Share

Chapter 2

Author: monzuki23
last update Huling Na-update: 2022-09-12 16:45:13

Anim na buwan ang matuling lumipas at medyo gabay na ni Elyssa ang pamumuhay sa Maynila. Kasalukuyan siyang nagtatarabaho sa factory na pinapasukan ng pinsan niyang si Marra, ang nag-iisang taong nilapitan niya pagkatapos takasan ang insidente na halos gabi-gabi ay dumadalaw sa panaginip niya.

Walang alam ang tatay niya pati ang lola niya sa nangyari sa kanya. Pero bilang assurance sa mga ito ay kinontak ito ni Marra tatlong buwan matapos siyang tumakas. Halos mabaliw ang mga ito sa pag-aalala kung anong nangyari sa kanya ngunit hindi niya sinabi sa mga ito ang totoo. Humingi lamang siya ng tawad dahil hindi nakapagpaalam nang maayos sa mga ito.

Si Marra rin ang sumagap ng balita tungkol sa nangyaring insidente. Umuwi ito ng Antique isang linggo pagkatapos ang sorpresang pagdating niya nang Maynila, upang makibalita.

Saka lamang siya nakahinga nang maluwang dahil buhay pa ang lalaking muntikan ng gumahasa sa kanya, pero hanggang ngayon ay nanatili itong naka-coma. At magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa nalalaman kung sino ang may sala na siyang ipinagpasalamat niya, pero ang konsensya niya ay umabot na hanggang langit.

Hindi pa nakakalimutan ni Issay ang gulat ng pinsan, nang bigla niya itong tawagan dahil nagpapasundo siya sa terminal ng bus noong araw na lumuwas siya ng Maynila. Saka lamang niya ipinaliwanag dito ang nangyari nang magkita na sila sa bus station.

Naiintindihan siya ng pinsan kaya tinulungan siya nitong makapasok sa trabaho kahit araw-araw ay inaatake ng kaba ang dibdib niya baka makilala siya at bigla na lang siyang damputin ng mga pulis dahil sa ginawang krimen.

Pero anim na buwan ang matuling lumipas ay unti-unti nang guminhawa ang pakiramdam ni Issay. Naging masaya na rin siya sa trabaho niya kahit minsan ay nakakaramdam ng hungkag dahil sa pananabik sa Tatay at lola niya. At lalo na kay Jevy.

Anim na buwan na rin silang hindi nagkikita nito. At dahil nagpalit siya ng simcard ay hindi niya agad ito na kontak. Nagkaroon lamang sila ng komunikasyon isang buwan ang lumipas mula nang lumuwas siya ng Maynila.

Hindi akalain ni Issay na galit pala sa kanya si Jevy dahil hindi niya ito sinipot noong gabing nangyari ang insidente. Iyon ang gabing dapat sana ay magpapaalam ito dahil pupunta ito ng Baguio dahil papasok sa PMA dahil tulad ng ama nito ay gusto rin nitong maging pulis.

Pero dahil sa nangyari sa kanya nang gabing iyon ay hindi na sila nagkausap ng kasintahan. Inisip nitong sinadya niyang hindi ito siputin. Ngunit nang ipinaliwanag niya rito ang totoong dahilan ay nagulat ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Pero wala itong maikomento tungkol sa pagkatao ng lalaking muntikan nang gumahasa sa kanya.

Bumalik sa kasalukuyan ang pag-isip ni Issay nang biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niyang binigay din ng pinsan.

Kakapasok pa lang niya sa loob ng factory na pinapasukan at hindi pa siya nakapag-punch in sa bio dahil may ilang minuto pa bago ang oras ng in niya.

Mabilis niyang kinuha sa bulsa ng pantalon ang cellphone. Lumawak ang ngiti niya nang mabasa kung sino ang nag-text. Si Jevy!

"Good morning, my life. I missed you!"

