"Who are you?" kinakabahang tanong ni Elyssa sa lalaking kaharap nang mapagtantong hindi niya ito kilala.
Mabilis siyang napaatras nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa batuhan at naglakad palapit sa kanya. Naliwanagan ng sinag ng buwan ang mukha nito kaya't malinaw sa kanya na hindi nga ito si Jevy.Kahit nanginginig ang kamay sa klase ng pagkangisi nito sa kanya ay hindi niya iyon pinahalata. Pilit niyang nilalabanan ang takot at taas noo itong hinarap.Lalong naging malapad ang pagkangisi ng lalaki habang unti-unting itong humakbang palapit sa dalaga."Tama nga ang sabi ni Jevy. You're a beauty!" mala-demonyong wika nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.Nakadama ng takot si Issay dahil sa uri ng titig ng estrangherong lalaki. Pilit niyang inihakbang ang paa paatras habang papalapit ito sa kanya. Hindi niya ito kilala pero kilala nito ang kasintahan niya. Gayunman ay hindi siya maaring magtiwala rito, lalo na sa uri ng mga tingin nito."Huwag kang lalapit!" pasigaw niyang pigil sa lalaki nang ilang hakbang na lang ang layo nito sa kanya. Malakas ang kabog ng dibdib niya dala ng matinding takot.Hindi siya pinakinggan ng lalaki at nagpatuloy ito sa paghakbang. Hayok na hayok siya nitong tinititigan at anumang oras ay akma siyang susunggabin na parang gutom na gutom na leon.Issay felt the urge to run, so she did what she thinks what is right. Nang medyo malapit na ito sa kanya ay malakas niyang sinipa ang sentro ng pagkalalaki nito at kaagad na tumakbo pabalik sa kalsada bago pa siya nito maabutan.Narinig pa niyang napamura ito sa sakit."Damn it!" galit na hiyaw nito. Pilit siya nitong hinabol kahit paika-ika ang katawan nito.Dahil medyo may heels ang suot niyang sandalyas ay nahirapan siya sa pagtakbo. Nangilabot siya nang naabutan siya ng lalaki at kaagad na hinatak pabalik sa dalampasigan. Pasalya siya nitong tinulak sa buhanginan."You little prick!" galit na bulyaw nito at walang pakundangang tinadyakan siya sa baywang na ikinaigik niya.Malakas siyang napasinghap dahil pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin sa baga. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng tadyak nito.Kahit nanginginig sa takot ay pinilit niya ang sariling bumangon. Hindi siya makakapayag na pagsamantalahan siya ng demonyong lalaking 'to.Ngunit bago siya tuluyang makatayo ay isang malakas na tadyak muli ang pinakawalan nito na halos nagpawala sa ulirat niya. Muli siyang napahiga. Namilipit sa sakit na iniwasan niya ang nakausling matulis na batong muntikan ng tumama sa pisngi niya.Nang halos hindi na siya makatayo ay kaagad siyang kinubabawan ng lalaki. Mahigpit nitong hinawakan ang dalawang kamay niya kaya hindi siya nakawala.Nagpumiglas si Elyssa at pilit itong nilabanan kahit sa nanghihinang katawan."Bitiwan mo 'ko!" namamaos na sigaw niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng matinding takot. Pero naroon ang kagustuhang lumaban."No, sweetie girl! You will be mine tonight!" nakangising sagot nito.Lalong hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak sa kamay niya. Pilit siya nitong hinalikan pero kontodo iwas ang mukha niya. She don't want this man to taste any inch of her."Huwag ka ng lumaban, Elyssa! Wala ka ng kawala!" mala-demonyong wika ng lalaki.Bumaba ang labi ng estranghero sa leeg niya at dinilaan ang makinis na balat niya. Wala siyang nagawa kundi ang tahimik na lumuha habang pilit na sinasaliksik sa isip kung ano ang dapat gawin upang takasan ito. She needs to calm down to think of a plan.She can fight. She knows it. Lumaki siyang tinuruan ng kanyang ama na lumaban. Kailangan niya lang ipunin ang lakas