito magdalawang-isip na halikan siya. Hinalikan nga siya nito pero sa noo lang.Nagtatakang napadilat siya." Good night, Nap. Hindi na ako
Suot na niya uli ang isang maluwang na jacket at maong pants nang lumabas siya ng banyo. Nakita niyang nakaupo pa rin ang kapatid ni Red at may bitbit uli itong basong may lamang alak. May nakahanda na ring isang upuan sa harap nito. Bantulot na lumapit siya sa lalaki. Nananatiling nakayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ang mga titig nito lalo't wala na itong takip sa mukha.Hindi na niya hinintay na paupuin siya nito. Agad na umupo na siya sa upuang nasa harap ng lalaki at saka lang niya napansin na may hawak itong isang diyaryo. Nang ganap na siyang nakaupo ay saka ito nagsalita." Hiwalayan mo na ang kapatid ko, that's the first thing you should do. Second, you will still work for me but... may mababago sa usapan natin and of course, you'll get a higher pay," sinasabi nito iyon na para bang wala siyang choice.Biglang naghimagsik ang loob niya. Inangat na rin niya ang tingin sa lalaki." Gagawin ko iyong unang sinabi mo pero hindi mo ako mapipilit sa ikalawang kondisyon m
Hindi niya alam kung paano makikipaghiwalay kay Red. Ayaw niyang masaktan ang lalaki pero kailangan niyang gawin kesa naman mawala ang respeto nito sa kanya kapag nalaman nito sa kapatid nito ang trabaho niya. Alam niyang sa hiwalayan din ang uwi no'n kapag nagkagano'n.Matagal na nakatitig lang siya sa phone. Nagulat pa siya nang biglang tumunog iyon. Si Red ang tumatawag." Hello, Red?" maagap na sagot niya." Sam, pwede ba tayong magkita ngayon?" seryoso ang boses nito at hindi siya sa sanay na gano'n ito kaseryoso.Lagi kasi itong masigla at masayahin kapag tumatawag sa kanya. Sinabi na kaya rito ng Kuya nito ang tungkol sa kanya? Kinakabahan man ay pumayag siyang makipagkita sa lalaki. Agad siyang naligo dahil susunduin siya nito pagkatapos ng isang oras.Dinala siya ni Red sa isang tahimik na lugar. Alas kwatro na no'n ng hapon at nasa isang park sila. Hindi sila lumabas ng kotse. Tahimik ito mula nang sunduin siya sa bahay nila.Bigla nitong hinawakan ang kamay niya nang bumali
Nakatanggap siya ng tawag kay Mr. MC or mas kilala na niya ngayon bilang si Clayton na kuya ni Red. Kaya pala MC dahil ang buong pangalan nito ay Markus Clayton. Sinabi na niya ang desisyon niya rito. Parang inaasahan na nito ang magiging sagot niya sa offer nito dahil kinumpirma rin nitong nakausap na nito ang pamilya ng amain niya. Pinapirma ng lalaki ang mga ito na hindi na maghahabol at iyon ang ipinakita nito sa kakilala nito na siyang nagbura ng records ng ina niya. Hindi na sinabi ng lalaki kung magkano ang ibinayad nito sa biktima.Kinakabahan siya habang lulan ng taxi. Kahit kabado ay hindi nakaligtas sa obserbasyon niya na hindi papunta ng condo ang tinatahak ng taxi kundi papunta iyon sa bahay nina Red!Tinanong niya ang driver pero iyon daw ang instruction ni Clayton. Pagkababa ay agad na may nagbukas ng gate para sa kanya. Sinamahan siya nito papasok. Dinala siya ng isa sa mga katiwala ng bahay sa isang kwarto. Pinapasok siya roon at isinara na nito ang pinto ng kwarto pa
Kinausap muna siya ni Clayton nang magkita sila uli. Nahihirapan pa rin siyang tingnan ito sa mga mata pagkatapos ng nangyari sa kanila. Nasa loob sila ng library nito sa bahay." Nalaman ko na may sakit pala ang ina mo. If gusto mo siyang gumaling agad, I can pay for her treatment. Pwede ko siyang ipasok sa isang private nursing care and she needs to stay there for a month or two. May mag-aalaga sa kanya 24/7. She will also have her own PT there and you don't have to worry about the expenses," para itong nakikipag-usap lang sa empleyado nito.Empleyado naman talaga siya nito, di ba? Bayaran siya ng lalaki, pang-uuyam ng utak niya." A-ano po ba ang kapalit?" tanong niya.Siyempre may kapalit iyon kasi wala namang free sa panahon ngayon lalo't alam niyang malaking gastusin iyon.Matagal na tumitig ito sa kanya. Kahit naiilang pa siya lalo ay hindi rin niya inaalis ang tingin sa lalaki." Actually, I'm the one paying you back," seryoso pa rin ang boses nito nang sabihin iyon.Nagtataka