Malapad ang ngiti niya habang binabasa ang message ni Jevy lalo na nang mabasa ang endearment na ginamit nito. Dati ay ayaw niyang may endearment sila ni Jevy, pero mapilit ang kasintahan kaya't nakasanayan na niya.

Bago pa makapag-reply si Issay ay nag-appear na sa screen ng phone niya ang mukha ni Jevy. He is calling!

Napailing siya at tahimik na ngumiti. Hindi talaga ito makatiis.

Bago sagutin ang tawag ay naglakad muna siya papuntang recreation area dahil sa sobrang ingay ng ibang trabahante na nasa locker. Saka lamang niya sinagot ang tawag nito nang makarating siya sa recreation area dahil medyo tahimik na roon.

"Hey! You called," masayang bungad niya.

"Nagtataka lang kasi ako,"  kaagad na sagot nito.

Nangunot ang noo ni Issay dahil sa sinabi ng kasintahan.

"Ha, Bakit?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili. Did I do something wrong?

"Ang liit lang kasi ng utak ko, paano ka kaya nagkasya rito? Hindi ka na kasi maalis sa isip ko at nakakulong ka na yata rito!" Nasa boses nito ang panunudyo nang magsalita ito.

Namilipit sa kilig si Issay dahil sa hugot ng kasintahan. Alam niyang luma na ang banat nito pero kinikilig pa rin siya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang ngiting nais kumawala. Lalo na at may ilang empleyado na rin ang naroon sa recreational area na nagpapalipas din ng oras. Baka kung ano pa'ng isipin ng mga ito kapag nakita siyang nangingiting mag-isa.

Kahit sagad hanggang buto na ang kilig na naramdaman ay pinigil niya ang sarili bago magsalita.

"Puro ka kalokohan, eh," aniya. Pero sa kaibuturan ng puso niya ay kinikilig naman siya sa mga pick-up lines nito.

"Hindi kalokohan 'yon, my life!" walang bahid ng biro ang boses nito. "Kahit kailan ay hindi ako makikipaglokohan sa'yo. Alam mo namang ikaw ang oxygen ko 'di ba? Kapag wala ka, hindi ako makahinga," dagdag ulit nito.

Lalong napangiti ang dalaga. This time she couldn't contain her happiness swelling inside. She doesn't care if someone sees her smiling out of nowhere.

"At ikaw naman ang inspirasyon ko kaya pilit kong kinakaya ang hamon ng buhay, Jev," madamdaming sagot niya.

Narinig niya ang paghugot nito nang malalim na buntong-hininga. Para bang nahihirapan itong wala siya sa tabi nito.

"At nang dahil sa'yo, nagbago ang pangarap ko sa buhay. Para kang mabangong bulaklak sa hardin na nagbibigay ng sigla sa bawat umaga, punong-puno ng kulay at nagpapawala ng stress sa buhay."

"Woahh... Ang lalim no'n, ah," pagbibiro niya. Naninikip kasi ang dibdib niya dahil puno ng bahid ng katotohanan ang boses nito habang nagsasalita. And she is missing him so much that it makes her heart aches. Her longings for Jevy grows as she hear those words. Those words that comforting her that everything will be okay. And then day will come that they will finally see each other, she's planning on visiting him.

"Kasing lalim ng pagmamahal ko sa'yo, my life," seryosong saad nito.

Marahan siyang tumikhim nang may bumikig sa lalamunan niya dahil tagos sa puso niya ang sinabi ni Jevy.

She missed him already. Kaya bago pa siya mag-break down ay nagpaalam na siya rito dahil kailangan niya na ring mag-in sa trabaho.

"Okay, I'll call you later when you're free, okay, my life?" pagpapaalam ng binata.

"Okay, bye. Kailangan ko nang mag-in. Ayaw kong ma-late," mabilis na paalam din ni Issay.

"Sige, my life. Bye! I love you!"

Napangiti siya nang malapad.

"I love you, too!" marahang sagot niya saka tuluyang pinutol ang tawag.