niya.Kahit nandidiri at nagugulumihan sa ginagawa ng lalaki sa katawan niya ay pilit niya iyong ininda upang magtagumpayan ang plano.Hindi siya makakapayag na mauwi sa ganito ang iniingat-ingatan niyang pagkababae. Hindi siya papayag na sa kamay ng demonyong lalaking 'to masisira ang buhay niya.Nang medyo nakabawi ng lakas ay kinapa niya ang batong nasa tabi niya. Malambot ang pagkakapit ng bato sa buhangin kaya sigurado siyang mahuhugot niya iyon.Binitawan ng lalaki ang dalawang kamay niya bagama't nakadagan pa rin sa kanya ang mabigat na katawan nito. Siguro ay naisip nitong nagpapaubaya na siya dahil hindi na siya lumalaban.Pasimple niyang hinugot ang matulis na bato habang abala ito sa paghalik sa leeg niya na hindi niya iniiwas. Hinayaan niya ito sa kung ano ang gusto nitong gawin sa katawan niya upang mapaniwala itong hindi na niya kayang lumaban.Nang bumaba ang labi nito patungo sa dibdib niya ay saka niya malakas na ipinukpok sa ulo nito ang bato ng dalawang beses at malakas itong itinulak upang makawala rito.Dahil sa sugat sa ulo na natamo ay hindi kaagad ito nakatayo. Malakas niya itong tinadyakan sa tagiliran at gamit ang sandalyas ay ilang beses niya itong inapakan sa dibdib.Duguan na ang mukha nito sanhi ng sugat nito sa ulo at napapubo na rin ito ng dugo ngunit hindi pa rin siya tumitigil.Parang may kung anong sumanib na pwersa sa kanya na gawin iyon sa lalaki para lang mailigtas niya ang sarili.Nang halos hindi na ito makalaban ay tinakbo niya ang pouch na natapon kanina dahil sa pagpupumiglas at kaagad na dinampot.Akma na siyang hahakbang ngunit sa paglingon niya ay nasa likuran na niya muli ang lalaki at nakangisi sa kanya habang ang dugo sa sugat nito ay dumadaloy sa pisngi nito."You think you can get away from me, Elyssa?"Nahindik ang dalaga sa hitsura nito. Ngunit hindi siya nagpatinag. Bago pa siya nito mahawakan ay inunahan niya itong suntukin sa mukha at inundayan ng sipa sa sikmura. Hindi ito nakahuma. Nagawa nga nitong tumayo subalit nanghihina ito dahil sa sugat nito.Hindi nakaramdam ng awa si Issay habang bayolenteng sinasaktan ang lalaki.Umikot siya at muling malakas na sinipa sa mukha ang lalaki dahilan upang tuluyan itong matumba. Tumama ang ulo nito sa batuhan na malapit sa dalampasigan.Hindi pa siya nakuntento ay lumuhod siya sa tagiliran nito at hinampas ng ilang beses ang ulo nito sa batuhan. Lupaypay na ito ng kanyang tinigilan.Saka siya biglang natauhan at nasindak sa nagawa. She looked terrified. Scared as she look at what she'd done."Oh my God! What have I done?" natutulirong wika niya. Hindi makapaniwala sa nagawa.Kaagad na sumalakay ang takot sa dibdib niya at 'di alam kung anong gagawin habang pinagmamasdan ang walang malay nitong katawan. halos umugong na sa lakas ang pagkabog ng dibdib niya."Did I kill him? Did I really... Ano'ng gagawin ko?" Takot na takot na tanong niya sa sarili habang nakatulalang nakatingin sa katawan ng lalaki. "Paano ko na matatakasan 'to? Paano kung malaman nila ang ginawa ko? Paano na ako?" naiiyak na tanong niya sa sarili."Hindi ko naman ginusto 'to eh! I'm sorry!"Sa sobrang takot at pangamba sa maaring hatol sa kanya ay kaagad niyang nilisan ang lugar at tinakasan ang nagawang krimen. Wala na siyang ibang naisip kundi iligtas ang sarili sa anumang maaring ihatol sa kanya. Wala na siyang ibang naisip kundi ang ilayo ang sarili sa lugar na kinalakhan."Totoo ba, Papa? Pati ang factory ay ipapamahala niyo na sa'kin? Pa, naman! Hayaan niyo namang ma-enjoy ko pa ang kabataan ko. Bata pa ako. I'm only twenty two-" naputol ang iba pang sasabihin ni Louie nang magsalita ang ama."Yes. That's it!" nakapamaywang na