Pumayag siya sa alok ni Clayton na ipasok ang ina sa isang private nursing home para mas maalagaang mabuti. Ipinaliwanag niya iyon sa ina at pumayag naman ito. Bibisitahin niya lang ito araw-araw.Tumatawag pa rin si Red sa kanya mula nang umalis ito ng bansa. Base sa mga kwento nito ay masayang-masaya ito lalo't malaya itong maipakita ang totoong katauhan nito kasama si Mike. Masaya rin siya para sa lalaki. Nagkwento rin ito tungkol sa kuya nito. Hindi niya pa rin naiintindihan kung bakit lagi na ay sumisikdo ang dibdib niya kapag binubuksan nito ang topic tungkol sa kapatid nito. Hindi na raw ito masyadong nag-aalala sa kuya nito dahil sa tuwing tumatawag daw ang kapatid ay parang masaya daw ang boses nito. Sabi pa ni Red dahil siguro sa nalalapit na pagbabalik ni Faith.Ewan niya kung bakit parang may kumirot sa puso niya nang banggitin nito ang dating fiancee ni Clayton. Hindi niya na lang iyon pinansin pa.Pumupunta pa rin siya gabi-gabi sa bahay ng lalaki. Mas madalas na hindi
Isinama siya ni Clayton isang araw para bumili sila ng pwede niyang maisuot sa office. Ito ang talagang namimili ng mga iyon. Binabalik nito ang mga damit na binibigay ng sales lady kapag above the knee ang mga iyon. Kulang na lang ay puro slacks na pambabae ang bibilhin nito sa kanya.Pinag-shopping siya nito ng mga damit, sapatos at pati underwear. Hindi niya ito nakitaan ng pagod habang nagsusukat siya ng mga damit. Hindi sila halos magkandaugaga sa mga pinamili nito sa kanya.Nang sumunod na linggo ay dinala siya nito sa opisina. Pinakilala siya nito sa secretary nito na si Mrs. Dominguez, kasing-edad yata ito ng inay niya. Mabait ang babae sa kanya kaya't medyo napapalagay ang loob niya. Marami pala itong empleyado do'n. Halos hindi naman siya tinatantanan ng mga kumikilatis na tingin ng mga babaeng empleyado sa kompanya ng lalaki. Nagtataka marahil ang mga ito nang kasama niyang dumating si Clayton. Ang mesa ni Mrs. Dominguez ay nasa loob mismo ng opisina ni Clayton. Malaki ang
Napag-alaman niyang lagi palang hindi naglalagi sa office si Clayton dahil kabi-kabila ang meeting nito with the clients. Minsan pa ay pumupunta rin ito sa iba pa nitong office. Ni hindi na nga siya nito nakakausap kapag nasa office ang lalaki.Ang ikinagalak lang ng puso niya ay kahit gaano ito ka-busy at kapagod ay lagi itong bumabalik ng office para maIhatid siya sa kanila pauwi. Sa umaga naman ay lagi siya nitong dinadaanan sa bahay para sabay silang pumunta ng opisina. Alam niyang lagi siyang laman ng usapan ng iba pang mga empleyado roon dahil lagi siyang nakikitang kasabay ng boss nila. Hindi na lang niya iyon pinapansin. Hindi rin siya masyadong nakikipag-usap sa ibang mga katrabaho dahil alam niyang mangangalap lang ito ng impormasyon tungkol sa kanya.Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng building at hinihintay si Clayton. Tumawag ito kanina na pabalik na ito ng office kaya't pinapahintay siya nito sa labas. Hindi niya napansin ang isang babae na lumapit sa kanya." Hi! D
Alas sais na ng gabi pero nasa loob pa rin siya ng opisina at subsob sa trabaho. Araw-araw na niya iyong ginagawa. Wala rin naman siyang uuwian sa bahay kaya't minabuti niyang ibuhos ang mas maraming oras sa trabaho. Nakatulong naman iyon nang malaki sa negosyo nila dahil mas dumarami ang kliyente nila.Iniangat niya ang ulo saka minamasahe ang leeg habang nakapikit. Biglang may mahihinang katok siyang narinig sa pinto. Napakunot-noo siya dahil akala niya ay siya na lang ang naiwan sa opisina."Come in!"Agad na bumukas iyon at dumungaw ang nakangiting mukha ni Dwayne, ang kaibigan niyang kasosyo rin sa negosyong iyon."I knew it! Nandito pa rin ang dakila kong partner. Wala ka bang planong umuwi? Dito ka na lang kaya tumira." Napapalatak na sabi nito na tuluyang pumasok na sa loob.Natawa siya sa narinig."Spill it out. What do you need, bro?" Alam niyang may hihingin na naman ito na pabor kapag gano'n ang bungad nito."Whoa! It's not me who needs something from you. It's you who need