Dumiretso siya sa banyo pagkatapos ang tawag na iyon upang mag-retouch nang mabilis saka bumalik sa locker upang ilagay ang gamit. Pagkatapos ay mabilis siyang nag-in sa biometric fingerprint at kaagad na dumiretso sa area niya.

Naka-assign siya sa quality control department kung saan si Marra ang supervisor niya. Pero ngayong umaga ay nakatoka siyang mag-steam ng ilang damit na masiyadong lukot bago ito ipasa sa packaging area. Hindi na siya nagreklamo at kaagad na nag-umpisang magtrabaho.

Abala siya sa pag-i-steam nang biglang sumagi sa isip niya ang kasintahan at ang matatamis na salita nito nang kinausap siya nito. Hindi niya napansing nakangiti na pala siyang mag-isa habang nakatitig sa kawalan.

"A penny for your thoughts? Baka kasi masunog na ang ini-steam mo sa pagngingiti-ngiti mo riyan!"

Kaagad na natigilan si Issay nang marinig ang malamig at buong-buong tinig na animo'y musika sa kanyang pandinig. Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses na labis niyang pinagsisihan. Sa biglaang pagharap niya sa kung sinuman ang nagsalita ay natabig niya ang hose ng steamer at muntik na iyong mahulog sa ulo niya.

Mabuti na lang at maagap ang lalaki. Mabilis nitong nasalo agad ang hawakan ng umuusok pang steaming iron.

Bumilis ang tahip ng puso ni Issay nang maramdaman ang magkalapit na katawan nila ng estrangherong lalaki. Sa sobrang lapit ng katawan nila sa isa't isa ay langhap na langhap niya ang mabangong amoy ng pabango nito na kahit matapang ay hindi masakit sa ilong.

Nang umakyat ang tingin niya sa mukha nito ay nangunot ang noo niya dahil nakasuot ito ng shades. Pero hindi maikakaila ni Issay na kahit naka-shades ito ay hindi nito maitago ang angking kaguwapuhan na halatang-halata sa makinis nitong pisngi na medyo namumula, at matangos na ilong na siyang pinatungan ng kanyang shades.

Tulala siyang napatitig sa bahagyang nakabukang labi nito.

Why is it so inviting?

"So, papasa na ba ako sa panlasa mo?" Bigla ay ngiting-ngiti salita ng estranghero.

Kaugnay na kabanata

  • Better Than Revenge    Chapter 3

    "So, papasa na ba ako sa panlasa mo?" nang-aasar na tanong ni Louie sa kaharap nang hindi ito umimik at nanatiling nakamasid sa kanya. He smirked seeing the woman's face stunned by his outstanding looks.Well, hindi niya maitatanggi, guwapo naman talaga siya-hindi sa pagmamayabang- kaya nga maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.Naaliw siyang pagmasdan ang gulat sa mukha ng dalagang kaharap. Nakaawang ang mga labi nito habang nakatulalang nakatitig sa kanya.Maya-maya'y bigla nitong itinikom ang nakabukang labi saka kapagkuwan ay nagsalita."Excuse me?" mataray na bulalas nito. Ikinurap-kurap nito ang mata upang itago ang embarrassment, ngunit hindi na iyon nakaligtas kay Louie. Itinaas nito ang kilay upang takpan ang pamumula ng pisngi, na tahimik niyang ikinangisi. "Hindi isang katulad mo ang pinapantasya ko. Tse!"Louie chuckled to himself. Alam niyang pilit nitong tinatago ang pamumula ng pisngi sa pagitan ng pagsusungit nito kaya bahagya na lang niya itong tinawanan.Ngumi