wika nito. "Twenty-two ka na. Dapat marunong ka nang humawak ng negosyo ng pamilya. You need to train seriously. Hindi 'yong puro kalokohan lang ang nasa isip mo!" pangaral pa nito.Louie just rolled his eyes. He knows. Once his father decides, it will be done, and no one can bend it.Wala rin siyang nagawa kundi ang sundin ang utos nito na pamahalaan ang factory na naiwang negosyo ng ama nito.His brows furrowed. At the age of twenty-two, his life is already stressful. He is one of the hottest bachelors in town, and girls flock around him. Iyon pa lang ay nagpapa-stress na sa kanya.Well, he can't stop that. He got looks, money, and charm that make women swoon over him."I'm serious with my life, Papa," kapagkuwan ay saad niya. Umupo siya sa swivel chair at pinaikot-ikot iyon. "I'm already handling Del Rio Group, why need the factory? Paano naman ang studies ko, Pa? I'm a graduating student this year. I need time for my studies!" angal niya.He doesn't want to handle the factory. Del Rio Group is already enough for Louie. The garment factory should be at his brother's hand; he can take it well."It's the same, son. After you graduate from college, you are still handling our company. And I'm there to guide you. I'm sure you can handle it well!"Louie heave a deep sighed. Wala na talaga siyang kawala sa gusto ng ama. Seems like he can't have a lustful night everyday. Lihim siyang napaasik."Besides, my son, all the member of the board agreed that you will be the President. Alam nilang kaya mo nang pamahalaan ang kumpanya kahit sa edad mong 'yan!" muling pahayag ng kanyang ama."But how about, Kuya Dexon?" tukoy niya sa nakakatandang kapatid na kasalukuyang presidente ng Lines factory. "'Di ba siya ang namamahala sa factory?"Nagdilim ang mukha ng papa niya dahil sa tanong niya."Sa ayaw at sa gusto mo ikaw ang mamamahala sa factory! And that's final!" Mataginting na wika nito na nagpatahimik sa kanya.Tahimik siyang nakinig ng muli itong magsalita."You will travel to the Visayas to visit our factory branch before you finally take over. Get ready—your secretary has already packed your things. You'll leave this afternoon," huling wika nito saka tuluyan siyang iniwan.Wala sa sariling tumango si Louie sa sinabi ng ama at napatulalang nakatitig sa labas ng building.Hindi niya maintindihan kung bakit siya ang gustong pamahalain ng kanyang ama sa factory. His brother love that company. At ayaw niyang agawin dito ang posisyon nito dahil lalo lang iyong magbibigay ng lamat sa relasyon nilang magkapatid na ngayon ay hindi na maayos.Pinilit niya ang sariling tumayo kahit mabigat ang katawan dahil sa sinabi ng ama. Tinawagan niya ang secretary kung handa na ang kakailanganin niya. Nang sumang-ayon ito ay nagpasalamat siya saka inihanda na rin ang sarili.Kinahapunan ay nagbiyahe siya patungong Visayas upang bisitahin ang branch nila tulad ng sabi ng kanyang ama.Nagpahatid lang siya sa chopper ng kumpanya dahil mag ba-bus lang siya pabalik. Mas sanay siyang mag-commute kapag may bussiness trip na pinupuntahan.Hindi rin naman nagtagal si Louie sa branch, dahil kailangan din niyang bumalik kaagad kinagabihan. Nagpatawag lang siya ng meeting sa manager at nagpakilala sa mga ito tulad ng sabi ng kanyang ama upang maging pamilyar ang mga ito sa kanya.Nasa Caticlan, Aklan nakabase ang branch nila at hindi iyon kalayuan sa Del Rio bus station. Ang bus station na pag-aari ng kompanya nila.Nang makarating ay mabilis siyang sumakay sa Del Rio bus na papuntang Maynila dahil paalis na ito.Nakahinga siya ng maluwag ng bakante ang paborito niyang spot. The second to the last row of seat. Dali-dali siyang naglakad