Nanatiling nakahiga siya habang nakadagan sa kanya ang isang babae. Hubo't hubad na siya pati ang babaeng nasa ibabaw niya. Panay ang ungol nito habang pinaliguan siya nito ng halik.Nasa loob sila ng condo na binili niya. Doon niya pinapunta ang babaeng kinontrata niya sa manager nito. Isang starlet ang babae pero open sa mga indecent proposals gaya nito. Tatlong buwan mula nang maganap ang aksidente. Ngayon lang niya sinubukan talaga uli ang bagay na iyon. Madilim ang kwarto nang pumasok ang babae. Ayaw niyang makita nito ang mukha niya. Kahit ang manager nito ay hindi siya kilala. Naramdaman niyang hinawakan na nito ang pagkalalaki niya. Hinahalikan at isinubo nito iyon. Maya-maya ay tumigil ito."B-bakit..." Parang nagtatakang tanong nito.Gusto niyang paalisin na lang agad ang babae dahil kahit kanina pa siya nito pinag-iinit ay talagang walang reaksiyon ang alaga niya. Naramdaman niya uli ang pakiramdam no'ng unang beses na kinumpirma ng doktor na impotent na siya. Kahit alam
"W-what?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa doktor.Ayaw paniwalaan ng sarili niya ang narinig pero alam niyang totoo iyan. Kumunsolta uli siya rito nang mapansing wala siyang nararamdamang kahit ano sa pagitan ng mga hita ilang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng ospital."I'm sorry to tell you that. Naipit kasi ang parteng iyan nang maaksidente ka. I'm going to prescribe some medicine and let's observe. Hindi ko rin masasabi agad kung temporary lang iyan o magiging permanent na," malungkot na sabi ng doktor.Impotent na siya! Gusto niyang magwala. Hindi na niya napansin ang pag-alis ng doktor sa kwarto niya. Ito kasi ang bumibisita sa bahay nila kapag schedule na ng check-up niya. Naka-wheelchair pa rin kasi siya dahil hindi pa rin siya makatayo.Ang sinisiguro naman nito sa kanya ay makakatayo pa rin naman siya once gumaling na nang tuluyan ang pamamaga ng mga paa niya.Nang mawala na ang doktor sa paningin ay itinapon niya ang lahat ng nasa mesa sa harap. "Arghhh!"
Hindi niya magawang kontakin muli si Faith nang ilang araw. Galit siya at hindi niya alam kung kanino niya ibubunton ang galit niyang iyon. Hindi niya naman masabi sa kapatid niyang si Red ang pinag-awayan nila ni Faith. Ayaw niyang isali pa ito sa problema niya lalo't nag-aaral pa ang kapatid niya.Hindi na rin naman tumawag or nag-text man lang si Faith sa kanya. Bigla ay tumayo siya sa kalagitnaan ng pagpipirma ng mga dokumento sa opisina. Nagulat pa nga si Mrs. Dominiguez sa ingay na nilika ng biglaang pagtayo niyang iyon."Please cancel all my appointments today, Mrs. Dominguez." Iyon lang ang sinabi niya sa may edad na ring sekretarya saka kinuha ang coat niya at isinuot.Wala nang ibang salita pa na lumabas siya ng opisina. Pupuntahan niya si Faith sa condo nito. Hindi na siya mapakali kaya't kailangang ayusin na nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Kung ang paraan lang para maayos nila ang relasyon nila ay ipagpaliban muna ang kasal ay papayag na siya. Ayaw niyang mawala ang
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Parang walang ano man ang ekspresyon sa mukha ni Faith nang sabihin nitong i-postpone muna ang kasal nila ng isang taon gayong handa na ang lahat. Mananatili raw muna kasi ito sa London ng isang taon dahil sa malaking opportunity na magkaroon ng sarili nitong brand ng cosmetics.Kailangan daw muna nitong aralin ang pasikot-sikot sa business na iyon kaya't sa London muna ito maglalagi dahil ando'n ang magiging business partner ng fiancee."You can do those things, Faith, kahit kasal na tayo. Why do we have to wait for another year?" Pinipigilan niya lang ang sarili na mainis.Ilang beses na niyang pinagbigyan ang nobya dahil nga suportado niya ang babae sa kahit ano mang bagay na makakapagpasaya rito. Hindi naman siya makakapayag na basta na lang uli magbabago ang isip nito kung kailan naipadala na nila ang invitation cards sa lahat.Isang malaking kasalan kasi ang magaganap dahil alam niyang gustong-gusto ni Faith ang gan'on. Kung siya lang ang masu