    Huling Na-update : 2022-09-12
  • Better Than Revenge    Chapter 4

    Kinabukasan, alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Issay. Maaga ang biyahe niya papuntang Baguio at ipinagpasalamat niya na malapit ang istasyon ng bus sa condominium na tinitirhan nila."Here I come, Jevy. It's been so long and I can't wait to see you. Wait for my surprise!" malapad ang ngiting bulong niya sa sarili habang nakatitig sa picture nito sa wallpaper ng cellphone niya. Walang kaalam-alam ang kasintahan na pupuntahan niya ito sa Baguio.Upang maiwasan ang matagal na biyahe ay ipinikit niya ang mata upang umidlip. Ang tainga niya ay sinalpakan niya ng earphone at nakinig ng music.Hindi malalim ang tulog niya dahil manaka-naka siyang dumidilat upang sulyapan ang paligid. Hindi niya kayang pigilan ang excitement na nararamdaman. Sa wakas makalipas ang anim na buwan ay magkikita na rin sila ni Jevy.Nagising nang tuluyan si Elyssa dahil sa malakas na sigaw ng konduktor ng bus. Malapit na sila sa destinasyon nila. Mabilis niyang niligpit ang gamit at inihanda ang sa

    Huling Na-update : 2022-09-12
  • Better Than Revenge    Chapter 5

    "What's with that girl?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Louie sa sarili.Ilang minuto na siyang sumusunod sa dalaga pero hindi pa rin niya mawari kung saan ang destinasyon ng paa nito. Nagrereklamo na sa pagod ang binti niya. Louie's been an athletic type of person but he's mentally tired of following thatwoman. Even so, his heart still yearn to walk behind her. Hindi niya mawari pero kahit nagrereklamo ang isip ay ayaw sumunod ng puso niya. It's still wants to follow the woman wherever she want to go.Ngayon pa ba ako magrereklamo? Ngayong mas may rason kung bakit ko tatanggapin ang alok ni Papa sa factory?Lihim na napangisi si Louie habang nakatitig pa rin sa dalaga. Ilang metro ang agwat niya pero wala itong kaalam-alam na may sumusunod rito. What a careless woman! Napailing siya sa naisip at bahagyang nangalit ang ngipin. Paano kung ibang lalaki ang sumusunod dito? She will be in danger without her knowing!Hindi alam ni Louie pero nanikip ang dibdib niya sa inis dahil sa is

    Huling Na-update : 2022-09-30
  • Better Than Revenge    Chapter 6

    Napahinto sa paglalakad si Elyssa nang nakaramdam ng matinding pagod. Nanghihinang napaupo siya sa isang bench na nadaanan sa labas ng isang establesimyento na hindi siya sigurado kung ano. Pagod na pagod siya. Mentally and physically. Durog na durog din ang puso niya dahil hindi pa rin niya kayang i-absorb ang nangyari kaninang umaga.Matagal-tagal na siyang naglalakad ng walang patutunguhan dahil gulong-gulo ang isip niya. Pati cellphone niya ay lowbat na rin kasabay ng pag-lowbat ng pagmamahal niya kay Jevy.Humugot siya ng mahinang buntong-hininga upang pagaanin ang sarili ngunit hinayaan niyang pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mata. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya. Naninikip ang dibdib niya. Mixed emotions rummaging inside her. Hindi na niya mawari kung sakit, poot o pagkaawa sa sarili ang nararamdaman. She felt betrayed.Mula sa kinauupuang bench ay wala sa sariling napatingin siya sa katapat na bar. May ribbon cutting na nagaganap marahil, ay grand opening ng bar

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Better Than Revenge    Chapter 7

    It took a few seconds before Issay processed what the man had said. Nang rumehistro sa utak niya ang sinabi nito ay napamulagat siya. Eyes bulging in terror and heart beating like a drum."What!?" gulat na bulalas niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya na parang niraragasa ng daga. How could she follow this stranger? Porke't ba guwapo na magtitiwala na siya kaagad? Ngunit bakit hindi niya maiwasang humakbang upang sumunod dito?Bumaling sa kanya ang lalaki na may pilyong ngiti sa labi. Naliliwanagan ng street light ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang ngiti sa mukha nito."Yep! You heard me right, Miss Castillo. Don't worry. I will make you happy on this wonderful evening!" tukso pa nito.Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Binilisan niya ang paghakbang upang pumantay sa lakad nito. He is tall and his legs strode longer. Kaya malalaki rin ang hakbang na ginagawa niya upang makasabay sa paglalakad nito."No! Give me back my wallet, now! Or else, ipapapulis kita!" Nakapamaywang