papunta sa dulo kahit umaandar ang bus.May nakaupo na sa upuang malapit sa bintana at nakasiksik ito sa kinauupuan nito kaya hindi na niya ito pinansin. Tahimik siyang naupo sa tabi nito kahit gusto niyang pakiusapan ito na magpalit sila ng upuan.Marahil ay naramdaman nito na may umupo sa tabi nito kaya nag-angat ito ng tingin sa kanya.Louie held his breath when he looked at her. Magulo ang buhok nito at namumutla ang mukha pero bakas sa mukha ang takot at sindak."Are you okay, miss?" tahimik na tanong niya.May konting liwanag sa loob ng bus kaya kitang-kita niya ang mukha nito.Hindi niya maiwasang mapatitig dito. Puno man iyon ng takot ay kitang-kita pa rin ang kagandahan niyon. Maganda ang hubog ng pisngi nito. Ang labi kahit maputla ay perpekto ang pagkahulma.Hindi siya nito sinagot at lalo lang napasiksik sa kinauupuan nito na para bang takot na takot.Walang nagawa si Louie kundi ang tahimik na pagmasdan ang kabuuan ng katabi.Nakasuot ito ng itim na dress pero kitang-kita niya na medyo butas butas na iyon. At hindi nakaligtas sa kanya ang amoy nito. Padapya man iyon ay tukoy pa rin niya kung ano 'yon."Dugo?"Anim na buwan ang matuling lumipas at medyo gabay na ni Elyssa ang pamumuhay sa Maynila. Kasalukuyan siyang nagtatarabaho sa factory na pinapasukan ng pinsan niyang si Marra, ang nag-iisang taong nilapitan niya pagkatapos takasan ang insidente na halos gabi-gabi ay dumadalaw sa panaginip niya.Walang alam ang tatay niya pati ang lola niya sa nangyari sa kanya. Pero bilang assurance sa mga ito ay kinontak ito ni Marra tatlong buwan matapos siyang tumakas. Halos mabaliw ang mga ito sa pag-aalala kung anong nangyari sa kanya ngunit hindi niya sinabi sa mga ito ang totoo. Humingi lamang siya ng tawad dahil hindi nakapagpaalam nang maayos sa mga ito.Si Marra rin ang sumagap ng balita tungkol sa nangyaring insidente. Umuwi ito ng Antique isang linggo pagkatapos ang sorpresang pagdating niya nang Maynila, upang makibalita.Saka lamang siya nakahinga nang maluwang dahil buhay pa ang lalaking muntikan ng gumahasa sa kanya, pero hanggang ngayon ay nanatili itong naka-coma. At magpasa-hanggang n
"So, papasa na ba ako sa panlasa mo?" nang-aasar na tanong ni Louie sa kaharap nang hindi ito umimik at nanatiling nakamasid sa kanya. He smirked seeing the woman's face stunned by his outstanding looks.Well, hindi niya maitatanggi, guwapo naman talaga siya-hindi sa pagmamayabang- kaya nga maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya.Naaliw siyang pagmasdan ang gulat sa mukha ng dalagang kaharap. Nakaawang ang mga labi nito habang nakatulalang nakatitig sa kanya.Maya-maya'y bigla nitong itinikom ang nakabukang labi saka kapagkuwan ay nagsalita."Excuse me?" mataray na bulalas nito. Ikinurap-kurap nito ang mata upang itago ang embarrassment, ngunit hindi na iyon nakaligtas kay Louie. Itinaas nito ang kilay upang takpan ang pamumula ng pisngi, na tahimik niyang ikinangisi. "Hindi isang katulad mo ang pinapantasya ko. Tse!"Louie chuckled to himself. Alam niyang pilit nitong tinatago ang pamumula ng pisngi sa pagitan ng pagsusungit nito kaya bahagya na lang niya itong tinawanan.Ngumi