Naglalakad siya sa palengke habang kumakain ng manggang hilaw. Malaking-malaki na ang tiyan niya dahil kabuwanan na niya. Nagiging routine na niyang maglakad-lakad sa palengke tuwing hapon kapag hindi na mainit ang sikat ng araw.Natutuwa siyang tumingin-tingin sa paligid at sa mga busy na bumibili do'n pati na sa mga tindera't tindero. Mayroong pwesto silang mag-ina sa palengke. Katulong ng ina ang Tita niya sa pagtitinda ng gulay at karne do'n. Pumupunta naman siya kapag nababagot na sa bahay. Wala kasi siyang kasama lagi dahil ang nag-iisang anak ng Tita niya na nasa College na ay laging busy sa school.Pinapapak niya ang isang hilaw na mangga. Mahilig pa rin siya do'n kahit tapos na ang paglilihi period niya. Natigilan siya sa paglalakad. Nakatayo kasi sa di kalayuan sa kanya si Clayton. Hindi ito kumikilos sa gitna habang nakatingin sa kanya.Iniiwas niya ang mga mata. Hindi na bago sa kanya na laging nakikita kung saan-saan si Clayton. Alam niyang pinaglalaruan na naman siya ng i
Buo na ng desisyon niya. Hindi siya magpapakasal kay Clayton at alam niyang hindi papayag ang lalaki. May kontak pa ang ina niya sa kapatid nitong nasa Tagum City sa Davao del Norte. Imbes na sa Olongapo sila uuwi ay nagbago ang isip niya. Mabilis silang matutunton ng lalaki kung sa Olongapo sila babalik dahil iyon ang alam nitong plano nila dati.Nagpa-book na siya ng ticket nilang mag-ina. Ibinenta niya sa katabing bahay ang iba nilang mga gamit kahit sa mababang presyo para wala na silang maraming dadalhin pag-alis.Kinausap na rin niya si Red nang puntahan siya nito sa bahay nila. Halos hindi ito makatingin sa kanya nang magkaharap sila." I know kahit ilang beses akong humingi ng tawad ay hindi gano'n kadaling tanggapin iyon. Ngayon lang ako nagpakita dahil nahihiya pa akong humarap sa iyo," nahihiyang sabi nito sa kanya.Nasa loob sila ng bahay at nakaupo nang magkaharap habang ang ina niya ay hinayaan muna silang mag-usap kaya't pumasok ng kwarto." I also confronted Kuya about
Kita niya ang pagtatagis ng mga bagang ni Clayton habang nagmamaneho ito. Nakayuko lang siya at panay ang pahid sa mga luha niya. Hindi niya alam kung saan sila huminto pero madilim sa parteng iyon at walang mga tao." Now talk. Paano kitang nabuntis?" galit ang boses nito na nakatutok lang ang tingin sa manibela." H-hininto ko na ang pag-inom ng pills two months ago," hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa ng sagot." So, ginusto mo ang nangyari?" saka lang ito tumingin sa kanya.Hindi siya umimik bilang pag-amin na rin." Bakit? Alam mo ang kasunduan natin. Sinadya mo ba ito para mapanagutan kita? Nakikita mo ba kami ni Red bilang solusyon sa sitwasyon ninyong mag-ina? Sinabi ko naman sa iyo, di ba? I'm willing to help you but not like this."Ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay tila insulto at pananakit para sa kanya. Tinigilan na niya ang pag-iyak at pinunasan ang mukha." Walang nagsasabing gusto kong panagutan mo ang anak ko. Ginusto ko itong mag-isa at wala akong planong m
Alam niyang suntok sa buwan ang tahimik na pag-aasam niya na tatawagan pa rin siya ni Clayton o kaya naman ay pupuntahan sa bahay nila at sasabihing hindi nito kayang mawala siya sa buhay nito. Nangangarap siya na sasabihin nitong minahal na pala siya nito at siya ang pakakasalan at hindi si Faith. Siya na siguro ang magiging pinakamasayang babae sa mundo kung magkagano'n. Pero kahit titigan pa niya ang phone niya buong araw at gabi ay walang paramdam si Clayton.Tahimik na umiiyak siya kada gabi mula nang tumigil siya sa pagtatrabaho sa kompanya nito. Tumitigil lang siya kapag naaalala niyang may anak na siyang dapat isipin. Napapakalma niya ang sarili kapag hinahawakan niya ang sinapupunan niya.Birthday ni Red. Ang sabi nito ay hindi naman ito magpapa-party. Magkakaroon lang daw sila ng munting salo-salo sa bahay at ang tanging bisita ay siya at si Faith. Gusto niya sanang umatras pero alam niyang sasama ang loob ni Red kung magbabago ang isip niya.Hindi niya alam kung paano niya