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Better Than Revenge    Chapter 8

    Napigil ni Elyssa ang hininga nang magtagpo ang mata nila ng lalaking minsan ay naging malaking parte sa buhay niya. Bakas sa mukha nito ang galit at hinanakit. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ito pa ang nagagalit sa kanya. Aren't they the ones that fooled her? Dapat siya ang magalit. Dapat siya ang maghinanakit, hindi ang mga ito.Nakaramdam ng pangongonsensiya si Elyssa na hindi niya akalaing mararamdaman niya. Ngunit agad din itong napalitan ng panibugho nang makitang lumapit dito ang babaeng kinasusuklaman niya. Wala sa huwisyong humigpit ang hawak niya sa balikat ng kasayaw."Any problem?"Napukaw ang diwa ng dalaga nang biglang magsalita ang kasayaw. Marahil naramdaman ang mariing pagpisil niya.Umiling si Issay at matamis na ngumiti upang itago ang tunay na nararamdaman na ikinanoot ng nito ng kasayaw. Ngunit alam ng dalaga na basang-basa ng lalaki ang bawat kilos niya."Nothing!" blanko ang mukhang sagot niya. "Tara, upo na tayo," yaya na lang niya. Wala na siyang gan

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Better Than Revenge    Chapter 9

    Napalingon si Elyssa nang biglang dumating sa tabi niya ang lalaking kanina pa nanggugulo sa kanya."Kanina pa kita hinahanap, hon," nakangiti pa ring dagdag ng lalaki . Lumapit ito sa kanya at huminto sa tabi niya habang malamlam ang matang nakatitig sa kanya. Ni hindi nito binigyan ng pansin ang dalawang kaharap niya at sa kanya naka-focus ang atensyon nito. Napabaling naman ang tingin ni Jevy at Julie rito."Siya ba ang pinagpalit mo sa'kin Issay?" mapait na tanong ni Jevy sa kanya. Bakas sa boses nito ang hapding naramdaman na 'di niya maintindihan kung bakit. Samantalang siya naman itong pinaglaruan. Siya dapat ang makaramdam ng sakit, hindi ito."Oo!" taas-noong sagot niya. Walang pakundangang sinakyan niya ang pagpapanggap ng lalaking katabi. If this is the reason for Jevy to stop bothering her, she will pretend. She will pretend that nothing had happened. That she didn't know someone like Jevy. Na hindi siya nagmahal ng isang katulad nitong manloloko.Pero ang mata ni Elyssa ay

    Huling Na-update : 2022-10-12
  • Better Than Revenge    Chapter 10

    Napakunot-noo si Louie nang sa pagbalik niya sa bar counter na pinag-iwanan niya kay Elyssa ay wala na ang dalaga. Tanging backpack nito ang umuukupa sa inuupuan nito. Labis ang pagtataka niya at baka kung saan ito nagtungo. Imposibleng pupunta ito ng kung saan-saan o kahit sa banyo dahil hindi na nito kayang buhatin ang sarili sa sobrang kalasingan nito. Binilisan niya ang hakbang at kaagad na lumapit kay Minho."Hey, pare. Nakita mo si Elyssa?" puno ng pagtatakang tanong niya nang makalapit sa kaibigan. Abala ito sa paghahalo ng inumin nang madatnan niya.Saglit nitong itinigil ang pagsasalin ng alak at kunot ang noong umangat ng tingin sa kanya."Huh? 'Di ba kasama mo siya?" hindi makapaniwalang tanong nito.Parang nawala ang kalasingan ni Louie dahil sa sagot ng kaibigan. Marahas niyang naihilamos ang kamay sa mukha."Hindi, pare. Iniwanan ko siya saglit dito dahil pumunta ako ng banyo. I definitely know that she was drunk and passing out. Kaya imposibleng pupunta iyon kung saan-sa