Kinabukasan, alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising na si Issay. Maaga ang biyahe niya papuntang Baguio at ipinagpasalamat niya na malapit ang istasyon ng bus sa condominium na tinitirhan nila."Here I come, Jevy. It's been so long and I can't wait to see you. Wait for my surprise!" malapad ang ngiting bulong niya sa sarili habang nakatitig sa picture nito sa wallpaper ng cellphone niya. Walang kaalam-alam ang kasintahan na pupuntahan niya ito sa Baguio.Upang maiwasan ang matagal na biyahe ay ipinikit niya ang mata upang umidlip. Ang tainga niya ay sinalpakan niya ng earphone at nakinig ng music.Hindi malalim ang tulog niya dahil manaka-naka siyang dumidilat upang sulyapan ang paligid. Hindi niya kayang pigilan ang excitement na nararamdaman. Sa wakas makalipas ang anim na buwan ay magkikita na rin sila ni Jevy.Nagising nang tuluyan si Elyssa dahil sa malakas na sigaw ng konduktor ng bus. Malapit na sila sa destinasyon nila. Mabilis niyang niligpit ang gamit at inihanda ang sa
"What's with that girl?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Louie sa sarili.Ilang minuto na siyang sumusunod sa dalaga pero hindi pa rin niya mawari kung saan ang destinasyon ng paa nito. Nagrereklamo na sa pagod ang binti niya. Louie's been an athletic type of person but he's mentally tired of following thatwoman. Even so, his heart still yearn to walk behind her. Hindi niya mawari pero kahit nagrereklamo ang isip ay ayaw sumunod ng puso niya. It's still wants to follow the woman wherever she want to go.Ngayon pa ba ako magrereklamo? Ngayong mas may rason kung bakit ko tatanggapin ang alok ni Papa sa factory?Lihim na napangisi si Louie habang nakatitig pa rin sa dalaga. Ilang metro ang agwat niya pero wala itong kaalam-alam na may sumusunod rito. What a careless woman! Napailing siya sa naisip at bahagyang nangalit ang ngipin. Paano kung ibang lalaki ang sumusunod dito? She will be in danger without her knowing!Hindi alam ni Louie pero nanikip ang dibdib niya sa inis dahil sa is
Napahinto sa paglalakad si Elyssa nang nakaramdam ng matinding pagod. Nanghihinang napaupo siya sa isang bench na nadaanan sa labas ng isang establesimyento na hindi siya sigurado kung ano. Pagod na pagod siya. Mentally and physically. Durog na durog din ang puso niya dahil hindi pa rin niya kayang i-absorb ang nangyari kaninang umaga.Matagal-tagal na siyang naglalakad ng walang patutunguhan dahil gulong-gulo ang isip niya. Pati cellphone niya ay lowbat na rin kasabay ng pag-lowbat ng pagmamahal niya kay Jevy.Humugot siya ng mahinang buntong-hininga upang pagaanin ang sarili ngunit hinayaan niyang pumatak ang butil ng luha mula sa kanyang mata. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya. Naninikip ang dibdib niya. Mixed emotions rummaging inside her. Hindi na niya mawari kung sakit, poot o pagkaawa sa sarili ang nararamdaman. She felt betrayed.Mula sa kinauupuang bench ay wala sa sariling napatingin siya sa katapat na bar. May ribbon cutting na nagaganap marahil, ay grand opening ng bar
It took a few seconds before Issay processed what the man had said. Nang rumehistro sa utak niya ang sinabi nito ay napamulagat siya. Eyes bulging in terror and heart beating like a drum."What!?" gulat na bulalas niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya na parang niraragasa ng daga. How could she follow this stranger? Porke't ba guwapo na magtitiwala na siya kaagad? Ngunit bakit hindi niya maiwasang humakbang upang sumunod dito?Bumaling sa kanya ang lalaki na may pilyong ngiti sa labi. Naliliwanagan ng street light ang mukha nito kaya kitang-kita niya ang ngiti sa mukha nito."Yep! You heard me right, Miss Castillo. Don't worry. I will make you happy on this wonderful evening!" tukso pa nito.Lalo siyang kinabahan sa sinabi nito. Binilisan niya ang paghakbang upang pumantay sa lakad nito. He is tall and his legs strode longer. Kaya malalaki rin ang hakbang na ginagawa niya upang makasabay sa paglalakad nito."No! Give me back my wallet, now! Or else, ipapapulis kita!" Nakapamaywang