    Huling Na-update : 2022-10-13

Pinakabagong kabanata

  • Better Than Revenge    Epilogue

    Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya

  • Better Than Revenge    Chapter 121

    "Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang

  • Better Than Revenge    Chapter 120

    Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S

  • Better Than Revenge    Chapter 119

    "Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit

  • Better Than Revenge    Chapter 118

    Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?"Insan!”Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap

  • Better Than Revenge    Chapter 117

    Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigil ang galit na nilingon ito.“Bakit ka nandito?” "Oh?" Nakataas ang kilay na lumapit ito sa kanya. "Maganda ka rin pala kapag naayusan!? But, too bad hindi pa rin maitago ng make-up at magandang damit ‘yang putik na pinaggalingan mo!" pang-iinsulto pa nito.Pinigil ni Elyssa ang sarili na huwag itong patulan. Kanina pa siya galit dito at baka kung ano pa ang magawa niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinalikuran. Ayaw niyang makipag-usap dito. Karma will come knocking on her door soon.Tingnan natin mamaya kung sino sa atin ang putik! Napaismid na lang si Tracy habang nakasunod ang tingin sa kanya."Oh, iha. There you are. Kanina pa kita hinihintay. Halika, mag-uumpisa na a

  • Better Than Revenge    Chapter 116

    Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tulog. At ngayon nga ay kumakatok na ulit ito. Pinaghahanda na siya dahil aayusan para sa party mamaya. Alas-singko na ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Louie na lalong nagpapasama ng loob niya. Mula kaninang umaga pagkagising niya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang anino nito.Dapat ay masaya si Elyssa dahil welcome party niya ngayon at makikilala na siya ng sambayanan na isang heridera ng Del Rio group. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sobrang bigat ang pakiramdam niya."Walanghiya ka, Louie! Niloloko mo lang pala ako! Kahit kailan hindi mo ako minahal! Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. A

  • Better Than Revenge    Chapter 115

    Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include about her. Elyssa was not hurt by that, but curiosity got out of her. "Bakit ‘nak?" Hindi na makatiis ang kanyang ina kaya nagtanong ito nang makita ang pagkabalisa niya. Napakamot sa ulo si Elyysa at nilingon ang ina. "Wala po. I was just wondering what Louie could talk about with Jevy and the rest. Hindi pa naman sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa. Misteryosong ngiti ang iginanti ng ina. Bahagyang nangunot ang noo ni Elyssa dahil sa reaksyon ng ina. Pati ba ito may alam? "Don't worry so much about it, iha. Everything is under control!" "What do you mean, inay?" nagtataka pa ring tanong niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ni Louie at umayos ng tayo. Ngunit hindi ito sumagot ba

  • Better Than Revenge    Chapter 114

    “Damn! Issay?" Hindi makapaniwalang sansala ni Louie nang makita sa likuran niya si Elyssa. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang babaeng kayakap na wala siyang ideya kung sino. What the hell! Who is that?!Namutla na parang binuhusan ng suka ang mukha ni Louie nang makita ang hitsura ng taong kaharap. How could I mistake this woman for Issay? Damn, I’m doomed!Bumaling siya sa kasintahan. “Issay, you are there…” Napakamot siya sa batok."Oo, nandito ako! Sino ‘yang kayakap mo?" Ngumiti ito pero alam ni Louie na hindi ito natutuwa sa ginawa niya."A-ahh, honey kasi… I’m sorry. I mistaken her for you.” Nakangiwi ang mukha na paliwanag ni Louie at sinulyapan ang estrangherang babae. He flinched when he saw her looking at him dreamingly.Elyssa snickered. Hindi masisisi ni Louie ang kasintahan kung bakit. Her girlfriend was far from the woman he mistakenly hugged. Hindi siya mapanglait pero ayaw niya ikompara ang dalawa dahil mula Batanes hanggang Julu ang agwat ng dalawa."Loui

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status