Napigil ni Elyssa ang hininga nang magtagpo ang mata nila ng lalaking minsan ay naging malaking parte sa buhay niya. Bakas sa mukha nito ang galit at hinanakit. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ito pa ang nagagalit sa kanya. Aren't they the ones that fooled her? Dapat siya ang magalit. Dapat siya ang maghinanakit, hindi ang mga ito.Nakaramdam ng pangongonsensiya si Elyssa na hindi niya akalaing mararamdaman niya. Ngunit agad din itong napalitan ng panibugho nang makitang lumapit dito ang babaeng kinasusuklaman niya. Wala sa huwisyong humigpit ang hawak niya sa balikat ng kasayaw."Any problem?"Napukaw ang diwa ng dalaga nang biglang magsalita ang kasayaw. Marahil naramdaman ang mariing pagpisil niya.Umiling si Issay at matamis na ngumiti upang itago ang tunay na nararamdaman na ikinanoot ng nito ng kasayaw. Ngunit alam ng dalaga na basang-basa ng lalaki ang bawat kilos niya."Nothing!" blanko ang mukhang sagot niya. "Tara, upo na tayo," yaya na lang niya. Wala na siyang gan
Napalingon si Elyssa nang biglang dumating sa tabi niya ang lalaking kanina pa nanggugulo sa kanya."Kanina pa kita hinahanap, hon," nakangiti pa ring dagdag ng lalaki . Lumapit ito sa kanya at huminto sa tabi niya habang malamlam ang matang nakatitig sa kanya. Ni hindi nito binigyan ng pansin ang dalawang kaharap niya at sa kanya naka-focus ang atensyon nito. Napabaling naman ang tingin ni Jevy at Julie rito."Siya ba ang pinagpalit mo sa'kin Issay?" mapait na tanong ni Jevy sa kanya. Bakas sa boses nito ang hapding naramdaman na 'di niya maintindihan kung bakit. Samantalang siya naman itong pinaglaruan. Siya dapat ang makaramdam ng sakit, hindi ito."Oo!" taas-noong sagot niya. Walang pakundangang sinakyan niya ang pagpapanggap ng lalaking katabi. If this is the reason for Jevy to stop bothering her, she will pretend. She will pretend that nothing had happened. That she didn't know someone like Jevy. Na hindi siya nagmahal ng isang katulad nitong manloloko.Pero ang mata ni Elyssa ay
Epilogue Uminat ng katawan si Elyssa habang nanatiling nakapikit. Kinapa niya ang unan na siyang ginagamit ni Louie kapag natutulog ito sa kama niya upang yakapin ngunit wala iyon sa tabi niya. Inaantok na nagmulat ang dalaga at baka nahulog at hinigaan na naman ng alaga niyang pusa na si Xianxian. "Xianxian…" Namamalat ang boses na tawag niya. Wala siyang maayos na tulog kagabi dahil napuyat siya sa kakagawa ng final assessment para sa project niya sa eskwela. Isa pa, hindi siya makatulog dahil halos buong araw na hindi siya kinokontak ni Louie. Muli siyang napapikit dahil sa paghapdi ng mata pero biglang may kumiliti sa ilong niya. "Argh! Xianxian, stop it!" saway ng dalaga. Alam niyang kapag tanghali na at hindi pa siya gising ay iistorbohin ng alaga ang tulog niya hanggang bumangon siya sa kama at laruin ito. Hindi pinansin ni Elyssa ang alaga at bahagyang tinabig ang buntot nitong naglalaro sa ilong niya. Pero patuloy pa rin ito sa paglalaro ng buntot nito sa mukha niya
"Louie…" Elyssa called and hugged him from behind even tighter. "Kuya…" nanghihinang tawag ni Louie at isinandal ang katawan sa kanya. The ambulance arrived, but was too late. Bangkay na nang maabutan ng mga ito si Dexton. Habang inaalis ng medic ang katawan nito ay lupaypay pa rin sa sahig si Louie. His overbearing image was erased and replaced by a pitiful one. Humahangos na lumapit ang papa ni Louie sa kanila. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakalapit na rin. "Walang hiya talaga ang Tracy na ‘yun! Baliw na ay mamamatay tao pa!" Nanggagalaiting komento ni Marra. Tahimik lamang na tumango si Elyssa habang sinusundan ng tingin ang mga medic na buhat-buhat ang stretcher na kinalalagyan ng bangkay ni Dexton. Nanatili pa rin siyang nasa tabi ni Louie. He was still silently grieving. "I’m sorry, kuya. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa ‘yo dahil nadamay ka sa problema namin kay Tracy. Pero maraming salamat at niligtas mo ang buhay namin ni Issay. Hinding-hindi ko makakalimutan ang
Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Elyssa nang makita si Tracy na tinututukan sila ng baril. Ang kaninang puso niyang punong-puno ng tuwa at pagmamahal ngayon ay napalitan ng matinding kaba at takot. She could see the people below panicking and trying to stop Tracy, but they were scared it would backfire. Baka ang mga ito ang pagbabarilin ni Tracy. "Louie…" tawag niya sa kasintahan na nanginginig ang boses. Louie shielded Elyssa and let her stand behind him for protection. "Wow! How sweet!" sarkastikong sigaw ni Tracy. "Pero tingnan natin kung saan aabot ‘yang ka-sweet-an n’yo kung makarating na diyan ang bala ng baril ko!" Nakangisi pang dugtong nito habang patuloy na nakatutok ang baril sa kanila. "Tracy! What do you think you’re doing?!" Madilim ang mukhang sigaw ni Louie. Tumawa lamang ito nang malakas na parang isang baliw. "What do you think I’m doing, sweetie? E, ‘di inaangkin ang talaga namang akin!" Ikinasa nito ang baril at ang daliri ay nakalagay na sa trigger. S
"Louie?" garalgal ang boses at mahinang sambit ni Elyssa. The world suddenly stopped when she heard the words coming from Louie. Elyssa stood on her ground, frozen like a statue, and couldn’t utter anything. As Elyssa looked straight into Louie’s brown irises, every beat of her heart pumped fast as if it were drumming inside."Will you be my wife, Elyssa Dane Del Rio Castillo?" Louie asked again when Elyssa didn’t answer.Elyssa blinked to stop her tears from falling. Her hands tremble with the beat of her heart. When Louie smiled, he assured her that this love would last a lifetime. She could see the sincerity and love speaking through his eyes. This is the man that Elyssa will be with for the rest of her life.Naluluha pero nakangiti niyang sinalubong ang tingin ni Louie."Yes, Louie! Y-yes! I will marry you, honey!" Elyssa cried and grasped Louie’s hand. Walang pagsidlan ng tuwa ang puso niya.Lumawak ang pagkakangiti ni Louie saka ito tumayo. Kinuha nito ang singsing na nakadikit
Hindi maiwasan ni Elyssa ang ngiti na sumilay sa kanyang labi dahil sa nabasa."These words remind me of something.” Elyssa thought, as she used the puzzle board to fan herself while walking back inside the mansion. Pakiramdam niya ay binabanas siya dahil hindi pa rin niya nakikita si Louie. Didn’t I deserve an explanation about your whereabouts, Louie? Nasaan ka na? Pagkatapos nang maliligayang sandali natin, iiwan mo na ako nang basta-basta? Talaga ba na si Tracy ang pinili mo kaysa sa ‘kin?Mabilis na kumurap si Elyssa upang pigilan ang mga luha na nais pumatak. Ayaw niyang masira ang make-up niya bagama’t wala naman iyong kuwento kung hindi niya makikita si Louie.Ang lakas ng loob na magpakita rito ng babaeng ‘yun! Gusto niyang ipamukha sa akin na nagkabalikan na sila ni Louie?"Insan!”Kaagad na inayos ni Elyssa ang guhit ng mukha nang makita ang ngiting-ngiting si Marra. Ayaw niyang malaman nito kung ano ang kumukulo sa loob niya.“Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap
Hindi pinansin ni Elyssa si Tracy at dire-diretso siyang naglakad papunta sana sa hardin pero tila may sa aso ata ang ilong ng babae at naamoy siya nito. “Oh… The factory girl,” patuya nitong tawag. Nagkahagikhikan sila ng kasama nito habang papalapit sa kanya.Huminto sa paglalakad si Elyssa at pigil ang galit na nilingon ito.“Bakit ka nandito?” "Oh?" Nakataas ang kilay na lumapit ito sa kanya. "Maganda ka rin pala kapag naayusan!? But, too bad hindi pa rin maitago ng make-up at magandang damit ‘yang putik na pinaggalingan mo!" pang-iinsulto pa nito.Pinigil ni Elyssa ang sarili na huwag itong patulan. Kanina pa siya galit dito at baka kung ano pa ang magawa niya. Tinaasan niya lang ito ng kilay at agad na tinalikuran. Ayaw niyang makipag-usap dito. Karma will come knocking on her door soon.Tingnan natin mamaya kung sino sa atin ang putik! Napaismid na lang si Tracy habang nakasunod ang tingin sa kanya."Oh, iha. There you are. Kanina pa kita hinihintay. Halika, mag-uumpisa na a
Naibuhos na ni Elyssa ang lahat ng luha at pugto na ang mata sa kakaiyak pero hindi pa rin nawawala ang sakit na naramdaman niya dahil sa nabasa."How could you do this to me, Louie? Bakit mo ako pinaglalaruan!?" Kanina pa siya kinakatok ng ina pero hindi ito sinagot ni Elyssa at nagkunwari siyang tulog. At ngayon nga ay kumakatok na ulit ito. Pinaghahanda na siya dahil aayusan para sa party mamaya. Alas-singko na ng hapon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita si Louie na lalong nagpapasama ng loob niya. Mula kaninang umaga pagkagising niya hanggang ngayon ay hindi pa rin lumilitaw ang anino nito.Dapat ay masaya si Elyssa dahil welcome party niya ngayon at makikilala na siya ng sambayanan na isang heridera ng Del Rio group. Pero kabaliktaran ang nararamdaman niya ngayon. Para siyang sinakluban ng langit at lupa sa sobrang bigat ang pakiramdam niya."Walanghiya ka, Louie! Niloloko mo lang pala ako! Kahit kailan hindi mo ako minahal! Pinaglaruan mo lang ang damdamin ko. A
Habang nasa carpark at hinihintay si Louie, ay hindi mapakali si Elyssa. Nais niyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Louie at Jevy ngayon pero nagtimpi siya hanggang makabalik si Louie. Gustuhin man niyang magpaiwan ay itinulak siya palabas ni Louie saying that the talk would not include about her. Elyssa was not hurt by that, but curiosity got out of her. "Bakit ‘nak?" Hindi na makatiis ang kanyang ina kaya nagtanong ito nang makita ang pagkabalisa niya. Napakamot sa ulo si Elyysa at nilingon ang ina. "Wala po. I was just wondering what Louie could talk about with Jevy and the rest. Hindi pa naman sila ganoon kapamilyar sa isa’t isa. Misteryosong ngiti ang iginanti ng ina. Bahagyang nangunot ang noo ni Elyssa dahil sa reaksyon ng ina. Pati ba ito may alam? "Don't worry so much about it, iha. Everything is under control!" "What do you mean, inay?" nagtataka pa ring tanong niya. Umalis siya sa pagkakasandal sa kotse ni Louie at umayos ng tayo. Ngunit hindi ito sumagot ba
“Damn! Issay?" Hindi makapaniwalang sansala ni Louie nang makita sa likuran niya si Elyssa. Mabilis pa sa alas-kuwatrong itinulak niya ang babaeng kayakap na wala siyang ideya kung sino. What the hell! Who is that?!Namutla na parang binuhusan ng suka ang mukha ni Louie nang makita ang hitsura ng taong kaharap. How could I mistake this woman for Issay? Damn, I’m doomed!Bumaling siya sa kasintahan. “Issay, you are there…” Napakamot siya sa batok."Oo, nandito ako! Sino ‘yang kayakap mo?" Ngumiti ito pero alam ni Louie na hindi ito natutuwa sa ginawa niya."A-ahh, honey kasi… I’m sorry. I mistaken her for you.” Nakangiwi ang mukha na paliwanag ni Louie at sinulyapan ang estrangherang babae. He flinched when he saw her looking at him dreamingly.Elyssa snickered. Hindi masisisi ni Louie ang kasintahan kung bakit. Her girlfriend was far from the woman he mistakenly hugged. Hindi siya mapanglait pero ayaw niya ikompara ang dalawa dahil mula Batanes hanggang Julu ang agwat ng dalawa."Loui